You are on page 1of 1

GUERRA, tumudla ng gintong medalya sa Palarong Pambansa

Cagayan de Oro City- Pinaluhod ng Caraga wrestler na si Raynold Guerra ang Region III
wrestler na si Ezekene Estomago, pinagharian ang gintong medalya sa Palarong Pambansa
Wrestling Event, Junior's 54kg category sa Davao City noong July 5, 2019.

Ang dalawang mandirigma ay parehong may malaki na kasanayan, at may sportmanship


tungo sa isa't-isa.

May mga lakas sa pagpadapa sa kanilang dalawa, merong mga abilidad at determinasyon,
ngunit mas marunong dumiskarte si Guerra kaysa kay Estomago.

" All I did was defended myself while attacking at the same time, I just focused on getting on
top of him and scored" sabi ni Raynold Guerra.

Nagpakita si Guerra ng mga kamangha-manghang paglaban, palaging pinapadapa si


Estomago sa lupa.

Ginawa lahat nang makakaya ni Estomago at pinili niyang tumakas at makipagbaliktaran kay
Guerra ngunit patuloy parin si Guerra sa kaniyang balanse at hindi niya hinayaang
mahawakan siya ng mabuti ni Estomago.

Tila parang nagkayakap palagi sina Guerra at Estomago dahil sa walang katapusang
pagtulak sa isa't-isa.

Mainit ang labanan ng dalawa, higit na mas nag-ingay ang ang mga suporta ng mga
manonood, suporta ng dalawang mandirigma.

Halos hindi na makagalaw si Estomago sa paghawak ni Guerra sa kanya. Humahanap


talaga si Estago ng paraan upang makabawi kay Guerra ngunit hindi parin niya ito kayang
ipadapa dahil sa taglay na lakas ni Guerra.

Binigay na ni Estomago ang lahat, ginawa na niyang makahawak kay Guerra pero hindi
parin niya ito mapadapa. Meron talagang kakaibang taglay na lakas si Guerra.

Sa wakas ay pinadapa na ni Guerra si Estomago at nakamit ang gintong medalya.


Nagresulta ng munting lungkot ang Region III wrestler na si Estomago pero tinanggap parin
niya ang kaniyang pagkatalo. Subalit, nakatanggap si Estomago ng pilak na medalya.

Deserve ni Guerra ang panalo at ito ay dahil sa kanyang mabisang lakas.

You might also like