You are on page 1of 2

4/7/22, 8:57 AM Coronary Heart Disease

繁 简
Menu Search Email

Coronary Heart Disease

Sakit sa Ugat ng Puso

Introduksyon

Noong 2018, ang sakit sa puso ang naging ikatlong nakakamatay na sakit sa Hong Kong kasunod ng kanser at pulmonya. Kabilang sa iba't ibang uri ng sakit sa puso, ang sakit sa ugat ng puso na ang
pinakakaraniwan. Sa mga nagdaang taon, ang bilang ng mga sakit sa ugat ng puso sa mga mas bata ang edad ay tumataas.

Mga Sanhi

Habang tumatanda ang isang tao, ang mga malalaking ugat sa puso (coronary artery) ay kumikipot o nababarahan ng mga depositong naglalaman ng kolesterol (mga plaque) na nabuo sa pamamagitan
ng proseso ng atherosclerosis.
Kapag ang mga malalaking ugat sa puso ay nagiging makipot o nabarahan, ang agos ng dugo sa puso ay mababawasan at ang supply ng oxygen sa mga kalamnan ng puso ay bababa o hihinto lalo na sa
panahon ng mga pisikal na aktibidad. Ang pasyente ay makakaranas ng sakit sa dibdib at sa matinding kaso isang atake sa puso.
Kasama sa mga panganib na kadahilanan para sa sakit sa puso:
Mataas na presyon ng dugo
Mataas na kolesterol ng dugo
Diabetes mellitus
Di-malusog na kaugalian sa pagkain
Paninigarilyo
Labis na katabaan
Kakulangan ng ehersisyo
Malubhang kaigtingan (stress)
Kasaysayan ng sakit sa ugat ng puso sa pamilya

Sintomas ng Sakit sa Ugat ng Puso

Mangangailangan ng matagal na panahon para mabuo ang atherosclerosis. Maaaring walang anumang mga sintomas bago ang unang pangyayari ng atake sa puso. Ang mga pasyente ay maaaring
magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:
Sakit sa dibdib: Ang mga pasyente ay maaaring magkaroon ng pananakit sa dibdib pagkatapos ng puspusang pag-ehersisyo o dumadanas ng emosyonal na kaigtingan. Maaari silang makaramdam ng
paninikip sa buong dibdib na parang dinadaganan ng isang bato. Ang sakit ay maaaring umabot sa braso, balikat, leeg at ibabang panga at maaaring humupa matapos ang ilang minutong pahinga ng
pasyente
Pangangapos ng hininga: Ang mga pasyente ay maaaring makadanas ng pangangapos ng hininga at pagkapagod sa pisikal na gawain.
Acute myocardial infarction (atake sa puso) - Biglaang matinding sakit sa dibdib na maaaring umabot sa leeg, braso at ibabang panga. Ang pasyente ay maaaring dumanas ng pamamawis, pangangapos
ng hininga, pagduduwal at pagsusuka o mawalan ng malay. Sinumang makaranas ng mga sintomas na ito ay dapat na agad na dalhin sa Departamento ng Aksidente at Emergency ng isang ospital upang
humingi ng medikal na paggamot.

Pag-iwas sa sakit sa ugat ng puso

Ipinakita ng mga pag-aaral na sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga kadahilanan ng panganib, maaari nating mabawasan ang posibilidad ng sakit sa ugat ng puso.

Huwag manigarilyo o uminom


Magkaroon ng malusog na kaugalian sa pagkain sa pamamagitan ng pagsunod sa isang balanse, mababa sa taba, mababa sa asukal, mababa sa asin at mataas na fiber na diyeta
Panatilihin ang isang malusog na timbang ng katawan (BMI <23 kg / m2, sirkumperensiya ng baywang <90 cm para sa mga kalalakihan, sirkumperensiya ng baywang <80cm para sa mga kababaihan)
Magsanay ng may katamtamang intensidad ng aerobic na pisikal na aktibidad sa loob ng hindi bababa sa 10 minuto, tulad ng pagdya-jogging, paglalakad, pagsasanay ng Tai Chi, paglangoy upang
maabot sa lingguhang target na hindi bababa 150 minuto bilang kabuuan o 75 minuto ng puspusang intensidad ng aerobic na pisikal na aktibidad bilang kabuuan (kung mayroon kang mga kadahilanan ng
panganib sa sakit na puso, mangyaring humingi ng payong medikal bago mag-ehersisyo.)
Pamahalaan nang maayos ang kaigtingan
Panatilihin ang mahusay na kontrol sa mga talamak na sakit hal. alta presyon at diabetes mellitus, sa pamamagitan ng pagpunta sa regular na follow-up at uminom ng mga gamot ayon sa mga tagubilin ng
mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.

Back

Last Revision Date: 7 August 2020


;
2016 © | Home | Sitemap | Important Notices | Privacy policy

https://www.elderly.gov.hk/english/other_languages/phillipines_12.html 1/2
4/7/22, 8:57 AM Coronary Heart Disease

https://www.elderly.gov.hk/english/other_languages/phillipines_12.html 2/2

You might also like