You are on page 1of 23

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Araling Panlipunan
Kwarter 3, Linggo 1-2, Modyul 12
Paikot na Daloy ng Ekonomiya

(design your own cover page)

Department of Education ● Republic of the Philippines


Araling Panlipunan- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 3, Linggo 1-2, Modyul 12: Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek
permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V
Development Team of the Module
Writer/s: Irna P. Blanco, Eva S. Cagula
Content and language Evaluators: Leonarda L. Arazo, Lenore M. Boa,
Ananias T. Clarido, Jr.,PhD
Illustrator and Layout Artist: Dennis Baynos
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, MSPh, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Members: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID
Virginia N. Nadayag, EPS-Araling Panlipunan
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

i
9
Araling Panlipunan
Kwarter 3, Linggo 1-2, Modyul 12
Paikot na Daloy ng Ekonomiya

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


select teachers, school heads, and Education Program Supervisor in Araling
Panlipunan of the Department of Education - Division of Iligan City. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education-Iligan City Division at iligan.city@deped.gov.ph or Telefax:
(063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

ii
Talaan ng Mga Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya --------------------------------------------------- 1


Alamin --------------------------------------------------- 2
Pangkalahatang Panuto --------------------------------------------------- 3
Subukin --------------------------------------------------- 4
Aralin 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Balikan --------------------------------------------------- 6
Tuklasin --------------------------------------------------- 7
Suriin --------------------------------------------------- 8
Pagyamanain --------------------------------------------------- 14
Isaisip --------------------------------------------------- 15
Isagawa --------------------------------------------------- 16
Buod --------------------------------------------------- 17
Tayahin --------------------------------------------------- 17
Susi sa Pagwawasto --------------------------------------------------- 19
Sanggunian --------------------------------------------------- 19

iii
Modyul 1
Paikot na Daloy
ng Ekonomiya
Pangkalahatang Ideya

Ikaw ay may sapat nang kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand


at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
pagdedesisyon ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pambansang
kaunlaran. Sa puntong ito pag-aaralan mo ang iba’t ibang sektor sa paikot na
daloy ng pambansang ekonomiya. Masusuri din ang bawat papel na
ginagampanan ng bawat sektor at ang ugnayan ng mga ito sa bawat isa.
Ang mga gawain at teksto na inihanda sa modyul na ito ay ginawang
simple upang maging madali ang pagkakaunawa mo sa paikot na daloy ng
pambansang ekonomiya. Ang modyul na ito ay angkop sa iyo bilang mag-
aaral na nasa Grade 9 mula rural at urban.

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng


mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

1. naiisa-isa ang bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya;


2. nasusuri ang papel na ginagampanan ng bawat sektor at mga pamilihan na
bahagi
ng paikot na paggalaw ng pambansang ekonomiya; at
3. napapahalagahan ang ugnayan ng bawat bahagi sa paikot na daloy ng
ekonomiya.

1
Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matutunan
Upang matamo ang inaasahang layunin, gawin mo ang sumusunod:
 Maglaan ng sapat na oras sa pagbabasa ng mga aralin. Huwag
madaliin at maging maingat sa pag-unawa sa binabasa.
 Sunding mabuti ang mga panuto o direksyon sa paggawa ng mga
gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga tanong at gawain.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga
Alamin layunin o mithiing dapat matamo sa pag-
aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong


kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa
Subukin pamamagitan nito masususuri kung ano na
ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang
aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak


sa iyong natutunan at magbibigay
Pagyamanin pagkakataong mahasa ang kasanayang
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa


iyong mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo


upang mailapat ang iyong mahahalagang
Isagawa natutunan sa mga pangyayari o sitwasyon
sa totoong buhay.

2
Subukin (Pre-Test)

Panuto: Subukan muna nating tasahin ang inyong kaalaman tungkol sa


paikot na daloy ng ekonomiya. Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat
aytem at sagutin ito ng may pag-iingat. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa inyong activity notebook.

1. Kalahok sa paikot na daloy na tanging may kakayahang lumikha ng mga produkto


at serbisyo.
A. Bahay-kalakal B. Pamahalaan
C. Panlabas na Kalakalan D. Sambahayan
2. Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang binibigay.
A. Interes B. Sahod C. Tubo D. Upa

3. Kita ng sambahayan na di ginagasta upang may magamit sa hinaharap.


A. Kita B. Impok C. Sahod D. Utang

4. Sektor ng ekonomiya na nagmamay-ari sa lahat ng salik ng produksyon at


pamilihan ng salik ng produksyon.
A. Bahay-kalakalal B. Pamahalaan
C. Sambahayan D. Financial Intermediaries

5. Ito ang nagpapakita ng ugnayan at gawain ng lahat ng sektor na bumubuo sa


ekonomiya ng ating bansa.
A. Paikot na daloy ng ekonomiya
B. Paikot na daloy ng estado.
C. Paikot na daloy ng lipunan.
D. Paikot na daloy ng pambansang kaunlaran.
6. Modelo ng pambansang ekonomiya na naglalarawan ng simpleng sistema
lamang.
A. Ikaapat na Modelo B. Unang Modelo
C. Ikatlong Modelo D. Ikalawang Modelo

7. Maraming uri ng mga pamilihan ang nabubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.


Aling pamilihan kung saan nagaganap ang bilihan ng mga produktong
pangkonsumo?
A. Pamilihang pinansiyal
B. Pamilihan ng tapos na produkto
C. Pamilihan ng mga salik ng produksiyon
D. Pamilihang panlabas

3
8. May papel na ginagampanan ang bawat sektor sa pagdaloy ng ekonomiya.
Naaapektuhan ba ng daloy ng ekonomiya kung may mawawala o mapapalitang
sektor na kalahok nito?
A. Oo, dahil magkakaugnay ang lahat ng sektor.
B. Oo, dahil magbabago ang perang iikot sa daloy ng ekonomiya.
C. Hindi, dahil patuloy na gagalaw ang ekonomiya kahit wala ang isang
sektor nito.
D. Hindi, dahil magpapatuloy pa rin ang produksiyon ng mga produkto at
serbisyo kahit nabago ang takbo sa daloy ng ekonomiya.
9. May ugnayang namamagitan sa bawat sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Paano nagkakaugnay ang sambahayan at bahay kalakal?
A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon nasumasailalim
ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga
bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makabuo ng
produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa mga bahay kalakal.
10. Malago at maunlad kung maayos ang daloy ng ekonomiya. Bakit mahalagang
maunawaan ang paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kapag masigla ang paikot na daloy ay palatandaan na mayaman ang mga
mamamayan.
B. Ang masiglang paikot na daloy ay palatandaan ng maunlad na ekonomiya
C. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay katibayan na magaganda ang
produkto at serbisyo ng bansa.
D. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay tanda na mahusay ang mga
namamahala sa bansa.

4
Paikot na Daloy ng
Aralin Ekonomiya
1
Balikan

TALASALITAAN
Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin ang mga
konseptong natalakay sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagpuno sa
nawawalang titk sa mga salita. Gawin ito sa activity notebook.

1. S H __ R __ A G E
(Isang pansamantalang pangyayari sa pamilihan kung saan ang supply ng
produkto ay hindi sasapat sa planong ikonsumo ng tao)

2. __ A M __ __ I H A N
(Isang organisadong sistemang pang- ekonomiya kung saan nagtatagpo ang
konsyumer at prodyuser)

3. P R I __ __ C E __ L I N __
(Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang
negosyante ang kaniyang produkto.)

4. M __ N __ __ O L __ O
(Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser)

5. __ L I __ O P O __ __ O
(Pamilihan na may iilang prodyuser at maraming konsyumer.)

5
Tuklasin
LARAWAN-SURI

Suriing mabuti ang mga larawan sa kolum A ng talahanayan at gawing gabay


ito sa pagsagot sa hinihinging na konsepto na tinutukoy ng mga pahayag sa bawat
aytem ng kolum B. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

Kolum A Kolum B
1. Salaping kinokolekta ng
pamahalaan upang
makalikom ng pondo.
_______________________
pxfuel.com/en/free-photo-orclv

2. Pinagmumulan ng mga
salik ng produksiyon.

_______________________

https://www.needpix.com/photo/download/1898775/house-
moving-contract-box-family-mortgage-home-sold-real

3. Bumubuo ng mga
produkto at serbisyong
panlipunan.

_______________________
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rodrigo_Duterte_a
nd_his_predecessors_(Ramos,_Estrada,_Arroyo_and_Aquino
_III).jpg

4. Tagalikha ng mga
produkto at serbisyo.

_______________________

https://en.wikipedia.org/wiki/Shoemaking

5. Tumatanggap ng impok
at nagpapautang sa mga
mamumuhunan.
_______________________

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Iriga_City_Public_
Library_and_DBP.JPG

6
Suriin

Ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor ang mga


pangunahing aktor sa daloy ng ekonomiya. Binubuo din ito ng mga pamilihan tulad
ng factor market, input market, financial market at world market.

Iba’t ibang Modelo ng Pambansang Ekonomiya

Mayroong limang modelo ang pambansang ekonomiya. Ipinapakita sa bawat


modelo ang galaw at gampanin ng bawat kasapi ng iba’t ibang sektor at maging ang
pamilihan nito.

Unang Modelo

Ang unang modelo at tinatawag na simpleng ekonomiya. Ang


sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya rin
ang konsyumer.

Sambahayan Bahay-kalakal

(thearchistudio.com/koh-samui-builder-building-
(freesvg.org/a-simple-house)
construction-company-construction-equipment)

Ikalawang Modelo
 Pangunahing aktor ang sambahayan at bahay kalakal na may
magkaibang gampanin.
 May demand/pangangailangan ang sambahayan ngunit walang
kakayahang lumikha ng produkto
 Bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto
ngunit kulang sa salik ng produksiyon.
 Nakikipag-ugnayan ang dalawang aktor upang matugunan ang
kawalan sa bawat isa sa pamamagitan ng pamilihan.
 May dalawang pamilihan, ang pamilihan ng tapos na produkto at
pamilihan ng salik ng produksiyon.
 Bilang kabayaran sa mga ginamit na salik ng produksiyon ng bahay-
kalakal tumatanggap ng kabayaran na sahod para sa paggawa, interessa
kapital, kita sa entreperenyur at upa sa lupa bilang kita ng sambahayan.

7
 Para sa pangangailangan ng sambahayan bibili siya sa pamilihan ng
tapos na produkto na siyang magiging gastos sa panig ng sambahayan
at kita naman sa bahay-kalakal.

Kita Paggasta
PAMILIHAN NG
TAPOS NA
PRODUKTO

Pagbebenta ng Pagbili ng
kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

Bahay-kalakal Sambahayan

Input para sa produksiyon Lupa, kapital at paggawa

PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
(Lupa, Kapital, Lakas-paggawa,
Entreprenyur)
Sahod, upa
Kita
at tubo

8
Ikatlong Modelo

Kita Paggasta
PAMILIHAN NG
TAPOS NA
PRODUKTO
Pagbebenta ng Pagbili ng
kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

Bahay-kalakal Sambahayan

Input para sa produksiyon Lupa, kapital at paggawa

PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
(Lupa, Kapital, Lakas-paggawa,
Entreprenyur)
Sahod, upa
at tubo Kita

PAMILIHANG PINANSIYAL/FINANCIAL
MARKET
(Bangko, kooperatiba, insurance company,
pawnshop, stock market)

Pamumuhunan Pag-iimpok

9
 May pamilihang pinansiyal/financial market (bangko, pawnshop,
insurance company, kooperatiba at stock market)
 Lagayan ng impok ng sambahayan
 Nagpapahiram sa mga namumuhunan
 Naniningil ng interes sa namumuhunan bilang kabayaran sa inutang
 Kita ng sambahayan ang interes na ibinayad ng bahay-kalakal sa
pamilihang pinansiyal
 Ang broken lines ay nagpapahiwatig na hindi orihinal na kasali sa
paikot na daloy ang pamilihang pinansiyal

Ikaapat na Modelo

Kita Paggasta
PAMILIHAN NG
TAPOS NA
PRODUKTO
Pagbebenta ng
kalakal at Pagbili ng
paglilingkod kalakal at
paglilingkod

Bahay-kalakal Sambahayan
PAMAHALAAN

Input para sa produksiyon Lupa, kapital at paggawa

PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
(Lupa, Kapital, Lakas-paggawa,
Sahod, upa Entreprenyur) Kita
at tubo

PAMILIHANG PINANSIYAL/FINANCIAL
MARKET
(Bangko, kooperatiba, insurance company,
pawnshop, stock market)

Pamumuhunan Pag-iimpok

10
 Pangunahing gampanin ng pamahalaan ang pangongolekta ng buwis
mula sa sambahayan at bahay-kalakal
 Public revenue ang tawag sa kita ng pamahalaan na ginagamit nito sa
mga pamproyektong gawain na kadalasan ay pangangailangan ng
sambahayan at bahay-kalakal.
 Broken lines pa rin ang ginamit dahil nasa politikal na sektor ang
pamahalaan.

Ikalimang Modelo

Gastos sa pag- Gastos sa pag-


luluwas/export aangkat/import
PANLABAS NA
SEKTOR
Kita Paggasta
PAMILIHAN NG
TAPOS NA
PRODUKTO
Pagbebenta ng Pagbili ng
kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

Bahay-kalakal Sambahayan

PAMAHALAAN

Lupa, kapital at
Input para sa produksiyon paggawa

PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
(Lupa, Kapital, Lakas-paggawa,
Sahod, upa Entreprenyur)
at tubo Kita

PAMILIHANG PINANSIYAL/FINANCIAL
MARKET
(Bangko, kooperatiba, insurance company,
pawnshop, stock market)

Pamumuhunan Pag-iimpok

11
 Bukas ang ekonomiya.
 May panlabas na sektor at pamilihang pandaigdigan
 May export at import

ANG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Gastos sa pag- Gastos sa pag-


luluwas/export PANLABAS NA aangkat/import
SEKTOR
Kita Paggasta
PAMILIHAN NG
TAPOS NA
PRODUKTO
Pagbebenta ng Pagbili ng
kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

Sambahayan
Bahay-kalakal

PAMAHALAAN

Lupa, kapital at
Input para sa produksiyon paggawa

PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
(Lupa, Kapital, Lakas-paggawa,
Entreprenyur) Kita
Sahod, upa
at tubo
PAMILIHANG PINANSIYAL/FINANCIAL
MARKET
Pamumu- (Bangko, kooperatiba, insurance company, Pag-iimpok
hunan pawnshop, stock market)

12
Pagyamanin

SURIIN AT UNAWAIN!
Panuto: Kumpletuhin ang dayagram ng paikot na daloy ng ekonomiya.
Alamin ang mga aktor na hinihingi sa bawat kahon na may bilang sa dayagram na
may mahalagang papel sa daloy ng ekonomiya. Isulat ang sagot sa iyong activity
notebook.

Gastos sa pag- Gastos sa pag-


luluwas/export 1. ________________ aangkat/import

Kita Paggasta
PAMILIHAN NG
TAPOS NA
Pagbebenta ng PRODUKTO Pagbili ng
kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

Bahay-kalakal Sambahayan
3. ________________ 4.______
_
2.
_______

Input para sa produksiyon Lupa, kapital at paggawa

PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON
Sahod, upa (Lupa, Kapital, Lakas-paggawa, Kita
at tubo
Entreprenyur)

5.
_________________________________________
Pamumuhunan _ Pag-iimpok

13
Isaisip

SURI KO, SAGOT KO!

Suriing mabuti ang mga larawan na nasa ibaba na bumubuo sa sambahayan ng


paikot na daloy ng ekonomiya. Ipaliwanag kung paano ito nakatutulong sa pagtaas ng
produktibidad. Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

https://remit.com.au/philippines-in-dire-need-of-skilled-construction-workers/January 31, 2017

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Mananahi
https://mattscradle.com/tesda-garments-tailoring-dress-making-training-schools/

_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

Magsasaka
https://www.wallpaperflare.com/woman-standing-near-black-cattle-on-green-grass-field-sunset-wallpaper-uiziv

14
Isagawa

POSTER MAKING

Gumawa ng poster para sa tema ng BIR 2019 tax campaign “I love


Philippines, I pay taxes correctly”. Gawing gabay ang rubric sa ibaba sa
gagawing poster. Iguhit ito sa iyong activity notebook.

“I love
Philippines, I
pay taxes
correctly”

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Heart_icon_red
_hollow.svg

Rubrik sa Pagmamarka ng Poster Campaign


Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Kaangkupan ng Angkop at makabuluhan
10
Nilalaman ang mensahe
Kahusayan sa Mapanghikayat at
paggawa makapukaw-pansin ang 5
ginawa
Orihinalidad at Nagpapakita ng
pagkamalikhain natatanging disenyo gamit
5
ang pagiging malikhain at
angkop na kagamitan
Kabuuang Puntos 20

15
Buod
Natatalakay sa modyul na ito ang paikot na daloy ng ekonomiya.
Naunawaan ang kabuuan ng paksa at natamo ang mga layon ng modyul na ito
dahil sa mga inihandang gawain. Sa pagganap ng mga gawain, nabigyang linaw
ang mga sumusunod:

 Ang mga sektor at pamilihan na bumubuo sa paikot na daloy ng


ekonomiya.
 Ang papel na ginagampanan ng bawat sektor na bahagi ng
pagdaloy ng pambansang ekonomiya.
 Ugnayan ng bawat bahagi sa paikot na daloy ng pambansang
ekonomiya.

Tayahin (Post – test)

Panuto: Subukan muna nating tasahin ang inyong kaalaman tungkol sa paikot na
daloy ng ekonomiya. Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem at
sagutin ito ng may pag-iingat. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong
activity notebook.

1. Kalahok sa paikot na daloy na tanging may kakayahang lumikha ng mga produkto


at serbisyo.
A. Bahay-kalakal B. Pamahalaan
C. Panlabas na Kalakalan D. Sambahayan
2. Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang binibigay.
A. Interes B. Sahod C. Tubo D. Upa
3. Kita ng sambahayan na di ginagasta upang may magamit sa hinaharap.
A. Kita B. Impok C. Sahod D. Utang
4. Sektor ng ekonomiya na nagmamay-ari sa lahat ng salik ng produksyon at
pamilihan ng salik ng produksyon.
A. Bahay-kalakalal B. Pamahalaan
C. Sambahayan D. Financial Intermediaries
5. Ito ang nagpapakita ng ugnayan at gawain ng lahat ng sektor na bumubuo sa
ekonomiya ng ating bansa.
A. Paikot na daloy ng ekonomiya B. Paikot na daloy ng estado.
C. Paikot na daloy ng lipunan. D. Paikot na daloy ng pambansang
kaunlaran.

16
6. Modelo ng pambansang ekonomiya na naglalarawan ng simpleng sistema
lamang.
A. Ikaapat na Modelo B. Unang Modelo
C. Ikatlong Modelo D. Ikalawang Model

7. Maraming uri ng mga pamilihan ang nabubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.


Aling pamilihan kung saan nagaganap ang bilihan ng mga produktong
pangkonsumo?
A. Pamilihang pinansiyal
B. Pamilihan ng tapos na produkto
C. Pamilihan ng mga salik ng produksiyon
D. Pamilihang panlabas

8. May papel na ginagampanan ang bawat sektor sa pagdaloy ng ekonomiya.


Naaapektuhan ba ng daloy ng ekonomiya kung may mawawala o mapapalitang
sektor na kalahok nito?
A. Oo, dahil magkakaugnay ang lahat ng sektor.
B. Oo, dahil magbabago ang perang iikot sa daloy ng ekonomiya.
C. Hindi, dahil patuloy na gagalaw ang ekonomiya kahit wala ang isang
sektor nito.
D. Hindi, dahil magpapatuloy pa rin ang produksiyon ng mga produkto at
serbisyo kahit nabago ang takbo sa daloy ng ekonomiya.

9. May ugnayang namamagitan sa bawat sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya.


Paano nagkakaugnay ang sambahayan at bahay kalakal?
A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na capital sa mga
bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakolektang buwis upang makabuo
ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon
ng karagdagang trabaho para sa mga bahay kalakal.

10. Malago at maunlad kung maayos ang daloy ng ekonomiya. Bakit mahalagang
maunawaan ang paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kapag masigla ang paikot na daloy ay palatandaan na mayaman ang
mga mamamayan.
B. Ang masiglang paikot na daloy ay palatandaan ng maunlad na ekonomiya
C. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay katibayan na magaganda ang
produkto at serbisyo ng bansa.
D. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay tanda na mahusay ang mga
namamahala sa bansa.

17
Susi sa Pagwawasto

1. A 6. B
2. B 7. B
3. B 8. A
4. C 9. A
5. A 10. B

Mga Sanggunian

Aklat

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Ekonomiks, Araling Panlipunan


Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, (Pasig City: Vibal Group, Inc., 2015),
232-236.

Websites

https://www.thearchistudio.com/koh-samui-builder-buildingconstruction-
companyconstruction-equipment/factory-industry-plant-power-plant-real-estate-
smoke- icon- icon-8-2 (accessed May 15, 2020).

https://www.iconspng.com/image/137852/home-icon-sideview(accessedMay15,2020)

https://remit.com.au/philippines-in-dire-need-of-skilled-construction-workers/January
31, 2017 (accessed May 21, 2020)

https://mattscradle.com/tesda-garments-tailoring-dress-making-training-schools/
(accessed ` May 21, 2020)

https://www.wallpaperflare.com/woman-standing-near-black-cattle-on-green-grass-
field- sunset-wallpaper-uiziv ( Accessed may 21, 2020)

https://www.pxfuel.com/en/free-photo-orclv (accessed July 4, 2020)

https://www.needpix.com/photo/download/1898775/house-moving-contract-box-
family- mortgage-home-sold-real (accessed July 4, 2020)

18
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rodrigo_Duterte_and_his_predecessors_(R
Ramos,_Estrada,_Arroyo_and_Aquino_III).jpg (accessed July 4, 2020)

https://en.wikipedia.org/wiki/Shoemaking (accessed July 4, 2020)

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Iriga_City_Public_Library_and_DBP.JPG
(accessed July 4, 2020)

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Heart_icon_red_hollow.svg (accessed
July 5, 2020)

For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

19

You might also like