You are on page 1of 742

MY PSYCHO BILLIONAIRE

LEVEL 0

PANTHER FORESTEIR, THE RICHEST AND THE YOUNGEST


BILLIONAIRE IN ASIA IS LOOKING FOR 7 WIVES.

#TheSearchFor7Wives is now officially open for auditionees!

Please see the details below.


Qualifications:
• Applicants must be single
• At least 18-28 years of age
• Emotionally stable
• No history of using drugs
• Clear skin
• Healthy hair
• Well-proportioned facial features
• Well-proportioned body structure
• Must be 5″-5″8 tall
• Weight must be between 90 lbs. and 120 lbs.
• No body odor

Requirements:
• Police and NBI Clearance
• At least 2 Valid Government IDs
• Valid Passport
• A Certificate of No Marriage Record (CENOMAR)
• Medical
Required Qualities:
• Must be flexible
• Excellent concentration skills
• Enjoy artistic and creative activities
• Ability to Handle Pressure
• Must be flexible (again)
LEVEL 1

I WANT TO BE A SINGER!

I just realized my dreams in life last week. I wanted to sing, to


touch the hearts and souls of the audience, with my voice. Ang
pagkanta ay hilig ko na noon pa, pero last week lang ay gusto ko na
itong gawing career at seryosohin. Bigla-bigla talaga akong mag-
desisyon pero ganito talaga kasi ako; kapag may ginusto, talagang
ginagawa at pinangangatawanan ko.

Ako nga pala si Macey Ela B. Sandoval, daughter of a rich


business tycoon, pero heto at loose polo ang suot ko at lumang
baggy pants. Hindi ako katulad ng ibang anak-mayaman na
conscious sa fashion at brand. Hindi rin ako pressured maging
perpekto. I just liked doing my own thing and going against the
norms.

Ayos lang naman sa aking parents na ganito ako. It was only the
society who labeled me as a weirdo, but I took no heed, so long as I
was doing what I knew was right and fair.

Katulad ngayon. Naririto ako sa pila ng Pilipinas Got Talent


audition. Aabutin ko na ngayong araw na ito ang kare-realize ko
lang na pangarap last week—to be a singer.

Sobrang haba ng pila. Pero siguro, mas mahaba ang pila sa


kabilang building. By the way, sa kabilang building pala ay sabay na
nagaganap ang “Search for the 7 Wives”. Iyon ang controversial na
paghahanap ng pitong babaeng aasawahin ng isa sa pinakabatang
bilyonaryo sa mundo na si Panther Foresteir.

Kusang umismid ang mga labi ko pagkabanggit ng pangalan sa


isip. I knew that man, that Panther Foresteir. He was my childhood
friend. Actually, he was my ex. Naging boyfriend ko siya noong five
years old ako.

Ayaw ko sana siyang sagutin noon pero ang sabi niya, hindi niya
ako bibigyan ng kinakain niyang chocolate. E, mukhang masarap
talaga iyong chocolate, kaya ayun, sinagot ko siya.

My plan was to break up with him after eating the chocolate,


ang kaso marami pa pala siyang chocolates na itinatago. Iniisa-isa
niyang inilalabas kaya no choice ako kung hindi maghintay sa kanya
araw-araw. Hanggang sa umabot kami ng aming first monthsary.

Nagkahiwalay lang kami nang mamatay ang mommy niya. RIP.

Nang mamatay nga ang mommy niya, hindi ko na ulit siya


nakita. Hindi ko alam kung bumalik siya sa Italy. Five years old pa
lang ako noon, malay ko ba kung paano siya hahanapin. Aside sa
wala pa akong cellphone noon ay hindi pa rin ako marunong
magbasa.

Hanggang ngayon ay naaalala ko pa siya. Pero ako? I doubt if he


could still remember me. Lalo na niya sigurong hindi naaalala ang
pangako niya. Noon kasing mga bata kami ay nangako siya sa akin.
Ang sabi niya, pakakasalan niya ako paglaki namin.
Malamang limot niya na lahat. Limot niya na ako at ang pangako
niya. Ayon nga at naghahanap na siya ng ibang aasawahin. At pito
pa talaga ang gusto ng talipandas. Okay lang naman, no hard
feelings.

Nakakainis lang talaga iyong mga girls na nakapila roon sa


“Search for 7 Wives” niya. Makikipag-compete sila sa isa’t isa just
to win? Sana lang aware sila na may saltik iyong lalaking pag-
aagaw-agawan nila.

Right. This was a world that moved because of money. And


Panther Foresteir was a fucking billionaire.

Napaka-unfair ng hinayupak na lalaking iyon. Porket mayaman


siya ay gusto niya nang marami siyang asawa. Bakit naman ako?
Well off ang aking pinanggalingang pamilya at spoiled ako sa daddy
ko, pero lumaki naman akong patas, marangal, makakalikasan,
makatao, at makabansa.

May kumalabit sa likod ko. “Miss, usod na.”

Pagtingin ko sa harapan ay umandar na pala ang pila. Umusod


na rin ako. Malapit na ako sa unahan at kinakabahan ako. Sana
naman makapasa ako sa audition. Sana hindi ako pumiyok.

Nag-beep ang phone ko.

Phoenix:
Hoy babae, nasaan lupalop ka na naman daw tanong nina Dad!
It was my younger and only brother, Phoenix Lax Sandoval. Siya
iyong kapatid kong lalaki na mula nang ipanganak ay wala nang
ibang ginawa kung hindi ang ubusin ang pasensiya ko.

Nag-type ako ng reply.

Me:
Please do not find me. Hayaan niyo akong abutin ang mga
pangarap ko.

Phoenix:
You'll pursue singing?

Hindi na ako nag-reply pa. Understood na iyon. Magugulat na


lang sila kapag napanood nila ako sa Pilipinas Got Talent.

Ayaw kasi nina Mommy at Daddy na i-pursue ko ang pagkanta.


Magulo raw kasi sa showbiz, baka masaktan lang daw ako. Plus,
hindi ko alam kung bakit lapitin ako ng gulo, e, as far as I know,
wala akong balat sa pwet.

Ang gusto ng parents ko ay pag-aralan ko ang pagma-manage ng


business namin. Since ako ang panganay sa aming dalawa ni
Phoenix, ako raw ang magmamana ng position ni Daddy in the near
future.

Or maybe wala silang tiwala kay Phoenix. Iyon kasing kapatid


kong iyon ay matalino naman sana, ang kaso ay walang inatupag
kung hindi ang banda niya at fraternity. Kung may pangarap man
iyon sa buhay, iyon ay ang i-break ang record ng 100,000
girlfriends.

Pagkarating ko sa dulo ng pila ay isang matandang babae ang


naroon. Hawak niya sa mga kamay ang folder na kinalalagyan ng
form na finill out ko kanina.

“Macey Ela B. Sandoval?” nakangiting tanong niya sa akin.

“Yes, Ma'am.”

“Congratulations! Pasok ka na sa circle of 100.”

“Ho? Pero hindi pa po ako nakakapag-audition?” nagtatakang


tanong ko.

“Your photos and the form that you filled out are already
enough for this evaluation.”

“Ha?” naguguluhang sambit ko.

“For the next step, hahati-hatiin kayong 100 sa tigsasampu. You


will have a panel interview with me. Kapag nakapasa ka ulit doon at
nakapasok sa Circle of 50, tutuloy ka na sa third step.”

“What's the third step?”

“Strategy Duel.”
“Strategy Duel?” Hindi ko akalaing ganito ka-complicated ang
audition steps sa Pilipinas Got Talent.

“Yes. May mga task na ibibigay sa mga candidates. Sasabak na


kayo sa pinaka-competition ng search na ito. Utak, lakas, at
diskarte ang kailangan. In this step, you need to prove that you are
deserving to be part of the Final 30.”

May ganoon pa?

“After that is the fourth step, 'The Nomination Night'. Kayo-


kayo mismo ang mag-vo-vote out kung sino ang gusto niyong ma-
evict sa inyo, hanggang sa ang matira na lang ay Final 20.”

“May nomination? Ano ito PBB?!”

Malumanay na ngumiti siya sa akin. “Fifth step ay ang 'Protect


Your Position Challenge'. Don't worry, utak lang ang kailangan dito.
Gagawa kayo ng essay kung bakit kayo ang nararapat na mapili.
Twenty pages of yellow paper, back to back.”

Seryoso?!

“Ang matitira na lang sa inyo ay sampu. This time, isa-isa kayong


papasok sa confession room. Via call, kakausapin kayo isa-isa ni—”

“Wait, wait!” kinakabahang pigil ko sa explanation niya.

“Yes, Ma'am?” Nakangiti naman siyang tumigil, pero nagsalita


rin ulit nang may maalala. “Oh by the way, Ma'am. Bawal po palang
mag-back-out. Dapat kusa kang matatanggal sa competition.
Though you can still do a voluntary exit, iyon nga lang ay kailangan
mong mag-public apology for wasting the chance na dapat ay sa iba
napunta. Also, you'll be tagged as 'Loser Castaway' after.”

“This is Pilipinas Got Talent, right?”

Kumunot ang kanyang noo bagama’t nakangiti pa rin.

“What is the last step of this competition?” malakas ang kabog


ng dibdib na tanong ko.

“The Big Night.”

“And then?”

“Of course, 'The Final 7' will finally meet Mr. Panther Foresteir
in flesh.”

Pahablot kong inagaw ang form ko na hawak-hawak niya.


Kulang na lang ay lumuwa ang aking mga mata nang mabasa ang
nakasulat rito.

“THE SEARCH FOR PANTHER FORESTEIR'S 7 WIVES”

Candidate No. 350: Macey Ela B. Sandoval,


Age: 26-year-old
Citizenship: Filipino Citizen
Height: 5'7
Weight: 115 lbs
Marital Status: Single
Body Measurements: 34-24-36
Distinctive Features: Sex appeal

Lastly, Motto: Quitting is for losers!

Oh, shoot!

LEVEL 2

“CANDIDATE NUMBER 350, PLEASE.”

Dahil nakapasa raw ako sa Top 100 sa audition na ito ay dinala


ako ng isang lalaking naka-red suit dito sa isang waiting room. Isang
red room na puro design ng red note ang pader. Para tuloy akong
nasa hell.

Lumapit sa akin ang isang babaeng nakasuot din ng red suit.


Kulay pula rin ang kanyang buhok at may pinta ang mukha niya ng
red note. Pati ang lense niya sa kanyang mga mata ay red. Mukha
siyang cosplayer dahil sa hitsura niya.

“Ms. Macey Ela Sandoval, congratulations for being part of the


Top 100 Women on 'The Search for 7 Wives'. My name is Red and
I'll be the one to assist you to the waiting room.” Parang robot siya
kung magsalita, walang feelings.
Saka Red? Ganito rin ang pangalan ng isa nilang bodyguard, ah?
Ano, pare-pareho sila ng pangalan?

“Proceed or Exit?” tanong niya. May hawak siyang tablet at nag-


tap siya sa screen nito.

Tumayo ako mula sa red sofa. “Miss, you don't understand.


There's some sort of mistake. I am not supposed to be here.”

“Proceed or exit?” ulit niya na parang hindi naririnig ang


sinasabi ko.

Napatanga ako sa kanya.

“Ms. Sandoval, proceed or exit?” ulit na naman niya.

“Like what I said, I'm not supposed to be here. I mean, doon


dapat ako sa kabilang building mag-o-audition. Kaya lang ang tanga
niyo, dito ako napadpad.”

Walang reaction si Red. Para siyang robot na walang emosyon.


Magkano kaya ang talent fee niya rito? Curious ako.

Nagpakawala ako ng paghinga. “Listen, Red. Gusto ko sana mag-


quit pero ayoko mag-public apology. Hindi ako mapapatawad ng
daddy ko kapag nalaman niya ito. Malaking kahihiyan sa angkan
namin ang sumali sa ganitong competition.”

Kahit pa sabihing confidential ang info para sa ‘Search for 7


Wives’ na pakulo na ito, imposibleng hindi magli-leak sa madla
kung sino-sino ang mga kasali rito. Controversial ang event na ito
kaya malamang na marami nang media ang mga nakaabang.

Sigurado akong makukurot ni Mommy ang singit ko kapag


nalaman niya na kasali ako sa kahibangang ito. Malaking eskandalo
rin ito sa grandpa ko na dating presidente ng bansa. Pati ang
Sandoval's na isang kilalang kompanya ay malalagay rin sa
kahihiyan. Higit pa roon ay tiyak na pagtatawanan ako ng kapatid
kong si Phoenix.

“Proceed or exit?” walang buhay na tanong muli ni Red sa akin.

“Exit!” biglang sambit ko.

Humugot siya ng cellphone at nag-type dito. “Loading.”

“Nasaan ba ako, Miss? Nasa loob ba ako ng game?” usisa ko sa


kanya.

“Processing.”

Napahilot na lang ako sa aking sentido.

Mayamaya pa ay nagsalita ulit siya sa tonong pang-robot talaga.


“Your options: Public Apology or Other?”

Napangiwi ako. “`Di ba nga, ayoko mag-public apology?!”

“Public apology or Other?”


Napakurap-kurap ako. “Other? So may iba pang options?”
nabuhayan ng loob na tanong ko sa kanya.

“Public apology or Other?” ulit lang niya.

Napangisi ako. “Other, syempre!”

`Buti na lang talaga may iba pang way.

“You chose OTHER option.” Nag-type ulit siya sa screen ng


kanyang tablet. “You need to pay seven billion dollars—”

Nanlaki ang mga mata ko. “A-ano?!”

“I repeat. You need to pay seven billion dollars.”

“D-dollars?”

“You need to pay seven billion dollars.”

Adik ba ito?! Ano ako, si Bill Gates? O nawawalang anak ba ako


ni Elon Musk?!

Kahit billionaire ang daddy ko, hindi yata namin kaya na


maglabas ng ganoon kalaking halaga! `Pag nangyari iyon ay baka
makalbo na talaga ni Mommy ang buhok ko hindi lang sa ulo pati sa
baba!

Napakamot ako ng pisngi. “Uhm, ano nga ulit '`yong tanong mo


kanina?”
“Congratulations for being a part of the Top 100 Women on
'The Search for 7 Wives'. Do you want to proceed or exit—”

“Proceed!” mabilis kong sagot.

~~~~~~~~

WHERE THE HELL AM I?

Iginala ko ang aking paningin sa isang malawak na red room


kung saan merong 100 red ottoman chair. Nang makita ko ang
number 350 sa isang red ottoman ay doon ako naupo.

Ako na lang yata ang hinihintay nila bago magsimula ang next
step. Occupied na kasi ang lahat ng ottoman. May mga babae nang
nakaupo sa mga iyon.

So, sila pala ang kasama ko sa top 100 Women. Pasimple ko


silang binistahan ng tingin. Lahat sila ay mukhang mga modelo,
magaganda, mukha ring may mga kaya. Meron pa akong nakikita
na mukhang foreigner. Pero isa sa requirements nila ay Filipina
dapat. Siguro half-Filipina`yong karamihan sa kanila.

Papalag ang mga ito sa ganda ko. Ang lamang ko lang sa kanila
ay malaki ang pwet ko.

“Psst...” Kinalabit ako ng babaeng katabi ko. “Miss, may


foundation ka d’yan? Pahiram.”
Napalingon ako sa kanya. Nahinuha ko na agad na purong
Filipina siya dahil sa tatas niyang mag-Tagalog. Wala ring kaarte-
arte ang pananalita niya.

And she was cute. Simple lang ang ayos niya, pero may dating.
Kahit may anggulo siya na mukhang palaban ay mas lamang ang
pagiging mabait ng kanyang mga mata.

Nagulat ako nang sumiksik siya sa akin. Pinakailaman na niya


ang handbag ko. “Pahiram, ha?” paalam niya nang makuha niya
ang foundation ko.

Wala na akong nagawa. Hindi pa naman ako nagpapahiram ng


gamit ko lalo sa cosmetics. Pero sa ganda ng kutis ng babaeng ito,
hindi ako nag-aalala na ipagamit sa kanya ang foundation ko.

“Ako nga pala si Deborah Melendez. Just call me Debi.” Ibinalik


na niya ang foundation sa bag.

“I'm Macey Ela Sandoval. Macey na lang.”

Nadampot naman niya ang lipstick ko. “You know what I


heard?” Sabay lipstick niya sa kanyang labi. “Second batch daw
tayo.”

Ibig sabihin may nauna na noong batch?

“May nauna na palang 7 wives noon, pero failed ang first batch.
Hindi lang na-televised na nagka-audition noon.”
Tingnan mo talaga ang Panther na iyon, nag-asawa na pala ng
pito, pero hindi pa nakuntento. Kumuha pa ng second batch.

“Ano nangyari doon sa unang 7 Wives?”

Nangalikot muli si Debi sa bag ko. “According to my reliable


source, hindi raw sure kung saan napunta iyong unang batch. Pero
ang hinala, pinatay yata lahat. Sinalvage. Meron din namang hinala
na ipinatapon daw sa isang malayong isla.”

“Panther did that?” manghang sambit ko.

“Chismis lang naman 'yon. Saka bakit ganyan ka magsalita?


Parang kilala mo si Panther Foresteir.” Ngumiti si Debi sa akin.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. “Uhm, `di ka ba natatakot


na mangyari din sa atin ang nangyari sa 1st Batch? Bakit ka sumali
sa game na ito?”

“I joined because I am desperate to marry Panther Foresteir.”

Ngumuso ako. “Bakit ba gusto niyong mapangasawa ang baliw


na `yon?”

Parang nagtaka siya sa sinabi ko.

“I have my reasons. For me, being one of Panther Foresteir’s


wives is a rare badge for a woman in alta society,” paliwanag ni
Debi. “You know? He's one of the wealthiest and the most
powerful men on Earth as of this moment. If you'll become his
wife, you'll become the most powerful woman, too.”

Nabasa ko nga rin sa internet kung gaano kayaman ang isang


Panther Foresteir. He was the most successful and youngest
billionaire in the world. He was a freaking billionaire. Higit na
mayaman sa mga Montemayor, Montenegro, Deogracia, and even
Sandovals.

From diamonds, gold, and oil tycoon ay hawak na rin ni Panther


Foresteir ang energy and battery business. Siya rin ang may-ari ng
elite fraternity na Red Note Society. Bukod sa yaman ay
napakalawak ng koneksyon niya. At siraulo siya.

“No one will try to go against you if you're a wife of Panther


Foresteir.” Nagpatuloy si Debi sa kwento niya. “Wait, Macey! Bakit
parang galit ka kay Panther? Bakit parang ayaw mo siyang
mapangasawa? Anong sense ng audition mo rito?” nagtatakang
tanong niya.

“Na-wrong turn lang ako.”

“Huh?”

“Doon ako dapat sa Pilipinas Got Talent mag-o-audition, pero


dito ako na-wrong turn.”

“Really? Kaya pala parang galit ka kay Panther.”


“I signed their documents so I think there's no way out.
Ayokong mag-public apology. Wala naman akong pambayad ng
seven billion dollars.”

Impit na natawa si Debi sa akin. “It's easy, Macey. If you want to


quit the game, then magpatalo ka.”

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit hindi ko agad


naisip 'yon?!

“There are stages kung saan kailangan makapasa ka. ‘Wag mo


ipasa.”

“You're a genius!” Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa


kanya.

“Could you lower your voice, bitches!” saway sa amin ng isang


babae sa katabi ni Debi na ottoman chair.

Nagusot ang mukha ko. “Yabang niyon ah.”

“That's Nikita Ongpauco. Don't mind her. Masungit talaga ang


singkit na 'yan. Akala mo laging may period.”

“You know her?”

“Halos lahat naman dito kilala ko na. You're the latest.”

Ayos din pala itong si Debi.


“Ano ba, ang ingay niyo!” iritableng sita rin ng nasa likod namin.

“She's Cel Stone. An ex-model,” bulong ni Debi sa akin habang


nangingiti.

“Cel Stone? A foreigner?”

Lalong napangiti si Debi. “No, honey. She's a pure Pinay. Her


real name is Maricel Batungbacal. I heard she's from Quiapo,
Manila.”

Napangiti na rin ako. “You're cool, Debi.”

Kinindatan niya ako.

Ilang sandali pa ay may lumapit sa akin na babaeng nakasuot ng


red suit. Katulad ng una kong na-meet, may paint din siya ng red
note sa kanyang pisngi. “Candidate number 350—”

“Macey Ela Sandoval.” Hindi ko na siya pinatapos. “Proceed,


please.” Pinangunahan ko na siya.

Excited na kasi akong bumagsak. Baka kapag pinauwi na nila


ako, e, maabutan ko pa `yong audition sa Pilipinas Got Talent.

Kantang-kanta na kaya ako. Saka gusto kong patunayan sa


kapatid kong si Phoenix na mas maganda ang tinig ko kaysa sa
kanya.
“My name is Red. This way please.” Itinuro niya sa akin ang
daan.

Lahat naman sila Red ang pangalan e.

Pumasok kami sa isang red hallway. Sa dulo nito ay meron isang


malaking red door. Doon kami tumuloy. Sinalubong kami ng mga
unipormadong lalaki na naka-red suit din pagpasok namin doon.
Kung nagkasungay lang ang mga ito, iisipin ko na nasa impyerno
talaga ako.

It was an office. Merong dalawang naka-red suit na babae sa red


desk kaya lumapit ako roon at naupo. As usual, red hair din sila at
may paint na red note sa kanilang mukha. Magkamukha ang
dalawa pero hindi naman sila kambal.

Dalawa ang desk at magkatabi ang pwesto nila. May isang dipa
ang layo ng upuan ko sa kanilang dalawa.

Iniwan na ako ng babae na naghatid sa akin.

“Good day, Ms. Sandoval,” bungad sa akin ng unang babae. “My


name is Half Note.”

“Magandang araw, Binibining Sandoval,” sabi naman ng


pangalawang babae. “Ang pangalan ko ay Quarter Note.”

So two different languages? Itong English, si Half Note. Ito


namang Filipino, si Quarter Note.
“We have three questions for you,” sabi ni Half Note.

“Meron kaming tatlong tanong sa 'yo,” sabi naman ni Quarter


Note.

“If you pass, you'll proceed to the next stage.”

“Kapag pumasa ka, magpapatuloy ka sa susunod na stage.”

“Oh, tapos?” Napatingin ako sa wrist watch ko.

“If you failed, we're glad to have you here but we'll have to say
goodbye.”

“Kapag hindi ka pumasa, bobo ka.”

So, this was it! Ito lang `yong way ko para makaalis na sa
impyernong lugar na 'to. Kailangang hindi ako makapasa.

Parehas silang may hawak na tablet.

Nag-tap sa screen si Half Note. “Proceed or exit?” tanong ni Half


Note.

“Magpatuloy o hindi na?” tanong ni Quarter Note.

“Let's proceed please. At pakibilis.”

Nagmamadali ako. Kailangang matapos agad ang initial


interview na 'to.
“Accepted,” sabi ni Half Note.

“Tanggap,” ani naman ni Quarter Note.

“First question.”

“Unang tanong.”

Napahugot ako ng paghinga. Nakakakaba rin pala kahit alam mo


na magpapatalo ka.

“Are you a bitch?” tanong ni Half Note.

“Malandi ka bang hayop ka?” tanong ni Quarter Note.

“Are you kidding me? Of course, I'm not. Ni hindi pa nga ako
nagkaka-boyfriend, e. Barkadang lalaki, marami ako.”

“Second question.”

“Pangalawang tanong.”

“Proceed,” nagmamadali kong sabi.

“Are you a gold-digger?”

“Mukhang pera ka bang bruha ka?”


“Of course, not. My dad is a billionaire. Gusto niyo bigyan ko pa
kayo ng pera, e,” naiinis kong tugon.

Nag-iinit ang ulo ko sa dalawang 'to ha.

“Third question.”

“Huling tanong.”

“Ayusin niyo, ha! Nauubos na pasensiya ko sa inyo!” banta ko sa


kanila.

Nag-tap muli sa screen si Half Note. “Are you a lewd girl?”

“Bastos ka bang maharot ka?”

Nagsalubong na ang mga kilay ko. “That is so absurd. Ni hindi pa


nga ako nakakapanood ng bold sa buong buhay ko!”

“Congratulations. You passed!” bati sa akin ni Half Note.

“Binabati ka namin. Nakapasa ka,” si Quarter Note.

“It's easy, you know. Wala tayong magagawa, magaling talaga


ako—” Natigilan ako. “What the heck are you talking about?!
Nakapasa ako?!”

“Yes. You may proceed to the next stage,” sagot ni Half Note.
“Oo. Maari ka nang magpatuloy sa susunod na pagsubok,” sagot
din ni Quarter Note.

“This can't be. Ayokong makapasa. Ibagsak niyo ko!” utos ko sa


kanila.

“Congratulations! You may proceed to the next stage.” Ngumiti


sa akin si Half Note.

“Binabati ka namin! Ikaw ay maari nang magpatuloy nang hindi


nagpapakipot,” muli ay si Quarter Note.

“How did I pass? Mukha bang tama ang mga sagot ko?! Please,
wag niyo kong ipasa. Ulitin natin ang mga questions niyo!”

Nagkatinginan ang dalawang babae.

May lumapit sa aking dalawang matangkad na lalaki na naka-red


suit. “This way, Candidate Number 350,” utos ng isa sa kanila.

“Let me retake this stage!” pagmamakaawa ko. “Ibagsak niyo


ko, please. Kailangan ko nang umuwi, utang na labas!”

Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong braso.


“I'm so sorry, Candidate 350, but you need to proceed to the next
stage.”

“No!” Sinubukan kong magpumiglas pero wala akong nagawa.


Malakas ang dalawang ito!
Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa palabas ng
pinto. Tapos na ang puwedeng mag Proceed or Exit na stage. Kahit
Voluntary Exit ngayon ay hindi na raw maaari.

Palabas na sana kami ng pinto nang awatin kami ng dalawang


babae.

“Wait!” awat sa amin ni Half Note.

“Sandali!” awat din ni Quarter Note.

Natigilan ang dalawang lalaki na naka-abresyete sa magkabila


kong balikat.

Lumapit sa akin si Half Note at inilahad sa akin ang isang


cellphone. “You need to take this call.”

Nasa likuran niya lang si Quarter Note. “Kailangan mong sagutin


ang tawag na ito.”

“Sino naman 'yang tanginang 'yan?” nagtatakang tanong ko.

“It's Mr. Panther Foresteir. He wants to talk to you,” sagot ni


Half Note.

“Si Mr. Panther Foresteir. Gusto ka raw niya makausap, swerte


mo,” si Quarter Note.
Napalunok ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ganoon
na lang ang kabog sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya.
Lalo na malamang nandoon siya sa kabilang linya.

“S-si Panther?” kandautal ako.

Bakit naman niya ako tatawagan?

Nang marinig ng dalawa ang pangalan ni Panther ay napayuko


ang mga ito.

“Please take the call, Ms. Sandoval,” ani Half Note.

“Pakisagot na ang tawag, wag kang maarte,” si Quarter Note.

Marahan akong lumapitkay Half Note at kinuha sa kanyang ang


cellphone. Napahugot ako paghinga bago ko sinagot ang tawag. “H-
hello?”

Matagal bago nagsalita ang lalaki sa kabilang linya. “How you've


been...” Napakalalim ng tinig niya. “... Macey.”

Naestatwa ako nang marinig ko ang tinig niya.

LEVEL 3
“H-HELLO?”

Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog sa dibdib


ko e si Panther lang naman ‘to na siraulo.

[ Why are you here? ] Panther's cold voice from the other line
became hoarser and deeper.

Napalunok ako nang malalim.

[ Are you one of the candidates? Are you auditioning to be my


wife? ]

Sa tono niya ay parang sinasabi na desperada ako na


mapangasawa siya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. I was
caught off guard. Heck! I was not ready!

“H-hello?” Napakamot ako sa ulo. “Hello? Hello?” Nagpanggap


na lang ako hindi ko siya naririnig. “Hello? Choppy!”

[ Seriously, Macey? ] yamot na sabi niya sa kabilang linya.

“Hello?!” Tinakpan ko pa ang aking isang tainga para lang


paniwalaan ako nila Half Note at Quarter Note na hindi ko talaga
siya naririnig.

Nagkatinginan lang ang dalawa.

“Hello?! Hello?!” sabi ko pa. “Hindi kita marinig, hello?!”


[ Half Note, ] ani Panther sa kabilang linya.

“Yes, Master Panther,” sagot ni Half Note.

What?! Naririnig niya si Panther kahit nasa kabilang linya?!

[ Please tell to Ms. Sandoval that the phone is in loudspeaker


mode. ]

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

“Sure, Master Panther.” Humarap sa akin si Half Note. “Ms.


Sandoval, Master Panther has a message for you.”

Humarap din sa akin si Quarter Note. “Binibining Sandoval, may


mensahe sa `yo si Master Panther.”

“You need to know that you’re in loudspeaker mode,” si Half


Note.

“Nasa loudspeaker mode ka, gaga,” si Quarter Note.

Shoot! Bakit ba hindi ko napansin na naka-loudspeaker pala?


Nawala kasi ako sa focus dahil sa sobrang kaba.

Tanga, nakakahiya sila!

Lumikot ang mga mata ko. “I-I swear... hindi ko siya naririnig
nang maayos kanina,” pagsisinungaling ko kahit nabuko na.
Nagkatinginan lang muli si Half Note at Quarter Note.

[ Just tell me, what are you doing here? ] Yamot na ang tinig ni
Panther. [ Does your father know that you’re here—]

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil pinatay ko na ang


linya. “Oops. Ay, napindot!”

Ayoko siyang makausap. Hindi niya rin naman maiintindihan


kahit ipaliwanag ko sa kanya na na-wrong turn lang ako dito sa
audition niya.

Isa pa, napahiya na ako!

“Do you need to take another call from him?” tanong sa akin
Half Note.

“Nais mo ba ulit kumuha ng tawag kahit hindi mo siya marinig


kuno?” tanong naman ni Quarter Note.

“Maybe next time.” Inabot ko sa dalawa ang phone. “Let’s


proceed to the next level. Excited na akong magpatalo, este
manalo.”

Kinuha sa akin ni Half Note ang cellphone. “Proceed to the next


level, confirmed.”

Nagpugay sa akin si Quarter Note. “Patungo sa susunod na


lebel, arangkada na!”
~~~~~~~~

BRRRR~~~

Tumunog ang tiyan ko. Nagugutom na ako. Apat na oras akong


naghintay sa loob bago nila ako pinalabas sa red room na iyon. Mga
hayup sila, mga walang puso, nagpapatayan na ang mga bulate ko
ngayon sa tiyan dahil sa kanila!

“Macey!” Nagulat ako nang lundagin ako ng yakap ni Debi.


“What happened? I thought I won’t see you again here in the next
round!”

Alangan akong ngumiti sa kanya. “Ewan ko ba. Hindi ko rin alam


kung paano ako nakapasa. Napakatanga talaga nila!”

Kiniliti niya ako sa tagiliran. “Or you just changed your mind.
Gusto mo na rin mapangasawa si Panther kaya hindi ka nagpatalo!”

“No way! Ayokong mapangasawa ‘yong tarantadong ‘yon.”

Akala yata ng lalaking ‘yon ay desperada akong maging asawa


niya. Ulol ba siya?!

Nagulat yata si Debi sa sinabi ko. “You really hate him, don’t
you?”

“I need to fail the next round. Baka makahabol pa ako sa


audition sa kabilang building.” Napatingin na naman ako sa aking
wrist watch.
“Well, good luck with that. Sana naman bumagsak ka na sa
susunod na round.” Bumagsak ang balikat niya. “Ang kaso, ang
boring kapag wala ka na.”

“Do you know what’s our next test, Debi?”

“We’re going to find out.” Kinuha niya ang kamay ko at hinila


niya ako papunta sa lobby.

Para siyang bata. Napakainosente niya. Sigurado ba siya na


gusto niyang mapangasawa si Panther?

Napahinto ako pagdating namin sa lobby. Nagulat ako nang


makitang nangalahati ang bilang ng mga candidates na nandito
ngayon.

“Mukhang kalahati sa mga candidates ang bumagsak,” ani Debi.


“And I’m so glad that we’re still here.”

Ngumuso ako. “Trust me, ginawa ko ang best ko para hindi


makapasa.”

“Kanina pa kita hinahanap, Debi. Saan ka ba nagpunta?” Isang


babae ang nagsalita sa aming likuran.

“Oh, Cel Stone!” Nginitian ito ni Debi. “I’m glad you passed,
too.”
“Of course. Ako pa ba?” Nakaingos ang makapal na labi ng
babaeng maputi. Plakado ang make sa mukha. Ito iyong model na
sinabi ni Debi sa akin kanina, her real name was Maricel
Batungbacal.

“Oh by the way!” Humarap sa akin si Debi. “This is Macey,”


pakilala niya sa akin kay Cel—o Maricel.

Itinaas ni Maricel ang shades. Tiningnan ako ng fox eyes niya


mula ulo hanggang paa tapos inismiran na para akong dumi sa
paningin niya. Really? What was her problem with me? Not to brag
but to be honest, I was better-looking than her. Her boobs were
just bigger than mine.

“And Macey, this is Cel Stone,” pakilala naman ni Debi sa babae.

“Nice to meet you, Maricel.” Binuo ko ang pangalan niya.


Ngumiti ako sa kanya. Mas type ko iyong Maricel kaya pasensiya
siya.

Hindi ako kinibo ni Maricel. “Nasaan si Fera? Nakita mo ba


siya?” Ibinaling niya sa iba ang usapan na para bang hindi niya ako
nakita sa harapan niya. Humugot lang siya ng cellphone at inabala
ang sarili sa screen.

Umiling si Debi. “I guess she did not pass.”

Napahalukipkip si Maricel. “What a shame. Mas malapad kasi


balikat niya kaysa balakang niya.”
Pintasera pa ang impakta.

Maya-maya ay may mga unipormadong lalaki ang sumulpot at


pinalibutan kaming mga natitirang candidates. Lahat sila ay
nakasuot ng red suit. Meron silang face painting ng red note sa
kanilang mukha. Para silang mga robot na tumindig paikot sa amin.
Sa tantiya ko ay nasa 70+ sila. Nagmistulan silang bakod sa paligid
namin.

Napahawak si Debi sa kamay ko. Bumalatay sa mukha niya ang


takot.

Pagkatapos ay may lumabas na motorized wide screen mula sa


ceiling. Lumitaw si Half Note sa screen nang mag-on ito. [ Good
day, everyone! Congratulations to all of you for reaching this far!
]

[ Magandang araw sa lahat! Binabati namin kayong lahat at


narating niyo na ang ganito kalayo! ] Katabi nito si Quarter Note.

Umikot ang bilog ng mga mata ko. Heto na naman ‘tong


dalawang tukmol na ‘to.

“Puwede kayang kumain muna? Gutom na ako, e,” bulong ko


kay Debi. Hindi pa kasi ako nagla-lunch at meryenda time na
ngayon.

“We'll see,” bulong din niya sa akin.


[ The next round of auditions is about to begin, ] pagpapatuloy
ni Half Note.

[ Magsisimula na ang susunod na pagsubok kaya bawal


magmeryenda, ] sunod na sabi ni Quarter Note.

Agh! Nasagot agad `yong tanong ko.

[ Please get ready for the next round! ]

[ Maghanda sa susunod na kalokohan! ]

Bumulong ulit ako kay Debi. “Puwede kaya mag-CR? Gusto ko


sana mag-retouch.” Pero etching lang iyon, manginginain lang
talaga ako sa kung saan. Baka lang may mabibilhan dito kahit
biscuit.

“Let’s ask them later,” sagot ni Debi nang pabulong.

[ Now please fall in line! ] utos ni Half Note.

[ Ngayon ay pumila na, bawal na mag-retouch sa CR. ] Si


Quarter Note.

Dang! Naririnig niya ba ako, e, nasa screen lang siya?!

Pumila kami nang isang linya. Nasa unahan ko si Debi at nasa


likuran ko si Maricel. Pero hindi rin nagtagal si Maricel sa likuran
dahil sumingit siya sa unahan ni Debi.
Wala naman makaangal kay Maricel. She was gorgeous but she
looked like a fighter. Ang tapang ng aura niya parang anytime lang
ay puwede siyang manampal ng dalawa sa isang hataw lang.
Dagdag pa na ang hahaba ng manicured nails niya. Parang pag
natusok ka niyon kahit sa braso lang ay dideretso na agad sa bituka
mo.

“Let's proceed!” Half Note said.

Sumunod naman na nagsalita si Quarter Note. “Arat na!”

Umabante na kami at nagsimulang humakbang nang nasa linya


hanggang sa narating namin ang isang mahabang red hallway.

Napalingap kami sa paligid. Everything here was red. Kahit itong


floor na nilalakaran namin ay pula. Iyong ceiling ay pula. Iyong wall
ay pula. Pati nga iyong mga mata ko, namumula na. Dahil sa gutom
ko ay tingin ko na sa aking mga kasama ay mga demonyitang pula.

Nang makarating kami sa dulo ng hallway ay pumasok kami sa


loob ng isang malaking arena. Napatulala na lang kami nang
mamangha sa nakita.

“What is this?” usal ni Debi.

The arena was big. It was so wide and surrounded by doors—


hundred of doors! Doble ng bilang naming mga natitirang
candidates.
Merong wide screen ulit sa ceiling at sumulpot doon si Half
Note. [ Listen carefully! ]

[ Makinig mabuti! ] Katabi niya ulit si Quarter Note.

[ There are 154 doors! ] Si Half Note.

[ Merong isang daan at limampu't apat na pintuan! ] Si


Quarter Note.

[There are 77 doors with our personnel inside. ]

[ Pitong pu't pito na pintuan ang may tauhan namin sa loob. ]

[ And 77 doors are empty inside. ]

[ Pitong pu't pitong tupa, este pintuan ang walang tao sa loob.
]

[ You will pass this round if you luckily enter a door with a
person inside. ]

[ Pasok ka sa banga kapag ang napili mong pinto ay may


tauhan namin. ]

[ But if you enter the door that is empty, you will fail. ]

[ Pero kapag ang napasukan mong pintuan ay walang tao, ibig


sabihin ay umuwi ka na. Olats ka na! ]
“My! Malas ako sa mga ganito!” narinig ko na sambit ng isa sa
aking kasamahan.

Si Maricel naman ay napabuga ng hangin.

Halata sa mga candidates ang kaba sa mga mukha nila. Ang


bawat isa sa kanila ay nagbago ang mood.

“Gusto nilang sukatin kung gaano kaswerte ang isang


candidate,” sabi ko. “Sana naman malasin ako.”

Sa lahat ng mga candidates, ako lang yata ang walang kaba na


nararamdaman. Gusto kong bumagsak.

[ We'll start in a few minutes! ] Half Note announced.

[ Magsisimula na tayo sa loob ng kaunting minuto! ] Sinundan


naman agad ni Quarter Note.

“Where do you think I should enter?” tanong sa akin ni Debi.

Napaisip ako. Kung pagmamasdan kasi ang mga pinto ay


napakarami nito, nakakahilo. Lahat ay red at may drawing ng iba't
ibang uri ng nota. Wala man lang clue kung aling pinto roon ang
may tao sa loob o kung alin ang wala.

Ang kailangan kong malaman ay kung anong pinto riyan ang


empty para makauwi na ako!
[ You have seven minutes to choose a door! ] anunsyo muli ni
Half Note.

[ Meron lang kayong pitong minuto para mamili ng pinto,


] Quarter Note translated.

[ Are you ready?! ] tanong ni Half Note.

[ Handa na ba kayo?! ]

Humarap sa akin si Debi. “Good luck, Macey.”

“Hopefully bumagsak na ako ngayon.” Ngumisi ako sa kanya.

Nag-tap si Half Note sa hawak niyang tablet. [ Your time starts


now! Go! ]

Ganoon din si Quarter Note. [ G! ]

Sabay-sabay nanakbo ang lahat papunta sa mga pinto. Hindi ko


mabilang kung ilan ang bumunggo sa akin sa pagmamadali.

“Bye, Macey!” paalam sa akin ni Debi at nanakbo na siya para


maghanap ng pintuan.

Sumunod ako sa kanya pero naghiwalay din kami sa huli. Sa


kanan siya pumunta at ako naman sa kaliwa. Hindi ko na rin nakita
si Maricel dahil bigla na lang itong nawala.
[ Once you enter a door, there's no turning back! ] sabi ni Half
Note.

[`Pag pumasok ka na, bawal nang lumabas! ] Si Quarter Note.

[ There are no lights inside. The lights will only turn on once
you have entered and closed the door. ]

[ Madilim sa loob. Magbubukas lang ang ilaw kapag nasa loob


na kayo at naisara niyo na ang pinto. ]

Iyong iba ay inaamoy nila ang pinto. Ang iba naman ay may
orasyon bago buksan ang pinto. Meron pa akong nakita na
pinapakinggan ang pinto kung may maririnig ba sa loob nito.

In just seven minutes, puwede namin kilatisin ang pinto na


pipiliin namin basta wag lang pipihitin ang door knob nito para
buksan.

Well, meron silang hindi pa nagagawa. At posibleng ito ang


sekreto. Nang halos lahat ay makapasok na ay lumapit na ako sa
pinto na napili ko.

Wala naman talagang clue sa pinto dahil pare-parehas lang ito.


Ngunit meron akong naiisip gawin na hindi pa nagagawa ng lahat.

Natanaw ko si Debi na napasandal sa pinto na napili niya.


Namomroblema siya. Dalawa na lang kaming natitira at meron na
lang kaming isang minuto.
“Debi!” sigaw ko na pabulong sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Malamlam ang mga mata niya habang


nakangiti sa akin.

“Try knocking on the door.” Sumenyas ako sa kanya na katukin


ang pinto.

Humarap si Debi sa pinto at kinatok ito. Napahawak pa siya sa


kanyang dibdib pagkatapos. Nothing happened.

“Try it again.” Sumenyas ulit ako sa kanya nang lingunin niya


ako.

Then kinatok muli niya ang pinto. Mayamaya nga ay bumukas


ang pinto. Nagtatalon si Debi sa tuwa nang pumasok sa pinto.
Nilingon niya ako sa sumenyas siya sa akin. “Thank you!”

Ngumiti ako sa kanya at kumindat.

I was right! Puwede namin gawin ang lahat sa pinto maliban sa


pumasok rito. So, puwede namin itong katukin para malaman kung
may tao ba sa loob.

Humarap na ako sa pinto ko at kinatok ito. Once na magbukas


ito, tatakbo ako palayo at maghahanap ng ibang pinto.

It was safe because I didn't open the door. I just knocked to see
if anyone would open it for me. No one opened the door so that
only meant one thing, no one was inside.
I knocked again, but still no one opened the door.

This must be it!

Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng dilim. Pumasok ako


sa loob. Hey, wait! What was this wonderful earthy refreshing
scent? It smelled like an expensive men's perfume.

Nang bumukas ang ilaw nang isara ko ang pinto ay nanlambot


ako. Hindi ako nag-iisa rito. Isang matangkad na lalaki na naka-red
suit ang nakatalikod sa akin.

Oh, shoot!

Did I just pass again?!

But who was this guy in front of me?! He was tall and had broad
shoulders. He was the owner of the perfume. His earthy fragrance
was like the tropical forest; woodsy, refreshing evergreen, and
mysterious like the wind.

Nang humarap siya sa akin ay hindi ko gaanong makita ang


kanyang mukha. Nakasuot siya ng red masquerade sa mata
hanggang sa kalahati ng kanyang matangos na ilong. Ang mapulang
mga labi at makinis niya lang na pisngi ang malinaw kong
nabistahan.
Mukhang guwapo naman siya kahit may masakara, kaya lang sa
porma pa lang ng mga labi niya ay halata na agad na suplado siya.
Sino ba kasi siya, ha? Bakit parang pamilyar siya at—

“Macey.” Bahagya siyang lumapit sa akin.

That voice!

Napaatras ako. “P-Panther?..”

LEVEL 4

PANTHER?
How did this happen?! Sa lahat ng pinto, dito pa ako napadpad
sa red room kung saan ang nasa loob ay si Panther? Imposible!

O baka namamalik-mata lang ako? Napakurap ako habang


nakatitig sa matangkad at mabangong lalaki.

“Macey Ela B. Sandoval?” tanong niya sa maaligasgas na tinig.

“H-ha?” Kumiling ang aking ulo.

“Candidate Number 350.”

Lalong kumiling ang aking ulo dahil sa pagtataka.

Nag-vow sa akin ang lalaking nakapulang maskara.


“Congratulations, Ms. Macey Ela B. Sandoval.”

Sabi na nga ba, guni-guni ko lang. Hindi siya si Panther. Dahil


lang sa tangkad, tindig, at bango niya kaya napagkamalan ko siyang
si Panther.

Besides, Panther had gray eyes. Ang lalaking ito ay kulay


madilim na gabi ang mapungay na mga mata.

Whew! Kinabahan ako roon, ah! Anyway, bakit naman ako


kakabahan? Baka guni-guni ko lang din na kinabahan ako.

Sinipat ko na lang muna itong lalaking ka-aura ni Panther. Kahit


may maskara ay sureball na guwapo ito. Papalag din sa ganda ng
tindig at tambok ng pang-upo. Sino nga kaya ito?
Lumapit sa akin ang lalaki kaya napatingala ako sa kanya.
“We’re glad you made it, Ms. Sandoval.”

May inabot siya sa aking red card.

Kinuha ko naman ito sa kanya. “Daming pakulo. Ano naman


'to?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagulat na lang ako nang
buhatin niya ako gamit ang kanyang mga matitigas na braso. Wait,
ang bango—

“What the heck?!” sigaw ko dahil sa pagkabigla. Hindi na ako


nakapalag dahil nabuhat na niya ako. Takot ko na lang maglikot
dahil baka bitiwan niya ako.

“Let's proceed to the next step, shall we?” aniya bago siya
naglakad palabas ng pinto.

Oh, pati ang hininga ang bango!

Sino ba talaga siya? Ang bango niya kasi. Amoy baby. Hindi ako
mahilig sa guwapo pero ang isang ito? Parang gusto ko siyang ihele.

IBINABA ako ni baby—I meant, nitong lalaking amoy baby, nang


makarating na kami sa lobby.
Hindi man lang yata siya napagod sa haba ng nilakad niya
habang karga-karga ako in a bridal style. Ni wala man lang siyang
butil ng pawis sa leeg niyang makinis. Para lang akong unan na
buhat-buhat niya papunta dito sa lobby.

“Thank you. Anong pangalan mo?” tanong ko sa kanya. “Let me


guess, isa rin sa mga notes ang name mo?”

Umiling siya.

“Seventh Note? Eighth Note? Eight and a half? `Wag namang 9,


katakot na iyon.”

Hindi siya kumibo.

“Okay, ikaw ba si Whole Note? Key Note? Sticky Note?”

Nakatitig lang siya sa akin. Ahg! Bakit ganyan siya makatingin?


Isusumbong ko siya kay Panther!

“I'm no one,” tipid na sagot niya pagkuwan.

“Okay, Nowan. Thank you kasi—”

Napahilot siya sa sentido. “I mean, I'm no one. Nobody.”

Ngumisi ako sa kanya. “Of course, I was just kidding.”

Sumimangot siya sa akin bago niya ako tinalikuran. Suplado


naman.
Wala na iyong si Nobody nang biglang may yumakap sa akin
mula sa likuran.

“Thank you, Macey!” It was Debi. “You saved me!”

Humarap ako sa kanya. “You're welcome.”

“At sa kabila ng kagustuhan mong bumagsak, nandito ka pa rin!


I am happy!” Ang kinang sa mga mata niya ay nakakasilaw.
Mukhang maligayang-maligaya siya.

Yamot naman akong napapatitig sa kanya. “Maligaya ka pa


riyan!” Inirapan ko siya.

“Sorry na!” Yumapos siya sa braso ko. “Natutuwa lang ako kasi
nandito ka pa rin. Ang boring kaya ‘pag wala ka. Saka
nakakalungkot kaya kasi ngayon lang tayo naging friends, `tapos
magkakahiwalay na tayo agad.”

Napakalambing niya kaya hindi na ako naasar. Naasar lang ulit


ako dahil kinukumbinse niya ako na ituloy na lang ang audition at
wag nang magpatalo.

Sa may kabilang dulo naman ng lobby ay naroon si Maricel na


nakasimangot sa amin. Nakapasa rin pala.

“Sisiguraduhin kong babagsak na ako sa susunod na test,” gigil


kong sabi kay Debi. “At please lang, tigilan mo na ang
pangungumbinse sa akin dahil hindi na magbabago ang isip ko!”
Bumungisngis lang naman ang babae.

Tumunog na naman ang tiyan ko. “Gutom na talaga ako. Baka


makakain na `ko ng tao neto.” Naalala ko tuloy bigla iyong lalaking
amoy baby kanina. Amoy fresh milk din kasi siya.

Kinurot ni Debi ang aking pisngi. “The next round is about to


start. Tiisin mo muna ang gutom mo.”

Pinanlakihan ko siya ng mata. “Pero hamburger na ang tingin ko


sa `yo!”

Hinila na niya ako sa kamay para lumapit sa mga candidates na


kasama namin. “Let's join the others.”

Halos kalahati ang nawala sa kabuuang bilang namin kanina.


Ang ibang mga babae rito ay mukhang mababait naman.
Ngumingiti sa amin ni Debi. Maliban lang talaga kay Maricel na
ewan ko ba kung ano ang ipinaglalaban.

“Hey, you dropped this.” Lumapit sa amin ang isang babae na


candidate rin. May inabot siya sa akin na red card.

“Oh, thank you.” Kinuha ko sa kanya ang aking card.

“Hi, Morga!” Kinawayan ni Debi ang babae na Morga pala ang


pangalan.

“I don't know you.” Sarkastikang natawa si Morga kay Debi.


Napangiwi si Debi. “We've talked a while ago, don't you
remember? You're the earliest here to come.”

“Oh, I remember you now.” Ngumiti sa kanya sa Morga. “But so


what?”

Maganda si Morga, fashionista, mukhang mayaman, pero


mukha ring maldita.

“What's that?” tanong sa akin ni Debi pagkakita sa hawak kong


red card.

“Binigay sa akin ng lalaki na nasa loob ng pinto na napasukan ko


kanina.”

Napanguso siya. “Bakit wala ako niyan?”

“I have that card too.” Ipinakita ni Maricel ang red card niya.

“I've got one, too.” Ipinakita rin ni Morga ang sa kanya.

Lalong nalumbay si Debi. “Bakit ako, wala?”

Napatingin sa amin ang ibang candidates. Nagtataka ang ilan sa


kanila kung bakit ang iba ay wala ring red card na na-receive.

“Hindi ko rin alam kung para saan 'to. Tinanong ko `yong


lalaking amoy baby, pero hindi naman ako sinagot,” paliwanag ko.
[ Attention, everyone! ] Biglang nagbukas ang wide screen na
nasa wall at sumulpot muli roon si Half Note.

[ Atensyon! ] Nasa tabi niya lang ulit si Quarter Note.

[ Those who got a red card, step forward. ]

[ Sa mga nakukuha ng pulang tarheta, umabante. ]

Nagkatinginan muna ang mga candidates at nagkaroon ng mga


bulungan.

“Anong meron?” nagtatakang tanong ko.

“I have no idea.” Nagtataka rin si Debi.

Umabante na sina Maricel at Morga. Pati ang ilang candidates


ay naglakad na papunta sa unahan.

“Go on, Macey. Step forward,” sabi sa akin ni Debi.

Napatingin ako sa screen. “Let's hear them first.”

[ To those who got a red card, congratulations! ] sabi ni Half


Note.

Kinuha ko agad ang palad ni Debi at inalagay roon ang red card.
Pagkatapos ay itinulak ko siya papunta sa unahan. “Go!” sigaw
kong pabulong.
[ Sa mga nakakuha ng red card, binabati namin kayo! ] sabi ni
Quarter Note.

Tigagal lang si Debi sa ginawa ko. Nasa unahan na siya pero


nagtataka pa rin siya.

Ngumiti ako sa kanya. The moment na narinig ko `yong


‘congratulations’ ni Half Note, alam ko na agad na may purpose ang
red card kaya ibinigay ko ito agad kay Debi.

[ You all passed for the next round! ] tukoy ni Half Note sa mga
nakakuha ng red card.

[ Nakapasa na kayo para sa susunod na pagsubok! ] si Quarter


Note.

Nagpalakpakan sa tuwa ang mga candidates na nasa unahan.


Kalahati ang bilang nila sa kabuuan namin. Meaning, kalahati rin
ang walang na-receive na red card.

Hindi pa rin makapaniwala si Debi habang hawak ang red card


na ibinigay ko sa kanya. Naluluha lang ang mga mata niya habang
nakangiti sa akin.

Samantalang ang mga kasama kong walang red card na nakuha


ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

[ Sa mga hindi nakakuha ng red card, ] sabi ni Half Note.


[ To those who— ] Natigilan si Quarter Note. [ Nagkabaligtad
tayo. ]

[ I know. My bad. ] Tumikhim si Half Note. [ To those who do


not get a red card…]

Finally! Sa wakas makakauwi na rin ako.

[ Don't be sad ‘cause you still have a chance! ] dugtong ni Half


Note. [ Cheers! ]

Nanigas ang aking leeg sa narinig. What the heck?!

[ Sa mga hindi nakakuha ng red card, ] si Quarter Note. [


Huwag malumbay dahil may pag-asa pa kayo. Magbunyi! Hindi
ka pa makakauwi! ]

Nanlambot ako. Akala ko pa naman failed na ako. Akala ko,


makakauwi na ako. Akala ko. Akala ko. Punyetang maling akala!

[ Our next round is the Elimination Round. Seven will be chosen


to win another chance. ]

[ Ang susunod na round ay Eliminasyon. Pito ang mapipili para


sa panibagong pag-asa kahit hindi ka masaya! ]

Napapalakpak sa tuwa ang mga kasama kong candidates. Ako


lang ang hindi natutuwa sa kanila. Samantalang si Debi ay malawak
ang ngiti nang malamang may chance pa ako.
Dang! Why, Debi? Bakit parang gusto mo akong manalo?!

~~~~~~~~

WE WERE TAKEN TO A BIG DRESSING AREA. Walk-in closets were


everywhere in this room. Malaya kaming mamili ng dress na
isusuot namin. Pagkatapos ay rarampa kami. Doon sa stage kami
huhusgahan based sa klase ng fashion sense at confidence na
meron kami.

Pito sa aming mga wild cards ang mapipili for another chance na
mapabilang sa sasali sa susunod na round.

Okay, fashion and modeling? Wala akong kaalam-alam sa


ganyan. Kahit pa pag-aari ng pamilya ko ang isang sikat na luxury
brand company ay hindi talaga ako nahilig sa mga fashion o kahit
anong may kinalaman doon.

I was a tomboy ever since I was a kid. May pagka-weird din


akong mag-isip, hindi madating sa akin ang mga materyal na bagay.
Mas gusto kong umakyat sa bubong ng mansiyon namin o kaya ay
manirador ng bunga ng mangga sa malawak na naming bakuran,
kaysa magpabili ng kung anu-anong bling-bling sa katawan.

Nang mag-high school naman ako ay isa akong praning. Mas


gusto kong mangolekta ng cards at magazines tungkol sa
extraterrestrial being. Adik na adik ako sa mga collectibles na
spaceship at aliens kaysa mag-dress up at magpa-hair treatment.
Sa college ay mas malala. Napabarkada ako sa mga lalaki.
Dagdag pa na lalaki rin ang kapatid ko na si Phoenix, napa-tropa rin
ako sa mga tropa niya. Natuto akong tumambay sa mga bilyaran,
basketball court, at shooting range dahil sa kanila.

Tumino-tino lang ako pagka-graduate na. Then, boom! All of a


sudden ay na-realize ko ang aking pangarap na gustong abutin—
gusto kong maging singer!

Unfortunately, hindi sa pagkanta ako ngayon nauwi, kung hindi


sa pag-aasawa.

Pero may pagkakataon pa para makatakas ako sa hell na ito.


Kung ano na lang madampot ko rito ay iyon na lang ang susuutin
ko. Ibabagsak ko ang fashion and modeling round na ito.

Isa-isa kong hinawi ang mga naka-hanger na dress. Oh, halos


lahat dito ay Sandovals' brand. Iba talaga ang brand namin!

Wait, this was a problem. Sandoval’s had no ugly clothes. Lahat


ng brand namin ay something to brag about. Hindi lang kasi basta
yari sa mamahaling materyales, kundi maganda rin ang designs.
Hinabi ng mga sikat at professional na stylists. I think dadaanin ko
na lang sa weird combination kung saan magmumukha akong
tanga.

Tulad nitong polka dots na white dress tapos ipa-partner ko


itong blue boots at jersey cap na may tainga. Pumasok na ako sa
dressing room na katabi ko lang. Pagkatapos ay isinuot ko na ang
mga napili kong damit.
Maiksi pala itong dress at hindi man lang umabot sa tuhod ko
ang haba. Nakalitaw tuloy ang makinis kong mga hita. Lumabas ako
at kumuha ng khaki pants. Bumalik ako sa dressing room at isinuot
iyon. Nag-boots na ako pagkatapos.

Naglagay pa ako ng kung anu-anong kwintas sa leeg. May


malalaki, may maliliit, basta pinagpatong-patong ko. Nag-spray rin
ako ng highlight sa buhok, kulay green na may glitters sa bandang
bangs ko.

Oh, see? I look like a Christmas tree!

Pumunta na ako sa backstage para maghintay sa mga kasama


kong candidates. Maya-maya ay may lumapit sa aking
unipormadong lalaki na naka-red suit. “The make up artist has
arrived.”

“Kaya niya ba kong gawing engkanto?” tanong ko.

Nilapitan ako ng make up artist na assigned sa akin. Hayun,


matapos akong make-up-an nito ay pinakialaman ko pa ang make
up ko. Kinapalan ko ang eyeliner at iyong lipstick ko ay pinatungan
ko ng kulay blue.

Pagkalipas ng kalahating oras ay dumating na ang mga


candidates na kasama ko. Napahinto silang lahat nang makita ako.
Nagbulungan pa ang iba. May ilan din na pigil ang pagtawa.

“I know,” sabi ko na napakamot sa ulo. “This is my fashion.”


All of them were so fucking gorgeous. Lalo na nang ma-makeup-
an sila at masuotan ng dress na gusto nila. They looked like they
were about to compete in the Miss Universe pageant. At
masasayang lang ang ganda nila dahil ang gusto nilang
mapangasawa ay tarantado.

“Hi. I'm Olivia Bernice Ong.” Lumapit sa akin ang isa sa mga
candidates. Petite ito at mukhang friendly. “You can call me Olly.”

“Hi, Olly!” bati ko naman sa kanya. Maganda si Olly kahit maliit


at payat. Bagay sa kanya ang suot niyang summer dress.

Ngiting-ngiti siya sa akin. “I like your dress. I like your style.


You’re so pretty. You look like a doll! I hope we can be friends!”

“Hehe,” lang ang nasabi ko sa kanya.

“We're about to start.” Sumilip ang isang announcer mula sa red


stage curtain. “Be ready in a sec.”

“Pakibilisan na lang at malapit na kong kumain ng tao,” reklamo


ko sa kanya.

“Good luck to us!” Kinuha ni Olly ang kamay ko at kinamayan


ako. “I’m sure na makakapasa ka dahil ang ganda-ganda mo!”

“I don't want to pass.”

Nagtaka naman siya. “Why?”


“Mahabang istorya. Ikuwento ko sa `yo kapag busog na ako.”

Ilang sandali pa ay sinenyasan na kami na pumasok sa stage


curtain. So, pumila kami at isa-isang lumabas papunta sa stage.

Nagpalakpakan ang mga audience nang makita nila kami. I saw


Debi in the crowd. Natatawa siya sa akin. Alam niya kasi kung bakit
ganito ang suot ko.

Iyong mga nakapasa pala na may red card ay ginawang


audience. Sa unahan nila ay may table na mahaba at may seven
judges doon na nakaupo. Those judges were wearing red masks
and red suits. Meron silang red button each sa table nila. Sa itaas
naman nila sa ceiling ay may wide screen.

Dang! I was nervous. First time ko kasing rumampa sa stage.


Nakakarampa lang kasi ako sa stage tuwing graduation.

Isa-isa nang tinawag ang mga candidates. Kung sino ang tawagin
ay kailangang maglakad papunta sa unahan para irampa ang sarili
nila.

“Candidate Number 350!” the announcer called my number.


“Miss Macey Ela B. Sandoval!”

Napakamot ako ng tuktok, lalo tuloy gumulo ang aking buhok.


“Ah, ako na pala.”
Naglakad na ako papunta sa unahan. Pero nakakailang hakbang
pa lang ako nang madulas ako. Bumagsak ang pwet ko sa sahig
kaya tumalbog ako.

Shoot! Ang dulas pala ng blue boots na 'to. Buti na lang


matambok ang pwet ko kaya tumalbog lang ako.

But the show must go on. I stood up and continued walking.


Patagilid ang lakad ko dahil na-sprain yata ang aking isang paa. The
audience and judges were just staring at me. Maybe because they
found me funny.

Pagkatapos ng isa pang rampa ay bumalik na ako sa pwesto ko.


Hanggang sa makarating siya sa huling contestant at matapos ang
pagrampa ng lahat.

“Judges. Please choose seven candidates from the wild cards,”


utos ng announcer sa mga judges.

Nagbulungan ang mga judges. Napahawak sa kamay ko si Olly.


Ang lamig ng palad niya. Parang isang malamig na cola na
sinamahan ng hotdog sandwich at hamburger. Kagutom na, pota!

Pati ang mga candidates na kasama ko ay naghawak-hawak ng


kamay. Kinakabahan sila, of course.

Nagsimula na ang botohan. Pumindot ang mga judges sa red


button pagkatapos ng kanilang diskusyon. Tumunog ang screen na
nasa ceiling at lumitaw sa screen ang mga number na napiling 7
Wild Cards.
“Fuck,” usal ko nang makita sa screen na nangunguna ang
number ko.

Tangina naman, nakapasa na naman ako?!

LEVEL 5

WHAT WAS WRONG WITH THOSE JUDGES?!

Bakit ako ang napili nila?! Bakit ako nakapasa?! Bakit?! Sa


sobrang inis ay nalamukos ko itong kinakain kong lettuce.
“Hey, I thought you’re hungry?” natatawang tanong sa akin ni
Debi. Magkaharap kami sa isang table kung saan kumakain kami ng
late lunch.

Nandito kami sa isang foodcourt ng establisyementong ito.


Syempre, katulad ng ibang lugar dito, kulay pula rin ang lahat mula
sa kisame, dingding, at pati na rin ang mga upuan at mesa.

Libre ang pagkain dito habang naghihintay ng next round, pero


hindi ako nautuwa. Four leaves ng lettuce, one gram ng unflavored
dried meat, at one bottle of mineral water, ang ibinigay sa amin.
Anong klaseng pagkain ‘to? Hindi ako mabubusog nito! What I
needed were one whole roasted chicken, 5 cups of rice, and a liter
of soda!

“Kapag pala nakapasa ka rito sa audition at napangasawa mo si


Panther, e ganito ang kakainin araw-araw?” nanggagalaiting tanong
ko kay Debi.

Ngumisi siya sa akin. “It’s fine with me, though. Ganito naman
talaga ang kinakain ko araw-araw.”

“What?” Napatitig tuloy ako sa katawan niya. Pareho kaming


slim pero mas slim siya ng mga limang ulit sa akin.

“It’s my way to maintain the beauty of my body.”

Sumunod na napatingin naman ako sa aking tiyan. Flat naman


iyon kahit kakakain ko lang. Matakaw ako pero hindi ako tabain.
Gayunpaman, malaman ang puwetan ko. Doon yata napupunta ang
lahat ng aking kinakain.

“Please, let me go home…” mangiyak-ngiyak na sabi ko matapos


isubo ang nilamukos kong lettuce.

Deb pouted her lips. “Ah, Macey… May kasalanan pala ako sa
`yo...”

Nangalumbaba ako sa mesa matapos lunukin ang lettuce.


“Whatever it is, pinapatawad na kita.”

“Really?”

“Extra large burger with thick patties, large barbecue fries, and
large ice cold soda, please. Just pretend na isa kang cashier na nasa
counter.”

Napabungisngis si Debi. “You’re crazy.”

“I’m getting there, Debi. I swear to you, malapit na kitang kainin


sa sobrang gutom ko.”

“But seriously, Macey. May kasalanan nga talaga ako sa `yo.”

“Ano bang kasalanan iyon?”

Matagal siya bago sumagot. Napalabi siya. “I voted for you to


win in the elimination round.”
Napanganga ako sa sinabi niya.

“I know, gusto mong bumagsak. Pero hindi ko alam na hindi


lang pala ako ang boboto sa `yo. Halos lahat kami.”

Napakunot-noo ako. May voting palang naganap from audience.


Meron pala silang participation, hindi lang ang mga judges. At
ibinoto nila ako, mga hayup!

“Sorry, Macey.” Napa-peace sign si Debi sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala naman na akong


magagawa pa.

Napatingin ako sa glass wall ng foodcourt. Sa labas ay makikita


na nagdidilim na ang kalangitan. Akalain mo iyon? Maghapon kami
rito at maggagabi na ngayon, pero ang ipinakain lang sa amin ay
tuyot na dahon at karne? `Tapos sa drinks, hindi man lang
ginawang soda o juice, tubig lang talaga na hanggang tatlong lagok
ko lang yata.

Mula sa glass wall ay natanaw ko si Olly. Isa siya sa pitong napili


bukod sa akin. Nasa hindi siya kalayuan at nang mapatingin siya sa
akin ay matamis na nginitian niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya
dahil friendly naman siya.

“Miss Sandoval.” May lumapit sa aming apat na lalaki na naka-


red suit.
“Waiter ba kayo?” tanong ko sa mga ito. “Pa-order naman ng
food, oh.”

Nagkatinginan ang mga lalaki. Dalawa sa kanila ay may iniharap


sa aking tablet. Sa isang screen nito ay nandoon si Half Note. [
Miss Sandoval, how are you? ]

Sa kabilang tablet naman ay nasa screen si Quarter Note. [


Binibining Sandoval, kumusta ka? ]

“Eto, gutom na,” yamot kong tugon sa kanila.

[ Someone is waiting for you in the red office, ] ani Half Note.

[ May naghihintay sa `yo sa pulang opisina, ] si Quarter Note.

“Sino naman `yan?”

“Go,” bulong sa akin ni Debi. “Baka importante.”

Tumayo ako at nanghihinang naglakad. Iginiya ako ng isang


lalaki at nagbigay ito ng daan. Kulang na lang ay akayin nila ako.

Ilang minuto rin ang paglalakad namin bago nakarating sa red


office. Pumasok kami sa red door at bumungad sa akin sina Half
Note at Quarter Note. May katabi din silang apat na bodyguard, in
red suit din. Nag-vow sila sa akin.

Iyong isa sa kanila ay malaki at mataba.


“Let me guess, ikaw si Whole Note.” Ngumisi ako sa kanya.

Iyong isa naman ay maliit na lalaki.

“I think ikaw dapat si Half Note.”

Then `yong isa ay parang bao ang buhok.

“Ikaw si BuNote?”

At iyong huli ay walang buhok sa tuktok.

“PaNote, right?”

Hindi naman sila kumikibo.

“Just kidding.”

Lumapit sa akin si Half Note at inabutan ako ng cellphone.


“Someone wants to talk to you.”

“May gustong kumausap sa `yo,” sabi ni Quarter Note sa


likuran.

Ang nanghihina kong katawan ay nagising dahil sa kaba.


Sigurado akong si Panther na naman ito.

“Proceed or Exit?” tanong sa akin ni Half Note.


“Magpatuloy o lalayas ka na rito?” Syempre, ang pamatay na
translation ni Quarter Note.

“Exit,” mariin kong tugon.

Ayokong makausap si Panther.

Umatras si Half Note. “Then, you need to pay seven billion


dollars—”

“Joke lang. Syempre proceed,” sabay bawi ko.

Wala naman akong seven billion dollars. At kung meron man,


eh, ibibili ko na lang ng seven billion burgers kaysa ibigay ko sa
kanila.

“You chose ‘proceed’.” Lumapit muli sa akin si Half Note.


“Answer the call, please.”

“Iyong pinili ang ‘magpatuloy’.” Lumapit din sa akin si Quarter


Note. “Pakisagot ng tawag, utang na labas.”

Napalunok muna ako bago ko kinuha ang cellphone sa kanya.


Tiningnan ko muna sa screen kung naka-on ang loudspeak. Nang
makita kong naka-on ay in-off ko ito. Saka ko idinikit ang cellphone
sa aking tainga. “H-hello?”

[ Macey, ] anang baritonong tinig.

Napahugot ako ng paghinga. It was really Panther Foresteir.


“Oh, bakit?” Pinilit kong maging cool kahit ang totoo ay walang
mapaglagyan ang kaba ko. “Ano ba iyon? Tawag naman kasi nang
tawag!”

[ Is my voice clear now? ]

“Oo, hindi na choppy. Ano ba kasi iyon? Don’t tell me you are
calling to congratul—”

[ Fail your audition. ]

“Ha?”

[ Do you hear me loud and clear? Fail your audition. ]

Actually, iyon naman talaga ang plano ko. Pero bakit ang sakit
na marinig na sa kanya nagmula ito?

[ I don’t want you to be my wife. ]

Kumibot ang ugat ko sa noo. Nagdilim ang mukha ko. “Excuse


me! For your information, naligaw lang ako dito sa audition mo—”

[ I don’t wanna hear your excuses. Please, just go home. ]

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. “E, ‘di ba, sa ‘yo ang
audition na ‘to? Bakit hindi mo na lang ako ibagsak para makauwi
na ako!”
[ I can’t do that. There are rules for having seven wives that I
should abide. I can not just kick you out. ]

Bastard!

[ So the only way… is to do your best to fail. I don’t want you


here. ]

Kumulo na ang dugo sa sinabi niya. “No,” tiim-bagang kong sabi.

[ What? ]

Napaangat ang isa kong kilay kasabay ng paggapang ng galit sa


aking ugat. “Panther Foresteir, listen to me very carefully…”
Napakuyom ako ng kamao. “I. Am. Gonna. Be. Your. Wife.”

Natahimik siya sa kabilang linya.

“Just you wait! I am going to be your wife to teach you a


lesson!” Pagkasabi ko ay in-off ko na ang linya.

Padabog kong ibinalik ang phone. Nanginginig ang katawan ko


sa matinding galit.

Nagkatinginan naman sina Si Half Note at Quarter Note. Ang


una ay nagtanong sa akin. “Proceed or Exit—”

“Proceed!” Hindi ko na siya pinatapos.

“You may proceed to the next round.”


“Maari ka nang magpatuloy sa susunod na pagsubok,” sabi
naman ni Quarter Note.

Tinalikuran ko na sila at lumabas na ako ng pinto. Gamit ang


aking mabibigat na mga paa ay nagmartsa ako papunta sa lobby.

Malayo pa lang ako ay sinalubong na agad ako ni Debi. “Macey,


alam ko na ang susunod na test. I will tell you, so you’ll know what
to do if you still want to fail this time—”

“No, Debi,” I cut her off.

Napamaang naman siya.

“I need to pass.” Seryoso ang mga mata ko nang salubungin ang


nagtatanong niyang paningin. “I'm gonna pass all the tests to
become one of Panther Foresteir's seven wives,” madiin kong
bigkas.

LEVEL 6

THAT BASTARD!
Hindi matapos-tapos ang pagkulo ng dugo ko. Ang pinakaayaw
ko sa lahat ay iyong pinag-iisipan ako na gumawa ng isang bagay na
hindi ko naman talaga ginawa, at wala akong balak gawin.

Ahg! I never dreamt of being one of his wives! `Tapos ang


ipinaparating niya na nagdadahilan lang ako? Like what the heck?!

Noong mga bata nga kami ay ilang beses ko siyang binasted, e.


Kung hindi niya pa ako inuto noon gamit ang chocolates na
paborito ko ay hindi naman magiging kami. Ayaw ko naman talaga
sa kanya dahil bata pa lang ay mahangin na siya.

Take note! Limang taon pa lang ako noon pero hindi ko na siya
gusto. Ngayon pa kaya? Itsura niya! Guwapo lang siya pero may
tagas ang utak niya!

Ayaw ko talaga sana itong pa-seven wives niyang kalokhan, kaya


lang binangga niya ang pride ko. Ngayon tuloy ay napasubo ako.
Maging isa na sa seven wives niya ang bagong goal ko sa buhay.
Pero hindi ako magiging isa sa mga asawa niya para kumerengkeng
sa kanya. May iba akong dahilan.

Gusto kong turuan ng leksyon ang talipandas na iyon. Curious


din akong malaman kung ano ang trip niya at naisipan niya ang
kahangalan na ito. Higit sa lahat, I wanted to be his wife to ruin his
life.

Masyado na siyang maligaya at kung anu-ano na ang naiisipan


niyang kalokohan sa buhay. Dapat na siyang pigilan habang maaga
pa. If I would not do this, no one would. Kaya ako na. I would
sacrifice as a tribute!

May kumalabit sa akin sa braso. Paglingon ko ay kasama ko pa


nga pala si Debi.

“So tell me, Macey. What changed your mind? Bakit biglang
gusto mo na rin maging wife ni Panther?”

Pinalagutok ko ang mga daliri ko sa kamay. “I need to teach him


a lesson.”

Napapalakpak siya. “Exciting! Sana talaga manalo tayo.”


Napayapos siya sa akin.

Akala yata ni Panther ay matatakot ako sa kanya. Siguro ang


akala niya ay uurungan ko siya.

Buo na ang desisyon ko. Ipagpapalit ko ang burger at fries para


lang mapangasawa siya. Gagawin kong miserable ang buhay niya
kaya ngayon pa lang ay magdasal na siya!

Bumukas na ang wide screen dito sa lobby at lumitaw sina Half


Note at Quarter Note.

[ Let’s proceed to the next round, ] sabi ni Half Note.

[ Magpatuloy na tayo sa susunod na pagsubok, ] ani naman ni


Quarter.
Napatayo kaming lahat mula sa pagkakaupo.

[ But before that, there’s going to be a bonus round. ]

[ Pero bago iyon, merong bwenas na pagsubok. ]

[ It’s your choice if you want to join in this round or not. ]

[ Nasa inyo kung sasali ba kayo sa pagsubok na ito o mag-


iinarte kayo. ]

Nagkaroon ng bulungan iyong ilang mga candidates na nasa


likuran namin. Napahawak naman sa palad ko ang malamig na
kamay ni Debi.

Pinaligiran muli kami ng mga lalaking naka-red suit at pinapila


kami ng isang linya. Pagkatapos ay dinala nila kami papunta muli sa
red hallway. Sa dulo nito ay may malaking red door. Nang
magbukas ito ay pumasok kami sa loob nito.

Merong maraming red tables at may red box na nakapatong sa


bawat mesa. Sa ceiling ay nagbukas ang hanging screen at lumitaw
muli sina Half Note at Quarter Note.

[ There are 700 red boxes in front of you right now, ] ani Half
Note.

[ Merong pitong daang pulang kahon sa harapan niyo ngayon,


`kita niyo naman, ] sabi naman ni Quarter Note.
[ In that 700 red boxes, only seven boxes have red cards inside.
]

[ Sa pitong daang lintek na kahon na `yan, pito lang ang may


laman na pulang tarheta. ]

[ Once you got the red card, you will skip the four remaining
rounds and will go to the final round. ]

[ Kapag nakuha niyo ang pulang tarheta, absuwelto na kayo


sa apat na round pa sana at dederetso na kayo sa huling
pagsubok. ]

Hindi na namin pagdadaanan ang ibang round na katulad ng


pagawa ng essay at mawawala na rin ang nomination round.

[ But if you’re unlucky and got an empty box, you will fail. ]

[ Pero kapag minalas ka at napili mo ang kahon na walang


laman, alam mo na? Uwi na! ]

[ Again, it’s up to you if you want to join this bonus round. ]

[ Inuulit namin, nasa sa inyo iyan kung sasali kayo dito sa


bwenas na pagsubok o mag-iinarte kayo. ]

[ It’s too risky, but it will be worth it if you are lucky. ]

[ Delikado, pero sulit pag makatsamba kayo. ]


Pinaabante na ang mga interesado sa bonus round na ito.
Napaisip tuloy bigla ang lahat. If ika-calculate, there was only .01%
na makakuha ka ng red card sa red box. Para na ring imposible na
makuha mo ang red card. There were 700 boxes, come on!

Kung kailan naman gusto ko nang manalo eh saka pa nagkaroon


ng ganito. Kainis!

Ayaw ko naman na tumuloy sa iba pang round kasi roon na


mangyayari iyong gagawa ng essay sa yellow pad. Hello? Graduate
na ako ng college pagagawin niyo pa ako ng thesis?!

“Too risky, right?” bulong sa akin ni Debi.

“Yeah.”

“Don’t join this bonus round.” Humigpit ang pagkakapit niya sa


braso ko.

Napailing naman ang lahat ng candidates. Wala ni isa ang


umabante ng hakbang. Walang gustong sumugal.

[ Oh, I forgot to tell to everyone. ] Ngumiti si Half Note. [ If no


one will participate in this bonus round, all of you will fail. ]

Nag-loading naman si Quarter Note dahil impromptu yata ang


linya ni Half Note. Hindi nito tuloy nai-translate. Mabuti naman.
Anyway, nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Half Note. Lahat
kami babagsak kapag walang naglakas ng loob na sumubok dito sa
bonus round.
“Shit,” usal ni Debi.

Lahat ng mga candidates ay mga nag-panic at hindi malaman


ang gagawin. They all looked frustrated. Lalong lumakas ang
bulungan sa aming likuran. Lahat namroblema. Pati ako
namroblema.

I want to win!

“What are we gonna do?” tanong ni Debi.

“Posible ba iyon?” sigaw ni Maricel. “Na walang manalo sa


amin?!”

[ It’s possible, ] sagot ni Half Note sa screen.

[ Naman, ghorl, ] si Quarter Note.

[ We have another batch that is on the waiting list. They will


continue your audition if you all fail today. ]

[ Meron pa kaming mga reserba na naghihinitay lang. Sila


ang magpapatuloy ng audition niyo kapag lahat kayo ay
bumagsak. O, ano? Hindi kayo ginto! ]

“Fuck!” Napamura si Morga. Katabi ko lang siya.

Napahilot sa sentido si Debi. “This is insane.”


“Sama-sama na lang tayong bumagsak.” Nangibabaw ang tinig
ni Maricel. “Kaysa ako ang pumasok diyan sa bonus round para
makaligtas ang lahat, `tapos ang ending ay wala rin akong
makukuha na red card, `wag na lang. I’m not stupid. Damay-damay
na lang.”

Nagkaroon ng pagtatalo ang lahat pero ni isa sa kanila ay walang


nag-step forward. Kahit ako ay walang planong mag-step forward.
Sobrang imposible na mabunot ko ang red card d’yan!

Mayamaya ay lumitaw sa screen ang countdown. 70 seconds


lang!

“Oh, shit!” Nagpa-panic na si Debi sa tabi ko. “Macey, anong


gagawin natin?”

Hindi lang si Debi ang nagpa-panic. Pati ang ilang mga


candidates ay nagpa-panic. Si Maricel lang yata ang chill at
matapang pa rin ang mukha. Kulang na lang ay magyosi siya
habang hinihintay matapos ang countdown.

Hinuli ni Debi ang aking palad. “W-we’re still friends even after
this, right?”

Lumamlam ang aking mga mata sa kanya. “Of course.”

“K-kakain tayo sa labas bago tayo umuwi?” mahinang sabi niya.

Tumigas ang anyo ko. “No.”


“Huh?” Napamaang sa akin si Debi.

Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Pagkatapos ay umabante


ako ng hakbang.

“I’m in!” sigaw ko kina Half Note at Quarter Note na nasa


screen.

Napatingin ang lahat sa akin na hindi makapaniwala. Kahit si


Debi ay tigagal. Huminto ang countdown.

[ Are you sure? ] tanong ni Half Note.

[ Sigurado ka na ba o nangcha-charing ka lang? ] Si Quarter


Note.

“May choice ba kami?” Napabuga ako ng hangin. “Yes, I’m in.


Ako na lang ang susubok.”

Natahimik ang lahat ng candidates at nakatingin lang sila sa


akin. Nang lingunin ko si Debi ay makikita sa mukha niya ang pag-
aalala at pagpa-panic. Mapait akong ngumiti sa kanya. This was the
only way for them to pass this round. If I would not do this, no one
would, right?

Gusto ko sanang maging asawa rin ni Panther. Gusto ko siyang


gisingin sa kahangalan niya. Pero umabot kami sa ganitong
sitwasyon na kailangan kong ipagpaliban muna ang plano kong
masungalngal siya.
This sacrifice was for Debi. Para din sa iba pang candidates na
umaasa. Beside, I’ve got nothing to lose. If I win, then good for me.
If I lose, kakain na lang ako ng maraming burger sa aking pag-uwi.

Namili na ako ng kahon sa 700 boxes na kaharap ko. Hindi na


ako napagtumpik-tumpik. Kumuha na agad ako ng isa. Iyong
pinakamalapit ang dinampot ko. Nakakahilo kasi kung mamimili pa
ako. Napakalawak ng area na ito at nakakahingal kung mag-iikot pa
ako.

Hindi na ako umaasa na makukuha ko ang red card. Pagkapili ko


sa box ay sumigaw agad ako. “I’m choosing this one!”

Tahimik lang ang lahat habang nakatanaw sa akin. Bakit ba


parang halos lahat sila ay nag-aalala sa akin?

[ You may open the box, ] sabi ni Half Note.

[ Maari mo nang buksan ang kahon, ] sabi naman ni Quarter


Note.

Napahugot muna ako nang malalim na paghinga. Napapikit si


Debi nang matanaw ko siya. Ganoon din si Olly. They seemed even
more nervous than I was.

Ngumiti ako. Kung hindi rin lang red card ang laman nito, sana
man lang ay burger at fries. Marahan kong binuksan ang red box.

Nang iangat ko ang cover nito ay nanlaki ang mga mata ko.
Dang! Talk about luck, there was a red card inside!

~~~~~~~~

DINALA ako ng mga naka-red suit na lalaki dito sa isang office na


parang presidential suit ang style. Cozy na modern type ang design.
And of course, everything here was red. Iniwan lang nila ako mag-
isa rito kaya iginala ko muna ang aking mga mata sa paligid.

Ngayon na raw ang Big Night. Ngayon na malalaman kung


makakapasok sa Final 7. Pero bakit parang wala namang ganap?
Nasaan iyong big na sinasabi?

“Ahem.” May lalaking tumikhim.

Nasaan iyon? Wala naman ibang tao rito kundi ako.

May tumikhim muli.

“Nasaan ka? Magpakita ka!” Napalingap ako sa paligid.


“Magpakita ka, masamang espiritu!”

“Actually, kanina pa ko nandito.”

Napatingin ako sa likuran ko. Isang maliit na matandang lalaki


ang nakatayo roon. Halos hanggang baywang ko lang ang taas niya.
He was wearing a red polo shirt na double extra small yata ang size.
Meron siyang red hat magician at red boots kaya para siyang
leprechaun. May suot siyang glasses with thick black frame.
“You’re less than a half, so, let me guess… ikaw si Small Note?”
hula ko.

“I’m Dr. Fetus,” pakilala niya.

“I finally met someone na walang note ang pangalan. Whew!”

“Congratulations! You’re in the finals now!”

“Tell me.” Umupo ako upang magpantay kami. “Paano ko


nakuha ang red card?”

“What do you mean?” Nagtaka siya sa tanong ko.

“7 out of 700 boxes? Napakaswerte ko naman.”

Napangisi siya. “It’s because all those boxes have red card
inside.”

“A-ano?” Napatanga ako.

“It’s a test, Ms. Sandoval.” Kinamayan niya ako. “Nice to meet


you.”

Kinamayan ko rin siya. “T-thanks.”

Naglakad siya papunta sa upuan at hinila niya ito palapit sa akin.


“Do you mind? Pakiupo naman ako.”
“S-sure.” Binuhat ko siya at iniupo sa upuan.

“Before your batch, there were four batches that failed.”

“Ay, true?”

“Diyan sila lahat bumagsak sa bonus round. No one had step


forward for the sake of everyone. Pinili nila na sama-sama na lang
silang bumagsak kaysa mag-sacrifice ang isa.” Napatitig siya sa akin.
“They did not know that every red boxes had red card inside.”

“I don’t understand. Bakit kayo nagsinungaling? You told us na


pito lang ay may laman na red card sa 700 boxes na naroon.”

“Don’t you still get it? It’s not all about the red card inside the
box.” Ngumiti siya sa akin. “It’s all about who you are inside.”

Ang arte, ha? Miss U ba ito?

“Tell me, Ms. Sandoval. Why do you want to be one of Panther’s


wives?”

Napalunok ako. Hindi ko naman talaga gustong mapangasawa


ang lalaking iyon. Napasubo lang ako dala ng pride ko.

“What’s your reason?”

“Because…” Matagal bago ako nakasagot. “I hate him.”

He laughed at my answer. “Are you serious?”


Napayuko ako. “To be honest with you, I also want to know why
Panther became like that.”

“Actually, I talked to him over the phone. He warned me about


you. If ever daw na makarating ka sa finals, ibagsak daw kita.”

Hanggang dito lang yata talaga ako. Napapikit ako.

“Now, tell me. Do you still want to be his wife?”

“Ikaw na ang magdesisyon. Basta ako, asar talaga ako riyan sa


boss mo. Gusto ko siyang bayagan kapag nakita ko.”

Napahalakhak siya. “How about I change my question.” Seryoso


siyang tumitig sa akin. “Why do you want to be his wife?”

Napakuyom ako ng kamao. “Dahil gusto ko siyang turuan ng


leksyon.”

“Why?”

“I don’t like what he’s doing. Why he chose to get married with
seven women? Anong tingin niya sa aming mga babae, puwede
niyang asawahin anytime? I hate him because of that.”

Ayos lang sana kung mabuti ang hangarin niya sa pag-aasawa ng


marami, kaya lang hindi naman, e. Trip niya lang talaga. Ginawa
niyang isang malaking laro ang sagrado dapat na pag-aasawa.
“Dr. Fetus, nakita ko ang kagustuhan ng ibang candidates na
mapangasawa si Panther. Nakita ko kung paano masaktan iyong
mga hindi nakakapasa sa auditon. Nakakagalit kasi hindi sila
deserve ang amo mong siraulo!”

Lumundag ang maliit na matandang lalaki pababa mula sa


kanyang kinauupuan. Lumapit siya sa desk malapit sa amin at may
kinuha sa drawer nito.

“You know what, Miss Sandoval.” May kinakalikot siya roon.


Hindi makita dahil nakatalikod siya sa akin. “This is the first time I
met someone like you.”

“What do you mean?”

“I think you’re different. You are different from all the


candidates here.” Bigla siyang humarap at nagulat ako sa hawak
niya.

He was holding a tranquilizer gun!

“That’s why I will let you pass this audition.” Pagkuwan ay


binaril niya ako. “Congratulations!”

Nasapol ako sa braso ng tranquilizer dart. Nanghina agad ako at


nabuwal sa pagkakatayo.

Lumapit sa akin si Dr. Fetus nang nakahiga na ako. Naririnig ko


pa siya pero nagdilim na ang paningin ko.
“I’m so sorry about this. Paggising mo ay kasal ka na kay Panther
Foresteir,” sabi niya.

Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

~~~~~~~~

ARAY KO HA, ANG SAKIT!

Napadilat ako dahil may naramdaman akong tumusok sa aking


braso. What the heck was this? Kinapa ko iyon. Nasira tuloy dahil
dito ang maganda kong panaginip. Napabalikwas agad ako ng
bangon nang ma-realize kong nasa isang hindi pamilyar na kuwarto
ako.

Nandito ako sa pulang kama na puno ng talutot ng pulang rosas.


Napalingap pa ako sa paligid. Everything here was red, especially
the walls and the ceilings. Kahit ang suot kong night gown ay red
nang mapatingin ako sa wall mirror sa kanan ko.

There was a drawer beside my bed. Sa ibabaw nito ay may


tablet. Kinuha ko ang tablet at pinindot ko ang screen. Nasa screen
ang pangalan ko. Inilapag ko ulit ito.

Where were my things? My bag? My phone? Then I suddenly


remembered what happened. Binaril nga pala ako ni Dr. Fetus ng
pampatulog. Lintek na bulilit iyon, ah!
I was about to leave the bed when I noticed that I had a QR
code on my left wrist. My forehead furrowed as I stared at it. I tried
to erase it but it could not be erased.

Tattoo?!

Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. There


was also a tattoo in my neck. It was like bar code tattoo. Anong ibig
sabihin nito? Tinatuan nila ako nang wala kong permiso?!

And what the heck was this in my neck?! May collar choker ako
sa aking leeg and it was thick. There were seven red diamonds
around its leather body. I tried to remove it, but it had a lock.

May tumunog sa kanang pulso ko at saka ko lang nalaman na


may suot pala ako ritong smart wristband. Kulay itim ang screen
nito pero bigla itong nag-beep at nagkulay green. Sinubukan ko rin
itong tanggalin pero hindi ko matanggal. Nabwisit na ako. Ano ba
itong pinaglalagay nila sa katawan ko?!

May screen sa wall at bumukas ito. It was Dr. Fetus. “Good


morning.” Nakangiti sa akin ang matandang bulinggit.

“What did you do to my body? Bakit may mga tattoo ako at


devices na kinabit sa akin?!”

“Calm down, Mrs. Foresteir.”

Nanlaki ang butas ng ilong ko. “Mrs. Foresteir?! Bakit ka


nagmumura?!”
“You are the wife of Mr. Panther Foresteir.”

“K-kasal na ako sa kanya? P-paano nangyari `yon?”

“While you were asleep, kinasal ka kay Mr. Panther Foresteir.”

“Hey, don’t say bad words!”

Hindi niya ako pinansin. “And then you woke up married.”


Napapalakpak siya. “Yey!”

Sumimangot ako sa kanya. “Where’s that man?”

“Actually, he’s waiting for you just outside your door.”


Napakamot siya. “And he’s in a bad mood today, so please be
patient with him—”

Hindi ko na siya pinatapos dahil tumalikod na agad ako.

Lagot ka sa akin ngayon, Panty Foresteir!

Nagmartsa ako papunta sa pinto. Marahas kong binuksan ang


pinto at agad kong nasilayan ang isang matangkad na lalaki.
Nakatalikod siya pero malinaw sa akin kung gaano kaganda ang
kanyang tindig. Ang suot niya ay button-down long sleeve
immaculate white polo at dark jeans.

Nang lumingon siya sa akin ay sandali akong natuliro. Dang!


From his thick raven black hair, his thick dark brows, his alluringly
luminous gray eyes, his prominent nose, to his radiant lips, Panther
Foresteir was undoubtedly gorgeous son of a gun!

And wait! Nasaan na napunta ang angas ko? Bakit nang


makaharap siya ay bigla na lang itong nawala?!
LEVEL 7

PANTHER? WAS HE REALLY PANTHER FORESTEIR?

And was he really this tall and sexy?!

The semi-fitted immaculately white button-down long sleeve


polo and baston jeans that he was wearing emphasized his
intimidating and perfect physique. To be honest, his photos on the
internet and in magazines didn’t do him justice.

Hindi ko pinansin ang pagtaas ng isa sa makakapal na kilay ng


lalaki dahil busy ako sa pagmamasid sa kabuuhan niya. He was just
so perfect that I could not take my eyes off him. I had seen a lot of
handsome men; from my brother, my brother’s male friends, to my
male friends, but Panther was far different from all of them. There
was something intriguing about him that I could not explain in
words.

Ang matingkad na mapula niyang mga labi ay bumuka. “Macey,”


mahina niyang sabi, pero sa pandinig ko ay tila ba dumagundong
ang tinig niya.
As I heard his low and cold baritone voice, I blinked. Doon ako
nahimasmasan. “Ah, p-panty—”

His thick and dark brows furrowed. “What?”

Muli akong napakurap dahil ang lamig ng tinig niya. Napalunok


ako nang malalim habang nakatingala sa kanya. Ahg! Iyong angas
ko pala, nawala! Kasi naman, nabigla ako. Malay ko ba kasi na
nakakawindang ang itsura niya? `Tapos teka, ang bango rin pala
niya. Kaliligo lang ba niya?

Kumiling naman ang ulo ni Panther habang nakatitig sa akin


nang masama. Really? Did he really need to look at me that way?

Bumalik na tuloy ang iritasyon ko na kanina ay sandaling


nawala. But still, I tried to calm myself down before talking.
“Where is this place?”

His perfect jaw clenched. “Unfortunately, you’re now one of my


wives. Of course, you’re here in my house.”

He was obviously upset that I had become one of his seven


wives.

I raised my left hand in front of him. “Bakit niyo tinatuan ang


palad ko? Pati leeg ko, may bar code tattoo! Ano ako, paninda sa
grocery store?” asik ko sa kanya. “And where are my things? Ibalik
niyo sa akin ang phone ko!”
“Did you not read the commitment documents before you
signed them?”

Commitment what?

Napanganga ako. Ang ibig niya bang sabihin na commitment


documents ay iyong mga papel na pinapirmahan sa akin bago nag-
umpisa ang audition? Oh, shoot! I didn’t read it!

Lumikot ang mga mata ko. “Uhm, ano ba kasi itong parang QR
code na tattoo sa palad ko?”

“Dr. Fetus will explain everything to you. But everything you


need to know is already written in the Red Book in your room.”

“Red Book?” I suddenly remembered the red book I saw on my


pillow.

“So slow,” narinig kong bulong niya.

Napataas ulit ang paningin ko sa kanya. “Anong sabi mo?!”

Panther responded by just shrugging his broad shoulders. What


a jerk!

“Oo na, babasahin ko na lang `yang lintek na Red Book na `yan.


Nagtanong lang naman ako dahil gusto ko na manigurado. Mahirap
na, abnoy raw kasi ang pinuno ng lahat ng ito.”
Nagdilim ang perpektong mukha ni Panther dahil sa sinabi ko.
Sorry not sorry, bahala siya sa buhay niyang manggigil.

Bahala siya sa buhay niya pero hindi ako katulad ng ibang asawa
niya na luluhod sa kanyang harapan. I would not be conscious
when he was around, I would not act demure if he approached me,
and I would not be careful with my words when talking to him.
Instead, I would still be unapologetically frank.

As for the commitment documents, I didn’t want to look stupid


in front of him, so I just pretended that I had already read them. I
would just read the Red Book later for information. `Pag may hindi
ako na-gets dahil ang bobobo nila, Si Dr. Fetus na lang ang
tatanungin ko.

Before I left the room, I heard Panther speak again. This time his
tone was flat and low. “Macey.”

Bigla na lang kumabog ang aking dibdib nang lumingon ako sa


kanya. Nagulat ako dahil ang kulay abo niyang mga mata ay
malamlam habang nakatitig sa aking mukha.

“B-bakit?” Mahina at nautal pa ang aking tinig na ipinagtaka ko


sa sarili.

Matagal na naghinang ang mga mata namin kaya pabilis nang


pabilis ang kabog ng dibdib ko.

He let out a sigh before speaking. “I want to be straightforward


with you. I don’t want you as my wife.”
Ang pagkabog ng dibdib ko ay tumigil.

“But I don’t have a choice. You are already here. You have
passed the auditions and you have been selected as one of my
seven wives. But despite that, I still don't want you to be my wife.”

Napahingal ako sa sinabi niya. Nabura ang lahat ng kakaibang


emosyon kanina at bumalik ang nararamdaman ko sa kanyang
pagkainis. “`Yabang mo. E, ayoko rin naman na mapangasawa ka!”

“Then, why the hell did you join in the audition?” kalmadong
tanong niya.

“Ang tanga kasi ng mga alagad mo. Sa kabilang building ang


audition at kung bakit sa building niyo ako napadpad – it’s a long
story. Nakakatamad ikuwento! Hulaan mo na lang!”

“All right. Just stay the fuck out of my way. Wait for 70 days
until I can finally get rid of you.” Pagkasabi niya ay tinalikuran na
niya ako.

Dapat aalis na rin ako pero parang tanga ang bibig ko na


nagsalita. “Ano bang kasalanan ko sa `yo? Bakit ka ba galit sa akin?”

Natigilan siya sa paghakbang.

Right, okay na rin pala na tanungin ko na siya ngayon. Hindi ko


kasi maintindihan kung bakit sa pag-akto niya ay para bang mas
diring-diri pa siya sa akin kaysa sa diring-diri ako sa kanya.
“Hoy, Panther! Baka nakakalimutan mo ang past natin noong
mga bata pa tayo. Hindi kita gusto pero naging mag-jowa tayo dahil
pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko—”

Just like that, his calm and intimidating aura disappeared.


Nanakbo siya papunta sa akin at tinakpan ng malaki at mainit
niyang palad ang aking bibig. “Shut up!” gigil na bulong niya. “Baka
may makarinig sa `yo!”

Ang bango ng palad niya kaya lang naalala ko na tarantado nga


pala siya inside and out. Tinabig ko ang kamay niya. “Don’t touch
me, ew!”

Lalo niya akong tinitigan nang masama. Sa malapitan ay mas


matingkad pala ang pagkakulay abo ng mga mata niya.

Bakit ba siya galit? Siya naman talaga ang may atraso, ah?
Naging kami noon dahil lang sa tinakam niya ako sa chocolates. He
threatened me that he wouldn’t give me chocolates back then if I
didn’t make him my boyfriend. But in our first and last monthsary,
he ghosted me.

See? Bakit siya pa ang galit diyan, ‘di ba? Lumaki lang siya
ngayon at gumuwapo pa nang mas malala ay mas naging masama
na rin ugali niya.

“What are you thinking?” namumula ang magkabilang tainga na


sita ni Panther sa akin.
“Nasa rules din ba na dapat alam mo iniisip ko?” Inirapan ko
siya. “Uhm, anyway, `di ba ayaw mo sa akin? Kung talagang ayaw
mo sa akin, bakit hindi mo na lang ako i-divorce agad? Kahit bukas
din, ano? Tara?”

Kung makakalaya na ako ngayon, go na ako. Ayaw ko na siyang


makita pa. Kakalimutan ko na lang siguro ang pagganti ko at
pagtuturo ng leksyon sa kanya.

Pinaningkitan naman ako ni Panther ng paningin. Napahaplos


siya sa kanyang batok. “There’s a 70-Day Rule.”

Napamaang ako. 70-Day Rule? Ano naman iyong lintek na iyon?


Ito ba `yong 70 days na binanggit niya kanina?

“Read the Red Book.” Tuluyan na niya akong tinalikuran


pagkasabi.

Ako naman ay nanggagalaiti sa galit habang nakatanaw sa kanya


na papalayo. Pumasok siya sa isang pinto na banyo yata. Ano
kayang gagawin niya roon? Maliligo ulit para lang makatakas sa
akin? Barumbado talaga.

I couldn’t believe his attitude. Hindi ko akalaing tatanda siya na


masama ang ugali. Samantalang noong mga bata kami ay wala
siyang ginawa kundi nakawan ako ng halik.

~~~~~~~~
“I’M GLAD YOU DID IT!”

Pagpasok pa lang sa pinto ng malawak na solar ng mansiyon ay


ang humahangos na si Debi agad ang nakita ko. Nananakbo siya
patungo sa akin para yakapin ako nang mahigpit.

“I’m glad you did it, too, Debi!”

“We did it, Macey!” Punung-puno ng sigla ang tinig niya.

Ngumisi ako. “Okay. Just don’t forget your promise to me.


Burger date!”

“Sure!” she laughed.

Naghaharutan kami papunta sa couch nang matanaw ko ang


isang maputi at balingkinitang babae. Si Cel Stone na ang tunay na
pangalan ay Maricel Batungbacal. Nakapasa rin pala ang impakta.
Nang mapatingin sa akin ay agad na umirap ang mga mata.

Hindi lang kami ang tao rito sa malawak na sala. Meron pa


kaming ibang kasama. Mga katulad namin na nakapasa at napili
bilang mga asawa ni Panther Foresteir. Isa sa kanila si Morga Dela
Cruz, iyong nakapulot nang nailaglag ko na red card.

Nandito rin si Nikita Ongpauco. Siya iyong masungit na singkit


na sumaway sa amin ni Debi nang maingay kaming
nagkukwentuhan.
I smiled at Olly when I saw her. She smiled at me too. She was
really sweet and friendly.

I didn’t know the name of the other wife. But since we all had
name tags, I read the woman’s name. Her name was Giana Alegre.
She seemed nice. She also looked modest.

The differences in the personalities of the women here were


noticeable. May mukhang matatapang, mukhang matataray,
mukhang mababait, mukhang mahihinhin, at mukhang napadaan
lang—and that was me. Hindi naman kasi talaga ako nangarap na
mapasali sa kalokohang ito.

It was also obvious to the women I was with here that they
were not comfortable with each other. I had no idea how far we
could all handle this setup.

Sayang lang talaga dahil ang gaganda nilang mga babae at


mukhang may mga pinag-aralan, pero naging isa lang sila sa pitong
asawa ng isang siraulong bilyonaryo.

Anyway, I could not just judge the decision of these women.


They probably had their reasons for choosing this path. If there was
anyone to judge and blame here, it was Panther Foresteir.

“Congratulations, Mrs. Foresteirs!”

Kamuntik na akong mapalundag sa gulat nang may isang


lalaking nagsalita malapit sa paanan ko. Pagtungo ko ay isang maliit
na matanda ang aking nakita—si Dr. Fetus pala!
Mukhang kanina pa siya nandito. Pero dahil bulilit siya, hindi
agad namin siya napansin. And just like the last time, he was still
wearing his red magician hat. He really looked like a leprechaun.

Umakyat si Dr. Fetus sa upuang hinila niya at napupo siya roon.


Meron siyang hawak na tablet at nag-tap siya sa screen nito. “I’m
here to greet you before your Ring Ceremony.”

Ring Ceremony?

Napahugot ng paghinga ang lahat malibang sa akin. Halata sa


mukha nila ang kaba.

“But first of all, I’d like to apologize about the tranquilizer gun.”

Hindi lang pala ako ang binaril niya niyon? Ah, whatever!
Makakaganti rin ako sa kanya balang-araw.

“Welcome to the Red Mansion!”

Nasa isang malaking kulay pulang mansiyon daw kaming lahat.


We were brought here after we passed the audition and got
selected as Panther’s Wives. And as wives of that man, we were
required to stay in this red mansion which was located on a private
island outside the Philippines.

Isa itong mansiyon na kasing lawak ng isang mall at may pitong


palapag. Ang tawag sa mansiyon na ito ay ang The Red Mansion.
Dito kami titira bilang mga asawa ni Panther Foresteir. Ang Red
Mansion ay napakaraming kuwarto at amenities.

Marami itong kuwarto kada palapag. Lahat kami ay may mga


sariling kuwarto o tinatawag na Wife’s Chamber. May sariling tila
departments stores, grocery stores, foodcourts, restaurants, clinic,
gym, conference room, entertainment room, sauna, indoor pool, at
indoor garden din. Marami pang iba na hindi nabanggit. Ang
pinakatuktok, the 7th floor was the forbidden floor. Bawal kami
roon dahil siguro nandoon din ang pinaka-working place ni
Panther.

Napapalibutan daw ang labas ng mansiyon na ito ng mga tauhan


ni Panther at ng mga tauhan ng Red Marshal—The Red Marshals
were the law of the world’s billionaires. Meaning, ito lang ang
batas na sinusunod ni Panther. They existed for the balance.
Kumbaga, para silang United Nation or Treaty Organization.

Pumalakpak ang maliliit na kamay ni Dr. Fetus. “Before we


proceed, I’d like to reveal something first.”

Nangunot ang noo ko. Ano na naman ang ire-reveal niya?

Ngumiti si Dr. Fetus sa lahat bago nagpatuloy sa pagsasalita. “I


know that this will be shocking news to all of you, so brace
yourselves, ladies.”

Nagkatinginan ang mga kasama kong babae habang ako ay kay


Debi lang napatingin. Sabay pa kaming napakibit-balikat.
“Ladies,” ani Dr. Fetus. “One of you is already married to
Panther Foresteir even before this batch audition started.”

Napanganga halos lahat dahil sa sinabi niya.

Si Morga ang naglakas-loob na nagtanong. “Isa sa amin ay


matagal ng asawa ni Panther bago pa ang audition? Pero bakit
sumali siya ulit? What’s her deal? And who the hell is she?!”

Humalukipkip ang maliliit na braso ni Dr. Fetus. “She’s from the


first batch. Siya lang ang hindi na-divorce sa kanilang pito during
their batch.”

Nagkatinginan kaming lahat.

“It was her idea, actually. Sumali siya sa inyo para makilala niya
ang bawat isa sa mga candidates.”

“Anim lang talaga ang mapipili at hindi pito sa umpisa pa lang?”


Si Maricel naman ang nagtanong sa pagkakataong ito.

Tumango si Dr. Fetus kaya nag-bounce ang kulubot niyang baba.


“What a plot twist, isn’t it?”

“Who’s this bitch?” It was Nikita who asked this time. Her
steady pretty face was emotionless.

Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Maricel pero agad


na umiling ang babae. “Uy, gagi, hindi ako, huh!”
Napasandal si Dr. Fetus sa kinauupuan niya. “Would you mind
to reveal yourself… Mrs. Foresteir from first batch?”

I was surprised when Debi giggled beside me. My eyes widened


at her as she raised her hand.

Napatingin naman sa kanya si Dr. Fetus. “Oh, there she is! Mrs.
Deborah Melendez-Foresteir!”

Debi got up from her seat. She gave us all a smile. “Welcome to
the Red Mansion, my Co-Wives! Let’s all get along as Panther’s
women, shall we?”

Lahat ay hindi makapaniwala habang ako naman ay nanatili pa


ring nakanganga.

Debi turned to me after she returned to her seat. “I’m so sorry,


Macey. I know I owe you an apology and an explanation about
this.”

Alam ko na ngayon kung bakit. Kaya pala halos lahat ng


candidates ay kilala niya. Pati ang lahat ng mga rumors tungkol kay
Panther at sa naunang batch ay alam niya, kabilang pala siya sa
mga nauna nang naging asawa.

Pero para saan iyong pagpa-panic niya noong akala niya ay hindi
na siya makakapasa sa audition? Why did she lie to me? Why did
she fool me?
Lumundag si Dr. Fetus mula sa inuupuan nito. Isa-isa nitong
ipinaliwanag ang sitwasyon dito sa loob ng Red Mansion—ang
mansiyon kung saan naririto kami bilang mga asawa ni Panther
Foresteir.

“The only way to get out of this place was by speedboat or


helicopter,” Dr. Fetus added. “You can not just leave. It is also not
possible to just step back from your position as one of the wives.
From the moment you signed the commitment documents, you are
automatically bound to this fate.”

Nagpalakad-lakad si Dr. Fetus sa harapan namin na animo isang


sundalo.

“You are old enough to make a decision and no one forced you
to choose this path, so, I am hoping that I will not hear complaints
from any of you.”

Namutla naman ang karamihan sa amin sa sala. Maliban kay


Debi na nakuha pang muling humagikhik.She seemed to be
enjoying what was happening.

“Bawal kayong lumabas sa isla na kinaroroonan natin hangga’t


hindi niyo pa nakukuha ang iyong full benefits as one of Panther’s
wives. Saka lang kayo magiging malaya kapag full fledged wives na
kayo.”

Dr. Fetus also mentioned about Panther signing commitment


documents that provided protection to the wives.
Our stay in this place would also be monitored by an
organization na na-mention kanina. Pa-backread na lang kung
nakalimutan mo na. Ayun nga, They were the ‘Red Marshals’. Ang
Red Marshal ay ang batas na mas mataas kay Panther kaya ito ang
magiging limitasyon niya.

“Of course, we all know what is one of the main reasons why
you decided to audition for the ‘Search For Panther's Foresteir's
Wives’. What you are after are the benefits of being one of the
women of the youngest and one of the most powerful
businessmen in the world.”

Napayuko ang lahat dahil tama si Dr. Fetus. Ang habol naman
talaga ng lahat ay ang pera at kapangyarihan ni Panther. It was no
secret that when you became Panther's wife, you would receive a
monthly bank pension that worth one million dollars. It was fifty-
one million in Philippine peso.

Kapag nakatagal ka ng isang taon bilang asawa ni Panther,


magkakaroon ka ng mga properties sa Asya na nakapangalan sa
`yo. Aside from the money and properties, you would be known in
the alta society. You would have connections with rich and
powerful people in the business worlds.

“Gusto ko ring mapangasawa si Panther dahil guwapo at sexy


siya.” Maarteng tinig ni Maricel ang pagdaka’y umalis sa
katahimikan ng paligid.

Nangislap naman ang mga mata ni Olly na nakaupo lang sa


katapat kong sofa.
“All right then, let’s not prolong the wait—”

“It’s time for you to meet our husband!” Nakangiti sa amin si


Debi na dinugtungan ang sinasabi ni Dr. Fetus.

Lihim na napaismid naman ako dahil na-meet ko na ang lalaking


iyon kanina!

“Go to your room now. Dress up,” utos ni Dr. Fetus. “Make
yourself as beautiful as you can because it’s an important
ceremony. You’re going to meet your husband, Panther Foresteir!”

Nagtayuan na ang lahat at halatang mga nagpa-panic kung


anong pagpapaganda ang gagawin. Ako lang ang tanging tinatamad
na nakaupo pa rin. Naghihikab pa ako habang nakasunod ng tingin
sa kanila.

Humalukipkip naman si Debi sa harapan ko. “It’s a ring


ceremony. You must be there, Macey.”

Hindi ko siya pinansin. Ang bubwit na si Dr. Fetus ang tinawag


ko nang meron akong maalala. “Wait, may mga questions pala
ako!” awat ko sa maliit na matanda.

Napabaling naman sa akin ang lahat.

“Para saan pala ang QR code sa kaliwang pulso namin? Bakit


kami may barcode tattoo sa leeg? Para saan itong collar choker
namin? Itong digital wristband namin, para saan din? And where
the hell is my phone?!” sunod-sunod kong tanong.

“Read the Red Book,” sabay-sabay nilang sabi.

Napangiwi ako.

Aalis na sana silang lahat nang awatin ko ulit sila. “Wait, last
question!”

Napabaling muli sa akin ang lahat. Mga naiinip at naiirita na ang


mukha. Pati si Dr. Fetus ay nakasimangot na. Ano? Excited ding
umalis? Magpapaganda rin ba siya?!

“What is your last question?” seryosong tanong ng maliit na


matanda.

Tumikhim ako at pigil ang ngisi na nagsalita. “Uh, saan


puwedeng makabili ng burger dito?”

~~~~~~~~

THE RING CEREMONY was like a coronation night. We were


dressed up with the help of the top designers in the world. Pati ang
make up namin ay sikat na make up artist ang may gawa.
Pinasundo sila ng isang private chopper sa kung saang lupalop sila
ng mundo naroroon at pagkatapos ay dinala rito.

After being dolled up, we were ushered into a large hall. The
floor of the wall was gold while the high walls and ceiling were
glossy red. Sa dulo ng malawak na bulwagan ay merong trono, ka-
peg ng upuan sa series na Game of Thrones. Kulay pula nga lang ito
at may disenyo ng nota imbes na mga espada.

Nandoon si Panther at nakaupo. Nakapangalumbaba din naman


ang gago.

Nang magtama ang mga mata namin ay pasimpleng inirapan ko


siya. Pero sige na nga, ang guwapo niya ngayon. He looked like a
dashing prince in his red suit.

“Macey, are you still mad at me?” narinig kong bulong ni Debi
sa tabi ko. Kanina pa siya nagpapapansin sa akin.

Tiningnan ko siya. “Medyo na lang.”

Ganoon naman kasi ako, mabilis mainis pero mabilis ding


magpatawad. Saka maliit na bagay lang naman. Ewan ko lang kapag
malaki na ang naging kasalanan sa akin, hindi ko pa masasabi dahil
hindi ko pa naman nararanasan.

Pinaligiran kami ng mga bodyguards na naka-red knight suit.


Pati ang mga assistants ay naka-red mask at red hood. Para tuloy
kaming kulto rito.

“Thank you, Macey!” masayang sambit ni Debi. “But believe me,


naglihim lang ako tungkol sa pagiging wife ko ni Panther, pero
totoo ang ipinakita kong friendship sa `yo. I really like you and I
hope that we can still be friends.”
“Ge,” sagot ko.

Hinawakan ni Debi ang kamay ko at naramdaman ko ang


panlalamig ng palad niya. “Even though I’ve been Panther’s wife for
a year I still get nervous every time I see him,” bulong niya sa akin.
“He always makes my heart beat fast.”

Napatingin ako kay Debi. Nakatingin ang mga mata niya sa


direksyon na kinaroroonan ni Panther. Gumuhit ang ngiti sa mga
labi ni Debi.

Natigilan naman ako. Mukhang mahal ni Debi si Panther. Hindi


ba siya nasasaktan na pito na naman kaming kaagaw niya?

Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin na kami ng coordinator


na naka-all red din mula ulo hanggang paa. Isa-isa raw kaming
lalapit kay Panther, ayon dito. We were lined up horizontally in
front of the red throne. I was in the middle.

Halata ang kaba sa mukha ng mga kasama ko. Lahat sila ay


excited ma-meet ang lalaki maliban sa akin.

Tumayo si Panther mula sa pagkakaupo. Ngayon ko lang


napansin na may nakakabit na red note brooch sa dibdib ng
kanyang red Armani suit. Napakaseryoso ng perpektong mukha
niya nang humakbang siya patungo sa amin. Sa tulong ng liwanag
ng ilaw na tumatama sa mukha niya, nangingibabaw ang kulay
abuhin niyang mga mata.

Pero mas guwapo siya siguro kung may hawak siyang burger.
Ang nakamaskarang knight in red sa tabi ni Panther ay ngayo’y
may bitbit nang kulay red na tray. Sa tray ay naroroon ang anim na
singsing.

Dumampot si Panther ng isang singsing at lumapit siya kay Olly


na nasa unahan dahil ang babae ang pinakamaliit. He gently took
her hand and put the ring on her ring finger.

Napangiti si Olly sa kanya at hindi maitago ang kilig sa mukha


nito lalo nang halikan siya ni Panther sa pisngi.

Dumampot muli ng singsing si Panther at kay Giana naman


lumapit. Kinuha rin niya ang kamay ng babae para isuot ang
singsing sa daliri nito. Pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi.
Namula naman ang mukha ni Giana.

Ganoon din ang ginawa ni Panther kay Nikita na nasa pangatlo.


Ang tanging reaksyon ng babae ay malawak na pagngiti.

Oh, shoot! I was next!

Bakit bigla akong kinabahan? Anong gagawin ko kapag hinalikan


ako ng hayop na ‘to sa aking pisngi? Sasapakin ko ba siya?
Tatadyakan sa mukha? O kakaratihin sa leeg kaya?

Lumapit sa akin si Panther kaya napatingala ako sa kanya. Ang


bango-bango niya. Maya’t maya ba siya maligo? Mga 3-4 times a
day ba? Iyong aftershave niya, ibinababad niya ba ng limang oras
bago niya inaalis? E, iyong gamit niyang expensive men’s cologne,
iminumumog niya kaya?

Napapitlag ako nang kunin na niya ang kaliwa kong kamay. Ang
init ng palad niya. Parang nilagay sa microwave ng ilang segundo.

Napahugot ako nang paghinga nang tumingala sa kanya at


magtama ang aming mga mata.

“Macey,” aniya sa malat na tinig.

“Ha?” Bumaba lang ang aking paningin nang maramdamang


inilapag niya sa aking palad ang singsing.

“You wear this yourself.” Pagkasabi ay nilampasan na niya ako.

LEVEL 8

WEAR THIS YOURSELF.


Ha? Tangina, anong nangyari?!

Nakatalikod na si Panther sa akin. Dumampot muli siya ng


singsing at lumapit kay Maricel na kasunod ko sa pila. Maingat
niyang isinuot ang singsing dito at hinalikan niya ito sa pisngi tulad
ng iba.

Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Maricel. Sigurado


akong pinagtatawanan niya ako.

Hindi naman mahanap ni Debi sa sarili niya kung ano ba ang


magiging reaksyon niya sa ginawa ni Panther.

Wala akong nagawa kundi isuot na lang ang singsing sa sarili ko.
Hindi ko man nakikita ang reaksyon ng lahat, pero alam kong
pinagtatawanan nila ako. Gago talaga itong si Panther, pinagmukha
akong tanga!

Hanggang sa naisuot na rin ng lalaki ang singsing kay Morga at


hagkan sa pisngi ang babae. Tulad ng iba ay pinamulahan din si
Morga.

Bumalik si Panther sa kinauupuan niya.

Humanay na rin ulit kami sa linya.

“Thank you for attending this important ceremony, my wives,”


sabi ni Panther. “Welcome to my life.”

Nagpalakpakan ang lahat maliban sa akin.


Nangingibabaw naman ang malakas na palakpak ni Maricel.

Sa bagay, mas okay na rin ang nangyari kaysa nahalikan ako ni


Panther. Kadiri kaya, ew! Ayokong dumampi `yong labi niya sa
aking pisngi. Baka galisin ako.

May lumapit sa aming mga unipormadong lalaki at inabutan


kami ng wine glass. Sinalinan ito ng red wine nang matanggap na
rin ni Panther ang wine glass niya.

Inangat ni Panther ang wine glass niya. “Let’s enjoy our happy
married lives.” Pagkatapos ay nilagok niya ang kanyang wine.

Sumimsim ang lahat sa mga wine glass na hawak nila.

Sumimsim na rin ako. I missed wine.

Si Panther ay palakad-lakad sa harapan namin. Medyo malapit


siya sa akin. I was only four steps away from his balls. Isang tadyak
ko lang doon ay siguradong mamimilipit ang lalaking ito.

May humawak sa braso ko. “Why don’t we go to my room,


Macey?” Si Debi ang aking nalingunan. “You’ve got a lot of
questions, right?”

“May burger ba sa room mo?”

Natawa siya sa sinabi ko. “I can order.”


Napangisi na ako. “Then, what are we waiting for? Let’s go!”

Nang lingunin ko si Panther ay masama ang tingin ng lalaki sa


akin. Tiningnan ko rin siya nang masama. Feeling naman niya
papatalo ako? Anak yata ni Macoy Karangalan Sandoval ito!

~~~~~~~~

“HERE.” May inabot sa aking pulang libro si Debi.

“So, this is your Red Book.” Meron ako nito sa room ko pero
hindi ko pa nahahawakan. Nakaupo ako sa kama niya nang iabot
niya sa akin ito.

“There are seven-hundred rules written in that book.” Umupo


siya sa tabi ko.

“Ang dami naman. Hindi ba nakakaantok basahin?”

“Macey, you must read the Red Book. Para din makaiwas ka na
makalabag sa mga rules.”

Napatayo ako sa pagkakaupo ko at nilingap ang kuwarto niya.


Ang laki kumpara sa kuwarto ko. Sa labas ng pinto nito ay may isa
siyang bodyguard. Meron din siyang helper na pinalabas niya lang.

“Bakit mas maganda at mas malaki kuwarto mo kaysa sa


kuwarto ko?” tanong ko sa kanya habang namamangha sa kuwarto
niya.
“Dahil nasa Level 7 na ako.” Ipinakita niya sa akin ang ring niya.
Kulay violet ito. “Magiging ganito rin ang chamber mo kapag
napunta ka na sa Level 7.”

Napatingin tuloy ako sa ring ko na kulay white. Ngayon ko lang


napansin na iba ang kulay ng ring niya sa ring ko.

“Your ring changes its color depending on your level. And there
are seven levels.”

Nangunot ang noo ko.

“White ring is the Common Ring. The pink ring is the Elite Ring.
The yellow is the Epic Ring. And the violet is the Mythic Ring,”
paliwanag ni Debi.

Napabuklat tuloy ako sa Red Book.

“If you’re in Level 1 or 2, your ring should be white. But if you’re


in Level 3 and 4, your ring will turn pink.”

“Then, kapag Level 5 and 6, magiging kulay yellow ang ring,”


dugtong ko nang mabasa ko sa isang page ang information tungkol
dito.

“Then violet if you reached the Level 7, Mythic Ring.” Ipinakita


niya muli sa akin ang ring niya.

“So, ano naman ang silbi ng colors ng ring na ‘to?”


“Privileges. Makakapasok ka na sa malaking restaurant,
department store, cosmetics store, and groceries sa groundfloor.
Kasama rin sa mga privileges ang bodyguard and pagbabago ng
chamber based on you level. The higher your level, the more
privileges.”

Napalingap muli ako sa paligid. This room was like a presidential


suite. “You mean, malilipat ako sa ganitong chamber kung meron
akong Violet Ring?”

“Yup. Isa iyon sa mga privileges. Habang tumataas ang rank mo


bilang asawa, paganda nang paganda ang lilipatan mong chamber.”
Inginuso niya ang lalaki na nakatambay sa labas ng kanyang pinto.
“You’ll also have a bodyguard, your personal protector like mine.”

“I get it now. Pero pano naman ako magle-level up?”

“May points tayong mare-receive everyday. 7 points ang


pinakamataas at 1 point ang pinakamababa. If you earned 17
points, you’ll reach level 2. 27 points for level 3. 77 points for level
4.”

Parang madali lang maka-ipon ng points.

“107 for Level 5. 377 for Level 6.”

“And level 7?” Lumapit ako sa two door fridge niya para
kumuha ng tubig.

Ngumisi siya sa akin. “You’ll need 700 points.”


Nagsalin ako ng tubig sa baso. “So, saan naman nakukuha itong
mga points na ‘to?” Uminom ako.

“Kay Panther.”

Kamuntik ko nang maibuga ang iniinom ko. “He gave you


points?!”

Parang imposibleng bigyan ako ni Panther ng seven points araw-


araw.

“Don’t worry, dear, dahil hindi lang naman kay Panther


manggagaling ang mga points.”

“That’s good news.”

“Lahat tayong wives niya ay obligadong magbigay ng point sa


isa’t isa. 1 point is the highest, 0 point is the lowest.”

“So, kung lahat kayo ay bibigyan ako ng one point, meron akong
secure na six points?”

“7 points,” sagot niya. “Dahil puwede mo ring bigyan ng one


point ang sarili mo.”

Ibig sabihin, may sigurado na akong one point araw-araw galing


sa aking sarili.
“Pero hindi mo malalaman kung kanino galing ang mga points
na nare-receive mo, except sa points na ibibigay sa `yo ni Panther.”

Ah, ganoon pala iyon.

“And remember, Panther can also give us negative points. And


that negative points will be deducted to our current points. So
itong points ko ay puwede pa ring mabawasan kung makaka-
receive ako sa kanya ng negative points.”

Nalagok ko ang isang basong tubig. Mukhang mag-stay yata ako


sa White Ring forever.

“Para saan itong QR code tattoo na nasa palad natin?” tanong


ko ulit.

“It’s to check our status.”

“Status?”

“Come here.” Hinila niya ako papunta malapait sa pinto.

Merong scanner doon na may screen.

“Scan your code here.” Kinuha niya ang kamay ko at ini-scan sa


scanner.

Lumabas sa screen ang details ko. Naka-indicate dito sa screen


ang aking full name, age, and level.
“See that points status?” Itinuro ni Debi sa screen ang isang
green number sa ibabaw ng pangalan ko. “It says ten points. It
means you’re good. That’s your current points. Madadagdagan
`yan everyday, depende sa ibibigay sa `yong points ni Panther.
Basta `wag lang mag-negative yan. Those points will turn red just
like your wristband.”

Napatingin tuloy ako sa wristband ko. It was green. Katulad ng


color ng points ko sa screen. “At anong mangyayari kapag naging
red ito?”

“It means you’re grounded.”

“Ha?”

Napaisip si Debi. “Grounded. Magkakaroon ng limitasyon ang


kilos mo at mawawalan ka ng benepisyo. Puwede kang ma-bully ng
ibang wives. Magkakaroon ka rin ng penalty at hindi ka
makakaangal sa kahit anong gustong gawin ni Panther sa `yo. But
hey, sino ba ang tatanggi sa gusto ng isang Panther Foresteir,
right?”

Ibig sabihin ba nito ay kailangan kong magpakabait kahit konti


kay Panther para maiwasan kong maging red ang ilaw ng wristband
ko?

“Points can be transferred. Halimbawa, hihiram ka sa akin. Pero


syempre babayaran mo rin sa akin.”
Napahugot ako ng paghinga. Never in my life na nangutang ako
kahit kanino. Ako ang madalas inuutangan, hindi ako ang
nangungutang.

“E, itong collar choker sa leeg natin. Para saan pala ito?” tanong
ko na naman.

“It’s our crown. `Yan ang simbulo ng pagiging asawa natin ni


Panther Foresteir.”

Napahimas tuloy ako dito sa collar choker ko. “In fairness,


mukhang expensive ito.” Kahit kasi leather ito ay hindi mainit. Saka
may kumikintab na parang maliliit na diamond sa gilid. “Ah Debi,
puwede ko ba itong tanggalin?”

“Puwede lang `yan alisin kapag divorced ka na kay Panther. Siya


lang ang may hawak ng susi ng mga choker natin.”

Napansin ko nga na parang naka-lock ito kaya hindi puwedeng


tanggalin.

“This is also a tracking device. So alam ni Panther kung nasaan


tayo kahit saan man tayo magpunta. Mapasa loob man o labas
nitong pribadong isla.”

As if naman makakaalis kami sa islang ito. Ang layo kaya nito.


Kahit excellent swimmer ako ay hindi ko kayang languyin ito pauwi
sa Pilipinas, `no!
“Debi, how about this barcode tattoo?” Napahawak ako sa
aking leeg.

Natawa siya sa tanong ko. “Haven’t you heard about the


tradition of Red Note Society? Kapag meron ka nito, it means pag-
aari ka nila.”

Nabasa ko lang iyon sa magazine. Si Panther ay ang founder ng


isang elite fraternity. Lahat ng miyembro ng Red Note Society o
RNS ay matatalino, guwapo, at mayayaman din na katulad niya.
Malamang siraulo rin na katulad niya. Mantakin mo ba naman na
kung kapag meron silang nakukursunadahang babae ay tinatatuan
nila. Iyon daw kasi ang simbolo na habangbuhay na pag-aari na nila
ang babae.

Intriguing ang RNS Members dahil sa pagiging misteryoso nila.


Sila-sila rin ang mismong kasosyo ni Panther sa malalaking negosyo
ng lalaki. Ang bali-balita pa nga ay may sarili silang underground
bank kung saan puno raw ng pera at ginto.

Ipinakita rin sa akin ni Debi ang barcode tattoo niya sa leeg


pagkatapos ay hinanap niya ang akin. “Let me see yours.”

Ipinakita ko rin naman sa kanya iyong akin. Pero iba ang


napansin niya—ang kulay pulang balat ko sa batok dahil nakataas
ang aking buhok.

“W-what’s this?” gulat na tanong niya.


“That’s my birthmark,” sagot ko. Marami kasi lagi ang
nakakapansin nito.

“It shaped like…” Natigilan siya.

“Like a note?” supply ko.

“Yeah.” Pinakatitigan niya pa ito. “And why is it red?”

“I don’t know.” Basta ipinanganak na lang ako na may balat na


kulay pula at hugis nota sa batok. Natatandaan ko pa noong mga
bata kami ni Panther, pinagtawanan ako ng lalaking iyon at inasar
na poo-poo raw itong nasa batok ko. Napakagago talaga.

Hindi na kumikibo si Debi. Kinalabit ko siya.

“Debi, ayoko nang may tattoo!” Yari kasi ako mommy ko kapag
nalaman niya ito. “Bakit nila tayo tinatuan nang hindi man lang sa
atin nagpapaalam?!”

“It’s in the commitment papers. Hindi mo ba nabasa bago ka


pumirma?”

Bumungisngis ako. “Oo. Ang tanga kasi nila.”

Bumagsak ang balikat niya. “Oh, Macey...”

“I think I really need to read the Red Book.”

“Just avoid those forbidden rules and you’re safe and good.”
“Last question, Debi!”

“What is it?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Saan nakakabili ng


burger?”

Natawa naman ako. “Ano `yong 70-day rule?”

“Where did you hear that?”

Hindi muna agad ako nakasagot. “K-kay Panther.”

Napahalakhak siya. “Mukhang galit nga yata talaga sa `yo ang


hubby natin.”

Lumabi ako sa kanya. “Just tell me what’s with the 70 Day Rule.”

“Ibig sabihin ng 70-Day Rule ay bawal ang divorce o lumabag sa


kahit anong batas inside this marriage. Pero kapag natapos na ang
70 days mula nang maikasal tayo kay Panther, puwede na niyang i-
divorce ang kahit sino sa asawa niya. Tayo rin ay puwede nang
humiling na i-divorce niya tayo, but we need to pay for the penalty.
But don’t worry, hindi na bilyones ang penalty.”

Napanganga ako. May pag-asa pa pala! Kailangan ko lang


maghintay ng 70 days. Mahigit two months pa pala akong magtitiis.
Matagal iyon kaya napapaisip pa rin ako kung makakaya ko ba?

“If you want the full details on that, Dr. Fetus can fill you in.”
Napahimas ako sa aking baba. “Yeah. Kailangan ko rin makausap
ang bubwit na `yon.” Nagpaalam na ako sa kanya,

Pero bago ako lumabas ng pinto ay humarap muli ako sa kanya.

“Ah, Debi…” Sandali akong tumitig sa kanya. “Ang totoo, na-hurt


ako nang malaman ko kung sino ka talaga.”

Lumamam ang kanyang mga mata. “I know, Macey. I’m so


sorry...”

“Hindi ko alam kung kaya ko pang kausapin ka ulit na—”

“How about a burger bonding tomorrow?” biglang yaya niya.

Napangisi ako. “Pero `tingin ko naman ay naka-move on na ko.


Sure, let’s have a burger bonding tomorrow!” Nag-apir kaming
dalawa.

~~~~~~~~

NAKAKALIGAW!

Mabuti at kahit paano’y naalala ko pa kung saan banda itong


office ni Dr. Fetus. Napakalaki kasi ng pulang mansiyon na ito at
maraming pasikot-sikot. Nandito na ako ngayon sa pinto ng opisina
pero nakailang katok na ako ay wala pa ring nagbubukas sa akin.
Binuksan ko na ang pinto. Walang katao-tao. O baka nasa
paligid lang siya at hindi ko na naman napapansin? O puwede ring
natatakpan lang ng upuan?

Pero wala talaga si Dr. Fetus kahit saan akong tumingin. Bigla
kong naalala `yong tranquilizer gun niya sa drawer. A grin formed
on my lips. I guess it was time for my revenge.

Binuksan ko ang drawer. At hayun nga ang tranquilizer gun at


kumikinang sa paningin ko.

Hindi ako makakapayag na hindi ako makaganti. Kapag binabaril


nga ako ng water gun ng barkada ko, hindi ako pumapayag na hindi
makaganti. Sa tranquilizer gun pa kaya?

Nang makarinig ako ng mga yabag ng paa ay nagtago agad ako


sa likod ng office table. Lumuhod ako para hindi niya ako makita. I
knew it was Dr. Fetus. Mukhang papasok na siya ng pinto. And
since the guy was short, I should aim lower. Sisiguruhin kong bukas
na siya magigising.

Bumukas ang pinto at may pumasok. That was may cue!

Agad akong tumayo at binaril siya. Sapul sa puson ang isang


matangkad na lalaki.

“Fuck!” Napamura si Panther.

Nanlaki ang mga mata ko nang malamang hindi pala si Dr. Fetus
ang nabaril ko. Gigil na napatitig muna sa akin nang masama ang
lalaki bago siya nabuwal sa pagkakatayo. Tulog agad siya on the
spot.

LEVEL 9

“WHAT HAVE YOU DONE, MACEY?”

Lukot na lukot ang mukha ni Dr. Fetus habang palakad-lakad sa


harapan ko. Nakayuko naman ako para habulin siya sa tingin.

Dinuro niya ako. “Why did you shoot Master Panther with
tranquilizer gun, huh?!”

Napanguso ako. “Sorry na. Akala ko kasi ikaw.”

Nanggalaiti siya. “And why are you trying to shoot me?!”

“Gusto ko lang makaganti. You know, nabanas kasi ako sa


mukha mo noong binaril mo `ko, ganoon.”
Napahilot siya sa kapiraso niyang sentido. “Oh, crap!”

Nandito kami sa labas ng chamber ni Panther. Habang si


Panther naman ay may apat na oras nang tulog sa loob. Na-check
up na rin siya ni Dr. Fetus.

“At sa dinami-dami ng parte ng katawan niya, bakit sa puson mo


pa siya tinamaan? And because of that, he’s got erectile
dysfunction temporarily.”

Bumagsak ang panga ko. “Ha?”

“He will surely kill you once he wakes up!”

Shoot! Ang laking trouble pala ng nagawa ko.

“This is all my fault because I let you pass the audition.”


Napailing siya. “I should’ve listen to him when he told me to fail
you. Hindi sana nangyari ‘to.”

“Sabihin mo hindi ko naman sinasadya.” Napalabi ako.

“I hope it’s that simple. You don’t know him. Masama siyang
magalit—”

Naghikab ako. “Okay, goodnight. Tulog na ko, antok na ko eh.”

“You stay here, woman!” sigaw ni Dr. Fetus nang akma akong
tatayo mula sa kinauupuan.
Ano ba `yan?! Gusto ko na sanang magtago na lang sa aking
chamber bago pa magising si Panther, e.

“You’ll wait here until he wakes up to punish you!” asik ni Dr.


Fetus sabay duro na naman sa akin.

Napatingin tuloy ako sa maiksi niyang daliri na may singsing.


“Dr. Fetus, do you have a girlfriend?”

Nagsalubong ang mga kilay ng maliit na matanda. “What?”

Inginuso ko ang singsing niya. “You have a ring.”

“Oh!” Napatingin din siya sa kanyang singsing. “Actually, yeah. I


have a girlfriend.” Biglang umamo ang kanyang tinig. Biglang
nangarap nang gising.

“Is she here?”

Lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig sa singsing


niya. “She’s… somewhere I don’t know.”

Malungkot akong ngumiti sa kanya. “Miss mo na siya?”

“Of course.” Napaupo siya sa sahig. “So much...”

“I’m sure nami-miss ka na niya.”

Napangiti siya sa akin. Nangislap ang muta sa mga mata niya.


“Really? You think so?”
“Yeah. I really think so.”

Nahalikan niya bigla ang kanyang daliri na may singsing. “I miss


her, too… My paraluman…”

“Puwede na ba kong matulog?”

Matamis ang ngiti niya nang tumango sa akin. “Goodnight,


Macey.”

Tumayo na ako at nilakdawan siya. “Goodnight, pogi.” Nanakbo


na ako.

Kumaway siya sa akin. “Sweet dreams, Macey—” Natigilan siya.


“Come back here, you woman!”

~~~~~~~~

MAY TABLET na tag-iisang ibinigay sa aming pito. Hindi naman sana


ako interesado, kaya lang dahil hindi ko naman magamit ang phone
ko nang ibalik sa akin bag ko, pinakialaman ko na lang ito.

Ayon sa Red Book, merong app ang tablet na ito kung saan dito
lang nag-e-exist. The app was called Note App and its logo was a
red note. Nang i-tap ko ay bumukas ito. Parang social media ang
itsura. Si Panther lang at kaming pito niyang asawa ang may access
dito. Dito rin sa app na ito puwedeng i-check `yong points namin
bukod doon sa scanner.
Points were given before midnight and it would be received the
next day. May section din itong Note app kung saan puwedeng i-
view ang points na bigay ni Panther. Pero bago maging clickable ito,
kailangan muna naming magbigay ng points sa kapwa namin mga
asawa niya.

Sa ibabang section ay lumitaw ang list ng seven wives kasama


ang name ko. Either maglagay ako ng one point or zero point.
Syempre, nilagyan ko lahat one point. Sino pa bang
magtutulungankundi kami-kami rin, ‘di ba?

After I gave points to all the wives, including myself, the ‘VIEW
PANTHER’S GIVEN POINTS’ section finally became clickable.
Tinamad pa ako nang una na i-check kasi sigurado namang zero ang
ibinigay ng lalaking iyon sa akin. O baka nga negative pa dahil
binaril ko siya kahapon ng tranquilizer gun.

I caught my breath before I tapped it. Pumikit pa muna ako para


surprise `yong pagkakita ko sa points. Pero nang nagulat ako nang
makita ko na ang points. Totoo ba ito? O baka may error or delay
lang sa system?

Dahil hindi ako makapaniwala. Panther gave me 7 points!

I was still dazed by it. Could it be that Panther had just made
some mistake? Maybe he was really aiming for negative 7 points,
pero nagkamali siya ng tap. That could be possible.

Anyway, nagbigay na ako sa sarili ko ng 1 point. Sumunod ay


naging clickable na rin ang ‘VIEW OTHER WIVES’ GIVEN POINTS’. I
was expecting 1 point each from the other wives, but I was
surprised to see that I only received 2 points from them.

What the heck?! Ibig sabihin, dalawa lang sa mga wives ang
nagbigay sa akin ng tig-1 point, the rest ay 0 point na ang binigay?!

Wait! Could it be that there was just a delay in the system?

Kasi pota, kainis, ah! Binigyan ko sila ng 1 point isa-isa, `tapos


ako `di man lang nila nabigyan?!

Sigurado ako na si Debi iyong nagbigay sa akin ng isang 1 point.


Pero sino pa kaya iyong isa? Hindi ko naman sila puwedeng
tanungin isa-isa dahil isa iyon sa ipinagbabawal ayon sa Red Book.
Bawal pag-usapan ang tungkol sa mga points.

Pero kapal talaga ng mga mukha niyong apat sa kanila!


Pagkatapos kong mag-sacrifice para lang makapasa sila sa audition
sa bonus round, 0 point lang ibibigay nila sa ‘kin?! Sino kaya ang
mga lintek na iyon?!

Napahiga ako sa kama. Damang-dama ko ngayon kung gaano


kaayaw sa akin ng ibang asawa ng Panther na iyon. Sa buong buhay
ko ay ngayon lang yata may mga taong nairita sa akin nang ganito.

Kahit maligalig ako ay wala namang nabubuwiset sa akin.


Natutuwa pa nga ang mga naging barkada ko sa akin dahil totoo
raw akong tao at sinasabi ko talaga kung ano ang gusto ko. Even my
parents, they loved me despite my shortcomings and flaws.
Napatingin ako sa aking phone at napabuntong-hininga. Bigla
kong na-miss ang mga kaibigan ko. Na-miss ko ang family ko. Bawal
kasi ang communication sa labas kaya hindi ko sila matatawagan.
Inalisan ng signal ang mga phone namin. Puwede lang makatawag
kung gagamit ka ng points. But you need 15 points per minute. So
expensive!

Naisip ko `yong sinabi sa akin ni Debi na puwedeng i-transfer


ang points. Puwede raw akong mangutang sa kanya ng points dahil
marami siyang imbak na points. Pero paano ko naman kaya siya
babayaran? Baka buwan pa ang abutin bago ko makumpleto ang 15
points na pangbayad sa kanya. I-expect ko pa na baka makakuha
ako ng negative points na mag-deduct sa current points ko.

I wished I could call my dad. I had to talk to him. I had to tell him
everything. Kahit praning ako ay siya ang aking palaging kakampi.
Siya ang aking lakas sa tuwing pinanghihinaan ako.

I wanted to hear my mom’s voice, too. Kahit talakan ako ni


Mommy with matching mura, ayos lang sa akin. Dati-rati’y
nagtatago ako sa kanya dahil takot ako na mabungangaan ng bibig
niyang parang machine gun, pero ngayon ay ipagpapalit ko ang
kahit ano para lang marinig kahit ang kanyang paghinga.

Even my annoying little brother, Phoenix, who was not so little


anymore, I missed that guy, too. Kahit palagi kaming nag-aaway,
gusto ko na rin siyang makita. Gusto ko siyang kumustahin kung na-
break niya na ba ang record ng 100,000 girlfriends na goal niya.
Pakiramdam ko ay isa akong OFW na malayo sa pamilya at
naho-home sick na. Ang hirap pala. Sobrang hirap pala. God, I
wanted to go home right this instant!

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi na hindi ko napansin na


kumawala na pala mula sa aking mga mata. Nakabuo ako ng goal. I
would accumulate 15 points—no! 100 points ang aking kailangan
dahil gusto ko na mas matagal na makausap ang pamilya ko!

Right! Mag-iipon ako ng 100 points! I could do it! Nanakbo na


ako palabas ng aking room para puntahan si Debi sa room niya.
Pag-doorbell ko ay pinagbuksan niya ako agad ng pinto.

Ngumisi ako sa kanya. “Pautang 100 points!”

~~~~~~~~

DEBI WOULD LEND ME COINS.

Excited na ako habang naghihintay sa kanya. Nagmamadali


akong nanakbo sa aking chamber dahil dito ang meet up na usapan
namin. May pupuntahan lang siya saglit pero dito siya dideretso sa
chamber ko. Nang tumunog ang doorbell ay halos madulas ako sa
pagmamadali para mapagbuksan siya.
Pero nagulat ako nang isang lalaki ang bumungad sa akin
pagbukas ko ng pinto. Napaatras ako. “P-Panther?!”

White shirt at jogger pants na kulay itim ang suot niya.


Nakapamulsa siya. Magulo ang buhok niya na halatang kababangon
lang sa kama. At kahit mukhang bagong gising ay ang suplado pa
rin ng dating ng mukha niya. Nakasimangot siya at salubong ang
mga kilay niya. Kung babae lang siya ay ang sarap isipin na baka
may regla siya.

“A-anong kailangan mo? Gabi na, ah!” sita ko sa kanya.

Hindi siya kumibo. Napakaseryoso ng abuhin niya mga mata.


Basta lang siya pumasok sa pinto at nilampasan ako. Anong
ginagawa ng ungas na ito sa chamber ko?!

“B-bakit ka nandito?” habol ko sa kanya. Buwiset kasi ninerbiyos


ako bigla.

“Am I not allowed to visit my wife?” kaswal na balik-tanong niya


habang lumilibot ang mga mata niya sa paligid ng aking chamber.

I did something terrible to him. Imposibleng binibisita niya lang


ako sa ganitong oras. Pihadong may masama siyang balak sa akin.

Pinamewangan ko siya. “Seryoso, bakit ka nandito?”

Hindi siya sumagot. Nakatalikod lang siya sa akin at


nakapamulsa.
“M-may masama kang balak, ano?” Marahan kong dinampot
ang aking bag at humugot ako roon ng ballpen. Isang maling kilos
lang niya, babaon ang dulo nito sa bunbunan niya. Kahit matangkad
siya, tatalunin ko siya!

Iritable siyang lumingon sa akin. “Excuse me?”

Inginuso ko ang mga kamay niyang nakapamulsa sa kanyang


suot na jogger. “Let me see your hands. Mukhang may tinatago ka
sa bulsa mo.”

Hinugot niya ang kamay niya mula sa bulsa at itinaas sa aking


harapan. Wala naman akong ibang nakita kundi ang malapad
niyang palad at mahahaba niyang daliri na tila nililok na kandila.

Nang tumalikod na ulit siya ay tinutukan ko siya ng ballpen sa


likod. “So bakit ka nga nandito? Balak mo ba akong
pagsamantalahan?”

“In your dreams.”

“Umalis ka na, matutulog na ko.” Nanatiling nakatutok sa kanya


ang ballpen na hawak ko.

“Do you remember what you did to me?” Nang humarap siya
ulit ay napaatras ako.
Kandalunok ako dahil sa bigat ng intensidad ng mga titig niya.
“Uh, h-hindi ko naman sinasadya, e. Bigla ka kasing pumasok ng
pinto. Akala ko ikaw si bubwit.”

Tumaas ang isa sa makakapal na kilay niya. “So, wala man lang
sorry?”

Lumabi ako. “Bakit ako magso-sorry, e, hindi ko nga sinasadya?”

Umigting ang kanyang panga. Parang gusto na niya akong


suntukin.

“Fine! Sorry na!” Ibinaba ko ang ballpen na nakatutok sa kanya.


“Tatanga-tanga kasi `yang puson mo, kaya yan ang tinamaan ko.”

Tinitigan niya ako nang masama.

“Okay na? Nag-sorry na ko, lumabas ka na.”

Lumapit siya sa akin kaya tinutukan ko ulit siya ng ballpen.


“`Wag kang lalapit, malilintikan ka sa akin!” banta ko.

Inirapan niya lang ako.

Hah! Bakit siya nang-iirap, ah? Bakit ang cute?! Buwiset, ah!

Nagpatuloy siya sa paglalakad at nilampasan ako. Lumapit siya


sa pinto para lumabas dito.
“Walang personalan, ha? Bigyan mo pa rin ako ng seven
points!” pahabol ko sa kanya.

Bago siya lumabas ng pinto ay may hinugot siya sa gilid ng


garter ng suot niyang jogger, saka siya humarap sa akin. Nanlaki
ang aking mga mata nang makita kung ano iyon. Heck, it was a
tranquilizer gun!

Bago pa ako makailag ay tinamaan na ako ng tranquilizer dart sa


leeg. Natumba agad ako sa sahig. “F-fuck you…” usal ko.

Lumapit siya sa akin at marahan niya akong binuhat gamit ang


kanyang matitigas na mga braso. Maingat niya rin akong inilapag sa
kama ko.

Pilit kong iminumulat ang aking mga mata para labanan ang
antok. Pero bahagya nang nagdidilim ang paningin ko. Naaninagan
ko lang na pinuntahan niya iyong pinto para i-lock ito. Pagkuwan ay
binalikan niya ako sa kama.

Napaungol ako biglang pagtutol ng isa-isa niyang baklasin ang


butones ng aking suot na pantulog. Hindi ko siya maawat dahil
nanghihina ako.

“I warned you,” sabi niya sa malamig na tono. “I told you to stay


the fuck out of my way.”

“Ulol,” usal ko bago ako nawalan ng malay.


LEVEL 10

WHAT HAPPENED?!

I was still in my bed when I woke up the next morning. Balot na


balot ng kumot na parang lumpiang shanghai.

I immediately checked myself under the blanket. Thank heavens


I wasn’t naked. I was still wearing the same clothes when Panther
shoot me with his tranquilizer gun. Pero hindi pa dapat magsaya. I
still need to double check. I needed to make sure that he didn’t do
anything to me.
Kinapa ko ang aking dibdib. Nakabukas ang dalawa kong
butones. Ito iyong huling nakita kong binaklas ni Panther bago ako
nakatulog.

Wala naman akong ibang nararamdamang kakaiba. Walang


masakit maliban sa medyo makirot ang ulo ko. Sa tingin ko ay
nasobrahan lang ako sa tulog.

Tumayo ako at pinagmasdan sa salamin ang aking sarili. Hindi


naman magulo ang buhok ko at wala naman akong kiss mark sa
leeg. So, he really didn’t do anything to me?

Pero wala akong tiwala sa kanya. Malay ko ba? Baka mamaya,


binosohan niya pala ako habang tulog ako.

Nagmartsa ako palabas ng pinto. I had to see him. Kailangan ko


siyang komprontahin para makatiyak ako na wala nga siyang
kababalaghang ginawa sa akin. Gusto niyang gumanti kaya
imposible na tatahimik lang siya sa isang sulok habang natutulog
ako, walang muwang, at walang kalaban-laban.

`Wag lang siyang magkakamali. Lagot siya sa‘kin kapag nalaman


kong sinilip niya kahit ang dibdib ko. Hihilahin ko talaga ang
mahahabang pilik-mata niya, at kung kakayanin ay ititirintas ko.

Mabibilis ang mga lakad kopababa sa matayog na hagdan,


hanggang sa makarating ako sa labas ng mansiyon. Ang lawak, ang
sakit sa paa, pupulikatin yata ako sa paglalakad nang walang
pahinga. Wait, nasaan na nga ba ako?
Saan nga ba ako kanina lumiko at dumaan? Sa dami ng pasikot-
sikot ay hindi ko na matandaan. Sanay naman ako sa malalaking
bahay, pero itong mansiyon ni Panther ay parang maze na ang
hirap makasundo. Masyadong komplikado.

On my continuous walk, I came across an indoor garden.


Maliwanag na maliwanag ang paligid dahil sa mataas na
transparent glass ceiling nito. Ewan ko kung saang lupalop ito ng
Red Mansion.

I didn’t know that there was something like this in here. The
place was simply majestic. The floor of the indoor garden was
made of rock. Maraming tanim na iba’t ibang mga halaman at mga
bulaklak. Ang ilang puno ay umaabot na ang mga sanga sa salaming
kisame.

My admiration to the place intensified when I saw a man-made


mini falls surrounded by bonsai plants. The view was indeed
breathtaking. Parang ang sarap maghilamos o kaya uminom sa mini
falls dahil bahagyang kumikinang ang malinaw na tubig na
bumabagsak mula roon. Humakbang ako at palapit na sana sa
munting talon nang bigla akong matigilan.

Sa pagkamangha ko sa paligid ay ngayon ko lang napansin, may


isang matangkad na lalaki palang nakatayo sa gilid ng talon.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko masabi kung saan nakatuon
ang atensyon.

Kumiling ang ulo ko habang kusang naglalakbay ang aking mga


mata sa kabuuhan niya. He was tall and well built. Nakapamulsa
siya sa suot na pantalon. Nakasuot siya ng kulay pulang long
sleeves polo, baston pants, at maging ang sapatos niya ay pula rin.
Si Panther ba ang lalaking ito? Because he looked like him.

Muli kong sinipat ng tingin ang lalaki. Tall, broad shoulders, nice
booty—mukhang si Panther nga!

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. “Excuse me, si


Panther ka bang animal ka?”

Humarap sa akin ang lalaki na dahilan para ako ay sandaling


matulala. Oh, deary me! He was beautiful! The man had a strong-
looking jaw, thick eyebrows, eyes that were dark as the night sky, a
nose that was perfectly pointed, and lips that were sensual red.

…But no, he was not Panther Foresteir.

Napakurap ako nang makita ang pagtaas ng isa sa makakapal na


kilay ng lalaki. “Oh, sorry! Akala ko kasi si Panther ka!”

Nakatingin lang siya sa akin. Walang kahit anong emosyon ang


kasing kulay ng gabi niyang mga mata.

Akala ko ay wala talaga siyang balak magsalitanang bigla ay


narinig ko ang maaligasgas na tinig niya.

“You are Macey, right?”

“You know me?” gulat na tanong ko.


Hindi agad siya sumagot. Ah, ang guwapo niya pero ang boring
namang kausap.

“We’ve met, actually,” sabi niya na nagpalipas pa yata ng isang


minuto.

Ha? Mga when?

Humakbang siya palapit sa akin. Nakapasok pa rin ang mga


kamay sa loob ng bulsa ng suot na pantalon. “Yeah, nagkita na
tayo,”

“Really?” Napatingala naman ako sa kanya. “Saan naman?”

Ah, he was just like Panther. Tall like a tower.

“In the red room,” sagot niya.

Napaisip ako. Saka ko lang naalala nang maamoy ko siya. I knew


his scent. Amoy baby!

Sa pinili kong pinto sa isang pagsubok ay siya iyong nasa loob.


Siya iyong nasa Red Room na amoy baby, at dahil naka-mask siya
ay napagkamalan kong si Panther.

“Oh, I remember now. Ikaw `yong bumuhat sa akin papuntang


lobby sa audition at nagbigay sa akin ng red card, right?” Hindi ko
siya nakilala dahil nakasuot siya noon ng red na maskara.

“Hmm.”
Teka, parang siya rin iyong katabi na knight in red ni Panther sa
ball noong Ring Ceremony. Naka-mask din siya noon. Akalain mo
iyon?!

In fairness to this man, hindi siya mukhang totoy kahit pa amoy


baby siya na bagong paligo. Saka guwapo talaga siya. Hindi lang
basta guwapo. He was breathtaking like this indoor garden.

Bakit kaya hindi naisipan ng lalaking ito na mag-model na lang o


kaya mag-artista kaysa mamasukan na tauhan dito ni Panther?

Truth be told, hindi bagay sa kanya na maging utusan lang ng


baliw na lalaking iyon. Mas katanggap-tanggap pa kung naging
vlogger o Tiktokerist na lang siya. Sa tingin ko, doon ay mas kikita
siya. Wala pang magmamando sa kanya.

Napatikhim ako ulit dahil nasobrahan na yata ang aking pagtitig


sa kanya. Nakataas na naman kasi ang isang kilay niya.

“Uhm, what is this place?” tanong ko sa kanya para ibaling sa


iba ang usapan.

Hindi siya kumibo at tumalikod sa akin. He gently raised his left


hand and let a flying butterfly land on one of his long fingers.
Nakasunod naman ako ng tingin sa kanya. His calm expression was
so peaceful to look at.

Bahagya siyang natatamaan ng liwanag mula sa transparent


ceiling at ang ganda ng dating niyon sa kanya. Kahit ang kulay ng
balat niya ay perpekto sa ilalim ng sikat ng araw. Ang sarap niya
lalong pakatitigan. Sino ba talaga ang lalaking ito?

Sa hitsura, tindig, at aura niya ay papasa siya sa level ng mga


kasali sa mga elite fraternities na katulad ng Red Note Society at
Black Omega Society.

Matapos ang ilang segundo ng pamamahinga ng paru-paro ay


hinayaan niyang lumipad muli ito. Pinagmasdan niya ito hanggang
sa makalayo.

Naipilig ko ang aking ulo nang ma-realize ang mga dumaang


minuto na nakatitig ako sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin?
Para akong naengkanto!

I should pull myself together. Nagbuga ako ng hangin at


pagkatapos ay hinarap ko ang lalaki. “You know, I’m lost.”

Tumingin naman siya sa akin, pero gaya kanina ay walang kahit


anong emosyon ang makikita sa mga mata niya.

Napakamot ako ng pisngi. “Uhm, so ayun nga. I think, naliligaw


ako. Ang tanga kasi ng hallway na dinaanan ko kaya dito ako
napadpad. Do you know the right way?”

He was just still looking at me.

“When I say the right way, it means the foodcourt.” Nagugutom


na kasi ako.
Ang mga mata niya na sa mukha ko nakatingin ay bumaba sa
aking dibdib. Ang kaninang kanyang kalmadong ekspresyon ay
nabura nang bahagyang magsalubong ang mga kilay niya.

“Your blouse…” sabi niya sa mahinang tinig at muling ibinaling


ang paningin sa ibang direksyon.

“Ha?” Napababa naman ang aking paningin sa may dibdib ko.


Ngayon ko naalala, sira nga pala ang dalawang butones ng aking
blouse. Nakatiwangwang ang cleavage ko!

Napatalikod naman agad ako para ayusin ang damit ko. May
nasilip kaya siya? Hindi ko na maibabalik sa pagkakabutones dahil
sira na ang mga butones, pero ginawan ko na lang ng paraan para
maisara ang blouse. Inipit ko ang dulo sa bra ko.

Ahg! Nakakahiya! Gago kasi ang Panther na iyon! Kasalanan niya


ito!

Hindi na ako makaharap sa lalaki kaya nagtanong na lang ako.


“C-can you point me to the right way?”

Hindi sumagot ang lalaki.

“Hello, andiyan ka pa?”

Wala pa rin sagot mula sa kanya. Napilitan na akong lingunin


siya para lang madiskubre na wala na nga pala talaga siya. Galing!
Wala na pala akong kausap!
Where did he go? Inilingap ko ang aking paningin sa paligid.
Kahit saan ay hindi ko na siya mamataan. Pinuntahan ko rin ang
likuran ng puno, wala rin siya roon. Basta na lang talaga siya
naglaho.

Hindi kaya isa talaga siyang engkanto?

~~~~~~~~

THIS WAS NOT A HOUSE, this was a maze!

Ang kirot na ng mga binti ko sa kakalakad ay hindi ko pa rin


malaman kung nasaang lupalop na ba ako ng mansiyon na ito.
Since naligaw ako ay nilubos ko na ang katangahan ng daan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang makakita ako ng parang
department store ay saka ako huminto.

There were scanners everywhere. Puwede kong i-check ang


status ko anytime via QR code na nandito sa ibabaw ng aking pulso.
Ito siguro ang stock place kung saan ay puwede kaming kumuha ng
mga kailangan namin; mula sa mga pagkain, vitamins, damit,
sapatos, cosmetics, toiletries, at maging school supplies yata ay
meron dito.

Ito ang pinaka-shopping place ng mansiyon na kung tawagin ay


‘Redbelt’. O,‘di ba? Hindi pa ginawang Greenbelt. Nahiya pa!

Pumasok na ako sa loob. Kusang nabuhuhay ang mga ilaw kapag


nakaka-sense ng tao. Sa pagliwanag ng mga ilaw sa paligid ay
nakahinga ako nang maluwag. At least, sa kabila ng stress ko ay tao
pa rin pala ako.

Nagpagala-gala ako sa loob. Ang una kong dinayo ay ang store


ng mga pagkain since food is life.

Pumasok ako sa entrance ng RedBelt Grocery Store para


kumuha ng mga food na stocks ko nang bigla na lang mag-vibrate
ang aking suot na digital wristband. Napatanga ako nang maging
kulay pula ito. What the heck just happened?

Mula sa isang nakasaradong pinto ay lumabas ang isang isang


naka all-red-uniformed na babae. Para siyang sales clerk sa isang
mall na pula ang uniform. May suot siyang maskara na kulay pula
rin.

“What’s wrong? Bigla na lang nag-red ang wristband ko,”


tanong ko sa kanya.

“I’m sorry to hear that, Lady Macey. But only Level 4 and five
are allowed in this area.”

What?! Oh, shoot! I was still in Level 2!

I showed her my ring. “So, saan ako puwede? Common Ring pa


lang ako.”

“This way.” Itinuro niya ang daan.


Dinala niya ako sa isang parang maliit na convenience store sa
gilid ng floor.

“Seriously?” sinilip ko ang mga stocks na nandoon. Puro


vegetables at dried food.

Mukhang kailangan ko muna magpa-level up bago ako


makakuha ng magandang stocks. Siguro kakain na lang muna ako
sa food court. Tinanong ko ang staff kung saan banda ang daan.

“This way, Lady Macey.” Sumakay siya sa isang red na golf cart.
Pinasakay niya rin ako roon. Ang sasakyang iyon ang naghatid sa
amin sa foodcourt ng mansiyon.

Meron isang elite restaurant na tila buffet iyong natanaw ko sa


loob. Ito talaga ang hinahanap ko. Kaso pagpasok ko ay nag-vibrate
ulit ang aking wristband at naging red bilang sign ng alarm.

“What the fuck? Am I not allowed here, too?!”

“I’m so sorry, Lady Macey.” Bumaba ng sasakyan ang


unipormadong babae na naghatid sa akin. “You must be an Epic
Ring holder before you can eat here.”

“So, saan lang ako puwede?” napipikon nang tanong ko.

“This way.” Hinatid niya ako sa isang maliit na food cart lang na
nasa gilid ng foodcourt.

“Seriously? May burger ba rito?” asar na tanong ko.


“Only leaves and dried meats are available here.”

Umusok na ang ilong ko sa inis. Ahg! Kailangan ko na talagang


mag-level up ng points para tumaas na ang rank ko. Gusto kong
kumain doon sa buffet!

Hinarap ko ang uniformadong staff. “Miss, baka puwede mo na


lang ituro sa akin ang room ng herodes na Panther Foresteir na
amo niyo?!”

Napakurap siya sa utos ko. “I’m so sorry, Lady Macey, but no


one knows where is the master’s room. And according to the rules,
no one is allowed to go there.”

So unfair! Paano ko ngayon mababayagan ang lalaking iyon


kung bawal pala siyang puntahan sa trono niya?

“Do you know where’s the coffee shop here? Magkakape na


lang ako para tubuan ako ng pasensiya!”

“I can take you there. But first, what coffee would you like to
drink today?”

“I want espresso.”

“I’m sorry, Lady Macey. That coffee is for the Mythic Ring
holder, the Level 7.”

“Fine. Coffee with milk na lang!”


“That’s for Level 5.”

“Coffee with creamer!”

“For Level 4 only!”

“Sige, ‘yong instant coffee na lang!”

“That’s for Level 3—”

“Tubig na lang, Miss!”

Ngumiti siya sa akin. “I can give you that. But first, what water
would you like to drink today?”

“Purified, of course. Iyong cold, please!”

“I’m sorry, Lady Macey. That water is for Level 7.”

“O sige, ‘yong hindi na lang malamig. Basta purified!”

“That’s for Level 5.”

“E `yong tubig na lang na kahit hindi purified basta na-filter at


sure na malinis!”

“That’s for Level 4.”


“Pota! Saan may ilog dito? Doon na lang ako iinom!” Nainis na
ako.

Ngumiti ulit siya sa akin. “I can take you there. But first, what
kind of river are you looking for today?”

Kinarate ko siya sa leeg.

~~~~~~~~

DEBI WAS NOT opening her door so, I went back to my chamber.
Nag-movie marathon na lang ako habang ginawang popcorn ang
lettuce. Wala e, ito lang afford na food ng level ko.

Nakaapat na movies yata ako hanggang sa makatulog ako. Nang


maramdaman ko ang tila sikat ng araw na tumama sa aking mukha
ay napadilat ang isang mata ko. Lumalagos ang init ng araw mula sa
nakabukas kong sliding window.

Anong oras na kaya? Napaunat ako at na-stretch ang aking mga


braso. Nagulat ako nang may masapok akong mukha.

“What the fuck?!” sabi ng isang lalaki sa tabi ko.

Napabalikwas tuloy ako ng bangon.

It was Panther!
Napabangon din si Panther sa pagkakahiga habang sapu-sapo
ang kanyang panga. Anong ginagawa niya rito?! Bakit katabi ko
siya?!

“What in the world are you doing in my chamber?” galit na


tanong niya sa akin.

“Excuse me, pero ikaw ang nasa chamber ko!” Napayakap ako
sa isang unan at sumiksik ako sa headboard ng kama.

“What?!” Napalingap siya sa paligid.

Nakasuot siya ng red silk pajamas at may nakabukol sa harapan


niya kaya umiwas agad ako ng tingin doon.

“Fuck!” bulong niya bago siya napaupo sa kama. Hawak niya ang
kanyang binti.

Lumundag ako sa kama para makalayo sa kanya. “Anong


ginagawa mo rito sa kuwarto ko? May balak ka na namang masama
sa akin, ano?!”

“Stop dreaming! I was drunk last night, okay? Napagkamalan ko


lang na kuwarto ko itong kuwarto mo.” Sabay hilot niya sa kanyang
tuhod.

“So, ano pang ginagawa mo rito? Alis na!” Lalapit sana ako sa
kanya nang awatin niya ako.
“Don’t you dare come near me!” Sabay hawak niya ulit sa binti
niya na tila ba may kung ano siyang iniingatan doon.

Napakunot-noo ako habang nakamasid sa kanya. “Ano namang


acting ‘yan? Diyan ka pa talaga nakaupo sa kama ko.”

“Namamanhid ang binti ko, all right? Just give me a minute or


two. Mawawala din ‘to...”

Napangisi ako bigla. “Really?”

“Shit,” usal niya nang ma-realize ang pagkakamali sa pagsasabi


niya sa akin.

Humakbang ako nang isa palapit sa kanya.

“I told you, don’t come near me!” Nakasalag ang kanyang mga
kamay sa binti niya.

Humakbang ako ng pangalawa.

“Macey, I swear to you, you’ll regret it!”

Paghakbang ko nang pangatlo ay nakalapit na ako sa kanya.

“Don’t you dare!” Labasan ang litid niya sa leeg dahil sa


pagsigaw. Hindi siya makagalaw sa kanyang pagkakaupo.

“Anong ginawa mo sa akin nang barilin mo ko ng tranquilizer


gun at nakatulog ako?”
“I did nothing!” Kandasalag sa ere ang mga kamay niya, pero
nakalusot ako.

Nanginig siya nang bigla kong hawakan ang binti niya.

“Fuck!” hiyaw niya.

“Answer me! Sinilip mo ba ang dibdib ko?”

“No!”

Inuga ko ang binti niya.

“Damn you!” Halos mapaiyak siya.

“Umamin ka! Sinilip mo ba ang dibdib ko?!”

“I tried, I swear,” aniya.

“What do you mean you tried?” Nangunot ang noo ko.

“I mean, I want my revenge. Kaya lang hindi kinaya ang sikmura


ko na tingnan ang boobs mo. Besides, they were missing.”

“Ano?” Napatingin tuloy ako sa boobs ko. Meron naman kahit


papano, ah!
“How do I find the right words?” Napaisip siya. “Oh, hindi ko
masikmura na makita ang katawan mo. Yeah, those are the right
words.”

Tinadyakan ko ang binti niya.

Namilipit siya. “You, wench!”

“Kunwari ka pa, e,‘di ba may temporary erectile dysfunction


ka?”

Pinanlisikan niya ako ng kanyang mga mata. “And that is all your
fault!”

Hinawakan ko ang binti niya.

“Don’t—” Hinawi ko ang mga kamay niyang sasaklolo sana sa


binti niyang namamanhid mula sa akin.

“Bawiin mo ang sinabi mo.”

“W-what?” Pulang-pula na ang mukha niya.

“Really, nasusuka ka sa katawan ko? Bawiin mo `yon!”

“No way–”

Inuga ko ang binti niya kaya napahiyaw na naman siya.

“Hindi mo talaga babawiin?!”


“Fine! Fine!” awat niya sa akin. “Just stop, okay?!”

Huminto ako sa pag-uga ng binti niya. “Tell me, I’m beautiful.”

“Are you serious?!”

Hinawakan ko ang binti niya.

“Fine!” awat niya sa akin. “Y-you’re… beautiful.” Nagtatagis ang


bagang niya.

“Who’s beautiful? Say my name.”

“Huh?”

Pinisil ko ulit ang binti niya.

“You’re beautiful, Macey!” pasigaw niyang sabi.

“Galit ka?”

“You’re beautiful, Macey.” Lumambing ang tinig niya pero


nagtatagis pa rin ang kanyang bagang.

“Good. Will you give me seven points tonight?”

Tinitigan niya ako nang masama.

“Sagot!” Tinapik ko ang binti niya.


“O-of course.” Halatang hindi bukal sa loob niya ang kanyang
pagsagot.

“Mangako ka na hindi mo ako babawian. That you’ll forget all


about this. Mag-promise ka na hindi ka na pupunta rito sa chamber
ko.”

“No.”

“Anong sabi mo?!” Mariin kong hinawakan ang binti niya.

Sumeryoso ang abuhin niyang mga mata. “That’s not gonna


work anymore.” Pagkasabi ay tumayo siya.

Oh, shoot! Napaatras ako. Mukhang wala na ang pamamanhid


ng binti niya. Pinalagutok niya ang kanyang kamao. “You’re a dead
meat, Macey.”

Mabilis akong tumalikod sa kanya para manakbo pero huli na


dahil nahablot na niya ako. Napatili ako.

Niyapos niya ako mula sa likuran at binuhat. Ibinato niya ako sa


kama at nang mapahiga ako roon ay kumubabaw siya sa akin.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay para hindi ako
makagalaw. Hindi ako nakawala sa kanya. Mas malakas siya kaysa
sa akin.

“It’s payback time,” aniya.


“Sorry na agad!”

“Sorry means nothing after what you did to me.”

Napapikit na lang ako. Bahala na siya kung anong gawin niya sa


akin. But he froze. Namayani ang katahimkan sa kanya. Nang idilat
ko ang aking mga mata ay saka ko lang na-realize na ang lapit na
pala ang mukha namin sa isa’t isa.

He was just staring at me. Nakatitig lang din ako sa kulay abo
niyang mga mata. Nakakapagtakang tila ba huminto bigla sa
paggalaw ang buong paligid. Parang huminto ang oras maliban sa
malakas na kabog sa aking dibdib.

Napalunok ako habang nakatitig sa kanyang mukha. Ang


guwapo niya. Ang guwapo ng animal na ito lalo sa malapitan.

May guwapo sa indoor garden kahapon, pero kakaiba talaga ang


dating ng hinayupak na ito. Siya iyong klase ng guwapo na hindi
kalmado, kundi sumisigaw, humihiyaw, at eskandaloso.

Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. “Any first kiss?”
malambing na tanong niya.

Tumama sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga.

Umiling ako. Totoo naman dahil wala pa akong nagiging


boyfriend—siya pa lang noong five-year-old ako. Ewan ko lang kung
counted iyong hinalikan niya ako sa pisngi noong bata pa kami.
Saka wala talagang iba e. Wala kasing nagtatangka dahil takot
lahat sa kapatid ko at sa tropa nito. Saka hindi rin talaga ako
nagpapaligaw. Dumidiga pa lang, sinusupalpal ko na.

“No first kiss yet?” tanong muli ni Panther sa akin na gagahibla


na lang ngayon ang pagitan ng mukha sa aking mukha.

Nag-iinit ang pisngi na umiling ako. “W-wala nga…”

“Good.”

“H-ha? B-bakit—”

Hindi ko na natuloy ang sinasabi dahil marahan niya nang


idinikit sa mga labi ko ang mainit at malambot na mga labi niya.

LEVEL 11
MY FIRST KISS…

It was really happening right at this moment and I was


panicking. Panther’s kisses were gentle and full of affection. It was
like he was casting a sweet spell on me, to pull me until I was lost.

Nayanig ako sa pakiramdam. Namimigat ang aking mga mata


pero pinipigilan ko ang sarili na magpadala. Ayaw kong pumikit
dahil alam ko na kapag ginawa ko iyon ay malulunod ako.

I tried pushing him so many times, but he didn’t even barge.


Mabigat siya sa ibabaw ko at mas higit na malakas kumpara sa akin
kaya hindi ko siya kayang labanan. Hanggang sa napagod na ang
mga kamay ko sa pagtulak at napakapit na lang nang mariin sa
kanyang matigas at malapad na balikat.

Natutuliro pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang biglang


pumasok sa isip niya at hinalikan niya ako. At bakit sa ganitong
paraan niya ako hinahalikan?!

Why did he have to be this sweet and passionate in kissing me?

Nang maramdaman ang pagtigil ko sa panlalaban ay


nagsimulang lumalim ang mga halik niya. Sa pagkakataong ito,
hindi ko na nasagip pa ang sarili sa tuluyang pagkalunod.

Panther ran his long fingers through my hair as he kissed me


deeply and repeatedly. His lips were so good that I could no longer
help but be tempted.
I unconsciously hugged him while I was accepting his kisses. My
palms on his hard back slid down to his strong torso and I was now
ready to return his kisses, but then he stopped kissing me.

Panther pulled away and stared at my face in disbelief. He


looked like he had no idea why he kissed me. It was as if he
suddenly woke up from a deep dream and now he was back to
reality.

Nang mahimasmasan ay nasinag ko sa kulay kulay abo niyang


mga mata ang… pagsisisi?

Umalon ang lalamunan niya at pagkatapos ay malamig siyang


nagsalita. “You messed with me and that’s for your punishment, I
stole your first kiss.”

Nagtagis ang mga ngipin ko sa narinig na sinabi niya. “Y-you


bastard…”

Panther got up and without looking back, he left me alone in my


room.

~~~~~~~~

I FINALLY GOT THE CHANCE TO TALK TO MACARIO ‘MACOY’


KARANGALAN SANDOVAL—My dad.

Gusto kong maibaling sa iba ang aking isipan, kaya nag-desisyon


ako na i-push ang paghiram ng points ni Debi.
I really missed my family. Pero sa ngayon, ang kakausapin ko ay
si daddy. I wanted to talk to my mom, too, but this was not yet the
right time. Sigurado kasi na hindi papayag si Mommy na hindi
malalaman kung nasaang lupalop ako ng mundo naroroon. Isa pa,
hindi ko kayang magsinungaling sa kanya kaya mas mabuti na hindi
ko na lang siya makausap muna.

My dad was the right choice for now. Istrikto man si daddy ay
alam ng lalaki kapag hindi ako handa na magsabi ng totoo, hindi
niya ako pinipilit. He trusted me and he would always give me the
time I needed. He had spoiled me so much that I grew up to be a
daddy's girl.

Pumasok na ako sa isang phone booth na kulay pula. Dito lang


puwede gumawa ng tawag gamit ang aking cellphone. Merong
scanner sa gilid kaya ini-scan ko ang aking palad doon. Nag-tap ako
sa screen at pinili ko ang ‘PHONE CALL’ sa mga options, then I
clicked ‘OKAY’.

Pagkatapos ay nagkaroon na ako ng signal. Nagkaroon ng count


down sa screen na nag-start sa five minutes. Dalawang ring lang at
nasagot na agad ni Daddy ang tawag ko. He was a busy man, but he
never missed my calls.

[ Where are you, Macey Ela? ]

My grip on the phone tightened upon hearing his baritone


voice. Oh, how I missed him.
“H-hello, Dad...”

[ Are you still on a vacation? ]

Napayuko ako. “Y-yes, dad.” Nakokonsensiya ako sa


pagsisinungaling sa kanya, pero alam ko naman na mas malakas
ang radar ni Daddy kapag hindi ako nagsasabi ng totoo.

[ For how long, Macey Ela? You should be here in the office to
learn more about our business. ]

“I will be there, Dad. Tatapusin ko lang ang vacation ko.”

[ Good. Just… ] Sandali siyang natigilan. [ Enjoy your vacation,


all right? ]

Isa-isa nang naglandas ang luha ko dahil ramdam ko nang alam


niya na kung nasaan ako. Of course, he knew.

There was nothing that Macoy Sandoval could not know. Hindi
rin naman siya papayag na wala siyang alam sa kung ano man ang
nangyayari sa akin. Gayunpaman, katulad ng parati ay wala siyang
binabanggit. Hindi niya ako pinapangunahan at nagtitiwala lang
siya sa akin.

My dad was cool like that. Although I was usually stubborn ever
since I was a kid, he had never scolded me. He was always on my
side no matter what trouble I got into.
“D-dad?” humihikbing tawag ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan
ang aking sarili dahil pag kausap ko siya ay lumalambot talaga ako.

[ Hmm? ]

Pinunasan ko ang aking mga luha bago nagsalita. “I love you…”

[ I-I know, baby. ] Ang matigas niyang tinig ay bahagya nang


nabasag.

“I-I’m sorry for being not a good daughter.”

Matagal siya bago nakapagsalita. [ That’s not true. You’re a


good daughter. You’re always my kind and sweet baby, Macey
Ela. ]

“Thank you, Dad… `Gotta go… J-just tell mom that I called…”

Papatayin ko na sana ang linya nang magsalita ulit siya.

[ Macey Ela. ]

“Y-yes?”

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. [ Kumain ka, ha? Take


care of yourself. ]

Muling namalisbis ang luha mula sa mga mata ko. Ang sakit na
sa sa kabila ng ginawa ko, inaalala niya pa rin ako. Sa lahat ng mga
kalokohan ay ito na ang pinakamalala, pero hindi pa rin nagalit sa
akin si Daddy. Kahit tinakbukan ko pa ang responsibilidad ko sa
kompanya namin, iniintindi niya pa rin ako.

Napakasama kong anak para sa isang mabuting ama na katulad


ni Daddy. Simple lang naman ang gusto niya, pero hindi ko pa
napagbigyan. He wanted me to be his successor, to study for our
company, and to run it once I was ready. But instead of doing what
he asked of me, I ran away from all the responsibilities.

I didn’t want to be the CEO of our company. I wanted a different


career. I wanted to be a singer. Sinubukan na tahakin ang landas na
pangarap ko, kaya lang ito at bumagsak ako bilang pangpitong
asawa ng isang baliw na bilyonaryo. Dahil sa hiya ko kay Daddy ay
hindi na ako nakasagot pa sa kanya. May mga bilin pa siya
hanggang matapos na ang tawag dahil naubos na ang nakalaan na
minuto.

Napasandal ako sa salamin na pader ng phone booth. I would


make it up to my family. Especially to my dad. But I needed to fix
myself first. Aayusin ko muna ang magulong takbo ng isip ko.

Ang isip ko na ginulo ni Panther Foresteir!

Ahg! Parang hindi ko yata kayang hintayin ang 70 days bago ako
i-divorce ng baliw na bilyonaryong iyon.

Hindi ako basta-basta makakaalis dito dahil wala akong


pambayad ng penalty. Kailangang matapos muna ang natitira sa 70
days para bumaba ang penalty at ma-afford ko na ito.
Napaayos ako sa pagkakatayo. Right, may natitirang mga araw
pa ako para ayusin ang takbo ng aking isip at para na maturuan ng
leksyon si Panther. Hindi pa ako nakakalimot sa mga
pinaggagagawa niya. Hindi puwedeng basta ko na lang siyang
hayaang naninira ng buhay ng iba. Bilang ganti ko at leksyon sa
kanya ay itutuloy ko ang plano na sirain din ang buhay niya!

Nagpahid ako ng luha sa pisngi at dumampi ang likod ng aking


palad sa aking mga labi. Natigilan ako ng ilang sandali.

Dang! Naalala ko na naman ang pagnakaw ng halik sa akin ng


siraulong iyon! Agh! I would never forgive him! Over my dead
body!

~~~~~~~~

LEVELED UP TO LEVEL 3!

Lunch time nang mag-beep ang smart wristband na nasa aking


kanang pulso. Pagkabasa sa nakasulat doon ay namilog agad ang
mga mata ko. Oh, shoot! Nag-level up na ako sa level three!

When I looked at my ring, its color turned pink. Isa lang ang ibig
nitong sabihin, I was now an Elite Ring holder!

Hindi na ako nag-aksaya ng oras, nanakbo agad ako sa Elite


Foodcourt. Sa wakas, makakakain na rin ako ng burger na gusto ko.
Hinihingal pa ako nang makarating ako sa foodcourt. Pumasok agad
ako sa glass door na sakop ng level ko. Merong counter sa bungad
ng entrance kung saan puwede kang um-order ng food.
“Good morning, Lady Macey,” nakangiting bati sa akin ng
cashier na mukhang cosplayer. Naka-all red ito mula sa headband
hanggang sa suot na boots. “How can I help you?”

“Hi! I want hamburger with large patt—” Hindi ko natapos ang


sinasabi ko dahil biglang may tumabig sa akin at sumingit sa
counter.

Paglingon ko ay isang babaeng maputi at singkit ang aking


nakita. It was Nikita Ongpauco. One of Panther’s wives.

“Excuse me,” malamig na sabi niya.

Na-stress naman ang gutom kong sikmura dahil sa paniningit


niya. “Wait! Nauna ako, ‘di ba?”

“Actually, kanina pa kami nandito.” Biglang may nagsalita sa


likuran ko. Si Maricel.

Nilingon ko ito. Plakado ang kilay ng babae. Ang make up nito sa


mukha ay parang naka-air brush pa. Kahit siguro sa pagtulog ay
naka-make up ito. Pati ang pananamit ay parang palaging rarampa
sa catwalk.

“Naghanap lang kami ng magandang pwesto,” mataray na sabi


ni Maricel. Inginuso ng pulang-pula sa lipstick na mga labi nito ang
dining area sa right side ng counter. Hindi lang ako sigurado kung
level 3 or 4 sila. Pero kahit Level 1 Million pa sila ay wala akong
pakialam. Ako ang nauna sa pila kaya sa pag-order ay ako rin ang
dapat na mauna.

Humalukipkip ako. “Well, since umalis kayo, it means na hindi


na kayo nakapila, right?”

Lumapit si Maricel sa akin para titigan ako nang pailalim. “So,


what?”

She was taller than me because of her high heeled stilettos.


Pero kung magyayapak siya, papalag naman sa kanya ang height
ko.

“Ibig sabihin, ako na ang nasa pila at hindi kayo,” tuwid na sagot
ko.

“So, what are you gonna do now?” malamig na tanong naman ni


Nikita Ongpauco.

Maarteng umismid naman si Maricel. “Just get lost, girl. Don’t


waste our time.”

Nagpantig ang tainga ko. Balak ko na sana kaninang


magpakumbaba para lang wala nang gulo, pero ito at lantaran nila
akong pinagtutulungan. Wala akong balak makipag-away. I wanted
to behave as much as possible, but these bitches were trying my
patience.
Sigurado ba sila? Final answer na? Hindi ako pasosyal na katulad
nila. Kahit mayaman ang pinagmulan kong angkan ay hindi ako
takot na mabangasan.

Pasimpleng tumaas ang isang kamay ni Maricel, pero halata


naman na flexing lang sa mahahaba at pinturado niyang kuko with
glitters.

Nagbuga ako ng hangin. “Hindi ako marunong mangalmot at


manabunot pero magaling akong manadyak at manapok.”

Ang mataray na ekspresyon ni Maricel ay biglang naglaho na


parang bula. Even Nikita’s resting bitch face turned pale.

Biglang sumulpot sa gitna namin si Olivia Bernice Ong, isa rin sa


7 wives. Nakangiti ang babae sa akin. “Hey, Macey! Halika, share na
lang tayo sa na-order ko. Naparami kasi, e!”

Napakurap ako nang bigla niya akong kapitan sa braso. Sa aking


pagkabigla ay hinila niya na ako palayo kina Nikita at Maricel.
Dinala niya ako sa gilid ng dining area. Huminto kami sa isang mesa
kung saan naroon ang pagkain niya.

“Macey, share na lang tayo.”

Nangislap naman agad ang aking mga mata nang makita ang
apat na extra large at double patties burger sa tray niya. Naglalawa
ang cheese roon. Bukod pa sa burger ay may fries din siya at iba
pang pagkain.
“S-sure ka?” Napalunok ako sa pagkatakam. Sa sobrang pagka-
miss ko sa burger ay mukhang mahihirapan ako na tanggihan si
Olly.

“Oo naman! Kaya nga kita niyaya!” masayang sabi niya na


mukhang excited pa. Ipinaghila niya pa ako ng upuan.

“T-thank you.” Naupo ako sa upuan na kaharap siya.

Pinarte ni Olly ang mga pagkain sa tray niya. Mas marami ang
ibinigay niya sa akin. Pati ang platter for buttered shrimp ay
inilapag niya sa harapan ko, pero tinanggihan ko iyon.

“Olly, bawal sa akin ang hipon.” Ibinalik ko iyon sa kanya.

“Allergic?”

Tumango ako sa kanya. “Yup. Kaya ito na lang na burger at fries


sa akin.”

Malungkot naman siyang napatingin sa akin. “Sayang ang sarap


pa naman ng hipon. Anyway, ano pala ang mangyayari sa `yo kapag
nakakain ka niyan?”

Nagkibit ako ng balikat. “I might die.”

“Oh!” Napasinghap siya. “I’m sorry, I did not know!”


Nginitian ko siya para panatagin ang loob niya. “Don’t worry,
Olly. Aware ang lahat ng chef and staff sa mga bawal sa atin. So,
kahit um-order ako niyan sa counter ay hindi rin nila ako bibigyan.”

Ngumiti na rin si Olly. Nagsimula na kaming kumain. Ikinuha


niya rin ako ng soda. Mukha namang mabait talaga siya. Friendly na
katulad ni Debi. Sa tingin ko ay puwede ko naman siyang maging
kaibigan.

Napaisip rin ako na siguro sa dalawang points na nare-receive


ko daily, isa siya sa nagbibigay sa akin ng 1 point. Sigurado kasi ako
na ang isa ay si Debi.

Nang matapos kaming kumain ni Olly ay parang may gusto


siyang sabihin sa akin na hindi naman niya magawang isatinig.

“What is it, Olly?” tanong ko sa kanya.

Napayuko siya. Parang nahihiya na maski tumingin sa akin.


“Uhm, Macey, can I ask you something?”

“Sure. What is it?”

“Uhm…”

“Go on,” utos ko sa kanya.

“Had he already slept with you?” nag-aalangang tanong niya.

Did she mean if Panther already fucked me?


Umiling ako. “Nope.”

Well, natulog si Panther sa tabi ko nang mapagkamalan niyang


chamber niya iyong chamber ko, pero wala namang nangyari sa
amin.

Parang nakahinga si Olly nang maluwag. “Akala ko ako na lang


ang hindi.”

Napataas ang isang kilay ko. Ibig sabihin ay hindi pa siya


pinupuntahan ni Panther sa chamber niya? At ibig sabihin din ay
nagpunta na sa chamber ng ibang wives ang lalaking iyon?

Napatingin tuloy ako kina Maricel at Nikita na nasa counter pa


rin. Hindi pa makapagdesisyon ang dalawa kung anong klase ng
diet food ang o-order-in.

“Don’t mind them,” narinig kong sabi ni Olly. Napalingon tuloy


ulit ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “They’re just bullies.”

“Na-bully ka na nila?”

Maliit na ngumiti siya sa akin. “Yup. Madalas. Pero wala, ano


bang magagawa ko? Wala naman akong laban sa kanila…”

Nagsalubong ang kilay ko. “What?!” To think na na-bully na siya


nina Maricel at Nikita ay pumintig talaga ang ugat ko sa ulo.
Ang payat-payat ni Olly. Maliit na babae. Mukha ring mahina.
Saka mabait naman. Sweet at playful pa nga. Paano nila naatim na
i-bully siya?

Sumipa ang pagiging protective ko sa isang kaibigan. Inabot ko


ang kamay ni Olly sa ibabaw ng mesa at marahang pinisil. “Olly, tell
me kapag may ginawa sila sa `yong masama, I swear to you—”

Malungkot siyang ngumiti sa akin. “It’s okay, Macey. Sanay na


ako sa pambu-bully nila. Wala naman akong magagawa, wala
namang nagtatanggol sa akin laban sa kanila…”

Oh, she was kind. Ang mga katulad niyang masyadong mabuti at
hindi marunong lumaban ay ang mga madalas na mas
nakakawawa. Ngayong kaibigan niya na ako ay titiyakin ko na hindi
na siya mabu-bully pa ng kahit sino.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming lumabas sa


glassdoor ng foodcourt. Iniwan ko muna saglit si Olly dahil
pumunta ako sandali sa comfort room para umihi. Pagbalik ko ay
nagulat ako nang makitang nakaluhod siya sa sahig.

Napatakbo agad ako para alalayan si Olly na makatayo. “Okay ka


lang?”

Nagluluha ang mga mata niya nang tumingala sa akin. “A-ayos


lang ako.”

Napatingin ako sa makintab na sahig, may balat ng saging doon.


Agad na lumipad ang aking paningin kina Maricel at Nikita na
nakatayo malapit sa glassdoor. Si Nikita was wearing her poker face
while Maricel was grinning like a bitch that she was.

Pinandilatan ako ng singkit na mga mata ni Nikita. “Will you stop


looking at me, you little freak!”

Nilapitan ko sila. “What did you do to Olly?!”

Si Maricel ay humakbang palapit sa akin. “What did we do?”


Namewang siya at tumingin kay Olly. “Nothing. Kumain lang ako ng
saging at ibinato ko sa trashcan, pero hindi pala trashcan iyong
nabato ko. Mukha lang palang trashcan.”

Kumuyom ang mga palad ko.

“Macey, hayaan mo na silang saktan ako! Wala naman akong


kwenta, e!” awat naman ni Olly dahil nakita niya sigurong
namumula na ako sa pagkaasar. “Wag ka nang makipag-away sa
kanila, baka madamay ka pa. Hayaan mo na lang akong mag-isa!”

“No!” Humarap muli ako sa dalawa. “Don’t you know that


bullying is a crime?”

Natawa lang si Maricel sa akin habang si Nikita ay tamang


simangot lang.

Nakangiti ang mga labi ni Maricel na may makapal na lipstick.


Pinasadahan niya ako ng tingin mula sa ulo hanggang paa at
pabalik. “You’re a Sandoval, right? How come you’re this cheap?”
Kahit si Nikita ay hinagod din ako ng tingin at hindi ko
nagustuhan ang malamig at nangungutyang emosyon na dumaan
sa singkit na mga mata niya.

“I think I know why,” ani Maricel habang naglalakad paikot sa


akin. “The story of your parents is an open book. I've read a
magazine article about your mother's Cinderella-like life. She was
just a lucky slut who got married to a business tycoon.”

Kumuyom ang kamao ko sa pambabastos niya kay Mommy.

Sumimsim siya ng juice mula sa hawak na baso. “Meaning,


galing man sa old rich and influential clan ang father mo, your
mother is still a low life at doon ka nagmana—”

Hindi na niya natapos ang sinasabi at bago ko pa siya nasampal


ay natapilok na siya dahil sa pagpapaikot-ikot niya. Sa kanyang
pagewang ay tumapon sa damit niya ang hawak na baso ng juice.

“Oh, shit!” tili niya dahil hindi na siya nakapagbalanse. Bago siya
matumba ay napakapit siya sa akin. Pati tuloy ako ay nasama sa
kanyang pagtumba. Lumagapak ang aking pang-upo sa sahig.

“Anak ng tipaklong ka!” gigil na sambit ko dahil ang sakit sa


pwet.

“What’s happening here?” Biglang dumagundong sa paligid ang


malamig at baritonong tinig ng isang lalaki.
Paglingon ko ay napanganga ako. A tall man wearing plain white
long-sleeved polo and red baston trousers was heading towards us.
His annoying handsome face was void of emotion and his raven
black hair was slightly disheveled.

Panther Foresteir!

Si Maricel na katabi ko at nakabuyangyang sa pagkakalagpak sa


sahig ay biglang umayos sa pagkakaupo. Parang biglang naging
sirena ang ayos ng mga paa at ang na mukha ay naging maamo.

Si Nikita Ongpauco na kanina’y walang pakialam sa paligid at


poker faced ay biglang matipid na ngumiti. Napasuklay pa sa buhok
gamit ang mga daliri.

Mabilis naman na humarap sa glass wall si Olly para i-check ang


sarili niya sa reflection.

Napatingin si Panther sa akin. Nagsalubong ang makakapal na


kilay niya nang makita kami ni Maricel na nasa sahig. “Are you
okay?”

Napalunok ako. Why was he being nice to me?

Humakbang siya palapit sa akin.

“I-I’m okay—” Natigilan ako dahil nilaktawan niya ako.

Dumiretso siya kay Maricel. “Are you okay?” malumanay na


tanong niya sa babae.
“Yeah, my butt hurts, baby,” sagot naman ni Maricel sa tinig na
akala mo mamamatay na siya.

“Can you stand up? Ah, no. I’ll just carry you.” Binuhat ni
Panther ang babae gamit ang kanyang mga bisig. “I’ll take you to
the clinic.” Pagkatapos ay hinakbangan na naman niya ako.

Really?!

May mga umalalay agad na bodyguards pag-exit nila.


Samantalang ako ay naiwang nakaupo pa rin sa sahig.

Hello, bastard! I am your freaking wife, too!

Sumunod naman si Nikita sa mga ito. Si Maricel na sarap na


sarap sa buhat ni Panther ay may mga ibinubulong pa sa lalaki.
Parang nagsusumbong siya at pihadong sinisiraan na niya ako.

Maya-maya nga ay napatingin sa akin si Panther at tinitigan niya


ako. Malamig na tingin.

Inalalayan ako ni Olly na makatayo. “Okay ka lang, Macey? I’m


sorry, nasaktan ka dahil sa akin…”

“No, wala kang kasalanan sa akin, Olly.” Tinanaw ko sila Panther


at Maricel hanggang sa makalayo. Kasunod lang nila si Nikita at
mga bodyguards na umaalalay.
Hindi lang pala si Panther ang kalaban ko, kundi pati ang
dalawang impakta niyang asawa.

“Listen, I have an idea.” Umakbay ako kay Olly para magpaalalay


dahil masakit ang pwet ko.

Hindi puwede na hayaan na lang ang mga malditang iyon na


maging bida-bida. Dapat habang maaga ay magkaroon na ng
limitasyon sa mga pag-uugali nila. May naiisip akong solusyon sa
ganitong problema.

“Idea?” Curious naman na tumingin si Olly sa akin.

“Let’s create a team.”

Kumiling ang ulo niya. “Ha?”

Ngumisi ako. “We need to defeat the bullies.”

The solution of this problem was to…

LET THE BATTLE OF THE WIVES BEGIN!

~~~~~~~~
“M-MACEY?!”

Pagbukas ni Debi ng pinto ay pumasok agad ako sa loob ng


chamber niya. Wala akong pakialam kahit alas-dos na ng madaling
araw.

“I would like to recruit you in my team!” excited na bungad ko


sa kanya pagpasok na pagpasok ko. Iyon ang hindi na
makapaghintay na sadya ko sa kanya.

Napalunok naman si Debi. “W-what are you doing here? It’s


already late.”

“Do you want to be in my team?” malawak ang ngiting tanong


ko na hindi pinansin ang tanong niya. “Me, Olly, and you. We will—
” Natigilan ako sa pagsasalita nang makitang may matangkad na
lalaking lumabas mula sa shower room niya.

Ang matangkad na lalaki na galing sa shower room ay nakasuot


lang ng red robe at wala ng iba pa. Magulo at tumutulo pa ang basa
niyang buhok. Nang mapatingin siya sa akin ay nagulat din siya
nang makitang nakita ko siya.

Ang aking malawak na ngiti ay napawi.

“P-Panther…” sambit ko sa pagkabigla.


Anong ginagawa niya rito sa chamber ni Debi?

Saka ko lang napansin ang ayos ni Debi. Magulo ang buhok niya
at naka-robe lang din siya. Did they sleep together?

Tumikhim si Debi at mahinang nagsalita. “Macey, can you just


come back tomorrow? `You see? We’re kinda busy here…”

“Ha?!” Napakurap ako. “S-sorry!” Pagkasabi’y nagmamadali at


walang lingon akong lumabas ng pinto.

Nangangapal ang aking mukha sa pagkapahiya. Patakbo akong


bumalik sa aking chamber. Halos magkandadapa-dapa ako sa
pagnanais na makalayo na.

Pagkarating sa chamber ko ay hindi ko pa naisasara ang aking


pinto nang pakiramdam ko’y nawalan ng lakas ang mga tuhod ko.
Napaluhod ako sa sahig.

Why did I forget? Debi was also Panther’s wife. Of course, he


would fuck her. Ang tanga ko talaga.

Pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit


parang nasasaktan ako?

LEVEL 12
DID THEY DO IT UNTIL DAWN?
Tulala ako habang kumakain kami ni Olly sa foodcourt. May mga
kwento ang babae pero hindi ko naririnig. Naglalakbay ang aking
isip.

Hindi ako nakatulog nang maayos dahil natuturete ako. Kanina


namang umaga ay bangag na bangag ako. Apat na beses yata
akong nag-toothbrush at nag-mouthwash bago lumabas sa aking
chamber.

Napahawak ako sa aking mga labi. Ito `yong ninakawan ng halik


ni Panther. Naninikip ang dibdib ko kapag naaalala ko iyon.

What an asshole!

Sino kaya sa aming pito niyang asawa ang una niyang hinalikan
bago niya ako ninakawan ng halik? Tuwing naiisip ko na ilang mga
labi ang hinahalikan niya parang gusto ko na namang mag-
toothbrush at mag-mouthwash. Kung puwede nga lang ay pati ang
muriatic acid sa banyo ay imumog ko na.

Kagabi? Kaninang madaling araw? Hanggang kaninang umaga?


Ano pa ba ang ginawa nila ni Debi sa kama? Umisa pa ba sila?
Nakailan sila? Sobrang saya siguro niya dahil maganda at sexy si
Debi.

Lahat naman ng mga asawa niya ay magaganda at sexy kaya


siguradong masayang-masaya ang narcissistic, pervert, at siraulong
lalaking iyon.
Wala na talaga siyang pag-asa. Katanggap-tanggap pa sana kung
may maganda siyang layunin sa mga asawa niya, pero wala. Ang
gusto niya lang talaga ay mangolekta. Sinisira niya ang sagradong
kahulugan ng kasal. Ginawa niya pang laro ang buhay ng pito
niyang mga asawa.

“Oh, Debi is coming!” bulong ni Olly na gumising sa diwa ko.

Napatingin ako sa glassdoor. Natanaw ko na papasok nga si


Debi. Ang mga hakbang ng babae ay papunta sa kinaroroonan
naming mesa ni Olly.

“May I join you?” alanganin ang pagkakangiti na tanong niya sa


akin.

Ipinaghila naman siya ng upuan ni Olly. “Hi, Debi! Please, sit


here.”

Hindi ako gaanong makatingin sa mga mata ni Debi. Hindi kasi


mawala sa isip ko iyong kagabi. Samu’t sari ang aking na-imagine
pagkatapos kong maabutan si Panther sa chamber niya.

“Ayaw mo na bang kumain?” tanong ni Debi sa akin. Mukhang


nahalata ni Debi ang pagiging mailap ko sa kanya. “May problema
ba, Macey?”

“No, she’s fine,” si Olly ang sumagot. “Busog lang siya kasi ang
dami niyang burger na nakain kanina.”
Tumikhim ako at sinalubong na ang mga mata ni Debi. “I’m fine.
Don’t mind me.”

Wala rin naman kasing mangyayari kung iiwasan ko siya. Wala


naman siyang kasalanan. Ako ang may problema dahil bigla akong
na-awkward-an sa kanya kahit hindi naman dapat. As Panther’s
wife, it was her responsibility to sleep with him.

“Ah, Debi,” tawag ko sa kanya nang akma siyang tatayo para


um-order ng pagkain. “Puwede ka ba kumain dito kahit Mythic Ring
na?” tanong ko sa kanya sa kaswal na tono.

Napatingin tuloy si Olly sa singsing ni Debi na ang ilaw ay kulay


violet. Ang ibig sabihin kapag violet na ang singsing ay ‘Mythic
Level’ na. Kapag Mythic ka na, mas marami ka ng benefits. Sa
pagkakaalam ko rin ay hindi na rito sa foodcourt kakain dahil may
mas magandang kainan na nakalaan para sa ganoong level.

Kimi na ngumiti si Debi. “Puwede naman ako kahit saan.”

“Tayo lang naman ang hindi puwede sa restaurant niya,” bulong


ni Olly sa akin.

“Restaurant?” ulit ko.

Tumango si Olly. Kapag Mythic Wife ka na, you will have your
own restaurant and own chef.”

Whoa! Ngayon ko lang nalaman iyon.


Tumingin si Debi sa akin. “Actually, you can eat with me in my
restaurant. But I have to pay ten points per hour.”

Nagningning ang mga mata ni Olly. “Talaga?”

Tumango si Debi. “Madalas kong makasalo si Panther sa lunch.


Maybe you can join us.”

Lalong natuwa si Olly sa sinabi niya. “How about dinner?”

Umiling si Debi. “Not tonight. Panther has an important meeting


in Malaysia later.”

Alam ni Debi ang schedule ni Panther? Gaano sila ka-close?

Napa-tsk naman si Olly dahil sa panghihinayang. “Okay. Sabihin


mo na lang sa amin kung kailan siya available.”

“Sure.” Napabaling muli sa akin si Debi. “Are you all right,


Macey?” Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

“Y-yup.” Pilit ko siyang nginitian.

“By the way, ano palang pinag-uusapan niyo kanina?” usisa ni


Debi.

“We’re forming an alliance,” sagot ni Olly.

Gumuhit ang pagtataka sa mga mata ni Debi. “Huh? Who’s your


opponent?”
“The other wives! You can join us!” maligalig na sabi ni Olly.
“We’re going to be a strong team!”

Nag-aalangan na umiling si Debi. “Ayoko sanang mahati pa


tayong pito sa dalawang team. Tayo-tayo na nga lang ang nandito.
Kahit naman iba-iba ang ugali natin, hindi naman dapat tayo nag-
aaway-away.”

“Ang team nina Maricel at Nikita ay mga bully,” sabi ko nang


hindi makatiis. “Ganoon sila dahil walang pumapalag sa kanila.”

Bumuntong-hininga si Debi habang nakatingin sa akin. “I’m


sorry, pero ayaw ko talaga ng away. Pero wag kang mag-alaala,
Macey. Sa ibang paraan, kung kakailangan niyo naman ng tulong ko
ay kahit kailan, hindi ko kayo tatanggihan.”

“It’s fine,” tamad na sabi ko naman.

“We need to get Morga,” ani Olly. “`Balita ko ay anak mayaman


siya. Mukha rin siyang matapang. Kung makukuha natin siya sa
team natin, mas maganda.”

“How about Giana Alegre?” suhestiyon ko.

Umiling si Olly at sumimangot. “She’s too soft. Baka lalo lang


tayong kaya-kayanin nina Maricel kung kukunin natin si Giana sa
team natin.”
Maya-maya ay dumaan sina Maricel at Nikita sa labas ng
foodcourt. May bitbit silang mga paperbag na mula sa RedBelt, ang
shopping place rito sa mansiyon. Sa likod ng dalawa ay may
kasunod silang babae—si Morga!

“And it seems like they already have Morga,” sabi ni Debi nang
makita rin ang tatlo sa labas.

“We have to get Giana,” malungkot na sabi ni Olly.

Tumayo ako sa kinauupuan.

“Where are you going?” tanong sa akin ni Debi.

Mapait akong ngumiti sa kanya. “I need to rest. Kulang yata ako


sa tulog.”

“I’ll look for Giana.” Lumabas na ng foodcourt si Olly.

Aalis na rin sana ako nang hulihin ni Debi ang pulso ko. “Wait,
Macey! Masama ba pakiramdam mo?”

Umiling ako.

Hindi kumbinsido ang ekspresyon niya, gayunpaman ay


tumango siya. “A-all right. Please let me know if you need
anything…”
Tumango ako sa kanya at tumalikod na. Nagi-guilty ako dahil
mabait naman talaga si Debi. Wala naman siyang kasalanan dahil
ginawa lang naman niya ang tungkulin niya bilang isang asawa.

Si Panther ang may kasalanan dito. Syempre, hindi naman


makakatanggi si Debi kung pupuntahan niya sa chamber ang
babae. Kahit sino sa mga asawa niya ay puwede niyang sipingan
kahit kailan niya gusto.

Imbes na mailang ako kay Debi ay dapat na maawa ako sa


babae. Dapat maawa ako sa mga babaeng nilalamangan ni Panther.
I really should punish him for being shameless and immoral. But
how?

And where should I start?

Habang naglalakad sa hallway patungo sa elevator ay natanaw


ko ang isang maliit na lalaking naglalakad. Puti na ang mga buhok
nito, nakasuot ng tux, at may salamin sa mata—si Dr. Fetus!

That little man was Panther’s left hand. He was his most trusted
employee. Sa pagtalikod ng maliit na lalaki ay namataan ng aking
mga mata ang nakasukbit sa likuran nito. Nangislap ang mga mata
ko nang masigurado kung ano ang bagay na ngayo’y nakikita ko.
Ah, I had to get that!

I had to get that tranquilizer gun!

~~~~~~~~
“YUHOO? DR. FETUS?!”

Kumatok ako sa pintuan ng office ni Dr. Fetus. Nang sumilip siya


sa pinto ay nakasimangot siya sa akin. “Sorry, my office is close—”

“This won’t take long!” biglang sabi ko sabay tulak sa pinto.

Nakatungtong siya sa upuan habang nakahawak sa doorknob


kaya muntik na siyang matibuwal sa sahig, mabuti na lang at
maagap ko siyang nakarga sa bewang.

Ibinaba ko siya sa sahig patayo. Ngiting-ngiti ako sa kanya.


“Meron lang sana akong favor.”

Napakamot siya sa tuktok niya na unti-unti nang nililisan ng


buhok. “No more favor tonight, Macey. I have an early flight
tomorrow.”

“Come on, my friend. Hindi mo pa nga naririnig, e!” Lumabi ako.

“We’re not friends.” Yamot siyang tumitig sa akin.

“Could you at least hear me out?”

“Goodnight!”

Isasara na niya sana ang pinto nang ilabas ko mula sa akin ang
likuran ang isang bote ng wine.
Kandalunok si Dr. Fetus pagkakita rito. “Why do you have a
Montrachet white wine?!”

“Because I want to give this to you.” Inabot ko ang wine sa


kanya.

Kinuha niya ito agad sa akin. “Chardonnay,” bulong niya habang


nakatitig sa wine. “Ah, it’s been a long time since I tasted this fine
wine.”

Ngumisi ako sa kanya. “Now, can we talk?”

“Of course!” Yakap-yakap niya ang bote ng wine habang palapit


sa pinto. Isinarado niya iyon.

Sinamantala ko naman ang pagkakataon. Dumeretso sa drawer


niya. Sumisipol akong naupo malapit doon.

Lumundag siya sa upuan habang nakatitig sa bote ng wine na


hawak niya. Naalala ko ang araw na makita ko siyang halos
mabaliw sa wine na ito. Hindi ako nagkakamali, paborito niya nga
ito. Kaya lang hindi na siya makainom niyon dahil pinagbawalan na
yata siya ng amo niya.

“What’s your favor again, my friend?” tanong niya sa akin sa


maamong tinig.

Lihim na umikot ang bilog ng mga mata ko. “And now we’re
friends,” bulong ko.
“But before that, let me get some wine glasses.” Bibo siyang
nanakbo papunta sa mini food storage ng kanyang office.

“Sige lang.”

Habang nakatalikod siya ay pasimple kong binuksan ang


kanyang drawer. Napasimangot ako. The tranquilizer gun was not
here. Where did this little man hide it?

Dahil abala pa naman si Dr. Fetus sa paghahagilap ng wine glass,


nangalikot pa ako. Maingat kong binuksan iyong kabilang drawer.
Wala rin dito.

Kinapa ko rin iyong ilalim ng desk baka may hidden drawer dito.
Mostly kasi sa mga palabas sa movie, dito nakatago ang baril. There
was a hidden drawer here but it was empty.

“Are you looking for something?”

Napalundag ako sa gulat nang magsalita si Dr. Fetus na nasa


likuran ko na pala.

“N-naghahanap din ako ng wine glass,” pagsisinungaling ko.

“Don’t take me for a fool, hija.” Inilapag niya ang hawak niyang
wine glass sa lapag habang yakap pa rin ang bote ng wine. “I know
what you’re doing.”

Shoot! Mukhang alam na niya na balak kong kunin ang


tranquilizer gun niya!
“Balak mo akong takasan, ano?” aniya.

“H-ha?”

“Please. I can’t take a sip of this wine without you.” Sabay


hagikhik niya.

Sus! Akala ko, nahuli na ko. ‘Buti na lang tanga.

Sinikap kong matawa sa sinabi niya. “Sayang… Akala ko


makakatakas ako… Ha-ha-ha!”

“Help me!” utos niya.

Humila siya ng upuan at nagpatulong siya sa akin itaas ko siya


roon. Nang alalayan ko siya ay may nahulog mula sa likuran niya.

Namilog ang mga mata ko—the tranquilizer gun!

“Oh, pakidampot na lang, hija,” utos niya sa akin habang


nagsasalin siya ng wine.

Dinampot ko ang tranquilizer gun at ni-check kung loaded ito.


Meron itong bala.

Itinutok ko sa kanya ang tranquilizer gun. “Taas ang kamay.”


“W-what are you doing?” Sumeryoso ang mukha ni Dr. Fetus. “If
you don’t like wine, just tell me. Hindi mo na ako kailangang
tutukan niyan.”

“Actually, it’s not a Montrachet wine. Sinalinan ko lang ‘yan ng


beer.”

Nagusot ang kanyang noo. “Kaya pala iba ang amoy at mabula!”

“Now, call your master. Papuntahin mo siya rito.” Si Panther ang


tinutukoy ko.

Umiling siya at tumalbog ang noo niya. “I can’t do that, hija.”

“Babarilin kita sa ilong, sige ka!”

Napalunok siya.

“I swear to you, I will shoot you!”

“Eh`di, iilag ako!”

“I won’t miss. I’m good at this.”

Ginawa namin libangan ng mga barkada kong lalaki noong


college ang shooting kaya alam na alam ko kung paano humawak
ng baril. Lahat na yata ng shooting range sa Luzon ay natambayan
ko na.

Napabuga ng hangin si Dr. Fetus. “F-fine.”


May pinindot siyang buton sa intercom na nasa ibabaw ng desk
niya.

“What did you do?” tanong ko sa kanya.

“He’ll be here in a minute.”

Maya-maya nga ay may kumakatok na sa pinto niya.

“Open the door,” utos ko sa kanya.

Lumundag siya sa upuan at naglalakad papunta sa pinto.


Lilingun-lingon pa ang lalaki kaya lalo ko siyang tinakot.

“Kapag binaril kita sa ilong, ewan ko na lang!” pananakot ko sa


kanya.

Nagmadali siyang buksan ang pinto.

“Tell me you just mistakenly press that button,” narinig kong


sabi ng lalaki sa likod ng pinto.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa tranquilizer gun. I couldn’t be


wrong, that was Panther’s voice! Nandito na siya!

“You need to see this,” sabi ni Dr. Fetus sa lalaki bago niya ito
pinapasok.
Namungay ang magandang uri ng kulay abong mga mata ni
Panther nang makita niya ako. “What the hell are you doing here?”

Sa kanya ko itinutok ang tranquilizer gun. “Lock the door!” utos


ko.

“Or else?” Tumaas ang isa sa makakapal niyang kilay.

“I will shoot you.”

Umigting ang kanyang panga at nanlamig ang kanyang mga


mata. “Really?”

“How about barilin kita ulit sa puson ngayon? What do you


think?”

“You’re in a big trouble.” Nagsalubong ang mga kilay niya.

“I am already in trouble by the time I became one of your 7


wives.”

Lalong lumamig ang mga tingin niya. “What do you want?”

“Sumunod ka lang sa iuutos ko at siguradong ligtas ang puson


mo.”

“No.” Sumimangot siya.

“I’m gonna shoot you, Mr. Panty Foresteir. Bye bye na naman sa
erection mo.”
“You’re not gonna do that.” Tumalikod siya sa akin. “I’m going
to bed now.” Akma niyang bubuksan sana ang pinto nang barilin ko
ito.

Sapul ang doorknob. Mabuti at hindi siya tinamaan sa kamay.

“I told you, I’m good at this.” Bumaling ako kay Dr. Fetus.

Humarap muli sa akin si Panther. “I don’t have time for your


childishness. What do you want?”

“Lock the door.”

Napatingin siya kay Dr. Fetus at sinenyasan niya ito. Ni-lock


naman ni Dr. Fetus ang pinto.

Humila ako ng upuan at sinipa ko iyon papunta kay Dr. Fetus.


“Akyat,” utos ko. Kakampi siya ni Panther kaya kailangan ko siyang
iligpit muna.

“Listen, hija,” ani Dr. Fetus bago siya sumampa sa upuan. “We
have an important business meeting tomorrow with Master
Panther’s biggest client. Maaga iyon bukas at hindi kami puwedeng
sumablay roon.”

“Hindi ko naman kayo babarilin ng tranquilizer gun kung


susunod kayo sa iuutos ko.”
“Sure.” Kinakabahang napatango si Dr. Fetus. “Then, tell us
what you want us to do.”

Tumingin ako kay Panther at tumikhim. “K-kiss him.”

“Huh?” Nangunot ang makinis niyang noo.

Napatikhim ulit ako. “Kiss each other and you’ll be fine.”

Nagtagis ang mga ngipin ni Panther habang nakatingin sa akin.

Nilabanan ko naman ang mga titig niya. “Just do what I said. I’ll
leave you two after that.”

Napahingal naman si Dr. Fetus. “Y-you’re just kidding, right,


hija?!”

Ngumiti ako. “I’m serious. Kaya kung gusto niyong maka-attend


ng importanteng meeting na `yan bukas at hindi kayo tanghaliin
nang gising, mag-kiss na kayo.” Itinutok ko sa kanila lalo ang
tranquilizer gun.

“Not gonna happen,” malamig na sabi ni Panther.

Tiningan ko siya nang matalim. “Kiss Dr. Fetus or I’ll shoot you.”

“Why are you doing this?”

“Ganti ko `yan sa‘yo dahil ninakawan mo ako ng halik. Ninakaw


mo ang first kiss ko!”
Ang pagngiwi sa kulubot na mga labi ni Dr. Fetus ay nauwi sa
pigil na pagngiti.

Muling nagsalita si Panther. “Not gonna happen.” Lalapit sana


siya sa akin nang ambahan ko siya ng tranquilizer gun.

“I’m warning you. I’m a shooter.”

Napahinto naman siya. “Don’t even try it. I will turn your
wristband red.”

Napalunok ako. Bihira mangyari ang maging pula ang ilaw sa


smart wristband ng mga asawa niya. Nabasa ko sa red book na
kapag nagkulay pula ang wristband nangangahulugan iyon ng
pagka-grounded. Maraming privileges ang mawawala.

Puwede ring parusahan ni Panther ang may suot ng wristband,


kahit kailan at sa kahit anong paraan niya gustuhin.

Nakakatakot na mangyari sa akin pero syempre hindi ako


nagpahalata na takot. Strong pa rin dapat. Inirapan ko siya.
“Pakialam ko!”

“Stop doing this,” sabi ni Panther. “I’ll give you a chance if you
put that tranquilizer gun down.”

“Are you gagoing me? Hindi ako tanga katulad ng iba mong
asawa.” Lalo ko siyang tinutukan ng hawak kong tranquilizer gun.
Nagdilim ang perpektong mukha. “Don’t you dare shoot me—”

“Pagbilang ko ng tatlo, dapat naghalikan na kayo. Kung hindi, sa


ikalawang araw na ang gising niyo!”

“Damn it, Macey!” sigaw niya.

Oh, napasigaw na siya. Naubos na ang pasensiya siya. But sorry,


walang may paki.

“Isa!” bilang ko.

“Macey, damn it! I have an important meeting tomorrow and


it’s my biggest client!” gigil na sabi niya sa akin.

“Dalawa!”

Humarap si Dr. Fetus na nakatungtong sa upuan. “Let’s just kiss,


Master Panther.”

“Are you out of your mind?!” asik niya sa maliit na matanda.

“There’s no other option, Master. She’ll shoot us!”

“No!” sigaw niya. Pulang-pula na ang makinis na mukha niya


hanggang leeg.

“Dalawa’t kalahati.” Tuloy lang ako sa pagbibilang.


Napahilot sa sentido si Panther. Hindi na niya malaman ang
gagawin.

“Dalawa’t one-fourth.”

“Fuck!” Napamura siya.

“Tatlo.” Itinutok ko sa kanya ang tranquilizer gun.

“Fine!” sigaw niya. Pagkuwan ay yumuko siya kay Dr. Fetus at


hinawakan ito sa pisngi.

“Do it, Master Panther. It’s the only option!” utos sa kanya ni
Dr. Fetus habang nakatingala sa kanya.

“Shut up! Your breath stinks!”

“Maghahalikan ba kayo o magkukwentuhan lang?” sita ko sa


kanilang dalawa.

“Puwede sa cheeks?” habol ni Panther na tanong.

“Bakit sa cheeks mo ba ako ninakawan ng halik? Sa lips dapat.


Go!”

“Shit!” usal niya bago marahang lumapit ang mukha niya sa


mukha ni Dr. Fetus.

Ngumuso naman si Dr. Fetus. Parang kamukha niya na ngayon


iyong janitor fish sa aquarium niya rito sa office.
Natigilan si Panther nang bahagya, pero nang maramdaman
niyang itinutok ko sa kanya ang tranquilizer gun, marahan na
niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Dr. Fetus.

Mabilis lang pero nagawa naman niya. Nang saktong magdikit


ang labi nila sa isa’t isa ay ni-picture-an ko sila gamit ang aking
tablet.

“What the hell did you do?!” Galit na galit siya sa akin.

“Nice kiss!” pang-aasar ko sa dalawa.

Mariing pinunasan ni Panther ang mga labi niya.

Nangingislap naman ang namimilog na mga mata ni Dr. Fetus.


“Oh, my! My master kissed me!”

“Tapos na ba? Masaya ka na?!” gigil na tanong ni Panther sa


akin. Ang mga ugat niya sa leeg ay halos visible na.

“Of course!” Pagkasabi ko ay binaril ko sa ilong ang katabi


niyang si Dr. Fetus.

Natulala muna ang maliit na matanda bago natumba sa sahig.

Nang makabawi naman sa pagkabigla si Panther ay


nanggagalaiti siyang humarap sa akin. “You—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang barilin ko siya ng
tranquilizer gun. Sapul siya sa puson.

Natumba siya sa sahig.

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niyang pilit


pang lumalaban sa antok. Nginisihan ko siya. “Sweet dreams, baby.
Please, dream of me.”

“L-lagot ka sa akin ‘pag—” Hindi niya na natapos ang sinasabi


dahil binawian na siya ng ulirat.

LEVEL 13

THIRD DAY.

Masarap ang tulog ko sa mga nakaraang araw pero ngayon ay


nag-aalala ako. Pagmulat ko ay agad kong hinagilap ng kapa ang
aking tablet. Tiyak na gising na si Panther at tiyak na bibigyan niya
ako ng negative points dahil sa ginawa kong pagpapatulog sa kanila
ni Dr. Fetus.

Inihanda ko na ang sarili dahil malamang na hindi lang negative


points ang ibibigay sa akin ni Panther. Pihado rin na gagawin niyang
kulay pula ang ilaw sa suot kong wristband. Iga-grounded niya ako
dahil sa nagawa ko!

Again, to view my points from Panther, I had to give points first


to all the other wives. I started tapping on my tablet. I gave 1 point
to everyone including myself. When the points from Panther could
finally be tapped, I bravely tapped on it immediately.

But to my surprise, Panther still gave me 7 points. Napabangon


ako bigla sa kama.

What was his game? Bakit hindi pa rin niya ako binibigyan ng
negative points? I shot him with the tranquilizer gun. Malamang na
galit na galit iyon paggising.

Pero 7 points pa rin ang ibinigay niya sa akin. Why?

At bakit 2 points pa rin ang na-receive kong points mula sa ibang


wives? Ang alam ko ay 1 point ang galing kay Debi at ang another 1
point ay lately ko lang naisip na baka galing kay Olly.

There were three kind of points here. Current Points, Balance


Points, at Achieved Points. Sa Current Points napupunta `yong mga
points na nare-receive namin kay Panther at kapwa wives. Balance
Points iyong puwede i-send. So, kung gusto mo mag-send ng
points, kailangan munang i-convert `yong Current Points to Balance
Points.
Iyong Achieved Points naman ang nagde-determine ng level at
ring’s light. So, kung ano iyong highest gained na points mula sa
Current Points, iyon ang Achieved Points. In short, hindi
nababawasan ang Achieved Points unlike Current Points at Balance
Points.

Patayo na ako nang manlaki ang aking mga mata dahil nasa
ibang chamber ako. Ngayon ko lang napansin, masyadong malaki
ang kama na kinaroroonan ko!

What happened? Paano ako napunta sa kwartong ito? This


room was bigger and better than mine. Kaninong chamber ito?

Lumundag ako sa kama pababa at nilibot ang paligid. This


chamber had a wider shower room. Meron din ditong mini kitchen
at sala set sa labas ng room. Mas malaki rin ang TV dito compared
sa room ko. Parang ito `yong medium version ng place ni Debi.

Lalo akong nagtaka kung bakit nandito sa wardrobe ang mga


gamit ko. Pati ang handbag ko at mga cosmetics ay nandito rin.
Nang buksan ko ang fridge ay nandito rin iyong mga tira kong
pagkain kagabi.

What the freaking hell was happening?

Binuksan ko ang pinto para lumabas at pumunta sa sala. Then


lumabas ako sa main door. Nagulat ako nang may makitang apat na
lalaking naka-red suit at red mask doon na tila binabantayan ako.
They vowed their heads when they saw me.
“Anong nangyayari? Bakit nalipat ako ng chamber?” tanong ko
sa kanila.

Nagpaputok ng poppers ang isa. Pagkatapos ay nagpalakpakan


sila.

“Congratulations! You have reached Level 3!” sabay-sabay halos


na sabi nila.

Napatingin ako sa ring ko. It was now pink. They called it Elite
Ring. Meaning, I was now an Elite Wife.

“You have unlocked a new privilege. You may come with us to


choose your personal bodyguard,” anyaya sa akin ng isa sa kanila.

“Really? Magkakaroon ako ng personal bodyguard?”

Humanay sila para bigyan ako ng daan.

“Yes, you will have your own protector starting today. This way,
Lady Macey.” Itinuro nila sa akin ang isang red golf cart. Inalalayan
nila ako na makasakay roon.

Sa sobrang curiosity at excitement ko ay nakalimutan ko na


kagigising ko pa lang at hindi pa ako naghihilamos at nagtu-
toothbrush. I just couldn’t believe I still got this treatment after
what I had done to Panther and Dr. Fetus. Or maybe up to this time
they were still asleep?
But Panther already gave me points. Ibig sabihin ay gising na
siya.

Umandar na ang golf cart na sinasakyan ko at pumasok sa loob


ng isang malaking elevator. Sa groundfloor kami huminto.
Pagbukas ng elevator ay saka ko palang na-realize na nakasuot pa
rin pala ako ng pajama. Medyo malayo na para magpabalik pa ako
kaya kinapa ko na lang ang aking mga mata kung may muta ba,
`tapos sinuklay ko ng aking daliri ang buhok ko. Sa ground floor ay
umandar ang golf cart at pumasok sa isang malaking hall. Doon ay
nakita ko sina Olly at Giana.

Sumalubong agad si Olly sa akin. “Hello, Macey!” masayang


tawag niya sa akin.

Bumaba ako sa golf cart at lumapit sa kanila. “Nandito rin ba


kayo dahil nag-level up kayo?”

Sabay halos na tumango sila.

Si Giana ay maliit na ngumiti sa akin. Napangiti na rin ako dahil


nakakahawa ang mabait na ngiti niya. Ngayon ko lang siya mas
natitigan at mukha pala siyang anghel sa malapitan. Maamo ang
mukha niya. Sa aming lahat dito na asawa ni Panther, siya rin yata
ang pinakamahinhin at pinakamahiyain. Hindi siya nagdididikit sa
ibang wives.

“Nikita is here, too,” bulong sa akin ni Olly na nagbalik ng


atensyon ko sa kanya.
Saka ko lang napansin sa isang sulok si Nikita Ongpauco, ang
singkit na masungit. Tinapunan lang kami nito ng malamig na tingin
at pagkatapos ay hindi na ulit namansin.

“Maricel already have unlocked this privilege,” matabil na


kuwento ni Olly. “Nauna siya sa atin. Mga two days ago na nang
mag-level up siya.”

Wow, ang galing naman ni Maricel. Mukhang kina-career talaga.


Siguro huling buhay niya na ito.

“Same with Morga who was here yesterday,” ani ulit ni Olly.
Nakakamanga dahil updated siya sa mga pangyayari.

Maya-maya ay nagbukas na ang malaking screen na nasa wall.


Lumitaw sa screen sina Half Note at Quarter Note. Haist, I missed
these two.

[ Good day, Mrs. Foresteirs! ] bungad ni Half Note.

[ Magandang araw, mga asawa ni Panther! ] pagta-translate


naman ni Quarter Note.

[ How are you? ]

[ `Musta kayo riyan? ]

[ We’re happy to tell you that you have just unlocked a new
privilege. We call it G-cleft Privilege. ]
[ Masaya kami na nabuksan niyo ang isang bagong
pribelehiyo. Tinatawag namin itong G-cleft na pribeli —
pribiliheyo pala. Kabulol pota! ]

Ilang sandali lang ay may lumabas na pitong lalaki mula sa


sliding door na nasa gilid. They were all wearing red suits and they
were all also wearing red blindfolds. They lined up in front of us.

Nakasunod naman kami ng tingin sa kanila. Lahat sila ay


makikisig at matatangkad ang katawan. Sa kabila ng piring na
nakatakip sa mga mata ay hindi maikakaila na lahat sila ay may
itsura. May hawak silang screen na nakaharap sa amin. May mga
details doon tungkol sa kanila katulad ng edad nila, height, weight,
education, professional experience, skills, and summary of
qualifications.

[ They are the seven high-end protectors, ] ani Half Note.

[ Narito ang pitong tagapagtanggol na mas mahal pa sa


gasolina ang presyo. ] Si Quarter Note.

[ You can read their profiles first before deciding who to


choose to be your personal protector. ]

[ Basahin muna ang profile nila at kilalanin muna bago


magdesisyon agad, kaya ka masaktan kasi ang hilig mong
magmadali. ]

[ If your name appeared on the screen, you may step forward.


Each of you will be given 7 minutes to choose. ]
[ Kapag lumitaw sa screen ang iyong pangalan ay maari ka
nang humakbang paabante. Pitong minuto ang ibibigay sa inyo
para mamili. ]

[ You do not have to worry because all of these men are


guaranteed top-notched and excellent in all aspects. ]

[ Hindi niyo kailangang mag-alala dahil lahat ng mga lalaking


ito ay pang-second male lead. ]

[ Be smart. Choose wisely. ]

[ Maging matalino. Mamili ng pinakaguwapo. ]

[ You may step forward… ] Natigilan si Half Note. [ Drum roll


please! ]

[ Maari ka nang mamili. Patunugin ang tambol, utang na


labas! ]

Lumabas sa screen ang pangalan ko: Mrs. Macey Ela S. Foresteir

“Hala bakit ako ang una?” bulong ko.

“Remember, ikaw ang unang nakapasa?” tinapik ni Olly ang


balikat.
Oo nga pala. Saka tama si Quarter Note, meron na akong
napansin sa pitong personal na bodyguards na naririto. Palapit na
ako sa mga bodyguards nang humarang si Nikita sa daraanan ko.

“What?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Don’t choose the guy in the middle.”

“Ha?”

Hindi na siya nagsalita. Tumalikod na siya sa akin. Nahihiwagaan


naman ako kung ano ang meron sa middle guy. Nagkibit-balikat na
lang ako.

Lumapit na ako sa mga lalaki. Binasa ko isa-isa iyong profiles nila


sa screen na hawak nila. May details nila ang mga ito pero walang
naka-indicate kung ano ang mga pangalan nila. Binasa ko na lang
isa-isa ang nakasulat.

Merong isa dito na may 20 points akong mare-receive kapag


pinili ko siya, pero mababa ang grade niya sa hand combat at
shooting. Meron siyang six abs at medyo nakukulangan ako.

Ang kasunod naman ay merong 20 points din at mataas ang


grade sa hand combat. Mukha namang guwapo, matangkad, at
maaasahan. Iyon nga lang ay may hika.

Meron ding 5 points lang ang makukuha ko pero mataas ang


grade sa shooting at may six abs.
Pagdating ko sa lalaking nasa gitna ay may naamoy ako. Ah, I
knew this guy! Hindi ako maaaring magkamali! Iyong amoy bagong
paligong baby!

Siya `yong lalaking misteryoso sa pintong pinasukan ko sa isa


mga huling round at siya rin iyong guwapong napagkamalan kong si
Panther doon sa indoor garden!

Napatingala ako sa kanya. Tiningnan ko ang profile niya. Perfect


ang grade niya sa hand combat at shooting. Sad lang dahil wala
akong points na makukuha kapag siya ang aking pinili.

Tiningnan ko ang skills niya. Nakalagay sa profile niya na bukod


sa dalubhasa siya sa lahat ng klase ng martial arts, malupit siya sa
gun shooting, at master ang lahat ng klase ng firearms, ay magaling
din siyang magluto. Organized din siya sa mga gamit, matagal
malasing, may eight-pack abs, and last but not the least, hindi siya
takot sa ipis.

Mukhang nakita ko na sa kanya ang personal bodyguard na


hinahanap ko! Merong red buzzer sa harapan niya, so I pressed
that buzzer to choose him. “I want you!”

Ay, oo nga pala. Siya ang bet ni Nikita! Pero anong magagawa
ko, napindot ko na siya, hehe.

[ You’ve chosen the G-cleft Number 4! ] Half Note announced. [


Congratulations on achieving your protector! ]
[ Napili mo si G-cleft Numero Quatro! ] sabi ni Quarter Note. [
Binabati ka namin dahil may kaharutan ka na! ]

Pumalakpak sina Olly at Giana para sa akin. Pero si Nikita ay


namumula ang mukha. Ngayon ko lamang nakita ang ganitong
ekspresyon niya kung saan mahahalatang galit na galit siya. Ang
sama ng tingin niya sa akin na para bang kaya niya akong patayin.

Napatingala tuloy ako sa lalaking aking napili. Who was this man
really?

~~~~~~~~

“YOU MAY TAKE OFF THAT BLINDFOLD.”

Isinama ko pabalik sa aking chamber ang napili kong personal


protector. Hanggang dito sa bedroom ko ay nakasunod siya.

Inutusan ko siyang alisin na ang suot niyang piring sa mata, dahil


seriously, ang awkward na. Kasi dahil naka-blindfold siya ay parang
ang kulang na lang sa amin ay posas at latigo, puwede na kaming
gumawa ng kababalaghan dito.

Ang kaso, matigas ang ulo nitong napili kong personal protector.
Sumasagot. “I must not,” sabi niya sa malamig na tono.

Namewang ako. “Bakit? Nandito na tayo sa chamber ko, ah!”


“Because I am not allowed to remove my blindfold every time I
am in your bedroom. That’s one of the rules.”

“All right.” Hinila ko siya sa kamay niya at lumabas kami ng


bedroom. Dinala ko siya sa maliit na sala na parte rin ng chamber
ko. Tiningala ko siya. “You may take it off now.”

Tinanggal niya ang blind fold sa kanyang mata. Napalunok ako


nang magtama ang paningin namin. Sa ganito kalapit ay mas
maganda pala ang mga mata niya na kakulay ng gabing madilim.

Friendly na ngumiti ako sa kanya. “I’ve been dying to know your


name, Mr. Amoy Baby.”

“I am Light.”

“Ang ganda naman ng name mo. Parang kapitan ng kalawakan.”

Seryoso lang naman ang kanyang perpektong mukha at wala


man lang kahit katiting na emosyon ang matingkad na kulay itim
niyang mga mata. Mukhang malabo ko siyang mapatawa.

“So, what’s your role in my life, Light? You’re just a protector?”


Sinilip ko ang mukha niya. “A bodyguard?”

“Everything. I’m here to take care of you.”

“Sweet.” Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib.

Tigas.
“I’ve got my own Red Book. It’s all in here.” May hinugot siya sa
suit niya. It was a small red book.

Meron din pala silang sariling rules na kailangang sundin. Meron


siyang digital watch sa kanyang kaliwang pulso. Napansin niya
yatang doon ako nakatingin.

Kinuha niya ang kamay ko. “When you tap yours…”

Tinap niya ang wristband ko sa kanan at biglang nag-vibrate ang


digital watch niya.

“Mine will vibrate.” Napaka-husky ng tinig niya. “If you need


me, you just have to tap your wristband to call my attention. I will
stop whatever I am doing to get to you right away.”

Wala sa sarili na napatango lang naman ako habang nakatingala


sa kanya. He was really too gorgeous for this job. Bakit kaya pinili
niya ang ganitong trabaho? Seriously, he could pass as a celebrity.

“My mission is to serve and protect you at all costs.”


Napakalambing ng malat niyang tinig.

“Ano pa ba ang sakop ng trabaho mo? Puwede bang malaman


para aware ako?” curious na usisa ko.

“I can cook for you, wash your clothes, brush your hair, and I
can also be your personal assistant. I will be whatever you ask me
to be.”
“That’s nice.” Sakto siya dahil iyong mga binanggit niya ay ang
mga bagay na hindi ko gamay at madalas ay kinatatamaran kong
gawin.

“And if you need someone to talk to…” Bumagal ang pagsasalita


niya. “I’m here to listen.”

Napangiti ako roon. “Ows? Puwede kitang makausap? You


mean, kadaldalan? Puwede kitang chikahin?”

Nangunot ang kanyang noo. “I will just listen to you, Lady


Macey.”

Napanguso ako. Puwede naman kahit sa pader na lang ako


makipagusap tutal mukhang parehas lang din pala.

Saka, na-excite pa naman ako sa sinabi niya na ‘he will be


whatever I ask him to be’. Tsk! Balak ko pa naman siyang gawing
parrot dahil nabibingi na ako sa katahimikan dito sa chamber ko.

“I can keep your secrets so you don’t have to worry about


telling me anything. It’s part of my job.”

“I see.”

“From this moment, I, Light Dreux Erudian, is dedicating my life


for the sake of protecting you.” Nangungusap ang kanyang mga
mata habang nakatitig sa akin.
“A-anong schedule mo sa akin?” pag-iiba ko ng usapan dahil
hindi ko na kaya. Ang lalim na niya masyado, hindi ko na siya
masisid.

Saka bakit ganoon ang pangalan niya? Para siyang member ng


Power Rangers.

Sinagot niya ang aking tanong, “I have no day off. I’ll be your
24/7 personnel and protector.”

“E, saan ka kakain?”

“I’ve got my own privilege.”

“May sarili kayong canteen?”

Tumango siya.

“Saan ka matutulog?”

“I can sleep anywhere.”

“Doon ka sa sofa matulog para kumportable,” nguso ko sa


malapad na sofa. Mahaba iyon kaya sa tingin ko ay kakasya naman
siya.

Saka, ayos lang sa akin na may lalaki sa paligid. Sanay ako na


napapalibutan ng mga lalaki noon pa man, bukod kasi sa lalaki ang
kapatid ko at mga barkada nito, puro lalaki rin ang madalas na
nagiging barkada ko.
Tumango si Light at tila may dumaang kislap sa kanyang
kalmadong mga mata. “Gratitude, Lady Macey.”

“Ikaw ba? May gusto kang itanong at malaman tungkol sa


akin?”

Umiling siya.

“Ah, nga pala.” May naalala ako. “Do you and Nikita know each
other?”

Hindi kumibo si Light.

“Well, it looks like you know each other.” Napahimas ako sa


aking baba. “I’m forming an alliance. Gusto mo bang sumali sa
team ko?”

Tumingin siya sa kanyang digital watch. “It’s time to check your


place.” Meron siyang hinugot na scanner sa likuran niya. In-scan
niya ang sofa, likod ng TV, at ang mini kitchen.

“What are you doing?”

“I have to make sure that there’s no threat here that could


endanger your life.”

“Like what?”
Binuksan niya ang fridge at dinampot niya ang yogurt ko na tira
pa kagabi. “Like this one.”

“Ha?”

“This will expire in five minutes. We should get rid of this.”

Nagtungo siya sa trash bin at tinapon iyon.

Tumingin ulit siya sa kanyang digital watch. “You’re going to eat


lunch in an hour. You should take a bath.” Pumunta siya sa shower
room at kumuha ng towel. Ibinigay niya ito sa akin. “59 minutes
before your lunch. Move. Now!”

Nanakbo naman ako sa shower room dahil nakakapag-panic


siya.

“58 minutes before your lunch!” habol niya sa akin.

Sumilip ako sa glassdoor at nag-salute ako sa kanya. “Aye, aye,


captain!”

~~~~~~~~

OKAY RIN PALA SI LIGHT.

Daig niya pa ang nanay kung asikasuhin ako. Habang nanonood


ako ng TV at nagma-marathon ng series, siya ang utusan kong
magluto ng midnight snacks ko. Hindi rin siya natutulog hangga’t
hindi pa ako tulog. Naramdaman ko na panay ang silip niya sa akin
sa bedroom. Binabantayan niya talaga ako.

Napahikab ako sa pagbangon ko ng kama. I needed to pee.


Maaga pa masyado kaya babalik ako sa kama pagkatapos ko mag-
wiwi.

Pikit pa ang isang mata ko nang magtungo sa shower room.


Binuksan ko ang pinto para lang maglaho bigla ang aking antok
dahil sa makikita. Halos lumuwa ang eyeballs ko nang makita sa
loob si Light na naliligo habang walang saplot maliban sa bula.

Napatili ako. “Are you kidding me?!”

Sanay ako na may mga kasamang boylets pero hindi ako sanay
sa mga boylets na nakahubo!

“You pervert! Apologize to my eyes right now!”

Nagpa-panic na nahablot naman niya ang kanyang tuwalya para


matakpan ang sariling kahubaran. “Apologies!” sabi niya agad.

Tumalikod ako sa kanya para lumabas shower room. Pero


saktong paglabas ko nang madulas ako. “Ouch! Tangina!” hiyaw ko.
Bumagsak sa sahig ang pwet ko.

Agad na nagtapis si Light ng towel. Nanakbo siya palapit sa akin


para buhatin ako. Hindi yata siya aware na half naked siya. Saka,
nilalamig yata siya down there kasi may natanaw akong tent.
“Let me take you to the sofa,” aniya habang buhat ako.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. “Sana nagdamit ka muna,


ano?”

“Your safety is my priority.”

Ilalapag na sana niya ako sa sofa nang biglang bumukas ang


main door sa sala. Napadilat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang
iluwa ng pintuang iyon si Panther.

Napanganga ang lalaki nang makita si Light, na bukod sa half-


naked ay nakatapis lang na tuwalya habang karga-karga ako!

LEVEL 14

THE SHOCK WAS EVIDENT IN PANTHER’S FACE.


Pulang-pula ang kanyang makinis na mukha habang salitan ang
mabangis na titig niya sa amin ni Light.

“I-it’s not what you think it is!” Bumaba ako mula sa mga bisig ni
Light at humarap kay Panther.

Nang makabawi ay inalis niya ang gulat na ekspresyon at


sumimangot siya sa akin.

“A-anong kailangan mo?” nauutal na tanong ko kay Panther


habang pasimple akong tumakip sa hubad na katawan ni Light.
Dang! Hello? Inosente naman ako at walang kasalanan, pero daig
ko pa ang guilty sa pagtataksil dahil sa aking ikinikilos.

Saka bakit nga ba nagtatanong pa ako kay Panther kung ano ang
sadya niya rito sa aking chamber? May nagawa na naman akong
kalokohan sa kanya nang nakaraan, binaril ko sila ni Dr. Fetus ng
tranquilizer gun, kaya malamang na nandito siya para bawian ako.

Tinaasan niya lang naman ako ng kilay. Maya-maya ay


tumalikod na siya sa amin ni Light at walang salita na lumabas ng
pinto.

That was it? What was wrong with him?

Pero nakahinga ako nang maluwag kasi at least, wala pala


siyang balak bumawi. Siguro napaisip siya na next time na lang.

Dahil wala na si Panther ay hinarap ko na ang aking unfinished


business. Nagtakip ako ng mata gamit ang aking palad bago
nilingon sa likod ko si Light. “Why the heck are you in my shower
room?!”

“Apologies. I thought of taking a shower while waiting for you to


wake up.”

“Puwede ka naman maligo rito, hindi naman kita


pinagbabawalan, pero i-lock mo naman `yong shower room!”
sermon ko sa kanya. “O, anong gagawin mo ngayon, ha? Hindi na
virgin ang mga mata ko, nakakita na kanina ng doorbell!”

“It won’t happen again. I swear.”

“O siya, sige na. Tutal may bula naman iyong doorbell kaya
parang virgin pa rin pala ang mga mata ko. Magbihis ka na.”

“All right.”

Nainip ako kaya sumilip ang isa kong mata kung nagbibihis na
nga ba siya talaga. Nakasuot na siya ng pants at ang pang-itaas
nalang niya ang walang saplot.

His profile was telling the truth. He really had eight pack abs.
Hindi siya masyadong buff, mas nasa fit level siya, dahil nadala ng
matangkad niyang tindig at height ang kanyang body muscles. I
must admit, he was really a beauty in primal form, a perfect
definition of manliness.

“A-are you done?” tanong ko kahit alam ko naman hindi pa siya


tapos magdamit.
“Almost.”

“Faster. I need to pee.”

“I’m done.”

Pagdilat ko ay kasusuot niya pa lang ng t-shirt na white. Basa


ang kanyang magulong buhok na bahagya pang tumutulo sa
kanyang makinis na leeg.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at walang kahirap-


hirap na binuhat niya ako gamit ang kanyang mga braso. “Madulas
ang sahig. I have to make sure you are safe.”

Magagalit sana ako nang mapasinghap sa mabangong


halimuyak ng sabon na gamit niya. Parang. Tapos iyong leeg niya,
parang amoy pulbo kahit wala namang pulbo. Basta, amoy baby
talaga ang lalaking ito.

Dinala niya ako sa shower room at doon ako maingat na


inilapag. “Be careful, Lady Macey.”

Tinabig ko ang kamay niya na nakaalalay pa rin sa akin. “Labas


na.”

Lumabas na siya ng shower room at maingat niyang isinara ang


pinto. Umupo naman na ako sa bowl. Nakahinga lang ako nang
maayos nang nailabas ko na ang ihi na kanina pa nagkukumahog na
makalabas mula sa aking pantog.
Habang umiihi ay sumingit sa aking balintataw ang
nakasimangot na guwapong mukha kanina ni Panther. Alam ko ang
emosyon na dumaan sa kulay abong mga mata niya. He was
looking down on me.

Ano bang akala niya, nanlalalaki ako? Itutulad niya pa ako sa


kanya na hindi makuntento sa isa!

Hmp! Bakit nga ba iniisip ko pa si Panther? E, ano naman kung


naabutan niya ako na nasa bisig ng half-naked at nakatuwalya lang
na lalaki? Basta alam ko sa sarili na wala akong ginagawang
masama.

Saka wala namang pakialam sa akin si Panther. `Di ba nga, hindi


naman niya ako itinuturing na isa sa mga asawa niya? Sabik na
sabik na nga siya na i-divorce ako after 70 days. Malamang excited
na siya na i-evict ako rito sa mansiyon at maging sa buhay niya.

Mabigat ang dibdib na lumabas ako ng banyo matapos kong


umihi. Sa labas ay at nandoon si Light na naghihintay sa akin. Since
my bathroom was inside the bedroom, he put a blindfold on his
eyes again.

He approached me as if he could see me. He lifted me up again


with his arms.

“You don’t have to do this,” sabi ko sa kanya.

Umiling siya. “Madulas ang sahig. Your safety is my priority.”


“Safe ba talaga ako, e, nakapiring yang mga mata mo. Baka
matalisod ka, maitapon mo pa ako sa bintana.”

Swabe na naglakad siya na parang nakikita niya ang daan.


Maingat niya akong inilagay sa aking kama pagkuwan. Amazed na
amazed naman ako. Nakasuot ba talaga siya ng blindfold?

“I was trained for this,” aniya matapos niya akong kumutan.

Paalis na siya nang tawagin ko. “Light!”

Napahinto siya datapwat hindi ako nilingon.

“Thank you...” mahinang sabi ko sa kanya.

“It’s my job,” sagot niya. “Just don’t get too attached to me.
Baka ma-fall ka.”

“Gago.” Binato ko siya ng unan.

Bago siya tamaan ay naisara na niya ang pinto.

~~~~~~~~

HALOS hindi ko pa maidilat ang aking mga mata sa sobrang antok.


Naalimpungatan lang ako dahil parang idinuduyan ang aking
pakiramdam. Nagulat ako nang mapalingap ako sa paligid. Nawala
ang antok ko nang matagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa
isang VIP seat ng eroplano.

Dang! Bakit ako nasa airplane?

“You are in my private plane.” Isang lalaki ang nagsalita at


naupo sa harapan ko.

Napamulagat ako nang mapatingin dito. It was Panther!

Nakasuot ng casual plain white shirt ang lalaki na hakab sa


kanyang makinis na pangangatawan, fitted jeans sa ibaba, at pares
ng isang balat na combat shoes sa paanan. Magulo ang buhok niya
na bahagya pang basa, siguro ay kaliligo lang niya `tapos napag-
trip-an niyang mag-stroll sa himpapawid.

Nang dumampi sa kanyang pisngi ang liwanag mula sa ilaw ay


umangat ang pagiging mamula-mula ng kanyang balat. Nang alisin
ko ang aking paningin doon ay nasalo ko naman ang mainit na titig
ng kulay abo niyang mga mata.

I hated this guy so much, but damn, he was really dashing in


everything. Kahit yata magsuot pa siya ng sako lang, he would still
be camera-ready.

Napatikhim ako at nagbawi ng tingin sa kanya. Mahirap nang


masyadong maguwapuhan sa kanya, baka lumaki ang ulo niya. “Uh,
Panther, a-ano pala ang ginagawa ko rito?”
May hawak siyang wine glass at sumimsim siya roon. “I
kidnapped you.”

Napatingin ako sa ilaw ng digital wristband ko. It was now red.


Grounded ba ako?!

“Your protector can not protect you now because you’re


grounded,” balewalang sabi niya.

My wristband’s color was the reason why Light didn’t even stop
him when he kidnapped me. He turned my wristband red so he
could keep my protector away from me.

“Now, if you’re wondering why I brought you here, alalahanin


mo na lang kung ano ang nagawa mong kasalanan sa akin.”

Napayuko ako. Alam ko naman iyon, pinatulog ko sila ni Dr.


Fetus gamit ang tranquilizer gun. Alam ko rin na hindi siya papayag
na hindi siya makakaganti.

“Now, I am bringing you to Singapore with me. Ikaw ang mag-


explain sa big client ko kung bakit hindi ako naka-attend sa
important meeting namin.”

Lumabi ako. “Uh, e, paano kung ayaw ko?”

“I'm not tolerating that attitude right now.”


Napalunok ako. Nakalagay sa Red Book na kapag red ang ilaw ng
wristband ko, malaya si Panther na parusahan ako kung ano mang
parusa ang gusto niyang ipataw sa akin.

“If this business trip will succeed, I will return you to the Red
Mansion safely. But if not, I will take you to one of my deserted
islands… and I’ll leave you there.”

Namutla ako sa sinabi niya. May nabanggit kasi sa akin si Debi


na may ex-wife si Panther na ipinadala nito sa isang malayong
tagong isla.

Panther snapped his long fingers. Lumapit sa amin ang isa sa


mga tauhan niya at may inilapag na laptop sa harapan ko.

“Review the project because you’re the one who’ll do the


presentation to my clients.”

“Are you serious?”

“My deserted island is waving at you, Macey.” Inginuso niya


`yong porthole sa window seat ng plane.

Inirapan ko siya. “Bastard!”

“Revenge pa more.” Tinaasan niya ako ng kilay. “Now, you’re in


big trouble.”

~~~~~~~~
WE LANDED HERE IN SINGAPORE. Nag-check in kami sa isang five-
star hotel para makapag-pahinga. Ang tanga lang ni Panther para
ibukod niya pa ako ng chamber dahil hindi yata siya aware na
puwede ako tumakas.

I knew this country. Kabisado ko ang pasikot-sikot dito. Dito


kami madalas mamasyal noon ng mga barkada ko. Maliban sa Hong
Kong, Malaysia, at Thailand, ay ito ang isa pang pinakamalapit na
tambayan namin kapag naiinip kami.

Nang sumapit na ang madaling araw ay dahan-dahan akong


lumabas ng pinto ng suite. Sumilip muna ako sa kaliwa’t kanan.
Saan kaya ang suite ni Panther? Ang bobo talaga ng lalaking iyon na
ilayo ang suite ko sa suite niya. Madali ko tuloy siyang
matatakasan.

May mga kasama kaming mga bodyguards pero hindi ko na


alam kung nasaan na ang mga ito. Wala kasi sila rito sa labas. Baka
may kanya-kanya rin silang kuwarto.

Paano kaya ako makakababa sa lobby? Lahat ng elevator ay


hindi gumagana. Wala rin akong nakikitang staff na dumadaan para
mapagtanungan. Naisip kong dumaan sa fire exit. Pagbukas ko ng
pinto nito ay nanakbo ako papasok. Pero natumba ako nang
mabunggo ako sa matigas na katawan ng isang lalaki.

“What the—” Natigilan ako nang mapatingala dahil matangkad


ang lalaki na aking nabunggo.
“Where do you think you’re going?”

Si Panther!

Anong ginagawa niya rito sa fire exit?

Tumayo ako tumingala sa kanya. “I-ikaw pala, hubby. `Musta?”

Nakatitig lang sa akin ang yamot niyang mga mata. “Where are
you going?”

“Ha? Ah, bibili sana akong pandesal.”

Nagsalubong lalo ang mga kilay niya. Obvious kasi na


nagsisinungaling ako.

“Just kidding!” Ngumisi ako. “Naligaw kasi ako. Ang tanga nitong
hotel, hindi ko alam kung saan dadaan.”

May hinugot siya sa kanyang bulsa na cellphone. Ipinakita niya


sa akin ang screen nito. “You know, I can track you.”

Napahawak ako sa aking collar choker. Oo nga pala, tracking


device din pala ito.

“Now, tell me.” Lumapit siya sa akin hanggang sa mapaatras


ako. “Where the hell do you plan to go?”

“H-hinahanap kasi kita,” pagsisinungaling ko ulit. “Y-you know, I


miss my hubby.”
“I’m not stupid, Macey. Alam kong tatakasan mo ako.”

Napasimangot ako. “E, alam mo naman pala. Bakit nagtatanong


ka pa?!”

“You think you can escape from me?”

Kinuha niya ang pulso ko at hinila ako. Halos kaladkarin niya ako
habang naglalakad siya.

“Saan mo ko dadalhin?!” Nagpumiglas ako kaya lang parang


bakal iyong kamay niya na nakahawak sa akin. Hindi ako makawala.

Nagsimula na akong mag-panic dahil hindi ko alam kung saan


niya ako dadalhin.

“Sisigaw ako kapag hindi mo ako binitawan,” banta ko sa kanya.


Tiyak naman na takot siya sa eskandalo.

Hinihintay ko siyang mag-react pero wala siyang karea-reaksyon


habang hila-hila ako. Nakapinid lang ang mapula niyang mga labi at
ang kulay abo niyang mga mata ay walang emosyon na kahit ano.

“Help!” sigaw ko. “Guard, may baliw rito!”

“You’re just wasting your time,” narinig ko ang malamig niyang


tinig pagkuwan.
“Wala kang paki, sisigaw pa rin ako!” singhal ko sa kanya. “Help!
Helpppp!”

“Yeah, scream all you want. No one will come to help you
because I own this hotel.”

Nanlaki ang mga ko sa sinabi niya.

Lumapit siya sa isang elevator at kusang nagbukas ito. Hoy,


teka?! Kanina lang ay hindi ito gumagana, ah! Ano ito? May
favoritism?!

Pumasok kami roon at may pinindot siyang button. Pagkatapos


ay umakyat ang elevator sa pinakamataas na floor. Pagbukas ng
elevator ay bumungad sa akin ang malawak na sala. Parang ang
buong floor ay ang pinaka-presidential suite. Ang dingding ay puro
salamin at mula roon ay makikita ang tanawin sa ibaba.
Nagmistulang mga langgam ang ibang establisyemento dahil sa liit
ng mga ito.

Saka lang niya ako binitawan nang magsara na ang elevator.


Humakbang siya papasok sa isang pinto. Nang masilip ko iyon ay
nalaman ko na isa iyong shower room.

Ah, letting your guard down, huh? Pabor sa akin ito dahil
sasamantalahin ko na nasa shower room siya para makatakas ako.
Pumunta ako sa elevator at nagpipipindot doon, kaya lang ay
namaga na yata ang ang aking hintuturo ay hindi man lang iyon
bumubukas.
“Only my fingerprint can activate that elevator,” ani Panther sa
likuran ko.

Kakalabas lang niya ng shower room at nakatapis siya ng puting


tuwalya sa bewang. May mga tumutulo pang butil ng tubig mula sa
kanyang buhok na marahang umaagos sa kanyang malapad na
dibdib. Napatigagal ako sa katawan niya.

I never thought he had this kind of body. Sa lahat kasi ng photos


niya sa mga websites at social medias ay wala namang hubad na
shots. Kaya nagulat talaga ako na makitang kumpleto ang abs niya.

Bigla na lang natuyot ang aking lalamunan. Pakiramdam ko ay


bigla akong nauhaw. He was half-naked, for pete’s sake! Buti na
nga lang ay naimbento ang bath towel noong 1600!

Tumalikod ako sa kanya. “B-balak mo na naman ba kong


nakawan ng halik?”

“Do you think I like to kiss you? Ginawa ko lang iyon para
maasar ka.”

Nainis tuloy ako bigla nang maalala na naman na siya ang first
kiss ko!

“Let’s go to bed.” Lumapit siya sa akin at hinila ang pulso ko.

Humarap ako sa kanya. “No!”

“You have a presentation tomorrow. We need to sleep.”


Speaking of presentation, hindi ko pa napag-aaralan iyong mga
nasa laptop niya.

“D-dito nalang ako matutulog sa sofa.” Umiwas na akong


tumingin sa kanya. Doon kasi kusang nag-fo-focus ang mga mata ko
sa abs niya.

“Not gonna happen.” Bigla niya akong binuhat at isinampay sa


balikat niya.

“Put me down!” Nagpumiglas ako pero hindi ako nakawala sa


kanya.

Iniakyat niya ako upstairs. May sinipa siyang pinto at pagpasok


namin ay inilapag niya ako sa kama.

“Sleep. Now!” utos niya sa akin.

“Ayoko! Doon na lang ako sa baba.”

“And then what? You’ll escape again?”

“Matatakasan ba kita, e, may tracking device ako sa leeg.”

“Fine.” Dumampot siya ng unan at kumot. “Doon din ako


matutulog sa sofa. Let’s go.”

“No. Ayaw kitang katabi!”


“Bakit feeling mo may gagawin ako sa `yo? Yuck!”

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. “Yuck ka rin!”

Dumampot ako ng unan at padabog na naglakad sa pintuan.


Palabas na ako nang pinto nang mahuli niya ang aking kamay.
“Wait, Macey!”

“Ano?” Tinabig ko ang kamay niya.

Naglamlam ang abuhin niyang mga mata. “The thing is…”


Natigilan siya.

“What?”

Umalon ang lalamunan niya. “H-hindi ako nakakatulog… na


walang katabi.”

“H-ha?”

Napayuko siya. “P-please… stay…”

Nagulat ako sa sinabi niya.

Humugot siya nang malalim na paghinga. “Don’t leave me,


please…”
LEVEL 15

“WHAT DO YOU MEAN? Natatakot kang mag-isa?” tanong ko kay


Panther.

Umismid siya. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Sinilip ko ang mukha niya. “You mean, hindi ka natutulog na


walang katabi?”

Tumango siya at umiwas ng tingin. Namumula ang kanyang


tainga.

Kumiling namanang ulo ko. Bakit hindi siya nakakatulog na


walang katabi? Ano ang dahilan? O baka naman trip lang?

Humalukipkip ako. “So, sino ang laging katabi mo kapag


natutulog ka?”

Hindi na naman siya kumibo. Bakit nga ba nagtanong pa ako, e


meron siyang pitong asawa? Malamang isa sa mga ito ang katabi
niya gabi-gabi. At dahil ako lang ang dala niyang asawa, ako naman
ang gusto niyang makatabi.

“No,” sagot ko. “Bahala ka riyan mag-isa sa kuwarto.” Binuksan


ko na ang pinto para lumabas.
Lumapit siya sa phone na nasa wall at nag-dial. May tinawagan
siya at narinig ko na lang na umo-order na siya ng pagkain. Saka ko
naalala na hindi pa nga pala ako kumakain mula kanina.

Tinaasan ako ng kilay ni Panther. “What? I thought you’re going


to sleep outside?”

“You’re ordering food…”

“Yeah, so what?”

“H-hindi pa ako kumakain.” Pagkasabi’y biglang tumunog ang


tiyan ko.

Tumaas ang sulok ng bibig niya.

“Fine. Damot!” Padabog na tinalikuran ko na siya.

Paglabas ko sa kuwarto ay dumeretso ako sa sofa. Pabuwal na


nahiga ako roon at niyakap ang dala kong unan. Nakasimangot ako
habang pinagmumumura si Panther sa isip. Ang kapal ng mukha
niyang madamot siya! Paano niya ako nasisikmurang hindi
pakainin? Asawa niya rin naman ako, ah?!

Tumunog ang elevator at mula sa pinto ng kuwarto ay lumabas


si Panther. Nakasuot na siya ng white shirt at pajama. Pasimple
akong nakamasid nang tunguhin niya ang kinaroroonan ng pinto ng
elevator. May pinindot siya roon para bumukas. Lumitaw ang
dalawa niyang bodyguard na naka-red suit.
“Your ordered food and drinks are here, Master.” May tulak-
tulak ang mga ito na pahabang tray. Nasinghot ko agad ang amoy
ng pagkain na naroon. Parang amoy chicken at burger. Nasilip ko
rin ang isang bucket of ice na may mga beer sa ibabaw.

Napabangon ako nang hindi na makaya ang gutom. Kandahaba


ang leeg ko para tanawin kung good for two persons ba iyong
inorder ni Panther na pagkain.

Mayamaya ay lumapit na siya sa akin bitbit ang mga pagkain.


Meron center table sa tabi ng sofa at doon niya inilapag ang mga
ito. Napalunok naman ako. Bibigyan niya ba ko?

Binuksan niya ang paper bag at nakita ko roon na hindi lang


iisang burger ang meron. Parang hindi nga lang basta good for two
kung hindi good for many. Ang chicken din at beer sa bucket na
may yelo ay ilang piraso. Nabuhayan tuloy ako na baka bibigyan
niya ako.

Kumuha ng isang burger si Panther. It was a huge burger.


Parang monster burger. Napalunok na naman ako at hinintay kung
ibibigay niya sa akin, pero hindi. Binuksan niya ang cover ng burger
at ang mapula niyang mga labi ay sumakmal sa malaking tinapay.

Nang magsimula na siyang kumain ay nakatitig pa rin ako.


Kumakain na siya sa harapan ko nang hindi man lang ako
naaalalang alukin.

Nang mapansin niya ako na nakatingin ay tinaasan niya ako ng


kilay.
Bumungisngis ako. “Malikot ka ba matulog?”

Umiling siya.

“Humihilik ka ba?”

Umiling siya.

“Good. Let’s go upstairs.” Dinampot ko ang burger at isang beer


bago ako nanakbo papunta sa kuwarto niya.

Bago ako pumasok sa kuwarto ay sinilip ko pa siya sa sala. Siya


naman ngayon ang nakahabol ng tingin sa akin.

Malambing ko naman siyang nginitian. “Puwede pa mag-add ng


extra burger. Bitin kasi ang isa sa akin, hubby.”

~~~~~~~~

PANTHER was so peacefully asleep last night. Hindi naman siya


binangungot o humilik man lang. Hindi nga yata siya gumalaw sa
pagkakahiga habang tulog.

Hindi naman sa tinitigan ko siya habang natutulog, wala lang


talaga akong magawa since ako naman ang hindi nakatulog nang
matino habang katabi siya.

Iyong pilikmata niya kasi ay mahaba at na-partner pa sa


makapal niyang kilay. Galit ako sa lips niya pero mukhang
malambot iyon kagabi nang pagmasdan ko. I hated to admit, but
this guy was really handsome. Sa totoo lang, parang hindi na siya
normal na tao sa sobrang guwapo niya.

Nang makatulog ako ay napanaginipan ko pa tuloy si Panther.


May pakpak daw siya habang nakahubad. Siguro, angel siya kaya
ganoon. Hindi ko na lang tiningnan ang katawan kasi nga
nakahubad, pero basta angel siya.

Paggising ko ng umaga ay hindi ko na siya nadatnan sa kama.


Pero pagbaba ko sa sala ay may nakahain sa center table na turkey
croissant sandwich at coffee latte. Imposibleng siya ang naghanda
nito sakin. Baka in-order niya lang ito sa restaurant nitong hotel.
Nakakainis pa kasi isang subuan ko lang `yong croissant sandwich.

After ko mag almusal, nag-shower na ako at nagbihis. Pumili ako


ng damit mula sa dinalang wardrobe sa akin ng isang staff. Isang
white lady polo at red na pencil cut skirt ang isinuot ko. Sa paahan
naman ay pares ng red stilettos. At ang aking buhok na matapos i-
blower ay basta ko na lang itinali papuyod sa ulo ko.

Katatapos ko pa lang mag-lipstick nang katukin na ako ng mga


tauhan ni Panther. Ihahatid daw nila ako sa parking kung saan
naroon ang kanilang master. Isang itim na Limousine ang
naghihintay roon sa akin. They opened the Limo’s door for me.
When it opened, a fine, warm, and heavenly fragrant scent greeted
my nostrils.

It was like an expensive and rare men’s cologne. It smelled


familiar, powerful, and very handsome—amoy Panther Foresteir!
Kaya pala, nasa loob na si Panther. Ang guwapo niya at ang
bango kaya hayun, kahit ang daming upuan ay sa kanya ako tumabi
mismo.

Nakasuot siya ng dark brown slim fit na sport coat na


nakapatong sa kanyang white polo shirts. Dark jeans at black
brogues na kakulay ng kanyang belt naman ang kanyang pang-
ibaba. He looked so fresh with his wet-look pushed back hair.
Those pretty gray eyes of him made him more sophisticated.

Habang umaandar ang sasakyan namin ay wala kaming imikan.


Nakahalukipkip lang siya sa bintana ng kotse. Ni hindi niya ako
pinansin.

“Hindi mo ba ako tatanungin kung nag-breakfast na ako?”


Binasag ko ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Uy.” Sinilip
ko ang mukha niya.

“Hmm?” tamad na ungol lang niya.

“Sabi ko, hindi mo ba ako tatanungin kung nag-breakfast na


ako?”

“The answer is obvious. Wala kang pinapalagpas na pagkain.”

Sinimangutan ko siya. “Yabang mo.”

“Can't you ever speak formally?” iritadong tanong niya.


Umismid ako. Ang aga-aga, ang suplado niya sa akin. Parang
kagabi lang, hindi siya makatulog nang hindi ako katabi.

“Did you study your presentation today?”

“Of course.” Napataas ang aking noo. Napahimas ako sa laptop


na nasa lap ko.

While he was asleep last night, I read the file on the laptop he
gave me. Hindi kasi ako nakatulog agad kagabi kakatitig sa kanya –
este dahil sa kakaisip tungkol sa presentation kaya pinag-aralan ko
na lang iyong tungkol dito.

“Defend for me. Tell them why I failed to attend our last
scheduled meeting in Malaysia.”

“Anong sasabihin ko? Binaril kita ng tranquilizer gun sa puson


kaya hindi ka naka-attend sa meeting niyo?”

“That’s not my problem anymore. Just make this succeed or


you’ll end up on my deserted island.”

Naramdaman ko ang aking pamumutla. Ayokong tumira sa isang


isla na walang friends at hamburger.

Pumasok ang sasakyan namin sa isang spiral ramp sa loob nang


mataas na building. Nang huminto ang kotse namin sa mataas na
floor, sinalubong kami ng mga unipormadong lalaki. Huminto rin
ang mga sasakyan na nakasunod namin kung saan nandoon ang
mga tauhan niya. Daig pa namin ang isang opisyal ng isang bansa sa
dami ng bodyguards namin. Nagmukha tuloy kaming mafia bosses.

May sumalubong kay Panther na lalaki at kinamayan siya.


Pagkatapos ay inanyayahan nila kaming pumasok sa lobby.

Halos lahat ng makasalubong naming unipormadong lalaki ay


napapatingin sa aking collar choker. Debi once told me that this
choker symbolized us as being Panther’s wives.

Bago kami pumasok sa elevator ay hinarang kami ng mga


unipormadong lalaki. May kinausap si Panther sa cellphone niya na
umabot din ng kalahating oras. Mayamaya ay lumapit siya sa akin.

“Let’s go. We’re going up without bodyguards.”

“Ha? Paano kung may um-ambush sa atin diyan? Pag ganoon,


patakasin mo na lang ako, ah? Magsakripisyo ka na lang. Kunwari,
‘di mo ako kilala.”

“Shut it!” Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa


kamay.

Pumasok kami sa elevator na kami lang dalawa. Sinenyasan niya


ang mga bodyguards namin na maiwan sa lobby at maghintay. May
ini-scan siyang card sa elevator scanner at sumara ang elevator.
Umandar ito paitaas.

Kinakabahan ako dahil papunta na kami sa sinasabi niyang


kliyente. Magaling naman ako sa defend-defend na `yan kasi
mahilig akong makipag-debate sa school dati. Nag-OJT na rin ako sa
kompanya ng daddy ko kaya may experience na ako na humarap sa
mga malalaking tao sa business industry, pero ibang usapan iyong
clients ni Panther. Malay ko ba kasi kung baliw rin pala iyon na
katulad niya, di ba?

Ah, bahala na. Kailangang ma-convince ko ang client niya na


bigyan ng another chance ang meeting na ito. Kung hindi ay sa
isang abandonadong isla ako pupulutin. Ang problema ay hindi ako
ready sa idadahilan. Maybe I just had to tell the truth. Sasabihin ko
na binaril ko ng tranquilizer gun si Panther sa puson kaya hindi na
ito tinatayuan – este nakatulog ito nang mahabang oras kaya hindi
naka-attend sa meeting nila.

“Prepare your presentation,” utos niya paglabas namin ng


elevator.

Napayakap ako sa dala kong laptop nang pumasok na kami sa


isang malaking kuwarto. “All right.” Napabuga ako ng hangin. “In
this new era, condom with comfortable breather will fit—”

“What the hell are you talking about?”

“The presentation.” Umalon ang lalamunan ko. “It’s all about


the condom with a comfortable breather.”

“Ano `yan, napkin? With comfortable breather?!” galit niyang


inagaw sa akin ang laptop na hawak ko. “Where the hell did you
read that file?!”
“Here!” Itinuro ko sa screen ng laptop `yong file pagkabukas
niya nito. Tungkol iyon sa iba’t ibang klase ng condoms.

“Damn it,” gigil na usal niya. “Hindi `yan ang pinapa-review ko


sa `yo!” Pulang-pula ang buong mukha niya hanggang leeg.

Napakamot ako ng bumbunan. “E, iyan lang ang file diyan!”

“That’s Dr. Fetus’ project!” Galit niyang isinara ang laptop at


ibinigay sa akin.

“So, what now? Pinagpuyatan ko pa naman ang condom na iyon


with comfortable breather—”

“Shut the fuck up!” bulyaw niya. Kulang na lang ay sakalin niya
ako.

Naitikom ko ang aking bibig.

“You’ll explain my excuses to them, and I’ll do the


presentation!”

Sumaludo ako. “Yes, boss!”

Ang sumunod na pinto na pinasukan namin ay conference


room. May mahabang mesa sa loob. Ang mga upuan ay parang
mga high-tech na gaming chair. At ang dingding ng kuwarto ay
purong salamin.
“Mr. Foresteir!” Isang malaki at balbas-saradong lalaki na naka-
all black Armani tux, may tattoo sa noo, at ang ngipin ay gawa sa
ginto, ang sumalubong sa amin. “I finally meet the one of the
richest men in the world! Hello, I’m Renauld Zvonski.”

“Where’s Mr. Gautam?” tanong ni Panther sa lalaki na hindi


tinanggap ang pakikipagkamay nito.

Napalingon si Mr. Zvonski sa mga kasama nito. May apat itong


kasama na pawang mga naka all-black tux din. “Do you even know
why you’re here, Mr. Foresteir?”

Nakakapagtakang marahan akong tinabig ni Panther papunta sa


likuran niya.

“We’re here to end your life.” Naglabas ng gintong balisong si


Mr. Zvonski. Sinenyasan niya ang mga kasamahan niya na kunin
ang laptop sa akin.

Lumapit ang dalawang lalaki sa akin at hinablot ng isa ang


hawak kong laptop. Halatang may masamang balak sa amin ang
mga lalaking ito. Iyong iba kasi ay naglabas pa ng mga baril na bago
sa aking paningin. Mukhang mga high-end assassins sila.

“A-anong nangyayari, Panther?” Napakapit ako sa braso niya.


Sanay ako sa basag-ulo dahil mahilig akong makibaka noong nag-
aaral ako pero hindi ako sanay humarap sa mga kriminal na
nakasuot ng Armani at ginto ang mga ngipin.
“Do you know who I am?” kalmadong tanong ni Panther sa mga
ito.

“We know who you are,” sagot ni Mr. Zvonski. “You’re the
leader of Red Note Society.” Ngumisi siya. “They call you… The
Psycho Billionaire.”

“You are messing with the wrong man.” He was still calm like a
bomb.

Napailing si Mr. Zvonski. “You think you’re scary just because


you are a freaking billionaire? And you have an elite fraternity on
your back?”

“U-umalis na tayo, Panther,” bulong ko sa kanya. “`Wag mo na


silang angasan, please? O kaya mag-sorry ka na lang.”

“You are not going anywhere.” Narinig yata ako ng isa sa mga
high-end criminals with golden teeth.

Inilagay ako ni Panther sa sulok ng conference room. “Don’t


leave that place.”

Napatingin si Mr. Zvonski sa aking leeg kung saan naroon collar


choker. “Oh, the famous collar choker with seven red diamonds.
So, this lady is one of your wives?”

Ngumisi sa akin si Mr. Zvonski. Mukhang na-excite siya nang


malamang isa ako sa asawa ni Panther. Bakit? Nangarap din ba siya
na maging isa sa 7 Wives? Kung naiinggit siya, willing ako na ibigay
na ang title sa kanya.

“Dare to touch even the end of one of her hair strands and I’ll
send you straight to the afterlife,” malamig na sabi ni Panther.

Nagulat ako sa sinabi niya. Kabaligtaran kasi ng inaasahan ko na


gagawin niya akong shield sa mga lalaking ito.

“She’s your wife and she’s important to you. Why would we let
her go?”

“You got it wrong. She’s not important to me,” biglang sabi ni


Panther.

“Ouch!” Ngumisi si Mr. Zvonski. “Emotional damageeee!”

“Gago!” sagot ko sa pang-aasar ng kumag.

“Don’t mind her. She’s not important. She’s just a worthless


woman who’s obsessed to be my wife.”

“So, laglagan `to?” Pumamewang ako. “Worthless pala, ah, pero


nang halikan mo ako ay parang wala nang bukas! Muntik mo na
kaya akong malulon noon!”

“I did it on purpose to make you mad at me!” gigil niyang sabi.


“I didn’t kiss you just because I like to kiss you!”
Tiningnan ko ang mga golden teeth criminal. “`Wag kayo
maniwala riyan. Binaril ko `yan sa puson ng tranquilizer gun kaya
may temporary erectile dysfunction ngayon `yan!”

Napahilamos na si Panther sa kanyang mukha. “Jeez! Will you


shut up?!”

Dinuro ko siya. “Sino bang nagsimula, ha?”

“That’s private! Hindi mo na dapat i-broadcast sa iba na may


erectile dysfunction ako!”

“Anong nakakahiya roon, e, pansamantala lang naman!”

Nagkakatinginan sila Mr. Zvonski at ang mga kasama nito. May


pagtataka sa mukha ng mga ito.

Hinarap ko ang mga ito. “Hey, Golden Teeth Criminals, what are
you going to do with Panther?” tanong ko sa kanila.

Napasuklay sa balbas si Mr. Zvonski. “Well, the order of our


boss was to torture Panther Foresteir until he collapsed.”

“Good!” tuwang sabi ko. “I’m rooting for you, guys! Make sure
to beat this man to a pulp! Don’t worry, I will not report to the
police!”

Mr. Zvonski laughed at what I said.

Samantalang si Panther ang matalim ang tingin sa akin.


“We’re under a big underground organization,” Mr. Zvonski said
with amusement in his voice. “Cops can’t do anything to us.”

“Okay.” Bigla akong natauhan. “Uhm, guys, you’ll just give


Panther a lesson, right? I mean, you will not… kill him, by any
chance?”

Pumaling ang ulo Mr. Zvonski. “We can’t promise that we will
not kill Panther Foresteir. But since you’re an interesting lady, I
might spare your life. Leave this room and do not ever come back.”

Napalunok ako. Si Panther naman ay nananatiling kalmado lang


kahit narinig na niya na may possibility siyang patayin ng mga ito.

“Uy, una na ako, hubby, ah?” Tinapik ko siya sa balikat. “W-wag


ka na lang pumalag. Magpabugbog ka lang. Baka maawa sila sa `yo
pag nakita nilang mabait ka naman pala—”

“Just shut your mouth for once!” Hinawakan niya ako sa pulso
at dinala sa malapit sa pinto ng conference room. “Lumabas ka na.
Pag bumalik ka, ikaw ang lulumpuhin ko.”

Napalabi ako. Parang gusto ko nang maiyak. Bwiset ako sa


kanya pero hindi ko pala siya kayang iwan. Kanina ay gusto ko
siyang ipabugbog dahil ang yabang-yabang niya, pero ngayon ay
nag-aalala ako sa mangyayari sa kanya.

“All right,” ani Mr. Zvonski. “Lady, you should get out of this
room while I am still kind and generous here.”
I looked at Panther again. I could not do it. Hindi ko kayang
umalis. Hindi ko talaga siya kayang iwan.

“I don’t need you here.” Nilingon ako ni Panther. “Umalis ka na


dahil makakasagabal ka lang sa akin.”

“Y-you mean that?” May gumuhit na kirot sa dibdib ko na hindi


ko maintindihan kung para saan.

Tumango siya. “I don’t need you, Macey.”

Nakakapagtakang napakabigat sa dibdib ko na iwan siya, pero


nanakbo ako patungo sa pinto para umalis. Wala akong lingon-likod
na iniwan siya sa kabila ng panganib na kinasusuungan niya.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay lumapit ako sa elevator


na pinanggalingan namin kanina. Mariin akong napapikit.

Buwiset talaga siyang lalaki siya. Mamamatay na siya’t lahat,


ang yabang-yabang niya pa rin! Dapat lang talaga na iwan ko siya.
Dapat lang sa kanya na malumpo. Dapat lang sa kanya na
mamata—

Napalugmok ako sa sahig ng elevator. No. Hindi ko kayang


mangyari iyon. Hindi ko siya kayang mapahamak. Hindi ko siya
kayang mamatay. Hindi puwede dahil galit ako sa kanya! Galit ako
sa kanya kaya bawal siyang mamatay!
Napatayo ako bigla sabay pindot ng button pabalik sa
pinanggalingan kong floor. Pinakalma ko ang aking sarili.

Inhale. Exhale. Think, Macey Ela!

Napatingin ako sa pinto ng elevator nang bumukas na ito. Nasa


floor na ulit ako kung saan naroon ang conference room. Hinampas
ko ang aking dibdib para pawiin ang takot ko at kaba. Kalahi ako ni
Gabriella Silang at hindi ako duwag! At hindi rin ako ang tipo na
basta na lang tumatalikod sa responsibilidad! Kaya ko ito!
Babalikan ko ang asawa ko!

Nanakbo ako pabalik kay Panther.

LEVEL 16

“WAAA PANTHERRRR!!!”

Tinadyakan ko ang pinto ng conference room habang bitbit ang


wasak na upuan na kinuha ko sa kabilang kuwarto kanina. Winasak
ko talaga ito para may weapon ako.
“I told you to run away. Why the fuck did you come back?!” asik
sa akin ni Panther.

Hinihingal ako habang tigagal sa kanya. May putok ang kanyang


labi at may agos ng dugo sa isang butas ng matangos niyang ilong.
Nagulo na ang kanyang buhok. Meron din siyang pasa sa makinis
niyang pisngi at sentido. May bahid ng dugo ang kanyang damit
pero mukhang hindi galing sa kanya ang dugo. Iyong mga lalaki kasi
kanina ay mga nakahilata na sa sahig habang nanghihina. Basag-
basag na ang mukha.

Whoa! Pinatumba niya ang mga ito? Ang lalaki ng mga ito pero
nakaya niya? Really? As in real na real?!

Bumangon ang lalaking may tattoo sa mukha at humugot ng


baril. Nakalimutan ko na ang pangalan, katamad mag-back-read.
Basta tumayo ito at itinutok ang hawak na baril kay Panther.

Napadura ng dugo ang lalaki. “D-don’t move!” utos nito kay


Panther.

“What now? Are you gonna shoot me?” Kalmado si Panther


nang humakbang palapit dito.

“We’re not informed that you’re a monster at mixed martial


arts.”

This big guy, Mr. Zvonski, ayun naalala ko na pangalan. Sa unang


tingin ay masasabi mo na agad na magaling siya. Sa paraan pa lang
pagkakahawak niya sa baril at sa kanyang pagkakatayo ay mukhang
dati siyang sundalo. Pero paano siya natalo ni Panther?

Paano sila natalo ni Panther? It was eight versus one, but still
my maangas na hubby managed to defeat them all.

Nag-alala pala ako, e, kaya naman sila ni Panther. Sana hindi na


lang ako umalis at nanood na lang ako ng laban nila.

“Shoot me now, Zvonski,” utos ni Panther dito.

Oha! Angas o, namimikon pa! Inilapag ko na sa sahig ang aking


hawak na weapon at humila ako ng upuan para maupo habang
nanonood sa kanila. Napagod ako sa pagpunta rito kaya naisip ko
na mag-chill muna.

Nanginig naman ang kamay ni Mr. Zvonski. Mukhang napikon


nga sa sinabi ni Panther. Ang kaso, nawala ang pagka-chill ko nang
biglang sa akin nito inilipat ng tutok ang baril. Napapikit ako at
napataas ng dalawang kamay.

Napangisi si Mr. Zvonski nang makita ang pagkabura ng pagiging


kalmado ni Panther. “Scared now, Foresteir?”

“Fuck,” gigil na bulong ni Panther.

Kung nag-iisa siya ay puwede niyang laruan si Mr. Zvonski, kaya


lang ay puwede nitong paputukin ang baril at puwede akong
mahagip ng bala. Mukhang gets din ni Mr. Zvonski ang sitwasyon.
Lumayo pa ito kay Panther habang ang baril ay sa akin pa rin
nakatutok.

“Now move!” utos nito. “Don’t worry, I will not kill the two of
you. I have a better plan in mind.”

Wala kaming nagawa ni Panther kundi ang maglakad kung saan


niya ituro ang daan. Sa isang malapit na kuwarto na parang
ginanapan ng cooking show kaming pumasok. Pinapunta niya kami
sa malawak na kitchen dito. Gumagana pa ang mga appliances dito
maliban lang sa wala itong tao.

He switched on the lights and he pointed us to enter the big


walk-in freezer.

“Get in there!” Lalong itinutok ni Mr. Zvonski ang baril sa akin.

“No,” mariing sabi ni Panther.

“Then, I’ll shoot your precious lady.”

Napahikbi ako sa takot. Ayaw kong mabaril sa ulo at ayaw ko


ring pumasok sa kuwarto na ref para maging human yelo.

Sa huli ay hindi na kami nakapalag ni Panther. Malayo si Mr.


Zvonski sa kanya at maling kilos lang namin ay babarilin agad ako
nito. Nauna na si Panther sa loob ng walk-in freezer. Ayaw niya pa
akong pasunurin sa loob pero sinenyasan ako ni Mr. Zvonski na
sumunod sa loob.
Nang nasa loob na kami ay itinulak ni Mr. Zvonski ang pinto ng
walk-in freezer pasara. “Goodbye, Mr. Psycho Billionaire!”

“Sandali—” Hindi ko na ito naawat. Naisara na kami rito sa loob


ng freezer na kasing laki ng maliit na kuwarto. Para kaming nasa
loob ng malaking vault. Ang tanging kasama namin dito ay mga
bloke ng yelo.

Tinangka kong itulak ang pinto ng fridge pero naka-lock na sa


labas. Holy crap! It was freezing cold in here.

“W-what are we gonna do?” Pumiyok ako. Napayakap ako sa


aking sarili sa ginaw.

Napaigting lang ng panga si Panther.

“D-dito na tayo mamamatay.” Nanginginig ako sa lamig.

“This is all your fault,” sabi niya gamit ang malamig niyang tinig
na partner sa lamig ng paligid.

Lumabi ako.

“Kung hindi ka bumalik, edi sana wala na tayo rito.”

Gigil ko siyang hinarap. “So, anong gusto mo, kalbuhin ako ng


anim mong asawa dahil pinabayaan kitang mamatay?!”

“I won’t die, Macey.”


“Kaya pala puro bangas `yang mukha mo pagbalik ko!”

“Of course, those guys are professionals and experienced


combater. It’s not easy to win against them.” Napabuga siya ng
hangin. “And this is not about our fight. This is all about you being
at fault.”

“Bakit kasalanan ko? This is all your fault because you brought
me here!”

“We won’t be here be here if it wasn’t because of you.”

“Bakit ako?!” Nanggalaiti ako lalo.

Nauubusan na siya ng pasensiya nang magsalita. “Kung hindi mo


sana ako binaril ng tranquilizer gun, eh, di sana ay wala tayo
ngayon dito!”

“Wasn’t it a blessing in disguise that I shot you? Kung natuloy ka


sa business meeting mo nang time na iyon, e, sana ikaw lang
ngayon ang nandito!”

“That’s exactly the point!” Nagtaas siya ng tinig. “Ako lang sana
ang mag-isang mamamatay at hindi ka sana nadamay!”

Napatanga ako sa sinabi niya. “A-as if you care for me…”

Hindi siya nagsalita.

Kinalabit ko siya. “Huy, Panther…”


“Shut up!” Tinalikuran niya ako.

Inirapan ko siya. “Shut up ka rin! Yabang mo! Mauna ka sanang


magyelo!”

Biglang siyang natumba sa pagkakatayo.

Galit ako pero nag-panic agad at nagmadaling pinuntahan siya.


“Panther!” sigaw ko. Inalalayan ko siyang maupo at nakita ko sa
malapitan ang sugat niya sa gilid ng noo.

“Nahilo lang ako.” Napahawak siya sa kanyang ulo.

Oh, I forgot that he was injured. Siguradong masakit ang


katawan niya ngayon.

“W-where are you going?” sita niya sa akin nang makita niyang
naglakad ako palayo sa kanya.

“T-trying to survive.” Sinipa ko ang pinto ng cold room. Sumakit


lang ang paa ko. Bukod kasi sa bakal iyon ay nababalutan pa ito ng
yelo.

Lumingap ako sa paligid na baka may makita akong puwedeng


ipangtibag sa yelo. Merong gandola shelves sa gilid at mga bloke ng
yelo ang nandoon. Inusisa ko pa kung ano ang meron. Kahit
nilalamig ay naglakad-lakad ako sa sa palibot ng shelves. Hindi
sinasadyang natapakan ko ang isang nagyeyelong crow bar.
This is nice.

Dinampot ko agad iyon at inihataw sa pinto ng fridge.


Nababaklas ko paunti-unti ang yelo pero matagal. Masyado nang
matigas ang yelo at nanghihina na ako sa paghampas.

“Help!” sigaw ko.

Sabay hampas ko sa pinto nang walang tigil.

“Tulungan niyo kami!”

Kumakalampag na ang bakal na pinto pero mukhang wala


naman nakakarinig ng sigaw ko. Naka-seal kasi ang pinto ng fridge.

“H-help us, please…” Nabasag na ang tinig ko.

“You’re just wasting your energy. No one can hear us from


here,” ani Panther sa mahinang tinig. Nakayukyok siya sa
pagkakaupo.

“So, what now? Maghihintay na lang tayo na mamatay rito?!”


sigaw ko sa kanya.

“My bodyguards should be alerted by now.”

Pero panao kung hindi kami makita ng mga bodyguards niya?


Paano kung makita man kami ng mga ito ay huli na? Paano kung
taong yelo na kami?
Wala kaming means para makatawag ng saklolo. Walang phone
na dala si Panther pagpasok sa building na ito. Ang tanging dala
lang namin kanina ay ang laptop para sa presentation.

Napaupo ako sa harapan niya. Naubos ang tapang ko sa


katawan at nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Hindi ako
iyakin pero sa pagkakataong ito, iiyak talaga ako dahil ayaw ko
pang mamatay.

“Panther…” hikbi ko. “I-I don’t’ wanna die yet… I don’t wanna
die like this…”

Nagdilim ang mukha ni Panther.

“I don’t wanna die. G-gusto ko pang makita ang daddy at


mommy ko. Gusto ko pang makita ang kapatid ko. Gusto ko pang
kumain ng burger. Gusto ko pang uminom ng large-size soda. Gusto
ko pang sumali sa singing contest at maging singer!”

Nahiga si Panter at niyakap niya ang kanyang sarili. Pagkatapos


ay tumalikod siya sa akin. He didn’t want to see me crying so he
just turned his back on me. I didn’t wanna cry too, but what could I
do? I was dying here with him. If only I was given at least a day to
be with my family before I die, I’d be happy to accept my fate.

Ilang minuto ang nagdaan na nangangatog ako habang


nakayuko. Nakaidlip na ako sa pag-iyak. Naalimpungatan lang ako
na naninikip ang aking lalamunan. Umubo ako nang umubo. Nang
aking sinubukan na tumayo ay natumba lang ulit ako. Dang!
Namamanhid na sa lamig ang mga binti ko.
Hinanap ng aking paningin sa mahamog na paligid ang
kinaroroonan ni Panther. Nakahiga pa rin siya patalikod sa akin. “P-
Panther…” malat ang tinig na tawag ko.

Hindi siya sumagot. Nag-alala ako kaya gumapang ako palapit sa


kanya. Nanuyo na ang dugo sa gilid ng noo niya. Maputla na rin siya
at nangingitim ang mga labi.

Hinawakan ko siya sa balikat. He was freezing.

“O-oh, God…” Iniangat ko ang kanyang ulo at inihiga sa aking


mga hita. “Panther, please… Wake up…” Tinampal-tampal ko ang
isa niyang pisngi.

“W-what?” Napaubo siya. Bahagya lang dumilat ang isang mata.

Tutulungan ko sana siyang makabangon nang bigla siyang


mapaungol paghawak ko sa tagiliran niya. Inangat ko ang suot
niyang coat at lumitaw ang damit niya sa loob. Napasinghap ako
nang makitang maraming natuyong dugo roon. Based on the
amount of bloodstain it looked like he was stabbed with a knife.

“W-why didn’t you tell me about this?!”

Tinakpan niya uli iyon ng coat. “Daplis lang ito.”

“I-iyan ka na naman sa kayabangan mo! You’ve been stabbed.


Paanong daplis lang `yan? You should’ve told me. Para sana hindi
kita inaway!”
“I-it doesn’t matter. I’m going to die anyway.” Muli siyang
naubo.

Napahikbi ako. “Panther, a-are we really… going to die?”

Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. “I don’t know, but kung


sakali, mukhang mauuna ako.”

“P-Panther…” Pumiyok ako.

“Hmm?”

“I refuse to die…” Bumagsak sa kanyang malamig na pisngi ang


aking luha.

Dumilat siya at napatitig sa aking mukha.

“Panther, let’s not die here, please?” humihikbing sabi ko


habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko sa kanyang pisngi.
“Let’s not die right now. Mabuhay pa tayo, please? Mag-aaway pa
tayo, di ba? Yayabangan mo pa ako at gagantihan pa kita.
Magagantihan pa tayo nang matagal pa… So, let’s not die right here
and right now…”

Kahit hirap ay nagsumikap siyang bumangon paupo. Hinawakan


niya ako sa balikat at hinila palapit sa kanya. “Macey…”

“P-please, Panther…” hagulhol ko. “S-save me, please…”


Kinabig niya ako sa ulo at ikinulong ako sa mga bisig niya.
Niyakap niya ako nang mahigpit kaya napasiksik ako sa matigas
niyang dibdib. “Macey, I-I’m so sorry…”

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Naramdaman ko ang


paghalik niya sa ulo ko. Ang paghaplos niya sa likod ko.

Mayamaya ay kumalas siya sa akin at hinubad niya ang kanyang


coat. Sunod niyang hinubad ang kanyang polo shirt at isinuot sa
akin.

“A-anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Pagkatapos ay isinuklob niya sa akin ang


coat niya. Saka niya ako muling niyakap. Inilapat niya ang pisngi ko
sa hubad niyang katawan. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso.

Mahigpit niya akong niyapos para lalo akong mapasiksik sa


katawan niya. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng
aking katawan. Pero paano siya? Wala na siyang saplot sa pang-
itaas at tiyak na doble ang ginaw na nararamdaman niya.

“P-paano ka?” Tiningala ko siya. Nasa leeg na niya ang aking


mukha.

Sinubukan kong kumawala sa kanya pero hindi ko magawa.


Mahigpit niya akong yakap.

“D-don’t move…” bulong niya.


Hinawakan niya ang baba ko at bahagya itong iniangat.

Lumapit ang mukha niya sa akin. “Kahit ngayon lang, wag kang
makipagtalo sa akin. Kahit ngayon lang, Macey…”

Pagkatapos ay marahan niyang hinalikan ang mga labi ko.

LEVEL 17

PANTHER…

Tulala ako habang angkin-angkin ng mga labi niya ang aking mga
labi. Nayanig ako sa pagkabigla, pero mas nayanig ako na ang
kaninang lamig na aking nararamdaman ay tila ba unti-unti nang
nawawala.

Panther was kissing me and I should stop him, but I couldn’t.


Nanghihina ang katawan ko kung dahil ba sa lamig o dahil sa
sensasyon ay hindi ko masabi. Malamig ang paligid at ang katawan
niya, pero paanong nag-aalab ang mga labi niya?

“Macey…” sambit niya nang maghiwalay ang mga labi


namin.Niyakap niya akong muli at ikinulong sa kanyang dibdib.

Napalunok ako. “N-nagnakaw ka na naman ng halik…”

“A-at least naranasan mong mahalikan ulit bago ka man lang


mamatay…”

Lumabi ako. “M-mapagsamantala…”

Naramdaman kong mas matindi na ang panginginig ng kanyang


katawan ngayong wala na siyang suot na damit. Samantalang ako
ay kahit paano’y naiibsan ng katawan niya ang lamig na
nararamdaman. Giniginaw pa rin ako. Hindi nga lang katindi gaya
ng pangangatog niya.

“P-Panther, buhay ka pa?” tanong ko sa kanya nang bigla siyang


nanahimik

Hindi siya kumibo. Umangat ako para tingalain ang kanyang


mukha. He was halfasleep.
“H-hoy…” Tinapik ko nang mahina ang braso niya. “W-wag ka
matulog. Baka hindi ka na magising…”

“A-all right …”

“L-let’s talk. S-say something…”

“A-all right.” Pahina na nang pahina ang tinig niya.

“T-tell me… bakit ka nag-asawa ng pito?”

“W-why not?”

“A-anong why not? Ayaw mo ba ng normal na pag-aasawa?


Iyong tipong may isang babae kang mamahalin, yayayain ng kasal,
at pagkatapos ay magsasama kayo, at bubuo ng isang masayang
pamilya.”

“I… I didn’t have a normal childhood, Macey,” mahinang sabi


niya. “M-my mom who never loved or cared for me left me with
tons of responsibilities, after killing herself. I was still young but I
needed to take care of my younger siblings, our big company, our
billions, our properties… And even the traitors in our businesses
and territories…”

I could feel the pain and hatred in Panther’s hoarse voice.

“It was a heavy burden and I had no one to help and guide me.
We don’t even have relatives to take care of us. Our lives were
always in constant danger that I had no choice but to be strong,
careful, and wise, so that I could protect my younger siblings and
our family's wealth…”

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa akin.


My heart was filled with sympathy for him. I never thought we
would be able to talk like this. That he would open up to me the
sensitive and private details of his life.

And I suddenly admired Panther after I learned about his life


story. My struggles were no match compared to his. Kumbaga ay
langgam lang ang mga pinagdaanan ko ikukumpara sa pinagdaanan
niya na mala-rally ng mga extra large na elepante.

Akala ko noon ay basta lang siya bilyonaryo. Nakamana ng


malaking pera, napalago ang mga negosyong pinapatakbo dahil sa
pagiging tuso, at bonus na guwapo siya kaya napakayabang niya.
Akala ko dahil sa pakiramdam niya ay nasa kanya na ang lahat kaya
sa sobrang boring niya ay naisipan niya na mag-asawa ng pito.
`Tapos hindi pa nakuntento kaya kumuha pa ng batch 2. Akala ko
talaga ganoon.

Akala ko ganoon kababaw ang buhay niya. Akala ko ganoon lang


siya. I was wrong. He went through a lot before he reached what
he was now.

“I had no one to trust… Napakabata ko pa pero kinailangan kong


mag-isip bilang matanda para hindi ako maisahan… Para hindi kami
mapahamak… Kulang na lang ay hatiin ko ang katawan ko para
magampanan lahat… Pero bigo pa rin ako… In the process of being
a perfect young billionaire, I lost my younger sister… And my
younger brother became distant from me… It was hard, Macey… It
was really a hard life being alone in this cruel world…”

Now, I somehow understood why he was like this. He was


robbed of his childhood and he had no idea how to love and to be
loved.

Kumbaga, kulang siya sa aruga.

Panther was basically lonely, so he thought of taking many


wives and making his marriage a big game. He wanted not only the
attention of many women but also the thrill of having many wives
and the possibility of having many children.

“Y-you know, Panther…” Tiningala ko siya. “Puwede ka namang


mag-asawa ng isa lang… Iyong tunay na magmamahal sa `yo… And
then, kung gusto mo talaga ng malaking pamilya, anakan mo na
lang iyong asawa mo ng marami… Siguro mga pito…”

Tumingin siya sa mukha ko. “Why, kaya mo bang manganak ng


pito?”

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. But what did he mean by


that?

Umubo ako. “C-change topic.”

Hinimas niya agad ang likod ko. Nang mahinto ako ay niyakap
niya ulit ako pero hindi na ganoon kahigpit. Halata na ang
paghihina ng kanyang katawan. Plus pa na may saksak siya sa
tagiliran.

“O-okay ka lang?”

“I-I’m all right. Don’t mind me.” Napasandal siya sa balikat ko.

“T-this is enough.” Tinanggal ko ang coat niya na nakataklob sa


akin at nilatag ko sa sahig.

“M-Macey, what are you doing?”

Inihiga ko siya sa coat pagkatapos. “J-just trust me and close


your eyes…”

Nangangatog na hinubad ko ang polo shirt na isinuot niya sa


akin. Pagkatapos ay isa-isa kong binaklas ang butones ng aking
damit. Kahit lamig na lamig ay sinikap kong mahubad ang aking
suot.

“C-close your eyes. W-wag ka manilip!”

Pikit na pikit naman siya. “A-are we gonna fuck?”

“G-gago.”

“B-but w-what’s your plan?”

Hanggang sa nahubad ko na pati ang bra ko. “B-basta wag kang


didilat, ah? Dadagdagan ko `yang saksak mo!” banta ko sa kanya.
Kinuha ko ang kanyang kaliwang braso at inilatag ito. Humiga na
rin ako at ginawa kong unan ang kanyang braso. Ginawa kong
kumot ang ang mga damit namin. Yumakap ako sa katawan niya at
hinayaang dumikit ang hubad kong katawan sa hubad niyang
katawan.

Napalunok ako nang maramdaman ang katawan niya. Para


akong kinukuryente. Nakakailang man pero ito lang ang naiisip
kong paraan—ang makipagsalo sa kanya ng natural body heat.

“Y-yakap mo ko,” utos ko sa kanya.

Yumakap naman siya sa akin. Mahigpit kaya parang napisa ang


kalambutan ng dibdib ko sa matigas na dibdib niya. Pakiramdam
kong nangapal ang aking mukhka sa hiya. And dang! Sa lamig ay
naninigas ang nipples ko! Of course, I knew he Panther could feel
it!

Siguro makaligtas man kami ngayon dito ay wala na akong


mukhang maihaharap sa kanya. But since we were both going to
die, wala na akong pakialam kahit maramdaman niya ang hubad
kong katawan.

“I-I’ve seen something like this in a movie,” sabi ko para maalis


ang awkwardness sa hangin. “Ayoko sanang gawin ito kaya lang
baka mamatay ka agad sa ginaw.”

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “A-ayoko rin sana kaso


wala na ako magagawa. You already took advantage of me.”
“Y-yabang mo. Sundutin ko kaya yang sugat mo.”

Mayamaya ay may maramdaman akong sumusundot sa akin. Sa


tingin ko ay banda iyon sa harapan ng pants niya.

“W-what’s that?” gilalas na tanong ko.

“Y-yeah,” usal niya. “It looks like I will not die because of the
freezing cold, but because of having blue balls.”

Ha? I thought he had a temporary erectile dysfunction?


Mukhang biglang nagising ang natutulog na dragon.

“T-this is all your fault.” Mahina niya akong pinisil sa pisngi.

“B-bakit ako na naman ang may kasalanan?”

“C-change topic.”

Bigla akong may naisip. “Panther, matanong ko pala. Bakit galit


ka sa akin?” Kasi wala naman akong natatandaan na may nagawa
ako sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. “W-well, I hate your father, Macario


Karangalan Sandoval. It’s a long story. B-but since I hate him, I hate
you too.”
“T-tell me why you hate my dad,” pangungulit ko. Kasi ang
posible lang niyang ikagalit kay Daddy ay ang pagiging kalaban niya
rito sa negosyo.

“It was a long story and not worth to tell by a dying man.”

“P-please… I will listen.” Yumakap ako sa para mas marinig ko


siya. “W-why hate him?”

“I-isa pang tanong mo, hahalikan ulit kita.”

Napatikom ako ng bibig.

“Oo nga pala… G-gusto kong malaman mo na hindi ako


desperadang mapangasawa ka. At hindi ko rin gusto na
mapangasawa ka… Nagkamali lang talaga ako sa audition…”

Hindi siya umimik.

“N-na-wrong turn lang ako. Tarantado kasi `yong building niyo,


akala ko `yong building na pupuntahan ko. Sa ibang audition tuloy
ako napadpad.”

“I-I already heard those excuses.”

“G-gago, hindi ako nagsisinungaling.”

“I-it had happened anyway. What was done was done. Maybe
this was really our fate… We will die together…”
Biglang nanikip ang dibdib ko nang marinig ko na naman ang
word na die.

Nag-umpisa na namang pumatak ang mga luha ko. “N-natatakot


ako…” Nahihirapan na kasi akong huminga kaya nagsimula na
naman akong mag-panic.

Dumantay siya sa akin at lalo niya akong niyakap nang mahigpit.


Hinagkan niya ako sa noo. “I-I’m just here… by your side…”

“P-Panther…” Napahagulhol na naman ako.

“S-shh...” alo niya sa akin. “I-I’m here, Macey… You are not
alone…” Nabasag na ang tinig niya.

Nanlalabo na ang paningin ko kaya napayakap ako sa kanya


nang mahigpit. Unti-unti nang lumuluwag ang pagkakayakap niya
sa akin. He was no longer talking to me.

“P-Panther…” Hinaplos ko ang kanyang mukha. Napakalamig na


niya. “D-don’t leave me…” bulong ko. Hinang-hina na rin ako.

Umagos ang mga luha ko ang aking mga mata nang makitang
iba na ang kulay ng mga labi niya. Malamig na rin siya. I think he
was already dead.

Hanggang sa unti-unti na ring nagdilim ang aking paningin. “G-


goodbye… Panther…”
Pero bago tuluyan nagsara ang aking mga mata ay nakita kong
nagbukas ang pinto ng cold room. Isang liwanag ang iniluwa ng
pintuan. Isang matangkad na lalaki ang lumapit sa akin at binuhat
ako gamit ang kanyang mga braso.

~~~~~~~~

PATAY NA BA AKO?

Nang mapadilat ako ay nasilaw ako sa ilaw ng kisame. Langit na


ba ito? Ang galing napunta ako sa langit kahit hindi pa naman ako
nagsisisi sa mga kalokohan na aking nagawa sa buhay.

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Debi sa aking harapan.


“Oh my! Macey, you’re finally awake!”

“D-Debi…” Natulala ako sa babae.

Napalingap ako sa paligid. Wala pala ako sa langit. Nandito ako


sa pinaka-place ko sa Red Mansion. Nakabalik ako rito? Pero
paano?!

May humawak sa aking kanang kamay. “How are you feeling?”


Paglingon ko ay si Olly ang nasa aking tabi. And I saw my left hand, I
had dextrose on it.
“A-anong nangyari?” Nanghihina at marahan akong bumangon.
Inalalayan naman ako ng dalawa.

“It doesn’t matter. You are safe now.” Hinawi ni Debi ang ilang
hibla ng buhok ko sa aking mukha.

Safe? Hindi ko mapigilan ang mapaluha nang marinig ang


salitang iyon. Right, I was safe. I was alive. I didn’t die! Oh, thank
God!

Pinunasan ko ang aking mga luha nang may maalala. “H-how


about Panther?” Biglang ko siyang naalala. “Where is he?”

Nagkatinginan ang dalawa.

Bigla akong kinabahan. “I-is he fine?”

Ngumiti sa akin si Debi. “He’s fine, Macey.”

Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko alam kung bakit


nagkaroon ako nang matinding takot sa aking dibdib na baka hindi
siya naka-survive. May saksak siya sa tagiliran. Hindi ko maiwasang
hindi mag-alala para sa kanya.

“Four days kang nakatulog, Macey,” kuwento ni Olly.

Four days? Ganoon katagal?!


“But Dr. Fetus said that you’re okay now,” dugtong naman ni
Debi. “But you’ll need to see a psychologist for the trauma.”

“P-paano kami nakaligtas? Who saved us?” tanong ko sa kanila.

“It was your protector, Light Dreux Erudian,” si Olly ang


sumagot.

“Si Light?” Napatingin ako sa wristband ko. Hindi na kulay red


ang ilaw nito.

“He followed you in Singapore, Macey,” ani Debi.

Sumunod si Light sa akin kahit pula ang kulay noon ng wristband


ko? Hindi ako makapaniwala.

“Bawal tayong sundan, tulungan, at protektahan ng mga


protectors natin once na color red ang wristband natin.”
Napahalukipkip si Olly. “But he violated all the rules and protocols
just to follow you there.”

Hindi pa rin ako ako makapaniwala na nagawa ni Light iyon para


sa akin. Sa hitsura niya, hindi siya iyong tipo na lalabag sa ipinag-
uutos sa kanya. He looked really like a man of law.

“He’s now in the court chamber and currently receiving his


punishment.” Napanguso si Olly. “Sayang. Siya pa naman ang
pinakaguwapo sa lahat ng protectors dito.”
“What do you mean? Na siya pa ang mapaparusahan dahil
iniligtas niya ang buhay namin ni Panther?!” Bigla akong nag-panic
at nakaramdam ng galit.

“Law is law, Macey. At isa sa major rules ang nilabag ng


protector mo,” malungkot na paliwanag ni Debi.

“No.” Tumayo ako mula sa kama kaya inawat nila agad ako.

“You need to rest, Macey!” awat sa akin ni Debi.

“No! Nasaan si Light? Take me to him!”

“He’s currently having his hearing with the Red Marshalin in the
court chamber,” sagot ni Olly.

“And he’ll be punished for saving me? That’s so unfair! Hindi


ako papayag! Saan ang court chamber?” Kahit hirap sa paglalakad
ay sinikap kong makarating sa pinto.

“We’re not allowed to go there unless we have Mythic Ring!”


habol ni Olly sa akin. “You need to be a Mythic Wife first before
you can enter that place!”

Lumuluha akong tumingin kay Debi. “Debi, please help me…


Nagmamakaawa ako sa `yo…”

Napahilot sa sentido si Debi. “Oh, crap…”

~~~~~~~~
MUNTIK na kaming hindi papasukin ng mga naka-red suit na guards
sa labas ng court chamber kung hindi pa ipinakita ni Debi ang
Mythic Ring niya. Halos alalayan pa ako nina Debi at Olly sa
paglalakad dahil nanghihina pa ako.

Pagpasok ko ay nadatnan ko si Light na nakaluhod sa gitna ng


konseho at may red blindfold. He was chained. Dalawang guards
ang nasa kaliwa’t kanan niya. Nasa harapan niya ang isang Red
Marshal at tatlong Red Councilor na pawang mga nakasuot lahat ng
pulang roba na akala mo mga bampira.

“Stop!” eksenang sigaw ko.

“Lady Macey Ela.” Nahinto sa pagbabasa ng hawak na malaking


kulay pulang libro ang ang Red Marshal. Ang itsura nito ay
mukhang European. Alam ko ay member pa yata ang mga ito ng
United Nations kemerut.

Napaangat ng mukha si Light nang marinig niya ang tinig ko.

Umiling ang marshal sa akin. “We’re in the middle of a hearing.


You shouldn’t be here.”

“Why is he being punished?!” matigas kong tanong.

“He violated a major rule, that’s why.”

“He saved me. He saved Panther Foresteir!”


Napakapit sa akin si Debi. “Macey, please be careful with your
choice of words! Just to remind you, even Panther has no power
against the law of Red Marshal,” bulong niya sa akin.

Tinabig ko ang kamay ni Debi na nakahawak sa akin. Buong


tapang na hinarap ko ang marshal. “So what do you mean? Mas
okay pa na namatay kami ni Panther kaysa nilabag ni Light ang
rules para lang iligtas kami?!” tanong ko rito.

Napangiwi na lang si Debi.

“No one can stop the Red Law, Lady Macey Ela. Without this
law, Master Panther wouldn’t be able to marry you and the other
wives,” paliwanag ng Marshal. “The court approved Panther to
marry 7 women but he needs to abide to this law.”

“Ito ang reason kung bakit hindi puwedeng lumabag si Panther


sa batas na ‘to, Macey.” Hinawakan na ni Debi ang pulso ko para
lang maawat ako.

“Anong mangyayari sa kanya?” si Light ang tinutukoy ko.


“Anong parusa ang ipapataw sa kanya?!”

“He’s going to be departed in an active war country. Of course,


he might die there,” sagot ng marshal

“It’s all right, Macey,” narinig ko ang mababa at kalmadong tinig


ni Light. “It’s okay.”
Sinubukan ko siyang lapitan pero hinarang ako ng dalawang
guards na bantay niya. “What are you talking about? Anong okay
roon, Light?!”

“I violated the law. I deserved to be punished.”

“No! Iniligtas mo ang buhay ko. You don’t deserve to get any
punishment!”

“I am prepared for this. I knew already that I will get punished


before I decided to save you.”

“At bakit ginawa mo pa rin?”

Napayuko siya. “I already told you… I am your protector and I


will protect you at all costs.”

Pumatak ang mga luha ko. “S-stupid...”

Nakita ko ang paguhit ng ngiti sa mapulang mga labi ni Light.

“D-Debi?” ani ko sa mahinang tinig. Narinig ni Debi ang


pangalan niya kaya lumapit siya sa akin. “There’s only way to stop
the punishment from Red Marshals, right?”

May isang natatangi pero delikadong paraan na puwedeng


gamitin para pigilan ang desisyon ng Red Marshal. Nabasa ko iyon
sa Red Book.

“Yes,” mahina at nag-aalalang sagot ni Debi.


“I am left with no choice.” Maliit akong ngumiti sa kanya. “I
have to use the Red Immunity.”

Nanlaki ang mga mata ni Olly. “Are you fucking serious,


Macey?!”

“We only have 1 Red Immunity, Macey, at gagamitin mo lang ito


kapag nabingit ang kaligtasan mo dahil sa rules,” paalala sa akin ni
Debi.

Kulang na lang ay pukpukin na ni Debi ang aking ulo para


matauhan ako.

“Baka may mas mahalaga ka pang paggamitan ng Immunity mo


in the future. Ako ang pinakamatagal dito sa lahat, pero hindi ko pa
ginagamit ang Red Immunity ko. Nire-reserba ko iyon para sa mas
importanteng bagay.”

Humakbang ako patungo sa Red Marshal. “I’m gonna use my


Red Immunity to save Protector Light Dreux Erudian from the
punishment.”

Napaangat ng mukha si Light mula sa pagkakayuko. Umawang


ang mapula niyang mga labi sa pagkabigla.

Napatitig sa akin ang marshal maging ang mga councilors. Nasa


mukha nila ang di pagkapaniwala.

“Please, I want to use my Red Immunity. I want to save Light.”


Tigagal lang sa akin ang lahat. Maging sina Debi at Olly.

Lumapit ako sa dalawang guards na nakabantay kay Light at


nakaharang sa daan ko. “Now, get the fuck out of my way! I’m
getting Light out of this place!”

LEVEL 18

“WHAT THE HELL ARE YOU DOING?”

Mahinahon ang may pagtatakang tinig ni Light nang sa wakas ay


magsalita na siya. Dito ko siya dinala sa aking kuwarto kaya may
piring na kulay pula ang kanyang mga mata.
Nakaupo kami sa gilid ng kama habang ginagamot ko ang mga
sugat niya sa kamao. Binaklas ko rin ang benda sa kaliwa niyang
kamay na namamaga. Ito iyong mga injury na natamo niya noong
sinundan niya kami sa Singapore ni Panther. Napalaban kasi siya sa
baba pa lang ng building.

Ayon sa report, nag-disguise si Light na isa sa mga bodyguards


namin ni Panther nang araw na na-captured kami. Napansin niya
na natatagalan na kami kaya sinabihan niya na ang ibang
bodyguards na sumunod. Nagkaroon ng engkwentro sa baba kaya
natagalan pa siya bago nakasunod. Siya ang nagligtas sa amin ni
Panther mula sa walk-in freezer.

“The nurse in the clinic should be doing this,” sabi niya. “Not
you.”

“Pagsasamantalahan ka lang ng mga nurse sa clinic,” biro ko sa


kanya.

Nakita ko kasi kanina kung paano siya asikasuhin ng mga nurse


sa clinic. Para siyang VIP. Mas kinikilig sa kanya ang mga ito kaysa
gamutin ang sugat niya.

“I should be the one taking care of you.” Napayuko siya.

“You saved my life. Tama na iyon. Hayaan mo akong makabawi


sa `yo kahit sa ganitong paraan.”

“Why did you do that?” pag-iiba niya ng usapan. Napakababa ng


tono niya.
“Ang ano?” Nangunot ang noo ko.

“You used your Red Immunity for me...”

“Kung mawawala ka, sino nang magtatanggol sa akin?”

Napabuga siya ng hangin. “I can easily be replaced, Macey.”

“You know, Light. When I was in grade school, tagapagtanggol


ako ng mga nabu-bully sa school namin. I don’t know, but I just
can’t stand injustice. It’s my nature.”

Matamang nakikinig lang siya sa akin.

“Kaya tinawag akong pabida ng mga classmate ko. And I guess


they were right. Pabida naman talaga ako. And I will always be like
this.”

Ito rin ang dahilan kung bakit napasok ako sa ganitong


sitwasyon. I married Panther to give that man a lesson. I wanted to
save the rest of his wives from him. From his immoral way of
thinking about marriage. Dahil nga pabida ako.

Tumingin ako kay Light. “I just don’t like that they gave you an
unfair judgement. How could they punish you for saving my life?”

“Because I violated the law—”

“So, mas kakampihan mo pa sila kaysa sa akin?”


Hindi siya nakaimik.

“Hindi ko kaya na hayaan ka na lang maparusahan nang dahil


iniligtas mo ang buhay ko. That’s why I used my Red Immunity.”

Just like how I hesitated to leave Panther that day when he told
me to leave him. Hindi ko kayang mang-iwan sa ere. Hindi ako
ganoon pinalaki ng parents ko. Pinalaki nila akong marangal, patas,
may prinsipyo, at bida-bida.

“I understand,” sagot ni Light sa akin. Ang tinig niya ay


bahagyang masuyo.

Ngumiti ako sa kanya. “Thank you!”

Sandali siyang natigilan. Napayuko siya at ang kanyang pisngi ay


tila bahagyang pinamulahan.

“Really, Light. Thank you. I owe you my life...”

Mayamaya ay natahimik ako. Nang humupa ang tensyon


tungkol kay Light ay para akong bumalik sa unang pagkagising ko
mula sa apat na araw na pagkakatulog. Nang mapatingin ako sa
mga palad ko ay nanginginig ang mga ito. Isa-isa na namang
nalaglag ang mga luha ko. Halu-halong emosyon ang
nararamdaman ko ngayon.
Dahil sa nangyari sa amin ni Panther, lalo kong nalaman ang
kahalagahan ng buhay ko. I really thought I was going to die. I was
so grateful that I was still alive. Napahikbi ako.

“What’s going on?” naalarmang tanong ni Light dahil naka-


blindfold pa rin siya. Narinig niya ang impit kong pag-iyak.

“N-nothing.” Mariin kong pinunasan ang aking mga luha.

“Hey.” Maingat na kinapa niya ang mukha ko.

Nang mahagip ng kamay niya ang pisngi ko, pinunasan niya ang
mga luha ko.

“Macey, you are safe now...”

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Tumango ako habang luhaan


ang aking mga mata.

Marahan niya akong hinimas sa aking likuran. “Shhh…” alo niya


sa akin. “You will never be in danger again. Listen to me and
believe every word that I will say. Macey, habang nabubuhay ako,
hindi ko hahayaang mapahamak ka…”

~~~~~~~~

PANGPITONG ARAW. Pagkatapos ng session ko sa aking


psychologist, nag-dinner kami nina Olly at Giana. Pero hindi rin
kami nagtagal sa bonding namin dahil pagod ako. Apat na burger
lang tuloy ang naubos ko.

Hinayaan ko muna si Light sa clinic para makapagpahinga siya.


Sinabihan ko siya na wag magpapakita sa akin hangga’t may injury
pa siya. Kailangan niya munang magpagaling.

Lumapit ako sa aking pinto at ini-scan ang QR code sa palad ko


para magbukas ang pinto ng place ko. Pagpasok ko sa mini sala ay
dumeretso agad ako sa kuwarto. Natigilan ako nang bumungad sa
akin ang isang matangkad na lalaki na nakaupo sa gilid ng kama ko.

Napahugot ako ng hininga at tila lumukso ang aking puso


pagkakita sa taong ilang araw at gabi ko nang kinasasabikang
makita. “P-Panther…”

Kalmado ang kanyang perpektong mukha. Black V-neck shirt at


gray jogger pants ang kanyang suot. Basa ang kanyang buhok at
naka-brush up ito. Naamoy ko agad kung gaano siya kabango nang
mahanginan siya ng aircon. Funny because I thought of running to
him, hugging him, and kissing him on the lips.

Nag-aalala ako sa kanya pero bakit ngayon lang siya nagpakita?


Sa akin ba, hindi ba siya nag-aalala kahit kaunti?

Saka, magaling na ba talaga siya? Naglakbay ang aking paningin


sa kanyang kabuuhan. Meron siyang band aid sa kanyang kaliwang
pisngi at kanang sentido. Wala na ang mga pasa at pamamaga ng
kanyang mukha. Tuyo na rin ang sugat niya sa kanyang mapulang
mga labi.
Mapait akong ngumiti sa kanya. “A-anong gingawa mo rito?”
Bakit ngayon ka lang?

“I can’t sleep.”

“H-ha?”

Lumikot ang mga mata niya. “Dr. Fetus is in the Philippines right
now. Kailangan ko ng katabi.”

Nangunot ang noo ko. Ibig niya bang sabihin na si Dr. Fetus ang
lagi niyang katabi matulog? Sinabi niya sa akin na hindi siya
nakakatulog nang walang katabi.

“How about Debi?” tanong ko.

Umangat ang isa niyang kilay.

“Maricel, Olly, Nikita, Giana, or Morga—”

“Forget it.” Naglakad na siya palabas ng kuwarto at nilampasan


ako.

Palabas pa lang siya ng pinto nang habulin ko siya. “Wait!”

Tumigil siya sa paglalakad. “What?” Nakasimangot na humarap


siya sa akin.

“O-okay ka na?”
“What do you mean?”

“I mean, maayos na ba pakiramdam mo? Magaling na ba ang


mga sugat mo?”

Tumango siya.

Pagkatapos ng nangyari sa amin sa Singapore, hindi ko alam


kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya. I thought we were
gonna die in that cold room and that was our last moment, so I let
him kiss me. Hinayaan ko rin na magdikit ang aming hubad na
katawan. And now that we were saved and alive, it felt so awkward
to even meet his gray eyes.

Gabi-gabi ko pang naalala ang nangyari sa cold room. I could still


feel the heat of his body against mine. Iyon ang first time ko na
makayakap ng katawan ng isang lalaki at kapwa pa kami walang
saplot. And I allowed that to happen because I really thought it was
the end.

Pinamulahan ako kaya tumalikod ako sa kanya. Ano kayang nasa


isip niya? Naaalala niya pa kaya `yong moment na nagdikit ang
aming hubad na katawan? Iyong nanigas ang nipples ko sa lamig,
naaalala niya pa rin kaya?

Dang! Napapikit ako sa kahihiyan.

“How are you feeling?” tanong niya na nagpasilip sa akin.


“Uhm, okay na…” Sinubukan kong salubungin ang abuhin niyang
mga mata pero agad din akong umiwas. Hindi ko talaga kaya.
“Uhm, Panther, h-hindi ka ba na-truma sa nangyari?”

“That was nothing. I’ve experienced worse than that.”

Napanganga ako. “Ha?”

“I have a lot of enemies. It happens all the time.”

Kaya pala kalmado na lang siya kahit mga armado ang mga
kaharap naming kalaban. Kaya pala kahit mamamatay na ay parang
wala na lang sa kanya.

“O-okay…” Nilinis ko ang bikig sa aking lalamunan. Sinikap ko


siyang harapin nang matiwasay. “I-iyong nangyari pala sa atin sa
cold room…” Napakagat-labi ako. “A-ano kasi…” Bigla akong
napayuko. Shoot! Hindi ko masabi!

“What?”

“I-iyong ano…”

Sinilip niya ang mukha ko.

Nangapal ang pisngi ko. “I-iyong hubaran slash yakapan slash


halikan… puwede bang atin-atin na lang?”

“Oh, don’t worry. I won’t tell anyone that you took off my shirt,
you embraced me, and you kissed me.”
“Ano?!” Nagsalubong ang mga kilay ko. Iyong unang dalawa ay
aaminin ko pa, pero iyong huli? Hindi ako ang nanghalik kundi siya!

“Yeah.” Nagkibit-balikat siya. “No one should know about what


happened between us, how you took advantage of me.”

“Ang kapal din pala ng mukha mo!” asik ko sa kanya. “Are


gagoing me?!”

Siya nga itong manyak diyan `tapos babaligtarin niya ako?!

Humikab siya. “I’m sleepy, Macey.” Naglakad siya papasok ng


kuwarto ko. “Let’s sleep.”

Nanakbo ako para harangan ang daraanan niya. “Where do you


think you’re going?! This is my room!”

“All right. I’ll go to Debi’s place then. I might tell her the story on
how you took advantage of me.”

Umusok ang ilong ko. He was blackmailing me! Ano na lang ang
magiging reaksyon ni Debi kapag nalaman niyang naghubad ako
para lang yakapin ang hubad na katawan ng lalaking ito?!

Kandatulis ang nguso ko. “Fine. Dito ka matulog pero basta


doon ka sa lapag!”

“I own this whole mansion, `tapos sa lapag mo ako patutulugin?


Are you gagoing me?” nang-aasar na balik niya sa akin.
“Okay. E di, ako na lang matutulog sa lapag!”

“Kailangan ko ng katabi.”

Napakuyom ako ng kamao. “In one condition.” Dinuro ko siya.


“Bawal mangyakap at manghalik!”

“I should be one telling you that.” Pagkasabi’y nanakbo na siya


sa aking kuwarto at tumalon papunta sa aking kama. Deretso higa
siya.

Buwiset na lalaking ito. I thought we’re going to be okay after


what happened to us. Pero bakit parang mas lumala pa? Aakala ko
rin babait na pero ang yabang pa rin. Mapang-asar pa rin!

Nahiga na ako sa tabi niya. Hinila ko ang kumot at tumalikod ako


sa kanya. Maya-maya ay hinila niya ang kumot hanggang sa
mawalan ako ng kumot. Hinila ko ang kumot mula sa kanya
hanggang sa naghilahan kami.

“Ano ba?!” singhal ko sa kanya.

“Hindi ako nakakatulog nang walang kumot!” aniya matapos


hilahin ang kumot mula sa akin.

“Fine. Sa ‘yo na ‘yang kumot!” Tumalikod ako sa kanya yumakap


sa isang unan ko.

Namayani ang katahimikan sa amin.


Inaantok na ako dahil sa pagod pero hindi ako makatulog.
Knowing that there was a man beside me made me feel
uncomfortable. I should be careful. Baka nakawan na naman niya
ako ng halik!

Mayamaya ay may tumilapon na damit sa baba ng kama.


Namilog ang mga mata ko. That was his shirt!

Sumunod na tumilapon ay iyong suot niyang jogger pants. Dang!


He was taking off his his clothes!

Napabalikwas ako ng bangon. “What are you doing?!”

“Hindi ako nakakatulog nang may damit.” His only clothing now
were his color black boxers.

Oh, come on! That hot body of him again?! Ayoko na sanang
magbilang ng abs niya, pero heto at binabandera na naman niya.
Tama bang ipagyabang niya sa akin ang katawan niya?!

“Wag kang assuming. Wala akong balak sa ‘yo. You’re not my


type.” Sabay kulubong niya ng kumot.

He was right. Bakit nga ba ako mag-a-assume na


pagsasamantalahan niya ako? His other six wives were way better
than me. Mas ma-boobs. Mas sophisticated. Mas babae kumilos at
manalita. At higit sa lahat, sinasamba siya.
Marahan na akong nahiga sa tabi niya. Dumantay na ulit ako sa
aking dantayang unan at tumaliko sa kanya. Pinilit ko nang ipikit
ang aking mga mata para makatulog na ako kahit pa masama ang
aking loob.

“Are you asleep?” tanong niya ilang sandalimaya.

Umismid ako. “Paano ako makakatulog, e, kung ano-ano


ginagawa mo?”

Hindi na siya kumibo.

Ilang sandali pa ay napatikhim siya. “Macey, I just want you to


know that Renauld Zvonski and his team were now all dead.
Namatay sila sa isang engkwentro bago pa sila makuha ng mga tao
ko. Pero nahuli naman ang pinaka-boss nila.”

Si Mr. Renauld Zvonski ay iyong lalaking balbas-sarado at may


tattoo sa noo na nagkulong sa amin sa cold room.

“Matutulog na ako, wag ka na maingay d’yan.”

Umuga ang kama at mukhang binago niya ang pwesto niya.


Nang lingunin ko siya ay nakatalikod na rin siya sa akin.

“One more thing,” biglang sabi niya.

“Ano na naman?” Pikit na ang isang mata ko.


Matagal bago ko narinig ang malalim na tinig niya. “Macey… Are
you… having an affair with your protector?”

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

LEVEL 19

ARE YOU HAVING AN AFFAIR WITH YOUR PROTECTOR?

Why would I answer his question? Baka isipin na naman niya ay


excuses na naman ang isasagot ko sa kanya. Kaya pinili ko na
matulog na lang ng gabing iyon.

Paggising ko, wala si Panther sa tabi ko. Nakakumot na ako at


may nakadantay na mga unan sa binti ko.

Unang bagay na ginagawa ko pagising ay ang i-check ang points


ko sa app. Kinuha ko ang aking tablet at nag-tap ako sa screen nito
para magbigay ng points sa mga wives. I gave them 1 point each.
Samatalang ako ay 2 points lang ang nakukuha at mula pa iyon sa
dalawang wives lang na sa hula ko ay sina Debi at Olly.
I checked the points that Panther gave to me. It was 7 points
again. Itong points na lang niya ang nagbibigay ng pag-asa sa akin
na mag-level up. Dahil sa kabila ng mga nagawa kong masama sa
kanya, hindi pa rin siya nagsasawang bigyan ako ng mataas na
points.

Totoo nga kayang galit siya sa akin? He told me that he hated


me. Kung talagang hate niya ako, bakit 7 points pa rin ang nare-
receive ko sa kanya everyday?

Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang lalaking iyon.

Nagulat ako nang may sunud-sunod na nag-doorbell. Parang


halos sirain na ang doorbell ko kakapindot. Lumabas ako ng
kuwarto at nanakbo papunta sa pinto. Bumungad sa akin ni Giana
na humahangos.

“Giana? What is happening?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“S-si Olly…” habol niya ang paghinga nang magsalita.

“Anong nangyari kay Olly?”

“Her wristband’s color turned red! She’s grounded, Macey!”

“What?!” Nagulat ako sa sinabi niya. “Where is she?”

Nagbihis ako nang mabilisan saka sumama kay Giana sa


groundfloor. Pumasok kami sa Elite Restaurant. Naroon si Olly na
nakaluhod sa harapan nina Maricel at Nikita. Binubuhusan nila ng
juice si Olly sa ulo kaya basang-basa na ito.

Nanakbo agad kami ni Giana palapit sa kanila.

“What are you doing?!” Itinulak ko si Maricel kaya napaatras ito.

Inalalayan ni Giana si Olly na makatayo.

“Are you sure you’re going to defend her?” malditang tanong sa


amin ni Maricel. “She’s grounded. We have all the rights to bully a
grounded wife.”

Napahalukipkip si Nikita. Poker-faced ang mukha ng babae nang


magsalita. “Have you read your Red Book? It looks to me that you
don’t know anything about the Red Wristband.”

Pumiksi ako. “Wala akong pakialam kung anong nakasulat sa


Red Book!”

Ang totoo ay hindi ko pa natatapos basahin iyong tungkol sa red


wristband na page. May ilang parts na akong nabasa, pero hindi ko
muna tinapos. Baka iyon ang tinutukoy nitong dalawang impakta.

“Macey!” iyak ni Olly. Bakas sa mukha niya ang takot.


“Natatakot ako, Macey! Kinakawawa nila ako! Binu-bully nila ako!
Please, tulungan niyo ako!”

Inilingan ko siya. “Olly, wag kang matakot. Nandito lang kami ni


Giana para sa ‘yo.”
“Stay away from Olly, Macey!” Nagulat ako nang hilahin ako ni
Debi.

Hinila niya rin si Giana palayo kay Olly.

“A-anong nangyayari?” Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni


Debi. “W-why did you do that?”

“She has the red light in her wristband,” mariing sabi ni Debi.
“Kapag kinampihan at tinulungan mo siya, malilipat sa ‘yo ang kulay
pulang ilaw sa wristband niya!”

Napaatras naman si Giana nang marinig ang iyon. Marahil ay


natakot din siya.

Napabalik ang paningin ko kay Olly. Luhaan pa rin ang babae


habang nagmamakaawa ang mga mata sa akin.

Masuyong hinawakan ni Debi ang palad ko. “Macey, I know you


want to help Olly. But she can’t be helped right now,”
pagpapakalma niya sa akin. “Imbes na matulungan niyo siya,
puwede kayong madamay ni Giana kapag na-detect ng sensor na
dumidikit kayo sa kanya hindi para i-bully siya kundi para tulungan
siya.”

Napatingin ako sa wristband ni Olly. May timer ito na nagka-


countdown. Just like when my wristband’s light turned to red. Pero
na-expire agad ang red light sa wristband ko.
“It expires in seven days, Macey,” ani Debi. “Walang magagawa
si Olly kundi hintayin na lang ma-expire ang red wristband niya.
Wala rin tayong magagawa sa ngayon para matulungan siya. Kapag
ipinagtanggol natin siya, lilipat lang ang pagka-grounded niya sa
atin.”

Napahikbi si Olly at nagtatakbo ito palayo sa aming lahat.

Umikot naman ang bilog sa mga mata ni Maricel. “What a


drama queen!”

“Indeed,” matabang na bitiw naman ni Nikita.

“What did Olly do for her to receive a red light in his


wristband?” tanong ko sa nanghihinang tinig. “What did she do
wrong?”

“That’s confidential, Macey,” mahinang sagot na galing kay


Giana. “Kahit kami ay hindi namin alam…”

Naaala ko na may Red Immunity rin si Olly. “But Olly has Red
Immunity, right? She can use it to save herself.”

Umiling si Debi. “She’s got red wristband yesterday and she


already used her Immunity to save herself. Pero may nagawa na
naman siyang kasalanan ngayon kaya nag-red na naman ang ilaw sa
wristband niya sa pangalawang pagkakataon.”
“A-ano?” Nautal ako. Paano nangyaring dalawang beses at
magkasunod pang na-grounded si Olly?! Ano ang ginawa ng
babae?!

Mahinang natawa si Nikita. “I can only imagine.”

Nagtatagis ang aking mga ngipin. “This is unfair!”

~~~~~~~~

“YOU LOOK FUNNY.”

Sinilip ni Light ang mukha ko bago niya ako sinubuan ng pagkain.


Kinagat ko ang burger na isinubo niya sa akin.

“Teka, bakit mo pala ako sinusubuan? May kamay naman ako,


bakit kailangan mo pa akong subuan?” Sa sobrang lutang ko sa pag-
iisip tungkol kay Olly ay hindi ko namalayan na siya na pala ang
nagpapakain sa akin. Akala ko ay lumilipad lang ang burger papunta
sa bibig ko.

“Para makapagpahinga ka. Besides, it’s part of taking care of


you.”

Napanguso ako. “OA mo naman mag-alaga. Kulang na lang,


ituring mo na akong baldado.”
Kumuha siya ng isang basong tubig at pinainom niya ako.
Nandito ako ngayon sa clinic room niya kung saan siya
nagpapahinga. Dinalaw ko siya at dinalhan ng mga prutas.

Imbes na siya ang asikasuhin ko, ako ang inasikaso niya. At ako
na `yong nakaupo sa clinic bed niya. Parang ako tuloy ang may
injury kung alagaan niya ako.

Iyong mga nurse naman na umaaligid sa amin ay mga


nakasimangot na. Naiinis yata sila kapag nandito ako dahil
naagawan ko sila ng trabaho.

“May problema ka ba, Macey?” Tumitig sa akin ang kakulay ng


gabi na magandang uri ng mga mata ni Light.

“Si Olly kasi… nagka-red light wristband.”

Napabuntong-hininga siya. “What are you planning to do?”

“Is there a way to save her?”

“Yeah. Ililipat mo sa ‘yo ang red light sa wristband niya.”


Napahinto siya sa pagsasalita nang makitang pakinig na pakinig
ako. “Don’t even think about it, Macey.” Napaigting ang kanyang
panga. “Don’t forget that if your wristband’s light turned red, I will
not be allowed to protect you.”

“I just can’t watch my friend getting bullied.”

“It will pass.”


“I know but…” Napanguso ako. “Pero hindi ko kayang hindi siya
tulungan. Remember… pabida ako, ‘di ba?”

Napailing siya. “Olly is not my concern. All I care about is you.”

“So, pipigilan mo ako na iligtas siya?”

“I have to. It’s for your own safety.”

Inirapan ko siya. “I have to go. Matutulog na ko.” Tumayo na


ako.

“Ihahatid na kita.”

“You still need to rest.”

“I’m feeling better now.”

“Kung gusto mo talaga akong protektahan, magpalakas ka


muna.”

“Fine.” Namulsa siya. “Ihahatid lang kita sa place mo then I’ll go


back here.”

Pinauna niya ako maglakad palabas. Iyong mga nakakasalubong


kong nurse ay mga nakasimangot talaga nang malala. Lumapit na
ako sa sliding door at pagbukas ko nito ay nagulat ako. Bumungad
sa akin ang isang matangkad na lalaki kaya napatingala ako.
It was Panther.

He was wearing a casual red shirt and khaki shorts. Nakatsinelas


lang siya na branded kaya nakalitaw ang malilinis niyang mga kuko
sa paa. Wet-look na naman ang kanyang buhok at naka-brush up.
Amoy bagong paligong hubby siya.

“U-uy, ikaw pala!” bati ko sa kanya.

Bakit nga ba awkward pa rin kapag kaharap ko na siya?

Salubong ang makapal niyang kilay. Nakasimangot siya sa akin


habang nakapamulsa. “What are you doing here?” tanong niya sa
akin.

“Dinalaw ko lang itong protector ko—”

Hindi ko na natuloy ang sinasabi dahil nagdilim ang abuhin


niyang mga mata.

“Y-you know him.” Sinikap kong maging masigla. “Siya ‘yong


nagligtas ng buhay natin. Alam mo ba iyon? He saved us from
death.”

He glanced at his wristwatch. “Gabi na ha. Bakit hindi ka pa


tulog?” Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Light na
ngayon ay katabi ko na.

“H-ha?”
“You should be in your chamber in this hour, right?”

“O-oo. Pauwi na nga ako.”

“Then, let’s go.” Hinuli na niya ang pulso ko.

“Wait,” nagulat ako nang marinig ang mahinahon pero malamig


na tinig ni Light.

Napahinto si Panther at formal ang mukha na humarap sa lalaki.

“Ako na ang maghahatid sa kanya, Mr. Foresteir.” Umabante ng


hakbang si Light. “It’s my job to secure her safety.”

“Don’t bother. Ako na ang maghahatid sa kanya. Ako ang asawa


niya.” May diin ang pagbigkas ni Panther ng mga salita.

Bakit ganito ang tono niya? Bakit parang galit siya?

Hinila na niya ako sa aking pulso na hawak-hawak niya.

Hinuli rin ni Light ang kabilang pulso ko. “No.”

Napahinto muli si Panther at humarap sa lalaki. “I said, I’ll take


care of MY WIFE.”

Umigting ang panga ni Light. “The last time you took her from
me, you put her life in danger.”
What was going on?! Pati ang mga nurse ay napahinto sa mga
ginagawa nila. Nakatigagal lang silang lahat sa amin at
naramdaman din yata nila ang tensyon na nararamdaman ko sa
pagitan nina Panther at Light.

“What the hell are you doing?” Lumalim ang tinig ni Panther.

“I’m protecting her,” Light answered him.

Nagtitigan sila nang masama.

Shoot! Mukhang magsusuntukan pa ang dalawang ito! Anong


gagawin ko? Baka madamay pa ako! Paano ko sila tatakasan?!

LEVEL 20

PANTHER AND LIGHT were both tall and had well-built body. At sa
pagkakaalam ko ay parehas din silang may eight pack abs.
Nakita ko kung paano pinataob ni Panther ang sampung katao
noong nasa Singapore kami. And those opponents were good at
mixed martial arts.

Same with Light. I had seen his profile. He was an S Class. He


had got the highest grade in the military training. Sampung klase ng
martial arts ang alam niya at sa lahat ng iyon ay magaling siya.

So, kapag nagsuntukan ang dalawang ito sa harapan ko, hindi ko


alam kung sino ang aawat sa kanila. O kung may makakaawat ba?

Malamig ang mga mata ni Panther nang magsalita. “Know your


position, soldier.”

“I know my position very well.” Lalong napakapit sa pulso ko si


Light. “I am the protector of this woman.”

“Do you know who I am?” Napadiin na rin nang kapit sa pulso
ko si Panther.

“I know who you are.” Mas dumiin pa ang kapit ni Light sa pulso
ko. “You are the one who put this woman’s life at risk.”

“Who do you think you are to talk back at me? Are you already
tired of living?” Parang madudurog na ang pulso ko sa pagkadiin ng
pagkakahawak ni Panther sa akin.

“I’m under the law of Red Marshal. You can’t use your power
against me. We’re the only one who can fight you back,” malamig
na balik naman ni Light.
“I know that. But I’m free to beat the life out of you.”

“Why don’t you try?”

“Tama na!” sigaw ko. Hindi ko na kaya, mapuputol na yata ang


mga kamay ko dahil sa pagkakahawak nila.

Pinagpapagpag ko ang kanilang mga kamay na nakakapit sa


aking pulso. Namula na ang balat ko nang mapabitiw sila.

“Pucha! Pipilayan niyo ata ako, e!” Hinilot ko ang aking


magkabilang pulso. “Kung gigil na kayo sa isa’t isa, ‘wag n’yong
idamay ang kamay ko!”

Natahimik sila.

“`Langya, muntik na madurog ang buto ko!” reklamo ko sa


kanilang dalawa.

“Let’s go. I’ll take you to your place,” ani Panther sa akin.

“No need for that. Ako na ang maghahatid sa kanya since we


agreed on this.” Pumagitna si Light sa amin.

Galit na humarap si Panther sa lalaki ay kinwelyuhan ito. “I’m


warning you! You’ll regret pissing me off!”

“I told you, under the law of Red Marshal, I am not under your
power,” kalmado naman na sagot ni Light.
“Stop!” awat ko sa kanila. “Please lang, traumatized pa rin ako.
‘Wag niyo na sanang palalain!” May pagmamakaawa na sa tinig ko.

Kumalas si Panther kay Light at nagtitigan na lang sila nang


masama.

“Go to your place, Panther.” Tiningala ko siya.

Napaawang ang mapula niyang mga labi sa sinabi ko.

“Ihahatid ako ng protector ko.”

“W-what?” Parang hindi niya natanggap ang pasya ko na


sumama kay Light.

“Please. Gusto ko na lang magpahinga.”

Nagblangko ang kulay abong mga mata ni Panther kasabay ng


pag-igting ng kanyang panga. Walang salita na tumalikod na siya.
Padabog niyang isinara ang sliding door paglabas niya.

Nang wala na si Panther ay hinarap ako ni Light. Yumuko siya


para hulingin ang aking paningin. “Are you all right?” Masuyo ang
tinig niya nang tanungin ako.

Tumango ako. “Stay here. Uuwi na lang ako mag-isa.”

“But—”
“Don’t argue with me. Please…” Pagkasabi ay iniwan ko na siya.

Lumabas na ako ng pinto at naglakad pauwi sa lugar ko. Ayow


kong makakita ng nag-aaway o nagsusuntukan sa harapan ko. O
kahit anong nagsisigawan at nagtatalo. Nanginginig pa rin ako sa
takot kapag naaalala ko iyong nangyari sa akin sa cold room.

Isa pa, inaalala ko pa kung paano maililigtas si Olly sa pulang


ilaw ng wristband niya. Hindi ko kayang pabayaan na lang siya at
iwan sa ere.

~~~~~~~~

MATAPOS magpahinga ay pinakaisip ko naman kung paano


matutulungan si Olly. Kinabukasan ng hapon ay pumasok ako sa
isang bakanteng kuwarto. Inaabangan ko siya na maparaan dito.

Nang mapadaan siya sa pinto ay hinila ko siya papasok. Bago ko


isinara ang pinto ay sumilip muna ako sa paligid kung may
nakasunod bang bully. Nagulat naman siya nang malaman niyang
ako ang humila sa kanya.

“Shhh!” saway ko sa kanya.

“Anong ginagawa mo?” bulong niya sa akin.

“Are you all right?” pabulong na tanong ko rin. “I am worried


about you, Olly.”
Basang-basa siya ng pawis. Inutusan kasi siya nila Maricel at
Nikita sa kung saan-saan. Bawal naman siyang tumanggi dahil kung
hindi ay ma-e-extend ang pulang ilaw sa wristband niya.

May mga sulat din siya ng lipstick sa mukha. Amoy juice na


naman ang kanyang buhok kaya dikit-dikit ito at nanlalagkit.
Mukhang pinaliguan na naman siya ng juice ng dalawang impakta.

“Kinakawawa nila ako, Macey. Takot na takot at hirap na hirap


na ako. Hindi ko na kaya. Mabuti na lang at hindi mo ako matiis.
Please help me...”

Awang-awa naman ako sa kanya.

Napayuko siya. “Alam mo, sa buong buhay ko ay ngayon lang


ako na-bully.” Nabasag ang tinig niya. “Sanay ako na maraming
kakilala at kaibigan, lahat gusto ako dahil friendly ako, pero ngayon,
heto at lahat ay hindi ako gusto.”

Hinimas ko siya sa ulo. “Be strong. Nandito lang ako.”

Impit siyang napahagulhol. “Totoo naman, Macey. Walang may


gusto sa akin dito. Ako lang yata kasi ang bukod tanging hindi galing
sa mayamang pamilya. Hindi mapera ang parents ko at wala
kaming malaking negosyo at kompanya.”

“Don’t say that,” saway ko sa kanya. Naaawa ako sa kanya.


Mabait at masipag naman siya, hindi lang talaga siya sinuwerte sa
buhay.
Sa pagkakaalam ko ay college undergraduate siya. Galing siya sa
isang private university, ang Don Eusebio Mariano University o
DEMU. May best friend siya na malapit sa isang mayamang mayor
ng lungsod, na ng nainggit nang husto sa kanya, kaya gumawa ito
ng paraan para malugi ang negosyo ng parents niya. Iyon ang
dahilan kaya siya nag-drop out kahit gusto niya pang mag-aral sana.

Gusto kong tulungan si Olly dahil mabait siyang tao. “Tell me,
ano bang nagawa mong kasalanan kay Panther? How did he end up
making the light of your wristband red?” tanong ko para makaisip
ng paraan para matulungan siya.

Napahinto siya sa pag-iyak. “I got jealous… To all of you…”

Nangunot ang noo ko.

“Debi, Giana, and Morga… I think they already slept with


Panther.”

Napalunok ako.

“Same with Maricel and Nikita... Siguro nakasama na rin nila si


Panther...” Kinusot niya ang luhaang mga mata. “And you, Macey…
Dinala ka ni Panther sa Singapore.”

Napatulala ako sa kanya. Dahil lang doon?

“Nakasama niyo na si Panther… Pero ako, hindi ko pa siya


nakakasama…” Tumalim ang mga titig niya sa akin. “Naiinggit ako.
Kaya nang isang gabi na makita ko siyang lasing, nagpaakay siya sa
akin. Doon ko siya dinala sa place ko.”

Napausod ako sa narinig. “W-what?!”

“He instructed me to bring him to Dr. Fetus. Hindi ko siya


sinunod. Dinala ko siya sa kuwarto ko. Then… I took off his
clothes.”

Natutop ko ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala na


magagawa niya iyon. Ang tingin ko kasi kay Olly ay playful na tao
pero hindi makakagawa ng anumang labag sa kagandahang asal.

“I kissed him. I took advantage of him. G-gusto ko na may


mangyari sa amin.”

Tahimik na lang ako na nakikinig sa kanya. Nagulat ako sa


ginawa niya, na kaya niyang gumawa ng bagay na ganoon.

“Ang balak ko ay magpabuntis sa kanya. Kasi kapag nabuntis


niya ako, ibig sabihin ay tataas ang ranggo ko sa inyong lahat dito.
Sa akin magmumula ang first born niya. Makakatanggap ako ng
maraming pabuya. Magkakaroon ako ng sariling chopper at
makakaalis dito sa Red Mansion kahit kailan ko gustuhin.”

“Nagtagumpay ka ba, Olly?” mahina at salat na sa emosyon na


tanong ko.

Nayakap niya ang kanyang sarili at napahikbi. “N-nahimasmasan


siya agad. Nagalit siya sa akin. Itinulak niya ako...”
Nang humagulhol siya ay napayakap siya sa akin. Hindi ko
naman siya magawang iwasan. Kahit mali ang ginawa niya ay
nasaktan pa rin siya.

“I-I love him. I love Panther so much…” tangis niya.

Hindi ako makaimik sa narinig.

“Macey, p-please help me …” makaawa niya sa akin. “Nabulag


lang naman ako sa inggit at selos kaya ko iyon nagawa. Gusto kong
manatili bilang asawa ni Panther, hindi lang dahil sa mga benefits
at pera na kaya niyang ibigay, kundi dahil talagang mahal ko siya…”

Nagtagis ang aking mga ngipin. Bakit kailangan kong makita ang
mga taong nagmamahal kay Panther nang sobra?

Kahit may mga kasalanan ang lahat, mas higit na makasalanan


siya dahil siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito.

~~~~~~~~

“WHAT IS WRONG WITH YOU?”

Pabalibag kong binuksan ang pinto ng office ni Dr. Fetus. Tama


ang hinala ko na naririto ngayon si Panther. Nakasandal siya sa
mahogany desk habang nakatingin sa kawalan ang malamlam na
kulay abong mga mata.
Nang marinig ang sigaw ko ay marahang lumingon siya sa akin.
Walang kahit anong emosyon ang perpektong mukha niya. Ngayon
ko rin napansin na magulo ang kanyang buhok at wala sa ayos ang
kwelyo ng suot niyang kulay itim na polo.

“What?” walang buhay na tanong niya sa akin.

“Bakit mo binigyan si Olly ng pulang ilaw sa wristband niya?!”

Sumimangot siya.

Humakbang ako palapit sa kanya. “Panther, please alisin mo na


ang pulang ilaw sa wristband ni Olly. Binu-bully siya ng ibang mga
asawa mo dahil dito!”

“Seven days na lang mag-e-expire na ang red light, hintayin na


lang niya,” muli ay ang walang buhay na tono niya.

“Hindi mo ba ako narinig? Binu-bully siya ng dalawang impakta


mong asawa!”

Ikinibit niya ang malapad na balikat. “It’s part of the rule. You
should bully her, too.”

“Gago ka ba?”

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.


Pati si Dr. Fetus na hindi ko napansin na nasa isang sulok pala,
ay nagulat sa sinabi ko. Patalilis itong umeskapo bago pa madamay
sa gulo.

Pinakalma ko naman ang aking sarili. Hindi ko puwedeng galitin


si Panther dahil baka mas lumala pa ang parusa niya kay Olly.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago muling


nagsalita. “I know nagkamali si Olly. Dahil sa pagmamahal niya sa
`yo, dahil sa kabaliwang sistemang ito, natukso siyang gumawa ng
mali. Pero naparusahan mo na siya at nagsisisi na rin siya sa
nagawa niya. Natuto na siya ng leksyon. Ang tindi na ng dinanas
niya. Hindi pa ba sapat iyon? Kahit hindi mo siya mapatawad, basta
matigil lang sana itong pam-bu-bully sa kanya.”

“She committed a punishable act twice!” napipikon nang sigaw


niya.

Nagkaroon si Olly ng red wristband noong una at ginamitan nito


iyon ng Red Immunity. Second time itong red light sa wristband ng
babae ngayon. She did not tell me how she got her second red light
on her wristband. Hindi ko alam kung ano ang nagawa niyang
kasalanan sa pangalawang pagkakataon. Pero hindi naman na
siguro kasing lala nang nauna. She already learned her lesson.

“Forgive her,” pakiusap ko kay Panther. Alam ko na malala ang


unang kasalanan ni Olly, pero tapos naman na iyon. Grabe na ang
parusa na natanggap ng babae. Sa pangalawang kasalanan nito ay
hindi naman siguro kasing lala nang una, baka puwedeng
makapagpahinga na ito ngayon.
Nagsalubong ang mga kilay niya.

“Please, Panther. Olly has been punished already. Tama na


siguro iyong mga natanggap niyang pam-bu-bully. Natuto na siya
ng leksyon niya. Naghirap na siya.”

“Why are you doing this for her?” iritadong tanong niya.

“Because it’s unfair.”

“What’s unfair? She’s being punished for committing a crime!”

“What? Committing a crime?!” gulat na ulit ko. Ang unang


ginawa ni Olly ay ang pinagtangkaan siya nitong pagsamantalahan,
alam ko na punishable act iyon, pero ano ang pangalawa? Ano pa
ang ginawa ni Olly para tawagin iyong krimen din at mapatawan
siya ng red light sa wristband sa pangalawang pagkakataon?!

“You don’t have to know about that, Macey,” singit ni Dr. Fetus
na lumusot ang ulo sa pinto. “Just know that your friend did
something unforgivable—”

“I did something something terrible to Panther, too. Bakit hindi


niyo ako bigyan ng pulang ilaw sa wristband ko?” biglang tanong
ko.

Hindi kumibo si Dr. Fetus. Si Panther ay nakatingin lang sa akin.


“Gaano ba katindi ang pangalawang kasalanan na nagawa ni
Olly, ha? Tell me.” Hinarap ko si Panther. “Did she try to kill you?”

“Worse than that, Macey.” Tinalikuran ako niya ako.

“Then, why don’t you tell me?!” Pumunta ako sa harapan niya
para hindi siya makaiwas sa akin. “Ano ang ginawa niya?!” I wanted
to know. Para sana maintindihan ko, di ba?

“Give us the room,” sabi niya kay Dr. Fetus na pasilip-silip pa rin.
Akala ko umalis na iyon, chismoso rin.

Pagsara ng maliit na matanda sa pinto ay hinarap ako ni


Panther. Nagulat ako nang masinag ang galit sa kulay abong mga
mata niya.

“This isn’t your fight, Macey. It’s Olly’s,” gigil niyang sabi.

“B-but she’s my friend—”

“And she’s my wife!” singhal niya. “I will decide if I will end her
punishment or not. Hindi ikaw ang magdedesisyon!”

Natigagal ako sa katotohanan na binitiwan ni Panther. Oo nga


pala, asawa niya si Olly. Siya ang magdedesiyon para sa babae. Siya
ang batas na magpaparusa at magsasabi kung kailan matatapos ang
parusa. Lahat kami ay parang mga laruan na nasa ilalim niya. Siya
ang magdidikta kung paano kami magiging tamang asawa para sa
kanya.
Kaya nababaliw ang mga asawa niya ay dahil din sa kanya. Siya
ang puno’t dulo ng kahibangang ito!

Mapait na ngumisi ako sa kanya. “Alam mo kung ano ang


nakikita ko sa `yo?”

Nagtaas siya ng isang kilay.

“A monster.”

Tumiim ang mapulang mga labi niya.

“Hindi mo masisisi ang younger brother mo kung bakit lumayo


ang loob niya sa `yo at iniwan ka niya. Because you are greedy. You
don’t care about others. Walang ibang mahalaga sa `yo kundi iyang
sperm mo na ipupunla mo sa amin para dumami ang lahi mo!”

Nag-igting ang kanyang panga sa sinabi ko.

“You’re so desperate. Parang mauubusan ka ng babae sa mundo


kaya ka nag-asawa ng pito. And then what? You’ll treat us like this?
You’re not seeing us as your wives. We’re just slaves to you.
Parausan sa gabi kapag nangangailangan ka!”

Nagtagis ang mga ngipin niya bagama’t hindi siya nagsalita.


Tumalikod lang siya sa akin.

“You are nothing without your billions, Panther Foresteir,” may


diin ang pagbigkas ko.
“Get out,” mahinang utos niya.

“Aalis talaga ako.” Nagmartsa ako papunta sa pinto.

“Wait!” awat niya.

“Ano?” Galit akong humarap sa kanya.

“Do you love him?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

“Ha? Sino?”

Matagal bago siya nakasagot. “Your protector.”

Napabulalas ako ng halakhak sa sinabi niya. “Hindi lang ako ang


may protector sa mga asawa mo. Bakit ako lang ang pinag-iisapan
mo ng ganyan?”

“Tell me…” Halatang pinapakalma niya lang ang tinig niya. “Will
you choose him over me?”

Tumigas ang anyo ko at sinagot siya, “Without a doubt, yes.”

Nagbago ang emosyon ng kanyang mga mata. “Why?”

“Because he’s a better person than you.”

Hindi na siya nagsalita.


Mukha naman wala na siyang sasabihin kaya tinalikuran ko na
siya. Sinipa ko ang pinto pasara dahil sa sobrang inis ko sa kanya.
Wala na akong choice dahil ayaw tanggalin ni Panther ang pulang
ilaw sa wristband ni Olly. Well, then I would do it my way.

~~~~~~~~

WHAT TIME WAS IT? Tinanghali na ako ng gising kakaisip kung


paano ko matutulungan si Olly.

Debi gave me a warning last night. Iwasan ko raw si Olly dahil sa


pulang ilaw sa wristband nito. But I couldn’t help it. Hindi ko
kayang tiisin si Olly habang nahihirapan na ito. Hindi ako ganoong
uri ng kaibigan.

Nagpakawala ako ng paghinga nang sumagi sa isip ko si Panther.


Isa siya sa dahilan kaya hindi ako nakatulog nang matino. Sa tindi
ng aking emosyon ay masasakit ang nabitiwan kong salita sa kanya
kahapon.

Naalala ko ang lamig sa mga mata niya bago ko siya iwang mag-
isa. I hit him where it hurts…

I knew that I crossed the line when I mentioned about his


younger brother. It was a personal and sensitive topic for him.
Gusto ko mang bawiin ang aking nasabi ay huli na. Nahimasmasan
ako kung kailan tapos na ang pag-uusap naming dalawa.
Isa pang gumugulo sa akin ay ang biglang pagtatanong niya kung
ano ang nararamdaman ko para kay Light.

Ipinilig ko ang aking ulo para pigilan muna ang sarili sa pag-iisip.
Dinampot ko na lang ang tablet ko at nag-tap para sa Points App.
Gagawin ko na lang ang araw-araw kong routine, ang magbigay ng
one point each sa bawat isa sa wives kabilang na sa aking sarili.

Matapos magbigay ng points ay tiningnan ko naman ang points


na aking natanggap. As usual, I received three points. Kasama sa
points na ito ang one point na binigay ko sa aking sarili habang ang
dalawa ay galing kina Debi at Olly.

Nanginginig ang aking daliri nang i-tap naman ang para sa points
na ibinigay sa akin ni Panther kahapon. Kinakabahan akong
malaman kung ilan.

Nang bumukas ang page ay kumirot ang aking dibdib sa aking


natuklasan.

…Panther Foresteir gave me zero point.


LEVEL 21
I DID IT.

Sinadya ko na dumikit kay Olly at ipagtanggol siya para malipat


sa akin ang red light sa wristband niya. Hindi niya na kinakaya ang
trato sa kanya ng mga wives. Ilang araw na rin siyang hindi
nakakakain nang maayos dahil deprived siya sa mga benepisyo
mula nang ma-grounded. Ang paglipat sa akin ng parusa niya ang
tanging naisip ko na paraan para matulungan at mailigtas siya.

Kaya ko naman ang sarili ko kahit ma-grounded ako. Mas


matibay ang loob ko kay Olly kaya sa tingin ko, ayos lang na ako ang
ma-grounded kaysa siya.

“Thank you, Macey,” sumisinok na pasasalamat ni Olly sa akin.


Nakabalik na siya sa place niya. Nakaligo, nakapagbihis, at nakakain
na rin siya nang maayos.

“You’re welcome, Olly. Sana talaga ay natuto ka na at hindi mo


na ulitin ang mga nagawa mong mali,” pangaral ko sa kanya. Ang
tingin ko sa kanya ay isang nakababatang kapatid, kaya natutuwa
ako nang sabihin niya sa aking nagsisisi na siya sa kanyang mga
kasalanan at natuto na siya ng leksyon.

“Of course, Macey.” Tumingin siya sa wristband ko na ngayon ay


kulay pula na ang ilaw. “But how about you? You’re grounded
now.”

“I’m okay. Kaya ko ang sarili ko.”


“Really? That’s nice to hear.” Umalis siya at nang bumalik ay
may dala na siyang isang baso ng juice. “I’ve been waiting for this
opportunity, Macey.” Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang
ginawa. Itinaas niya ang baso at isinaboy sa akin ang laman nito.
“The opportunity to bully you!”

Napasinghap ako sa pagkagulat. Hindi ako makapaniwala sa


ginawa niya. Basang-basa ang harapan ng damit ko dahil sa juice
niya.

“Your wristband’s light is red, Macey.” Tinaasan niya ako ng


kilay. “I am so happy that I have now the chance to treat you like a
piece of shit!”

Tigagal ako. Parang namanhid ang buong katawan ko sa sinabi


niya.

Pinandilatan niya ako. “Luhod.”

What did I do wrong to her? Galit ba siya sa akin? Bakit niya


ginagawa ito? I saved her. If it wasn’t because of me, she still had
that red light in her wristband.

Pero bakit ganito niya ako itrato? Parang ako ang nam-bully sa
kanya noong mga oras na pula ang ilaw sa wristband niya. Bakit ako
ang binabawian niya?! Bakit ako ang binu-bully niya?!

“What? Hindi ka susunod? Gusto mo i-report kita para


madagdagan ng another seven days ang kulay pula sa wristband
mo?”
Tigagal pa rin ako at hindi makapaniwala na siya ang Olly na
playful, malambing, at mabait na kaibigan ko. Ibang-iba siya
ngayon. Mukha siyang maldita habang pinandidilatan niya ako ng
mata. Ang masakit pa kasi ay hindi ko nakikitaan ang mukha niya na
nakokosensya sa ginagawa niya. Para bang sanay na sanay na
siyang mang-bully at manakit ng kapwa.

Ah, right. Gets ko na. Mariin akong napapikit at muling idinilat


ang aking mga mata. Sinampal ako ng katotohanang nagtatago sa
likod ng kasinungalingan. It felt like I was scammed.

“Tatanga ka na lang diyan?” sita sa akin ni Olly.

Dumampot ulit siya ng isang basong juice sa hawak niyang tray


at isinaboy sa akin.

“Seriously? Ayaw mo talagang sumunod?” Kumuha ulit siya ng


juice para isaboy muli sa akin, at sa pagkakataong ito ay sa mukha
niya na ako gustong sabuyan.

Pero hindi nagawa ni Olly ang balak nang may lalaking humawak
sa kanyang braso para awatin siya. Nanlaki ang mga mata ko nang
makita si Light. Inagaw niya ang baso ng juice sa babae at inilapag
iyon sa ibabaw ng mesa.

Nanggalaiti naman si Olly. “What the hell are you doing?! Macey
has the red light in her wristband, meaning you can not protect
her! Do you want to be punished?!”
Umigting ang panga si Light nang tumingin sa suot kong
wristband. Humakbang siya palapit sa akin at mula sa bulsa ng suot
na pants ay naglabas siya ng panyo. Masuyo niyang pinunasanang
aking leeg at ang harapan ng damit ko.

“Are you all right?” malumanay ang tinig na tanong niya sa akin.

Napatingala ako sa kanya at nasalo ko ang malamlam niyang


mga mata.

“Oh, come on!” naiiritang sabi ni Olly. “Sasayangin mo ba iyong


immunity ni Macey sa `yo?! Mapaparusahan ka ulit, Light! Kung ako
sa `yo, umalis ka na lang at `wag ka nang makialam pa rito!”
Dinampot ulit ng babae ang juice sa mesa.

Hinawakan ako ni Light sa balikat at humarang siya sa akin para


takpan ako.

Nanlaki ang mga mata ko. “No, Light. Don’t do this,” mariing
sabi ko.

Hindi siya tuminag.

“P-please, Light!” Pumiyok na ang tinig ko dahil sa pag-aalala na


baka maparusahan siya. “Sasayangin mo ba iyong Red Immunity na
ginamit ko para lang iligtas ka?”

Nakatungo lang siya sa akin habang nakatingin sa aking mga


mata na ngayon ay pinangingiliran na ng luha.
“Please… don’t waste it,” pagmamakaawa ko sa kanya. Ayaw ko
siyang mapahamak. Hindi ko matatanggap na madadamay siya
dahil sa katangahan ko.

Pero matigas si Light. Umiling siya. “No,” malamig niyang bitiw


sa salita.

Natulala ako dahil ang kaninang malamlam niyang mga mata ay


naging malamig na. Kahit kalmado ang kanyang ekspresyon ay
makikita ang sandaling pagsungaw ng litid sa kanyang makinis na
leeg.

Napakapit ako sa kanyang matigas na braso. “It’s not worth it.


Sino na ang magtatanggol sa akin kapag nawala ka dahil
naparusahan ka na naman, ha?”

Napakuyom siya ng kamao.

“Light, listen to me. I will be okay.”

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya roon ang panyo. “I’m
just here whenever you need me.”

Mapait akong ngumiti sa kanya at tumango. “S-salamat…”

Matagal na tumitig muna sa akin si Light bago siya nagpakawa


ng paghinga. “It doesn’t matter how will you call me, I'll make sure
to hear you. Kahit ano pa ang ginagawa ko, ititigil ko para lang
puntahan ka.” Tumalikod siya at nagsimulang humakbang palayo.
Nag-aalangan man ay naglakad na siya palabas. Nang lingunin
ko siya ay nakita ko pang nilingon niya muna ako ako bago siya
tuluyang lumayo.

Lumapit ako kay Olly nang kami na lang dalawa ng babae.


Nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit pero sinikap ko itong
pigilan. Nalamukos ko na lang ang panyong ibinigay sa akin ni Light.

“Now, kneel,” utos ni Olly sa akin.

Marahan akong lumuhod sa harapan at hinayaan siyang


buhusan ako ng juice sa aking ulo. I let her did this to me because I
deserved it. I deserved this punishment because I let this fake
friend made a fool out of me.

~~~~~~~~

“WHAT ARE YOU DOING HERE?”

Tinutukan agad ako ni Dr. Fetus ng tranquilizer gun pagbukas


niya ng pinto. Kanina pa ko nagdo-doorbell dito sa office at ngayon
niya lang ako pinagbuksan.

“Wala lang.” Iniabot ko sa kanya ang isang bote ng wine na may


ribbon pa na red. “Gusto ko lang ibigay sa `yo `to.”

“Hindi na ako magpapauto sa `yo.” Though napalunok siya nang


makita ang wine na hawak ko. “N-never again.”

“Ibibigay ko lang talaga ito sa `yo, `tapos aalis na ako.”


Umamo ang matapang na mukha ng maliit na matanda.
“Really?”

“Oo nga.”

“At bakit mo naman ako bibigyan ng wine?” Diskumpyado pa rin


siya. “Siguro may pampatulog `yan para makuha mo na naman sa
akin itong tranquilizer gun, ano?”

Natawa ako sa sinabi niya. “No.”

“Then, why are you being nice? Hindi kapani-paniwala.” Lalo


niyang itinutok sa akin tranquilizer gun.

“Maniwala ka na lang. Ginagawa ko lang naman ito dahil ikaw


lang ang puwede ko ngayong maka-bonding.” Ipinakita ko sa kanya
ang pulang ilaw sa wristband ko.

Dalawa kasi sa ka-ally ko na wives ay iniiwasan na ako. Si Giana


at Debi ay maski tumingin sa akin ay hindi ginagawa. I fully
understood them. And at least, they were not bullying me.

Dapat lang naman talaga na iwasan ako dahil puwedeng


madamay ang mga co-wives ko sa aking parusa kung lalapitan nila
ako. At ayaw ko ring mandamay ng kahit sino sa kanila.

“Oh, dear.” Lumamlam ang mga mata sa akin ni Dr. Fetus nang
marinig ang dahilan ko.
Ngumiti naman ako sa kanya. “Besides, gusto kong makabawi sa
`yo. You know, I did terrible things to you.” He was a good guy.
Dalawang beses ko na yata siyang binaril ng tranquilizer gun pero
hindi niya ako inisip na bawian.

Napanguso siya. “Pero sure ba `yan? Hindi ba acting lang yan?”


He had trust issue and I couldn’t blame him.

“Sure na sure. So let’s drink?” Itinaas ko sa ere ang bote ng


wine.

“Oh, okayyy!” Sumuko naman na siya. Nagmamadali siyang


maghagilap ng wine glass sa drawer niya. Halatang sabik din siya sa
kainuman. Nang makakuha siya ay binuksan niya agad ang wine at
dali-daling nagsalin sa dalawang wine glass.

“Cheers!”

Nilagok ko agad iyong akin.

Sumimsim lang naman si Dr. Fetus sa kanyang wine glass.


“Macey, bakit nga pala hindi ka pa natutulog? Ang iba ay mga
nagpapahinga na sa oras na ito. You know, tomorrow is a big day.”

“Big day?”

“It’s the 27th of the month. Hindi mo ba nabasa sa Red Book?”

Oh, I had read that. Every 27th of the month was the Lucky Red
Draw. Bubunot si Panther mula sa red container ng pangalan ng isa
sa 7 Wives. And whoever was chosen would be sleeping with him
in his chamber for 7 nights. And of course, they would do the deed.

I guessed all of Panther’s wives wanted to be chosen for the


draw tomorrow. Almost all of the wives wanted to give birth to his
child. Because why not? It was stated in the Red Book that all of
Panther’s future children were automatically his heirs.

And all the wives that would give birth to his children would be
greatly rewarded. They would be given a title of ‘Red Wife’ as one
of the mother of his successors. They would also receive extra
immunity, own chopper to leave the Red Mansion whenever they
felt like going out, and of course, the large amount of money in US
dollars, the golds, and some properties across the world.

However, most of the wives prefer to get pregnant first than the
others, for the reason that the benefits of being the mother of
Panther's first born were greater. She would receive more extra
immunity, money in US dollar, golds, properties across the world,
and power. She would also be superior to other wives with her title
of ‘The Wife Regent’.

Pero bahala na silang magpaligsahan sa pagdadasal bukas kung


sino ang mauunang mabubuntis. Hindi ako makikisali sa kanila dahil
bukod sa nakakasuka, hindi talaga ako interesado na magpaanak sa
Panther na iyon kahit In Vitro Fertilization pa. Ew!

Hmp! Mabuti na lang talaga at wala akong swerte sa mga


ganyang bunutan. It was impossible for my name to be picked by
Panther tomorrow.
“Earth to you, Macey!” pukaw ni Dr. Fetus sa pagiisip ko.

Sumandal ako sa pader at marahang umupo. “Listen, Dr. Fetus,


because I’m going to tell you a story.”

Lumapit siya sa akin at sinalinan ang wine glass ko. “Oh, sure! I
love hearing stories.”

Nagsimula ako. “When I was child, I remember saving a mouse


from danger. Kamuntik na kasi itong kainin ng alagang pusa ng
kapatid ko. The mouse is so cute and I decided to take care of it.
Pinakain ko, pinalaki, nang hindi nalalaman ng mommy at daddy
ko, even my younger brother, dahil malamang na kung malalaman
nila ay mandidiri at magpa-panic sila. I was sure that they will take
the mouse away from me, since you know, it’s dirty.” Lumagok ako
sa hawak kong wine glass.

Nilagok na rin niya iyong kanya.

“I hid the mouse from my family. I took care of the mouse like it
was my own kid. I gave it all my love, but you know what it did to
me in return? When it grew up, it bit me. Pero inunawa ko pa rin
ang lintek na daga.”

Nakikinig lang siya sa kwento ko.

“Pinakawalan ko ang daga dahil baka gusto niya lang lumaya.


Pero tuwing gabi ay kinakagat niya ako sa paa na para bang may
kasalanan ako sa kanya.”
Ang mukha ni Dr. Fetus habang nakikinig sa akin ay engrossed
na engrossed na. Mukhang nagustuhan niya ang kwentong daga.

“Anyway, my mom finally found out about the mouse. She told
me that it was not a pet, that it was a pest, and I should throw it
away. I didn’t listen to her. And you know what happened? Ang
ending, naging peste ito sa pamamahay namin.”

Nangalumbaba si Dr. Fetus sa kanyang magkabilang tuhod


habang nakatingin sa akin. “What’s the moral of your story?”

Napayuko ako. “Na hindi ako dapat mag-alaga ng peste. Na


hindi ako dapat maniwala na porque cute ang peste ay hindi na siya
peste. Higit sa lahat, I should listen to my mom.”

“At natutunan mo nga ba ang mga aral na iyon?”

Malungkot na umiling ako. “I did it again. I saved a mouse again,


and after I took care of it… it bit me again…” This time, si Olly na
ang tinutukoy ko.

Napasinghap si Dr. Fetus. “Matigas ang ulo mo.”

Mapait akong ngumiti sa kanya. “I know. Kaya ako nasasaktan


dahil sa mga maling desisyon ko.”

“Not everyone would appreciate what you do for them. It hurts


but you have to endure the pain of pangingilo. So now, I'm using
Sensodyne.”
Ay tarantado yarn?

Sinalinan niya ang wine glass ko. Nilagok ko naman agad iyon.
“This is not only my fault, you know. It’s also Panther’s fault.”

Mukhang na-gets niya na ang pinupunto ko. Nagkibit siya ng


maiksi niyang mga balikat. “It’s the system, Macey. Not him.”

“Sige, ipagtanggol mo pa iyong gagong iyon.”

Alam ko naman na mas mataas ang system kay Panther, na wala


siyang palag sa Red Marshal, but still, gago pa rin siya. Siya pa rin
ang puno’t dulo ng kalokohang ito.

Bumuntong-hininga si Dr. Fetus bago muling nagsalita. “Do you


know how the light on Olivia Bernice Ong's wristback turned red
again?”

Tumingin ako sa kanya. Bakit nga ba naging pula ulit ang ilaw sa
wristband ni Olly? Iyon ang tanong na hindi masagot ni Panther.
Hindi masabi-sabi sa akin ng siraulong lalaking iyon kung ano ang
violation ni Olly. Basta ang sabi niya lang ay iyon daw ang
pinakamalalang nagawa ng babae kaya hindi niya ito
mapapatawad.

Tumikhim si Dr. Fetus. “Macey, `wag kang mabibigla. Olivia


Bernice Ong tried to put a shrimp paste on your food.”

Natigagal ako. “W-what?”


I was allergic to shrimp and I remembered telling Olly about it!
Alam niya ang mangyayari sa akin kapag nakakain ako ng hipon,
alam niya na puwede akong mamatay! The staff here also knew
about my allergy in shrimp because it was on my profile!

“Nakita ni Panther ang paglalagay ni Olly ng paste ng hipon sa


pagkain mo.”

“H-ha?”

Panther knew about my allergy, too? Ah right! Maybe he read


my profile. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi niya
nasabi sa akin na ito pala ang dahilan kaya nagkaroon ng red light
ulit ang wristband ni Olly?!

Dr. Fetus gently smiled at me. “Thanks to Panther, you are safe
and sound.”

Shoot! Pagkatapos kong masabi kay Panther ang masasakit na


salita, ito pala ang totoong nangyari. Kaya pala ayaw niyang bawiin
ang paglalagay ng red light sa wristband ni Olly. Kaya pala galit siya
sa babaeng iyon! Kulang na lang ay sabunutan ko ang aking sarili.
Nahihiya ako sa mga nasabi ko kay Panther!

Tumayo si Dr. Fetus pero gumegewang na ito. Namumula rin


ang kanyang mukha. Oh, I forgot to tell him that this wine was
Zinfandel which had an alcohol content of around 14-15.5% ABV.
Malakas ang tama nito maliban sa akin. Matagal kasi talaga ako
bago malasing. Pero na-excite yata siya masyado kaya hindi na niya
napansin ang brand ng wine.

Susuray-suray siya na tumingin sa akin. “I have to get back in


Master Panther’s place. Hindi nakakatulog iyon nang walang
katabi.”

So, I was right. Madalas sigurong katabi ni Panther si Dr. Fetus


sa pagtulog katulad ng hinala ko. Pero bakit hindi ang mga asawa
niya ang tabihan niya? Bakit itong si bulilit pa?

Inawat ko si Dr. Fetus. “Bakit ikaw ang lagi niyang katabi? May
relasyon ba kayo?”

“No!” Suminok siya.

“Then, bakit hindi siya tumabi sa mga asawa niya?”

“W-we’re like brothers, you know. Besides, tumatabi naman


siya sa isa sa mga seven wives niya.” Tinungga niya iyong bote ng
wine na hawak niya. “Kapag hindi siya nakainom, ako ang katabi
niya. Pero kapag nakainom siya, asawa niya ang katabi niya.”

Really? Kailangan ba talaga lasing siya bago niya tabihan ang isa
sa mga asawa niya. Pero bakit nang tumabi siya sa akin ay hindi
naman siya lasing?

“Tell me… May trauma ba si Panther? Bakit hindi siya


nakakatulog nang walang katabi?”
Duling na si Dr. Fetus nang magsalita. “You don’t know?”

Umiling ako. “Kaya nga tinatanong ko.”

“Secret.” Humalakhak siya.

“Parang gago naman ‘to.” Binuhat ko siya at iniupo sa upuan


niya. “Kapag sinabi mo sa akin, dadalhan ulit kita bukas ng wine.”

“Really?”

“Oo nga. Ano, deal?”

Sasamantalahin ko na ang kalasingan niya. Sigurado namang


hindi magsisinungaling ang isang lasing.

“Well, when Master Panther was still a child… her mother asked
him to go to her room,” salaysay ni Dr. Fetus.

“And then?”

“Master Panther was happy because it was the first time his
mother asked for him. Kahit pa matured na ang isipan niya kaysa sa
ibang kaedad niya, he was still very young at that time. Isang bata
na sabik sa atensyon. Ang buong akala niya nang gabing iyon ay
makakatabi niya sa pagtulog ang kanyang ina.”

Nabanggit sa akin ni Panther noong nagdedeliryo siya sa walk-in


freezer na hindi siya minahal ng kanyang ina kahit kailan.
“While Master Panther’s mother was hugging him, she spoke to
him as if they had been talking for a long time. It was a sweet night
for a mother and child. Master could still remember how loving his
mother was that night. He was too happy and too young to notice
that something was off.”

Napahugot ako ng paghinga dahil sa bumundol sa akin na kaba.

Biglang bumalatay sa mukha ni Dr. Fetus ang lungkot. “When


Master Panther woke up the next morning, the mother he was
hugging beside him was already a corpse. She killed herself that
very night. Hinintay lang pala siya nito na makatulog siya muna.”

Napatigagal ako.

“Hinding-hindi niya makakalimutan ang una’t huling


pakiramdam nang makatabi niya sa pagtulog ang kanyang ina.
Hindi niya makakalimutan ang nakita niyang itsura nito na duguan
at walang buhay habang yakap-yakap niya.”

Muntik akong gumewang sa pagkakatayo dahil biglang nawalan


ng lakas ang aking mga tuhod.

“Macey, it was a traumatizing scene that destroyed Master


Panther.” Nabasag ang tinig ni Dr. Fetus. “And since then… he has
not been able to sleep alone.”
LEVEL 22

PANTHER’S LIFE HAD NOT BEEN EASY.

May mas malalim pa palang pinanggalingan ang pagkatao niya.


Akala ko malala na ang mga nauna niyang nasabi sa akin noon, may
mas madilim na kuwento pa palang nakatago sa likod ng mga iyon.

Aside from Panther’s losing his two siblings; his baby sister who
was barely one-year-old had gone missing and his younger brother
became estranged from him, his mother committed suicide right
next to him. How traumatizing was that experience for a child?

But despite being too young for all the trauma and pain,
Panther did not crumble.

Howbeit, many had tried to take advantage of the youngest


billionaire of the century but they did not succeed. The genius boy
managed to handle all of his business opponents. The society
admired him, and at the age of 11, he was named as the little shark
in the business world.
Napahawak ako sa aking ulo. Oh deary me! Ano ba itong
nangyayari sa akin? Walang ibang laman ang isip ko kundi si
Panther.

Hangang-hanga ako sa kanya ngayon na kulang na lang ay


patayuan ko siya ng rebulto sa Monumento, pero kahapon lang ay
gusto ko siyang ipa-salvage at ihagis sa bunganga ng bulkang
Mayon.

Pagdating ko sa Red Chamber ay nandoon na ang lahat ng


wives. Lahat sila ay ayos na ayos na para bang naghihintay ng
escort nila sa prom night. Nakasuot silang lahat ng red dress. Bukod
sa make up nila at hairstyle na professional beautician ang may
gawa, umaalingasaw rin ang mamahalin nilang pabango. Halatang-
halata na pinaghandaan nila ang araw na ito.

Naka-red din ako, pero malaking longsleeve ang suot ko. Sa


pang-ibaba ko ay red pajama at red indoor slippers. Nabasa ko kasi
sa Red Book na dapat ay naka-red kaming lahat sa araw na ito.
Hindi naman binanggit doon na required magpaayos at
magpaganda. Ang importante, naligo at nag-toothbrush ako bago
pumunta rito.

Lahat ng wives ay may dalang luggage. According to the rules,


kung sino ang mabubunot na pangalan ni Panther ay makakasama
niya ng pitong araw. Siguro ang gagawin nila sa loob ng mga araw
na iyon ay mag-wrestling sa kama.

Anyway, wala akong dalang luggage. Confident kasi ako na hindi


mabubunot ang pangalan ko.
Humakbang na ako palapit. Sinimangutan ako ni Olly nang
makita niya ako. Bahagya pa siyang lumayo na para bang may sakit
ako na nakakahawa. Tinaasan naman ako ng kilay ni Maricel
habang ang katabi nitong si Nikita ay forever poker-faced na yata.

Si Morga ay malayo sa amin na parang may sariling mundo.


Kinakausap siya ni Olly pero hindi nito pinapansin ang babae.

Malapit na ako sa kanila nang salubungin ako ng nakayukong si


Giana. Maingat na kinuha ng babae ang kamay ko. “Macey, sorry
kung umiwas ako sa `yo. Natatakot kasi ako e…” mahina at may
nginig ang tinig na sabi niya.

Marahang tinapik ko ang balikat niya. “Naiintindihan ko naman.


Saka dapat lumalayo ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Puwede ka
pa ring madamay kapag dumikit-dikit ka sa akin. Red light pa rin
ang wristband ko.”

“It’s fine.” Narinig ko ang tinig ni Debi. Paglingon ko sa gilid ay


palapit din ang babae sa akin. Isang tipid na ngiti ang nasa kanyang
mga labi. “Today is the Lucky Red Draw, walang magaganap na
pambu-bully ngayon sa `yo.”

Napangiti na ako. “I miss you, girls…”

Ngumiti rin sila sa akin. Magyayakapan pa sana kami nang may


matanaw na matangkad na lalaking papunta rito sa Red Chamber.
Napasinghap ang mga wives, kasama sina Debi at Giana.
Si Maricel ay dumi-quatro sa pagkakaupo na akala mo model ng
sofa. Ang poker-faced na si Nikita ay biglang nagkaroon ng maliit na
ngiti sa mga labi. Si Morga na walang pakialam sa mundo kanina ay
ngayo’y nagmukhang friendly ang itsura, at si Olly ay
nagmamadaling naglagay ng blush on sa magkabilang pisngi.

Sina Debi at Giana ay bumalik sa upuan nila at nagkanya-


kanyang hagod ng mga buhok gamit ang mga daliri.

Ang lalaking dahilan ng pagbabago ng atmosphere ay pumasok


na sa entrance ng Red Chamber. Pakiramdam ko ay huminto ang
aking paghinga dahil sa presensiya niya.

Nakasuot ng kulay pulang long sleeved buttoned-down polo ang


lalaki. Jeans sa ibaba at itim na sapatos. Magulo ang kanyang buhok
at tila inaantok pa ang kulay abong mga mata. Mabango ang lalaki
na hindi ko sigurado kung dahil sa mamahaling men’s cologne o
pawis lang niya.

Lumapit sa akin si Panther kaya napatingala ako sa kanya.


Nakasimangot ang guwapong mukha niya. Wala siyang kaalam-
alam na ang lakas ngayon ng kabog ng dibdib ko. Hindi niya alam na
siya ang naging laman ng isip ko mula nang malaman ko ang lahat
ng pinagdaanan niya.

Matapos akong simangutan ay nilampasan niya ako. Dumiretso


siya kay Debi at yumuko sa babae. Hinagkan niya ito sa pisngi.
“`Morning, gorgeous,” he greeted her.
Matamis na ngumiti naman si Debi. Pinamulahan ito ng mukha.
“Good morning…”

Parang may sumipa sa dibdib ko habang mukha akong tuod dito


na nakamasid.

Hindi natapos kay Debi ang paglapit ni Panther. Hinagkan niya


rin si Giana sa pingi at binati ito. Ganoon din ang ginawa niya kina
Maricel, Nikita, Morga, at maging kay Olly. Sa akin lang siya bukod
tanging hindi humalik at bumati.

Matapos batiin ang lahat maliban sa akin ay ipinitik niya ang


mahahabang daliri sa ere. Mula sa entrance ng Red Chamber ay
pumasok ang naka-all red tux na si Dr. Fetus. Ang maliit na
matanda ay may bitbit na draw container kung saan naroroon ang
pangalan naming 7 Wives.

“Are you ready to be with Master Panther, ladies?” nakangiting


bati ni Dr. Fetus sa lahat.

Tumungtong siya sa upuan na nasa gitna at pagkatapos ay


inalog niya na ang draw container para mag-jumble ang mga
pangalan na nasa loob niyon.

Nang huminto sa pag-alog ng draw container si Dr. Fetus ay


nilapitan siya ni Panther. Bumunot na ang lalaki mula sa mga
nakatuping papel sa loob. Lahat ng wives ay mga hindi na
humihinga sa kaba, sa pagkakataong ito ay parang kasali yata ako
sa kanila.
Kahit confident ako na hindi ako mabubunot ay kinakabahan pa
rin ako. Kahit alam kong malas ako sa mga draw, may isang parte
ko ang natetensyon sa mga sandaling ito.

Binuklat na ni Panther ang nakatuping papel. Nang mabasa niya


roon ang nakasulat ay nakapagtataka na umalon ang kanyang
lalamunan.

Ang mga wives ay hindi na maipinta sa nerbiyos ang mga


pagmumukha. Lahat sila ay balisa at hindi na makapaghintay na
malaman kung kaninong pangalan ang pinalad na nabunot mula sa
draw container.

Nakasimangot si Panther nang iabot niya ang papel kay Dr.


Fetus.

Nang matanggap ang papel ay namilog din ang mga mata ni Dr.
Fetus. “Ehem, please step forward…” Kandalunok ito bago
nagpatuloy sa pagsasalita. “Wife Macey Ela Sandoval-Foresteir!”

Muntik na akong mapaupo sa sahig dahil sa gulat. Just what the


heck?!

~~~~~~~~
THIS COULDN’T BE HAPPENING!

Bakit bigla akong sinuwerte sa draw? Anong biro ito? Kahit si


Panther ay nayanig nang makita na ako ang nabunot niya. Kung
puwede lang sana ang re-draw ay baka ginawa niya na, but the
draw was being monitored by the system of Red Marshal.

Pero hindi ko talaga matanggap na ako ang sinuwerte—I meant,


minalas na mapili. Bukod sa nakamamatay ang titig sa akin ng ibang
wives ay nakamamatay rin ang idea na kailangan kong mag-stay sa
chamber ni Panther for 7 days!

Saka, may mangyayari sa amin? Hindi ko kaya maski isipin! Hindi


pa ako handang isuko ang Bataan o kahit nga trip to CALABARZON
o MIMAROPA ay hindi ko pa kaya!

Kaya lang ano ang magagawa ko? Nakasulat sa mga dokumento


na basta ko na lang dating pinirmahan na bawal tumanggi sa
kalalabasan ng Lucky Red Draw. Pero puwede namang tumanggi
kung may pangbayad ako na 7 billion dollars, kaya lang wala ako
niyon.

At dahil wala akong 7 billion dollars ay naririto ako ngayon sa


tapat ng pinto ni Panther na tinatawag na ‘The Master’s Chamber’.
Isa itong suite na nasa kadulu-duluhan ng 7th floor of the Red
Mansion.
Nag-alangan pa akong pumasok sa chamber ni Panther dahil
alam ko namang hate niya ako, pero ano? Pareho naman kaming
no choice rito.

Sa huli ay humakbang din ako papasok at agad na napalingap sa


paligid. Nagningning ang mga mata ko sa pagkamangha. Wow! Ito
ba talaga ang sinasabi na place niya? This was a paradise!

This place was like an entire grand hall than just a big room.
Puro salamin ang mga dingding at kitang-kita mula roon ang labas
kung saanmatatanaw ang mga bituin sa kalangitan at ang malawak
na karagatan na kinatutungtungan ng isla kung saan nakatayo itong
Red Mansion.

Ang napakalaking kama naman ni Panther na dinaig ang


California King bed, ay nasa gitna nakadeposito. Napapaligiran ito
ng pool na kung gusto mong puntahan ay kakailanganin mong
tumawid sa isang glass bridge.

Ang mga furnitures sa paligid ay hindi rin basta-basta. Parang


lahat ay onting hawak mo lang ay mababasag agad. Lahat ‘fragile’
kumbaga. Maski nga iyong mga halaman at bulaklak na nasa gilid-
gilid na nagsisilbing mini forest ay parang hindi mo puwedeng
hawakan na lang pag napag-trip-an mo, parang kailangan mo
munang dasalan para hindi malanta.

Hindi rin nagpapahuli ang mga high-tech appliances and tools.


Ang TV ay nasa gawing dulo at OA mang sabihin pero truth be told,
kasinglaki talaga iyon ng screen sa mga sinehan sa mall. Ang aircon
niya ay nakadikit sa mataas na ceiling. Ang chandelier sa gitna ay
tila gawa sa maliliit na diyamante. Amazing! Mayaman naman kami
pero wala kaming ganito.

Umiikot ang aking paningin sa paligid nang mapatingin ako sa


bilog na vaccum na nasa sahig. Hindi lang iisa iyong bilog na vaccum
dahil may nakita pa ako na dalawang pagala-gala. Meron ding mga
lima sigurong drone na lumilipad sa paligid para mag-purify ng
hangin.

Ang galing ng utak ng nakaisip nito, parang ginawa ang buong


kuwarto para lang magpahanga ng tao. Kahit ako nga na sanay
namang mapadpad sa kung saan-saan ay hangang-hanga ngayon
dito.

Sa right side ng kama ay meron doong mini bar, doon nagpunta


si Panther. Kumuha siya ng wine at nagsalin sa kanyang wine glass.
“Maroon?” kaswal na sambit niya.

Biglang may nagsalita sa paligid na robotic voice ng isang babae.


[ Yes, Master Panther. What can I do for you? ]

“Turn on the lights, please.”

[ Turning on the lights, Master Panther. ] Pagkatapos ay


nagliwanag ang paligid.

“Thank you, Maroon.”

Whoa! So, Maroon was a virtual assistant technology that


controlled a smart home or place. She was like Alexa of Amazon!
Napatitig sa akin si Panther habang sinisimsim ang wine glass na
hawak niya. Nagmistulan lang akong isang maamong tupa sa
harapan niya. Alam ko naman kasi na galit siya sa akin dahil sa
masasama kong sinabi.

Haist, paano ba ako magso-sorry?

Hinusgahan ko siya at sinabihang masama ang ugali niya. Nilait


ko siya na para bang kilala ko na ang buong pagkatao niya.
Pinagbintangan ko siya at inakusahang masamang tao. Nabato ko
pa siya ng tsinelas sa batok.

Sa lahat ng nagawa ko sa kanya, hindi siya gumanti sa akin o


sumagot ng kahit anong salita. Hinayaan niya lang ako na husgahan
siya. Nagi-guilty ako kapag naaalala ko iyong mga nasabi ko sa
kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako lang iyong nagmukhang
tanga sa harapan niya.

“Mahiga ka na.” Itinuro niya ang kama.

Napakurap ako bigla. “Ha? Higa?”

“I will just take a shower,” kalmadong sabi niya. Tinalikuran niya


ako na bitbit ang isang kulay pulang roba.

“W-wait!”

Humarap siya sa akin na nakataas ang isang kilay.


“Uhm… M-masakit ba?”

Nangunot ang makinis niyang noo. “What?”

“Iyong ano…” Nanulis ang nguso ko. “B-baka kasi hindi kasya…”

Pati ang mga kilay niya ay halos magbuhol na. “What the
freaking hell are you talking about?”

“E, kasi ano…” Napakamot ako ng ulo. “Panther, virgin pa ako...”

“Seriously?!” bulalas niya na nawala na ang hinahon. Kung may


laman siguro ang bibig niya ay baka naibuga na niya. Nanlalaki ang
kulay abo niyang mga mata.

Bakit hindi siya makapaniwala? Kapal ng mukha!

Napahaplos siya sa kanyang buhok. Napaubo siya at sandaling


nag-iwas ng paningin. “Y-you mean, you never had a boyfriend?”

Umiling ako. Maliban nang maging jowa ko siya ng mga bata pa


kami ay hindi naman na ako nagka-jowa pa.

Tumikhim si Panther at namumula ang tainga nang muling


magsalita. “Well, I should prepare my medic kit then.”

Ako naman ang pinanlakihan ng mata. “B-bakit?”

“You’ll bleed, of course.”


Ramdam ko ang aking pamumutla dahil sa sinabi niya.
“Sisipingan mo ba ako o papatayin? Iyong totoo!”

“Didn't you do some research before you came here?” Nayamot


na siya sa akin.

Pilit kong pinakalma ang aking sarili dahil baka siya ang bigla
kong mapatay. “Uhm, please let me prepare myself first.”

“I’ll just take a shower.” Pagkasabi ay nagtungo na siya sa


shower room.

Habang ako naman ay parang biglang nanlambot. Kaya ko ba


‘to?

Naglakbay na agad ang diwa ko. Panther was a tall and well-
built man. What should I expect, right? Baka hindi na ako makatayo
pagkatapos namin.

Halos pagapang na ako bago nakalapit sa kama. Umupo muna


ako sa edge nito para magpahimasmas. Kinakabahan ako. Hindi ko
pa itonai-imagine. Kahit pa alam kong balang-araw ay
magkakaasawa ako, hindi pa rin ito pumasok sa isip ko. And now, it
was going to happen. I was going to die!

What should I do? Mukhang wala na akong kawala, yari ako


nito. Humiga ako sa kama. Puwede kayang magpanggap na lang
akong tulog?
Mga ilang minutoang lumipas nang lumabas si Panther mula sa
shower room. Narinig ko ang mga yabag niya na papalapit sa akin.

Okay, kunwari ay tulog ako.

What was that scent? Ang bango!

Hindi ako nakatiis na idilat ang isang mata ko. He was there
standing, a few steps away from me. Parang biglang may tumugtog
sa utak ko. Naging slow motion din ang pagalaw ng paligid. What
the hell was happening?

Panther was half-naked with only his bath towel around his
strong-looking waist. I could almost see everything! His broad
shoulders, wide, hard chest, eight-pack abs, and even his V-line! It
didn’t help either that his hair was wet and droplets of water from
it were dripping onto his flawless skin like small diamonds. He was
literally sparkling in my eyes, dang it!

No, I will not be seduced!

Nang kumilos siya ay talagang parang napakabagal ng dating sa


akin. Pati iyong pagkurap niya, slow motion. Just like in a movie.

Nang dumako ang mga mata ko sa mapulang mga labi niya na


bahagya ring basa ay lalo akong nabuwiset. Just why the heck his
lips looked so soft and inviting?

“I know you’re not asleep,” sabi niya na nagpapitlag sa akin.


Bumangon ako at um-acting na naghihikab. “A-anong oras na?”
Kinusot ko pa ang aking mata. “Umaga na ba?”

Inilapag ni Panther sa kama ang isang medic kit, hindi niya


pinansin ang sinabi ko. “Ready?”

Napadilat ang aking naniningkit na mga mata. “Hoy, anong


ready?!”

“What?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Anything you want to do?


Bago ang sakuna.”

At nanakot pa nga!

Inirapan ko siya.

“Just try to relax.”

“Paano nga ba mag-relax ang first time?” sarcastic kong sabi sa


kanya.

“Don’t worry too much. You’re in good hands.”

Ilang babae na nga ba ang naikama niya? Of course, this was


nothing to him. He would not understand me.

“Chill, Macey.” Naupo siya sa kama at humarap sa TV na nasa


wall. “Let’s watch some movies first.” Tinawag niya ulit ang Alexa
niya. “Maroon, turn on the TV.”
[ Turning on the TV, ] sagot ni Maroon.

Nagliwanag ang wide screen ng TV at bumungad sa amin ang


isang porn video. Muntik na akong malaglag sa kama pagkakita rito.

Pulang-pula naman ang mukha ni Panther nang agad na muling


mag-utos. “M-Maroon, turn to the other channel! Now!”

[ Turning to the other channel, ] tugon ni Maroon.

Lumipat ng channel ang TV sa isang movie. Nang tingnan ko si


Panther ang ang likot ng mga mata niya. Bakit kaya nasa porn ang
unang channel ng TV niya kanina?

Mayamaya ay naghalikan iyong couple sa pinapanood namin na


movie.

[ Hmmmm… ] sabi nong bidang guy.

[ Ah, you’re so good… hmmm… ] sabi naman nong bidang girl


na marupok. Hindi pa kalahati ang movie, nagpahalik agad.

“I-it’s a romantic movie that’s why it has kissing scenes...”


kandautal na paliwanag ni Panther kahit hindi ko naman
tinatanong. “It’s not a porn...”

Tumango lang ako.


Napasarap naman sa paghahalikan iyong mga bida sa
pinapanood namin. Then, ilang sandali lang ay hinubaran na ng guy
iyong girl sa pinapanood namin.

“Okay, Maroon! Turn to other channel again!” nagmamadali na


namang utos niya.

[ Turning to the other channel, ] tugon muli ni Maroon.

Bago pa malipat ang channel ay dumagan na iyong guy sa girl.


Bigla akong pinagpawisan kahit malamig naman ang paligid.

Lumipat ang palabas sa isang animal channel. May unggoy na


kumakain ng saging. Pero bigla itong inagawan ng kasama niyang
unggoy. Nag-wrestling sila at ang away nila ay nauwi sa lampungan.

“Maroon, turn to the other channel again!” mabilis na utos ni


Panther.

[ Turning to the other channel. Again! ] muling sagot ni Maroon


na ewan ko kung bakit tunog sarcastic at pagod na. Attitude!

Nalipat ng channel at napunta sa cartoons.

“It’s a shounen anime, it’s more on action,” ani Panther kahit


wala namang nagtatanong.

Pero mayamaya lang ay pagkatapos magbugbugan ng dalawang


characters ay napahiga iyong girl na mala-melon ang laki ng boobs.
Umangat ang maiksi nitong skirt dahilan para lumitaw ang kulay
puting undies. Dinaganan agad ito ng guy na character.

“Oh, it’s needed in the plot, I guess,” pagtatanggol pa ni Panther


na hindi malaman kung ano ang ipinaglalaban.

Mayamaya lang ay naghahalikan na ang mga characters, with


matching saliva sa screen, at may pa-sounds pa.

Hindi na pinatapos ni Panther. Napasigaw na siya agad.


“Maroon, turn the TV off!”

[ Turning off the TV. ] Sumunod naman agad si Maroon.

Kapwa kami hindi makatingin ni Panther sa isa’t isa.

“Ahem.” Tumikhim ako. “I-I think I’m ready.” Napapikit ako.

Gusto ko na lang matapos ito.

Sorry, Mommy and Daddy! Pagkatapos nito, hindi na ako baby!

“W-well, I think we should start with a kiss,” suggestion ni


Panther.

“O-okay.”

Okay na iyong mag-kiss muna kami since nahalikan naman na


niya ako dati, hindi na ito mahirap sa akin. Humarap ako sa kanya
nang lumapit siya sa akin. Dahan-dahan niyang inilapit sa akin ang
kanyang mukha.

Ah, his aftershave smelled wonderful.

Nang malapit na ang labi niya sa mga labi ko ay bigla siyang


napahinto. Nakatitig siya sa mga mata ko.

“M-may problema?” tanong ko.

“Are we going to kiss with your eyes wide open?”

“A-ano ba dapat?”

“Baka gusto mong pumikit? I can’t concentrate.”

“A-all right.” Pumikit ako.

Sandali lang ay naramdaman ko na ang mainit niyang hininga na


tumama sa akin mukha. Hanggang sa naramdaman ko ang kanyang
malambot at mainit na mga labi na marahang dumampi sa akin.

Nanigas ang katawan ko at hindi na ako nakakilos. Ang lakas ng


tibok ng puso ko nang tuluyan na niyang masakop ang aking mga
labi. Hindi ito ang una pero pareho pa rin ang epekto, o mas malala
pa nga siguro. Libu-libong kuryente ang hatid sa akin ng paghalik
niya.

Lumipas ang mga segundo at hindi na siya kontento. His kisses


turned deep and dominating. I knew that the moment I returned
his kisses, there was no stopping him. And when his tongue
entered my mouth, I welcomed the exploration of it.

Pareho kaming kinakapos sa paghinga ng saglit na maghiwalay


para suminghap ng hangin.

“How was it?” may paghingal na tanong niya. Nagliliyab na


ngayon ang kulay abo niyang mga mata.

“I-it was good…” and hot.

“Well, consider yourself lucky, Macey. You know, I don’t kiss a


lot of people…”

“W-what?” Naguguluhan ako sa sinabi niya. Ang ibig ba niyang


sabihin ay ako lang ang hinalikan—

Nahinto ako sa pag-iisip nang muli niya nang angkinin ang aking
mga labi. Sa pagkakataong ito ay mas mapusok siya. The kiss lasted
for I couldn’t remember how long. Pakiramdam ko ay namamaga
ang mga labi ko nang tigilan niya ang mga ito. Hindi ko pa nababawi
ang aking paghinga nang bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.
Nawindang ako sa sensasyon.

Marahang humagod ang kanyang labi sa aking balat at


naramdaman ko rin ang basa niyang dila. Hindi ako makapaniwala
at hindi ko ring magawang gumawa ng kahit anong aksyon para
pigilan siya. Nang magsimulang maglakbay ang mainit niyang mga
palad sa akin ay nilusob ako ng kakaibang init. Napaungol ako.
Gently, Panther scooped me with his hard arms and carried me
to the middle of the bed. Sa mga sumunod na sandali ay natagpuan
ko na lang ang aking sarili na nakahiga na sa kama at nasa ibabaw
ko siya.

Wala na ang tuwalya na tumatakip sa ibabang bahagi ng


katawan niya at wala na rin ang suot kong roba. Kung sino ang
naunang maghubad o sino ang nanghubad ay hindi na namin alam.
He groaned softly when he found my breasts. I moaned like a hot-
blooded woman when he started sucking one of my taut buds.

“I didn’t know that your moans are sexy, Macey…” anas niya
habang patuloy sa paghaplos sa kahubaran ko ang mainit na mga
palad niya.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi na umayos pa ang


aking paghinga dahil sa sumunod na ginawa niya. Nang magsawa
na siya sa magkabilang dibdib ko ay dumausdos pababa ang mga
labi niya. Before I realized what he was going to do, he already
went down on me.

“Ahhhmn, Panther!” sabay ang hingal at ungol ko nang


maramdaman ang mainit niyang hininga roon.

“Your twitching down here…”

When he started kissing my sensitive flesh I could hardly


recognize my own moans. I shamelessly surrendered to the spine-
tingling sensation that he was making me feel.
He inserted one of his long fingers inside which cause me to
forget everything, except him. Salitan ang dila at daliri niya
hanggang sa ang daliri niya na lang matira. Umahon siya at mainit
ang kulay abong mga mata na pinanood ang aking reaksyon.

Gustuhin ko mang umiwas ay hindi ko na magawa. Blangko na


ang isip ko at ang nakakaliyong sarap na lang ang kaya ko ngayong
maramdaman. Namimigat ang aking mga mata habang lumalabas
ang emosyon ko sa nakaawang kong mga labi.

“Do you like this?” paos na tanong ni Panther sa akin.

Hindi ko siya magawang sagutin dahil hibang na ako. Two of his


long fingers were now working inside me. He didn’t stop until I was
soaking wet between my legs.

“I need to do this to make you ready.” Nang hugutin niya ang


mga daliri ay tinikman niya ito. Kung ibang pagkakataon siguro ay
magagalit ako at sisigawan siya, pero ngayon ay wala akong lakas.
Wala rin dahilan para magalit ako.

When Panther knelt in front of me, my breathing literally


stopped. This was the first time I had personally seen a man’s penis
this close. And dang it! His was freaking long and thick!

Ang unang klaradong tanong na pumasok sa isip ko ay, ‘Would it


fit me?’

Nag-iinit ang aking pisngi nang simulan niya iyong hagurin ng


kanyang kamay. Lalo pa iyong na-adjust at mas humaba. Nang
magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang pagsungaw ng
pagmamalaki roon. “May I come in?”

Nang pupuwesto na siya sa ibabaw ko ay inipikit ko ang aking


mga mata. Hibang man ako ay alam ko pa rin na masakit ang una.
He held my legs to spread them wider apart, and then I felt our
bodies joining. It was so painful like I was being torn into two that I
almost scream.

“Try to relax.”

He started moving slowly but it didn’t help. He was too huge for
me and I could no longer hide my pain.

“Should I stop?” paos at humihingal na tanong niya. “Or should I


keep going?”

Panther was asking if he should stop, but his thing was growing
and hardening more inside me. Ano na lang ang gagawin niya kung
talagang patitigilin ko siya?

Kahit nasasaktan ay sinalubong ko ang nagbabagang mga mata


niya. “If you’re gonna stop, why even start?”

Pero nagkamali yata ako sa pagmamatapang.

Panther was stunned for a moment by what I said, but after


that, his lips grinned. “Then, give me permission to go deep inside
you.”
LEVEL 23

I WAS SPENT THE WHOLE NIGHT.

Hindi lang pala ako basta pagod, pakiramdam ko ay galing ako


sa pagma-mountain climbing at ang inakyat ko lang naman na
bundok ay Mt. Everest at Mt. Fugi nang magkasunod. Hindi ko na
namalayan ang nangyari pagkatapos. Ang natatandaan ko na lang
ay may nagpupunas ng malamig na towel sa katawan ko.

Naalimpungatan ako ngayon sa pakiramdam na may


humahaplos sa aking pisngi. Nang dumilat ang aking isang mata ay
napabalikwas si Panther at agad na lumayo sa akin.

Napasimangot siya bigla. “Wake up, woman. Tanghali na.”


Nakatingin lang naman ako sa kanya. Loose shirt na stripes ang
suot niya at pajama. Magulo ang buhok na halatang kagigising lang
din.

“A-anong oras na?”

Lalo siyang sumimangot. “I think it’s already eleven in the


morning.”

Tinanghali na pala talaga ako ng gising. Bumaba ang paningin ko


sa makinis na leeg ni Panther. Kapansin-pansin ang pamumula ng
balat niya at meron din doong mga bakat ng kuko. Sa kamay niya
ay merong ding tila kalmot.

Pinaningkitan niya ako ng kulay abo niyang mga mata.


Napanganga ako bigla nang maalala na may nangyari palang
kahalayan kagabi sa pagitan namin. Shoot! We really did the deed!

While we’re making love, he asked me if he should stop, but I


told him to continue. My first time was very painful, but I wanted
to finish the deed with him. Nakita ko kung gaano niya kagusto ang
nangyayari at kung paano siya mahihirapan kung patitigilin ko siya,
kaya tiniis ko na lang kahit masakit.

Nakakabigla talaga kasi hindi ko na-imagine kahit kailan na may


mangyayaring ganoon sa amin. Pero palaban ang sampung
malanding demonyita na sumapi yata sa akin kagabi.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya. “S-sorry.”


Babangon sana ako para pumunta sa banyo, dahil balak ko na
mag-camping muna roon, ang kaso, nang tangkain kong tumayo ay
kumirot ang nasa pagitan ng mga hita ko.

“You should stay in bed,” awat niya sa akin.

Pati ang katawan ko ay masakit. Lalo na iyong bandang likod.


Wala naman akong ginawa kundi ang humiga nang may nangyari sa
amin, pero bakit nagkikirutan ang mga joints ko? Pakiramdam ko ay
ginulpi ako. Para akong lalagnatin.

“Just rest. Breakfast is on the way.”

Napaangat ako ng mukha nang marinig ko ang breakfast.


Kasabay nito ang pagtunog ng aking tiyan. Nakakagutom kasi ang
ginawa namin kagabi kaya talagang hindi ko tatanggihan ang
breakfast na `yan.

Nag-ring ang cellphone niya na nasa bedside table. Kinuha niya


iyon. “I have to take this call,” aniya pagkatingin sa screen nito.
“Stay here,” paalala niya sa akin bago siya tumayo.

Bumalik naman ako sa pagkakahiga habang yapos ang unan na


nadampot ko sa tabi. Unan niya yata ito kasi amoy Panther
Foresteir.

Nang wala na si Panther ay tumulala ako sa kisame.


Napabuntong-hininga ako matapos magnilay-nilay. Hindi na ako
virgin, so sad.
Nahukay na ang iniingatan kong treasure, pero wala akong
pinagsisisihan. Kusa ko iyong ibinigay kay Panther dahil ginusto ko.

Napakurap ako nang biglang may maisip. May nangyari sa amin


ni Panther at ganado siya habang nagtatanim, so posibleng may
magbunga?!

Napabalikwas tuloy ulit ako ng bangon kahit masakit pa.


Nagkandamura na lang ako nang magkirutan ang mga buto ko sa
balakang. Hindi ko magawang indahin ang sakit dahil bigla akong
namroblema. Paano nga kung mabuntis niya ako? Paano ko iyon
ipapaliwanag sa mommy at daddy ko?!

Shoot talaga! Bakit hindi ko naisip ito nang matikman ko ang


matamis na halik ni Panther?

Tumunog ang elevator. That must be the food! Okay, later na


ako mamomroblema.

Maingat akong bumaba mula sa kama at nagsuot ng roba. Iyong


kulay pulang mansta sa mattress ng kama ay tinakpan ko ng unan
at pagkatapos ay iika-ika akong naglakad papunta sa pinto ng
elevator. Inutusan ko ang virtual assistant ni Panther na si Maroon
para buksan ang elevator, nakakatuwa dahil sumunod ito sa akin.
Siguro na-set na iyon ni Panther since umalis siya para sumagot ng
isang phone call kanina.

Naglaway ako nang makita ang food tray cart na tulak-tulak ng


matangkad na lalaking staff na naka-all red suit at red mask.
Mabango ang lalaki pero mas mabango ang nasa loob ng mga
nakatakip na pagkain.

Binuksan ko agad angunang takip na nasa aking harapan. Isang


matambok na nakatuwad na manok ang aking nakita. Pinindot ko
iyon. Oh, was this a turkey? A turkey for breakfast? What a lucky
morning!

Itinuro ko ang daan sa staff dahil may iba pang pagkain sa tray.
Hindi ko kaya iyon basta na lang pagkukuhain mag-isa kaya
pinapasok ko na ang lalaking staff. “This way please.” Nagpatiuna
ako.

Hahakbang pa lang ako nang hulihin ng lalaking staff na ang


aking kaliwang pulso. “Are you all right?” his voice was a familiar
deep baritone.

Gulat na napalingon naman ako sa kanya. Nang tingalain ko siya


ay nasalo ko ang kanyang malamlam na mga mata. Napanganga
ako nang makilala siya. “Light?!”

Hindi ko agad siya nakilala dahil may suot siyang maskara saka
mas natutok ang atensyon ko sa pagkain kanina. But what was he
doing here? He was a protector not a food staff.

“Did he hurt you?” paos ang kanyang malamig na tinig.

Sigurado akong si Panther ang tinutukoy niya.


His grip on my wrist tightened. “I sneaked in to see if you’re all
right. Did he hurt you?”

Umiling ako. “H-hindi naman.”

Actually, oo pala, kagabi. Pero ‘di lang naman sakit ang ibinigay
ng lalaking iyon sa akin. But of course, I would not tell Light about
it. Censored iyon!

“Macey, Panther Foresteir is the most dangerous person around


when red is the color of your wristband. He can do all the
punishment to you and you are not allowed to complain.”

Hindi ko napigilan ang aking pagngiti habang nakatingala sa


kanya. Natutuwa ako sa kanya dahil bilang isang protector ko ay
nararamdaman ko ang labis niyang pag-aalala para sa akin.

Gumuhit naman ang kalituhan sa kanyang magandang mga


mata. “W-what’s funny?”

Umiling ako. Itinaas ko ang aking kamay para tapikin siya sa


kanyang makinis na pisngi. “I’m fine, Light. Please, don’t worry
about me.”

Nang maalala ang sitwasyon ay naitulak ko si Light. Nag-aalala


ako na baka biglang dumating si Panther at maabutan siya. Bawal
at labag sa rules ang ginagawa niya, puwede siyang maparusahan
nang matindi. Hindi lang siya kay Panther mayayari, kundi pati na
rin sa Red Marshal.
Itinulak ko siya pabalik sa elevator. “Light, hindi ka dapat
nandito.”

“No,” matigas ang tinig na sagot niya. Hinuli niya muli ang aking
kaliwang pulso. “I'm here to get you out of this place.”

Nangunot ang noo ko at napatigil. “A-ano?”

“Come with me, Macey.”

“Seryoso ka?” gilalas na tanong ko. Dahil hindi niya ba naiisip


ang consequences ng hakbang na gusto niyang gawin?

“Dead serious. Come with me and I’ll take you out of this place.”

Narinig ko ang tinig ni Panther mula sa hallway na nasa bandang


kaliwa. May kausap pa rin sa phone. Natakot ako na magpang-abot
silang dalawa. Sa pagpa-panic ko ay nakalimutan ko nang masakit
pa ang aking katawan. Nahila ko si Light papunta sa shower room.
Ang balak ko ay ang lalaki lang ang papapasukin, subalit hawak pa
rin niya nang mahigpit ang aking pulso. Nanlaki ang mga mata ko
dahil pati ako ay napapasok sa loob ng banyo.

“Oh, shoot!” Wala na akong pagpipilian kundi i-lock ang pinto.

“Why do we need to hide from him?” bulong ni Light sa akin.

Gigil na tiningala ko siya. “Baka magkainitan na naman kayo!”

Tumiim lang ang mapula niyang mga labi.


“Kapag nakita ka niya, ire-report ka niya sa Red Marshall. Gusto
mo bang magkaroon ng punishment?”

Itinuro niya ang suot na pulang maskara. “He won’t know that
it’s me.”

“As if!” Inirapan ko siya. “Shh… `Wag ka na lang maingay!”


Piniga ko ang utak ko para makaisip ng paraan kung paano
makakalusot sa gusot na ito.

Nahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ng mga yabag na


papalapit dito sa shower room. Pinagpawisan ako nang malapot sa
matinding kaba.

“Macey?” malagom ang tinig na aking narinig mula sa labas.


Alam ko na nakatayo na ngayon si Panther sa tapat mismo ng pinto
ng shower room.

“Y-yes?” Sinikap kong pawiin ang kaba pero nautal pa rin nang
magsalita.

Walang sagot si Panther. Dumaan ang ilang segundo na


kabadong-kabado na ako. Oh, please, please, sana hindi niya
malaman na may—

And then I heard Panther’s cold voice again. “Macey, who’s


there with you?”
WHO’S THERE WITH YOU?

Pati yata kili-kili ko sa loob ng roba ay basa na dahil sa matinding


kaba. Shoot! Paano nalaman ni Panther na may kasama ako?!

“W-wala akong kasama!” maagap na utal kong sabi. Nakagat ko


ang aking dila dahil sa pagsisinungaling.

Oh, dang it! What should I do? Pagtingala ko kay Light na nasa
aking tabi ay kampante lang na nakatingin sa akin ang lalaki.

Nagsalita muli si Panther. “I heard you talking with someone.”

“W-wala naman ako kausap. B-baka utot ko lang `yon, may beat
kasi minsan.” Nasabunutan ko ang aking sarili.

“The food is here. Lumabas ka na riyan.”

I could not think straight. Panther could not know that Light was
inside with me here. Malaking gulo iyon pagnagkataon.

“It’s fine,” Light whispered to my ear.

He was about to walk out the door but I stopped him. “No! Are
you serious? Are you trying to kill yourself?!”

“Macey.” Kinatok ni Panther ang pinto ng shower room.


“I-I’m almost done!”

“Are you all right?”

“Kinabagan lang.”

Aware naman siya na wala akong underwear sa magdamag kaya


napakaposible ng kabag.

“I’ll wait for you here outside.”

Nag-panic naman ako. “Naku, lumayo ka! Hindi mo gugustuhin


makalabas ang masamang espiritu rito kapag binuksan ko ang
pinto!”

Biglang tumunog na naman ang cellphone niya. “Just get out of


there. I’m taking this call.”

Narinig ko ang mga yabag ni Panther na papalayo. Mukhang


kailangan na naman niyang sagutin ang tawag sa kanya. Sunod-
sunod ang pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung may mukha pa
akong ihaharap sa kanya pagkatapos nito.

“Wala na siya.” I faced Light. “Kailangan mo siyang salisihan


para makaalis ka–”

Napatanga ako nang ma-realize na hindi na lang basta hawak ni


Light ang aking pulso, magkahawak na pala kami ng kamay, at
magkasalikop pa ang aming mga palad.
Napabitiw agad ako sa kanya. “S-sorry.”

Kinuha niya ang palad ko at muling hinawakan ito. “Come with


me. Bago pa siya may gawin sa `yo, itatakas na kita.”

Inilayo ko ang palad ko sa kanya. “No, Light.”

Saka may nagawa na si Panther kaya kahit itakas niya pa


ako,tapos na ang fireworks. Saka ayaw ko nang pahirapin pa ang
buhay ni Light kung lalabag na naman siya sa mga rules.

“Please leave, Light. I can handle myself. Hindi ako mamamatay


rito, okay?”

Napatitig siya nang matagal sa akin.

“Please? I’m really okay and I’m going to have my breakfast


now. It’s an important meal. It’s turkey!”

Matagal bago siya nakapagsalita. “Are you sure you’re gonna be


okay?”

Tumango ako at nagtaas pa ng isang kamay bilang panunumpa.

Ginulo niya ang buhok ko. “Then, please be careful, Macey.”

Maliit akong ngumiti sa kanya. “I will. But really, I’m fine.”


Masakit lang ang keps dahil sa kagabing sakuna.
“Know that my offer still stands, Macey.” Nilingon niya pa ako
bago siya maingat na lumabas ng glass door ng shower room. “If
ever you change your mind, you just have to vibrate your
wristband. Just one vibrate, Macey, and I will come to get you.”

Sumunod na rin ako sa paglabas. “Maroon, open the elevator’s


door,” utos ko sa virtual assistant ni Panther sa kuwartong ito.
Tatanggapin nito ang utos ko dahil naka-set na ito.

[ Opening the door, ] sagot naman agad ni Maroon.

Light walked towards the open door. I even looked at him as he


walked away. May pangamba ako na baka mahuli siya ni Panther.
Pero safe naman na nakalabas na siya at nakasakay ng elevator.

Nang magsara ang elevator ay nanghihinang napasandal ako


rito. Hawak ko ang aking dibdib na hanggang ngayon ay malakas pa
rin ang pagkabog. Kahit hindi naman ay pakiramdam ko ay isa
akong babae na nagtataksil sa aking asawa. Para akong tanga.

~~~~~~~~

“YOU ARE NOT ALLOWED TO MOVE.”

Pinaligiran ako ni Panther ng mga unan. Nakadantay rin ang


aking mga binti at kamay sa dantayan. Hindi pa siya na-satisfied
kaya tinabunan niya ng unan ang aking katawan. Kulang na lang ay
takpan niya rin ng unan ang aking mukha.
“Parang gusto mo na akong ilibing nang buhay, ah!” angal ko sa
mga pinaggagawa niya.

Napahaplos siya sa kanyang batok. “I just want you to feel


comfortable.”

Panther was really acting strange since yesterday. He suddenly


became thoughtful and sweet to me. And it was cute.

Hindi niya nakakaligtaan na painumin ako ng gamot, lagi rin


siyang tumatawag ng nurse para i-check lagiang vitals ko. Halos
hindi niya ako iwanan ng paningin na akala mo ay kung malilingat
siya ay mawawala ako. Hindi ko akalain na aalagaan niya ako nang
ganito pagkatapos may mangyari sa amin. Basta ang cute-cute niya.
Bati na kami.

“Are you sure you’re not feeling any discomfort?” tanong niya
na naman na pang 174 times na yata mula kanina.

“Okay na nga ako.” Isang araw na ang lumipas pagkatapos ng


sakuna. Hindi ko na rin masyadong nararamdaman iyong kirot sa
pagitan ng aking mga hita kaya feeling ko ay ready na for second
round mamaya. Just kidding!

Hindi lang pala si Panther ang nag-aalala sa akin. Lingid kasi sa


kaalaman niya ay araw-araw din akong dinadalaw rito ni Light.
Kahit pinagsabihan ko na ang lalaki ay bumabalik pa rin siya.
Nakasuot siya ng red maskbilang disguise. Minsan siya ang delivery
man, minsan naman ay nurse, kung anu-anong role, basta
makumusta niya lang ako.

I was lucky. Wala man ang mommy ko ngayon dito para alagaan
ako, nandiyan naman ang asawa at protector ko.

Umupo si Panther sa gilid ng kama at maingat na dinampot ang


isang palad ko. Masuyo na hinilot niya ito. He always did this to me.
Minsan pa ay pinipisil-pisil niya ang mga daliri ko sa kamay para
lang ma-relax ako.

Sa tuwing magigising naman ako sa pagtulog ay palagi ko siyang


nahuhuli na nakatitig sa akin. Umiiwas naman agad siya ng tingin.
Meron din pagkakataon na nagpanggap akong tulog. Isang gabi,
naramdaman kong hinaplos niya ang aking pisngi at hinagkan ang
aking noo. Binabantayan niya ako. Hindi siya natutulog hangga’t
hindi malalim ang tulog ko.

Nahihiwagaan ako at naguguluhan pero hindi ko makuhang


magtanong sa kanya. Hindi ko alam kung saan sisimulan.

Bahagya akong bumangon.

“Where are you going?” sita niya agad sa akin.

“Nauuhaw ako. Iinom lang ako ng tubig.”

“Stay there. I’ll get youwater.” Nanakbo agad siya sa personal


fridge at kumuha roon ng bottle of mineral water. Pagbalik ay
binuksan niya ang takip at inabot iyon sa akin. “Here.”
“Thank you.” Ininom ko ang tubig habang ang aking mga mata
ay pasimple na nakamasid sa kanya.

Kalmado ang ekpresyon ni Panther. Mukhang payapa ang mood


niya. Nitong mga nagdaang araw, hindi man siya ngumingiti ay
hindi rin naman siya sumisimangot. Naninibago talaga ako sa side
niyang ito at parang unti-unti ko na rin itong nagugustuhan.
Gayunpaman ay natatakot akong masanay.

I only had 7 days with him. Bawas na ang pitong araw na iyon.
Pagkatapos ng natitirang araw, hindi ko sigurado kung may
magbabago. Posibleng gawin niya rin sa ibang wives ang ginagawa
niya ngayon sa akin. Hindi pa man nangyayari ay ayaw ko nang
pakaisipin. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam, pero parang
nasasaktan ako.

“Ubusin mo `yan,” malumanay na utos niya sa akin habang


umiinom ako ng tubig. “You need more water in your body.”

Inubos ko nga dahil request niya. Isa pa itong nakakawindang


dahil bigla akong naging mabait at masunurin sa kanya. Ang weird
talaga ng mga kaganapan.

Nang bitiwan ko ang bote ng mineral water ay binalikan niya


ang isang palad ko para i-massage ulit ito.

Habang nakatingin sa kanya ay isang reyalisasyon ang bumundol


sa aking dibdib. Windang ang sistema na napatitig ako sa kulay
abong mga mata niya. I think I was already crazy.
I was crazy because I was falling… falling in love with him.

What the heck was I doing? Why did I let this happen? Why
didn’t I guard my heart properly?

Napayuko ako dahil ayaw kong makita ni Panther ang kaguluhan


sa aking isipan. Nahihiya at nanliliit din ako bigla dahil sa aking
natuklasan. Sasarilinin ko muna ang damdamin ko dahil alam ko
naman na hindi ito tama. Wala itong patutunguhan. Ipinilig ko ang
aking ulo para sandaling makalimutan ang mga iniisip.

Hinarap ko si Panther. “Y-you know, I watched porn last night,”


biglang kwento ko sa kanya.

Sumala ang mahahaba niyang daliri sa paghilot sa kamay ko.


“W-what?”

Nag-init ang aking mukha at mahina akong nagsalita, “I-I’d like


to learn something. Nakakahiya ako sa `yo.”

It was obvious that he had a lot of experience in sex, as a matter


of fact, he was really good in bed. Siya lang ang kumilos nang
nakaraan, at pakiramdam ko ay may utang tuloy ako sa kanya.
Gusto kong bumawi kahit kaunti, kaya nang may katawagan siya sa
phone kagabi ay sumimple ako ng search sa Red Tablet. Nag-
browse ako ng ilang tips kung paano ba mapapaligaya ng isang
lalaki.
Panther’s Adam’s apple moved up and down. His excitement
was now evident on his jeans.

Umusod ako para bigyan siya ng space sa kama. “Higa ka,” utos
ko sa kanya.

“Huh?” Muli ang pag-alon ng kanyang lalamunan. Pati yata


iyong nakabukol sa harap ng pantalon niya ay umalon din. Umalon
o tumango, ewan ko.

“Basta, higa ka rito.” Hinila ko siya at pinahiga sa aking tabi bago


pa magbago ang isip ko.

Masunuring humiga naman siya sa kama. Napahugot siya ng


paghinga nang baklasin ko ang belt ng pants niya.

“Wait!” awat niya sa akin. “W-what are you doing?”

“Gusto ko ngang subukan ‘yong bago kong natutunan, di ba?”


Para naman hindi siya malugi na ako ang unang nabunot niya sa
Red Draw. Dapat maging unforgettable sa kanya na makasama ako
para hindi na siya ganahan pa sa iba. Right! Isusumpa ko na siya
ngayong gabing ito!

“You’re still injured,” umaalma pa siya pero tumutulong na ang


kamay sa pagbabaklas ng belt niya.

“Malayo sa bituka.”
Umangat ang sulok ng kanyang labi at pagkatapos ay sabay na
ibinaba ang kanyang jeans at boxers. “All right, rookie. Let’s see
what you’ve learned.”

Okay, I think it was too late for me to back out. Naka-salute na


sa akin ang kanyang ari at mukhang hindi ito yuyuko hangga’t
walang nangyayari.

LEVEL 24

PARANG NAG-LOCK YATA ANG PANGA KO.

Ini-exercise ko sa pagbubukas-sara ang aking mga labi habang


naglalakad ako. Pakiramdam ko ay na-stroke ang bibig ko. Iyong
ngala-ngala ko naman ay parang may bara sa loob. Kinatok ko ang
baba saka muling ngumanga. Anyway, papunta ako ngayon sa
lounge at malamang na nandoon din ngayon nakatambay ang mga
wives.

Naisipan ko lang na umalis muna sa place ni Panther dahil


pakiramdam ko ay mamamatay ako pag hindi ako umalis doon
ngayon. Walang kapaguran ang lalaking iyon. Hindi na talaga
nagtrabaho, tumambay na lang, at ako lang naman ang napag-trip-
an na tambayan.

Nasa bukana pa lang ako ng lounge nang maramdaman ang


mala-laser beam na mga titig nina Maricel at Olly. Ang kulang na
lang ay tirisin ako ng dalawa sa pamamagitan lang ng kanilang mga
mata.

Si Nikita naman ay poker-faced pa rin pero nang makita ako ay


sandaling tumalim ang tingin.

Sorry na lang sila dahil kahit gustuhin pa nila akong i-bully ay


bawal na. The light in my wristband was no longer red. It was now
back to green.

Nakasabay ko papasok sa lounge si Debi. Nang makita siya ay


ngumiti agad ako. “Hi, Debi!”

“Hello.” Nginitian niya ako pero nilampasan niya rin agad.

Natigilan naman ako. Bakit parang pilit niya lang ako na


nginitian?

Kinawayan ako ni Giana na nasa dulo ng lounge. Kasama niya si


Morga. Kumakain sila ng icecream. Lumapit ako sa kanila at naupo
sa tabi nila.

“Congrats, Macey,” nakangiting bungad sa akin ni Giana. Ang


tinutukoy niya ang iyong green wristband ko, pero muntik ng iba
ang maisip ko. Hehe.

“Thank you!” maligayang sagot ko sa kanya.

“Kain na,” yaya niya sa akin. Inusog niya iyong pinggan na may
salad. “Icecream ba, gusto mo rin?” Kapansin-pansin talaga ang
takaw ni Giana. Mahinhin siya pero sa pagkain ay hindi. Sa lahat ng
wives, kami lang yata talagang dalawa ang walang pakialam sa
pagko-control ng pagkain.

“Busog ako, pero sige na nga.” Kumuha ako ng extra na tinidor


at nakidutdot sa salad niya.

“How’s your first night with him?” tanong ni Morga. Ang


tinutukoy niya ay si Panther. Hindi siya mukhang mataray ngayon.
Nakapagtataka rin na sumasama siya kay Giana.

“Okay lang.” Nagkibit-balikat ako. Ayaw kong mag-kiss and tell.

“Everyone got jealous, you know,” pamamalita ni Giana sa


mahinang tinig. “Palagi kang laman ng usapan kapag nagsasama-
sama ang mga wives. Si Olly, palagi ka niyang bukang-bibig. I don’t
know what happened to her, why she suddenly got mad at you.”

Hindi ako umimik.

“It’s not only Olly who hates you, girl.” Inginuso ni Morga sila
Maricel at Nikita. “Those two bitches are Anti-Macey too. So, you
should be careful.”

Natawa ako sa sinabi ng babae. “Thanks, Morga.”

Irap lang naman ang isinagot ni Morga sa akin. Maldita pa rin


siya pero at least hindi niya iyon itinatago.
“Hindi sila uurungan ni Macey,” mahinhin bagama’t may
pagmamalaki na sabi ni Giana.

Nag-apir kaming dalawa. “Basta wag silang mangunguna,


mabubuhay pa sila nang matagal sa mundong ito,” biro ko.

“Macey, I think we should continue forming an alliance…” ani


Giana pagkuwan.

“Oh! An alliance?” Nagningning bigla ang mga mata ni Morga.


“That sounds interesting!” Mukhang boring na boring na siya rito sa
Red Mansion kaya natuwa siya na meron siyang pagkakaabalahan,
mukhang sabik siya sa bakbakan.

“They already have their alliance, ‘The Anti-Macey’,” sabi muli ni


Giana.

Pumalakpak si Morga na halata talagang na-excite. “Then, it will


the Anti-Macey versus the Pro-Macey!”

Kiming nakangiti si Giana sa akin. “It’s three wives versus three


wives. Ibig sabihin, officially na kakampi mo na kami. Hindi man
kami ganoon kalakas at katapang gaya ni Morga, still, kahit paano
ay hindi ka na nag-iisa kapag pinagtulungan ka nila.”

“Hindi ba kayo naiinis sa akin?” tanong ko sa kanila nang


deretso. Alam ko naman kasi ang ipinuputok ng butsi nina Olly,
Maricel, at Nikita, e. Galit sila dahil naungusan ko sila sa Red Draw.
Ako ang unang nadala ni Panther sa place ng lalaki.
Nagkatinginan lang sina Giana at Morga.

“Well, nainggit ako,” amin ni Morga. “Umasa kasi ako na


mabubunot ako ni Panther.”

“Yeah, me too,” pag-amin din ni Giana. “Nainggit din ako pero


at the same time, nakahinga ako nang malamang hindi ako ang
napili.” Nahihiya siyang ngumiti. “Ang totoo, gusto kong maging
asawa ni Panther dahil sa mga benefits at dahil din sa guwapo siya,
pero parang hindi ko pa yata kaya na makasama siya intimately…”

Napatango-tango ako. Hindi ko pa lubos na kilala si Giana pero


halata naman sa kanya na mailap siya. Masyado rin siyang
mahinhin at mahiyain.

“Naiinggit kami, yes, but it doesn’t mean na galit kami sa `yo,”


paglilinaw ni Morga. “Ganoon talaga, e, sinuwerte ka. Pero hindi
naman araw-araw ay Pasko para sa `yo.”

Napangisi ako. I really liked her frankness.

“Bet ko itong alliance na ito hindi lang dahil sa gusto kitang


suportahan. Actually, one of my main reasons is I hate Maricel’s
guts. Matagal ko nang gustong banatan ang impaktang iyon.”

“Uhm, ako, I hate Nikita,” maliit ang tinig na sabi ni Giana. “Siya
ang nagpasimuno ng pambu-bully sa akin…”
“Okay, si Maricel ay kay Morga. Si Nikita ay sa `yo, Giana.”
Pinalagutok ko ang aking mga daliri at pagkatapos ay mariing
nagsalita. “Akin si Olly!”

Umangat ang isang kilay ni Morga. “Does that mean we already


formed an alliance?”

Napatayo ako sa aking kinauupuan at itinaas ang isang kamay sa


ere. “Let’s do this!”

~~~~~~~~

7th NIGHT

It was my 7th night here in Panther’s grand chamber. Bago siya


umalis kaninang umaga, nagplano na kami na meron kaming bebe-
time.

Gusto ni Panther ay lights on, pero mas gusto ko naman ang


lights off. Mas romantic kasi. Pero pagbibigyan ko siya ngayon,
lights on kung lights on. Kaya bago magdilim ay naligo na ako.

Hindi ako nagsusuot ng lingerie pero napilitan ako para sa


kanya. Wala lang, gusto ko lang i-try kung kaakit-akit ba. Wala e,
pagtingin ko sa repleksyon ko sa salamin, pati ako na-in love sa
sarili ko. Kidding!

Gusto ko na maging iba sa paningin niya. Gusto ko na mas


makita niya ako sa ibang light. Oo na, inaamin ko na. Gusto kong
magpa-sexy para sa kanya. Sa unang pagkakataon, gusto kong
magpa-sexy. Gusto kong maging babaeng-babae.

Halos maligo rin ako sa pabango para maamoy niya agad kahit
malayo siya sa akin. Nagsuot din ako ng headband na pula at may
tainga ng rabbit para cute. Ewan ko na lang kung hindi manigas pati
itlog niya pagpasok niya ng pinto.

Mayamaya ay narinig ko na ang elevator na bumukas. Natanaw


ko na siya agad na iniluwa nito. Sinalubong ko agad siya.

Napatingin siya sa suot ko kaya nakita kong umalon ang kanyang


Adam’s apple. Pinamulahan ako. First time kong magbihis ng ganito
at pakiramdam ko ay nakahubad ako sa harapan niya. Kahit nakita
niya na ang lahat,h iba pa rin kapag nakita ang pa see-through.

Umubo siya at pasimpleng nagtanggalng isang butones sa


kanyang suot na polo.

Mainit ang pisngi na binati ko siya. “Uhm, m-musta?”

Hinimas niya ako sa ulo. “Have you had dinner yet?”

Tumango ako. “Yup! Nag-toothbrush na rin ako.”

Shoot! Bakit ko ba sinabi pati iyon? Di naman niya tinatanong!

Pero okay na rin na nasabi ko. Totoo naman kasi na nag-


toothbrush na ako. Nakailang mouthwash din ako dahil alam kong
maghahalikan na naman kami.
Ang abuhing mga mata ni Panther ay kataka-taka na biglang
naging balisa at mailap. “All right. You should go to bed now.”
Tinalikuran na niya ako. Nagmamadali siyang nagtungo sa walk-in
closet at pumasok doon.

“Ha?”

Sandali lang ay nahimasmasan ako. Okay, baka maghuhubad na


siya at nahihiya lang maghubad sa harapan ko. Nanakbo na ako sa
kama at nahiga. Hihintayin ko na lang siya rito.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya mula sa closet. Pero


nakakapagtakang hindi siya naka-towel lang o nakahubo. Naka-
shirt siya at jeans. Meron siyang hawak na duffle bag.

Napaalis ako sa kama at napalapit sa kanya. “Panther, saan ka


pupunta?”

“Go to bed. I’m going to Debi’s chamber.”

Tila may sumuntok nang malakas sa dibdib nang narinig ko ang


sinabi niya.

“Y-you’re not gonna sleep here?”

Lumikot ang kulay abo niyang mga mata. “I… will sleep with
Debi tonight.”
“B-but why?” Hindi ko napigilan ang paglakip ng pait at
panunumbat sa tono ko. “You should be sleeping with me tonight.
Hinintay kita maghapon dito. May usapan tayo. Nag-prepare pa
ako. Hindi mo ba alam kung ilang beses akong nag-mouthwash?!”

Nagpakawala siya ng paghinga. “Macey,” aniya sa mahina


bagama’t malalim na tinig.

“What?! What’s your reason?!” Tuluyan na akong sumabog at


nakalimot. “Bakit kay Debi ka ngayong gabi?! ‘Di ba dapat dito ka
lang kasi nandito ako!”

“Stop,” anas niya. “Ipapaalala ko lang sa `yo… na hindi lang ikaw


ang asawa ko.”

Nagimbal ako sa sinabi niya. Para na rin niya akong sinampal.

Nang tumalikod na si Panther at lumulan na sa elevator ay


napaluhod ako sa sahig. No, the feeling was worse than being
slapped. Pakiramdam ko ay pinatay niya ako bago siya umalis…
LEVEL 25

HINDI LANG AKO.

Oo nga pala, hindi lang ako ang asawa ni Panther. Muntik ko


nang makalimutan na pito nga pala kami sa buhay niya.

Pero hindi ko pa ito maaalala kung hindi niya pa sinabi sa akin. It


was as if he woke me up from a beautiful dream where I was the
only woman in his life.

Hindi ko na maalala kung ilang oras na akong nagpapalakad-


lakad kakaisip. Ano kayang ginagawa nila ni Debi? Matutulog lang
kaya sila?

Imposible naman sigurong magsisiping sila dahil hindi naman


nag-shower dito sa Panther noong umalis. Right. Baka naman
matutulog lang sila.

Pero puwede rin na doon na mag-shower si Panther sa place ni


Debi bago sila mag-bebe time.

Nasabunutan ko ang aking sarili. Crazy! Crazy! Crazy. I am really


going crazy right now...
Napasinghap ako nang maramdaman ang pag-iinit ng gilid ng
aking mga mata. “Ha…” sambit ko na tila nahihibang na. “Haha…
Ha-ha-ha...!”

Matabang na tawa ang lumabas sa mga labi ko. Ang pagak na


tawa na unti-unting lumalakas. Nababaliw na nga talaga ako.

Really, Panther Foresteir? Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang


aking sarili ay ganito ang gagawin niya? Hindi ba talaga niya kayang
makuntento? Ginawa ko naman ang lahat. Nag-research pa nga ako
ng mga tips kung paano paliligayahin ang lalaki sa kama. Inaral ko
ang mga positions at technique para hindi na siya maghanap ng iba.

Pero bakit sa ibang kama pa rin siya natulog ngayon?! May


kulang ba sa ginawa ko?!

Ah, what did I expect? He was a man-whore.

That male bitch Panther Foresteir! Sana pala sinipa ko muna


siya sa itlog bago siya umalis. Ewan ko lang kung hindi siya
pagapang na pumunta kay Debi.

Marahas kong pinunasan ng likod ng palad ang aking luhaang


pisngi. I should not shed a single tear for him. He was not worth it.
Pinilit kong matulog kahit napakahirap.

Kahit ayaw ko, sumisingit sa isip ko ang mga tanong.


Naghahalikan na kaya sila? Nasa ibabaw na ba si Panther ni Debi?
Nagkakahubaran na ba sila ngayon? Dang it! I knew I was being
pathetic, but I just could not stop myself.
I hate him!

I hate Panther Foresteir for making me feel pathetic. I hate him


so much!

I could not do this. I couldn’t sleep no matter how hard I would


try. Hindi na ako magpapaumaga pa rito. Nakabuo ako ng pasya.
I'm going back to my chamber.

~~~~~~~~

NAGBIHIS AKO. Partnered na pajama na pinatungan ko ng shawl


pampatong sa balikat ang aking suot nang umalis sa place ni
Panther. Malalim na ang gabi kaya walang kahit isang staff ako na
nakasalubong sa daan. Naisipan ko na bumaba sa groundfloor ng
mansiyon. Gusto kong magpahangin muna.

Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Kakaunti lang ngayon


ang mga bituin kaya naman hindi gaanong maliwanag ang paligid.
Naglakad-lakad ako sa hardin sa gilid at sinamyo ang mabining
hangin na panggabi. I needed this. Kung dederetso ako sa kama ay
baka sumabog lang ang aking utak sa kakaisip.

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ang isang pigura ng


lalaki. Matangkad ito. Nakatayo patagilid sa akin. Nakapamulsa
suot na pants. Nang matamaan siya ng liwanag ng buwan ay
nakilala ko siya. Light...
Wala sana akong balak na gambalain siya pero patalikod pa lang
ako nang marinig ko ang kalmadong tinig niya. “Macey.”

Nahinto ako sa gagawing paghakbang. Nakatingin na sa akin si


Light. Para bang kanina niya pa alam na nandito ako at nakatingin
sa kanya. Para ding ako ang hinihintay niya. Pero bakit?

Humakbang ako papunta sa kanya at huminto sa mismong tapat


niya. Tiningala ko siya. “Hoy!” Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib.
“Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito—”

Bigla niyang hinuli ang kamay ko na ginamit sa mahinang


pagsuntok sa matigas na dibdib niya. “Hindi lang ngayon, Macey.”

“Ha?” Anong ibig niyang sabihin na hindi lang ngayon?

“Gabi-gabi,” maaligasgas ang tinig na sabi niya.

Umawang ang mga labi ko.

“Gabi-gabi kitang hinihintay rito.”

Nakanganga pa rin ako sa kanyang maamo at kalmadong


mukha. Ang malamlam niyang paningin ay nakatunghay sa akin.
Gaano siya katagal naghihintay tuwing gabi? Namasa ang aking
mga mata habang nakatingala sa kanya. Paano kung hindi ako
dumating? Paano kung hindi ako magpakita? Hindi niya ba naiisip
iyon?

“Macey, I can’t help but to worry about you—”


Siya naman ang hindi nakatapos sa pagsasalita nang bigla ko
siyang yakapin. Sumiksik ako sa matigas niyang dibdib at doon ko
pinakawalan ang aking mga luha. “Thank you, Light...”

Light had no idea how grateful I was that he was here. I was so
hurt, upset, and I couldn’t get myself to think clearly. Sa unang
pagkakataon sa buhay ko, dama ko kung gaano ako kawalang-lakas
pagdating sa ganitong damdamin. Wala akong makapitan, wala
akong mapagsabihan. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako.

Sa mainit na katawan ni Light ay unti-unting naibsan ang


mabigat na dinadala ko. Napahinto lamang ako sa pag-iyak nang
maramdaman na parang hindi siya himihinga. Para siyang
naestatwa.

Nagpunas ako ng luha at tumingala sa kanya. “Uy, ayos ka


lang?”

Nakita ko ang pag-alon ng kanyang lalamunan.

Ipinilig niya ang kanyang ulo saka siya tumingin sa akin. “Do you
want to come with me?”

Kumiling ang ulo ko. “Ha? Saan?”

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay hinawakan niya ako sa


pulso at hinila. Kahit nagtataka ay napasunod na lang ako sa kanya.
Magulo pa ang aking utak kaya hindi ko pa magawang makapag-isip
nang tama.
Sa isang chamber niya ako dinala. Parang condo unit ang itsura.
May maliit na kusina sa dulo nito. “Kaninong place ito, Light?”
tanong ko.

“Dito ako minsan,” kaswal na sagot niya. Ginulo niya ang buhok
ko. “Maupo ka na sa sofa. I’ll prepare some food for you.”

“Food?!” Biglang tumunog ang tiyan ko.

Lumapit siya sa fridge at pagbukas niya nito ay may mga stocks.


May kinuha siyang gulay roon at karne. Ako naman ay nanakbo na
sa sofa para maupo.

Bumalik siya sa kitchen para humugot ng kutsilyo at chopping


board. Nagsuot siya ng apron at naghugas ng kamay. Pinaikot niya
sa daliri niya iyong kutsilyo bago niya hiniwa iyong sibuyas sa
chopping board. Whoa!

Light was really a gorgeous guy with a lot of skills. And one of
the things I liked about men ay ang magaling magluto. Minsan na
akong nangarap na makapangasawa ako ng chef para laging
masarap ang pagkain ko.

Swerte siguro ng mapapangasawa nito ni Light. Nang makita


kong nagkabutil siya ng pawis sa noo ay kumuha ako ng panyo at
nilapitan ko siya. “`Lika. Punasan ko iyong pawis mo, pero bawal
ma-fall, ah.”
At dahil nga matangkad siya ay tumingkayad pa ako para lang
maabot ang pawis niya sa sentido.

“You don’t have to do that,” saway niya sa akin habang


pinamumulahan ng mukha. “Just have a seat there.” Inginuso niya
iyong sofa.

“Dito na lang ako sa tabi mo.” Lumabi ako. “Gusto kitang makita
kung paano ka magluto.” Naa-astigan kasi ako sa mga nagluluto.
Hindi ako nagluluto pero madalas akong manood ng mga cooking
show sa TV. Wala lang. Cute, e.

Tiningnan niya ako nang matalim. “That’s not gonna work, silly
woman.”

“Bakit naman?”

“I have to concentrate. And I can’t do that when you’re around


me.”

Bumungisngis ako. “Nako-conscious ka?”

Bigla niya akong binuhat at isinampay sa kanyang balikat.

Nagulat ako. “Uy, gago!”

He gently put me down on the sofa. “Just be a good girl and sit
there.”
Napahalukipkip ako dahil seryoso ang mukha niya. “Fine, sige na
nga!”

Binalikan niya sa kusina ang kanyang niluluto.

While waiting for Light, my red tablet beeped. I rolled my eyes


on the ceiling when I saw Panther’s name on the tablet’s screen.
Napakunot ang noo ko. Anong kailangan niya? ‘Di ba dapat ay busy
siya kay Debi?

Tiningnan ko lang ang screen ng tablet habang nagri-ring iyon.


Napapatingin sa akin si Light pero blangko ang kanyang mukha.
Hindi niya rin ako tinatanong o sinasabihan na sagutin ang tawag.

Makailang ulit ang tawag hanggang sa naging missed call na


lang. Pagkatapos ay may nag-pop out na message sa board.

Where are you?

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko sa message ni


Panther. Why was he asking? Did he know that I left? How come?
He was in Debi’s chamber. Unless he went back to his chamber and
found out that I was not there.

Just a few seconds and a new message popped out. Nanginginig


ang kamay na hindi ko na napigilang damputin ang tablet. Tinap ko
ang open message at natulala sa aking nabasa.

Panther:
I’m sorry.
Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo sa sofa. Hindi ba ako
namimilik-mata lang. Kinusot ko pa ang aking mga mata.
Nanginginig ang mga daliri na nag-type ako ng reply ako sa kanya.

Me:
Are you in Debi’s chamber?

Nag-reply siya agad.

Panther:
I miss you

Lalong nanginig ang mga daliri ko sa ibabaw ng screen ng tablet.


Si Light naman ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa
akin.

Nag-beep ulit ito at pumasok ang panibagong message.

Panther:
I decided to go back. I just waited for Debi to fall asleep then I
left.

What was he saying? Did that mean nothing happened between


them?

Hindi na ako nakapag-isip pa. Mana yata talaga ako sa mga


marurupok kong ninuno. Kusa ang katawan ko na pumihit patungo
sa kinaroroonan ng pinto. Tila may sariling buhay ang mga binti ko
na humakbang palabas ng chamber.
“Macey, where are you going?” gulat na habol sa akin ni Light.
Naka-apron pa siya. “I’m almost done here.”

“I’m sorry, Light. But I think I’m not hungry.” Pagkasabi ay


tuluyan na akong nanakbo palayo sa kanya.

Kahit masakit pa ang aking mga binti ay hindi ako tumigil sa


pagtakbo. Humihingal ako nang marating ko iyong elevator paakyat
sa 7th floor ng mansiyon kung saan naroon ang place ni Panther.
Pagpasok ko ay pinagpipindot ko agad ang buton na para bang
lulubog na ito. I just wanted to get to his place right away.

Paakyat pa lang ang elevator ay hindi na ako mapakali. Gusto ko


na agad makababa dito sa elevator at marating ang kinaroroonan
ni Panther. Gusto ko na siyang makita agad.

Pagbukas ng elevator ay nanakbo na agad ako sa glass door.


Napahinto lang ako saglit para suklayin ang buhok ko gamit ang
aking mga daliri. Sinipat ko rin ng tingin ang repleksyon ko sa glass
wall kung maayos ba ang aking histura.

Bumukas na ang glass door at pumasok na ako. Nadatnan ko si


Panther na palakad-lakad doon. Umayos lang siya ng tindig nang
makita niya akong pumasok.

Ako naman ay nagpanggap na hindi hinihingal. Kunwari ay hindi


ako nagmadaling puntahan siya.
“Nagpahangin lang ako sa labas–” Hindi ko na natapos ang
sasabihin ko nang humakbang siya palapit at kabigin ang aking
batok. Natulala na lamang ako nang maramdamang ang pagdiin ng
mainit na mga labi niya sa mga labi ko.

Nang una ay tumukod ang mga palad ko sa kanyang balikat pero


unti-unti ay natupok at nalusaw rin ako ng nakakabaliw na mga
halik niya. Binuhat niya ako at marahan na inilapag sa kama.
Umibabaw siya sa akin at muling inangkin ang mga labi ko na para
siyang mauubusan.

Nang humiwalay siya sandali ay may paghingal sa kanyang


paghinga pero mukhang wala siyang balak huminto. Hinalikan niya
ulit ako na hindi ko na alam kung gaano katagal. Baliw na rin nga
siguro ako dahil hindi ko lang siya basta hinahayaan, ginaganti ko
rin ang mga halik niya.

Nang bumaba ang mga labi niya ay napasabunot ako sa kanyang


leeg. I just now realized that he had already taken off my pajama
top and brassiere. He started sucking, licking, and drawing circles
on my bare skin.

A moan caught up at the back of my throat when his hand


moved between my legs.

Umangat si Panther at hinuli ang aking paningin. His middle


finger was gently stroking me down there. “You're shivering,
Macey. Don't you like it when I touch you here?”
He was now using two of his fingers to part my my sensitive
swollen flesh. I bit my lip to control my moans. I could not take it
anymore. I felt like I was going to explode. I wanted him. I wanted
his hard, long, and thick thing deep inside me now.

“P-Panther…” paos na ungol ko sa pangalan niya. “Panther,


ahhhh…” Ang mga kuko ko ay dumiin sa kanyang balikat.

He placed a gentle kiss on my forehead before whispering. “It’s


okay to be greedy. Ask for more from me, Macey…”

“P-please…” I begged him. “Take me now…”

Hindi ako nagdalawang salita. Lumayo siya sa akin at naghubad


ng suot niyang shirt. Hinila niya pababa sa akin ang suot kong
pajama kasama ang aking underwear. Pinaghiwalay niya ang aking
mga hita at sandali siyang yumuko para ihanda ako.

And then he leaned down to brush the swollen tip of his thing
against the wetness of my center.

“Macey, you’re dripping like crazy…” He then kissed my lips and


I tasted myself from his hot saliva.

Oh, dang! Yes! Yes, I am crazy!

I am crazy… You made me this way…

“Ahhh, Macey…” he groaned as he pushed himself to me.


When we reached the summit, Panther let out a feral groan and
buried his face between my breasts.
WHERE WAS LIGHT?

Kinabukasan ay masakit na masakit at pagod ang buong


katawan ko. Pati yata kaluluwa ko ay may injury at pagod din nang
magising ako. Hindi ko na kayang lumabas pa para kumain, nagpa-
deliver na lang ako rito sa place ni Panther.

Speaking of delivery, si Light ang madalas na nag-de-deliver


dito, kaya naman siya ang ini-expect ko. Pero hanggang ngayon ay
wala pa siya. More than an hour na akong um-order. Nagtutukaan
na ang mga bulate sa tiyan ko, pero maski paramdam ay wala pa
rin.

Si Panther naman ay wala rin ngayon. Kahit nangangatog pa ang


tuhod ay bumangon na iyon kaninang madaling-araw. Nakalimutan
niya na may importante pala siyang business trip kaya hayun,
nagmamadaling umalis. Baliktad pa nga iyong brief niya nang
lumabas siya ng shower room kanina.

Napangiti ako nang maalala kung paano ako halikan ni Panther


bago siya umalis. Kulay blue na yata ako pero ayaw niya pa akong
tigilan. Hindi siya matapos-tapos sa paghalik sa akin. Ayaw niya pa
akong iwan. Kung siguro ay puwede niya akong itupi para
magkasya sa bulsa niya ay baka ginawa niya na.

Four days na mawawala si Panther para sa business trip niya.


Kakaalis niya pa lang pero miss ko na agad.

Ahg! I’m so whipped!

And hungry. Ginutom niya ako nang matindi.

Bumaba na ako sa kama since mukhang hindi na dadating si


Light dala ang food ko. Naligo ako at nagbihis. Sa baba na lang ako
kakain. Bago umalis ay may nag-doorbell. Akala ko si Light pero
ibang staff. Nanlumo ako.

Ang dumating ay hindi pagkain kundi mga bulaklak. The sender


was Debi. Napangiti ako.

Ang akala ko ay galit sa akin ang babae dahil noong huling beses
ko siyang nakasalubong ay tila ba pilit ang mga ngiti niya sa akin.
But since she sent me flowers, it meant we were cool. Kaya naman
nakapagdesisyon ako ngayon na dalawin siya sa chamber niya.
Gusto ko siyang makausap nang masinsinan. Gusto kong i-open
sa kanya ang tungkol sa pagbabago ng feelings ko kay Panther. Siya
ang naging unang kaibigan ko sa lugar na ito at naging mabuti siya
sa akin. Ayaw ko na magkagalit kami, kaya ngayon pa lang, gusto ko
nang magkaliwanagan kami.

Bago ako lumabas ng pinto ay sinilip ko muna ang screen ng


aking red tablet. I had to check if Panther sent me a message. Nang
wala akong nakitang message sa inbox ng tablet ay lumabas na ako.
Nagmadali akong naglakad papunta sa place ni Debi.

Malapit na ang lunch time. Hindi na bumababa si Debi sa


reaturant para kumain kaya alam kong sa place na niya siya
kumakain ng lunch. Doon na rin ako makikikain.

Isang liko na lang sa kaliwa ay nasa pinto na ako ni Debi. Pero


paliko pa lang ako nang matanaw ko ang dalawang anino. Si Debi
ang isa. My eyes widened when I saw who was with her—it was
Panther!

Anong ginagawa ni Panther dito? I thought he went to a


business trip?!

Nang yumuko si Panther ay tumingala si Debi. I had an idea of


what would happen next, but I couldn't get myself to leave.

Though my heart was being ripped apart right at this very


moment, I still couldn’t get my eyes off the painful event that I was
about to see.
Nang magdikit na ang kanilang mga labi ay isang palad ang
tumakip sa aking mga mata. Isang matangkad na lalaki ang humila
sa akin para italikod ako kina Panther at Debi.

Ang luhaan kong mga mata ay napakurap nang mapatingala ako


sa matangkad na lalaki. “L-Light…”

“Don’t look,” sabi niya sa masuyong tinig.

Nakaharang siya sa kinaroroonan nina Panther at Debi kaya


hindi ko alam kung tapos na ba silang maghalikan.

Umiling ako. Isa-isa nang naglandas ang mga sa aking pisngi.


Ang sakit. Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingala kay
Light. Ang hapdi. Ang hapdi-hapdi. Kahit hindi ako dapat umiyak sa
harapan niya ay hindi ko na maawat ang sarili.

Ang sakit. Masakit kasi niloko lang ako ni Panther. Bakit


kailangan niya pang magsinungaling na may business trip siya
gayong nandito lang pala siya kay Debi para makipaghalikan?

“Macey…” usal ni Light habang malamlam ang magandang uri


ng mga mata niya sa akin. Para bang nasasaktan din siya dahil
nasasaktan ako.

Kinabig ako ni Light gamit ang isa niyang kamay. “Then, go on.
Cry. Cry until you feel better...”
Sa pangalawang pagkakataon, umiyak ulit ako sa matigas na
dibdib niya. Pero nagulat ako nang iangat niya ang aking mukha.
Nagtatanong ang luhaang mga mata ko nang yumuko siya sa akin.

“Light—” Hindi na ako nakapagsalita at tila ako itinulos nang


maramdaman ko ang paglapat ng mainit na mga labi niya sa mga
labi ko.

Light Dreux Erudian kissed me!

“WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?!” Isang tila kulog na tinig


ang dumagundong sa likuran ni Light.

Buong lakas na itinulak ko si Light. Isang matangkad na lalaki


ang ngayo’y nakatayo sa harapan namin. Walang may alam kung
kailan pa siya dumating. Ang galit ay nakabadha sa kanyang
perpektong mukha at ang abuhin niyang mga mata ay nanlilisik sa
amin.

Nang makilala siya ay napatigagal ako. “P-Panther…”

GAME OVER

End of I
Start of Book II

LEVEL 26

LIGHT PULLED ME TO HIM. To my shock, he lifted my face and then


he bent down until our lips met. He kissed me passionately that
numbed my brain for a few seconds.

Kumalas din naman agad siya sa akin nang magsalita si Panther,


ilang hakbang lamang ang layo sa amin.
He saw us kissing!

“P-Panther?”

Kahit galing sa pagkatigagal ay nakuha pa ring niyang maitulak si


Light palayo sa akin, gayunpaman ay hindi tuminag ang katawan ng
lalaki. Si Light ay nanatiling kalmado. Hindi kakikitaan ng pangamba
o takot man lang ang kanyang mukha.

Nakatingin lang naman sa akin si Panther at walang emosyon


ang kanyang mukha. Pero nakita kong may gumuhit na sakit sa
kanyang abuhing mga mata.

Galit ba si siya? Galit ba siya sa nakita niya? Hindi naman talaga


ako nakipaghalikan. Light just kissed me unexpectedly and I was
caught offguard. Lumilipad ang isip ko at wala ako sa sarili kaya
hindi ko napigilan ang lalaki. Pero hindi talaga ako gumanti ng halik
kahit kaunti. But still, he saw us…

Even so, I should be the one to be angry with him because he


lied to me. He left early this morning because he said he had an
important meeting abroad. He said he couldn't be late there, kaya
nga nagmamadali siyang umalis kaninang madaling-araw. So, why
was he now from Debi's chamber? More than that, I also saw them
kissing!

Alam ko naman na wala lang sa kanya na halikan niya ang iba


niyang asawa, nagsinungaling pa rin siya sa akin.
Pero ngayon ay baliktad ang sitwasyon, nakita niya na kahalikan
ko si Light. Sa pagiging blangko ng kanyang mga tingin ay alam ko
na agad na kahit magpaliwanag ako ay magmumukha lang akong
tanga at hindi siya maniniwala sa akin.

Nang maglakad siya palapit kay Light ay inihanda ko na ang


aking sarili na pumagitna sa kanila. Baka magpambuno silang
dalawa at magkasakitan. Pero nilampasan lang ni Panther ang
lalaki. Nilampasan niya lang kami.

Panther just walked away quietly. Hanggang sa abutin ko na


lang siya ng tanaw ay tigagal pa rin ako.

~~~~~~~~

“WHY DID YOU DO THAT?”

Mahina lang ang tinig ko. It took me a while to realize that Light
and I were already in the living room of my chamber.

Mula sa pagkakayuko ay tiningala ko siya. “Why did you kiss


me?”

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko kilala


ang kung ano man ang emosyon na nasa mga mata niya ngayon.
“I am asking you,” mariing sambit ko dahil unti-unti na akong
bumabalik sa huwisyo. Nakatitig ako nang matalim sa kanya at
hinihintay siyang magsalita at linawin kung ano iyong ginawa
niyang kagaguhan kanina.

But still, Light remained silent.

Napuno na ako. Hinampas ko siya sa matigas niyang balikat.


“Bakit mo `sabi ako hinalikan?!” singhal ko sa kanya.

Bumuka ang mapula niyang mga labi. “I’m sorry.”

Kusang tumaas ang kaliwang palad ko at sinampal ko siya.

Walang imik na napayuko lang siya.

“I’m sorry?!” gagad ko. “Tangina, Light! Hindi mo ako basta


nabunggo lang, hindi mo ako basta naitulak, at hindi ka rin basta
nadulas lang kaya nagdikit ang labi nating dalawa. Hindi ganoon
iyon na basta madadala sa sorry mo lang, tangina! Light, hinalikan
mo ako!” Sinampal ko muli siya.

Hindi niya inilagan ang kamay ko. Hinayaan niya lang na


masampal ko siya.

“Alam mo ba kung anong ginawa mo?!” nanginginig ang tinig na


bulyaw ko. “Sinira mo ang tiwala ko sa ‘yo!”
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Siya
iyong naroon para damayan ako. He was giving me his shoulders,
so I didn’t really expect him to kiss me.

Pulang-pula na ang makinis niyang pisngi sa pananampal ko.


Ang gilid ng kanyang labi ay may dugo. Gayunpaman ay kalmado pa
rin ang kanyang ekspresyon habang nakayuko. Kung may kaunti
man siyang reaksyon ay ang sandali lang na pag-igting ng kanyang
panga kanina.

Humihingal ako nang tumigil dahil ako lang ang napapagod na


manakit, hindi naman siya nasasakyan. Mapait ang tinig ko nang
muling magsalita, “Tell what’s going on. Anong pumasok sa isip mo
at ginawa mo iyon?”

Wala pa rin siyang sagot. Sinikap ko na hindi mapikon dahil baka


matadyakan ko na siya sa itlog dahil sa asar ko.

Humakbang ako palapit kay Light at hinawakan siya sa kwelyo


sanhi para mapayuko siya lalo. May hinala na ako pero ngayon ko
pa lang aalamin. Suminghot ako sa bandang leeg niya at ganoon na
lang ang pagtatagis ng aking ngipin. Mabango siya pero may
sumasapaw na amoy—amoy ng alak.

Hinuli ko ang kanyang biglang umilap na panangin. “Nakainom


ka?”

Marahan siyang tumango.

Napahilot ako sa sentido. “Tangina.”


Nanatili pa rin siyang nakayuko.

“Safe pa ba ako sa ‘yo?!”

Napaangat ang kanyang paningin sa akin. Ang walang reaksyon


niya kaninang mukha ay biglang nabahiran ng pag-aalala. “M-
Macey…”

“Light, nakainom ka pa lang, hinalikan mo na ako. What more


kapag lasing na lasing ka na? Ano, gagahasain mo na ako?!”

Umalon ang lalamunan niya.

“Pagkakatiwalaan pa ba kita?”

Ang dami kong naging tropa na lalaki, pero wala pang umisasa
akin. Wala pang nag-take advantage sa sitwasyon. Though hindi pa
naman ako umiyak sa ni isa man sa mga naging tropa ko, dahil wala
pa naman akong nagiging problema noon, but still, hindi ko pa
talaga nararanasan na maisahan.

Napakalaking bagay sa akin ng tiwala. Kasi mabilis akong


magtiwala. Bigay-todo ako sa mga taong itinuturing kong kaibigan.
Kaya kapag nasisira iyong tiwala na ibinigay ko ay sobra talaga ako
kung masaktan.

“Give me another chance.” Narinig ko ang mahina at mababang


tinig ni Light.
Malungkot ko siyang tiningnan. Nakatingin na sa akin ang
malamlam niyang mga mata. “I-I don’t know if I can do that.”

Tinalikuran ko na si Light at pumasok na ako sa kuwarto. Ni-lock


ko ang pinto.

Nanghihina na naupo ako sa edge ng kama. Halo-halo na. Halo-


halo na iyong sakit na nararamdaman ko. In just one day, two
people that I considered important in my life hurt me and ruined
my trust…

~~~~~~~~

WHAT WAS PANTHER DOING RIGHT NOW?

Had he returned from his business meeting abroad? Or did he


really go to that meeting?

Ang sabi niya sa akin ay ilang araw siyang mawawala, baka


naman ang balak niya lang talaga ay mag-stay sa chamber ni Debi?
Sumubsob ako sa unan at tahimik na sinisi ang sarili. Sana hinabol
ko siya kanina. Sana kahit magmukha akong tanga ay kinausap ko
siya, para sana nalaman ko ang mga sagot sa aking mga tanong.
Pero kung tatanungin ko kaya si Panther ay sasagutin niya ba
ako? Napahikbi ako nang maalala na naman ang nangyari kanina.
Basta na lang niya akong tinalikuran. Maski isang salita sa akin ay
wala man lang siyang binitiwan.

Nakita niya ako na nakikipaghalikan, ‘ di ba? Sana bago siya


umalis ay nagalit muna siya. Para sana nagalit din ako at para sana
nakapag-explain man lang kami sa isa’t isa. Pero mukhang wala
siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin ko.

Bumangon ako at napatitig sa unan na may bakas pa ng aking


luha. Pagak akong natawa. Again, I was crying for that man. That
crazy billionaire—Panther Foresteir.

Hindi lang ngayon ako nakaranas ng pait sa dibdib dahil


maraming beses na. Tangina, ang sakit magmahal ng taong hindi
mo sigurado kung may nararamdaman din ba sa `yo. Nakakabobo.
Nakakawala ng tapang at angas sa katawan.

I used to believe that I wasn't cut out for love, thus, I wasn't
prepared now that I was experiencing it. I had no freaking idea how
to handle this foreign feeling. Wala akong mahingan ng payo, wala
akong mapagtanungan o kaibigan na puwede kong paglabasan ng
sakit na aking nararamdaman. Alangan naman kasi na makipag-
usap ako sa mga kaibigan ko, e, iisa lang ang lahat ng mga asawa
namin dito.

Ah, I never thought I was a fool in this field.


Inabot ako ng hapon sa tahimik na pag-iyak sa ilalim ng aking
unan. 6:00 PM nang maisipan kong bumangon sa kama. I got tired
of crying my heart out and it was getting boring staring at the
ceiling so I thought of going out for a walk. Nagbihis ako at lumabas
ng kuwarto. Nasa sala pa rin ng chamber ko si Light. Nakaupo siya
sa sofa habang nakayuko. Nang maramdaman ako ay saka siya
tumingala. Namumula ang malamlam niyang mga mata.

Hindi ko siya pinansin at nilampasan lang. Nang makita ko sa


aking peripheral vision na tumayo siya mula sa sofa, bagama’t
mahina ay mariin akong nagpauna ng salita, “I’m going for a walk
and I want to be alone. Please, don’t follow me.”

Lumabas na ako ng chamber. Hindi naman sumunod si Light.


Tahimik akong naglalakad sa mahabang hallway ng sixth floor nang
makasalubong si Giana.

Nag-aalanganna ngumiti sa akin ang babae. “Macey, are you


lost, too?”

Lost? Saka ko lang napagtanto na hindi na rin pamilyar sa akin


ang lugar. Lutang ang isip ko habang naglalakad kaya hindi ko na
namalayan kung saang lupalop na ako ng malaking mansiyon
napadpad.

“Anong ginagawa mo rito, Giana?” tanong ko rin sa kanya. Hindi


naman kasi siya madalas na lumabas ng chamber niya, unless kung
kakain, o may importanteng meeting para sa mga asawa ni
Panther.
“It’s my parents’ anniversary today and… I kind of miss them.”
Pilit siyang ngumiti kahit malungkot ang mga mata. “Hindi naman
ako puwedeng umalis dito basta para puntahan sila, kaya naisipan
ko na lang mamasyal dito sa mansiyon para malibang ako kahit
paano. Ayaw ko sa ground floor kasi nandoon madalas sina
Maricel. Kahit malawak ang mansiyon ay umiiwas ako na
makasalubong sila. Kaya heto, dahil hindi ko kabisado rito ay
naliligaw na tuloy ako.”

Naiintindihan ko siya. Nakakaligaw talaga rito sa Red Mansion


na kasing laki yata ng Mall of Asia. “Hindi ko pa rin kabisado itong
mansiyon. Pero naglalakad-lakad lang din ako. Anyway, bakit mag-
isa ka? Nasaan ang protector mo? Kung kasama mo siya ay hindi ka
maliligaw dahil alam ng mga protectors ang pasikot-sikot dito.”

Umiwas ng tingin sa akin si Giana. “Uhm, he’s sleeping.”

Sleeping? Pwede bang matulog ang protector kapag gising ang


binabantayan? Saka sa ganitong oras talaga tulog?

Lalong lumikot ang mga mata ni Giana. “Yvo is tired… So, iniwan
ko muna siya sa chamber ko…”

Yvo Lawrence was the name of her protector. That guy was
handsome and seemed kind too.

Napaisip si Giana at biglang may naalala. “Uhm, have you heard


of the grand veranda here in Red Mansion? I heard, the view from
there is breathtaking.”
Oo, narinig ko sa usapan noon nina Olly. Nabasa ko rin sa Red
Book ang tungkol sa grand veranda. Pero hindi pa ako nakakapunta
roon.

“Gusto mo bang pumunta roon, Macey? I think it’s located on


the 5th floor, so we just need to find an elevator to go there.”

Tatanggihan ko sana siya kaya lang nakita ko na nagkaroon ng


kaunting sigla ang mga mata niya. Namalayan ko na lang ang sarili
na tumatango. “All right.”

Maigi na rin na sumama kay Giana para malibang ako. Wala rin
naman akong gagawin at ayaw ko ring makita ang ibang wives, lalo
na si Debi, kaya mas magandang magpunta na lang din ako sa
grand veranda.

Nakailang paikot-ikot pa muna kami sa floor na ito para hanapin


ang alin man sa mauuna naming makita, kung elevator o hagdan.
Sa pagliko namin sa pangatlong hallway ay natanaw namin kung
nasaan banda ang elevator. Dali-dali kaming pumunta roon.

Pinindot agad ni Giana ang button pababa. Malumbay naman


akong nakatingin sa nakapinid na pinto ng elevator habang
naghihintay na bumukas ito. Nang bumukas naman ito ay literal
akong natulala nang makita kung sino ang nasa loob—si Panther!

Anong ginagawa niya rito?

I was stunned to see him in front of me. He was wearing a


casual plain white shirt and a pair of black joggers. His raven black
hair was a little disheveled. He looked like he had just gotten out of
bed. So, hindi siya umalis?

Hindi siya umalis kasi nandito pa rin siya sa mansiyon. Galing


siya sa mataas na palapag at mukha siyang bagong gising lang, kung
ganoon ay nandoon siya sa chamber niya maghapon.

“H-hello,” Giana geeted him.

Hindi niya kinibo ang babae. His handsome face was void of
emotion and he didn't seem to be in the mood to even talk nicely
to one of his wives. Or maybe because I was here, thus, he was not
in a good mood.My chest ached at the thought.

Wala sana akong balak tumuloy papasok sa elevator nang


hilahin ako ni Giana papasok sa loob. Mukhang nakahiyaan ng
babae ang umatras kaya tumuloy ito at hinila ako.

Naki-share kami ni Giana kay Panther sa elevator pero sumiksik


kami sa gilid. Kulang na lang ay magtulakan kami kung sino ba ang
tatabi sa kanya.

Humaba ang braso ni Giana para pindutin ang buton ng 5th


floor.

It was akward, really an awkward situation. Tahimik kaming


tatlo at walang nagtatangka na magsalita. Si Panther ay nasa
unahan namin na tila bato na walang pakialam sa amin. Para bang
wala siyang kasama at hindi kami nag-e-exist ni Giana sa tabi niya.
Sa wakas at nasa 5th floor na. Makakahinga na kami ni Giana
nang maluwag, ang kaso ay hindi bumukas ang pinto ng elevator.

“A-anong nangyayari?” kabadong tanong ni Giana na napakapit


sa braso ko.

Isang babae ang nagsalita sa speaker na nasa gilid ng elevator


buttons. [ Apologies for the inconvenience! The elevator is having
a system error at the moment. Please do not panic. You are safe
inside and the lights will remain to function well. Our operators
are now fixing the problem. Thank you! ]

“Ganito rin iyong nangyari nung nakaraan sa kabilang elevator,”


kuwento ni Giana sa mahinang tinig. “Pero hindi naman nagtagal...”

Wala pa rin naman imik o ni reaksyon ang lalaki. Kung hindi lang
sa umaapaw na presensiya niya ay puwede naming isipin ni Giana
na kami lang dito at wala kaming ibang kasama.

Lumipas ang ilang minuto na wala pa ring nangyayari. Hindi pa


rin okay ang elevator. Si Giana ay kahit nahihiya ay hindi na natiis
ang nakabibinging katahimikan sa paligid.

Sinilip ng babae ang mukha ni Panther. “Have you eaten dinner


yet?”

Pero walang napala na sagot si Giana o kahit reaksyon man lang.

Bagsak ang balikat ng babae nang tumingin sa akin. “M-maybe


he’s tired…”
Tumikom ang palad ko. Naaawa ako kay Giana dahil hindi
naman ganito kasuplado si Panther sa mga asawa niya. Galit kasi
siya sa akin kaya pati si Giana ay nadadamay sa mood niya.

Nagsisikip ang dibdib na hinarap ko si Giana. Tutal nakakulong


kami ngayon dito sa elevator, siguro ito na iyong pagkakataon para
makapagsalita ako.

“Giana, did you know that my protector kissed me?” Nilakasan


ko ang aking tinig para talagang marinig ni Panther.

Bumadha naman ang gulat sa maamong mukha ng babae. “Oh,


my! Macey!” Namilog ang mga mata niya nang mapasulyap kay
Panther. Siguro ay natatakot siya dahil naririnig ni Panther, pero
iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Ang marinig ng lalaki
ang lahat ng sinasabi at sasabihin ko.

Malakas pa rin na tinig na nagsalita ako, “Hindi ko alam na


hahalikan niya ako. It just happened so fast, I did not expect it. He
caught me off guard.”

Napalunok si Giana. “Uhm, w-why did he do that? Why did your


protector kiss you?”

“I don’t know. I tried asking him, but he just wouldn't answer


me. I even slapped him several times just to get him to answer my
question, pero wala pa rin. He just said that he was sorry.”
“B-but, Macey…” mahinang tinig ni Giana. Ang takot niya kay
Panther ay natabunan na ng concern para sa akin. “How did you
get into that situation? I mean, bakit kayo magkalapit ng protector
mo? Para maabot ka niya at mahalikan nang ganoon na lang?

Mapait akong napangiti. “Dahil nasasaktan ako.”

Nagsasalita ako habang nakatingin kay Panther na nakatalikod


sa amin.

“I was hurting, Giana,” I continued. “May nakita ako na dahilan


para masaktan ako nang sobra.”

Nakita ko ang bahagyang pagtigas ng malapat na balikat ni


Panther.

“I was at the point of crying when someone pulled me.


Paglingon ko, si Light ang nakita ko. Niyakap niya ako at sa sama ng
loob ko ay umiyak ako sa dibdib niya. Hindi ko akalain na may iba
siyang gagawin, hindi ko alam kung ano ang biglang naisip niya at
hinalikan niya ako.”

Hindi na nag-usisa pa si Giana dahil naramdaman din siguro ng


babae ang pagkapal ng tensyon sa paligid. Tila ito basang sisiw na
sumiksik sa gilid ko. Hindi na rin ako nagsalita pa. Nasabi ko na ang
gusto kong sabihin. Ayos na iyon.

Sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator. Sa


pagkakataong ito ay ako na ang humila sa pulso ni Giana palabas.
Hindi ko tinapunan kahit sulyap si Panther, ni lumingon sa kanya
nang sumara na ang elevator. Narinig niya na ang dapat niyang
marinig. Bahala na siya kung ano ang gusto niyang isipin.

~~~~~~~~

MY WRISTBAND’S LIGHT WAS STILL GREEN.

Mapait akong napangiti. Hindi pa ba ako nire-report ni Panther


sa Red Marshal? Isa sa mga punishable rules iyong nilabag ko.
Nakipaghalikan ako kay Light. Dapat nagsumbong na si Panther at
dapat grounded na ako ngayon tutal mukhang naniniwala naman
talaga siya na nakipaghalikan nga talaga ako sa protector ko.

Nag-tap ako sa aking tablet para tingnan ang aking points.


Nagbigay ako ng 1 point sa mga ka-ally ko na wives, at 0 point
naman sa mga kalaban ko na wives. Nakatanggap ako ng five points
sa kanila at kabilang na iyong point na ibinigay ko sa aking sarili.

Nang tingnan ko naman ang bigay sa akin ni Panther ay hindi na


ako nagulat nang makitang 0 iyon.

Mabigat ang pakiramdam na bumaba ako ng kama. Sinuklay ko


ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at hinayaang nakalugay
lang ito. Lumabas ako ng kuwarto at naamoy ko agad ang amoy ng
masarap na pagkain.

Was thatbeef steak? Pagsilip ko sa mini kitchen ng aking


chamber ay nakita ko roon si Light. Naka-apron siya habang
nakaharap sa kalan. Siya ang nagluluto ng masarap na pagkain na
naaamoy ko.

Pagbalik ko kagabi rito sa chamber ay wala siya. Hindi ko alam


kung bumalik siya nang hatinggabi o kung kailan. Hindi ko alam
kung saan siya natulog. Akala ko ay wala rin siya ngayon. Pero
nandito siya ngayon. Puti na polo at puti na slacks ang suot niya na
pinapatungan ng kulay pulang apron. Sa basa niyang buhok at sa
mabangong naamoy ko bukod sa beef steak ay masasabi ko na
bagong paligo siya.

Bumuntong-hininga ako at tumalikod sa kanya. Mukhang


masarap ang pagkain na niluluto niya, pero hindi ko yata malulunok
dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang aking loob.

Bumalik ako sa kuwarto para mag-ayos sa sarili. Shirt at pajama


na pinatungan ko ng big sweater ang aking suot. Kagabi pa ako
giniginaw kaya balot na balot ako ngayon. Nagmedyas pa ako sa
loob ng aking house slippers.

Sa paglabas ko ulit ay naghahain na si Light sa mesa. “I cooked


food for you,” mahinang sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

Hindi ko na sana siya papansinin nang makita ko ang dugo sa


gilid ng labi niya. Napalapit ako at hinawakan ko ang kwelyo ng
suot niyang polo. Iiwas niya pa sana ang mukha sa akin nang
hawakan ko siya sa pisngi. Napaigik siya sa sakit. Ako naman ay
natigagal sa nakita. Puro galos ang kanyang mukha!
May sugat ang gilid ng makapal niyang kilay, nangingitim ang
kaliwang pisngi niya, at putok ang mapulang mga labi niya.
Napayuko siya pagkuwan. Hindi naman na ako nagtanong pa kung
saan niya nakuha ang mga galos niya.

Walang salita na iniwanan ko siya. Hindi ko pinansin ang mga


inihanda niya sa mesa. Walang lingon na lumabas ako sa chamber.
Wala pa akong balak na makipag-ayos sa kanya. Hindi ko pa rin siya
napapatawad sa ginawa niya.

Paglabas ng chamber ko ay nagmadali na akong pumunta sa


restaurant dahil nangangatog na ako sa gutom. Natanaw ko agad
sina Giana at Morga sa meet up place namin. Nakatanaw sila sa
kabilang restaurant kung saan nandoon ang kalaban namin na
wives ‘The Anti-Macey’.

“Anong meron?” tanong ko sa kanila nang makita na parang


balisa si Giana.

“Debi’s in trouble,” si Morga ang sumagot sa akin.

“Ha?” Nang tanawin ko ulit ang kabilang restaurant ay saka ko


napansin na nandoon si Debi at naglilinis ng mga pinagkainan nila
Maricel at Nikita. “What happened?!”

“She has the red light in her wristband,” maliit ang tinig na ani
Giana.

Nagulat ako sa sinabi niya. Sinipat ko nang tingin sa malayo ang


wristband ni Debi. She really had the red light in it. Pero bakit?
Paano siya nagkaroon ng red light sa wristband niya? Anong
nagawa niya?!

Sa lahat ng wives ay si Debi ang pinakamalapit kay Panther. Saka


kahit nagtatampo ako sa babae ay hindi ko maikakaila na mabuti
siyang kaibigan. Kabisado rin niya ang Red Book as a pioneer wife,
maingat siya para hindi makalabag ng anumang rules. Walang
dahilan para ma-grounded siya.

Dapat nga ako ang grounded ngayon dahil sa akin galit si


Panther. Bakit hindi ako ang nabigyan niya ng red light sa
wristband? Baka nagkakamali lang ang system!

“I have to go.” Nanakabo na ako at iniwan sina Giana at Morga.

Hindi na nila ako nahabol. Nanakbo ako patungo sa office ni Dr.


Fetus. Halos matalisod ako sa pagmamadali. Saktong kakabukas
lang ng maliit na matanda ng pinto nang dumating ako.

“You scared me!” gulat na sabi niya sa akin.

“May nangyari na hindi tama!” Deretso pasok ako sa office niya.


“Red wristband si Debi!”

Nangunot ang kulubot na noo ni Dr. Fetus. “What’s wrong with


that?”

“Baka nagkamali ang system. Ako dapat yata ang naka-red light
sa wristband. May kasalanan ako kay Panther. Ako dapat ang
grounded at hindi si Debi!”
“No, Macey. Panther filed a complaint againstDebi yesterday.”

Yesterday? Kahapon lahat naganap ang lahat, ‘di ba? Kahapon


ko lang sila nakita sa harapan ng chamber ni Debi na naghahalikan.
Paanong nag-file siya ng complaint laban sa babae?

“I don’t understand.” Napakurap ako. “What kind of complaint


did Panther file against Debi?”

“Harassment.”

Nangatal ang mga labi ko. “W-what did Debi do to him?”

Nagpakawala ng malalim na paghinga si Dr. Fetus bago


nagsalita. “Debi forced him to kiss her.”

Natutop ko ang aking bibig sa narinig.

LEVEL 27

DID DEBI REALLY DO THAT? Why did she stoop that low?
Hinalikan niya si Panther nang walang pasabi, nang sapilitan, at
nang hindi nito ginusto? Pero hindi ganoong klase ng babae ang
pagkakakilala ko sa kanya. Bakit niya ginawa iyon?

Sinundan ko si Debi pag-uwi niya sa kanyang chamber. Naiwan


niyang bukas ang kanyang pinto kaya pumasok na ako. Marahan
akong nagtungo sa shower room dahil doon ko siya nakitang
pumasok. Sinilip ko siya sa loob. Nakita ko siyang nakaupo sa lapag,
sa mismong tiles ng banyo.

“Come on in,” anas niya na aking naulinigan.

Alam pala niya na sinusundan ko siya. Pumasok ako roon. Nang


mag-angat siya ng mukha ay nakita ko na puno ng luha ang
kanyang mga mata. Nagkalat ang make up niya, magulo ang
kanyang buhok, at maging ang suot na damit.

Napaluhod ako sa tabi niya. “D-Debi, okay ka lang?” nag-


aalalang tanong ko.

Ang luhaan niyang mga mata ay biglang tumalim habang


nakatingin sa akin. “What did you do to him?”

“H-ha?”

Nagtagis ang kanyang mga ngipin. “Nagbago siya, Macey.” May


diin ang bawat pagbikas niya ng bawat salita. “Anong ginawa mo sa
kanya? Anong ginawa mo kay Panther?!”
Bahagya akong napaurong sa biglang pagsigaw niya. Nag-echo
ang tinig niya sa loob ng shower room.

“Hindi siya ganoon dati, Macey. Kahit palabas lang ang


pakikisama niya sa lahat, at least, pantay-pantay ang tingin niya sa
lahat ng asawa niya. Neutral siya sa lahat noon, pero ngayon,
nagbago na siya. Parang ikaw na lang ang asawa niya sa mansiyon
na ito!”

Umawang ang mga labi ko. Hindi ko alam ang sagot sa tanong
niya dahil hindi ko rin maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip
ni Panther.

Napahilamos si Debi sa kanyang mukha. “He used to favor me.


Sa lahat ng wives, kahit noong unang batch, sa akin lang siya
malapit. Ako lang ang dinadalaw niya sa chamber, kahit hindi kami
nag-uusap, pinupuntahan niya ako… Ako dati… Ako…”

May gumuhit na kirot sa puso ko sa sinabi niya.

“Answer me… what did you do to him, huh?” Ang palaging


malambing at makulit na ekspresyon na nakasanayan ko sa mukha
ni Debi ay napalitan na ngayon ng pait at galit. “B-bakit siya
nagbago, Macey?” Nabasag ang tinig niya.

Napaiyak na rin ako. “H-hindi ko alam ang sinasabi mo…” Hindi


ko naman talaga alam. Walang may alam sa iniisip at tunay na
nararamdaman ni Panther sa aming lahat dito.
“Damn it, Macey! He wasn’t like that before you two slept
together! How come you did not know?!”

Nanginginig na siya sa pag-iyak kaya sinubukan ko siyang


hawakan sa balikat pero itinulak niya ako palayo.

“G-get out.”

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

“I said, get out!” asik niya sa akin habang nanlilisik ang kanyang
luhaang mga mata.

Napahikbi ako. Gusto ko siyang aluhin pero parang tanga lang


kung gagawin ko iyon. Galit siya sa akin kaya wala na akong nagawa
kundi ang umalis at iwan siya. Mabigat ang dibdib ko na lumabas sa
kanyang chamber dahil alam ko na nawalan ako ng isang kaibigan.

~~~~~~~~

RED BAR.

Dito kami bumagsak nina Giana at Morga. Dahil abot na ng level


namin ang bar na ito ay nakapasok na kami rito. Si Morga ang
nagyaya dahil miss na raw niya ang lasa ng wine at iba pang
alcoholic cocktails. Sumama ako dahil gusto ko rin na uminom.
Pampatulog lang dahil sa tingin ko ay hindi ako makakatulog nang
matiwasay sa gabing ito.
Si Giana na hindi sanay sa pag-inom at ayaw sanang uminom, ay
ngayo’y lasing na. Hindi siya tinantanan ni Morga sa pagpapa-shot
hangga’t hindi namumula sa kalasingan ang mukha niya.

“I still couldn’t believe it that Debi got a red light in her


wristband. What did she do?” madulas ang dila na ani Giana. Dahil
lasing na ay lumabas na ang itinatagong kadaldalan. Halos hindi na
niya maidilat ang inaantok na mga mata.

“Right! I’m dying to know the reason too why she’s now
grounded!” Si Morga naman ay nilagok ang wine niya sa wine glass
at may isa pang baso ng alak na tinungga pagkatapos. Kandatapon
sa bibig niya ang likido dahil tagilid na ang hawak niya sa baso.

Lasing na pareho ang dalawa. Napailing ako at tumikim ulit sa


hawak kong baso na may lamang brandy. Hindi ako tunggera pero
malakas ang sikmura ko sa alak. Hindi ako mabilis malasing. Ngayon
ay nakakaisang bote na ako ng alak pero saktong hilo pa lang ang
nararamdaman ko.

“It’s obvious that Panther favors Debi,” ani Morga. “Kitang-kita


naman natin kung paanong nagagawa ni Debi na kausapin nang
kaswal si Panther, right? Maybe because galing pa sa unang batch
si Debi. Pero ang point nga ay close sila. So, how come na grounded
siya ngayon?”

“Right!” ani Giana na ngayon ay halos lumupasay na bar


counter. “I think may nagawa si Debi na ikinagalit ni Panther!”
“Like what?” Hinampas ni Morga si Giana. “What do you think
Debi did to Panther? Come on, tell me! Kasi parang hindi
makakagawa ng katarantaduhan si Debi! Mukhang matino naman
siya. Saka siya ang favorite wife ni Panther! Chamber nga lang niya
ang pinupuntahan nito, ‘di ba?”

Nope. Wala silang alam na madalas sa chamber ko si Panther.


Sa akin madalas matulog ang lalaki dati.

“He never visited me.” Napangiwi si Morga. Nagsindi siya ng


sigarilyo at walang siyang kaalam-alam na baligtad ang baga nito.

“Really?” hibang na tanong ni Giana.

Pinaningkitan siya ni Morga ng mata. “Why, Giana? Did he visit


you in your chamber?!”

Ngumisi si Giana. “Once. Pero saglit lang, napadaan lang.


Sinaway niya lang iyong lamok na lumilipad.”

“You’re lucky, bitch!” Tinapik ni Morga si Giana sa braso pero


hindi naman tumama.

“Thanks!” Ini-straight ni Giana ang panibagong bote ng wine na


naabot. Sa ilong niya ito na-shoot. Kandaubo siya.

“How about you, Macey?” baling sa akin ni Morga. “Pinuntahan


ka na ba ni Panther sa chamber mo?” Sabay hithit niya sa kanyang
sigarilyo na wala namang usok kasi nga ay baligtad ang baga.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung dapat kong
sabihin ang totoo.

“It doesn’t matter,” nakangiting sabat ni Giana. “Pinuntahan


man siya o hindi, still it was Macey who won the Lucky Red Draw.
Siya ang wife na unang nakarating sa chamber ni Panther. Siya rin
ang unang nakasama ni Panther sa loob ng pitong araw. I’m sure
may nangyari na sa kanila.”

Napangiwi ako. Ibang-iba si Giana pag lasing. Ang daldal niya.

“Macey, kapag nabuntis ka, sa `yo manggagaling ang first born


ni Panther. Ikaw ang tatanghalin na pinakamataas sa lahat ng
asawa niya, ‘The Wife Regent’. And you’ll be greatly rewarded!”

Napangisi si Morga. “Oh! I just remembered, Macey won the


Lucky Red Draw. So, how was it, Macey? How was your first night
with our hot gorgeous son of a gun husband?” Nakapikit na siya
habang nakusap ako.

Napayuko ako. Nahihiya ako na magkuwento. “Uhm, ano… N-


nanood kami ng movie.”

“What movie?!” Excited si Morga.

“Porn – este, romance movie.”

Napasuka si Morga sa tabi niya. Mukhang hindi na kinaya ng


sikmura niya ang dami ng kargang alak sa katawan. “Ahg! Fuck!
Sandali pa lang, pero naninibago na ang bituka ko sa alak!”
Pigil ang hagikhik ko habang nakatingin sa kanya.

Napasabunot siya sa kanyang buhok. “Ugh! But I swear! I’m


gonna be the next to win the lucky spot! Ako ang mabubunot sa
susunod na Lucky Draw! Ako na iyon!”

Kahit hilong talong na si Giana ay umalma ang babae. “No! Ako


dapat! Kahit virgin pa ako at nahihiya ako na makipag-do, ipipikit ko
na lang ang mga mata ko! Basta, kailangan ako ang mapili next
time! I need to get pregnant to get the benefits! Gusto ko nang
makaalis sa lugar na ito at makakuha ng maraming pera para
matulungan ang papaluging negosyo ng pamilya ko!”

Ang protector ni Giana na si Yvo ay nakatayo lang sa entrance


lang ng bar. Nahuli ng aking mga mata ang pag-igting ng panga
nito.

“I really want to help my family,” paungol na sabi pa ni Giana.


“That’s why I joined Panther’s harem… Even if I really don’t want to
be here…”

Sa kalasingan ni Giana ay wala siyang kamalay-malay na nailabas


niya na ang tunay na nilalaman ng puso niya. Kung ganoon ay iyon
pala ang layunin niya. Kahit labas sa loob niya ay nagsikap siya na
maging asawa ni Panther dahil gusto niyang tulungan ang pamilya
niya. She was really a good person. A good daughter.
Saglit lang ay napahikbi si Giana. “But if I get pregnant… paano
ang baby? Nakakaawa ang anak ko dahil hindi siya nabuo sa
pagmamahal!” Umatungal na ng iyak ang lasing.

Parang bruha na tumawa naman si Morga. “Then, don’t do it!


Don’t win the Lucky Red Draw! Ako, okay lang maanakan ni
Panther dahil gusto ko ng magandang lahi! Nakawala na sa kamay
ko ang ex ko dati na si Van Ross Batalier, kaya hindi ko hahayaang
may isa na namang gorgeous member ng Red Note Society ang
makakawala sa akin. Lalo na si Panther because he’s the leader!
He’s the wealthiest! He’s the yummiest!”

Iyon na ang huling mga salita nila bago sila pinawian ng ulirat.
Pumapasok na lang ang mga protector nila sa bar para kargahin sila
at dalhin pabalik sa kani-kanilang chamber.

Naiwan ako na mag-isa sa bar counter. Nangalumbaba ako


habang nahihilong nakatitig sa kaharap kong bote ng brandy.
Ngayong wala na akong kasama ay saka nanuot sa akin ang
nararamdaman kong kalungkutan.

Ang pait ng panlasa ko kaya tumungga na ako ng direkta sa bote


ng brandy. Gusto kong talunin ng lasa ng alak ang pait sa aking
dibdib. Palabo na nang palabo ang aking paningin. Hanggang sa
bumigat ang talukap ng mga mata ko kaya napapikit ako habang
nakasubsob sa mesa.

Hindi ko na kaya, lasing na ako. Light wasn’t here so I guess I


would be sleeping in this bar until I get sober.
Nakakaidlip na ako nang aking maramdaman ang nang biglang
paglutang ng katawan ko. What the hell was going on? Ganito ba
ako kalasing?! Or maybe I was just hallucinating.

Nang dumilat ako ay nakita ko ang pag-angat ko mula sa


kinaroroonan. Napapikit ulit ako dahil sa hilo. Masarap ang aking
pakiramdam dahil sa aking pagkakalutang. Tila may mabango at
matigas na bagay ang may hawak sa akin.

Narinig ko ang pagtunong ng elevator at ilang sandali lang ay


tunog ng automatic lock sa aking chamber ang sumunod kong
naulinigan. Pagkatapos ay naramdaman ko na marahan at maingat
na lumapag ang aking katawan sa malambot na kama.

Kahit namimigat ang aking talukap ay sinikap kong idilat ang


aking mga mata. Isang matangkad na lalaki ang nagtatanggal ng
suot kong house slippers. Kinumutan rin niya ako para hindi ako
lamigin. Pero sino ba siya?

Malabo ang mukha niya sa aking paningin. But his smell was so
familiar. Kabisado ko ang amoy ng gamit niyang sabon pampaligo
at maging ang mamahalin niyang pabango.

“P-Panther?” Gumaralgal ang tinig ko.

Hinaplos ng misteryosong lalaki ang pisngi ko.

“I-ikaw ba yan?” Hinawakan ko ang kamay niya na nasa mukha


ko.
Hindi siya sumagot.

“P-Panther, do you hate me?” Naglandas na ang aking mga luha.

Masuyong tinuyo ng mahahaba niyang daliri ang aking luha sa


pisngi. Iniangat niya ang aking katawan para ibangon ako.
Pagkatapos ay niyakap niya ako.

Nang maramdaman ko ang mabango at matigas niyang katawan


sa akin ay napaiyak ako sa kanyang matigas na dibdib. I missed him.
I missed him so much.

“Tahan na,” maaligasgas bagaman masuyo ang tinig na alo niya


sa pag-iyak ko.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin sanhi para tuluyang


bumigay ang puso ko.

“Panther… I-I love you…” sambit ko sa malat na tinig.

Bago ako tuluyang makatulog ay tila musika sa aking tainga ang


naalala kong huling sinabi niya. “I love you too, Macey…”

LEVEL 28
I LOVE HIM.

Napadilat ang mga mata ko. Napahawak agad ako sa aking mga
labi dahil ang pakiramdam nito ay tila namamaga. Nanaginip ako
kagabi na may humahalik sa akin habang nakahiga ako sa kama.
Ang tagal akong hinahalikan na para bang mauubos na ako.

But why did it feel so real?

Bakit nararamdaman ko ang pamamaga ng aking mga labi?

Naalala ko si Panther. Right, siya ang lalaki sa panaginip ko. Ang


mainit at mabango niyang hininga angdumadampi sa aking mukha,
ang katawan ko ay nakakulong sa matigas na mga bisig niya, at ang
mga labi niya ay humahalik sa labi ko. And all of those were just a
dream.

May namutawing luha sa gilid ng aking mga mata. Sana totoo na


lang.

Bumalikwas ako ng bangon para lang mapangiwi ako sa sakit ng


aking ulo. Dang this headache! Naparami ako ng alak kagabi.

Napalingap ako ng paningin sa paligid. Nasa loob ako ng


kuwarto ko. Pero paanong napunta ako rito? Ang natatandaan ko
ay mag-isa akong nakatulog sa Red Bar. Sino ang nagdala sa akin
dito?
Nanlaki ang mga mata ko sa aking naisip. Posible kayang hindi
panaginip na hinalikan ako ni Panther? Napahilot ako sa aking noo
at pilit inaalala ang aking napanaginipan.

May bumuhat sa akin at dinala ako dito sa aking chamber.


Ipinasok niya ako sa aking kuwarto para maingat na ilapag sa aking
kama. I could still remember his scent. And I was certain that he
was Panther.

It was not a dream! Totoo ang lahat ng nangyari! Lumundag


agad ako pababa sa aking kama at hindi pinansin ang aking
headache. Paglabas ko ng kuwarto ay may matangkad na lalaki sa
kusina na nagluluto.

“P-Panther…” usal ko.

Ang lalaki ay nakasuot ng itim na long sleeves at khaki na baston


pants. Humarap siya sa akin. “Are you feeling better now?”

Bumagsak ang aking balikat. It was Light.

“I made you soup for your hangover.” Lumapit siya sa mesa


para ipaghila ako ng upuan.

Tumunog ang aking tiyan nang makita ko ang soup na gawa


niya. Dang, ang sarap ng amoy!

“Hindi ako nagugutom,” kaso iyon ang lumabas sa bibig ko. Pero
ang totoo ay naghihinagpis ang mga bituka ko sa tiyan.
Napayuko si Light. “Anything you need?”

Napahawak ako sa aking ulo.

“Headache? I can get medicine.”

Sinimangutan ko siya. “Hindi na. Ako na lang ang kukuha.”

Gagawa pa lang ako ng hakbang nang bigla akong mawala sa


balanse. Mabuti at naagapan ni Light ang pagtumba ko dahil agad
niya akong naalalayan.

“Are you all right?” Sinilip niya ang mukha ko.

Tinulungan niya akong makalakad hanggang makarating sa


upuan kaharap ang mesa. Lalo tuloy akong napalapit sa
mapanuksong soup. Tumunog na naman ang tiyan ko. Para hindi
marinig ni Light ay sinabayan ko ng pag-ubo.

“Stay here. Kukuha lang ako ng gamot sa hangover.”

“No.” I stopped him.

“Huh?”

“I don’t need your help.”

“Let me take you to the clinic, at least.”

Umiling ako. “Ayoko.”


Napayuko siya.

Pinilit kong tumayo habang sapu-sapo ko ang aking ulo. Kulang


na lang ay magtungkod ako.

“By the way, who brought me here last night? I was drunk and I
couldn’t remember anything.”

Matagal bago siya sumagot. “Ako.”

Nanlulumo na napaupo ako sa upuan. Bakit ba umasa pa ako?


Para lang tuloy akong tanga.

“I didn’t do anything to you while you’re unconscious,” narinig


ko ang mahinang tinig ni Light. “I swear…”

Inirapan ko lang siya nang makitang namumula ang kanyang


pisngi. Naaawa na ako sa kanya pero galit pa rin ako kaya bahala
siya diyan.

~~~~~~~~

NAGPAWALA muna ako ng hilo, pagkatapos ay lumabas ako para


magpunta sa clinic. Alam kong susundan ako ni Light para siguruhin
na okay ako. Alam kong nasa likuran ko lang siya at handa akong
saklolohan kapag hinimatay ako.
Pagkainom ko ng gamot ay bumalik din ako sa kuwarto para
maligo. Nang mapreskuhan ay lumabas na ako para kumain sa
restaurant sa ground floor. Nandoon na si Morga pagkarating ko.
Ipinaghahanda siya ng protector niya ng pagkain. Mukhang may
hangover pa siya.

Mayamaya ay dumating na rin si Giana. Kabuntot ng babae ang


protector na si Yvo. Todo alalay sa kanya ang lalaki dhail
gumegewang siya sa paglalakad. Hindi kasi siya talaga sanay
uminom. Nademonyo lang siya ni Morga kagabi.

Pagkaupo ni Giana sa upuan ay nagpaalam na ang protector


niya. “I’m just outside if you need me,” bulong ng lalaki sa kanya.

Pinamulahan ng pisngi si Giana at hindi man lang sinagot ang


protector niya na si Yvo.

Si Morga naman ay walang pakialam sa protector niya. Hindi pa


nga niya yata alam ang pangalan nito dahil ‘di siya interesado.

Nag-almusal kami pero kape lang ang aming tinira. Mga


nagpawala lang ng hangover. Mga tulala kami nang may lumapit sa
amin. “Can I take your orders?”

Pagtingin ko ay nagulat ako pagkakita kay Debi. Bumaba ang


mga mata ko sa wristband niya, pula pa rin ang ilaw roon.

“Give me hot soup, Debi,” utos ni Morga sa kanya.

“No.” Napatayo ako. “Ako na ang kukuha, Morga.”


“No, Macey,” awat sa akin ni Debi. “Ako na.”

Pumiksi ako. “You’re not a waiter here, Debi.”

“Neither are you.” Pagkasabi ay tinalikuran na niya ako.

“Debi–”

“I don’t need your help, Macey.” Pagkuwan ay humarap siya sa


akin. “Or should I say… I don’t want your help.”

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi niya.

Hinila ako sa kamay ni Giana para maupo na ako. “Let her be,
Macey. Baka mamaya ay malipat sa `yo ang red wristband niya.”

“But why is she taking our orders?” tanong ko sa kanila.

“She’s trying to avoid to get bullied,” Morga answered. “Kung


ako rin ang magka-red light sa wristband, magiging mabait din ako
sa lahat. Susunod na lang ako sa utos niyo kaysa mabuhusan ako ng
juice sa ulo.”

Ilang sandali pa ay pumasok na sa restaurant sina Maricel,


Nikita, at Olly. Si Maricel ay mula ulo hanggang paa ay Gucci, si Olly
naman ay Prada, at si Nikita ay LV. Mukhang ginamit nila ang
kanya-kanyang points para mag-mega shopping sa Red Belt.
Si Maricel ang nangunguna sa paglalakad. Lumalagutok sa sahig
ang takong ng suot niya high heels. Ang bagong polished niyang
mahahabang kuko ay pumipitik sa ere. Si Olly sa pangalawa naman
ay nakaismid ang plakado sa make up na mukha. Hindi na mukhang
jolly ngayon ang babae, lumabas na ang tunay niyang arte. Si Nikita
naman ay forever poker faced na yata. Nang mapatingin sa akin ay
saka lang sumimangot ang mukha.

Ang itsura nila ngayon ay parang mga estudyante na bullies sa


isang school. Siguradong ibu-bully nila si Debi. Napansin ko na agad
ang takot sa mukha ni Debi nang dumating sila. Bumalik sa table
namin si Debi para dalhin ang tray ng hot soup si Morga.

“Hey, Debi! Come here!” tawag ni Maricel sa kanya. Doon


pumuwesto ang mga ito sa mesa na malapit talaga sa amin.

Napabuntong-hininga muna si Debi bago niya nilapitan ang


babae.

“Bakit nauna iyong serve mo sa kanila kaysa sa amin, huh?”

“Kararating niyo lang,” maliit ang tinig na sagot niya kay Maricel.

“Nope. Kanina pa kami nandito,” nakangising sabat ni Olly.


“Bulag ka ba?”

“I’m sorry,” ani Debi sa mga ito.

“Get us glasses of juice,” utos ni Maricel. “Damihan mo para


marami kaming maipaligo sa `yo.”
“This dress is special to me…” tukoy ni Debi sa suot niyang blue
dress. “It’s my mom’s birthday today. Nakaugalian ko nang suutin
itong damit na ito tuwing birthday niya…”

Nangalumbaba si Maricel sa mesa. “And so?”

Napayuko si Debi. “Ayokong mabasa lang ito ng juice na


ibubuhos niyo sa ‘kin… Kung puwede… bukas niyo na lang ako
buhusan…”

Nagtawanan sila Maricel at Olly, habang si Nikita ay walang


reaksyon.

“We just want some drinks, that’s all,” ani Olly na pilyang
nakangiti sa kanya. “Wala kaming balak na buhusan ka ng juice.
Tinakot ka lang ni Maricel.”

“All right.” Lumapit na si Debi sa counter para kumuha ng


tatlong juice para sa tatlong bullies.

“I have a bad feeling about this,” sabi ni Morga matapos


humigop sa kanyang soup.

“Sa tingin ko, ang mahalagang damit ni Debi ay mababasa ng


juice ngayong araw na ito,” pabulong na sabi ni Giana.

“I won’t let them do that to her.” Nagtagis ang aking mga


ngipin.
“`Wag mo nang ituloy ang iniisip mo, Macey. You might get into
trouble again,” banta sa akin ni Morga. “Hold your horses.
Remember, kapag nag-red wristband ka na naman, siguradong
gagawin kang almusal ng mga bully na `yan.”

Lumapit na si Debi sa table nila Maricel hawak ang tray ng may


lamang tatlong baso ng orange juice. Nagkatinginan muna sina
Maricel at Olly bago kinuha ang mga baso ng juice. Si Olly ay
dalawang baso ang kinuha habang si Maricel ay isa. Sabay ng
dalawa na ibinuhos kay Debi ang laman na juice ng mga baso.
Napasinghap na lamang di Debi nang mabasa siya.

“Happy birthday to your mom,” matamis na ngiti at pagbati ni


Maricel kay Debi.

Napikon na ako. “I can’t just watch this!” Marahas akong


tumayo sa kinauupuan ko.

Humarang naman agad si Morga sa daraanan ko. “Don’t do this,


Macey. Once na mag-red light ang wristband mo, masisira ang
alliance natin.”

“I don’t care!” Hinawi ko siya.

Kahit galit si Debi sa akin at kahit hindi na kami magkaibigan,


hindi ko pa rin siya kayang pabayaan. Hindi ko maaatim na
tumingin lang habang may isang tao na nabu-bully sa aking
harapan.
Pero nahuli ni Giana ang braso ko at kinapitan ito bago ako
makalayo. “Please think twice, Macey. Pwedeng trap ng kalaban
natin ito para matalo nila tayo.”

“Hindi ka namin maipagtatanggol kapag na-grounded ka,”


paalala pa ni Morga.

Natigilan tuloy ako kahit nanginginig na ako sa galit.

Nakangisi sa akin si Olly. “What now, Lady Superhero?”


panghahamon niya sa akin. Tumayo pa siya at tinaktak sa ulo ni
Debi ang kapiranggot na juice na natira sa isang baso.

Napakuyom ako ng kamao.

“Be smart, Macey,” bulong sa akin ni Morga. “We have to wait


for the right time.”

Ibinagsak ni Maricel ang isang baso sa sahig sanhi para mabasag


ito. Nagkalat ang bubog sa puwesto nila. “Remove your sandals and
step on it,” utos ni Maricel kay Debi.

Lalo akong nanggalaiti sa galit nang makita ang panginginig ng


katawan ni Debi. Niyakap naman ako ni Giana. “Calm down, Macey.
Isipin mo rin kaming ka-ally mo. We can’t win against them without
you.”

Tumayo muli si Olly at itinulak si Debi kaya natumba ito. Muntik


na si Debi sa bubog. “You don’t want to step on it?” singhal ni Olly.
“Sige, higaan mo na lang!”
“P-Please… tama na…” garalgal ang tinig ni Debi na nakikiusap.

Halos bumaon na ang mga daliri ko sa aking palad nang makita


na lalong tumindi ang panginginig ng katawan ni Debi. Lalong
nagliyab ang pakiramdam ko nang apakan ni Olly ang binti ng
babae na nakalugmok sa sahig.

“Stop,” mariing sambit ko.

Tumingin sa akin si Olly. “Come on, Superhero Macey! Save this


bitch. Save her as you have saved me.”

Akmang tatadyakan ni Olly si Debi nang may biglang humawak


sa braso niya at hinaltak siya palayo. Lahat kami ay nagulat sa
lalaking naka-all black suit na umawat sa kanya.

“P-Panther…” tigagal na sambit ni Olly.

It was really Panther Foresteir. Ni hindi ko siya napansin na


dumaan kanina sa likod ko. Kahit sina Maricel at Nikita ay tila
naestatwa sa biglang pagdating niya. Ibinato ni Panther ang braso
ni Olly kaya tumalsik ang babae.

Lumapit si Panther kay Debi na nakalugmok sa sahig. Luhaan


ang mukha ni Debi nang tingalain ang lalaki. “Panther, I-I’m sorry…”

Humugot ng panyo si Panther sa kanyang suit at pinunasan ang


mukha ni Debi. Pagkatapos ay kinuha niya ang babae gamit ang
kanyang braso para buhatin ito. He was like her knight in shining
armor.

I should be happy for Debi because she was saved. Pero bakit
nasasaktan ako?

Bakit naninikip ang paghinga ko na makitang nasa bisig siya ni


Panther? Napayakap si Debi sa leeg ni Panther habang buhat siya
ng lalaki. Napahagulhol siya sa dibdib nito.

“Shhh…” alo sa kanya ni Panther. “I’m here. No one will hurt


you anymore.”

Naglakad na si Panther habang buhat si Debi papalapit sa


kinatatayuan ko. Nakatanga lang ako sa kanilang dalawa habang
nagdurugo ang aking puso. Hanggang sa lampasan na nila ako.
Hanggang sa hindi ko namalayan na naglandas na pala ang mga
luha ko.

LEVEL 29

PANTHER WAS IN DEBI’S CHAMBER.


Nandoon siya dahil hinatid niya ang babae. Hindi pa siya umaalis
doon. At baka hindi na nga siya umalis pa. Baka inaalo niya pa ang
babae at baka doon na rin siya matulog. At baka sa mga oras na ito
ay may nangyayari na sa kanilang dalawa.

Hindi imposibleng mangyari iyon, ‘di ba? Debi was his favorite
wife. Nalito lang siya nang kaunti dahil bigla akong umeksena. Pero
si Debi pa rin ang pinuntahan niya ngayon. Si Debi pa rin ang
kasama niya.

Ang sakit.

Ang sakit-sakit kahit naiintindihan ko ang kalagayan ni Debi. Ang


sakit-sakit lang kasi na-bully rin naman ako noon ni Olly pero bakit
hindi siya dumating para iligtas ako?

Wala siya para punasan ang mukha ko noon na basang-basa ng


juice. Wala siya para buhatin ako gamit ang kanyang mga braso.
Wala siya para aluhin ako dahil nasasaktan ako na naloko ako ng
isang kaibigan. Wala siya para pagaanin ang loob ko. Wala siya
nang mga sandaling vulnerable ako at kailangan ko siya, tangina.
Wala siya!

Nakayuko ako sa gilid ng aking kama nang makarinig ng katok sa


pinto ng aking kuwarto. “Macey, dinner’s ready.” Magaang tinig ni
Light ang narinig ko.

Nagugutom ako pero wala akong ganang kumain. Hindi ko


akalaing darating itong time na tatanggihan ko ang lunch at dinner.
Kilala ko ang tiyan ko, hindi ito marunong humindi pagdating sa
pagkain. Pero heto at mula kaninang umaga ay wala talaga akong
kinain na kahit ano.

Kumatok muli si Light. “You should drink water, at least.”

Napatingin ako sa pinto. Every thirty minutes niya yata akong


kinakatok para lang sabihan ako na nakahain na ang pagkain sa
mesa, na uminom ako ng tubig kahit kaunti. Hindi siya napapagod
at nagsasawa kahit paulit-ulit lang ang pag-iignora ko sa kanya.

Bumangon ako para puntahan siya, pero pagbaba ko ng kama ay


nawalan ako ng balanse. Natumba agad ako dahil nanghina ang
mga tuhod ko. Mabuti na lang ay napakapit ako sa isang upuan
malapit sa akin. Pero natumba din ang upuan na ito kaya bumagsak
pa rin ang katawan ko sa sahig.

“Macey, what happened?!” sigaw ni Light sa labas ng pinto.

Narinig niya na lumagabog ang upuan na nakapitan ko. Sinipa


niya ang pinto kaya bumukas ito. Nang makita niya akong
nakalupagi sa sahig ay patakbo siyang lumapit sa akin.

“Are you all right?” Punung-puno ng pag-aalala ang kanyang


guwapong mukha

“I-I don’t know. Bigla akong nahilo,” sagot ko.

“I’ll take you to the clinic.” Binuhat niya ako at ipinatong ang
katawan ko sa kanyang mga braso.
Nanakbo siya palabas na para bang nag-aagaw buhay ako.
Sobrang nag-aalala siya para sa akin. Wala akong nagawa kundi ang
mapasiksik sa kanyang dibdib. Ang mainit at matigas na katawan
niya ay nagbibigay sa akin ng sandaling kapayapaan.

Yeah, I’m going to be okay, thanks to him.

~~~~~~~~

ANG INIT ng hangin na sumisingaw mula sa aking mga mata pag-


dilat ko. Meron akong ice bag sa aking noo at dextrose sa aking
kaliwang braso. Sinubukan kong ibangon ang kalahati ng aking
katawan pero hindi ko kaya. I felt so weak. Kumikirot ang mga
kalamnan ko.

“Wag ka munang magkikikilos,” sabi ni Light na halatang


kakagising lang. Dito na yata siya nakatulog sa gilid ko habang
nakabantay sa akin. “I’ll call the nurse.”

Umalis siya sandali at pagbalik niya ay may kasama na siyang


nurse. Nangingiti pa iyong nurse na tinawag niya dahil halata
namang may gusto sa kanya.

Hinawakan lang ng nurse iyong pulso ko para-icheckako. “She’s


going to be fine,” sabi nito habang titig na titig sa mukha ni Light.

“I think she’s not okay.” Kinapa ni Light ang noo ko. “Mainit
siya.”
“Kukuha lang ako ng paracetamol.” Ngumiti nang matamis ang
nurse kay Light.

Hindi naman ito pinansin ng lalaki.

“Macey, magpagaling ka.” Hinimas ni Light ang ulo ko. Masuyo


ang malamlam na mga mata niya na nakatunghay sa akin. “Kahit
hindi mo na ako patawarin, kahit araw-araw at oras-oras kang
magalit sa akin, okay lang. Tatanggapin ko. But please, wag sa
ganitong paraan mo ako gantihan. Magpagaling ka, please…”

Umiwas ako ng paningin sa kanya. Nagsimulang mangilid ang


mga luha ko. Dama ko ang concern ni Light sa akin.
Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako iniwan sa kabila ng lahat.
Nanatili siya sa tabi ko.

Nang bumalik ang nurse ay pinaninom na ako ng gamot. Si Light


ang nag-assist sa akin. Bahagya niyang iniangat ang aking ulo para
painumin ako ng tubig. Pagkatapos ay inalalayan niya akong
makahiga muli sa unan.

“Giana and Morga visited you a while ago,” kuwento niya bago
niya ako kinumutan.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nanunubig ang aking mga


mata. Binisita ako ng mga kaibigan ko. Pero si Panther? Hindi ba
siya pumunta rito? Gusto ko sanang itanong kay Light kaya lang
para saan pa? I already knew the answer to my question.
Dumampot si Light ng orange at ipinagbalat niya ako. “You must
eat this.”

“Wala akong gana.”

“Kahit isa lang.” Sinubuan niya ako ng isa.

Tinabig ko ang kamay niya. “Galit pa rin ako sa `yo,” sabi ko


kahit hindi naman na gaano. Unti-unti nang nalulusaw ang sama ng
loob ko sa kanya.

“I know. I deserve it.”

“Then, why are you doing this?”

“Taking care of you? I told you, my job is to protect and take


care of you.”

“Is kissing me also part of your job?”

“No.” Napabuga siya ng hangin. “Hindi ko rin alam kung bakit


ko nagawa iyon. I know, I crossed the line. What I did to you was
unforgiveable, but let me take care of you until you get better.
After this, I promise you that I will resign from being your
protector…”

Nakagat ko ang aking ibabang labi. May natitira pa rin akong


sama ng loob kay Light pero hindi maitatanggi na mahalaga siya sa
akin. Kaya nga nasaktan ako sa ginawa niya kasi may tiwala ako sa
kanya at mahal ko na siya hindi lang bilang protector o bodyguard,
kundi bilang isa nang kaibigan na pinahahalagahan ko.

Isang beses lang siyang nagkamali pero mas maraming beses


niya akong sinamahan sa lungkot, prinotektahan, at iniligtas sa
kapahamakan. Parte man iyon ng trabaho niya ay malaki pa rin ang
utang na loob ko sa kanya. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan
kahit kailan.

Maliit na ngumiti ang mapula niyang mga labi. “Now, you need
to eat. Kahit konti lang…”

“I’m sorry, Light. Pero wala talaga akong gana…” Tinalikuran ko


siya para dumantay sa unan na katabi ko.

“I used to live in an orphanage,” bigla ay sabi niya. “Orphaned,


raised by nuns, a skinny boy who always got sick...”

Hindi ko siya nililingon, pero nakikinig ako sa kanya.

“I was that kind of kid…” Bahagyang humina ang tinig niya.


“That’s why I always got bullied.”

Napaangat ako ng mukha at napalingon sa kanya.

“I was always being bullied. Araw-araw ng buhay ko, ako ang


pulutan ng mga batang mas malalaki sa akin. Hindi ako
makapagsumbong sa mga madre kasi ako lang din ang kawawa sa
huli. Wala akong kakampi…”
Ngumiti siya sa akin nang magtama ang aming mga mata.

“Walang nagtatanggol sa akin. Tinanggap ko na ang kapalaran


ko na ganoon na talaga ang buhay ko. But then, isang araw ay
dumating sa ampunan ang vice president ng bansa kasama ang apo
nitong babae.”

Umawang ang mga labi ko. Kung ang pagbabasehan ay ang


timeline na sinasabi ni Light ay iyon ang panahon na vice pa lang
ang lolo ko at hindi pa nagiging presidente ng Pilipinas.

“I don’t know if that kid can still remember me.” Tumamis ang
ngiti niya. “Pero ako, naaalala ko iyong maliit na batang bungi, may
namumulang pisngi, cute na mga ngiti na biglang nagtanggol sa
akin. Namamasyal siya sa hallway nang makita niya ako na inaapi
ng ibang mga bata. At kahit ang liit niya, ang tapang-tapang niya.
Ipinagtanggol niya ako gamit ang tirador na dala-dala niya.”

“My God…” sambit ko.

Naaalala ko ang araw na pinasama ako ni Daddy sa lolo ko na


dumalaw sa mga ampunan sa probinsiya. Dinala ko ang paborito
kong laruan, ang tirador ko. Sa isa sa mga ampunan na napuntahan
namin, naaalala ko nga na may isa akong bata na ipinagtanggol
mula sa mga nambu-bully rito.

But that boy was just a small kid. Napakapayat, inuubo, at may
malaking salamin sa mata. Paanong naging si Light iyon?
“Nang umalis na ang mga bullies, kinausap ako ng batang
matapang. Pinangaralan niya ako. Sinabi niya na hindi puwede na
hayaan ko na lang na nabu-bully ako palagi. Hindi puwede na palagi
na lang akong maduduwag. And you know what? Ang dami kong
na-realize pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Binago ng araw na
iyon ang buhay ko.”

Nakita ako ang pagkislap ng pangingilid ng luha sa mga mata ni


Light. Nang araw daw na iyon ay naglakas-loob na siyang
magsumbong sa madre superiora tungkol sa mga nambu-bully sa
kanya. Inalis niya ang takot sa kanyang dibdib dahil nahiya siya na
isang mas maliit na batang babae pa ang nagtanggol sa kanya.

“Gusto ko na kapag nagkita ulit kami ng batang iyon ay ako


naman ang magtatanggol sa kanya. Ako naman ang poprotekta sa
kanya.”

Natuto si Light lumaban sa mga bullies, natuto siyang


magsumbong sa mga madre kapag kailangan, at natuto rin siya na
palakasin at pagyamanin ang kanyang sarili. Hanggang sa isang
araw ay naging kaibigan niya na ang mga dating nambu-bully sa
kanya. Nakaalis na siya sa pagiging outcast. Nag-aral din siya nang
mabuti para magkaroon ng scholarship at mapaganda ang
kinabukasan niya.

“Hanggang isang araw, isang mag-asawang retired US Navy ang


dumalaw sa ampunan. Ako ang napili nilang ampunin. Doon na
tuluyang nagbago ang buhay ko. Nag-aral ako nang mabuti sa ibang
bansa, nagpalakas, at nagpursige na makapasok sa US Navy. At the
young age of 26, umalis ako sa Navy at naging secret agent sa isang
malaking private company sa Europe. Hanggang sa dinala ako ng
kapalaran sa pagiging bodyguard ng matataas na tao sa iba’t ibang
parte ng mundo. At ang pinaka-rewarding na trabahong nakuha ko
at the age of 29 ay ang makapasa sa Red Protectors…”

Napasinghap ako nang hawakan niya ang aking kamay.

“Macey, my greatest reward in life is to be your personal


protector.”

Yumuko siya at maingat na hinalikan ang likod ng palad ko.

“Nang araw na piliin mo ako sa pitong pagpipilian, iyon ang


araw na isinumpa ko na poprotektahan kita hindi lang dahil sa ito
ang trabaho ko, na dahil sa bayad ako, kung hindi dahil ikaw iyon,
Macey. Ikaw ang taong gusto kong ingatan at protektahan noon pa
man.”

Ang palaging kalmadong tinig ni Light ay ngayon ko lang narinig


na nabasag.

“Macey, hayaan mo lang muna ako ngayon?” Nangilid ang mga


luha sa mga mata niya. “Please, just let me take care of you even
for the last time…”

LEVEL 30

NAGISING ako na wala si Light sa aking tabi.


Bumangon ako sa kama pero nahilo ako kaya napahawak ako sa
kanto ng kalapit na mesa. Nahawak ako sa aking ulo nang bumukas
ang pinto. Hindi ako agad lumingon doon dahil nahihilo pa ako.
Tiyak ko naman na si Light ang dumating.

“Kung pipilitin mo ulit akong kumain, wag ka nang magpagod.


Wala talaga akong gana…” nanghihinang sabi ko.

Akma akong babalik sa kama nang gumewang ako. Masusubsob


na ako sa sahig nang matitigas na bisig ang sumalo sa akin.
Titingalain ko na si Light nang masamyo ko ang familiar na bango
ng kanyang leeg. Gulat na napatingala ako. “P-Panther?!”

Ang guwapong mukha ni Panther ang aking nasilayan. Ang


abuhin niyang mga mata ay may pag-aalala na nakatunghay sa akin.
Anong ginagawa niya rito?!

Akma ko siyang itutulak nang bigla niya akong kargahin. Para


lang akong bulak na dala-dala niya palabas ng clinic. Nagtataka ako
at nagugulat sa nangyayari pero walang salita na lumalabas mula sa
aking bibig. Nang tingnan ko siya ay seryoso ang kanyang
ekspresyon at wala akong mabasa kanyang mga mata na kahit
anong emosyon.

Paglabas namin ng clinic ay lalo akong nagtaka nang makita ang


mga Red Marshal na tumitingin-tingin sa paligid. Biglang nagkaroon
ng inspection. Wala pa rin naman ekspresyon si Panther, pero may
kutob ako na sinadya niya ang pagpapapunta ng mga Red Marshal
dito.
Natiyak ko ang aking kutob nang makasalubong namin si Light.
Umawang ang mga labi ng lalaki pagkakita na karga-karga ako ni
Panther. “Macey.”

“Get the fuck out of our way,” kalmado pero malamig ang tono
ni Panther.

Nagtagis ang mga ngipin ni Light pero wala siyang magagawa


kung hindi sumunod. Umiikot ang mga Red Marshal sa paligid kaya
bawal siyang magkamali.

Tumaas ang sulok ng mapulang labi ni Panther bago nagpatuloy


sa paglalakad habang karga-karga ako. Nanghihina ako sa kanyang
mga bisig kaya hanggang sa elevator ay wala akong mabitiwan
kahit isang salita.

Nagulat ako nang sa 7th floor kami dumeretso. Doon sa


mismong chamber niya ako dinala. Pagpasok sa loob ay maingat
niya akong inilapag sa kanyang malambot na kama. Dinama niya
ang aking noo at leeg kung mainit pa ba. Pagkatapos ay may
tinawagan siya sa intercom. Mayamaya lang ay may dumarating ng
staff na may dalang mainit na soup.

Inalalayan niya akong makaupo sa kama. “You have to eat.”

Umiling ako.

“Fine. Then, I will not eat too.”

Napamaang ako sa kanya.


“Pangatlong araw ko nang hindi kumakain, Macey,” aniya sa
mababang tinig. “Kung hindi ka kakakain, hindi rin ako kakain.
Mamatay na lang tayo sa gutom nang magkasama.”

“You’re really a jerk…” nanghihinang bulalas ko.

“Your jerk.”

Nang ihain niya ulit sa akin ang mangkok ng soup ay napilitan na


akong kumain, dahil ngayon ko napansin na namumutla ang
kanyang mukha. Ang mapula niyang mga labi ay bahagyang
namamalat na tila hindi pa nga nasasayaran ng tubig.

Nang matikman ko ang soup ay nagtuloy-tuloy na ang pagbalik


ng aking gana. Um-order pa ulit si Panther ng another bowl of
soup. This time ay nag-share na kami.

“Ano ba? Kasusubo mo lang!” singhal ko sa kanya kasi


nakalamang na siya ng subo ng soup.

“I’m hungry too, you know.”

“May sakit pa ako, ako ang mas dapat kumakain nang marami!”

Napangisi siya. “Lalakihan ko na lang ang subo sa `yo.”

Inagaw ko sa kanya ang kutsara. “Ako nang magsusubo sa sarili


ko, dinadaya mo ako!” Sunod-sunod na subo ako sa soup. Sinubuan
ko rin naman siya para wala siyang maisumbat.
Kami na yata ang kumain ng soup na maingay at magulo sa
mundo. Nang matapos kami ay pareho kaming busog na nahiga sa
kama. Walang pag-uusap. Tamang tinginan at ngitian lang.

Inabot ko ang ulo niya at sinabunutan siya. “Na-miss kita, gago.”

Malamlam ang abuhin niyang mga mata na ngumiti siya sa akin.


Umusod siya palapit sa akin, niyakap ako at hinalikan nang magaan
sa ulo. Nang gabing iyon ay natulog kami nang magkayakap.

Hindi ko lang alam kung panaginip o ilusyon ko lang ba na


maingat na hinahalikan ni Panther ang aking mga labi habang
natutulog ako…

~~~~~~~~

PAGALING NA AKO. Umaayos na ang pakiramdam ko. Siguro dahil


bumalik na ang gana ko sa pagkain. Pitong beses yata akong
kumain ng meal sa buong araw, kasama na ang snacks. Na-miss ko
ang magutom at kumain nang marami.

Saka naririto si Panther. Palagi siyang epal sa pagkain ko. Kapag


hindi ako kumain ay hindi rin siya kakain. Baliw talaga.

Panther Foresteir was just an arrogant, stupid, and crazy


billionaire... but I loved him.

I loved him that was why it was really hard to resist him.
Marahan akong inilapag ni Panther sa kanyang kama matapos
niya akong tulungan na maligo sa bathtub. Siya rin ang nagtuyo ng
aking buhok gamit ang malaking kulay pulang tuwalya. “Are you
feeling better now, Macey?” maaligasgas ang tinig niya na tanong.

Napatingala ako sa kanya. Nasalo ko ang kakaibang init ng


kanyang abuhing mga mata. Saka ko napansin na nakabukas nang
kalahati ang ibabaw ng suot kong roba.

Marahan akong tumango kay Panther. “Y-yes, okay na ako...”

Sa tingin ko ay alam ko na kung bakit niya ako dinala rito sa


chamber niya. He had ulterior motive. He wanted to make love to
me.

I refused calling it ‘sex’. Hindi naman salat sa pakiramdam ang


bawat nangyayari sa amin. Honestly, I could feel his sincerity more
when he was making love to me. And I wanted to feel it again.

Sa ilang araw na hindi ko siya nakita at nakausap, sa kabila ng


pagtatampo ko ay miss na miss ko siya. Kaya rin siguro lumala ang
sakit ko dahil palagi akong nasasaktan sa isiping wala siya sa tabi
ko. Ngayon ay sumisigaw ang puso ko kung gaano ko nami-miss ang
yakap at halik niya.

“You wanna watch TV?” malambing na tanong niya habang ang


mga daliri niya ay nasa buhokng aking roba.

“Nope.”
Umupo siya sa tabi ko. “What do you want to do…” Bumaba ang
paningin niya sa mga labi ko. “With me?”

“Y-you can suggest...”

Ngumiti siya. “How about we kiss?”

“Is that all you want us to do?” mapangahas na tanong ko rin.

Ibinalik niya ang paningin sa mukha ko. “Of course not. But we’ll
start from there…” And then he crashed his lips on mine. “And then
we’ll move on to the main event.”

Mariin niya akong hinalikan na sinagot ko sa mapusok na


paraan. Nalunod muli ako sa kanyang mabango, mainit, at masarap
na hininga. My arms go around his neck to hug him. God, I really
missed this man. This crazy complicated man.

“B-baka mahawa ka pala sa sakit ko…” humihingal na sambit ko


nang sandaling huminto kami para kumuha ng hangin.

“Then, we’ll get sick together,” he rasped and then he claimed


my lips again.

And damn it! Panther was kissing me like he was losing his
breath and I was the only source of air that he could get. His kisses
were making me forget everything. Every pain that loving him
caused me.
Panther gently grabbed my butt to pull me into his lap. He made
me sit on him and my hands fell on his hard chest. He groaned as I
started touching and feeling his toned muscles.

Iniangat niya ang damit ko para hubaran ako. Habang nasa gitna
kami ng halikan ay kinapa na niya ang hook ng bra ko.

“What’s wrong?” I asked him when he stopped kissing me.

“Hindi ko makalas.”

“Try harder.”

Pumunta siya sa likuran ko at hinawi ang nakalugay kong buhok.


Pagkuwan ay pilit niyang binaklas ang hook ng bra ko roon.
Nanginginig ang kamay niya at halatang excited siya. Tulad ko ay
para bang sabik na sabik na rin siyang gawin namin ito.

“Ano na balita riyan?” tanong ko sa kanya nang mapansin kong


kanina pa siya roon.

“I can’t unhook it.”

“Hubarin ko na lang.” Iniangat ko na ito pataas sa aking ulo para


mahubad.

Pero biglang sumabit iyong hook ng bra ko sa aking buhok.

“Ouch!” Nasabunutan kasi ako nang hilahin ito ni Panther


pataas.
“Sorry,” aniya. “What happened?”

“Nabuhol sa buhok ko iyong hook.”

“Let me.” Tinulungan niya akong tanggalin ang buhol ng buhok


ko na sinabitan ng hook.

“Bumuhol ba?” Hindi ko kasi makita.

“It’s worst.”

“Shoot,” usal ko.

“I’ll fix this. Just chill there.”

“Okay.”

Sampung minuto yata ang lumipas bago niya natanggal ang


buhol. “Whew! Finally!” Napahiga siya sa sobrang pagod.

Ginapang ko na siya habang nakahiga ang katawan niya.


Ayokong mawala na naman ang momentum niya dahil sa mga
aberya. Una kong hinubad ang kanyang shirt. Jeez, I really missed
his body. Hinagkan ko agad ang kanyang abs kaya napaungol siya.

Naglakbay ang aking palad papunta sa kanyang belt para


baklasin ito. Pero hindi ko alam kung paano kalasin ang belt niya
dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong sinturon. May pinindot
ako roon kaya siguro lalong nag-lock ito.
“Any news?” Sinilip niya ako dahil nainip na siya.

Napakamot ako ng ulo. “Hindi ko mabaklas ang belt mo.”

“All right.” Tumayo siya at lumundag pababa ng kama.

Tumalikod siya sa akin para kalasin ang belt niya. Kandairi siya
nang hilahin niya ang dulo nito. Ang ending ay hindi niya rin ito
nakalas.

“Anyare na?”

“I can’t unbuckle it. I think it’s locked.” Nagtatagis ang ngipin


niya habang nagkukuwento sa akin.

Ipagtatapat ko ba sa kanya na mukhang ako ang may kasalanan


kaya na-lock iyon? Parang may nasira ako roon kaya hindi na ma-
unlock.

“Fuck,” bulong niya.

Hindi niya talaga mabaklas ang belt. Kahit hubuin niya pababa
kanyang ang pants ay hindi niya magawa dahil sa masikip niyang
belt.

“Help me.” Pawisan na siya.

Humiga siya sa kama.


“Pull may pants.”

“All right.” Kinapitan ko ang kanyang pants.

“On a count of three, pull my pants, okay?”

Tumango siya. “Okay.”

“One… two… three!”

Hinila ko ang pants niya. Pero makapit talaga ang belt sa


baywang niya kaya bigo kami.

“Again?” tanong ko.

Bumilang muli siya ng tatlo. “One… two… three!”

Hinila ko ulit. Kumapit siya sa headboard ng kama para hindi


siya madala. Bahagya ng bumaba ang pantalon niya.

“One more time!” sabi niya. Hinila ko ulit ito. “Pull!” sigaw niya.

“Okay.” Hinila ko pa ulit.

Para kaming nasa horror movies dahil mukhang hinihila ng


monster si Panther.

“Pull!” sigaw niya.


Hinila ko nang mas malakas. Hanggang sa lumuwag ang belt
niya at kumawala ang kanyang pants sa baywang niya. Talsik ako
pababa ng kama nang dumulas hanggang sa mga binti niya ang
kanyang pantalon. Nagtatlong gulong yata ako sa sahig.

“Are you all right?” Nakahubong nanakbo agad si Panther


palapit sa akin.

“Okay lang ako, tangina.” Duling na ako pagbangon ko.

“I’m so sorry.” Niyakap niya ako.

Sumiksik naman ako sa hubad niyang dibdib. Ang bango niya.


“Panther?” tiningala ko siya.

“Hmm?”

“How about some other time?”

“Yeah, I think so too.” Pagkasabi ay ikinulong niya na lang ako sa


bisig niya at niyakap. “We can still be together even if we don’t do
it…”

Matamis na napangiti ako sa loob ng mainit na yakap niya. “Yes,


we can still be together even if we don’t do it…”

~~~~~~~~
NAGISING AKO NA WALA NA SI PANTHER. Mag-isa na lang ako sa
kama niya, sa chamber niya. Nasa personal office niya na siguro
siya. Of course, he was a busy man. Marami siyang negosyong
hinahawakan.

Pagbangon ko ay nag-ikot-ikot ako sa chamber niya. Mas


ramdam ko ang kalakihan ng espasyo dahil wala ang presensiya
niya rito.

May pait na gumuhit sa aking dibdib habang iginagala ko ang


paningin sa paligid. Bukod sa akin, may ibang wives na kaya si
Panther dito? Si Debi, nakarating na rin kaya rito ang babae?

Naalala ko ang pagtatanggol niya kay Debi laban sa mga nambu-


bully rito. Kinarga niya ito at inilayo sa lahat. Pagkatapos niyon, sa
kuwarto sila ng babae dumeretso. Wala nang may alam kung ano
pa ang sumunod na mga nangyari.

Kahit nakasama ko ng ilang araw at gabi si Panther ay hindi ko


nagawang tanungin man lang siya. Ang lahat ng angas at tapang ko
sa katawan ay tila naglaho na parang bula. Kuntento na ako na
makasama siya. Sapat na iyong maramdaman ko ang kanyang pag-
aalala para mapatawad siya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili,
siguro ganito talaga ako magmahal. Nagiging tanga.

And I wondered, how long could I be this understanding and


patient?

May pagkain na nakahanda nang lumapit ako sa mesa. Mukhang


masarap pero wala akong ganang kumain mag-isa. Naligo na lang
ako at humanap ng isusuot sa mga damit na dinala ng staff. Isang
high waist maong shorts at baby pink na oversized long sleeve
cropped top ang pinili kong suotin. Sa aking paahan ay color black
high cut Converse. Ang basa kong buhok na hindi ko
pinagkaabalahang suklayin ay hinayaan ko lang na nakalugay.

Bumaba ako sa floor na kinaroroonan ng chamber ko. Pagbukas


ng elevator na aking sinasakyan ay nagulat ako nang makita si Light
sa mismong harapan ko. Red na long sleeves ang suot niya at white
jeans. Kalmado ang kanyang guwapong mukha na hindi man lang
nagulat sa biglang paghaharap namin.

Wait! Did he know I was the one in the elevator?

Lumapit ako sa kanya. “Light.”

“Are you feeling better now?”

My eyes dropped to the duffle bag he was carrying in his left


hand. I remember what he told me last time; he was going to
resign from his post and leave this place. Bigla ay napuno ng pagpa-
panic ang dibdib ko. Ngayon nag-sink in sa akin ang bigat ng
desisyon na gagawin niya.

“I am going to the Red Marshal HQ to give formal notice for my


immediate resignation,” aniya sa patag at mababang tono.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Mabait naman si


Light. Bukod kay Debi ay siya ang bukod-tangi na naging kaibigan
ko sa lugar na ito. Siya iyong taong palaging nakakasama ko at
nakakausap ko. Kahit pa tamad siyang magsalita, hindi naman siya
napapagod na makinig sa lahat ng kuwento at rant ko. Sa lahat ng
ka-wirduhan ko at kalokohan ko, hindi siya naiinis o nagsasawa.

He was my perfect protector. Except when he kissed me


without my permission, he had done nothing wrong. All he did was
protect me and always ensure my safety.

“Take care of yourself, Macey.

Napayuko ako dahil sa pag-iinit ng aking mga mata. “T-thank


you.” Nabasag ang tinig ko.

“Be strong, Macey. Kagaya nang una kitang makilala noong mga
bata pa tayo...” Hinimas niya ako sa ulo. “Maging matatag ka rito at
alagaan mo ang sarili mo…”

Kumuyom ang aking mga palad. No. I could not let Light go like
this.

Nang patalikod na siya ay pinigilan ko siya sa manggas ng suot


niyang long sleeves. Nagtataka na napahinto naman siya lumingon
sa akin.

“Light…” Nakayukong sambit ko. “W-what if… I forbid you to


go?”

Matagal bago siya nakapagsalita. Tumikhim siya. “Don’t do


that.”
“Ha?” Napatingala ako sa kanya at ngayon pinangingiliran na ng
luha ang aking mga mata.

Natigagal siya nang makitang umiiyak ako.

“Don’t go.”

Umangat ang kanyang kamay at ang mahahabang daliri niya ay


masuyong tinuyo ang luha na pumatak mula sa aking mga mata. “I
made a big mistake to you. I deserve this punishment, ang mawala
na sa buhay mo.”

Bago niya ibaba ang kanyang kamay ay hinuli ko ito. “I forgive


you, Light. I want to give you another chance.”

Umawang ang mapulang mga labi ni Light at ang kanyang mga


mata ay nanlaki sa akin. “Macey…”

“You promised to protect me, and even dedicated your life to


me. Are you going back on your words now?”

Ang nanlalaki sa gulat niyang mga mata ay napakurap ng ilang


beses. Tila siya hindi makapaniwala. Pagkuwa’y lumamlam ang mga
tingin niya sa akin.

“Kapag umalis ka, paano na ako rito? Ibu-bully nila ako pag
naging red light ulit ang wristband ko. Paano rin kapag bigla na
naman akong isama ni Panther sa ibang bansa at makulong na
naman kami sa walk-in freezer? Sino na ang magliligtas sa akin, ha?
Sa tingin mo, lalabag sa patakaran ang magiging bagong protector
ko na papalit sa ‘yo?! Magugulat ka na lang, mababalitaan mo na
lang talaga na deads na ako, nag-yelo na, at naging halo-halo!
Makokonsensiya ka at sisiguraduhin ko na hindi ka makakatulog
dahil mumultuhin kita!”

Napangiti na ang mga labi niya.

Sinimangutan ko siya habang nagluluha ang aking mga mata.


“Anong ngini-ngiti-ngiti mo riyan?! Pinatawad na nga kita, ‘di ba?
Ginagalit mo na naman ako riyan!”

Napailing siya habang nangingiti pa rin. “You’re really a good


person, Macey.”

Napahikbi ako at pagkatapos ay nagpunas ng luha. “And so are


you, Protector Light Dreux Erudian.” You deserve this second
chance. I am going to trust you again.

Umayos siya ng tindig at seryosong sumaludo sa akin. “My life is


all yours, Ma’am.”

Nakangiti na sumaludo rin ako sa kanya. “Welcome back, my


protector. Basta wala nang manghahalik, ha?”

Namula ang kanyang makinis na pisngi. “I’m really sorry,


Macey...”

“Oo na nga.” Kinuha ko sa kanya ang duffle bag niya. “So, ano
pang tinatayo-tayo mo riyan? Ipaghain mo na ako ng almusal.”
~~~~~~~~

“DEBI…”

Naglalakad-lakad ako sa indoor garden. Iniwan ko muna si Light


sa chamber ko dahil nagluluto naman siya ngayon ng dinner namin.
Mula breakfast, lunch, at hanggang merienda ay hindi ako kumain
sa restaurant sa groundfloor, luto ni Light ang inilalaman ko sa
aking tiyan. Sinisipag ang protector slash chef ko kaya pinagbigyan
ko na.

Palapit ako sa man-made falls nang matanaw ko si Debi na


nakatulala roon. Nilapitan ko ang babae. Simpleng baby tee na
kulay mustard ang suot niya at plain blue jeans. Nakatirintas ang
buhok niya sa likuran. Hindi niya pa ako agad mapapansin kung
hindi ko pa siya tawagin. Gulat siya na napalingon sa akin.

“Hi, Debi. Kumusta ka na?”

“M-Macey…”

Ibang-iba si Debi ngayon. Wala na ang sigla niya, sa halip ay


matamlay ang kanyang aura. Napatingin ako sa paahan niya. Ang
mga daliri niya sa paa ay nakalabas dahil open sandals ang kanyang
suot. Nakita ko ang band aid sa isa niyang daliri. Malamang na
nakuha niya iyon sa bubog ng binasag na baso nina Maricel at Olly
nang nakaraan.
“Debi, I’m sorry. Sorry dahil hindi kita natulungan nang araw na
iyon. Maniwala ka, kahit ayaw mo, kahit pinipigilan ako nina Morga
at Giana, ay gusto pa rin kitang tulungan.” Hindi ko alam kung bakit
kailangan ko pang sabihin sa kanya, siguro dahil para sa akin ay
kaibigan ko pa rin siya. Mahalaga pa rin sa akin na malaman niyang
hindi balewala sa akin na may umaapi sa kanya.

Umiling siya. “I’m fine now, Macey. Besides, Panther took care
of me that day…”

Alam ko. Alam naman ng lahat ang bagay na iyon.

“Dinala niya ako sa chamber ko. Ginamot niya ang sugat ko.”

“T-that’s good…” Maliit akong ngumiti sa kanya.

“I really thought that he already turned his back on me.”


Napayuko siya. “I’m glad dahil hindi pala. Hindi niya ako natiis.
Hindi pa rin niya ako pinabayaan.”

Sa pagsasalita niya ay mukhang naging maganda ang huling


pagkakasama nila ni Panther. Mukhang nalutas na ang problema
niya tungkol sa kanilang dalawa.

“That night, Macey… He comforted me… He said that everything


is going to be okay.”

Nakangiti ako kay Debi pero malungkot ang puso ko.


“He didn’t leave me alone. He held me in his arms…” Ang
matamlay niyang mga mata ay nagkaroon ng buhay. “And we
kissed, Macey…”

Ang pagngiti ko ay napalis. Hindi ko na kayang magpanggap na


hindi nasasaktan. Alam ko naman na may karapatan si Debi kay
Panther. Asawa niya rin ang lalaki. Normal lang na halikan siya nito.
Bukas ang mga mata ko sa katotohanang ito, pero ay nasaktan pa
rin ako.

At hindi lang doon natatapos ang sakit.

Matamis na ngumiti si Debi sa akin. “Macey, our kiss


deepened… and that night, Panther made love to me...”

LEVEL 31

HINDI KO ALAM KUNG PAANO AKO NAKABALIK.

Hindi ko na matandaan kung paano ako nakabalik sa aking


chamber nang hindi natutumba. Nanlalabo ang mga mata ko sa
luha at pakiramdam ko’y walang lakas ang aking mga tuhod sa
paghakbang. Nakailang ulit ako na napakapit sa pader para hindi
tuluyang masubsob sa sahig.
Nang aking marinig ang huling sinabi ni Debi ay tila huminto sa
pagtibok ang puso ko. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Basta
na lang ako tumalikod at iniwan siya na mag-isa sa indoor garden.

They did it. They had sex.

I already expected that, but still, I was shocked to hear it


directly from Debi…

May karapatan si Debi. Alam ko na asawa rin siya ni Panther.


Alam ko, bukas ang mga mata at isip ko sa sitwasyon. Lahat kami
rito ay asawa ng lalaking iyon. Lahat kami! Putangina, lahat kami!

“Macey…” Mahinahon bagaman may madadamang pag-aalala


sa tinig ni Light.

Napaangat ang paningin ko sa kanya. Kaharap ko siya ngayon sa


mesa.

“Is something the matter? You don’t look good right now.”

Kumakain nga pala kami ngayon. Nahalata niya nang wala ako
sa mood dahil hindi ko ginagalaw ang pagkain na kanyang hinanda.

“I…” Sandali akong natigilan. “I’m fine, Light.” Dinampot ko ang


baso ng tubig at uminom. “B-busog na ako, I’m sorry.”

Nakahabol siya ng tingin sa akin nang tumayo na ako. Hindi ako


sa kuwarto dumeretso kundi sa pinto. Nilingon ko siya.
“W-wag mo akong sundan. Magpapahangin lang ako sa sandali
sa labas.”

Hindi naman nagpumilit si Light. Tuloy-tuloy ang paglalakad ko


patungo sa elevator. Nang tumunog ito at bumukas ang pinto ay
nanigas ang mga paa ko. Saka ko napagtanto kung saang floor ako
dinala ng aking pagiging lutang. Sa 7th floor. Sa presidential floor. Sa
floor ni Panther Foresteir.

Gayunman, hindi ako bumaba. Nandito na ako kaya tumuloy na


rin ako. Wala si Panther sa chamber niya kaya siguro’y naroon siya
sa personal office niya na narito rin sa floor na ito. This was the first
time I would go there. Hindi ko alam kung patutuluyin niya ako,
pero bahala na.

Nag-doorbell ako sa harapan ng malaking pulang pinto na may


logo ng isang itim na nota. Umilaw ang maliit na screen sa gilid at
ini-scan ang mukha ko. Mayamaya ay narinig ko ang buo at
lalaking-lalaki na tinig ni Panther. [ Get in, Macey. ]

Bumukas ang pulang pinto at sumalubong sa akin ang malawak


na espasyo. Salamin ang mga dingding kung saan kita ang labas ng
mansiyon. Walang gaanong gamit maliban sa desk niya at swivel
chair sa pinakagitna ng opisina. Doon ko siya natagpuan. Nakaupo
siya sa swivel chair. Black long sleeves polo ang suot niya. Pormal
ang guwapong mukha at ang abuhing mga mata ay nakatingin sa
akin.

I thought I’ll get angry when I see him again…


Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kanino ko namana
ang karupukang ito?

Humakbang ako patungo kay Panther. Malamig na malamig ang


aircon dito pero mas malamig ang nararamdaman ng puso ko
habang papalapit sa kanya.

Nang nasa harapan niya na ay inutusan niya ako na doon


lumapit sa mismong kinauupuan niya. Lumapit naman ako hila ang
isang upuan sa gilid. Naupo ako roon at pinagulong niya ang
kinauupuang swivel chair para magkadikit kami.

“Are you all right?” Hinawi ni Panther ang hibla ng buhok ko na


nakaharang sa aking mukha.

Sinikap ko siyang ngitian. “Wala naman.”

Napamaang ako nang tumayo si Panther. “All right. I was about


to call for you, but since you’re already here now, let’s go to my
chamber.”

Sa aking pagkabigla ay hinila niya ako sa pulso dahilan para


mapatayo rin ako. Nang humakbang kami palabas ng opisina niya
ay saka ako natauhan. Hinila ko ang aking kamay na hawak niya,
hindi niya iyon binitiwan. Nakataas ang isang kilay niya sa akin.

“P-Panther, you still have works to do—”

“Works can wait. But our unfinished business last night can’t.”
Natulala na lamang ako nang hilahin niya na papunta sa
kanyang chamber. Nang nasa loob na kami ay saka niya lang ako
binitiwan.

“Wait for me. I will just take a shower.” Hinalikan niya ako sa ulo
saka siya pumasok sa shower room.

Naiwan ako sa harapan ng malaki niyang kama. Napaupo ako sa


gilid nito dahil nanlalambot ang aking mga tuhod. Napahilamos ako
ng palad sa aking mukha. Ang bilis ng tahip ng aking dibdib. Wala
naman sana akong balak makita siya ngayon, ang kaso, pasaway
ang puso at mga paa ko, namalamayan ko na lang na nasa opisina
niya na ako.

At nang makita ko na siya, nalusaw na naman lahat ng resolve


ko. Tangina talaga!

Galit ako, e. Dapat galit ako. Galit ako kahit wala naman akong
karapatan talaga na magalit dito. Gusto kong magmaganda kasi
nasasaktan ako. Ang kaso, ang pesteng Panther na ito ay hinihigop
yata ang lahat ng tapang at angas sa katawan ko.

Nang bumukas ang shower room ay lumabas mula roon si


Panther. He was naked and only a red towel covered his lower
body. He was holding another towel to wipe his wet hair. Nang
punasan niya ang kanyang basang buhok ay nagtalsikan ang tubig
na mula roon. Napalunok ako at namura ang sarili.

Dang, Macey! You’re doomed!


Lumapit siya sa akin at nang tumabi sa pagkakaupo ko sa kama
ay nalanghap ko ang amoy ng gamit niyang shower gel. Ang presko
at nakakahalina iyon sa ilong.

Ang mapulang mga labi niya ay bahagyang nabasa dahil sa tubig


na tumutulo sa kanyang buhok. “Shall we continue from where we
left off?”

Hahalikan niya sana ako nang ilagan ko siya. Salubong ang mga
kilay niya nang tumitig sa akin.

“Ah, sorry. Napuwing kasi ako,” pagdadahilan ko sabay kusot sa


aking mga mata.

“Ah, okay.” Itinulak niya na ako pahiga sa kama at dumagan siya


sa akin nang biglang umunat ang aking tuhod. Tinuhod ko siya sa
itlog.

Napamura siya sa sakit. Namilipit siya habang nakahawak sa


harapan niya.

“Naku, sorry! Sinasadya ko, este, hindi ko pala sinasadya!”

Lumundag siya sa kama pababa at nagtatalon. Tumatalon din


tuloy iyong ano.

“Masakit ba? Buti nga sa ‘yo.”

“Huh?”
“I mean, buti hindi ko nabasag ang itlog mo.”

“I’m fine.” Napa-inhale at exhale siya. “Let’s proceed.”


Lumusong siya pabalik sa kama, papunta sa akin.

Hindi ko na inilagan ang halik niya sa pagkakataong ito.


Mukhang sabik na sabik siya, kaya pinabayaan ko na muna.

Humihingal kami pareho pagkatapos ng ilang minuto. Ang


kaninang injured niyang parte ay naka-recover na. “Hindi na agad
masakit?”

Mukhang hindi na kasi masigla na ulit ito. Shoot! Mukhang wala


na talaga akong kawala.

“I’d like to turn off the lights,” bulong niya sa pagitan ng


kanyang paghingal. “Maroon,” tumingala siya. “Turn off the lights.”

[ Turning off the lights, ] sagot ng virtual assistant niya.

Namatay ang ilaw.

Nag-panic naman ako. “Maroon! Turn on the lights!”

[ Turning on the lights, ] tugon naman ni Maroon.

Bumukas ang ilaw.

Nangunot ang makinis na noo ni Panther. “I thought we’ve


talked about this. And we voted for lights off?”
Lumikot ang mga mata ko. “Uhm, I prefer lights on for now.”

“But it’s more romantic if the lights are off.”

Sumimangot ako. “Yup, pero gusto ko nga nakabukas ngayon.”

“Turn off the lights, Maroon,” tiim-bagang niyang sabi.

[ Turning off the lights – ]

“Turn on the lights, Maroon!” Hindi ko na pinatapos si Maroon.

[ Turning on the lights – ]

“Turn off, Maroon!” utos muli ni Panther na napipikon na sa


akin.

[ Turning off – ]

“Turn on, Maroon!” Napipikon na rin ako.

[Turning on – ]

“Turn off, Maroon. Turn off!” Nagtaas na ng tinig si Panther.

[ Turning off – ]

“Turn on sabi, e!” gigil na singhal ko.


[ Turning on – ]

Patay-sindi na ang ilaw.

“Damn it, Maroon. Turn the lights off!” bulyaw ni Panther.

[ Turning off – ]

“I said, turn on the lights, Maroon!” Napasigaw na rin ako.

[ Tangina niyo, ano ba talaga?! Bahala na nga kayo sa buhay


niyo! ] Nagalit na si Maroon.

Nagkatinginan kami ni Panther. Hindi kami makapaniwala sa


sinabi nitong virtual voice.

Napayuko siya. “There must be some error with Maroon.”

“S-siguro nga.” Napayuko rin ako.

“Ayaw mo ba?” Narinig kong mahinang tanong niya.

Nang tingnan ko siya ay natigilan ako dahil malungkot siya na


nakatanaw sa glass wall. Mukhang wala na siyang balak pang pilitin
ako. Nakahalata na rin siguro.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko magawang sagutin


ang tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang pagkalalaki niya
ay nakatayo pa rin pero hindi na kasing tikas nang kanina. Inabot
niya ang hinubad kanina na towel at ipinangtakip doon. “Magsi-CR
lang ako.”

“Panther…”

Maliit siyang ngumiti sa akin nang lingunin ako. “You can go


back to your chamber or you can stay here if you want,” mababa
ang tono na sabi niya.

Akma na siyang tatayo nang tila may sariling buhay ang aking
kamay na pumigil sa kanya. Nagtataka siyang napatitig sa aking
mukha. Hinila ko siya at sumampa ako sa ibabaw niya. “You’re
really a jerk, you know?” Hinaplos ko ang kanyang makinis na
pisngi.

Sandali siyang natulala sa akin at pagkuwa’y napangiti na. “Your


jerk…”

“Really?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Ako na ang


humalik sa kanya sa pagkakataong ito. Nabigla man ay agad din
niyang sinagot sa mas mainit pang paraan ang mga halik ko.

Habang magkahinang ang aming mga labi ay nakayakap ako sa


kanya. Hinimas ko ang kanyang ulo pababa sa kanyang batok,
pababa pa sa kanyang makinis na likod. Napaungol ako nang
buhatin niya ako at ihiga sa gitna ng kama. Again, we did the deed.

He helped me undress. He kissed and licked every surface of my


skin to make me ready. Nang makita niyang naliliyo na ako sa
pakiramdam ay saka siya huminto. Pumuwesto siya ibabaw ko
habang ang abuhin niyang mga mata ay nagbabaga na humahagod
sa aking kahubaran.

“You’re so lovely, Macey.” Hinaplos niya ang aking pisngi at


hinalikan ako sa noo. “I think it's not really a bad thing to leave the
lights on.”

Lumayo siya nang bahagya para makapuwesto nang maayos na


nakikita niya pa rin ang aking reaksyon. Ang ari niya ay tila puputok
na ang itsura.

He held up my legs and spread them apart. He gently pressed


and rubbed the swollen tip of it on my moist center, and a sudden
ecstasy surged my body.

Clenching his teeth, Panther thrust deep, his proud manhood


was pulsating and kept on getting hard as he filled me.

“Haaa… Ah…” I was moaning crazily, my head turned from side


to side. I was so full of him that my body shook with so much
pleasure.

“Moan some more, Macey. Please, I want to hear more of it,”


he whispered in my ear.

“Hnngmmmn…”

I felt him throbbing against my walls. He was close. Within a few


seconds, he growled like a feral animal and he came hard. He
pulled out his manhood but the head of it was still inside of me. His
sweet fluid flowed between my thighs.

“Panther…” Humihingal ako nang marahang itulak siya.

Nakapikit siya nang mariin at nang magdilat ay matamis na


ngumiti sa akin. “Macey, I don’t think I’ll be able to stop tonight.”
Then I felt him thrust all the way in again.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko.

“Ahhh, Macey…”

Sweats are dripping from his forehead and chest. It took him
two more releases before he collapsed on top of me. He placed a
kiss on the crook of my neck before he pulled out himself from me.

Humihingal na nahiga siya sa tabi ko. “Macey, you can stay the
night,” aniya nang bumangon ako agad.

“No. I want to go back to my chamber.” Namimigat ang mga


mata ko sa pagod at nanginginig pa ang aking mga hita pero sinikap
kong makaupo. Isa-isa kong dinampot ang aking mga hinubaran at
nagsimula akong magdamit.

Natapos na ang init. Bumalik na ako sa realidad. Tiningnan ko si


Panther at pilit hinahanap sa abuhin niyang mga mata ang gusto
kong makita. Gusto kong makita kung ano ang nararamdaman niya
sa lahat ng ito. Pero nalunod lang ako sa abuhing mga mata niya.
“Macey…”

“It's just hard to accept the fact that something happened


between you and Debi…”

Natigilan siya.

“You fucked her too.”

Sandaling nakatitig lang siya sa akin, pagkuwa’y tumiim ang


kanyang mapulang mga labi. “You know the situation–”

“Of course, I know.” Hindi ko na siya pinatapos. “Hindi lang ako


ang asawa mo. Aware ako na pito kaming lahat dito.”

Bumangon siya. “Then, why are you mad? You know that you’re
not my only wife. Debi is my responsibility too. She needs me.”

“You’re right.” Tumango ako matapos makapagdamit. “Basta


hayaan mo na lang muna ako.” Tinalikuran ko siya at hindi na
nilingon pa.

I left his chamber. I went straight to the elevator and


immediately pressed the button down to the floor of my chamber.
Bago magsara ang elevator ay nakita ko pa siyang nakatanaw sa
akin. Walang pakialam kahit nakahubad. Iniiwas ko ang aking
paningin sa kanya.
Nang magsara na ang pinto ng elevator ay saka bumagsak ang
mga luha ko. I could not do this. And I didn’t deserve this. I had
enough of this ‘harem bullshit’ of Panther Foresteir.

70-Day-Rule… That seventy days were coming to an end. After


that, I would leave this hellish place.

LEVEL 32

I'LL JUST HAVE TO WAIT A LITTLE LONGER.

70 Days… Ilang linggo na lang at matatapos na iyon. Kaunti na


lang. Kaunting pasensiya at paghihintay na lang. Sana makaya ko pa
nang hindi ako tuluyang nababaliw sa lugar na ito.
Anim araw pa lang ang lumilipas pero hinang-hinang na ako.
Mula nang manggaling ako sa floor ni Panther ay hindi ko na siya
ulit nakita. Ang huling natatandaan ko pa ay ang sakit na gumuhit
sa abuhin niyang mga mata nang iwan ko siya. Pero hindi naman
siya humabol. Hindi na rin siya nagpakita pa.

Hindi ko makalimutan ang ekspresyon ng perpektong mukha


niya nang gabing iyon. Habang siya, siguro nakalimutan na niyang
umalis ako nang nasasaktan. Puwede ring hindi niya alam na
nasasaktan ako o puwede ring alam niya pero wala siyang
pakialam.

Nakakatanga. Galit ako sa kanya at sa sistema, pero tanginang


isip at puso ito, inaalala pa rin siya.

Nasaan na iyong sinasabi ko na tuturuan ko siya ng leksyon? Sa


sitwasyon kasi namin ngayon ay mukhang ako ang naturuan ng
leksyon.

Napukaw ang aking pag-iisip nang makarinig ng katok sa pinto.


Pangalawang beses na iyon mula kanina. Si Light iyon. Ilang araw
niya na rin akong minamasdan at alam ko na kahit hindi niya
sabihin ay nakakaramdam na siya.

Tumayo ako at inayos muna ang sarili bago binuksan ang pinto.
Siya nga ang nakatayo sa pinto. White shirt at jeans lang ang suot
niya. Bahagya pang basa ang kanyang buhok at amoy shower gel
siya. Humahalo sa mabangong amoy niya ang amoy ng niluto
niyang dinner.
“Kumain ka na, Macey.”

Pinilit ko ang sarili na ngitian siya. “Busog pa ako.”

“Kahapon ka pa busog.”

“I will eat later. I promise.”

Akala ko ay titigil na siya sa pangungulit katulad nang nagdaang


araw, pero hindi siya tumigil. Sa halip ay dinampot niya ang aking
pulso at hinila ako.

“Light…” He led me towards the table. There I saw what he had


prepared; chicken curry, insalata mista, and fried rice.

Ipinaghila niya ako ng upuan. “Kumain ka, Macey. Kahit kaunti


lang.”

Napilitan akong kumain dahil naawa na rin ako na palaging


nasasayang ang mga niluluto niya para sa akin. Niyaya ko siya na
sumabay. Kaunti lang ang nakain ko pero mukhang okay na kay
Light dahil nalamanan naman kahit paano ang tiyan ko. Ipinagsalin
niya ako ng fresh orange juice sa baso.

Nang makainom ay tumulala na lamang ako sa mesa. Hindi ko


alam kung ilang minuto na akong tulala. Ni hindi ko na namalayan
na nakapagligpit na pala si Light. Naupo siya sa tabi ko matapos
humila ng upuan na malapit sa akin.
Matagal na nakatingin lang siya sa akin bago mahinang
nagsalita. “Did he hurt you?”

Napaangat ako ng mukha sa kanya. Hindi ko na napigilan ang


humikbi.

Ang malamlam na mga mata ni Light ay bahagyang dumilim. “He


did.”

Umiling ako. “No. I did this to myself.”

I was hurt because of my own foolishness, I forgot my worth


and I settled for less.

“You are perfect, Macey.”

Napasinghap ako nang hawakan ni Light ang kamay ko.

“Your compassion, fairness, bubbly personality, and even your


bluntness are the things that make you lovely. You are a good
person. There’s nobody as perfect as you in this world.”

Maingat na hawak ng dalawa niyang kamay ang kamay ko at


marahan iyong pinipisil na katulad ng pagmamasahe. Ang
paghaplos ng mahahabang daliri niya sa aking palad ay
pinapakalma ang loob ko.

Nang mag-angat si Light ng mga mata ay naghinang ang aming


paningin. Ngumiti siya sa akin. “If I were him, I will never hurt you.”
~~~~~~~~

HE LIKE ME.

Hapon nang maisipan ko na lumabas muna ng chamber. Hindi


na kami ulit nag-usap in Light at hindi rin ako makatingin nang
deretso sa kanya. Although I had an idea of how Light felt about
me, still I didn't want to jump to conclusions. Or maybe I was afraid
to know the truth.

Light wasn't the only friend of mine who liked me. I also had
some friends in college who confessed to me. Na-realized din
naman ng mga iyon na wala silang mapapala kaya tumigil sila agad.
O kaya naman ay ako na ang mismong umiiwas sa kanila. Pero
ibang usapan si Light. Iba ang samahan namin. Ilang beses niyang
itinaya ang sarili para sa kaligtasan ko. He was an important person
to me and I just couldn’t throw him away.

Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa grand veranda ng


mansiyon. Nanatili ako rito ng kalahating oras. Nagpahangin ako at
nag-relax ng isip at puso.

Nang magdidilim na ay bumalik na ako sa loob at pumunta sa


elevator. Hindi ko alam ang ginagawa ngayon ni Light. Baka
naghahanda na ng dinner ang lalaki habang hinihintay ako na
bumalik. My steps slowed when I neared my chamber.

Sa laki ng lugar, hindi ko inaasahan na makakasalubong si


Panther. Hindi ko rin inaasahan na pupuntahan niya pa ako
makalipas ang ilang araw na hindi siya nagpakita o nagparamdam
man lang.

Ang suot niya ay casual shirt lang na kulay plain black at plain
black din na sweatpants. Ang sapin niya sa paa ay plain black
Hermes slippers for men. Bahagyang magulo ang kanyang buhok na
tila kababangon lang—kababangon lang sa kung kaninong kama ay
hindi ko alam.

Iiwasan ko sana siya pero hinarangan niya ang daan ko. “Macey,
let’s talk.”

Napatigil ako nang maulinigan ang paos na tinig niya.

“Macey, please…”

Tiningala ko siya at nasalo ko ang pagsusumamo ng abuhin


niyang mga mata. “All right. Let’s talk. Pero ngayon mismo at dito
mismo. Wag doon sa kama mo.”

Wala namang ibang tao sa malawak na hallway. Saka wala na rin


naman akong pakialam kahit may makarinig pa. Tutal nandito na
siya, maigi na magkausap na nga kaming dalawa.
Napabuga si Panther ng hangin. Ang mahahaba niyang daliri ay
napasuklay sa kanyang bahagyang magulong buhok. “Macey, I told
you the reason why I married you and the other wives.”

“Yes,” tuwid na sagot ko. Alam ko naman. Pero hindi porke’t


alam ko ay naiintindihan ko na. Because seriously? Kahit anong
dahilan at paliwanag ay isang malaking kalokohan pa rin talaga ang
lahat ng ito. Nakakabulag lang talaga kasi nga mana ako sa mga
ninuno ko na tanga magmahal.

“Macey…” Napatingala siya at muling napabuga ng paghinga.


Ang Adam’s apple niya ay bumaba’t taas. Ang makinis na leeg niya
ay pinagpawisan.

“This is not entirely your fault,” matabang na bitiw ko. “Ako ang
mas dapat sisihin dito. I fell for you. I was the one who fucking fell
in love with you. My feelings are not your responsibility, so there’s
nothing for you to worry about. Just don’t mind me.” Pagkasabi ay
naglakad na ako at nilampasan siya.

“You love me.”

Natigilan ako sa sinabi niya.

Nilingon ko siya. “I do.”

“How much?”

“I don’t know. I just know that I really do fucking love you.”


Namalat ang tinig ko. “But I can’t live in your world.”
Gumuhit ang sakit sa anyo niya. “You’re planning to leave?”

Tumango ako. “`Di ba 70 days lang naman talaga ang usapan


natin noon? Hindi naman talaga ako parte ng harem mo, hindi mo
rin naman talaga ako gusto na maging isa sa—”

“That was before,” mariing agaw niya na sinasabi ko.

“I still want to leave and you can’t stop me.”

Lumapit siya sa akin. “I will pay more attention to you, I will visit
you often in your chamber, and you can go to my chamber
anytime. And if you want, I will also give you max points every day
so you'll get more privileges.”

Mapakla akong ngumiti. “That’s being selfish. Hindi lang ako ang
nagmamahal sa ‘yo. Pito kami, Panther.”

“Macey, please…”

“At kahit palagi mo pa akong dalawin sa chamber ko at kahit


gabi-gabi pa akong matulog sa chamber mo, hindi ka naman gabi-
gabing nasa akin, ‘di ba? So, what’s the point?” Kahit anong
pagpapakatatag ko sa harapan niya ay hindi ko na napigilan ang isa-
isang paglandas ng aking mga luha.

“What do you want me to do to make you stay?”

“Wala. Wala kang dapat gawin.”


Wala kasi nakapili na siya. Alam ko na hindi niya iiwan ang
mundong ito. Hindi niya bibitiwan ang ibang mga asawa niya para
lang sa akin.

Nagpunas ako ng luha matapos kalmahin ang sarili. Muli ko


siyang tiningala at sinalubong ang abuhin niyang mga mata. “I-I
want you to fulfill your mission. Be a good husband to your wives.
Have kids with them. Take care of them. And be happy with your
big family...”

“What if I go to your world?”

Natulos ako sa kinatatayuan. “W-what did you say?”

“Let’s get out of here.”

Kumabog ang dibdib ko. “W-what do you mean?”

Ngumiti sa akin ang mapulang mga labi niya. “Macey, take me


to your world. Let’s go there and leave this place.”

Pumatak muli ang mga luha ko. Did that mean he was choosing
me? That he was willing to leave everything behind just to be with
me?

“A-are you being serious?” Nangatal ang mga labi ko dahil sa


emosyon. “A-are you sure you want to go with me?” Pati ang mga
palad ko ay nanginginig.
Tumango siya habang may nakasungaw na ring luha sa mga
mata. “Let’s find some place where we can build our own world,
Macey.”

Lalapit na sana ako sa kanya nang biglang tumunog ang phone


niya sa bulsa. Kinuha niya ito at nang makita ang screen nito ay
sinagot niya agad.

Sigurado ba talaga siya sa pasya niya na umalis kasama ako?


Iiwan niya ba talaga ang lahat ng asawa niya at kakalimutan sila?
Iiwan niya ang lahat dito para sa akin? Dahil kung oo, handa akong
sumama sa kanya kahit saang lupalop pa ng mundo niya ako dalhin.

Hinintay ko na matapos siya sa kausap niya sa phone. Tulala siya


nang ibaba niya ang phone pabalik sa kanyang bulsa.

“Is everything all right?” tanong ko sa kanya dahil namumutla


siya.

“Oh, God,” sambit niya sa tinig na may nginig.

“W-what happened?” kinakabahang tanong ko.

“Macey…” Nanubig ang mga mata niya. “I’m going to be a


father.”

Natigagal ako sa sinabi niya.

“Debi is pregnant.”
LEVEL 33

“MACEY, ARE YOU LISTENING?”

Kanina pa pala nagsasalita si Giana pero hindi ko siya naririnig.


Lumilipad kasi ang isip ko. Nandito kami sa restaurant at kumakain
ng lunch. Pinuntahan nila ako ni Morga sa chamber ko para
sumama sa kanila dahil ilang araw na akong hindi lumalabas. Ilang
araw na akong nakasubsob lang sa kama at umiiyak.

Matapos naming mag-usap ni Panther, matapos kong sandaling


umasa ay nagmamadali na siyang tumalikod. Umalis kaagad siya
nang malaman niyang buntis si Debi.

Nakalimutan niya na ang pagyayaya niya sa akin na talikuran


ang lahat at bumuo ng mundo na kami lang dalawa ang
magkasama.
Tuliro siya, windang… at masaya. I felt it, he was happy. He must
be really happy because he dreamed of it. He wanted to be a father
and to have his own family. Ngayon ay meron na, ibibigay na iyon
sa kanya ni Debi.

“Right, Macey? Tama naman ako, ‘di ba?” tanong sa akin ni


Giana.

Napakurap ako. “A-ano iyon?”

“See? She’s not listening,” nakasimangot na sabi ni Morga.

Nagulat ako nang may biglang bumuhos na juice sa ulo ko.

“Oops.” Napangiwi si Olly na nasa likuran ko na pala. “Sorry.


Natalisod kasi ako.”

Napangisi ang bagong dating na si Maricel. Si Nikita na nasa


likod nito ay malamig na tumingin lang sa akin.

Napatanga naman sa akin sina Morga at Giana. Nabigla sila nang


makita nilang naligo ako sa isang baso ng juice na dala ni Olly.

“Oh, by the way,” ani Olly. “Our husband threw a party in his
chamber last night.” Si Panther ang tinutukoy niya. “Sad, ‘di kayo
invited. Ang saya kaya.”

Last night? Ah, right. That was after Panther left me when he
learned about Debi’s pregnancy.
“It’s a celebration, actually,” ani Maricel na nakangisi pa rin ang
mga labi. “Don’t you know? Debi is now pregnant. Meaning siya na
ang magiging pinakamataas na rank na wife sa atin dito dahil sa
kanya magmumula ang first born. She will be the Wife Regent.”

Nagkatinginan si Morga at Giana. Parehas silang gulat na gulat.


Ako lang ang hindi na nagulat sa narinig.

“Ang saya kagabi, right, girls?” Napapasayaw pa si Olly. “Panther


was with us. At noong nagkalasingan, we ended up doing
threesome.”

Threesome?

Lahat ito ay kagabi lang naganap pagkatapos malaman ni


Panther na buntis si Debi. Habang masaya sila na nag-celebrate ay
nasa chamber ako at nadudurog mag-isa.

“Sorry ulit, Macey, ha?” Tinapik pa ako ni Olly sa balikat. “`Di ko


sinasadya na tapunan ka ng juice, I swear.”

Malas niya kasi mainit ulo ko. Tumayo ako mula sa aking upuan.
Nakatingin lang sa akin sina Morga at Giana.

Sinilip ni Olly ang mukha ko. “May problema ba? Mag-walk out
ka, ano?”

Humarap ako sa kanya. Pagkatapos ay sinuntok ko siya sa


mukha. Bagsak siya sa sahig sa lakas ng suntok ko. Gago siya, hindi
niya yata alam na bukod sa Taekwondo ay pinag-aral ako ng daddy
ko ng boxing noong college ako.

Nanigas sina Maricel at Nikita sa pagkabigla. Tigagal sila sa akin.


Bago pa lang babangon si Olly ay nilapitan na ang babae. Hinila ko
ang kanyang buhok at kinaladkad siya.

“Help me!” sigaw niya habang kinakaladkad ko siya.

Gagawa pa lang ng hakbang si Maricel ay dumampot na ng bote


si Morga. “Go on, try helping your bitch of a friend.”

Kumuha ng upuan si Giana at nakaamba nang ihampas sa


dalawa. “Uhm, hindi ako palaaway pero puwede kong i-try
today...?”

Kinalakad ko si Olly hanggang tapat ng counter. Pagdating doon


ay kumuha ako ng isang baso ng juice at ibinuhos sa kanyang
mukha. Halos malunod siya sa ginawa ko pero hindi naman siya
makalaban. Nang magkasuka-suka siya ay yumuko ako sinapak ko
siya nang malakas sa pisngi.

“S-stop… please…” pagmamakaawa niya. Nahilo siya. Dalawa na


ang black eye sa mukha.

Susuntukin ko pa sana siya nang isa nang may umawat sa akin.

“That’s enough, Macey,” awat sa akin ni Giana.


Wala akong takot o kaba na naramdaman pagkatapos ng ginawa
ko kay Olly. Wala akong ibang nasa isip kundi ang gulpihin siya.
Swerte pa nga siya dahil inawat ako ni Giana. Kung hindi ay
gagawin kong kulay ube ang mukha niya.

Tumayo ako at akmang lalapit sana kay Maricel nang manakbo


ito palayo sa takot. Naiwan si Nikita mag-isa. Poker-faced pa rin at
hindi kakikitaan ng takot sa kanyang mukha kahit mag-isa na lang
siya.

“I’m waving our white flag for now,” bitiw niya sa kalmadong
tono. Pero kahit sosyal siyang umasta at pino ay mukhang handa
siyang lumaban kung susugurin ko siya.

Hindi ko siya kinibo. Tinalikuran ko na siya. Sumunod naman


agad sa akin sina Morga at Giana.

“You’re so cool, Macey!” Giana was amazed.

Ngumisi si Morga. “You’re badass, girl!”

Pinalagutok ko ang aking mga kamao. Sa susunod na buhusan


muli ako ni Olly ng juice, lulumpuhin ko na siya. Wala na ang
sandaling Macey na uto-uto. Bumalik na ang dating Macey na hindi
magpapaagrabyado kahit kanino. Ngayon nila ako subukan nang
magkapalit-palit ang mukha nilang magkakaibigan.

~~~~~~~~
PATULOG na ako nang magulat dahil ipinapatawag daw ako ni
Panther sa office ni Dr. Fetus. Salubong ang mga kilay niya nang
pumasok ako sa loob. “Why did you do that to Olly?” agad niyang
tanong pagkakita sa akin.

“She started it,” malamig na sagot ko.

Umupo ako sa executive chair ni Dr. Fetus. Malamang na


magiging pula ulit ang ilaw ng wristband ko. Pero nabanggit kanina
sa akin ni Dr. Fetus nang makasalubong ko ito sa daan na meron
naman daw CCTV sa resto, meaning nakita naman ng Red Marshal
na si Olly ang nanguna sa aming dalawa. Hindi pa nga lang sigurado
kung ano ang magiging huling hatol.

“Did she attack you?” singhal sa akin ni Panther. “Ang sabi niya
ay hindi naman niya sinasadya ang pagtapon sa `yo ng juice!”

Tahimik lang si Dr. Fetus sa isang sulok habang sinesermunan


ako ni Panther. Mabuti pa ang maliit na matanda dahil napanood
na nito CCTV footage.

Napahaplos si Panther sa batok niya. “Kahit sinadya pa iyon ni


Olly, hindi mo na sana pinatulan. Tinapunan ka lang ng juice pero
anong ginawa mo? Ginulpi mo iyong tao. Halos ‘di na makilala
iyong mukha niya sa pamamaga at sa mga pasa. At ikaw naman
wala man lang kahit isang galos. How will you defend yourself to
the Red Marshall, huh?” Napailing siya.

“Edi, hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko tutal sayo na rin naman


nanggaling na ako ang mali rito!”
“Stop being immature! For once!” gigil na sigaw niya sa akin.

Nagtagis ang mga ngipin ko. Ayaw kong umiyak pero walang
pakisama ang mga luha ko na kusang bumagsak isa-isa. Tila naman
naitulos sa kinatatayuan si Panther nang makita na umiiyak ako.

“Macey…” paos na sambit niya.

Si Dr. Fetus ay napaiwas ng tingin.

“You said you’re going to come with me…” humihikbing sumbat


ko. “Are you taking back your words now?”

“Are you thinking straight, Macey?” Napamaang si Panther sa


akin. “Can’t you see I’m going to be a father? Buntis si Debi, for
Pete’s sake! How can I leave her?”

Napayuko ako habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

“Please, Macey. Be considerate to Debi. Let’s not be selfish, all


right? Mas importante siya sa akin kaysa sa mga feelings natin.”

Parang sinaksak nang maraming beses ang puso ko sa sinabi


niya. Siguro nga ay makasarili ako na isipin ang sarili ko para sa
pagmamahal niya. Siguro nga ako talaga ang mali. Ako nga talaga.
Ako ang salot dito.

Tumayo ako at pinunasan ko ang aking mga luha. “T-totoo ba


iyong kuwento nina Olly?”
“What?”

“T-that you threw a party. Nag-celebrate kayong apat nang


malaman mong buntis si Debi?”

“It’s just a small party. We had drinks, that’s all.”

“And we’re not invited?”

Napahilot siya sa sentido. “I—”

“I-is it true… that you had threesome with them?” Hindi ko


mapigilan ang aking mga luha.

Napayuko na si Dr. Fetus. Hindi naman siya makalabas ng pinto


dahil nakaharang kami ni Panther.

Napabuga ng hangin si Panther. “To be honest, I had no idea


what happened after I passed out. Lasing na lasing ako dahil–”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang sampalin ko siya.

“Y-you disgust me. Nakakadiri kang tangina ka!” Tinalikuran ko


na siya.

Marahas kong binuksan ang pinto palabas at lakad-takbo akong


lumayo sa kanya.
Hinuli niya ang aking braso para pigilan ako. “We’re not done
talking. Where the hell are you going?”

“Ayoko na, Panther! Ayoko na!” Pinagsusuntok ko siya sa


matigas niyang dibdib at balikat. “Pabayaan mo na ako, ayoko na!”

Napayuko siya. Hinayaan niya lang ako sa aking pananakit sa


kanya. Hinayaan niya lang akong umiyak.

“Gago, may sayad ka na talaga sa ulo!” Nanakbo na ako palayo


sa kanya. Hindi ko na siya nilingon. Nanakbo agad ako palapit sa
elevator para buksan ito. Hindi nga lang ito nagbukas agad kaya
lumipat ako ng pwesto.

Humabol sa akin si Pangther kaya napilitan na akong


maghagdan kaysa maabutan niya ako. Ayaw ko na siyang
makausap. Ayaw ko na siyang makita. Kahit hindi pa tapos ang
tanginang 70 days na `yan, aalis na ako. Aalis na ako rito sa magulo
niyang mundo.

Muntik na niya akong mahablot kung hindi pa ako nakaliko sa


isang kanto. Kalilingon ko sa kanya ay may nakabunggo akong isang
matangkad na lalaki.

“Are you all right?” tanong sa akin nito.

“Light!” sambit ko nang sa aking pagtingala ay ang nag-aalala


niyang mukha ang aking nakita.

Hinawakan niya ako magkabilang braso. “Why are you crying?!”


“Macey!” sigaw ni Panther habang papalapit.

Hahablutin niya sana ang braso ko nang hulihin ni Light ang


pulso niya. “Stop!”

Naglaban ang kanilang malalamig at matatalim na tingin sa isa’t


isa.

“What are you doing?” Madilim ang ekspresyon ni Panther at


tinabig ang kamay ni Light. “Get the fuck out of my way!”

Tumingin sa akin si Light para basahin kung ano ang sinasabi ng


aking mga mata. Umiling ako sa kanya bago ako napakapit sa
kanyang damit.

“Let’s go to my chamber, Macey. We must talk,” mariing ani


Panther.

Lalapit sana siya sa akin nang pumagitna sa amin si Light para


harangan ang kanyang daan. Kinabig ako ni Light sa likuran niya
para itago.

“Fuck you, Erudian. I am the lord here,” nangangalit ang ngipin


sa gigil na bulyaw ni Panther sa lalaki.

“Unfortunately for you, you are not my lord,” pagmamatigas ni


Light.

“You’re going to regret this,” banta ni Panther.


“Well, let me see what you can do with your lousy attacks.” Lalo
akong pinaatras ni Light para lumayo.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang sumugod na si Panther


kay Light. Panther raised his knee and drove his rear leg forward for
a roundhouse kick, nasapol niya si Light sa panga. Napaupo ng
dugo ang lalaki. Agad ding nakabawi si Light. Pinatid ni Light sa binti
si Panther matapos i-headlock. Napaluhod si Panther sa sahig.

They were in the middle of the fight when I suddenly felt dizzy.
Tila sila anino na lang sa aking paningin dahil sa aking pagkahilo.
Napakapit ako sa pader at nanghihinang sumigaw. “Please, stop…!”

Nang mapalingon sa akin si Light ay natigilan siya. Gayundin si


Panther. Hindi ko na alam kung sino sa kanila ang aking narinig na
sumigaw sa pangalan ko. “MACEY!”

LEVEL 34

“MACEY!”

Sabay nilang nasalo ang pabagsak kong katawan. Napakurap


ako at unti-unti ay luminaw na ulit ang aking paningin. Hindi ko
alam kung ano ang nangyayari sa akin, bakit bigla na lang akong
nakaramdaman ng pagkahilo.
“Macey, are you all right?” It was Panther. Nang tingalain ko
siya ay nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Kahit nanghihina ay marahan ko siyang itinulak at doon ako


kumapit sa nakaalalay rin sa akin na mga braso ni Light. Gumuhit
ang sakit sa abuhing mga mata ni Panther bagaman hindi niya pa
rin ako binibitiwan.

Magtatalo pa sana sila nang sumulpot mula sa kung saan ang


isang maliit na matanda na nakasuot ng all-red tux.

“Master Panther!” sigaw ni Dr. Fetus sa malayo.

Nilingon naman siya ni Panther.

Humahangos si Dr. Fetus palapit. “Debi’s in the clinic. Dumating


na ang results ng mga test sa kanya—”

Hindi pa natatapos ni Dr. Fetus ang sinasabi ay nabitiwan na ako


ni Panther. Walang lingon na nanakbo siya paalis.

Napatingin sa akin si Dr. Fetus nang mapansing hawak-hawak


ako ni Light. “Are you okay, Macey?”

“Y-yeah.” Pilit ang ngiti ko sa kanya. “I am okay.” Habang ang


mga mata ko ay nakasunod sa nanakbong paalis na si Panther.

Ganoon nga yata talaga kahalaga sa kanya si Debi. Sa isang iglap


ay bigla niyang nakakalimutan ang lahat ng bagay.
Kinarga na ako ni Light. “I’ll bring you to the clinic.” Puno ng
pag-aalala ang tinig niya.

Kumapit ako sa kanyang leeg at marahang umiling. “No. Just


bring me to my chamber.”

Tumango siya.

Naawa ako sa kanya na makitang may putok siya sa kanyang labi


at may pasa sa mukha “S-sorry…” Napaiyak ako.

“Don’t cry.” Nagmamadali siyang humugot ng panyo para


punasan ang mga luha ko.

Wala sa sariling yumakap ako sa kanya. Pagkatapos ay


napahagulhol ako sa kanyang matigas na dibdib.

Hinimas niya ang likod ko. “I’m here… hindi kita pababayaan.”

I felt safe now in his arms. Nakaramdam ako bigla ng lakas ng


loob dahil sa yakap niya. I’m ready now to leave this place.

Buo na ang desisyon ko. I’ll go for that divorce in the 70th day of
being Panther’s wife. Ilang araw na lang naman ang hihintayin ko.

~~~~~~~~
CONFESSION CHAMBER. It took me two days before I finally
mustered up the courage to enter this place. According to the Red
Book, the Confession Chamber was the place where any of
Panther's 7 wives could confess their resentment. This was also the
place where we could ask for advice or we could request the
Voluntary Exit after the 70-Day-Rule.

Kailangan na mag-confess muna bago ang Voluntary Exit. Naisip


ko rin na gusto ko nang makakausap tungkol sa aking sitwasyon
kaya naman tumuloy na ako rito. Lahat naman ng confession na
magaganap sa lugar na ito ay not recorded. Walang makakaalam
maliban sa akin at sa advicers. Well, ang reason lang naman ng
pagdadalawang-isip ko na magpunta rito nang una ay dahil
nalaman ko na ang advicers ay sina Half Note at Quarter Note.

Pagpasok ko ay merong counter deck na bumungad sa akin.


Naka-seal ito ng glass window at nahahati sa dalawa. Sa right side
ay nandoon si Half Note at sa left side naman si Quarter Note. Sa
pagkakataong ito ay wala na sila sa screen dahil personal ko na
silang makakaharap. They still had paint on their faces, red wigs on
their heads, and red lenses in their eyes. Ang porma nga lang nila
ngayon ay mas bongga kaysa na nakasanayan kong suot nila.
Parang puwede na nilang palitan si Lady Gaga.

Umupo ako sa isang executive chair kaharap sila. “Hi! I’m here
to confess.”

“Good day. Welcome to the Red Confession Chamber!” bungad


sa akin ni Half Note. “Tell us your confession.”
“Magandang araw. Tuloy ka sa Pulang Kuwarto ni Marites,” ani
Quarter Note bilang pagta-translate. “Sabihin mo sa amin ang
chika.”

Napahugot muna ako nang malalim na paghinga. “I…”


Napahinto pa ako ng ilang sandali. “I fell in love with my—I mean,
our husband. I didn’t expect it to happen… but yeah, I fell in love
with him.”

“That’s good to hear,” komento ni Half Note. “It’s a good start


for a better relationship with him.”

“Iyan ay magandang balita.” Sinundan agad ni Quarter Note.


“Simula na iyan ng isang magandang relasyon sa pagitan niyo,
humayo kayo at magpakarami.”

“No! You don’t understand!” Tumaas ang tinig ko.

Nagkatinginan ang dalawa.

“I didn’t want to fall for him.”

Sabay pa na napa ‘oh’ sina Half Note at Quarter Note.

“You see, I didn’t plan to fall for that crazy, complicated, and
toxic man. I joined this bullcrap because I had other plans in mind; I
wanted revenge and to teach him a lesson. Ang kaso, kung ano ang
pinakainiiwasan kong mangyari ay siyang hindi ko namalayang
naganap…”
My hands began to tremble on my lap.

“Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako kay Panther. Wala iyon


sa plano. Pito kami na asawa niya. Pito kami na maghahati-hati sa
atensyon niya, at hindi ko iyon kaya…”

“I’m sorry to hear that.” Nawala ang ngiti sa mukha ni Half Note.

“Paumanhin sa iyo.” Ganoon din si Quarter Note.

“I just realized that I am a selfish and jealous woman when in


love. I don’t like sharing my man. No matter how much I love him, I
can’t do this. I don't want to live with a polygamist for the rest of
my life. That's too much for me…”

Napayuko ako.

“I can’t stay with him.” Nag-angat ako ng paningin. Ang mga


mata ko ay nagluluha na. “I don’t want to stay in this place forever.
Ayoko na. Quit na ako. Pero pinipigilan niya ako.”

“It means he does not want you to go,” ani Half Note. “It means
he loves you.”

“Ibig sabihin ay ayaw ka niyang mawala.” Si Quarter Note. “Ibig


sabihin ay mahal ka niya.”

Mapakla akong tumawa. “I don’t know about that.”

Mahal nga ba ako ni Panther? Baka… Siguro…


Ano man ang sagot ay buo na ang desisyon ko. Aalis na ako sa
lugar na ito. Bago ko pa tuluyang makalimutan kung sino ako at
bago pa tuluyang maubos ang respesto ko sa sarili ko, aalis na ako
sa buhay ni Panther Foresteir. Sa ayaw man at sa gusto niya, hindi
niya ako mapipigilan pa.

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. “I am Macey


Ela Sandoval-Foresteir, one of the seven wives of Panther Foresteir
is requesting for a divorce. I am going to do a voluntary exit at the
end of this month. And my decision is final.”

~~~~~~~~

I AM LEAVING THIS PLACE. Sa katapusan ng buwan, aalis na ako.


Buo na ang desisyon ko. Aalis na ako sa lugar na ito. Hindi ko na
kayang magtagal pa.

“Macey, are you feeling all right?”

Ibinaba ko sa ibabaw ng mesa ang baso ng tubig na aking


ininuman. Nakasunod sa akin ng tingin si Light na kapapasok lang
sa pinto. Nakatitig siya sa mukha ko.

Humakbang siya palapit sa akin. “You look pale.” Kinapa niya


ang noo ko gamit ang likod ng kanyang palad.

Pale? Hindi ko alam. Ilang araw nang hindi maganda ang


pakiramdam ko; madalas akong mahilo at nanlalabo ang aking
paningin, bagaman hindi naman masakit ang ulo ko. Siguro low
blood ako.

Tiningala ko si Light. “Mainit ba ko?”

May sinabi siya pero hindi ko marinig.

“Ano?”

Nagsalita ulit siya pero hindi pa rin narinig. Hanggang sa bigla


siyang nanlabo sa paningin ko. Bumagsak ako sa matigas niyang
mga braso.

“Macey, what’s going on?!” Nag-e-echo sa aking pandinig ang


nag-aalalang tinig ni Light. Marami pa siyang sinasabi o itinatanong
sa akin pero hindi ko maintindihan. Hilong-hilo ang aking
pakiramdam.

Hindi na ako makapagsalita dahil bigla na lang akong nanghina.


Naramdaman kong binuhat niya ako. Hindi ko na alam ang
sumunog na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Pagdilat ko ay nasa clinic na ako. Pagbangon ko ay nakaupo na si


Dr. Fetus sa gilid ng kama ko. Meron siyang binabasang mga
papeles. Nakasuot siya ng doctor uniform na pambata. May glasses
siyang suot at stethoscope na nakasampay sa kanyang balikat.

“How are you feeling right now?” Nilagay niya ang earpiece ng
stethoscope sa kanyang tainga at itinapat sa dibdib ko ang
diagphram nito. Ngumiti siya sa akin pagkuwan. “I think you’re
fine.”

“Ilang oras akong nakatulog?” nanghihinang tanong ko.

Lumundag siya pababa ng kama. “5 hours.”

Ganoon katagal?

Kinuha niya ang chart ko at binasa ito kasabay ng mga papers na


hawak niya.

“How’s Debi?” tanong ko sa kanya para basagin ang


katahimikan.

“Didn’t you hear the news?”

“I-I’ve heard of it, she’s pregnant… G-gusto ko lang malaman


kung kumusta siya? K-kumusta ang baby nila ni… Panther?” Tila
may humiwa sa loob ng dibdib ko sa huling pangungusap.

Napa-ayos si Dr. Fertus sa glasses niya. Tinitigan niya ako.

Sinikap kong ngumiti. “Come on, tell me. K-kumusta ba si Debi


at… ang baby?” Sa kabila ng lahat, kahit ang sakit pakaisipin, hindi
ko pa ring maiwasang hindi alalahanin si Debi. Buntis siya ngayon at
baka nahihirapan siya. Maselan ang pakiramdam niya kaya—

“Well, unfortunately, it turns out that Debi’s not really


pregnant.”
“W-what?” Ilang segundo akong tigagal. Napabangon ako sa
kama nang mahimasmasan.

“It’s just a false alarm.” Binalikan ni Dr. Fetus iyong mga papers
na binabasa niya.

“What do you mean it was just a false alarm?!” Gusto ko na


siyang sakalin dahil pabitin siyang magkuwento. Paanong hindi
buntis si Debi? Anong nangyari?!

“She did a pregnancy test andthe result was positive. But when
we tested her yesterday, the result turned out negative. Ang
daming tests din ang ginawa sa kanya para makasigurado, kaya
lang talagang iisa ang resulta, hindi siya buntis. It was just false
alarm.”

Hindi ako makapaniwala. Nakaramdam ako ng simpatya hindi


lang kay Debi kundi lalo kay Panther.

Panther was so happy to know that he was going to be a father,


and he must be hurt and devastated that Debi’s pregnancy was just
a false alarm. Malamang na ininda niya ang balita dahil umasa siya.
Sobrang umasaya siya…

Malungkot na napayuko ako. “That’s… bad news,” bulong ko.

“It’s fine. Because some good news suddenly came!”

Napatingin ako sa maliit na matanda. “Anong good news?”


Nagliwanag ang mukha ni Dr. Fetus. Lumapit siya sa akin at
hinawakan ang palad ko. “You’re pregnant, Macey.
Congratulations!”

LEVEL 35

I AM PREGNANT?!

Magkakaanak na ako. Magkakaanak na kami ni Panther.


Nahaplos ko ang aking impis na puson. May buhay na sa loob nito.
May buhay na akong dinadala sa katawan ko. Natutop ko ang aking
bibig. Oh, God! I was going to be a mom!
Buntis ako. Ako ang buntis at hindi si Debi. Hindi ako
makapaniwala kahit alam ko namang posible na mabuntis ako dahil
babae ako. May matris ako. Of course, I could get pregnant.
Maraming beses na may nangyari sa amin ni Panther. Maraming
beses akong tinaniman ng lalaking iyon.

Hindi ko lang talaga inaasahan na sa ganitong pagkakataon pa


ako mabubuntis, kung kailan hindi pala buntis si Debi, at kung
kailan nagdesisyon na ako na umalis at lumayo. Bakit ngayon
nangyari ito?

Tulala ako na umalis sa clinic. Tuliro ako sa mga hakbang na


gagawin, kaya nakiusap ako kay Dr. Fetus na sana ilihim muna
namin ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sa una ay ayaw pumayag ng
doktor pero nagmakaawa ako. Thankfully, naintindihan niya ako.

Paglabas ko sa clinic ay naghihintay sa akin sa labas si Light.


Mula yata nang dalhin niya ako sa clinic hanggang lumipas ang
limang oras na tulog ako ay naghihintay na siya rito. Sinalubong
niya agad ako.

Mula nang magkabati kami ay hindi na bumalik sa pagiging


kalmado ng ekspresyon niya. Palagi nang salubong ang mga kilay
niya o kaya ay malamlam ang kanyang mga mata. Palagi na lang
siya nag-aalala sa akin.

Nitong mga nakaraang araw ay naging maramdamin ako bigla,


magagalitin, at maiksi ang pasensiya dahil sa buntis na pala ako.
Ang daming nagbago sa akin. At lahat ng pagbabagong iyon ay
nasaksihan ni Light.
“Okay na ako,” maagap kong sabi bago pa siya makapagtanong.

Tumango siya at inalalayan ako. Pagkatapos ay umuwi na kami


sa chamber ko. Habang nasa daan kami ay wala kaming imikan.
Pero nakikita ko sa peripheral vision ko na panay ang tingin sa akin
ni Light. Hindi siya nagtatangkang magtanong. Naghihintay lang
siya na ako mismo ang magsabi sa kanya.

He was a good friend and I think he deserved to know what was


happening to me. “Light.”

“I am listening.”

“I’m pregnant,” mahinang sabi ko.

Hindi siya kumibo bagaman nakita ko ang paguhit ng kirot sa


mga mata niya. Alam kong alam niya kung sino ang ama.

~~~~~~~~

THREE DAYS LATER. Alam na ng lahat na hindi totoong buntis si


Debi. Sa nakalipas na mga araw ay hindi ito naglalalabas ng
chamber nito. Hindi na bumababa sa resto para kumain. Nagpapa-
deliver na lang ito at nag-uutos sa staff kapag may kailangan.
Naaawa ako dahil malamang na dinibdib ng babae ang kaalaman na
hindi ito buntis.

Sa pagbubuntis ko naman ay kaming tatlo pa lang nina Dr. Fetus


at Light ang nakakaalam. Walang malay si Panther tungkol dito.
Pinag-iisipan ko pa rin nang mabuti kung sasabihin sa kanya. Saka
hindi na rin naman siya lumilitaw. Pagkatapos pumutok ang balita
na hindi naman talaga buntis si Debi ay hindi na siya nagpakita.

Siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi matanggap ni


Panther na hindi pa pala siya magiging ama.

Kung sana makikita ko siya ay masasabi ko sa kanya na magiging


ama pa rin siya, pero hindi na nga lang sa anak ni Debi, kundi sa
magiging anak namin. Yes, I already decided to tell him about my
pregnancy. He deserved to know that truth.

Gabi-gabi ko siyang inaabangan na baka maisipan niyang


dalawin ako sa aking chamber. Baka maalala niyang pumunta sa
akin para sabihin ang tungkol sa nangyari kay Debi, baka kailangan
niya nang makakausap. Kahit masama ang loob ko sa kanya ay
dadamayan ko siya.

Ipagtatapat ko na rin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.


Karapatan niya na malamang buntis ako dahil anak niya rin naman
itong nasa sinapupunan ko.

Nang umabot ang ikaapat na araw na hindi pa rin nagpapakita


at nagpaparamdam si Panther ay ako na ang sumadya sa kanya sa
chamber niya. Parang may nagtatambol sa loob ng aking dibdib
dahil sa kaba. Nang magbukas ang elevator sa 7th floor ay doon
agad ako dumeretso sa glass door niya.

Nahinto sa paghakbang ang aking mga paa nang saktong


lumabas din si Panther. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang
masilayan ko siya. Ngayon ko na lang siya ulit nakita. Ang pagkabog
ng aking dibdib ay mas lumakas at bumilis.

Nakakulay itim na long sleeves polo ang lalaki at itim din na


jeans. Magulo ang kanyang buhok na basa niya lang sinuklay ng
mahahaba niyang mga daliri sa kamay. Ang kanyang perpektong
mukha ay walang kahit anong emosyon.

Nang mapansin na nakatayo ako sa harapan niya ay


nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay. Tila ba siya biglang
nayamot nang makita akong naririto. Nasasaktan ako sa reaksyon
niya. Dama ko na ayaw niya akong makita.

Gayunpaman ay nagpakatatag ako. May sadya ako sa kanya


kaya ako naririto. “Panther,” lakas-loob na tawag ko sa kanya. “We
need to talk.”

Nakapamulsa siya sa suot na jeans nang humakbang palapit sa


akin. Napatingala ako sa kanya nang nasa harapan ko na siya. Hindi
siya umiimik. Naghihintay lang siya sa akin na magsalita ako.

“First, I am sorry about what happened. How’s Debi?” Sincere


ako na kumustahin ang babae dahil totoo naman na nag-aalala rin
ako rito. “Okay lang ba siya?”

Hindi kumibo si Panther. Blangko lang ang kanyang mukha.

“K-kumusta kayo? Hindi ko na kasi nakikita si Debi.” Napayuko


ako. “At ikaw naman… parang hindi ka na bumababa rito sa floor
mo–”
“What are we going to talk about?” Hindi na niya ako pinatapos.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Ang totoo ay hindi ko alam


kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya na buntis ako. Tila
naglaho ang lahat ng mga prinactice ko bago magpunta rito.

Napaisip ako ng mga salita na aangkop. Kahit kandautal ay


sinikap ko na magsimula. “S-sasabihin ko lang sana sa ‘yo na–”

“Faster.”

Napatigil ako. “H-ha?”

Iritableng napabuga siya ng paghinga. “Bilisan mo at marami pa


akong gagawin.”

Natulala ako sa kanya. Nasasaktan ako sa kalamigan niya.


Ipinaparamdam niya sa akin na ayaw niya akong makausap.
Samantalang ako ay buong magdamag na nag-ipon ng lakas ng loob
na harapin siya. `Tapos ganito lang?

“B-bakit ganyan ka?” usal ko.

Gusto ko nang maiyak dahil sa inaasal niya. Parang gusto ko na


tuloy umurong at manakbo palayo. Dahil siguro sa aking
pagbubuntis kaya ang sensitibo ko masyado.

“You know what? If you have nothing to say to me, just go.
You’re wasting my time.”
“I…”

Tinaasan niya ako ng isang kilay. “What?”

“I-I’m filing an divorce on the 70th day.” Napapikit ako.

Hindi dapat iyon ang sasabihin ko. Ipagtatapat ko na sana na


buntis ako, kaya lang dahil sa ipinapakita niya sa akin ay natakot na
ako na magsabi ng totoo. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon
niya. Pakiramdam ko ay hindi niya ikatutuwa ang balita.

“Is that all?” walang kabuhay-buhay ang tono na tanong niya.

Marahan akong tumango. Ang totoo ay mula nang malaman ko


na buntis ako ay naguluhan na ako sa desisyon kong umalis, pero
dahil sa malamig na pag-uusap namin ngayon ay naisip ko na tama
nga siguro na iyon na lang ang nasabi ko.

Hinaplos niya ang kanyang batok. “You’ve said it, I think you
should leave now. You see, I have more important things to do.”

“O-okay…” Sinikap kong matipid na ngumiti habang pilit


pinipigilan ang aking mga luha. “A-and I think ito na rin siguro ang
huling beses na magkikita tayo. K-kaya magpapaalam na rin ako…”

Tinalikuran na niya ako at lumakad na siya patungo sa


kinaroroonan ng office niya.
“G-goodbye, Panther…” anas ko na hindi ko sigurado kung
nakaabot pa ba sa pandinig niya.

Tumalikod na rin ako. Halos gumegewang akong pumasok sa


elevator at nang magsara ito ay impit akong napahagulgol.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay hindi ako
makahinga. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang sakit.

Naiintindihan ko na nasaktan siya dahil hindi totoong buntis si


Debi, pero bakit parang sa akin siya nagagalit? Nasaktan din naman
ako noong talikuran niya ako para sa akala niyang magiging anak
nilang dalawa. Gayunpaman, kahit nasaktan ako noon ay sinikap
kong umunawa.

Nagkaroon kami ng pagtatalo noong huling paghaharap namin,


pero alam naman niya kung bakit gusto kong lumayo sa kanya.
Alam niya na kaya ako aalis kasi mas gusto ko na lang na
magparaya. Dahil ayaw ko na makagulo sa kanila. At dahil sa hindi
ko na rin kaya ang sakit dahil nga sa mahal ko siya.

Alam naman niyang mahal ko siya. Alam niya iyon dahil sinabi
ko naman sa kanya ang nararamdaman ko. Alam niya ang
pinanggagalingan ko. Pero ganito niya ako kung itrato?

O baka sadyang mababaw lang talaga ang kung ano mang


nararamdaman niya sa akin. Sabagay, ano nga ba ang alam ni
Panther sa pagmamahal?

Hindi nga siguro siya marunong magmahal. Umpisa pa lang,


nilinaw na niya na ang habol niya ay maraming anak kaya marami
siyang inasawa. Nabubulag lang ako sa pagiisip na baka may pagasa
pa siya pero wala na talaga.

Pakiramdam ko ay hindi ko siya kilala. Para bang ibang tao


siya—o ito talaga ang totoong siya. Ito ang tunay na Panther
Foresteir na noon ay nakilala ko na.

Napahawak ako sa aking impis na sikmura. Hindi ako papayag


na madamay ang anak ko sa kalokohang ito. Poportektahan ko ang
anak ko sa abot ng aking makakaya.

Kaysa mamulatan niya ang ganito kagulong sistema, mas


nanaisin ko pa na lumaki siya na walang kinikilalang ama. Ilalayo ko
siya kay Panther Foresteir!

~~~~~~~~

“DID YOU TELL HIM?”

Pagbukas ko ng pinto ng chamber ay napatigil si Light. Nadatnan


ko siya na balisang palakad-lakad sa gitna ng sala. Nasa mukha niya
ang pag-aalala.

“Macey.” Inilang hakbang niya ang pagitan namin. Alam niya


kung saan ako galing. Alam niya na pinuntahan ko si Panther.

Tumingala ako sa kanya at tipid siyang nginitan. “Sinabi ko sa


kanya ang tungkol sa divorce.”
Umawang ang mapula niyang mga labi. “How about your
pregnancy?”

Umiling ako. “I decided not to tell him.”

Pumungay ang kanyang mga mata. “Why?”

Nagkibit ako ng balikat. “Dahil siraulo siya.”

Naupo ako sa sofa at sumunod siya. Pumuwesto siya sa harapan


ko. Iniluhod niya ang isang tuhod sa sahig para masilip ang aking
mukha. “Did something happen? What did he say about the
divorce?”

“Wala. Mukha ring wala siyang pakialam kaya walang magiging


problema. Sa katapusan, aalis na ako sa lugar na ito.”

“But, are you okay?”

Doon ako umiling. Isa-isang nalaglag ang mga luha ko. “No. I’m
not.”

Naupo si Light sa sofa para tabihan ako. Kinabig niya ang aking
ulo at inihilig sa kanyang dibdib. “I’m sorry, Macey…”

Humihikbing umiling ako. Bakit siya ang nagso-sorry? Wala


siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan kasi hindi ko narendahan
nang maayos ang puso ko, nahulog ako sa lalaking hindi dapat
minamahal.
“Palalakihin kong mag-isa ang anak ko…”

“No.”

Gulat na napatingala ako sa kanya. “L-Light…”

Hinaplos niya ang aking pisngi. “I am here, Macey. You have me.
I’ll help you raise your child.”
LEVEL 36

IT’S OVER.

Ngayon na ang tapos ng ika-70 days. Matapos ang pag-uusap


namin ni Light ay hindi na namin pa pinag-usapan ang tungkol kay
Panther at sa baby. Sa buong isang linggo na nagdaan ay ang focus
ko ay ang pag-alis sa lugar na ito.

Na-approve agad ng Red Marshall ang request ko na mag-


voluntary exit. Nasa proseso na rin ang divorce dahil pinirmahan
agad ni Panther ang mga papeles. Napailing ako matapos magsuot
ng jacket. Wala na akong panahon na magdamdam pa, ang
importante ngayon ay ang makaalis na ako sa isla na ito.

Wala naman akong dalang gamit dito kaya wala rin akong
dadalhin sa pag-alis. Palabas ako ng kuwarto nang bumukas ang
pinto sa sala at pumasok mula roon si Light. “I’m coming with you.”

Sweater na kulay grey at jeans ang suot niya. Meron siyang itim
na sombrelo sa ulo at wala ang madalas na leather shoes o combat
shoes sa mga paa niya. Ang suot niya ngayon sa paanan ay pares ng
kulay puting sneakers. Napanganga ako dahil ngayon ko lang siya
nakitang ganito ka-casual ang ayos.

Humakbang siya palapit sa akin. Inilahad niya ang kanyang


kaliwang palad at napatitig ako roon.
“L-Light, hindi…” Umiling ako. “Hindi mo kailangang sumama sa
akin.” Kapag sumama siya sa akin ay maba-ban siya sa lahat ng
agency dahil may pinirmahan siyang kontrata sa Red Marshal. Hindi
siya basta puwedeng mag-resign dito.

Ngumiti siya. “I am still coming with you and you can’t change
my mind.”

“Naiintindihan mo ba? Mawawalan ka ng trabaho kapag


sumama ka paalis sa akin!” Nagtaas na ang tinig ko. Tama na ang
mga pandadamay ko sa kanya, ayaw ko nang pahirapan siya
ngayong aalis na ako rito.

Umiling si Light. “I don’t need my job here, Macey. I may not be


as rich as Panther Foresteir, but I am loaded, too.”

Napalunok ako sa pagkakangiti niya. Nakikita ko sa kislap ng


mga mata niya na hindi siya nagsisinungaling.

“Hindi pera ang habol ko kaya ako nagtrabaho rito. I have other
reason. Bonus na lang ng kapalaran na nandito ka rin, at ngayong
aalis ka na, handa na akong talikuran ang dahilan ko kaya ako
pumunta sa lugar na ito.”

Dahilan? Ano ang dahilan niya kaya siya naging protector sa


islang ito?

Nang hindi ko pa rin tinatanggap ang kamay niya ay siya na ang


kumuha sa kamay ko. “Let’s go, Macey. Let’s leave this place
together.”
Naguguluhan pa rin ako. Nang hilahin ako ni Light palabas ng
chamber ay nagpatianod ako sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay
ang makaalis na ako rito. Pumasok kami sa elevator at pinindot ang
buton nito sa rooftop kung saan naroon ang helipad. Doon namin
hihintayin ang chopper na mag-aalis sa amin sa islang ito.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Dr. Fetus. Pero alam naman


niya na ngayon ang alis ko. Abot-langit ang pasasalamat ko sa
matanda dahil nauunawaan niya ang sitwasyon ko. Tinulungan niya
ako na malakad ang mga permit at papers ko. In-approve niya ang
health permit ko as negative sa pregnancy test. Dahil kung
susundin ang rules sa Red Book, hindi ako pwedeng makipag-
divorce kay Panther kung buntis ako kahit pa dumating ang 70th
day.

Dr. Fetus believed that what he did was for the greater good.
Masyadong toxic ang sitwasyon para mag-stay pa ako sa pagiging
isa sa 7 Wives. But I’m worried about Dr. Fetus. Kapag nalaman ni
Panther ang ginawa niya ay siguradong itatakwil siya nito. O baka
kung anong gawin sa kanya ng lalaki. Baka ipatapon siya sa isla.

Sa helipad kami dumeretso ni Light. Sinalubong kami roon ni


Half Note. “Good afternoon, Miss Macey Ela Sandoval. We are sad
to know that you’re going home.”

Sa tabi niya ay nandoon si Quarter Note. “Magandang tanghali,


Binibining Macey Ela Churba Sandoval. Kami ay malungkot dahil
uuwi kang echusera.”
Pinapunta nila ako sa harapan ng isang desk. May mga
pinapirmahan sa akin na dokumento. Karamihan ay tungkol sa
pangangako na wala akong pagsasabihan na kahit sino tungkol sa
mga kaganapan sa islang ito. Binigyan naman nila ako ng copy nito
na nasa folder.

May inilapag na golden tray si Half Note sa ibabaw ng desk.


Ipinapasauli na rin ang mga patunay na naging asawa ako ni
Panther Foresteir. Binaklas ko sa pulso ko ang aking wristband at
inilapag ito sa tray. Ganoon din ang ginawa ko sa suot kong ring.
Ang choker naman ay si Half Note ang nag-alis sa akin dahil
kailangan itong gamitan ng susi.

Mapait akong napangiti. Sa pagkakatanda ko kasi ay si Panther


ang dapat mag-aalis ng choker sa tuwing magpapa-divorce sa
kanya, pero wala siya ngayon dito kaya iba ang gumawa para sa
kanya.

Nakipagkamay sa akin si Half Note. “In seven years, you are not
allowed to contact Master Panther unless he contact you.”

Ganoon din si Quarter Note. “Sa pitong taon, bawal mong


kontakin si Master Panther kung ayaw mong maging kabet.”

“In seven years, you may contact us, the Confession Duo, for
advice with confession.”

“Sa pitong taon ay maari mo kaming kontakin ng libre para


makipagtsismisan sa amin.”
“In seven years, you are not allowed to come here in this island
even as a guest.”

“Sa pitong taon ay bawal kang pumunta rito sa isla kahit bilang
bisita dahil baka mang-agaw ka pa ng asawa.”

“In seven years…” Natigilan si Half Note. “We will miss you.
We’re so sad that we have to say goodbye.”

“Sa pitong taon ay mananabik kami sa ‘yo. Kami ay nalulungkot


dahil kailangan na naming mamaalam sa ‘yo. Pero mukhang babalik
ka pa, marupok ka, e.”

Iningusan ko si Quarter Note.

Dumating na ang chopper. Nag-vow na sa akin sina Half Note at


Quarter Note. Nag-vow na rin ako sa kanila. Papunta na kami roon
ni Light nang matanaw kong parating sina Giana at Morga.
Sumusuray ang dalawa nang lumapit sa akin. Mukhang lasing ang
dalawa ito. Ginawa na yatang libangan ang pag-iinom.

“Hoy, Macey. Ang daya mo, aalis ka na!” Hinampas ni Morga sa


balikat si Light. “Iiwan mo na ko!”

“Andito ako.” Iniharap ko ang babae sa akin.

Sabi na nga ba ay lasing sila. May hawak si Morga na wine glass


at inaalok pa ako.
“Weak.” Sabay lagok niya sa wine glass. “But, I’m gonna miss
you…”

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Kahit maldita si Morga ay


hindi siya pakitang-tao. Nakalabas ang ugali niya at hindi siya
nanloloko. Mabuti rin siyang kaibigan sa sarili niyang paraan. Sa
maiksing panahon ay napamahal na siya sa akin.

“Damn, I’m gonna miss you.” Lumapit siya sa akin para yakapin
ako pero ang niyakap niya ay si Light.

Napapikit na lang ang lalaki sa pagkayamot.

Napaupo sa sulok si Giana at doon ito humagulhol. “Macey,


don’t leave us, please…”

Lumapit ako sa kanya para aluhin siya. “Shh… Be strong,


Giana...”

“Macey, ikaw lang at si Morga ang kaibigan ko rito!” atungal


niya. Kapag lasing talaga ay nawawala ang pagiging demure niya.
“Pag wala ka na, malulungkot ako… Lalo akong malulungkot!
Please, don’t gooo!” Umangat ang mukha pero kay Light siya
nakatingin.

Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap ko siya sa akin. “You’ll


be fine here, Giana. Kaya mo namang maging matapang, ‘di ba?
Maging matatag ka sana para hindi ka kaya-kayanin ng iba. Saka
nandiyan si Morga, hindi ka niya pababayaan.”
Lalong napaiyak si Giana habang nakasalampak sa sahig.

Umupo sa tabi namin si Morga. “I hope we’ll see each other


again.” Mapait siyang ngumiti sa akin.

Humikbi si Giana. “Goodbye, Macey…”

May namutawing luha sa aking mga mata. “Goodbye, Giana…”

Nilingon ko si Morga na katabi lang namin. “Ikaw na ang bahala


kay Giana,” bilin ko sa kanya. Pero tulala lang si Morga.

Hindi na kumibo si Morga, humihilik na siya. Nakatulog na


naman yata nang dilat.

Maingat kong ipinikit ang kanyang mga mata gamit ang aking
palad. “Goodbye, Morga. Sleep well.”

“Ako na ang bahala sa kanila.” Biglang sumulpot si Olly sa


likuran ko.

Anong ginagawa niya rito?

Inalalayan niyang makatayo si Giana at sinampay niya ang isang


braso nito sa balikat niya. “Tinawagan ko na ang protectors nila.
They’re on their way here.”

Nag-alala naman ako. Parang hindi ko kayang ipagkatiwala sa


kanya ang dalawa, pero wala na akong choice dahil paalis na ako.
Pero bakit nga ba siya nandito?
Saka ko napansin na dumating din pala sina Maricel at Nikita.
Napakunot ako ng noo. Bakit sila nandito?

Ngumisi sa akin si Maricel. “Aalis ka na pala. Boring na tuloy.”

Tinitigan ko lang siya nang masama. Si Nikita naman ay


malamlam ang mga mata kay Light. Palaisipan talaga siya sa akin.
Siguro sa ending na talaga natin malalaman kung sino talaga siya.

“Gusto mo ba siyang kausapin bago tayo umalis?” bulong ko kay


Light. Ang tinutukoy ko ay si Nikita.

Umiling lang naman ang lalaki.

“Okay. Tara na.”

Gagawa pa lang ako ng hakbang nang matanaw ko si Debi sa


malayo. Naglalakad siya papalapit sa akin. Napalunok ako.

“Goodbye, Debi,” sabi ko paglapit niya sa akin.

Nangangalumata si Debi at mukhang namayat siya nang husto.


Wala na ang dating sigla sa mukha niya sa tuwing makikita ko siya.
Mahahalata din ang lungkot sa kanyang mga mata. Wala siyang
imik nang bigla niya akong yakapin.

Gulat na napanganga naman ako. Mahigpit niya akong niyakap.

Humihikbi siyang bumulong. “T-talk to him…”


Pagkuwan ay kumalas siya sa akin at nanakbo palayo. Tinanaw
ko lang siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin. Siguradong
si Panther ang tinutukoy niya.

Niyaya ko na si Light na maglakad palabas ng lobby. Sa labas


nito ay nandoon ang helipod kung saan naghihintay sa amin ang
isang chopper para ihatid kami papunta sa city. Habang naglalakad
kami ay napapaisip ako sa ibinulong sa akin ni Debi tungkol kay
Panther.

Why should I talk to him? Tapos na ang lahat sa amin…

LEVEL 37

10 DAYS LATER

Buong oras ng chopper sa himpapawid ay tumutulo ang mga


luha ko. Pakiramdam ko ay naiwan ang puso ko sa Red Mansion.
Habang papaliit ang isla sa aking paningin ay papaliit din nang
papaliit ang pagasa sa dibdib ko… hanggang sa tuluyan nang
mawala at maglaho.

This was for the best. Ang umalis at lumayo ang tanging paraan
para maiahon ko ang sarili. Hindi na healthy sa akin ang nangyayari.
Kinailangan ko nang bumitiw hangga’t kaya ko pa. I just hoped that
I could really forget everything…

Nakabalik na ako sa Pilipinas. Nang matanaw ko na ang helipad


sa rooftop ng Sandoval’s mansion ay agad akong tumahan. Dito ako
hinatid kasama si Light. Nang bumaba ang Red Chopper ay inayos
ko ang aking sarili at inihanda ko ang aking ngiti.

Pagbaba ko noon ay tila alam na ng parents ko ang aking


pagdating. Naghihintay na sila sa akin. Sinalubong ako ni Mommy
at Daddy nang mahigpit na yakap. Si Mommy ay namumula ang
mga mata pero hinagod ni Daddy ang likod niya kaya siya kumalma.
Alam ko na alam na nila kung saan ako galing at ano ang nangyari
sa akin, but they chose to not talk about it.

Walang pag-uusap. Walang tanong o sumbat ako na narinig sa


kanila. Ang unang ginawa ni Mommy ay hinila ako papasok sa
bahay namin. Pinahanda niya ang kuwarto ko. Pinaalalayan ako sa
mga helper para makapag-hot bath ako at makapagpalit ng damit.

Si Light naman ay naiwan na kasama ni Daddy. Kung ano ang


pinagusapan nila ay wala akong ideya.

Matapos ang araw na iyon ay sa amin na naglagi si Light. Kahit


paminsan-minsan ay sinisipat siya ni Mommy ng mapanuring tingin
ay hindi naiilang ang lalaki. Pinangangatawanan niya pa rin ang
pagiging protector ko kahit wala na kami sa Red Mansion.

Sa loob lamang ng sampung araw ay nakuha agad ni Light ang


tiwala ng parents ko. Pumayag sila na maging personal protector ko
siya 24/7. Isa pa, gustung-gusto ni Mom si Light dahil poging-pogi
siya sa lalaki. Pati nga iyong mga babae naming kawaksi rito ay
mukhang masasaya rin na nandito si Light.

Gabi. Napadilat ako habang humihingal. Simula nang umalis ako


sa Red Mansion, gabi-gabi akong nagigising sa gitna ng gabi. Sa mga
panaginip ko ay naroon si Panther. Galit ang abuhing mga mata
niya sa akin. Magigising na lang ako na masakit ang dibdib at
luhaan ang aking mga mata.

Ilang araw na pero hindi ko pa rin siya makalimutan. Ilang araw


na pero palagi ko pa rin siyang naaalala. Ilang araw na pero
hanggang sa panaginip ay nakikita ko pa rin siya.

Maya-maya ay kumakatok na si Light sa pinto. Tumayo ako mula


sa akin kama para pagbuksan siya.

“Another nightmare?” bungad niya sa akin.

Malungkot akong tumango. Kahit hating gabi ay alerto si Light


sa mga kaganapan sa akin. Sa itsura nga niya ngayon na bahagyang
magulo ang buhok ay mukhang kababangon lang sa kama.
Mukhang nagising lang sa kaluskos. Shirt na plain white at black
pajama ang suot niya. Sa guestroom na katabi ng aking kuwarto
ang kuwarto niya rito sa mansiyon.

Humakbang siya palapit sa akin at magaan akong niyakap.


“You’ll be okay, Macey… I promise you, you will be okay… I will do
my best to help you…”
~~~~~~~~

NAPAUNGOL ako sa itsura ko sa vanity mirror. Ang kapal ng make


up ko sa mukha. Iyong make up ng mga model na makikita sa
magazine. May pa-check eye pa na makapal na itim na guhit. At
maliban sa contour at blush on ay may glitters din ang aking pisngi.

Ang mommy ko ang nagmi-make up sa akin. Ewan ko ba roon,


kahit noon pa ay paborito nang pag-practice-an ang mukha ko. Ako
raw kasi ang anak niyang babae kaya gusto niya akong idina-doll
up. Naiinis siya sa akin dahil wala akong kaarte-arte sa katawan.

Wala talaga akong hilig sa cosmetics and fashion kaya na-fru-


frustrate si Mommy sa akin. Naiiyak pa nga siya kasi noong bata
raw ako ay hindi niya ako magawang ayusan kaya ngayon sana siya
babawi, kaya lang naman ay KJ ako.

Bumukas ang pinto ng aking kuwarto. Natigilan si Light nang


makita ako. “You look amazing.”

I smiled when I saw how he looked. Just like me, he was dolled
up too. May foundation at contour siya sa mukha, blush on sa
pisngi, on fleek ang kilay niya, at lipstick sa mga labi. Even in his
casual shirt and jeans, he was lovely!

Napatayo ako mula sa pagkakaharap sa vanity mirror. “Mommy


did this to you again!”
Dahil ang dami kong reklamo ay pati si Light tuloy ay napag-
initan na ni Mommy. Since hindi kaya ng mommy ko na ganituhin
ang kapatid kong lalaki ay lumipat ito kay Light na mabait at hindi
marunong tumanggi.

Napuno ng fondness ang mga mata ni Light na nakatingin sa


akin. “I am glad to see you smiling, Macey.”

Napalis ang ngiti ko. Nag-init ang aking mga mata habang
nakatingala sa kanya. “Thank you for staying with me…”

Tinulungan ko siya na mag-alis ng make up sa mukha. Ako ang


nagpunas sa kanya ng make up remover. Pagkatapos ay sabay
kaming bumaba sa garden para magmeryenda. Nandoon na si
Mommy at naghihintay sa amin.

Nakasalubong pa namin ang kapatid kong si Phoenix. Naka-


formal attire ang lalaki na mukhang galing sa opisina.
Nakasimangot ito nang mapatingin kay Light. Iginilid ko si Light at
inirapan ang kapatid ko.

“You brat!” gigil na sambit ni Phoenix.

Inambahan ko siya ng suntok. “Shut up! I’m still older than


you!”

Ang init ng dugo ni Phoenix kay Light samantalang first time ko


naman magdala ng lalaki rito sa amin. Siya ay walang dinadala rito
pero alam ko naman na iba-iba ang mga babaeng dinadala niya sa
condo niya kapag hindi siya rito umuuwi ng gabi.
Oh, I missed him and I was glad to see him again. Hindi lang
halata pero nagmamahalan kaming magkapatid.

Nang silipin ko ang mukha ni Light ay nangingiti ang lalaki.


“What a scary big sister.”

Pinandilatan ko siya. “You shut up, too!”

Tumahimik siya pero nangingiti pa rin ang mga labi.

Nadatnan namin si Mommy sa garden na hindi maipinta ang


naghahalong maamo at matapang na mukha. Maxi dress na kulay
yellow na nagpatingkad sa makinis at maputing balat niya ang
kanyang suot. Ang ganda-ganda niya. Mas gumaganda siya habang
nagkakaedad, and her secret? Wala naman. Mahal na mahal lang
siya ng daddy ko.

Nakapamewang si Mommy nang lapitan ko. “Ayaw kumain ng


kapatid mo. Ano bang kinakain niyan sa condo niya at palagi `yang
busog?!”

“Kung ano man, Mommy, I’m sure inedible iyon.”

Tiningnan ko ang inihanda niyang meryenda. Isang ceramic bowl


ang nasa mesa at mga cups. Mahilig magluluto si Mommy ng kung
anu-ano. Gusto niya na palagi kaming pinapakain ng sarili niyang
luto. Paborito ko ang lahat ng luto niya, kahit ang mga imbento
niya, pero sa pagkakataong ito ay parang hindi ko gusto ang amoy
pa lang ng gawa niyang sopas.
“Mommy, parang malansa…” Napaurong ako nang maamoy ang
gatas sa sopas. Ang tapang sa pang-amoy ko nito.

“Ha? Hindi naman, ah?” Tiningnan ni Mommy ang inihanda. “Ito


ang paborito mo. Bakit ayaw mo na?”

Nang subuan ako ni Mommy ay dumampi sa aking mga labi ang


sabaw ng sopas. Parang umikot ang sikmura ko. Natutop ko agad
ang bibig ko.

“Macey!” Alalang napaalalay sa akin si Light.

“N-nasusuka ako.” Nanakbo agad ako papunta sa bathroom.


Dumeretso agad ako sa pedestal sink at doon napaduwal.

Dinaluhan agad ako ni Mommy para himasin ang likod ko.


“Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka.”

Nanlamig ang katawan ko nang maging mapanuri ang tingin sa


akin ni Mommy. Ang totoo ay hindi ko pa naipagtatapat sa kanila
ang tungkol sa aking pagbubuntis. Hindi pa ako nakakahanap ng
tyempo, lalo pa’t hindi namin napag-uusapan ang nangyari sa akin.

Kinausap ko na rin si Light tungkol dito. He was always on my


side. Tikom ang bibig niya at siguradong mapagkakatiwalaan ko
siya.
“I’m okay, Mom…” Napayuko ako dahil ayaw ko na
magsinungaling sa aking mga magulang. Hangga’t maaari ay
nananahimik lang ako kaysa magsabi ng hindi totoo.

Nang ihatid ako ni Light sa aking kuwarto ay kinausap niya ako.


“You should tell them.”

“Wala pa akong lakas ng loob sa ngayon.”

Sigurado naman kasi na magagalit sila kapag nalaman nila. Lalo


na si Daddy. Alam ko kahit hindi magsalita iyon ay galit na siya kay
Panther, higit pa siguro kapag nalaman niya na umuwi ako na
buntis. Hindi ko kayang isipin ang mga posibleng mangyari.

~~~~~~~~

I STILL THINK OF HIM.

Hindi ko mapigilan, hindi ko maiwasan. Kusa siyang sumisingit


sa isip ko, sa panaginip ko. Paano ko siya makakalimutan kung
ganito?

Napahawak ako sa aking impis na tiyan. Iniisip din ba ng baby ko


ang daddy niya kaya ganito ako? Hinahanap niya ba ang daddy
niya? Alam ba niya na malayo kami sa kung nasaan man ito
ngayon? Nararamdaman din ba niya na malungkot ako?

Nararamdaman nga rin siguro ng baby ko na pipinilit ko lang


magpakatatag. Wala naman kasi akong ibang magagawa, ito lang
ang tamang option kung gusto ko na protektahan siya. Walang
ibang mahalaga sa akin ngayon kung hindi ang anak ko. Pangalawa
na lang ang nararamdaman ko.

Buong maghapon kinabukasan ay hindi ako lumabas ng


kuwarto. Nanghihina ako at tinatamad tumayo. Ilang beses na
akong sinilip ni Mommy. Pinipilit niya ako na sumama sa kanya
para malibang ako, pero hindi niya ako napilit. Mas gusto ko na
maghihiga sa kama kaysa umalis.

Dinampot ko ang aking cellphone sa aking uluhan. May message


sa akin si Mommy sa inbox. Nagbilin siya na kainin ko ang niluto
niya sa kusina. Siguradong umalis na si Mom kanina pang umaga at
nagpunta na naman un sa kanyang mga amiga. Leader kasi siya ng
zumba. Wala silang absent sa pag-exercise kahit pa may bagyo.

Baka rin daw puntahan ni Mommy sa condo nito si Phoenix.


Huling tawag niya raw kasi sa lalaki nang nakaraang gabi ay parang
naghihingalo ito. Mukhang may bago na namang inuwi sa condo.

Biglang nag-ring ang cellphone ko at nang makita ko sa screen


ang pangalan ni Light ay sinagot ko agad ang tawag. “I found one.”

“Good.” Maliit na napangiti ako. “Where are you?”

“Pauwi na.”

“All right.” Pagkasabi ay pinatay ko na ang linya.

Inutusan ko kasi siyang maghanap ng OBGYN clinic malapit dito


sa amin pero tago ang lugar. Gusto ko muna kasing maging discreet
iyong mga check ups ko habang hindi ko pa nasasabi sa parents ko
ang totoo.

Tuluyan na akong bumangon dahil nakaramdam na ako ng


gutom. Lumabas ako ng kuwarto para bumaba sa sala. Parating na
si Light kaya sasalubungin ko siya. Sabay na siguro kaming kakain
ng dinner.

Hindi pa man ako nakakarating sa sala ay sinalubong na ako


nang isa sa kawaksi namin. “Ma’am Macey, may bisita po kayo.”

“Bisita?” Sino ang bibisita sa akin? Ang mga barkada ko noong


college ay mga nasa ibang bansa na. Ang tropa naman ng kapatid
ko na member ng banda ay mga busy sa kanya-kanyang buhay.
Wala akong ibang kaibigan.

“Pinapasok po siya kanina ni Ma’am Pamela. Kanina pa po siya


sa sala.”

Kanina pa?

“All right. Puntahan ko na lang.”

Pagdating ko sa sala ay isang matangkad na lalaki na nakatalikod


sa gawi ko ang aking nadatnan. White long sleeves polo at jeans
ang suot niya. Nakahinga ako nang maluwag. Si Light lang pala.

Hindi pa yata alam ng lahat ng helper namin na si Light ay dito


na nag-i-stay sa bahay. Dahan-dahan kong nilapitan ang lalaki. Ang
arte niya, hindi pa siya umakyat sa taas para puntahan ako.
Nang makalapit ako sa kanya ay tumingkayad ako para takpan
ang kanyang mga mata gamit ang mga palad ko. “Guess who!” pilya
na sabi ko sa kanya.

Humarap siya sa akin kaya napabitaw ang palad ko. Napaatras


ako nang makitang ibang lalaki pala siya. Nasalo ko ang mainit na
titig ng abuhin niyang mga mata.

“P-Panther?” gulat na bulalas ko sa pangalan niya.

His handsome face was emotionless. Pero alam ko na nagtaka


siya dahil alam niyang inasahan ko na ibang lalaki siya. Nakalimutan
ko na may pagkakahawig nga pala sila ni Light kapag nakatalikod.

Daig ko pa ang nasabugan ng bomba sa harapan. Tigagal ako sa


kanya. Anong ginagawa niya rito? At bakit ganito ang kabog ng
dibdib ko? Bakit din tila may pumitik sa loob ng sinapupunan ko?
Ano ang mga pakiramdam na ito.

“A-anong ginagawa mo rito?” nauutal ako nang subukan kong


magsalita para tanungin siya.

“I’m here… to take you home,” aniya sa malamig na tinig.

This was just a dream. A nightmare.

Siguradong bangungot na naman ito kaya kailangan ko nang


magising. Mariin akong pumikit dahil nagbakasakali ako na pagdilat
ko ay nasa kama na ako ulit. But it did not happen. I was still here
in front of him. Hindi ito panaginip?

Umiling ako. “Panther Foresteir, hindi na ako babalik sa ‘yo.”

Lalong nanlamig ang abuhin niyang mga mata.

I was still hoping that this was just a dream, but it wasn’t.
Malinaw na malinaw ang mukha ni Panther sa paningin ko.
Malinaw na malinaw sa akin ang mabangong men's cologne na
gamit niya, ang init na nagmumula sa katawan niya, at ang
nakalulusaw na titig ng abuhin niyang mga mata.

Oh, God... I missed this man. I was stunned at the realization. I


missed him so much that it hurt. But I was not going back to that
hell again. Never.

“Come with me and let’s talk, Macey.”

Talk? Bakit ngayon niya gustong makipag-usap? Nakaalis na ako


sa isla. Bakit hindi noong nasa Red Mansion pa ako? Bakit hindi
noong nagtangka ako na makausap siya sa huling pagkakataon?
Wala naman talaga siyang pakialam sa akin kaya bakit nandito siya?

Alam na kaya niya na buntis ako? Baka iyon ang dahilan kaya
bigla siyang nagpakita ngayon?

Nah, hindi niya pa alam. Dahil hindi siya ganito kakalmado kung
alam na niya.
Umiling ako at umatras. “No. On process na ang divorce natin.
Hindi na tayo dapat mag-usap o kahit magkita.”

“I’m not leaving until you come with me.”

“I’m calling our guards.” Tatalikuran ko na sana siya nang hulihin


niya ang pulso ko.

“Macey.”

“No.” Sinubukan ko tabigin ang kamay pero mahigpit ang


pagkahawak niya sa aking pulso.

Ano pa ba ang pag-uusapan namin?! Ayaw ko nang makausap


siya o makita. Binalewala niya ako sa isla, dinurog niya hindi lang
ang puso ko, kasama na rin pati ang pride ko. At ngayon nandito
siya para pauwiin ako sa impyernong isla na iyon?! No! Hindi ako
sasama! Ayaw ko na!

Hindi namalayan ni Panther na nasa likuran na niya ang isang


lalaki na may dalang mahabang shotgun. Itinutok sa ulo niya ang
dulo. “Get your hand off her or I’m gonna blow your brains out.”

Si Light!

Hindi man lang natinag kahit kaunti si Panther. Sa halip ay sa


akin pa rin nakatingin na malamig na nagsalita, “Go on, Erudian. No
one’s stopping you from pulling the trigger.”

Napatigagal na lang ako sa kanilang dalawa.


Ikinasa ni Light ang shotgun. “Then, say your last words,
Foresteir.”

LEVEL 38

WALANG MAY BALAK UMATRAS.

Hindi pa rin bumitaw sa akin si Panther kahit tinutukan na siya


ng baril ni Light sa ulo. Nang akmang kakalabitin ni Light ang trigger
ng shotgun ay itinulak ko si Panther sa dibdib. “Tama na!”

Natigilan si Light nang makita ang takot sa mga mata ko. Sanay
ako sa baril pero hindi ko kayang makakita ng duguan at sabog ang
utak dito sa mismong pamamahay ng parents ko.
“Please, tama na!” sigaw ko. “Nasa bahay kayo ng parents ko!
Kahit hindi na ako ang igalang niyo, kahit itong lugar na lang na
ito!”

Tinabig ko ang pagkakahawak ni Panther sa akin. Sa


pagkakataong ito ay binitiwan ako ng lalaki. Lumapit ako kay Light
at inagaw sa kanya ang shotgun. Inihagis ko iyon sa sofa matapos
kong alisin ang mga bala.

Kitang-kita ko ang galit sa mata ni Light. Alam ko na may mas


malalim na pinagmumulan ang galit niya para kay Panther kaya siya
nagkakaganito. Pero hindi ako papayag na makapatay siya ng tao.
Lalong-lalo na kung si Panther ang papatayin niya.

“Umalis ka na,” gigil na sabi ko kay Panther nang lingunin ang


lalaki.

Hindi siya kumibo.

“Please…” pagmamakaawa ko.

Ayokong umabot sa puntong magpatayan pa sila ni Light. Kilala


ko siya. Hindi siya takot sa baril. Walang may takot ni isa sa kanila.

“This is not the end, Macey.” Madilim ang ekspresyon sa mukha


ni Panther nang tumalikod sa akin para lumabas ng pinto.

Bumaha ang kaba sa dibdib ko sa salitang binitiwan niya. Hindi


ako makapagsalita kahit wala na siya. Kung hindi pa ako hinawakan
ni Light sa kamay ay hindi pa ako matatauhan.
“Are you all right? You’re shivering.”

Naguguluhang tiningnan ko siya. “What the heck is Panther


doing here? Alam na kaya niya na buntis ako?”

“I don’t think so. Hindi siya aalis nang ganoon na lang kung alam
niya.”

Iyan din ang palagay ko. Kung alam niya na buntis ako, sigurado
akong hindi siya ganoon kakalmado. Pero wala rin namang lihim na
hindi nabubunyag. Malalaman at malalaman pa rin naman niya na
ipinagbubuntis ko ang anak niya.

~~~~~~~~

“ANO BANG PROBLEMA MO? BAKIT AKO ANG SINISISI MO?!”

Ang ingay ni Mommy ang gumising sa akin nang umagang ito.


May kausap siya sa cellphone. Ayoko pa sanang bumangon dahil
hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip kay Panther.

Sino na naman kaya ang kaaway niya?

“Kasalanan mo `yan. Ang gulo mo kasi sumayaw,” sabi pa ni


Mom sa kausap niya sa kabilang linya.

Tungkol yata sa zumba ang pinag-uusapan nila.


“Sumusuntok kami, sumisipa ka. Papunta kami sa kanan, pero
ikaw sa kaliwa. Tuma-tumbling kami, bumabalentong ka. Ang dami
mo pa nakakabunggo. Tapos ako sisisihin mo kung bakit hindi ka
pumapayat?”

Pinilit ko na lang bumangon kahit tinatamad ako. Nakabukas


pala ang pinto ng aking kuwarto kaya naririnig ko siyang nakikipag-
away sa hallway. Nakita ko si Mommy na palakad-lakad. Nakasuot
siya ng leggings na kulay hot pink at tank top na black. Fit pa rin ang
kanyang katawan kahit may edad na. Ang kislap ng mga mata niya
ay puno ng buhay at batang-bata pa.

Maamo ang mukha ni Mommy pero matapang ang timbre ng


tinig niya. “Next time, hindi ka na namin isasama. Mag-zumba ka
mag-isa!”

“Mom, ano na naman yan?” sita ko sa kanya.

“Ito kasing isa kong amiga, ako ang sinisisi dahil hindi raw siya
pumapayat. E, hindi na nga makasabay sa steps, deretso Samgyup
pa pagkatapos mag-zumba. Parang tanga.”

“Chill ka lang.” Nilapitan ko siya at hinimas sa likod.

Nabura ang gigil sa mukha niya. Napalitan ang kanyang


ekspresyon ng kaseryosohan. Tinitigan niya ako nang mataman.
“Nagkita kayo ni Panther kagabi, ‘di ba?”

Naumid ang dila ko sa bigla niyang tanong.


“Macey, matanda ka na. Alam mo na ang ginagawa mo kaya
hangga’t maari ay ayaw kitang pangunahan sa ganitong aspeto,
pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil hindi naman normal na
lalaki lang ang pinag-uusapan natin dito. Hindi normal na lalaki lang
si Panther Foresteir.”

Tama si Mommy. Hindi normal na lalaki si Panther. Hindi normal


na basta mayaman lang. Kundi mayaman na may tagas sa ulo.

“Kilala ko iyon, e. Anak iyon ng ex ng daddy mo. Bata pa lang


iyon, may something-something na.” Humalukipkip si Mommy.

Ex ni Daddy ang mommy ni Panther? Hindi ko na matandaan


kung alam ko ba ang bagay na iyon noon. Ang alam ko lang ay
maraming naging ex si Daddy bago sila nagkabalikan ni Mommy.

“Pero naging kayo ni Panther noong limang taong gulang ka, ‘di
ba?”

Nag-init ang pisngi ko. “Mommy, wala lang iyon…”

“Asus!” Kinurot niya ako sa tagiliran. “Umiyak ka pa nga nang i-


ghost ka niya, ‘di ba? Bigla siyang nawala noong first monthsary
niyo?”

“Mommy naman!” Alam ko na pulang-pula na ngayon ang


mukha ko.

Sumeryoso siya ulit. “Minsan napapaisip ako kung bakit lumaki


kang boyish. Ginawa ko naman ang lahat para gawin kang kikay.
Bumawi naman ako sa `yo, ‘di ba? Halos araw-araw kitang ibinibili
ng ipit na Barbie at butterfly.”

Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Mommy.

“Hanggang sa nagdalaga ka na, mas siga pa sa kapatid mo.


Sumuko na rin ako sa mga trip mo sa buhay. Kahit worried kami ng
daddy mo dahil puro barkada ka lang at hindi ka nagkaka-
boyfriend, hinayaan ka lang namin. We gave you the time you
needed.”

Napahaplos sa mukha niya si Mommy.

“Kaya hindi mo kami masisisi kung bakit bigla-bigla, nalaman


namin na…” Sandaling natigilan si Mommy. “Nakakagulat, anak…
Nagulat kami ng daddy mo, bakit sa dinami-dami ng lalaki, bakit si
Panther ang napili mo?”

“Mom, do you hate Panther?” mahinang balik tanong ko sa


kanya.

Napamewang siya. “Hindi ko alam kung anong magagawa ko


kapag nakita ko siya. Noon kasing batang bubwit pa iyon, asar na
ako roon. Tigas ng ulo niyon, e.”

Napayuko ako. “So, you hate him…”

“Ano bang dapat kong ikagalit sa kanya?” tanong ni Mommy sa


akin. “Gumawa siya ng mga bagay na gusto niyang gawin. At ikaw?
Ginawa mo rin ang bagay na gusto mong gawin. Kusa kayong
nagdesisyon. Walang pumilit sa inyo.”

She was right. Walang pumilit sa akin na mag-join sa audition.


Wala ring pumilit sa akin na mahalin si Panther. At mas lalong
walang pumilit sa akin nang may mangyari sa amin.

“But I don’t want to see him again,” bulong ko.

Napatitig si Mommy sa akin. “Ikaw pala ang galit.”

“To be honest, I don’t know…” Hindi ko alam kung galit pa ba ito


o naghalo-halong sama ng loob, pagkadismaya, at sakit. Basta ang
alam ko, ayaw ko nang bumalik sa lugar kung saan ang baba ng
tingin ko aking sarili.

“Alam mo sa sarili mo ang totoo, Macey,” ani Mommy. “Hindi ka


pa nga lang sigurado dahil sariwa pa iyong mga nangyari.”

Hindi ako nakaimik.

“Paano kung piliin ka niya?”

He won’t do that.

Namayani ang katahimikan. Hindi na nagsasalita si Mommy.


Tahimik lang din ako. Ilang minuto rin ang nagdaan bago siya
napabuga ng hangin.
“Kung hindi ka pa handa na magtrabaho sa kompanya ng daddy
mo at kung hindi ka na rin tutuloy sa pangarap mo na maging
singer, ayos lang naman, anak. Hindi na kita pangungunahan.
Pagod na rin ako na pagsabihan ka, e. Saka alam ko naman kasi na
gagawin mo lang din ang gusto mo. Bahala ka na, susuportahan na
lang kita.”

Nag-init sa luha ang mga mata ko. Kung sa ibang pagkakataon ay


tinatalakan ako ni Mommy, ngayon ay magaan ang pananalita niya
sa akin. Nararamdaman ko kung paano niyan isinasaalang-alang
ang damdamin ko. Alam niya na nasasaktan ako kaya maingat ang
mga salitang binibitiwan niya.

“Kahit pa ano ang plano mo sa Panther na iyon, ikaw na rin ang


bahala. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka maaagrabyado.”

Bahagyang pumiyok ang tinig ni Mommy.

“Pero alam mo? May tiwala naman ako na hindi ka


magpapaagrabyado. Matapang ka, e. Malakas ka. Kaya nga kahit
nang mawala ka ay hindi ako gaanong nag-alala. Ganoon kalaki ang
tiwala ko sa ‘yo.”

“Thank you, Mom…”

“Ang importante, anak, nakauwi ka nang ligtas. Nakauwi ka


nang buo, malakas, at nasa katinuan pa rin.” Ngumiti siya sa akin.
“Higit sa lahat, umuwi ka na hindi ka buntis. Okay na okay na kami
roon ng daddy mo.”
Napangiwi ako.

Sinilip niya ang mukha ko. “Hindi ka naman buntis, `no?”

“Ah, Mom, balik na muna ako sa kuwarto ko.” Bago pa siya


makapagtanong ulit ay parang ipu-ipo na ako sa bilis na naglaho sa
harapan niya.

Humihingal ako nang makapasok sa aking kuwarto. Ini-lock ko


agad ang pinto. Shoot! Muntik na ako!

Humiga agad ako sa aking kama pagpasok ko ng kuwarto.


Nasaan na ba si Light? Hindi pa rin yata siya nakakauwi mula
kanina. Inutusan ko siya na magpa-schedule doon sa clinic na
nahanap niya.

Biglang may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Ang


napagbuksan ko ay si Mommy na nanlalaki ang mga mata. “Macey,
si Panther, nasa sala. Hinihintay ka.”

“What? Why did you let him in?!” Sa aking pagkakatanda ay


pina-ban ko na si Panther sa mga guards.

“E, ang daming pasalubong.”

“Mom.” Pinandilatan ko siya.

Napanguso si Mommy. “Okay, paalisin ko na. Ano bang


sasabihin ko?”
“Tell him I’m out.”

“Sige.” Sumigaw si Mom sa mula sa hagdan. “Hijo, wala raw


siya!”

Oh, crap!

Lumabas ako ng pinto ng kuwarto at sinitsitan si Mommy sa


bungad ng hagdan. “Bumaba ka, please. Baka malaman niyang
nandito ako,” pabulong na sabi ko.

“Okay, sige.” Naglakad na siya pababa ng hagdan.

Marahan ko siyang sinundan para makasilip ako sa sala. Ang


daming luxury paper bags sa ibaba. Ang dami ring basket ng iba’t
ibang klase ng mga mamahaling bulaklak. I think, regalo lahat ni
Panther kay Mommy. Sinusuhulan niya ang mommy ko para
makatapak siya rito sa pamamahay namin.

Nang silipin ko sila ay nakita kong lumapit si Mommy kay


Panther. “Wala raw siya sa kuwarto, hijo.”

Pasaway talaga ‘to si Mommy. Ang lakas talaga niya mang-asar.


Kung alam lang niya ang totoo.

“I won’t leave without seeing your daughter,” sagot naman ni


Panther.
Doon pa sumigaw si Mommy. “Macey, anak, `di raw siya aalis
hangga’t hindi ka niya nakikita! Punyeta, kinikilig ako! Gantong-
ganto rin daddy mo sa akin noon e!”

Wala na akong choice kundi ang bumaba para harapin si


Panther. Baka kung ano pa ang masabi sa kanya ng lalaki na taliwas
sa nasabi ko sa kanya. Baka mabuko pa na may ibang asawa pa rin
si Panther. Tiyak na manggagalaiti si Mommy sa galit. Baka
mahabol niya ng shotgun ni Light ang lalaki.

Sinimangutan ko agad si Panther. Kulay itim na LV sweatshirt


ang suot niya at itim na jeans. Combat boots na itim din ang suot
niya sa paahan. Malinis ang itsura niya maging ang buhok, pero
makikita sa mga mata niya na tila hirap siya mga nakaraang
pagtulog.

“Mom, iwan niyo muna kami,” mahinang sabi ko kay Mommy.

Bago umalis si Mommy ay pinalo niya muna sa pwet si Panther.


“Thank you sa mga gifts.”

Napapitlag si Panther bagaman hindi kumibo. Siguro naaalala


niya na minsan sa buhay niya nang bata pa siya ay napalo na rin
siya sa pwet ng mommy ko.

“Ano na naman ang ginagawa rito?” deretsang tanong ko sa


kanya. “Di ba sabi ko sa ‘yo na wag ka nang pupunta rito?”

“I’m here to take you with me.”


Napikon na ako. “Ang kulit ng lahi mo. Hindi nga ako sasama sa
‘yo.”

“Let’s talk.”

“Panther, wala na tayong pag-uusapan,” mariing bitiw ko.

Napamaang ako nang makita ang paguhit ng pait sa kanyang


perpektong mukha. “I’m not leaving without you.”

“A-ano bang kailangan mo sa akin?” Pumiyok ang tinig ko. “Ano


pang kailangan mo?!” Umalis na nga ako sa isla, ano pang
problema niya? Hindi nga niya ako kinausap nang subukan ko
siyang kausapin. Hindi niya rin ako hinabol nang umalis ako. Ano ba
talagang problema niya—

“I-I missed you, Macey.”

Natulala ako sa kanya

Malungkot ang abuhin niyang mga mata na nakatingin sa akin.


“It was so lonely without you.”

“Really?” mapaklang tanong ko.

“I need you, Macey. I badly need you…”

Nandoon na naman ang paguhit ng kirot sa dibdib ko.

“We should be a complete family, you know.”


Umusok ang ilong ko sa asar. “Gago! Ano ka si Goku,
kinokompleto ang seven dragon balls?!”

“Macey…” Tinangka niya akong abutin pero umiwas ako.

“Kung gusto mo pala pito dapat asawa mo, e, di magpa-audition


ka ulit para may pumalit sa slot ko. Malay mo makapabingwit ka
ulit ng virgin.”

Nag-igting ang kanyang panga.

Kumawala na ang emosyon ko. “Hindi na kita babalikan,


Panther. Ayoko sa baliw. Ayoko na baka pati ako, tuluyan na ring
mabaliw kapag nakasama pa kita! Kaya pakiusap, tigilan mo na ito
dahil hindi na ako babalik sa `yo!”

Matagal na nakatingin siya sa akin bago kalmadong namulsa.

“Well, I guess, I’ll have to give up today,” mahinahon ang tono


na sabi niya. “But I’ll be back. I won’t stop coming here until you
agreed to go home with me.”

“Go home? This is my home.”

“Not anymore.” Tumaas ang sulok ng mapula niyang mga labi.


“Your home is no longer a place but a person, Macey. And it’s me. I
am your new home. And wherever I am, you must always be by my
side.”
Tinalikuran na niya ako at lumabas na siya ng pinto. Nanlalabo
ang mga mata ko at nanginginig ang aking mga kamay habang
nakahabol ng tingin sa kanya. Naguguluhan ako dahil bakit biglang
naghahabol siya? Hindi naman niya alam na buntis ako. What was
going on with him? Though no matter what he did, no matter how
much I loved him, I had no intention of going back to him.

But I had a feeling that Panther was not going to give up easily…

“Macey,” tinig ni Mommy na pumukaw sa akin. Paglingon ko sa


kanya ay napamulagat siya.

Napahawak ako sa aking pisngi. Luha. Puro luha na pala ang


aking mukha. Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang umiyak.

Wala na ang buhay sa mga mata ni Mommy, ang naroon na ay


purong pag-aalala sa kalagayan ko. “B-bakit ka umiiyak nang
ganyan, anak? A-ano ang talagang nangyayari sa pagitan niyo?”

“Mom…” humihikbing sambit ko.

Hindi ko na maitago sa kanya ang kinikimkim kong emosyon.


Siya ang kakampi ko, siya ang makakaunawa sa akin. Sila lang ni
Daddy ang mga taong mamahalin ako sa kabila ng mga kamalian
ko. Madi-disappoint ko sila pero alam ko na magagalit lang sila
pero mapapatawad nila ako. Nahihiya ako sa kanila pero wala
naman akong ibang mapaglalabasan ng saloobin ko.

“Mom, I made a big mistake…”


“Macey, my baby…” Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi.
Nangingilid na rin ang mga luha niya. Dahil ganoon si Mommy.
Matatag siyang babae pero pagdating sa akin at sa pamilya namin
ay lumalabas ang kahinaan niya.

Pumikit ako nang maramdaman ang malambot na kamay niya sa


balat ko.

“I made a big mistake because I fell in love with him…” iyak ko.
“I hate him so much because I love him…”

Natatarantang hindi niya malaman kung paano ako patatahanin.


“Sabihin mo sa akin, ano ang ginawa ni Panther sa `yo para umiyak
ka nang ganyan?”

“I-I hate him…”

“Anak, anong ginawa niya sa `yo?” Punong-puno ng pag-aalala


ang basag na tinig ni Mommy. “Anong ginawa sa `yo ni Panther?!”

“Mom, buntis ako…” Pagkatapos ay napahagulgol ako.

Nanlaki ang mga mata ni Mommy.


LEVEL 39

“I’M SORRY, MOMMY.”

Matapos ang pag-uusap namin ni Mommy ay hindi na siya


nakapagsalita. Tulala na lang siya. Bumalik ako sa kuwarto nang
dumating si Light. Nang kumalma ako ay hinanap ko si Mommy.
Nasa kusina siya at tulala sa kanyang iniluluto. Kahit ang mga
helper sa paligid ay nagsialisan dahil dama nila ang lamig sa paligid
ng babae.

“Galit ka sa akin, Mommy…” Nilapitan ko si Mommy at niyakap


mula sa likuran. “I’m sorry, Mommy… Sorry ngayon ko lang sinabi…
N-natakot ako… Natatakot na magalit kayo ni Daddy sa akin…”

“Kailan kami nagalit sa `yo, Macey?” mahina at malumanay na


tanong ni Mommy. Ang sakit lang kasi hindi ka nagsabi agad.
Magagalit kami oo, pero maiintindihan ka namin. Anak ka namin, sa
tingin mo ba ay matitiis ka namin? We are always, always on your
side.”
Napahikbi ako. Mas sanay kasi ako na tinatalakan niya,
sinisigawan kaysa ganito. Mas natatakot ako na malumanay siya.
Pakiramdam ko ay talagang nasaktan ko siya nang husto.

“Nakakagulat lang, Macey. Inaamin ko na hindi ko inaasahan.


Nakakagulat…”

“I’m sorry, Mom. I am sorry for disappointing you. Hindi ko rin


inaasahan na ganito pala kapag nagmahal. Nakakabobo, maski ako
ay hindi makilala ang sarili ko…”

“Alam ni Panther ito?’

Umiling ako sa balikat niya. “I have no intention of letting him


know about this.”

“Alam mo ba na ipinanganak kitang walang ama?” biglang sabi


niya makalipas ang ilang minuto.

Tumango ako. Natatandaan ko ang ilang parte ng childhood ko


na hindi kasama si Daddy.

“College ako nang magpakasal kami ng daddy mo. Kasal kami


pero naghiwalay rin. Ang hindi niya alam, buntis na ako noon.”

Lalo akong sumubsob sa likod ni Mommy.

“Maglilimang taon ka na noon nang bumalik siya. Gustong-gusto


mo siya at gustong-gusto ka rin niya. Palagi kayong magkasama
pero wala kayong alam na mag-ama kayo.”
“Mom…”

“Umiyak siya nang malaman niyang anak ka niya. Sinisi niya ang
sarili sa mga nasayang na panahon na sana noon pa kayo
nagkakilala. Ginawa niya ang lahat para bumawi, pero kahit anong
gawin niya, hindi na maibabalik iyong mga panahon na sanggol ka
pa lang hanggang sa natuto kang maglakad… Hindi niya iyon
nakita…”

Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Naglandas ang


mga luha ko. Nakukuha ko ang punto niya.

“Hindi mo rin naranasan na maturuan kang maglakad at


magsalita ng sarili mong ama. Wala siya noong first month mo,
wala rin noong binyag mo, at wala rin siya sa first birthday mo…
Iyon ang mga bagay na kahit pilitin niyang habulin ay hindi na
maibabalik pa…”

Katulad ni Daddy ay hindi rin perpekto si Panther, pero gusto


niyang maging mabuting ama. Hindi ko sigurado kung anong klase
siyang ama, pero isa ang natitiyak ko, kahit hindi niya ako mahal ay
mamahalin niya ang anak namin.

Humarap sa akin si Mommy. Namumula ang mga mata niya.


“Gusto mo bang matulad sa `yo ang anak mo, Macey? Ayokong
lumaki rin ang anak mo na nagtataka kung bakit wala kang
maipakitang tatay sa kanya.”

Napahikbi ako.
“Hindi sa pinangungunahan kita. Pero hindi naman drug addict,
sugarol, kriminal, o bayolenteng tao si Panther para mawalan siya
ng karapatan sa anak niyo. Hindi kayo nagkasundo, oo,
nagkasakitan kayo emotionally, but still, he is the father of your
child. He deserves to know.”

Lumuluha akong tumango. “I owe it to my child too…” Pero


hindi pa sa ngayon. Wala pa akong lakas ng loob.

~~~~~~~~

THREE MONTHS na ang baby bump ko pero hindi halatang


nagbubuntis ako. Para lang akong nabusog sa kanin. Healthy daw
siya sa loob ng sinapupunan ko sabi ng doctor. And after 14 weeks,
malalaman na kung boy or girl ang gender.

Excited na ako at kinakabahan. Parang gusto ko na agad lumipas


ang nine months para lumabas na siya sa akin. Wala pa man siya sa
mundong ito ay mahal na mahal ko na siya.

Nakaupo ako sa lobby ng Montemayor Hospital habang kausap


ni Mommy ang aking OB. Si Light naman ay nasa parking at
naghihintay sa kotse. Nakabantay rin siya sa paligid dahil sinabihan
ko na siya na maging alerto kay Panther. Sinigurado niya na hindi
kami nasundan. Baka magkaroon pa ng clue ang lalaki na buntis
ako.
Ang balak ko ay saka na sabihin kay Panther ang tungkol sa
ipinagbubuntis ko, saka na kapag kaya ko na siyang harapin. Saka
na kapag nailabas ko na ang baby. Sa ngayon ay ayaw ko munang
ma-stress at mag-isip ng puwede kong ika-depress.

Habang nakaupo ako sa sofa ay isang babae ang lumabas sa


laboratory at naupo malapit sa akin. Dumampot ako ng magazine
para hindi halata na pinagmamasdan ko siya. Medyo malaki ang
kanyang tiyan kumpara sa akin na parang busog lang. Sa tantiya ko
ay nasa apat hanggang limang buwan na ang ipinagbubuntis niya.

Mayamaya ay pumasok ang isang lalaki at sa kanya dumeretso.


“Am I late?” tanong ng lalaki sa kanya.

“You are just in time.” Ngumiti ang babae.

Tumabi ang lalaki at hinimas ang tiyan niya. Pagkatapos ang


naghalikan sila sa harapan ko.

“Next time, I’ll be on time.” Ngumiti ang lalaki at nagyakap sila.

Masayang silang lumabas ng lobby.

Marami pang masasaya, excited, at kinakabahang couples ang


naririto sa OB. Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa mga buntis na
babae. Meron silang asawa at partner na umaalalay sa kanila. May
katuwang sila sa saya, kaba at excitement ng pagbubuntis nila.

If Panther was here, would he be like the other guys here? Bigla
akong nangarap na nandito siya sa tabi ko at nakahawak sa aking
tiyan. We were both smiling. Pero malabo iyon. Iba ang sitwasyon
ko sa mga babaeng naririto.

Hindi ko namalayan na naglandas na pala ang mga luha. Mabilis


ko itong pinahid ng aking kamay bago pa ako makita ni Mommy.
Bilin pa ng doctor ko ay iwasan ko raw ma-stress. Magiging
emosyonal daw ako habang lumalaki ang sanggol sa aking tiyan.

Bumukas muli ang pinto at sa pagkakataon ito ay si Light ang


pumasok. Lumapit siya sa akin. “Everything all right?”

Tumingala ako sa kanya at ngumiti. “Gusto mo hawakan?”

“S-sure.” Umupo siya sa tabi ko.

Kinuha ko ang palad niya at inilagay sa akin tiyan. E, biglang


tumunog ang tiyan ko.

Namilog ang mga mata ni Light. “The baby is hungry.”

Natawa tuloy ako.

“Let me take your prescriptions. I’ll go to the drugstore later.”

“All right.” Wala sa sariling napayakap ako sa kanya at


napasiksik sa kanyang dibdib. Talagang nasanay na ako palaging
nariyan siya. “Thank you.”

Hinaplos niya ang aking buhok. “Anything for you and the
baby…”
~~~~~~~~

KINAGABIHAN. Mahina kong kinatok si Mommy sa kuwarto nila ni


Daddy. Lumabas din siya agad at marahan niyang isinara ang pinto.

“Nasabi mo na kay Daddy?” bulong ko sa kanya. Kabado ako


dahil lumalaki na ang aking tiyan. Kaunti na lang ay mahahalata na.

Umiling nang nakangiwi si Mommy. “Di ako makatyempo kasi


laging ganado.”

Ako naman ang napangiwi. “Mommy, nalaki na ang tiyan ko.”

“Oo nga e. Meron siyang business meeting at apat na araw


siyang mawawala kaya dapat masabi na natin sa kanya.”

Napaisip ako. “Mas maganda siguro kung sabihin natin sa kanya


after na lang ng business meeting niya. Pag-uwi na lang niya.”

“Sabagay. Baka hindi siya makapag-focus sa business meeting


niya.”

Kahit papaano siguro ay makakabwelo ako nang apat na araw.


Makakapag-isip-isip ako. “So, after na lang ng business meeting
niya?”

Nagdalawang-tango si Mommy. “After the business meeting.”


“Okay. After the business meetinig.”

Nag-thumbs up si Mommy. “Sure na!”

Biglang lumabas si Dad ng kuwarto. Mukhang kakabangon niya


lang ng kama. “What’s this all about? Ang ingay niyo, nagising tuloy
ako.”

“Buntis si Macey, honey!” natatarantang biglang sabi ni


Mommy.

Napamulagat ako. What the heck?! Nasaan na iyong plano


namin na after na lang ng business meeting sasabihin?!

“What?” Naningkit ang mga mata ni Daddy.

Napayuko kaming dalawa.

“Pamela, what did you just say?!” He looked at Mommy. “Who


the hell is pregnant?!” Tila kulog ang tinig ni Daddy na gumuhit sa
tahimik na gabi.

“Macoy, honey…” Hinila agad ako ni Mommy para ilagay sa


likuran niya. “B-buntis ang anak natin…”

Daddy was stunned.

“D-Dad…” Nangangatog ako sa kaba. “I-I’m so sorry... I can


explain—”
“Not tonight, Macey Ela.” Daddy’s expression darkened. He
turned his back on us. Pagkatapos ay marahas niyang isinara ang
pinto.

Nagkatinginan kami ni Mom. Yumakap ako sa kanya habang


hinahagod niya ang aking likuran. “Ako nang bahala na
magpaliwanag sa kanya ng lahat.”

I just nodded as my tears streamed down my face.

~~~~~~~~

“BABY, PANTHER IS OUTSIDE OUR GATE,” ani Mommy.

Again?

Ilang araw na siyang nasa labas. Nakaparada ang kotse niya sa


mismong tapat ng gate namin. Doon siya nakasandal habang
nakabilad sa araw. Mabuti na lang wala si Daddy ngayon at wala rin
ang kapatid kong si Phoenix, kung hindi, malaking gulo ito.

“Hayaan mo siyang matusta sa araw,” balewalang sabi ko.

Nakatingin lang si Mommy sa aking reaksyon.

Hangga’t hindi ko pa naipapanganak ang anak ko, hangga’t hindi


pa ako nakakatiyak na maayos ang lahat, including our divorce, ay
hindi niya muna puwedeng malaman ang tungkol sa pagbubuntis
ko. Baka kasi pilitin niya akong bumalik sa Red Mansion.
Hindi ko ipagkakait ang bata sa kanya pero may mga limitasyon.
Ipapaintindi ko iyon sa kanya sa tamang panahon.

Lumipas ang isang oras na nasa labas pa rin si Panther.


Nakailang balik na si Mommy sa kuwarto ko. Hindi siya mapakali
dahil nag-aalala siya sa lalaki. Mainit daw kasi sa labas. Baka ma-
heat stroke.

Bumangon ako sa kama. “Nasaan si Light?”

“Nasa labas ng pinto mo, nakabantay sa ‘yo 24/7.” Napailing si


Mommy. “Mukhang aware siya na nasa labas si Panther.”

Nang umalis si Mommy ay pinapasok ko sa kuwarto si Light.


Nakaupo ako sa gilid ng kama nang pumasok siya. Black shirt at
pants ang suot ng lalaki. Kalmado ang mukha niya nang lumuhod sa
harapan ko.

Yumuko ako sa kanya. “He’s not a quitter.”

Seryoso ang mapungay niyang mga mata sa akin. “Tell me what


I can do to help you.”

“Meron pa akong isang naiisip na paraan para tigilan na niya


ako. Kailangan ko ang tulong mo. Nasa ‘yo ang desisyon kung
papayag ka.”

“Whatever it is, I will do it for you.”


Tumango ako matapos maliit na ngumiti. “Malapit nang
matapos ang process ng divorce namin.” Sa tulong ng pera at
nagsamang koneksyon ng Foresteir at Sandoval ay mas napabilis
ang pag-andar ng divorce sa korte.

Tumingala sa akin si Light nang hawakan ko siya sa mukha.


“What is the plan? I will do everything for you.”

Napakagat-labi ako. “Light, let’s get married…”

Napatigagal si Light sa sinabi ko.

LEVEL 40

LET’S GET MARRIED.

Kahit ako ay nawindang sa salitang lumabas sa aking bibig. Hindi


ko masisisi si Light kung desperada na ang tingin niya sa akin.
Desperada naman na talaga ako na makawala kay Panther kaya ko
ito biglang nasabi. Nasa punto ako na handa kong gawin ang lahat
lubayan lang ako ng lalaking iyon.

Light was a good man. Sa maiksing panahon, ilang beses niya


nang napatunayan ang sarili niya sa akin. Madudungisan siya sa
hiling ko. Marriage was not a trivial matter, so if he refused, I would
respect his decision. But to my surprise, he didn't even think much
about my proposal, he accepted it right away.
“Light, p-puwede mo naman na pag-isipan muna…”

Hindi naman utos ang sinabi ko, gusto ko na mapag-isipan niya


muna. Gusto ko na may option siya na tumanggi.

Umiling si Light. “I don’t think I still need to think about it.”

“But still, are you fine with marrying me? You'll let me use you
just to leave you once everything is over? Are you really sure you're
really fine with that?”

“I already dedicated my life to you. Kung ano man ang sabihin at


iutos mo, nakahanda akong gawin ang kahit ano.”

Napahawak ako sa aking bibig.

Yumukod sa akin si Light. “I think you're the one who should


think this over. Think about it carefully first. Just look for me once
you have come up with your final decision. I am always ready to do
whatever you order me to do.”

Nang iwan niya na ako ay nanghihina akong napatitig sa


kawalan. Siguro nga ay hindi ako nag-iisip at basta na lang
nagpapadalus-dalos sa mga desisyon ko. Sagradong bagay ang
kasal. Isang malaking pagkakamali na ang unang kasal ko, ayaw ko
na magkamali ulit sa pagkakataong ito.
Kung sakali man na talagang si Light na ang makakatuluyan ko,
para hindi masayang ang buhay niya sa akin, paninindigan na lang
namin.
Light was a good man and I knew he would take care of me.
Naniniwala ako na magiging mabuti siyang asawa sa akin kaya
malaki ang tiwala ako sa kanya.

Napaangat ako ng mukha nang marinig ko ang busina ng isang


kotse. That was my dad’s service to his office. Ang ibig sabihin ay
paalis na siya. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Nanakbo
agad ako pababa ng hagdan para pumuwesto sa pinto na dadaanan
niya. Kahapon pa siya nakauwi pero hindi niya ako pinansin nang
salubungin ko siya. Sabi ni Mommy ay hayaan ko muna dahil baka
pagod lang galing sa business trip, kaya lang hindi ako sanay na
ganito.

Hindi ako sanay na malamig si Daddy sa akin. Alam ko na


disappointed siya sa nalamang pagbubuntis ko, deserve ko ang
pagtatampo niya. Bilang isang ama ay may karapatan siyang
magalit sa isang anak na pasaway na tulad ko.

Nang matanaw ko na si Daddy ay napahugot ako ng paghinga


dahil sa kaba. Nakasuot siya business suit na kulay gray. Walang
kangiti-ngiti ang mga labi niya. Salubong ang mga kilay niya nang
maglakad siya palapit sa akin. Hindi niya ako pinansin bagkus ay
dinaanan niya lang ako.

“Dad?” Tinawag ko siya sa mahinang tinig.

Napahinto siya pero hindi niya ako nilingon.


“A-are you still mad at me?”

Hindi siya kumibo.

“I-I know I should’ve listened to you. Sana hindi na lang ako


pasaway. Sana hindi na lang ako padalos-dalos sa desisyon sa
buhay. Sana hindi ako sumali sa singing audition para sana hindi
ako naligaw sa pa-audition ni Panther.” Namalat ang tinig. “Sana
hindi ko na lang siya nakita. Sana hindi ko siya minahal para hindi
ako nasaktan. Para hindi kayo nasaktan. Para hindi kita na-
disappoint. Sana nag-focus na lang sana ako sa company natin...
I’m so sorry, Dad… I am a failure…”

Napabuga siya ng hangin. “Let’s talk some other time.”


Pagkasabi ay naglakad na siya.

Nanlaki ang mga mata ko. “D-Dad, wait!” Hinabol ko siya.

“Macey, I’m in a hurry.”

Humabol pa rin ako sa kanya. “Sandali lang, Daddy, please!”

Binuksan ng mga bodyguards niya ang pinto ng Lambo. “I can’t


talk to you right now.”

“Please, Daddy! Sandali lang talaga!”

Hindi siya huminto sa paglalakad. “I’ll come home early. We’ll


talk later.”
“Hindi naman iyon, Dad!”

Salubong ang kilay niya nang lingunin ako. “Eh, ano?”

Bantulot pa ako sa pagsagot. “Uhm, bukas ang zipper mo.”

Namumula ang pisngi ni Daddy na napatapik sa kanyang noo.


“Ugh!”

~~~~~~~~

“PANTHER, LOOK AT ME.”

Pinagmasdan ko ang aking mukha habang sinasabi ko ito.


Sinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok ko. Pagkuwan ay
pinalobo ko ang pisngi ko. Dapat relaxed lang ako. Dapat hindi ako
manginginig at kakabahan habang kaharap ko siya.

“So, ganito nga, Panther, may sasabihin ako sa ‘yo.”

Umangat ang isang kilay ko sa salamin.

“Panther, ako nga pala iyong babaeng sinayang mo.”

Agh! Bakit iyon ang nasabi ko?! Hindi iyon ang plano ko na pag-
usapan namin!
Kanina pa ako hindi mapakali rito sa aking kuwarto. One of the
guards told me that Panther was outside the gate. Pero umalis din
daw agad nang hindi nila pinapasok. Alam kong babalik siya. And
this was the right time to tell him that I was going to marry Light.

Sasabihin ko iyon sa kanya nang harapan para tumigil na siya.


Para tigilan niya na ako. Sana maging effective itong plano ko. Saka
na kami magtuos kapag nakapanganak na ako, saka ko na sasabihin
sa kanya na nagkaanak kami.

Tumikhim ako at nag-practice ulit sa salamin. “So, ayun nga,


Panther. Ikakasal na ako kaya tumigil ka na.”

Ngumiti ako para ipakita na talagang kalmado ang aking


disposiyon—kaya lang ang aking ngiti ay nauwi sa pagngiwi. Badtrip
kasi may isang dahon ako ng malunggay sa ngipin. Tinola na may
malunggay kasi iyong pinaulam sa akin ni Mommy kaninang lunch.
Nakakahiya ‘to kung si Panther pa ang nakakita.

Bakit kasi sobrang tamad ko ngayon bigla? Naligo naman ako


pero iyong pagtu-toothbrush ay kinatatamaran ko na.

Tumingin ako sa oras. Mag-a-alas tres. Umalis si Mommy kanina


dahil may zumba session sila sa hapon. Si Light naman ay inutusan
ko munang magpahinga dahil ilang araw na siyang walang tulog
kababantay sa akin.

Lumabas ako ng mansiyon. Habang naghihintay na bumalik si


Panther ay magpapahangin muna ako pampakalma sa aking
kumalabog na dibdib. Sa backyard ay sinalubong ako ng mga
bodyguards pero pinaalis ko sila. Gusto kong mapag-isa at
makapag-isip-isip.

Dahil malawak ang likod ng mansiyon ay hindi ko napansin na


napapalayo na ang aking paglalakad. Nakarating na ako sa
malalaking puno na bahagi rin ng lupain namin. Nagbibilang ako ng
dahon sa paligid nang maramdaman ko na tila may nakasunod sa
akin.

Kabadong nagpalingon-lingon ako sa kapaligiran. May lumapit


sa akin mula sa likuran at tinakpan ako ng panyo sa ilong. Bago ko
pa ito malingunan ay nawalan na ako ng malay.

~~~~~~~~

MASAKIT ANG ULO ko nang magmulat ng mga mata. Nakaupo ako


sa upuan at nakatali ang aking mga kamay sa likuran. Nagimbal ako
nang mapagtanto na bukod sa nakatali ako ay may busal din ako sa
bibig.

Nasaan ako? Anong lugar ito?! Napalingap pa ako sa paligid.


Malaki, malinis, at malamig ang kuwarto. Sa harapan ko ay may
isang komportableng kama na parang ang sarap higaan. I think I
was in a hotel room.

Ano bang nangyari? Bakit ako naririto? Oh, wait! Ang huling
naalala ko ay may lumapit sa akin at tinakpan nito ng panyo ang
ilong ko. Pagkatapos ay may naamoy akong nakakahilo na dahilan
kaya ako nawalan ng malay. May nagpatulog sa akin. May
kumidnap sa akin!
Sino’ng kidnapper ko?!

“Finally, you’re awake.” Isang baritonong tinig ang nagsalita sa


aking likuran.

Nang lingunin ko ito ay nanlaki ang mga mata ko. It was


Panther! Itim na plain shirt ang suot niya at jeans. Magulo ang
kanyang buhok na tila mula sa shower room ay hindi man lang
sinuklay o ginamitan ng blower. Maganda pa rin naman ang
katawan niya pero kapansin-pansin na bahagyang namayat siya.

“You don’t want to talk to me.” Umupo siya sa edge ng kama sa


harapan ko. “I have no choice but to kidnap you.”

“Mmm,” sabi ko. Gusto ko lang sabihin sa kanya na


magpapakasal na ako. Pero paano ko sasabihin sa kanya kung may
busal ang bibig ko?!

Ang abuhin niyang mga mata niya ay bumaba sa aking katawan.


Saka ko naalala na maiksi ang suot kong dress. Nang mapadpad sa
nakahantad kong mga hita ang kanyang paningin ay umalon ang
kanyang lalamunan.

“Mmmm!” pasigaw kong ungol sa kanya. Bakit ba kasi ako


nagsuot ng maiksing damit?! Baka kung anong gawin niya sa akin!
Manyak pa naman siya!
Nagkakakawag ako. Umuungol sa kabila ng nakapasak sa aking
bibig. Napailing si Panther nang makita ang kagustuhan kong
magsalita.

“You are not allowed to talk.”

Pero ayaw ko pa ring sumuko. “Mmmmnp!”

“Yeah, I missed you too.”

Inirapan ko siya. “Mmmp!”

Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin! Ang kapal ng mukha
niya!

“Calm down, my love. Pakakawalan din kita bukas.”

My love?! What the heck was that?!

Sinubukan kong makawala sa pagkakagapos sa akin pero hindi


ko talaga kaya. Kahit malambot ang tali na nakaikot sa aking mga
kamay sa likod ng upuan ay mukhang matibay iyon. And wait!
Ngayon lang nag-sink in sa akin ang huli niyang sinabi. Bakit pala
bukas niya pa ako pakakawalan? Bakit hindi pa ngayon?!

Tila nabasa niya ang nasa isip ko. Mapungay ang abuhin niyang
mga mata nang magsalita, “I just need to borrow you tonight.”

Tonight? At bakit?! Anong plano niya sa akin ngayong gabi?!


“I promise you, I’ll return you tomorrow to your home safe and
sound.”

No!

“I just need to have some good sleep tonight.”

Naalala iyong tungkol sa trauma niya. Hindi siya nakakatulog


nang maayos nang walang katabi sa higaan.

Come to think of it, hirap siyang matulog pero ilang araw at gabi
na wala pa rin siyang palya sa pabalik-balik sa amin. Bagama’t
nangangalumata na siya at namayat dala ng kakulangan sa pahinga
at tulog, nakakaasar isipin na guwapo pa rin ang hayop na lalaking
ito.

Kumiling ang ulo niya habang nakatitig sa aking mukha. Kainis!


Bakit kasi ang ganda ng abuhing mga mata niya?! Umiwas ako ng
tingin sa kanya. No! Ayaw ko siyang makita.

“I’m sorry, Macey,” mahinang sabi niya na umabot sa aking


pandinig.

“Mmm!” Gusto kong sabihin na hindi ko na matatanggap ang


sorry niya. Wala siyang puwedeng sabihin na tatanggapin ko.

“I thought it was the best thing to do, to let you go.”

“Mmmp!”
“I know how much you hate me. I deserve it. I hurt you. I ruined
everything. I had many opportunities to stop you from leaving, but
I wasted them all.”

“Mmmppp!”

“It was hard for me too, Macey. Believe me…”

“Mmmmnppp!”

“You know what kind of life I went through. It was not a normal
one. It was fucked-up and I had nothing aside from my looks and
fortune. I was labeled as a psycho billionaire because that’s what I
really am—”

“Mmmmmmnpppp!!!!” halos pasigaw kong ungol.

“And getting you involve in my life – would you please let me


talk first?!”

Nairita na yata siya sa kaingayan ko. Tinapunan ko lang siya


nang masamang tingin.

Tumikhim siya saka nagpatuloy sa kanyang naputol na linya. “To


make the story short, when you came into my life, you introduced
a foreign feeling to me. I was so overwhelmed by it that I almost
got suffocated.”

Napayuko na ako at nanahimik.


“But then I realized that no matter how overwhelmed and
frightened I was, I just couldn’t ignore my feelings towards you. I
was willing to give up everything for you, Macey. Pero akala ko
talaga buntis si Debi. Alam mo kung gaano ko pinangarap
magkaanak, alam mo rin na hinding-hindi ko—”

Natigilan siya nang nakitang hindi na ako umiimik at nakayuko


na lang.

“Macey…”

Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko pa siya. Hindi ganito


kasakit kung hindi ko na siya mahal. Pero hindi na para bumalik ako
sa kanya. What was done was done.

Simula pa lang, mali na ang lahat. Kahit ano pa ang sabihin niya,
ganoon pa rin ang sitwasyon. Hindi niya ako pipiliin. He was still
married to his six wives. He was still with them on the same island,
in the same mansion.

Lumapit si Panther sa akin at lumuhod gamit ang isang tuhod.


“Macey…”

Hinawakan niya ang aking mukha para maghinang ang aming


mga mata. Matalim ang mga titig ko sa kanya habang nangingilid
ang aking mga luha.

Malamlam ang mga ngiti niya nang masuyong magsalita. “I will


not force you to forgive me right away. I can wait for you. I will wait
for you. I am good at waiting…”
~~~~~~~~

NAGPANGGAP akong tulog habang may kausap si Panther sa


cellphone. Mayamaya ay narinig ko ang mga yabag niya na lumapit
siya sa akin. Alam kong pinagmamasdan niya ako kung mahimbing
na ba talaga ang tulog ko.

Nang makasiguro siya ay dahan-dahan niyang tinanggal ang


taling nakagapos sa akin sa upuan. Maingat niya rin binaklas ang
buhol ng tali sa aking mga paa. Ang naiwan ay ang busal ko sa bibig.
Marahan niya akong kinuha mula sa upuan para buhatin. Maingat
niya akong inihiga sa kama nang buong ingat para hindi ako
magising.

Nang maramdaman ko na nakalayo na siya ay saka ko iminulat


ang aking isang mata. Nakatalikod siya sa akin at may tinitingnan sa
screen ng hawak na phone. Sinamantala ko ang pagkakataon.
Kailangan ko nang makaalis dito dahil malamang ay nag-aalala na
sa akin sina Mommy. Baka kinakastigo na rin ni Daddy ang mga
guards ngayon sa mansiyon. And even Light, sigurado na hinahanap
na ako.

Bumangon ako nang marahan sa kama at dinampot ang vase na


nasa ibabaw ng drawer. Ihahataw ko sana sa ulo ni Panther, pero
biglang siyang humarap at nasalag niya ito. Nahuli niya ang pulso
ko at napigilan niya ako.

Marahas niya akong inihiga sa kama at hinawakan ang aking


magkabilang kamay. Kumubabaw siya sa akin para hindi ako
makagalaw. Dang! He was too strong! Imposibleng makawala ako
sa kanya.

“Do you hate me so much that you want to kill me?!” Nagtatagis
ang mga ngipin niya.

Wala naman akong balak na patayin siya. Ang gusto ko lang ay


makatulog siya kapag pinukol ko siya sa ulo ng vase. Sinubukan
kong makawala sa kanya pero hindi ko talaga kaya. Bukod sa
mabigat siya, triple rin ang lakas niya kaysa sa akin.

“Stop it, Macey!” saway niya sa akin dahil nagpupumiglas ako.

“Mmmm!” Pero hindi ako nagpapaawat. Kahit may busal ang


bibig ko ay pasigaw akong umuungol habang pinanlilisikan siya ng
mata.

Umigting ang panga niya. “I don’t intend to hurt you. Pero


mukhang kailangan na kitang sikmuraan para matahimik ka.”

No!

Nanlaki ang mga mata ko. Napahinto ako sa pagpupumiglas.


“Mmmm!” Umiling ako.

Kaya niya akong saktan? Hindi naman sarili ko ang aking iniisip
kundi ang buhay na nasa aking tiyan. Hindi pa niya alam na buntis
ako. Hindi niya alam na kapag ginawa niya iyon, posible na
mapahamak ang baby namin!
Bumuga siya ng hangin na tila pinagsisihan ang sinabi. “Just
don’t try to escape, all right? Ibabalik din naman kita bukas.”

Masunurin na tumango ako.

“Good.”

Tumango ulit ako. Akala ko aalis na siya sa ibabaw ko pero


nanatili siya. Sobrang lapit niya sa akin na halos maramdaman ko
na sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga. Ang mga
titig niya ay unti-unting lumalalim.

Paos ang tinig niya nang mahinang nagsalita, “Maybe I should


punish you for what you did.”

Napalunok ako.

Hanggang sa yumuko siya at tuluyan naubos ang pagitan namin.


“You, silly woman.”

Napapikit na lang ako.

LEVEL 41

“DON’T MOVE.”

Ang bulong ni Panther sa tainga ko ay nagdala ng libo-libong


kilabot sa aking katawan. Napapikit ako. Bumaba ang mainit niyang
mga labi sa gilid ng aking leeg. Nanigas ang katawan ko lalo nang
haplusin ng palad niya ang aking bewang.

Inihanda ko na ang sarili sa susunod niyang gagawin nang umalis


siya sa aking ibabaw. Napadilat ako. Bakit? Bakit hindi niya itinuloy?

Umalis siya sa kama at kinuha ang tali na nasa upuan. Sibukan


kong baklasin ang busal na pulang tela sa aking bibig kaya lang ay
humarap na siya ulit sa akin. “Kapag nagtangka ka ulit tumakas,
may mangyayari sa atin, understand?”

“Mmm?” ungol ko.

“I’m serious. I can do that. Especially now that I miss you so


much. I am having a hard time holding back.”

Tumango ako. “Mmm.”

“Good.”

Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking dalawang pulso.


Tinalian niya ang mga ito para itali sa headboard ng kama.
Pagkatapos ay bahagya hiyang hinigpitan ang busal ng bibig ko.
Inayos niya rin iyong unan ko sa ulo. Nilagyan niya rin ako ng
dantayan sa binti. Alam niya kung ano ang gusto kong pwesto sa
paghiga.

“Now, let’s sleep.” Humiga siya sa aking tabi. “I need to rest.”


Ganito pala ako matutulog ngayon. Nakagapos ang mga kamay
ko at nakabusal ang aking bibig. Makakatulog ba ako nang maayos
nito?

Kahihiga pa lang ni Panther ay narinig ko na agad ang malalim


niyang paghinga. Nang lingunin ko siya ay aking nakita na
mahimbing na ang tulog niya. Wala na ang pagkakasalubong ng
makakapal niyang kilay, payapa na ang kanyang perpektong mukha
habang nakapikit ang mga mata niya. Halatang wala siyang tulog at
ngayon lang nakatulog nang maayos dahil may katabi na siya.

Nagbawi ako ng tingin sa kanya bago pa ako makaramdam ng


kung anong init sa aking dibdib. Tumitig ako sa kisame.
Nangako ako kay Panther na hindi ako magtatangka na
tumakas, kaya lang hindi ako nakakatiyak na talagang pauuwiin
niya na ako bukas.

Inaalala ko si Mommy, sigurado ako na umiiyak na siya sa mga


oras na ito. Lahat sa mansiyon namin ay alam ko na hindi
makakatulog hanggat hindi ako nakakabalik. I needed to escape.

Biglang nagsalita si Panther sa aking tabi. “D-don’t…”

Nilingon ko siya at mahimbing naman ang kanyang tulog.


Binabangungot yata siya.

Nangunot ang makinis niyang noo. “P-please…”

Ano kayang napapanaginipan ng siraulo na ‘to? Hinayaan ko


siya.
“D-don’t… please.” Nagsalita na naman siya habang tulog.

“Mmmm.” Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi ko naman


siya abot. Isa pa, nakagapos ang dalawa kong kamay.

“M-Macey…”

Ha?

“D-don’t leave me…” May namutawi luha sa kanyang


mahahabang pilik-mata.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang mga


sandaling ito. Basta ang alam ko lang ay para bang may kumurot sa
puso ko na makita siyang nagkakaganito.

Napayapos siya sa dantayan niyang unan. “D-don’t leave me…


Macey…”

~~~~~~~~

MMMMNNNN…

Hindi ako magigising kung hindi ko pa naramdaman ang mga


bisig ni Panther na bumuhat sa akin. Maingat niya akong inilapag sa
isang upuan para igapos muli. Dalawa na ang kama na kaharap ko
at iba na rin ang kulay ng wall at ceiling nang dumilat ako. Nasa
ibang hotel room na kami.

“Mmm,” ungol ko. Gusto ko lang siyang tanungin kung bakit


lumipat.

Hindi niya ako pinansin. Pumunta siya sa shower room at


pagbalik niya ay nilalagyan na niya ng benda ang kanyang kaliwang
kamay. Napatitig ako sa kanya at sa hinubad niyang damit. Wait!
Was that blood?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaliwang kamay niya
na may benda. May sugat siya. Napaano siya?! Anong nangyari?!
Anong nangyari habang tulog ako?!

“Your protector found our place last night,” kuwento niya


habang hinihigpitan ang benda sa kamay niya. “He’s really good, I
must say.”

Nakita kami ni Light? Pero anong nangyari pagkatapos? Paano


kami nakatakas?! Bakit siya sugatan at ano ang nangyari kay Light?!
Sugatan din ba ito? Naglaban sila?

“Mmm!” Nagkakakawag ako. Kailangan kong malaman ang


sagot sa mga tanong dahil ikamamatay ko ang pag-aalala.

“Don’t worry, we did not hurt each other. I just grabbed you
and ran away from him. He chased our car on the highway, but he
failed.”
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Akala ko ay
nagkapatayan sila. Nakapagtataka lang na ang daming nangyari
habang natutulog ako. Siguro dahil sa pagod ay naging mantika na
ang tulog ko. Nitong mga nakaraang buwan mula nang mabuntis
ako ay grabe ang aking pagiging antukin.

Napatingin ulit ako kay Panther. Bahagyang nakangiwi ang


mapula niyang mga labi nang matapos siya sa pagbebenda ng
sugat. Kung hindi sila nagkasakitan ni Light, saan niya nakuha ang
sugat niya?

“I got this when I broke the glass window of our hotel room.”
Lumingon siya sa akin. Salubong ang kanyang kilay at tiim ang mga
labi. “I really hate that guy. It was obvious that he has a thing for
you.”

Ginawan niya pa nga ng issue.

I was also wondering, why did Panther doing this alone? He got
a lot of men. Pwede naman siyang mag-utos sa mga magagaling
niyang guards, pero bakit siya ang gumagawa nitong lahat? E, di
sana ay hindi siya nasugatan.

Napahinto siya sa kanyang ginagawa nang marinig niyang


tumunog ang aking tiyan.

“I’m sorry, I forgot to feed you.”

Yes, please. Gutom na ako. Gutom na kami ng baby natin, hayup


ka!
Kinuha niya iyong dala niyang duffle bag at humugot siya ng
instant food doon. It was a sealed microwaveable meal, some sort
of that. Isinalang niya ito sa microwave nang ilang segundo. Then,
he served it to me.

Binaklas niya ang seal nito kaya umalingasaw ang mabangong


amoy nito. Meron itong ulam sa loob na kalderetang baboy at may
kasamang kanin. Sumandok siya rito ng isang kutsara ang isinubo
sa akin. Seriously? Aware ba siya na may busal ako sa bibig?

“Sorry.”

Napaisip siya kung anong gagawin. Parang nag-aalangan siyang


tanggalin ang busal ko.

“Will you behave if I take that off?” Ang tinutukoy niya ang
iyong busal ko.

Tumango ako. Mukhang takot siya na bungangaan ko siya.

“I’ll untie you, but if you try to escape I will punish you. We’ve
talked about the punishment, remember?”

Sunud-sunod ang pagtango ko. Gutom na kasi ako. Gutom na


gutom na kami ni baby!

“Good.” Pagkatapos ay binaklas na niya ang tali ko sa katawan.


Tinanggal niya rin ang busal ko sa bibig. Ibinigay niya sa akin ang
pagkain at kinain ko agad iyon. I needed this food for my baby.

Napabuntong-hininga si Panther. “I’m sorry if I put you in a


situation like this.”

Hindi ko siya kinibo. Nag-focus lang ako sa pagkain at pag-inom


ng tubig.

Umupo siya sa edge ng kama. “The police are looking for me.
Even the Saavedra Phoenixes Agents are on the move to search for
me. Your father is using all his connections to find you.”

Nagkaroon ako ng takot sa sinabi niya. Paano kung mahuli siya


ng mga kapulisan? Paano kung ikulong siya? O kaya ay masaktan
siya sa proseso? Dahil sa tingin ko, siya ang tipo na hindi papahuli
nang buhay. Kusa akong natigilan sa pag-iisip nang mapagtanto na
nag-aalala ako sa kanya.

“I just want to be with you for at least one night. Just one night.
Then, I will bring you back to you...”

Nang mapatingin ako sa bintana ay hindi pa pala sumisikat ang


araw. Mukhang sa kalagitnaan ng pagtulog namin naganap ang
lahat.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nang masamid ako ay nanakbo


siya sa fridge para kumuha ng bottled water. Pinihit niya ang takip
nito at ibinigay agad sa akin. Nilagok ko agad ito.
“Aren’t your wives looking for you? Hindi ba sila nagtataka na
wala ka sa Red Mansion ngayon?” kaswal na tanong ko sa kanya
pagkuwan. Sa wakas ay nakapagsalita rin ako.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. “You want some more?”

Umiling ako. “Busog na ako.”

“Anything you wanna say to me before I seal your mouth


again?”

Umismid ang mga labi ko. “Hindi ako naniniwalang ibabalik mo


ko sa bahay namin.”

Napayuko siya dahil nadale ko ang totoo.

“This is kidnapping, Panther.”

“I have to convince you.”

“Hindi na ako sasama sa ‘yo. Hinding-hindi na ako babalik sa


buhay mo.”

“Say what you want to say. But I still have no intention of letting
you go, so just give it up.”

“Sa tingin mo ba ay hindi mahahanap ng mga pulis at ng


Phoenixes itong hotel na ‘to?”

“And what are you suggesting? Na lumipat tayo ng hotel?”


Pinanlisikan ko siya ng mata. “Ano ako, makikipagtulungan sa
‘yo? Neknek mo!”

Pinamungayan niya ako ng mga mata. “I own this hotel. So, we


can stay here for a while.”

Sumimangot ako. Lalo namang namungay ang abuhin niyang


mga mata sa akin. “Ano na naman yan?” singhal ko sa kanya.

“I really missed you, Macey,” tahasang sabi niya.

Napalunok ako. Parang tanga ang dibdib ko na bigla na namang


kumalabog.

“If it’s okay with you… I want to kiss you.”

“No way.” Inambahan ko siya ng suntok.

“I won’t force you. Nagbakasakali lang naman ako.”

“Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay kundi ang


landiin ako? How about your businesses? Magtrabaho ka, aba!”

Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. “You know, I don’t work for
money. Money works for me.”

Inirapan ko siya. “E di, ikaw na, lods.”

“Macey.” Bigla na naman siyang sumeryoso.


“Ano?!” Pasinghal pa rin ang tono ko.

“Please come back to me. I promise I won’t mess up again.”

Natawa ako sa sinabi niya.

Seryoso pa rin siya na hindi alintana ang nang-uuyam kong mga


titig. “I'm going to do my best to be a better person for you. I will
make it up for every wrong decisions I made, for all the pain that I
caused you.”

Sinalubong ko ang mainit na mga titig niya sa akin. “Kung


magsalita ka parang mahal mo ako.”

“What if I do?”

Sandali akong natigilan. Pagkuwan ay mapait na ngumiti sa


kanya. “You should've said that earlier. I might even believe you.”

“I love you, Macey…”

“You love me but you can’t love me right.” Humina ang tinig ko.

Hindi siya nakaimik dahil totoo.

“During the times I suffered because of that love of yours, the


one that was there for me was Light...”

Umawang ang mapula niyang mga labi at natulala siya sa akin.


“And you were right, you really had many opportunities, but
you wasted them all.”

Hindi na siya nagsalita. Kinuha niya ang tali at walang imik na


iginapos ulit ako sa upuan. Marahan niya ring nilagyan muli ng
busal ang bibig ko. Matamlay siya habang ginagawa ito.

Did I hit him hard? Halata naman sa kilos niya na nasaktan ko


siya. Natauhan na ba siya na wala na talaga siyang magagawa para
pabalikin ako sa kanya? Na nagsasayang lang siya ng oras sa akin?
Sigurado akong nagbago na ang isip niya na kidnapin ako. Baka
mamaya lang ay pauwiin na niya ako sa amin.

Nahiga siya sa kama at ilang sandali pa’y lumalim na ang


paghinga niya. Hayop na lalaki ‘to, tinulugan ako!

~~~~~~~~

9:00 AM. Anong oras na kami nagising.

“Mmmm!” ungol ko dahil may busal na naman ako sa bibig.

“What do you want?” tanong niya sa akin habang ang mga mata
niya ay nakatutok sa daan. Nakahawak siya sa manibela at abala sa
pagmamaneho ng sasakyan.

Hindi ko alam kung saang lupalop na naman niya ako ng


Pilipinas dadalhin. Basta paggising niya kanina sa akin ay pinakain
niya lang ako ng pancake at dinala niya na agad ako sa parking lot.
Aalis na raw kami.

“Mmmm.” Gusto ko lang sabihin sa kanya na naiihi na ako


kailangan kong magbanyo. Ang huling ihi ko pa ay kanina. Binigyan
niya lang ako ng ilang minuto sa banyo para magbawas, maligo, at
mag-toothbrush. Madaling-madali siya kaya kandarapa ako.

“What?” Bahagya niya pang inilapit sa akin ang tainga niya.

“Mmmm!”

“Really? I’m gorgeous today?”

Inirapan ko siya. “Mmmmp!”

“All right, let me guess.” Napahimas siya sa kanyang baba.


“You’re hungry?”

Umiling ako. “Mmmmp!”

“You’re thirsty?”

Umiling muli ako. “Mmmmp!”

“You’re horny?”

Tinitigan ko siya nang masama.

“You need to pee?”


Tumango ako. Sunod-sunod na tango. Parang sasabog na ang
pantog ko.

Humaba ang leeg niya para humanap ng gasoline station para


makapagbanyo ako. Mabuti na lang at mabilis siyang nakakita kaya
nag-park siya roon. Sinuutan niya ako ng cap at facemask para
hindi halata ang busal ko sa bibig. Binalutan niya ako ng jersey
jacket para matakpan ang nakagapos na tali sa aking katawan.

“Don’t even try to escape, all right?”

Tumango-tango ako.

Nauna siyang bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng


pinto sa driver’s seat at inalalayan niya akong makalabas ng kotse.
Sabay kaming naglakad papunta sa CR ng gasoline station.
Pagdating namin sa banyo ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

“Mmm!” Pinandilatan ko siya. Ano ‘to hahayaan niya lang


nakagapos ang mga braso ko? Paano ako iihi?!

“Fine.” Tinanggal niya ang jacket ko at binaklas niya ang tali na


nakagapos sa akin.

Tinanggal ko agad ang busal ng aking bibig. “Alis!”

Napakamot siya sa ulo bago niya ako iniwan. Isinara ko ang


pinto at ni-lock ito. Umupo na ako sa bowl at lumingap sa paligid.
Sa uluhan ko ay malaki ang bintana na nakabukas. Sapat na ito para
makalabas ako rito. Ganitong-ganito iyong sa mga napanood kong
tumatakas na kidnap victim.

Nang makatapos ako umihi ay tumuntong ako sa bowl para


maabot ko ang bintana. Marahan akong lumundag para makabitin
ako rito. Shoot! Kumirot ang puson ko! Pero nandito na ako kaya
hindi na ako aatras. Nagpatuloy ako na ilusot ang aking kalahating
katawan. Isinampa ko ang aking binti hanggang sa masundan ko ng
isa ko pang binti. Pagkuwan ay kinapa ng paa ko kung may
matatapakan ba ako sa labas.

At dahil wala naman akong natapakan ay maingat na lumundag


na lang ako. Ang kaso, kahit anong ingat ko ay napaupo pa rin ako
sa lupa.

“Nice try.” Malagom na tinig mula sa aking likuran.

“Shit,” usal ko nang malingunan si Panther na nakatayo sa at


nakataas ang isang kilay sa akin.

Dinampot niya ang aking isang pulso at hinila ako para


makatayo.

Biglang kumirot ulit ang puson ko. Sa pagkakataong ito ay mas


masakit. “W-wait…”

“You’ll be punished for what you did, Macey. Binalaan na kita!”


asik niya sa akin.

Halos kaladkarin niya ako. “S-sandali lang…”


“What?!” Galit na huminto siya para humarap sa akin.

Pawisan na ako at nanginginig nang tumingala sa kanya.


“Panther, m-masakit ang puson ko...”

“Why, are you horny? We can’t do it here, but we can try in the
car—”

Pinanlakihan siya ng mga mata nang mapatingin sa hita ko.

“Damn it, Macey! Bakit may dugo ang hita mo?!”

Napahumindig ako nang makitang may dugo nga na dumadaloy


pababa sa aking hita. Nanginginig ang katawan ko sa takot. “P-
please, t-take me to the hospital...!”

Nag-panic na siya nang matindi. Hindi niya alam kung paano ako
aalalayan o kung kakargahin ba ako. “What the hell is going on?!”

Naglandas ang mga luha ko. “B-buntis ako…”

Napatigagal siya sa sinabi ko.


LEVEL 42

MY BABY IS FINE.

Buti na lang ay nadala agad ako ni Panther sa isang private


ospital na malapit. Naasikaso kami agad dahil nataon na isa siya sa
pinakamaking investor ng ospital na ito. Tinawagan na ng staff ng
ospital sina Mommy para ang ipaalam ang nangyari sa akin. On the
way na sila papunta rito ngayon.

Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Siguradong galit na


galit si Daddy at baka anong gawin niya kay Panther.

At si Light? Baka sa galit niya ay mabaril niya na talaga ngayon si


Panther.

Galit ako kay Panther, pero ayoko siyang mapahamak. Ang


gusto ko lang ay lumayo na siya sa akin nang matiwasay at nang
walang napapahamak. But how the hell would that happen? Lalo
na ngayong alam na niya na buntis ako. Kanina niya pa kausap ang
doctor ko at siguradong nasagot na nito ang mga tanong niya.

Mayamaya ay bumukas ng pinto ng aking hospital room at


pumasok si Panther. Madilim ang kanyang ekspresyon at salubong
ang dalawang makapal na kilay niya.

“Why did you not tell me that you’re pregnant?”

“R-really? Buntis ako?” Sa kaba ay kunwari na lang na hindi ko


alam. “Y-yey!”
“Don’t make a fool out of me, woman! You’re three months
pregnant now!”

“Aw! But look at me. Para lang akong busog sa kanin.”

Nangalit ang mga ngipin niya. “Do you think this is funny?!”

Napalunok ako at sinikap pa ring maging kaswal. “Uhm, i-it’s


more fun in the Philippines, you know?”

Napapikit siya at napahilot sa kanyang sentido. Kinakalma niya


ang sarili dahil parang gusto niya na yata akong sakalin sa mga oras
na ito.

Dumaan ang matagal na katahimikan. Hanggang sa biglang


bumalatay sa mukha niya ang kaba. Parang biglang huminto ang
kanyang paghinga. Nagtataka naman ako pero ang aking pagtataka
ay nauwi sa matinding galit nang magtanong siya.

“Tell me… am I the father?”

Naumid ang dila ko. Ano ang itinatanong niya? Kailangan niya
pa ba iyong itanong? Siya ang nakauna sa akin. Maliban sa kanya,
wala nang ibang gumagalaw sa akin sa Red Mansion. Alam niya
naman iyon. Unless buong pagkakataon ay wala siyang tiwala sa
akin.

Umiwas ako ng tingin mula sa mga mata niya. Mahapdi ang


aking dibdib at kung puwede lang ay gusto ko siyang murahin.
Narinig ko ang paglagutok ng kamao niya. “Then, who? Light?!”

Tumiim ang mga labi ko. Marahan akong tumango tutal ito ang
gusto niya, ibibigay ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla siyang malamig na tumawa. Napabaling


ako sa kanya at nakita ko ang sarkasmo sa kanyang abuhing mga
mata. “Such a liar.”

Seriously? Pinaghihinalaan niya ako at tinatanong, then hindi


niya paniniwalaan? Gaano siya kabaliw?!

Bumalik sa pagiging seryoso ang kanyang mukha. Humakbang


siya palapit sa kama na kinauupuan ko. “Why did you hide your
pregnancy from me?”

“B-bakit ko sasabihin? Ikaw ba ang ama? Malay mo naman,


habang wala ka ay gumagawa kami ng milagro ni Light, ‘di ba? Iyon
naman ang iniisip mo, malay mo nga iyon talaga ang nangyayari.
Wala kang alam dahil hindi mo naman ako kasama gabi-gabi!”

“Paninindigan mo talaga `yan?”

Naglatang sa inis ang dibdib ko. “Ako ang nagbubuntis at hindi


ikaw, kaya ako ang nakakaalam kung sino ang ama nito! At hindi
ikaw iyon! Ayoko sa ‘yo!”

“I already spoke with Dr. Fetus. He told me the truth.”


Napangiwi ako. Mukhang nilaglag na ako ni bulilit. Pero bakit
nagtanong pa siya? Bakit pinagbintangan pa niya akong ulol siya?!

“Why did you hide it, Macey?”

“E, ano naman kung itinago ko sa ‘yo? Pakialam mo ba sa–”

“If I’m aware that you’re pregnant, I should’ve take care of


you!” Bigla siyang nagtaas ng tinig.

Napipilan ako.

“I shouldn’t have kidnapped you. We almost lost our child!” gigil


na sabi niya.

“So, kasalanan ko pa na may sa kriminal ka, ha? Na may


nalalaman ka pang pangingidnap diyan? Itinali at binusalan mo pa
akong hayop ka! Kasalanan ko pa?!”

Tinalikuran niya ako para pakalmahin ang sarili niya.

Nahiga rin ako sa kama nang patalikod sa kanya. Ayaw ko siyang


makita, nanggigigil ako sa pagmumukha niya. Sarap pisilin ng
matangos niyang ilong, lapirutin ang makinis niyang pisngi,
sungalngalin ang mapula niyang mga labi, tungkabin ang mahahaba
niyang pilik, at tusukin ang abuhin niyang mga mata. Gusto ko rin
siyang sikmurahan sa lalamunan niya!

“You lied to me,” aniya sa mahinang tinig maya-maya.


Hindi ko siya kinibo.

“It’s against the rules. You are not allowed to divorce me if


you’re pregnant, that’s the law according to the Red Book. Kung
alam ko, hindi kita pakakawalan kahit maglupasay ka pa sa isla.
Mananatili ka sa chamber ko sa ayaw mo at sa gusto. At kung
papalag ang protector, kung kinakailangan na patayin ko roon
mismo, gagawin ko.”

Napabangon ako sa pagkakahiga para harapin siya. “Dahil


nabuntis mo ako? Dahil dinadala ko ang anak mo? Ito ba ang
dahilan para habulin mo ako?! S-sabihin mo nga sa akin. Kung
sinabi ko ba sa ‘yo na buntis ako, ako ba ang pipiliin mo?” Nabasag
na ang tinig ko. “P-para sa akin at sa anak natin, sasama ka ba sa
akin at iiwan mo ang ibang mga asawa mo?!”

“You are the first to get pregnant so you will be the Wife
Regent. You will have the highest rank in the Red mansion. And I
will also keep my promise to spend more time with you. I will let
you sleep in my chamber anytime you want. You will get all my
affection and—”

“Fuck you, Panther Foresteir!”

Napaiwas siya ng tingin sa mga mata ko.

“Fuck you! I'm not gonna bargain for your fucking affection!
Lulunin mo o kaya ipalulon mo sa iba mong asawa!” Isa-isa nang
naglandas ang mga luha ko. “Hindi mo ako kayang piliin, iyon ang
sabihin mo, tangina mo!” sigaw ko sa kanya.
Nagtagis ang mga ngipin niya. Pagdaka’y walang kibo na
tinalikuran niya ako. Hindi niya ako nilingon nang lumabas na siya
ng pinto.

Umiiyak na bumalik ako sa pagkakahiga at niyakap ko ang aking


unan. Pagkatapos ay saka ako humagulhol. May decision was right.
Tama lang na hindi ko sinabi sa kanya na buntis ako nang iwan ko
siya. Sa kanya na mismo nanggaling, hindi niya ipagpapalit ang
anim na asawa niya para lang sa akin at sa anak namin.

Mas pipiliin niya ang mga ito kaysa sa amin ng anak niya. And I
would never forgive him because of that. I would never go back to
him. I would never go back to that hellish mansion just to suffer
again!

~~~~~~~~

SAME DAY, NIGHT.

Dumating na sina Mommy. Sinabi na ng doktor na okay na ako


at ang baby ko. Gayunpaman, nag-aalala pa rin si Mommy. Panay
tanong pa rin siya sa akin. Nasa private hospital room ko siya. Si
Daddy ay wala rito dahil nasa labas at kausap sa mga oras na ito si
Panther. Kinakabahan ako kung ano ang pinag-uusapan nila, pero
hindi ako pinapayagan ni Mommy na tumayo mula sa kama.

Si Light naman ay naririto rin sa kuwarto. Hindi rin siya


pinapalabas ni Mommy. Hindi makatingin nang diretso sa akin ang
lalaki pero kitang-kita ko ang pagkakakuyom ng kanyang kamao. I
knew that he was just trying to stay calm.

Sa paligid ay naririto rin ang mga bodyguards na mula sa


Saavedra Phoenixes Agency. Isa lang sa mga ito ang kilala ko, ang
head ng mga ito na si Kuya Quiro. Nakatatandang kapatid ng isa sa
mga kaibigan ko at kaibigan ng kapatid ko na si Phoenix.

Speaking of Phoenix, nandito rin ang kapatid ko. Shocked ito at


kanina pa palakad-lakad sa harapan ko habang nakasabunot sa
sariling ulo. “What the fuck, Macey?! You’re fucking pregnant! Why
are you pregnant?! How the hell did you get pregnant?! What did
that man do to you to make you pregnant?!”

Binato siya ni Mommy ng orange sa ulo. “Phoenix, utang na


labas, lumayas ka muna sa paningin ko!”

“Agh!” Napasabunot si Phoenix sa sariling buhok. Bago tinungo


ang pinto ay dinuro niya pa ako. “You have a lot to explain to me,
woman!”

“Gusto mo ba ng presentation pa kung paano ito binuo?” tukoy


ko sa ipinagbubuntis ko. Inirapan ko siya.

Paglabas ni Phoenix ay pabalibag nitong isinara ang pinto ng


kuwarto.

“Magpahinga ka na muna, Macey,” malambing na sabi ni


Mommy sa akin.
Paano ako magpapahinga? Iniisip ko pa rin hanggang ngayon si
Panther. Huhulihin na ba siya ng mga pulis ngayon? Sa tingin ko ay
hindi naman siguro agad-agad. Maraming pera at connections si
Panther at makakagawa siya ng paraan para makalusot sa batas.

May kasalanan din ako. Ngayong nakapagpahinga na at malinaw


na kahit paano ang isip ko, na-realilzed ko na kung hindi ko itinago
kay Panther ang kalagayan ko ay hindi naman kami hahantong sa
ganito. He would not kidnap me if he knew my situation.

Nang sandaling magpaalam si Mommy ay saka lang ako


nilapitan ni Light. Hinawakan niya ako sa ulo. “How are you
feeling?”

“I’m sorry…”

“No. I’m sorry. I failed to protect you.”

Umiling ako at maliit na ngumiti sa kanya. “Hindi ka nabigo.”

I knew what he did when I was kidnapped. He put his life in


danger once again just to save me. Hindi siya naghintay ng tulong
sa iba, kumilos siyang mag-isa. Hindi siya huminto at nagpahinga
hangga’t hindi niya ako nakikita.

Sa pagod ay nakatulog na ako ulit. Pagising ko ay umaga na. Na-


discharged agad ako sa ospital dahil maayos naman na raw ang
kalagayan ko. Pwede na raw akong magpahinga kahit sa bahay
lang. Kahit ang sabi ng doktor ay maayos na ako ay nag-aalala pa
rin ang lahat para sa akin. Hindi pa ako hinahayaang maglalakad
kaya naka-wheelchair pa ako.

Matapos akong kargahin pababa sa van ay isinakay ako ni Light


sa wheelchair. Tinulak niya ako hanggang sa makapasok kami sa
sala ng mansiyon. Kasunod lang namin sila Mommy at ang iba pang
bodyguards.

Natigilan si Light sa pagpapaandar ng wheelchair ko nang


matanaw namin sa sala ang isang lalaki. Napatayo ako nang
makilala ko ito.

Si Panther!

What the hell was he doing here?! Bakit may dala siyang mga
maleta?!

Humakbang siya palapit sa akin. “How are you feeling?”

Napatingala ako sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?”

“He’s going to stay here.” Si Daddy ang nagsalita mula sa likuran


ko.

“Are you kidding me?!” gilalas na sambit ko. Anong kalokohan


ito?!

“Fix your things in the guestroom, Panther. We’ll talk later,”


utos ni Daddy sa kanya.
“Would you give me a hand?” Ibinato ni Panther ang isa sa mga
bag niya kay Light.

Nasalo naman ito ni Light. Nagtagis ang mga ngipi ng lalaki pero
wala naman itong magagawa.

“No! He can’t stay here!” asik ko. “Daddy!”

“Calm down, Macey.” Namulsa si Daddy. “We have an


agreement. He is the father of your child. He will only stay here
until you give birth. Iyon ang napag-usapan naming dalawa.”

“But, Daddy!”

“Let Panther stay here for you until you give birth. Pagkatapos
mong manganak, saka ka magdesisyon kung tatanggapin mo pa ba
siya ulit o hindi na.”

Umiling ako. “Hindi ko matatanggap ang isang lalaki na may


anim na asawa.”

“That’s why he’s here. Let’s help him choose, whether he would
leave his other wives or he would give up on chasing you. I know I
shouldn’t be doing this. And I should be the one to protect you
from him because I’m your father, but believe me, I loathe him for
hurting my only daughter. I'm mad at Panther, but I don't want to
be hypocrite here. Hindi ako perpekto, alam mo iyon. Nagkamali
rin ako noon sa mommy mo. Mas malala pa. Inilayo ka niya sa akin
kaya nga lumaki ka na walang kinilalang ama.”
Kumuyom ang mga kamao ko.

“I’m not just asking you to give Panther a chance. I’m also
asking you to give your child a chance to have a father.”

Napahikbi ako nang makuha ko ang kanyang punto.

“See what’s going to happen and let the chips fall where they
may. And after you give birth, you may decide if you will or will not
accept him into your life again. Alam ko naman na mahal mo siya,
kaya gusto ko na sumubok ka. Ayaw ko lang na may pagsisihan ka
sa huli.”

Naglandas ang mga luha ko. “B-but I really can’t forgive him.”

“Then don’t.” Niyakap ako ni Daddy. “Punish him. Hurt him if


you want. If you think that he deserve it. Handa naman siyang
tanggapin lahat makasama ka lang.”

“B-but I’m telling you in advance, Dad…” Tiningala niya ko siya.


“H-hinding-hindi na ko makikipagbalikan sa kanya.”

Pinitik niya ang ilong ko. “Yeah, that’s what your mother told
me, too.”

Lumabi ako.

“Macey, baby, kaysa nagbubuntis ka na mag-isa habang tino-


torture mo siya sa isip mo, e di, torture-rin mo na lang siya rito sa
teritoryo mo. Hayaan mo siya rito hanggang sa makapanganak ka.
Hindi ka naman na niya masasaktan hangga’t nandito siya sa
pamamahay natin.”

Hinagkan niya ang aking noo at iniwan na niya ako. Napapailing


pa siya habang naglalakad palayo sa akin.

Sa huling sinabi ni Daddy ay may plano akong nabuo. He had a


point. Rather than getting angry and suffering alone, it would be
better to have Panther here, so I could have someone to pour out
my emotions on.

I would make him regret stepping on my territory!

LEVEL 43

I COULDN’T FIND MY DAD, MACARIO KARANGALAN SANDOVAL.

It was 9 in the morning and I couldn’t find him. Galing na ako sa


office niya pero wala siya roon. May nakalimutan kasi akong
itanong kagabi. Gusto kong malaman ang mga rules na ibinigay niya
kay Panther habang naririto sa pamamahay namin ang lalaki.
Nakasalubong ko si Daddy sa hagdan. He seemed like he was
ready to go to our company. With his all-black tux, he was looking
good as ever. But I noticed something weird on his facial
expression. What happened to him? Why did he look pissed? And
why the heck he was clenching his fist?!

“Not now, Macey.” Nilampasan niya ako.

Kasunod niyang bumaba sa matayog na hagdan ng mansiyon


namin si Panther. Naka-sweater na kulay immaculate white ang
lalaki, jogging pants na navy blue, at ang tsinelas ay black Hermes
sandals for men. Magulo ang buhok niya at nakahawak siya sa
kanyang panga. Napamaang ako nang mapansin na may bangas
siya.

Tumingala ako sa kanya. “What happened?”

“It’s nothing.” Ngumiti siya sa akin. “I just got punched by your


father. Anyway, good morning, Macey! How are you feeling
today?”

Hindi ko pinansin ang ngiti at pagbati niya. “Why did my dad do


that?”

“It’s just part of our agreement.”

“Agreement?”

“I’ll receive a punch from him everyday while I am here in your


territory.”
Napamulagat ako. “What? Baka ‘di pa ko nanganganak, wala ka
ng ngipin!”

Kaswal na nagkibit siya ng malapad niyang balikat. “It’s part of


my punishment.”

“Buti nga sa ‘yo,” bulong ko.

Galit ako at gusto ko siyang magdusa rito sa bahay namin, pero


sa loob-loob ko ay nanggigigil ako kay Daddy. Hindi naman
kailangang manakit physically. Kung araw-araw niyang sasapakin si
Panther, baka ma-deform ang mukha ng lalaking ito. Sayang naman
ang guwapong mukha n—

Ahg! Forget it! Dapat nga talaga ma-deform ang mukha ni


Panther para mabawas-bawasan ang angas niya sa katawan.

Inirapan ko siya. “That’s unfair. Bakit si Daddy lang? Dapat may


sapak din ako sa ‘yo everyday!”

“You may do that if you want. I won’t stop you.”

Inambahan ko siya ng suntok. Hindi man lang siya napapikit o


napailag na para bang handa siyang tanggapin ang suntok ko.
Nawalan tuloy ako ng gana. Bukas na lang.

“Kumain ka na ba? Did you take your vitamins?” malambing na


tanong niya sa akin.
“Pakialam mo. Kakain ako kung kailan ko gusto. Iinom ako ng
vitamins kapag trip ko.” Nakakabuwiset kasi bigla kong naisip ang
false pregnancy ni Debi noon. Siguro ganito niya rin noon
alalahanin ang babae. Siguro sino man sa mga asawa niya ang
kanyang mabuntis ay ganito rin siya mag-alala.

“I’m just asking. Bakit ka galit?”

“You don’t have to take care of me. Inaalagaan naman ako ni


Light.”

“Hah!” he scoffed. “That protector of yours is just a boy. What


you need is a man.”

“You’re just jealous.”

Narinig kong nagtagis ang kanyang mga ngipin. “Why would I


get jealous? Alam ko naman na ako ang mahal mo.”

“Asa.” Umikot ang bilog ng aking mga mata.

Iniwan ko na siya at naglakad na ako palayo sa kanya. There was


no sense talking to him

Hinabol niya ako. “Wait, my love!”

My love?!
Nang makalapit siya sa akin ay sinuntok ko ang malapad niyang
dibdib. “Wag mo nga akong matawag-tawag nang ganyan!
Kinikilabutan ako!”

“Why not? And are you sure it’s kilabot not kilig?”

“Ulol!” singhal ko. “Tigilan mo ako, Panther. At hindi ka ba


hinahanap ng mga asawa mo? Alam ba nila na kaya hind ka
umuuwi sa kanila ay dahil nandito ka sa amin nakikitulog at
nakikikain?”

Natahimik siya.

“How about Debi? Hindi ka ba niya hinahanap? Malamang miss


na miss ka na niya, hindi mo ba siya inaalala? Kung hindi, wala ka
palang kwenta.” Iniwan ko na siya pagkasabi ko.

Hindi ko na siya nilingon pagkatapos kong maglakad palayo sa


kanya. Sinira na naman niya ang araw ko.

~~~~~~~~

AKO LANG SA BAHAY.

Umalis si Mommy dahil hinahanap niya na naman si Phoenix sa


condo nito. May dumating kasi na death threat para kapatid ko,
galing sa isa nitong naging ka-fling. Worried si Mommy kaya ayun,
nagmamadaling umalis. Si Daddy naman ay pumunta sa kompanya
kasama si Light. Hindi ko alam kung bakit kailangang isama si Light,
at mukhang labag din sa loob ni Light na sumama kay Daddy dahil
ayaw niya akong maiwan kay Panther, iyon nga lang ay wala siyang
magawa. Nahihiya siguro siyang hindian si Daddy.

Gabi na. Kanina pa ang huling kain ko bago umalis si Mommy.


Gutom na ako pero ayaw kong bumaba dahil alam ko na nasa sala
si Panther. Ayaw ko siyang makita. Naiirita ako sa pagmumukha
niya. Hindi naman ako makautos sa mga helper dahil malalaman ni
Panther at makikiepal na naman siya.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. Akala ko dumating na si


Mommy. Tumayo ako at pinagbuksan siya. Napahugot ako ng
paghinga nang makitang si Panther ang nasa labas. May hawak
siyang tray ng pagkain—mabango at mukhang masarap na pagkain!

“I prepared this for you,” malambing na sabi niya sa akin.

Pumintig ang sentido ko. Basta ko na lang siya pinagsarhan ng


pinto.

Bumalik ako sa aking kama at niyakap ang aking dantayan na


unan. Mukhang masarap ang pagkain pero hindi ko iyon kakainin
kung siya ang naghanda. Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok
muli sa pinto.

Bumangon ako ng kama at nagmartsa palapit sa pinto. “Ano?!”


singhal ko nang buksan ko ang pintuan.

“It’s dinner. You must be hungry–”


Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang pagsarhan ko
siya ng pinto. Bumalik ulit ako sa kama at nagkulubong ako ng
kumot. Narinig kong kumatok muli siya pero hindi ko na siya
pinagbuksan.

Kahit mapanis na ang pagkain sa hawak niyang tray ay hinding-


hindi ko siya pagbubuksan. Pagkalipas nang kahalating oras ay wala
na ang mga katok sa pinto. Nainip na siguro kaya umalis na siya.
Hanggang sa namigat ang talukap ng aking mga mata. Hindi
nagtagal ay dahan-dahang na akong napapikit. Nakatulog na ako.

Pagdilat ko ay napabangon agad ako. Napatingin ako sa wall


clock. Isang oras pala akong nakatulog. Tumunog ang tiyan ko kaya
napahimas ako rito. Nagugutom na talaga ako. Bumaba ako ng
kama at nagtungo sa pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa
lalaking nakatayo roon.

Why was he still here?!

Heto pa rin si Panther at may hawak na tray. Hindi ba siya


umalis mula kanina? Kasi iyong pagkain sa hawak niyag tray ay
mukhang malalamig na.

“Are you hungry now?” Pumaling ang kanyang ulo.

Biglang tumunog ang tiyan ko. Shoot!

“Please eat. Our baby is hungry, Macey…”

“No.” pinagsarhan ko siya ng pinto.


Pagkuwan ay napasandal ako sa pintuan. Paano ako pupunta sa
kitchen nito kung nakaharang siya sa labas? Kung magpapatawag
ako sa helper ay tiyak na si Panther lang din ang maghahatid sa
akin ng pagkain. Should I wait for another hour? Hihintayin ko na
lang na dumating si Mommy? Napahawak ako sa aking tiyan. Pero
gutom na ang baby ko.

Bigla na naman may kumatok sa pinto. Napapikit ako. Para sa


kapakanan ng baby ko, tatanggapin ko na ang pagkain na alok sa
akin ni Panther. Pero magsusungit muna ako nang kaunti para hindi
halata.

Inihanda ko ang aking nakasimangot na mukha saka ko binuksan


ang pinto. “Ano ba, buwiset ka?!”

Napaatras si Light.

Napangiwi ako. “A-ah… ikaw pala.”

May hawak din siyang tray at may pagkain sa ibabaw nito. “Hi.
Sorry, I just got home. I prepared your dinner.”

Sinilip ko ang likuran niya. Nandoon pa rin si Panther na ngayon


ay hindi na maipinta ang mukha.

Umiwas agad ako ng tingin. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng


pinto kay Light. “P-pasok ka.”
Pumasoknaman si Light. Sa peripheral vision ko ay nakatingin sa
amin si Panther habang hawak niya ang kanyang tray. Hinamig ko
ang aking sarili. Ito ang magandang pagkakataon para pasakitan
siya kaya sasamantalahin ko na. Hindi ko muna isinara ang pinto.

Tiningala ko si Light. “L-Light, uhm, okay lang ba kung subuan


mo na lang ako?”

“Are you not feeling well?” Matapos ilapag sa ibabaw ng kama


ang tray ay maingat na hinipo ni Light ang noo ko.

“Uhm, tinatamad lang ako...”

“Sure. Sit down.” Pinaupo niya ako sa kama.

Naupo naman ako sa edge ng kama. Tumabi siya sa akin.


Susubuan niya na ako nang mapatingin siya sa pinto. Nakabukas pa
rin iyon at nasa labas si Panther.

“I… forgot to close it,” dahilan ko sa mahinang tinig. “Mamaya


na lang. Mas gusto ko nang kumain muna…”

Na-gets ni Light ang gusto kong mangyari. Nakita ko ang


pagkislap ng mga mata niya.Sinimulan niya na akong subuan. Nang
malasahan ko ang pagkain ay matamis ako na ngumiti sa kanya.

Nakangiti rin naman si Light sa akin. “Is it good?”

“Y-yes.” Tumango ako.


“Have some more.” Sinubuan niya ulit ako.

Hinawi ni Light ang buhok ko na nakaharang sa aking mukha.


Todo asikaso siya sa akin at pati sa pag-inom ng tubig ay nakaalalay
siya. Gusto ko na nga siyang sawayin kasi parang sobra na, kaya
lang alam ko na hanggang ngayon ay may nakatingin pa rin sa
aming dalawa.

“I’m glad you like the food that I prepared,” ani Light na kakaiba
ang kislap sa mga mata. Nahuli ko pa siyang bahagyang sumulyap
sa may pinto.

“Oo naman, m-masarap kasi…”

“You’re naughty.” Sinubuan muli ako ni Light.

Naughty? Ah, he said that on purpose. He wanted to piss


Panther off.

I saw pain in Panther’s luminous gray eyes when I glanced at


him. Hindi ako namamalik-mata lamang. Napayuko siya at
napatingin sa hawak niyang tray. Marahan siyang tumalikod sa
amin at gumawa ng hakbang palayo.

Nasaktan ko ba siya? Well, he deserved it. Kulang pa ‘yan sa


sakit na naranasan ko sa kanya. Gayunpaman ay bigla na lamang
akong nanghina at nawalan ng gana. Ang pagkain na isinusubo sa
akin ni Light ay tila nawalan ng lasa.

“Here’s one.” Inilapit ni Light ang isang kutsara sa akin bibig.


Napayuko ako. “Ayoko na. Sorry…”

Napabuga ng hangin si Light. “All right. Just call me if you need


me.”

“Thank you…”

Lumabas si Light ng aking kuwarto. Bago niya isinara ang pinto


ay napatitig muna siya sa akin. Hanggang sa tuluyan na rin siyang
nawala sa paningin ko.

What the heck was going on with me? This was my plan, to hurt
him so bad. I wanted him to cry as much as I cried. Ang kaso, bakit
kapag alam kong nasasaktan ko na si Panther ay nasasaktan din
ako? Hindi ba ito naman iyong gusto ko? Ang saktan at gantihan
siya?

Pero tama nga ba ang ginagawa ko? Nananakit ako dahil lang sa
nasaktan ako?

Kailan pa ako naging ganito? Ako pa ba iyong si Macey Ella


Sandoval na tagapagtanggol ng mga nabu-bully? Minsan kasi ay
hindi ko na kilala ang aking sarili.

~~~~~~~~
DINNER.

Buong araw ko na iniwasan makita si Panther kinabukasan, kaya


lang pagsapit ng alas-siete ay pinababa ako ni Mommy para sa
dinner. Nagluto si Mommy kaya hindi na ako nakatanggi. Bukod
pati sa paboritong mga ulam ko ang ihinanda niya ay ngayon na
lang ulit namin makakasalo sa dinner si Daddy. Busy kasi palagi sa
work si Daddy na minsan ay kung hindi sa office ay sa airplane siya
kumakain ng hapunan.

Sa hapag ay naroon na si Daddy na nakaupo sa dulo ng


pahabang mesa. Si Mommy ay nasa tabi ni Daddy at pinagsisilbihan
ang lalaki. Si Panther ay nasa kabilang bahagi ng mesa, hindi ko
alam kung sino ang nag-imbita sa kanya na sumalo sa amin sa
pagkain.

Tumayo si Panther nang makita ako. Ipinaghila niya ako ng


upuan sa tabi niya. Hindi ko siya pinasin. Si Light ay ipinaghila rin
ako ng upuan, doon ako naupo.

Napayuko na lang si Panther nang maupo siya ulit. Sina Mommy


at Daddy ay pasimpleng nagkatinginan.

Tumayo si Panther at dumampot ng ulam na nasa bandehado


para salinan ang pinggan ko pero naunahan siya ni Light.

“Thank you.” Ngumiti ako kay Light.


Matamlay na napabalik si Panther sa pagkakaupo.
Nagkatinginan ulit sina Mommy at Daddy.

Balak din lagyan ni Panther ng kanin ang pinggan ko pero iniiwas


ko ang pinggan ko sa kanya. “Light, pahinging kanin.”

“Sure.” Sinalinan ng kanin ni Light ang pinggan ko.

“So, what’s your plan, Panther?” biglang tanong ni Daddy. Alam


ko na gusto niya lang patayin ang awkwardness sa paligid.

“My plan is to accompany Macey to her checkups in her OB,


sir,” sagot naman ni Panther.

“Hindi na kailangan. Sasamahan ako ni Light,” singit ko sa


usapan. “Right, Light?” Nilingon ko ang lalaki sa tabi ko.

“Yeah, of course,” sagot ni Light.

“But Panther should be the one to accompany you, Macey,” ani


Daddy. “He’s the father of your child.”

“Noong mga nakaraang checkup ko naman, hindi ko siya


kasama pero naging okay naman.”

“Bakit hindi mo na lang sila isama parehas?” Mommy


suggested. “Para hindi magulo.”
“I agree,” sagot ni Panther na ngayon ay nakangiti na ang mga
labi. Tila nakahanap ng kakampi sa katauhan ni Mommy.

Hindi naman kumibo si Light sa tabi ko.

“Okay naman na kami lang ni Light,” pigil ang gigil na sabi ko.
“Nakakatuwa nga kasi minsan napagkakamalan ng doctor na si
Light ang daddy ng baby ko.” Mahina akong napahalakhak. “Hindi
niya kasi ako iniiwan at pinababayaan, grabe niya akong alagaan.”

Nagtagis ang mga ngipin ni Panther. Blangkong tingin lang


naman ang ibinato ko sa kanya. Hindi na umimik si Mommy. Si
Daddy ay napailing at nagpatuloy na lang sa pagkain.

“At least, let me pay for all the bills and prescriptions,” mababa
ang tono na bitiw ni Panther.

“No need for that. Sagot naman na `yan lahat ni Light,” tamad
na sabi ko. Totoo naman, kahit pigilan ko si Light, ang gusto niya ay
siya pa rin ang magbabayad. Kahit si Mommy noon ay napagod
nang makipag-unahan sa pagbabayad ng bills ko sa OB.

Natahimik si Panther sa sinabi ko.

Si Mommy ay hindi na nakatiis. Gustuhin mang manahimik ng


babae ay tila ito sinisilihan. Ang tanong na matagal nitong
kinikimkim ay ngayon sumabog sa harapan namin. “Macey,
naiintindihan ko ang mga ibang aksyon mo, pero hindi ako
mapakali sa mga kakaibang napapansin ko. Magtapat ka nga sa
akin. May relasyon ba kayo ni Light?!”
Natigil sa pagkain si Daddy. Kumunot ang makinis nitong noo at
humarap din sa akin.

Nang sulyapan ko si Panther sa aking tapat ay nakatingin siya sa


akin. Nakabukol ang dila niya sa kanyang pisngi.

Magsasalita pa lang ako nang marinig ko ang pagtikhim ni Light


sa aking tabi. Lahat kami ay napabaling sa kanya. Nagulat ako nang
bigla siyang tumayo at yumukod sa direksyon ng mga magulang
ako. “Ma’am, sir, I respect you with all my heart. And I will be
forever grateful to both of your for giving birth to your wonderful
daughter.”

Napahugot ako ng paghinga dahil may hinala na ako.

“Please forgive me for my impudence because I would like to


use this opportunity to ask for your daughter's hand in marriage.”

Napasinghap ako nang humarap sa akin si Light. Bigla siyang


lumuhod gamit ang isang tuhod. May hinugot siyang maliit na
velvet box mula sa kanyang bulsa. Nang buksan niya iyon sa
harapan ko ay humantad sa akin ang isang singsing na sa gitna ay
may diyamanteng bato.

Ang magandang mga mata niya na kasing kulay ng madilim na


gabi ay malamlam. “Macey Ela Sandoval, will you marry me?”
“Light…” Nangilid ang mga luha ko. Napag-usapan na namin ito
pero hindi ko akalain na maghahanda pa siya ng singsing at gagawa
ng proposal.

Gimbal sina Mommy at Daddy sa mga nangyayari. Maging si


Panther ay tila tinakasan ng lakas habang tulala sa amin ni Light.
Higit lalo nang marinig nila ang sagot ko.

“Y-yes, Light. I will marry you…”

LEVEL 44

“THANK YOU.”

Nasa veranda kami ni Light. Matapos ang dinner ay


nakabibinging katahimikan ang namayani sa paligid. Niyaya ko na si
Light na umalis dahil hindi ko na kinakaya ang mga nakakapaso at
nakakapaghinang mga tingin ni Panther sa akin.
Naramdaman din naman ni Light ang aking pagkabalisa kaya
hinila niya na ako paalis. Ngayon ay magkasama kami sa ilalim ng
liwanag ng buwan. Nakasandal siya sa pasimano habang nakatingin
sa kawalan. Nang marinig ang sinabi ko ay ngumiti lang siya.

“Light, are you sure you’re okay with this?” Kahit tapos na ang
proposal at nag-‘yes’ na ako, inaalala ko pa rin siya. Baka kasi
nabibigla lang siya.

Tumingin siya sa akin. “I already told you, I’m okay.”

“A-anong napag-usapan niyo ni Daddy?” Sumunod kasi si Daddy


sa amin kanina at tinawag siya. Sandali silang nag-usap sa study
room.

“He asked me if we love each other.”

“What did you tell him?”

“I told him that I love you.”

Napalunok ako dahil sa tuwid na pagkakasabi niya. “Hindi ba


inusisa ni Daddy kung ano rin ang nararamdaman ko?”

Hindi niya sinagot.

“Light, Daddy might suspect us.”

“I’ll take care of you, Macey.” Seryoso ang kanyang mukha sa


dilim. “I’ll be a good husband to you and a father to your child.”
Lumapit ulit ako sa kanya at tinapik ko siya sa balikat. “Thank
you for being always there for me. Sobra-sobra na, Light. Sobra-
sobra na…”

“I’m always here for you… as long as you need me.”

Darating kaya iyong time na hindi ko na siya kakailanganin? And


what if that time came? Iiwan niya kaya ako kapag alam na niyang
hindi ko na siya kailangan?

~~~~~~~~

MAAGA AKO NAGISING KINABUKASAN. Humihikab pa ako habang


naglalakad pababa sana ng hagdan. Nadaanan ko ang kuwarto ni
Light. Malamang na tulog pa siya hanggang ngayon dahil uminom
siya magdamag. Nang ihatid niya kasi ako sa kuwarto kagabi ay
nagsabi siya sa akin na babalik siya sa veranda. Iinom daw siya ng
Bacardi pampaantok.

Sa tingin ko, hindi kagabi ang una na uminom si Light. Mula


nang mag-stay rito sa mansiyon si Panther ay madalas nang
uminom si Light sa veranda. He was always anxious and restless.
And it seemed like drinking was the only way for him to sleep
peacefully at night.

Palampas na ako sa pinto ng kuwarto ni Light nang bigla iyong


bumukas. Nagulat ako nang hindi si Light ang lumabas mula roon
kundi si Panther. Napatanga ako sa kanya.
“What the heck are you doing in Light’s room?!”

Sisilipin ko sana si Light kung okay lang ito dahil baka ginilitan na
pala ni Panther ng leeg, pero inawat niya ako. “Lower your voice.
Baka magising siya.”

“Ha?”

Maingat niyang isinara ang pinto. “Do you think I can survive
sleeping in my room without having someone on my side?”

Napatitig ako sa kanya. Magulo ang buhok niya na mukhang


kagigising lang. Oo nga pala, may trauma siya. Hindi nga pala siya
nakakatulog nang walang katabi.

“Tinabihan mo si Light para makatulog ka?”

Bumaling sa iba ang abuhing mga mata niya. “I had no choice.”

Halos manlaki ang butas ng ilong ko. “Pumayag si Light na


tabihan mo siya?!”

“Tinatabihan ko lang siya kapag tulog na siya.” Kandahaba ang


nguso niya. “So, don’t you dare tell him about this.”

“You're crazy!”

Umingos siya. “As if you can accept me if I am not crazy.”


Sinimangutan ko siya. Kung gayon ay hindi alam ni Light na
tinatabihan niya ito. Palaging nakainom si Light kapag nahihiga na,
pero paano kung maunang magising si Light sa umaga at makita
nito na katabi siya?!

Napahalukipkip na ako. “How the hell did you do that without


being caught?”

“Nag-alarm ako.” Itinuro niya iyong tainga niya na may wireless


headset. “I just have to always make sure that Light was already
sleeping before I sneak into his room. Same with your dad.”

Napanganga ako. “Pati si Daddy tinatabihan mo?!”

“Uh, sometimes.” Napakamot siya ng pisngi. “Pag alam ko na


magigising nang maaga si Light tapos inaantok pa ako, lilipat ako sa
kuwarto ng parents mo. Tinataon ko kapag maagang nagigising ang
mommy mo para mag-zumba. Tinataon ko rin na pagod ang dad
mo from business trip para talagang mahimbing ang tulog niya at
hindi siya agad magigising.”

Nakaramdam ako ng pitik ng awa sa dibdib para sa kanya.


Delikado ang ginagawa niya. Sino man kina Daddy at Light ang
makahuli sa kanya ay tiyak na malalagot siya.

“Why are you doing that?” mahinang tanong na umalpas mula


sa mga labi ko. “Bakit hindi na lang ako ang tabihan mo kapag tulog
ako? Wag ka lang papahuli sa akin…”
Hindi siya agad nakasagot. Napatitig siya sa mukha ko ng ilang
sandali. Namula ang kanyang pisngi at pasimple siyang umiwas ulit
ng paningin. “You know, I can’t do that. I have an agreement with
your dad, your room is a restricted place for me.”

“Kung ganoon, wag ka na lang matulog.”

“I need strength.” Sumulyap siya sa akin. “Kailangan ko ng lakas


para maagaw kita kay Light…”

Ipinakita ko sa kanya ang suot kong singsing. “Panther, engaged


na ako. Hindi mo ba nakikita ang singsing na ito?”

Umismid ang mapulang mga labi niya. “I got a better ring for
you.”

“Ulol.” Inirapan ko siya.

“I’m not giving up, Macey.” Biglang humina ang tinig niya. “I
won’t give up on you… kahit ang sakit-sakit na…”

Napatikhim ako para pawiin ang pagtulay na naman ng


kakaibang damdamin. “A-ano iyon?” Kunwari ay hindi ko na lang
siya narinig sa sinabi.

Tumitig lang sa akin ang abuhin niyang mga mata.

“A-ah, sige. Alis na ko. Gusto ko pa pala ituloy ang pagtulog ko.”
Tinalikuran ko siya akma na akong babalik sa aking kuwarto nang
bigla siyang magsalita.
“Why did you say yes to his proposal?”

Napahinto ako sa paghakbang. “H-he’s a good man… I’m sure


he’ll be a good husband to me and—”

“How bad of a person am I to you?”

Tumiim ang mga labi ko. “Umuwi ka na, Panther. Baka


hinahanap ka na ng mga asawa mo.”

“But I am the one you love, right?”

Iniwan ko na siya at hindi na pinagkaabalahang sagutin pa ang


huling tanong niya.

~~~~~~~~

TODAY WAS A SPECIAL DAY. Ngayon na malalaman kung ano ang


gender ng baby ko. Excited ang lahat kaya magkakasama kami sa
isang SUV papunta sa aking OB. My parents were beside me. Si
Light naman ang driver at katabi niya si Panther sa shotgun seat.

Mayamaya ay gumewang kami kaya napahinto ang sasakyan


namin.

“Flat,” sabi ni Light mula sa driver’s seat.

“I’ll call for backup.” Nag-dial agad si Dad sa cellphone niya.


“No need for that, sir. May pamalit naman ho na gulong sa
likod.” Bumaba si Light ng sasakyan.

Dahil malilim naman sa labas ay napababa na rin kami. Light


went to the back of the car to get the spare tire and tools. Para
siguro hindi marumihan o mabasa ng pawis ang suot na long
sleeves shirt ay naghubad siya. Napalunok ng laway si Mommy sa
aking tabi.

Light moved casually in spite of the fact that he looked like a


model with his exposed lean upper body. He was perfect. His
muscles were just right for his towering height. When he bent in
front of the wheel, his eight-pack abs and broad shoulders flexed.

Dahil kulang sa hangin ang gulong na reserba ay kailangan pang


bombahin. Nanguna si Panther na kumuha ng air pump.

“I’ll do the pumping,” he volunteered. Then, he also took off his


shirt showcasing his well-defined pecs and tight eight-pack abs.
Like Light, his toned muscles were perfect for his dominant stature.
Pantay rin ang kulay ng kanyang makinis na balat.

Napapunas ng pawis si Mommy sa aking tabi. “Whew, ang init


pala rito sa labas, anak.”

Napanguso ako at muling napatingin kay Panther na ngayon ay


bahagyang pawisan na. Nakakairita dahil biglang sumasagi sa isip
ko ang kanyang itsura sa kama pag magkasama kami. Parang
nagbobomba rin siya habang pawisan na nakatitig sa akin. I
mentally smacked my own head at the dirty thoughts.
Pagkapalit ni Light ng gulong ng sasakyan ay nagsimula nang
magbomba si Panther. His strong biceps and wide chiseled chest
hardened in my sight while he was pumping the air pump. Hindi ko
namalayan na nakatunganga na pala ako sa kanya.

I didn't expect Panther to glance at me. His lips curled into a grin
when he caught me watching him. Ramdam ko agad ang
paggapang ng init sa aking mukha. Nagpatay malisya ako at
kunwari’y hindi apektado.

Nang matapos silang dalawa ni Light ay pareho silang pawisan.


Dalawang gulong pala kasi ang flat, nagsalitan tuloy sila sa
pagbomba. Salitan din tuloy ng tingin sa kanila ang mga babaeng
napaparaan sa kalsada.

Even I couldn’t help but look at them as they were both quite a
looker. Hindi sila puwedeng hindi mapapansin, parehong
nagmumura sa kaguwapuhan ang mga mukha nila, tapos pareho
pang matatangkad, at may magandang tindig at katawan.

Napakapit si Mommy sa braso ni Daddy. “Tingnan mo sila,


honey. Ang macho nila, `no?”

Umismid si Daddy at lumapit sa dalawang lalaki. “Let me help


you, boys.” Pagkuwan ay naghubad na rin ito ng suot na long
sleeves polo. My dad’s physique looked like he was only in his
thirties. He was still sexy. Kung titingnan sila ay para lang silang
magkakapatid at siya ang panganay sa kanila.
Sa paguwapuhan ay hindi rin papahuli si Daddy sa dalawang
lalaki. Napakagat-labi tuloy sa tabi ko si Mommy. Ako naman ay
napatapik na lang sa aking noo.

~~~~~~~~

MATAPOS ANG EKSENA sa kalsada ay sa wakas, nakarating din kami


sa ospital. Nasa waiting area sina Mommy at Daddy habang sina
Panther at Light ay nakasunod sa akin hanggang sa pinto ng OB.
Parehong tensyonado ang mga itsura nila. Pinagtitinginan tuloy
kami ng mga nurse. Nagtataka marahil sila kung bakit dalawang
lalaki ang nakabuntot at todo alalay sa akin.

“Ako na lang ang papasok sa loob,” sabi ko sa kanila. Para


walang inggitan at gulo, hindi ko sila isasama pareho.

Bakas sa mukha ng dalawang lalaki ang pagtutol pero


tinalikuran ko na sila. Pumasok na ako sa loob at aking ini-lock ang
pinto.

Sa loob ay naghihintay na sa akin si Dra. Garcia. Ang nasa mid-


fifties na babae ang OB ko. Alam niya na papunta ako ngayon.
Bukod sa naka-sched ay tumawag din ako kanina sa secretary niya
rito sa Montemayor Hospital.

Matapos ang ultrasound ay hindi na nakangiti si Dra. Garcia.


Wala akong narinig na paliwanag sa kanya hindi gaya nang mga
nakaraan kong ultrasound. Nakapagtataka dahil bukod sa ang tagal
ng proseso ay may ginawa pa siya sa akin na iba pang test.
Hanggang matapos ay hindi niya pa rin binabanggit ang gender ng
baby ko.

Ang tagal ko na naghintay. Kausap niya ngayon ang isa sa nurse


niya. Hindi ko gusto ang ideya na nabubuo.

Nagulat ako nang imbes na patayuin sa higaan ay kumuha sila


ng transfer stretcher with wheels. Kinabahan na ako dahil seryoso
ang ekspresyon ni Dra. Garcia habang nag-uutos sa mga nurse niya
na ilipat ako roon. Narinig ko rin ang salitang ‘emergency’.
Pinanlamigan ako ng katawan.

“Miss Sandoval, I need to talk to your guardian before we


proceed to the operating room.”

Nanginginig ang kamay na napahawak ako sa hospital gown ni


Dra. Garcia. “B-bakit, Doc? A-anong problema?”

Naluluha na ang mga mata ko pero hindi pa rin nagsasalita ang


doktora. Daig ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa nang
magsalita na siya.

Kinuha ng doktora ang aking palad. “Tatagan mo ang loob mo,


pero kailangan nang alisin ang bata sa sinapupunan mo.”

Nag-echo sa aking pandinig ang sinabi niya.

“Miss Sandoval, I'm sorry to say, but you lost your baby.”
LEVEL 45

“NO!” sigaw ko.

No! Oh, God! No! This couldn’t be real. Ayaw ko at hinding-hindi


ko matatanggap na wala na ang baby ko—

“Macey!” nag-aalalang tinig ni Mommy na humalo sa


lumalabong tinig ni Dra. Garcia. “Macey, gumising ka!” Kasabay
niyon ay ang pagyugyog ng katawan ko.

Napamulat ako at napalingap sa paligid. Nasa VIP waiting lounge


ako kasama si Mommy. Magkatabi kami sa leather sofa habang
niyuyogyog niya ang aking balikat. Kulang na lang ay sampalin niya
ang aking mukha ako para lang magising ako.

Mulagat na napatitig ako sa kanya. “M-Mom…”

“Ano bang napanaginipan mo? Binabangungot ka yata.”

Napahawak ako sa aking dibdib na kinakabog ngayon ng kaba.


Oh, God! What the heck did I just dream of?!

Para akong masisiraan ng ulo dahil sa panaginip na iyon.


Bagaman sobrang pasasalamat ko na hindi iyon totoo. Napahimas
tuloy ako sa tiyan ko. Natatakot pa rin ako kahit panaginip lang
iyon. Baka kasi isa pala iyong babala.
Kailangan na akong maging maingat para sa baby ko. Gusto ko
siyang maging healty simula ngayon. Kakain na ako sa tamang oras
at hindi na ako magpupuyat. Sisikapin ko rin na hindi na ma-stress.

Bumukas ang pinto ng lounge at pumasok doon si Daddy.


Napakunot-noo siya nang makita na namumutla ako. “What
happened to you?”

Si Mommy ang sumagot, “Nakaidlip sa pagkainip. Binangungot


yata.”

Hinawakan ako ni Daddy sa pisngi. “`You okay?”

Tumango ako para hindi na siya mag-alala. Pagkatapos kasi


nitong pagsama niya sa amin ay dideretso pa siya sa Taiwan para sa
isang business meeting doon. “I’m okay, Dad. Just nervous.”

Lumabas na kami ng lounge matapos kong ayusin ang sarili. Sa


labas ay naroon sina Panther at Light. Si Light ay nakasandal sa
pader ng hallway habang nakapamulsa sa suot na jeans. Nang
makita niya ako na lumabas sa pinto ay nagliwanag ang kanina’y
kalmado niyang mukha.

Sa ‘di kalayuan ay natanaw ko si Panther. May kausap siya sa


cellphone kaya hindi niya ako napansin. Masyado siyang seryoso sa
pakikipagusap. Sino ang kausap niya? Isa ba sa mga asawa niya? O
baka si Debi…
Nang makaramdam na naman ako ng pait sa dibdib ay pinilit ko
iyong ignorahin. I couldn't be stressed. I needed to be always happy
and healthy for the sake of my precious baby.

Nang matapos si Panther sa kausap niya sa phone ay saka lang


siya napatingin sa akin. Ngumiti siya pero nag-iwas agad ako ng
mata. Pumasok na ako sa kuwarto ng aking OB. Sumunod siya sa
akin at ganoon din si Light.

Sa loob ay naghihintay si Dra. Garcia at ang assistant nurse.


Hindi pa makapagsimula ang doktora dahil siguro’y nagtataka ito
kung bakit dalawang lalaki ang escort ko.

Sumingit si Panther mula sa likuran ko para kamayan at


magpakilala kay Dra. Garcia. “Good morning, Doc. I’m the baby’s
father.”

Kinamayan naman siya ni Dra. Garcia. “It’s nice to meet you,


sir.”

Nakipag-kamay din si Light. “Good morning, Doc. I’m the baby’s


step-dad.”

Napatingin sa akin si Dra. Garcia matapos kamayan si Light. “H-


hello. It’s nice to meet you too, sir.”

Pinahiga na ako para sa ultrasound. Habang naghahanda ang


babaeng assistant nurse ay panay ang sulyap nito kina Panther at
Light, paano’y bukod sa ang guguwapo ay mga takaw-pansin ang
pagiging tensyonado nila.
Kinakabahan ako sa ultrasound pero nawawala ang kaba ko at
napapalitan ng hiya dahil sa dalawang ito. Kapwa namumutla sina
Panther at Light habang inaasikaso ako ni Dra. Garcia. Kung
kabahan sila ay parang sila ang buntis at hindi ako.

Si Panther ay halatang kanina pa may gustong itanong kay Dra.


Garcia. Nang hindi na makapagpigil ay nagtanong na siya, “Doc, is it
normal for a pregnant woman to be always angry and short-
tempered? You know, she's always angry at me.”

“Yes. It's quite normal for pregnant women to be angry at


times. Aside from the physical changes to support the growing life
inside the body, many pregnant women undergo stress,
nervousness, and tension of the unknown. Due to all the physical
and emotional changes, their hormones tend to fluctuate, leading
them to feel more intense feelings and mood swings. Anger and
irritation are part of it.”

Pakinig na pakinig naman si Panther. Gayundin si Light. Kulang


na nga lang ay maghanap sila ng papel para mag-jot down.

“You have to be understanding and patient with her.”

Tumango-tango si Panther at nang tumingin sa akin ay


malambing na ngumiti. Parang tanga.+

Nagpatuloy si Dra. Garcia, “I’m sure Miss Sandoval is


experiencing food cravings, fatigue, and nausea. May pagkakataon
din na maiksi ang pasensiya niya. That’s really normal. But if you
think that the anger and mood swings are already becoming
consistent and increasing in duration, let’s say longer than two
weeks— then, we got a serious problem there. Continuous mood
swings can be is a sign of anxiety and it can lead to a poor
pregnancy. Kailangan nang humingi ng referral para sa tamang
espesyalista.”

“Nah, sa akin lang naman siya laging badtrip,” ani Panther.


“Mabait siya sa iba.”

Maliit na napangiti si Dra. Garcia.

Si Light naman ang nagtanong. “As the baby’s step-dad, I’d like
to ask too. Is it okay with the mother to exercise during pregnancy?
I'm just worried because she doesn't have any physical activities
lately. She’s always feeling sleepy and lazy.”

“There’s a proper exercise for Miss Sandoval. I’ll discuss it


later,” sagot muli ni Dra. Garcia.

“Nawala ang gana niya sa pagkain, is that normal, Doc?” si


Panther ulit. “I’m asking as the father of the baby.”

“That’s normal. Babalik din iyon basta kailangan lang


magpatuloy sa pag-inon ng prescribed vitamins,” si Dra. Garcia.

“Can we add more vitamins to get her appetite back


immediately?” kasunod na tanong agad ni Light. “I need to know
this as the baby’s step-dad.”
“I’ll make prescriptions later for that.”

“Are all her tests normal?” si Panther ulit. “Just asking as the
father of the baby.”

Napalingon si Dra. Garcia sa lalaki. “All her tests are normal


except her blood pressure.”

“Is thatbad news?” tanong muli ni Light. “Just asking as the


baby’s step-dad.”

Sa kanya naman lumingon si Dra. Garcia. “It’s just a mild


hypoglycemia. Miss Sandoval just needs well-balanced meals and
adjustment in her meds to keep her blood sugar levels steady.”

“But Macey is healthy, right?” Si Panther na naman ang


nagtanong. “As the father of the baby, I need to be sure she’s fine.”

“Yes, she’s healthy,” sagot ni Dra. Garcia na napalingon ulit kay


Panther.

“And the baby is healthy too, right, Doc?” Si Light ulit. “As the
baby’s step-dad, I need to make sure that the baby is in good
condition.”

“Yes, the baby is healthy,” sagot ni Dra. Garcia na napalingon


naman kay Light.

Tila nahihilo na si Dra. Garcia dahil hindi niya na malaman kung


sino ang lilingunin sa dalawa na salitan sa pagtatanong sa kanya.
Dahil naitanong na nina Panther at Light ang halos lahat ng
tanong, at nasagot na rin ni Dra. Garcia ang mga gusto kong
marinig ay nakahinga na ako nang maluwag. Ligtas at malusog
naman ang baby ko. Malayung-malayo ito sa bangungot ko.

Humarap si Dra. Garcia kay Panther. “The father of the baby,


any more questions?”

Umiling si Panther.

Kay Light naman sumunod na bumaling si Dra. Garcia. “The


baby’s step-dad, any follow up questions?”

Umiling din Light.

“Good.” Pagkuwan ay bumaling sa akin si Dra. Garcia para sa


ultrasound ko. Hindi na pinaalis ng doktora sina Panther at Light
dahil mukhang wala ring balak lumabas ng kuwarto ang dalawa.

Nasa mukha nina Panther at Light ang excitement habang


naghihintay. Parang kanina lang ay may kompetisyon sila. Ngayon
ay nakapakaseryoso nila habang nakatitig sa monitor.

Kinumutan ako ng nurse at saka itinaas ang aking damit sa


gawing tiyan. Natutop ni Panther ang kanyang bibig sa
pagkamangha nang makita ang baby bump ko. Sa bahay kasi ay
parating shirt o maxi dress ang suot ko kaya hindi iyon gaanong
halata. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil parang ang cute ng
reaction niya.
Habang inu-ultrasound ako ay nakatingin na kaming lahat sa
screen ng monitor. Mauulinigan na rin sa paligid ang tibok ng puso
ng baby. Tahimik ang lahat sa pagkamangha. Lalong-lalo si Panther
na ngayon ay pinangingiliran ng luha ang abuhing mga mata.

“Oh, God…” Lumapit pa siya sa monitor.

May tila kumurot sa puso ko sa nakikitang reaksyon niya. Kulang


na lang ay haplusin niya ang screen.

“My baby…” sambit ni Panther na bahagyang may garalgal.


“Little one, do you know me? I’m your dad and I love you so
much…” Humina ang tinig niya at pumiyok siya. “I… I can’t wait to
carry you in my arms…”

Dinutdut-dutdot niya ang monitor hanggang sa matigilan siya.


Nahinto ang kanyang hintuturo sa banda na parang may maliit na
lawit.

“Oh, is this his weenie?!”

Si Light ay napaabante rin para i-check iyong lawit ng baby.

Napapalatak si Panther. “This is a weenie, right, Doc? Is he a


boy?!” bulalas niya na naluluha sa tuwa. “Oh, he got a cute weenie
here! He’s a boy, right? He’s a boy?!”

Napangiti si Dra. Garcia. “Yes, the baby’s gender is boy.”


“Oh, God! A boy!” Napasuntok si Panther sa hangin sa sobrang
tuwa. Dinutdot niya ulit ang screen. “Hey, buddy! You got a cute
weenie right there, huh!”

Hindi na rin ako nakapagpigil ng luha at ngiti. Si Light sa tabi ko


ay pasimple namang nagpunas ng mata. Nang tumingin siya sa akin
ay pinamulahan siya ng mukha.

“The baby is healthy,” nakangiting sabi ni Dra. Garcia dahil


parang hahagulhol na si Panther.

Hindi ko napigilan ang mapaluha. Napakasaya ko na malusog si


baby sa loob ng aking tiyan. Ang dalawa ay nanahimik na.

“May naiisip na ba kayong pangalan?” friendly na tanong ni Dra.


Garcia.

“Phanda!” maliksi na sagot ni Panther.

Napangiwi ako sa sinabi niya.

“I’m the father of the baby, so I should decide for his name!”

“Excuse me.” Tumikhim si Light. “I’m the baby’s step-dad and


his mother’s fiancé, I have the right too to decide for his name.”

“At ano naman ang ipapangalan mo sa anak ko?!” iritableng


tanong ni Panther sa lalaki.

“Dark.”
Nangasim ang mukha ko.

“Phanda is way better,” may gigil sa tono na pagpipilit ni


Panther sa pangalang gusto niya.

“No. I think Dark is the best name,” pagmamatigas naman ni


Light.

“Phanda sounds cuter!”

“Dark sounds cooler.”

“Phanda is fantastic!”

“Dark is perfect!”

Tumikhim si Dra. Garcia. “How about we ask the mother of the


baby?” Bumaling ito sa akin. “What name do you think will suit
your baby, Miss Sandoval?”

“Mac.” Iyon ang unang pumasok sa isip ko.

“Yeah, how about Mac Phanda?” Dinugtungan agad ni Panther.

“How about Mac Dark?” Hindi naman nagpatalo si Light.

“May I suggest a name?” biglang sumingit si Dra. Garcia.

Napatingin kaming tatlo sa kanya.


Ngumisi ang doktora. “How about Mac Dark Phanda?”

Lumabas sina Panther at Light ng pinto nang walang pasabi.

~~~~~~~~

MALACHI BLADE SANDOVAL.

Our strong little fighter ‘Baby Blade’, iyon ang kinahantungan ng


pangalan ng anak ko. The first name ‘Malachi’ was from the bible
while the second name was suggested by my dad. ‘Blade’ was a
modern and inventive goth name that meant dangerous sword in
Old English origin.

Dad threw a party the very night we got home from the
hospital. Naging busy ang buong mansiyon dahil sa mabilisang
preparasyon. Nang sumunod na araw ay may party ulit. Ito rin ang
unang beses na nag-leave ng five days sa work si Daddy. Hindi
maitago ang excitement niya. Parang ang gusto pa yata niya ay
araw-arawin ang party hanggang sa makapanganak ako. Mas
excited pa siya kaysa sa amin ni Mommy.

Excited din ako at masaya, kaya lamang ay hindi naging


maganda ang aking mood kinabukasan. Nalaman ko na umalis si
Panther para umuwi sa Red Island kung saan naroroon ang Red
Mansion. Nagpaalam lang siya kay Daddy na meron daw siyang
importanteng aasikasuhin.

Alam ko naman kung ano ang ‘importanteng aasikasuhin’ niya.


Hindi puwedeng hindi niya kumustahin ang iba niyang mga asawa.
Of course, he would go home to them. Though, Debi might have
been his only reason to go back to the Red Mansion since she was
his favorite wife.

Nang nasa ospital ay nakita ko si Panther na may katawagan sa


phone at malakas ang kutob ko na si Debi ang kausap niya.
Pagkauwi namin galing sa ospital ay lumabas siya sa garden at doon
ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa phone. Based sa may pag-
aalalang ekspresyon niya, si Debi nga talaga ang nasa kabilang
linya. Nakikita ko lang naman kasi na nag-aalala siya kapag si Debi
ang pinag-uusapan.

Maybe Debi already missed him. Hindi naman niya ito matitiis
dahil importante ito sa kanya. May kurot iyon sa dibdib ko kahit pa
matagal ko naman nang natanggap ang sitwasyon nila. Nakakagalit
lang dahil sinusubukan ko nang makalimot pero pumunta pa siya
rito para guluhin na naman ako.

Maganda na rin siguro na umuwi na siya sa Red Mansion


ngayon. Sana wag na siyang bumalik sa akin dahil hindi ko naman
siya kailangan. Nanggugulo lang siya rito. Ginugulo niya lang ako.

Wala rin namang mangyayari kahit mag-stay pa rito si Panther.


Hindi na niya mababago ang isip ko. I refused to suffer anymore
and there was nothing he could do to change my mind. I would
marry Light and he was going to be the step-dad of my baby.

Sumunod na gabi ay may party na naman. Mas malaki kaysa


nang mga naunang party dahil mas napaghandaan ang ngayon.
Funny because many people from business world and politics
attended the party, but no one dared to ask what the occasion
was. Maybe they are afraid to ask my dad or they just didn't really
care.

Maganda na rin iyon na hindi nila alam at wala silang pakialam.


Maliban sa mga businessmen and politician, walang media na
inimbita si Daddy. Mahigpit ang mga guards para sa gate crashers,
kaya mas mabuti na wala talagang mag-uusisa. Gusto ko nang
tahimik na buhay at hindi mangyayari iyon kung malalaman ng
madla na anak ni Panther Foresteir ang aking dinadala.

Isa pa sa iniiwasan ko ang makaladkad ang pangalan ni Light


kung sakaling malalaman ng mga tao na magpapakasal kami pero
hindi naman siya ang ama ng baby. Pribadong tao si Light at ayaw
ko na maging problema niya pa ang mga media.

Speaking of Light, kanina ko pa siya hindi nakikita. Iginala ko ang


aking paningin sa paligid. Wala siya sa malawak na garden kung
saan ginaganap ngayon ang party. Bumalik ako sa mansiyon. Wala
siya sa sala at maging sa veranda. Naisipan ko na puntahan siya sa
mismong kuwarto niya.

Dalawang katok lang nang bumukas na agad ang pinto.


Tumambad sa akin si Light. Puting plain shirt at sweatpants na puti
rin ang kulay ang kanyang suot. Kaya pala hindi ko siya makita sa
party, mukhang hindi talaga siya lumabas mula kanina.

I saw Light on the corner. Nakaupo siya na halos pikit na ang


isang mata. Wala pa rin siyang hinto sa paglagok ng hawak niyang
beer. Mukhang lasing na siya.

“Macey, w-why are you here?” tanong niya sa paos na tinig.

Nakarinig ako ng yabag ng papalapit mula sa hallway, kaya


itinulak ko si Light sa matigas niyang dibdib hanggang sa
makapasok ako sa loob ng kanyang kuwarto. Nang nasa loob ay na
ay nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

“Sorry, pumasok na ako,” paumanhin ko. “Hinahanap kasi kita.


Kaninang umaga ka pa hindi nagpapakita. Anong nangyari sa `yo?
Okay ka lang ba?”

Namumula ang kanyang pisngi kaya inabot ko siya ng kamay


para damahin kung mainit ba siya. Tila siya napaso na lumayo sa
akin. “W-what are you doing?!” bulalas niya. Lalo pa siyang namula.

“Inaalam ko lang kung may sakit ka ba.”

Nang akma ko siyang aabutin ulit ay hinuli niya ang aking pulso.
Nang akma ko iyong babawiin ay hindi niya pinakawalan, sa halip
ay ang pagkakahawak niya ay lalo niyang hinigpitan. Napamaang
ako sa kanya.
“Don’t you know what you’re doing right now?” Sa
pagkakataong ito ay mabigat na ang tila hirap na tinig niya.

“L-Light, ang kamay ko…” Sinikap kong bawiin ang aking kamay
nang hilahin niya ako, dahilan para mapasubsob ako sa ilalim ng
mabangong leeg niya.

Nang tingalain ko siya ay nasamyo ko ang humahalong amoy ng


alak sa kanyang mainit na hininga. Napasinghap ako nang
mapagtanto na nakainom siya. Aatras sana ako nang humapit sa
aking bewang ang isang kamay niya.

Yumuko siya hanggang sa ang mga labi niya ay nasa aking leeg
na. “Macey,” anas niya na nagpatayo ng mga balahibo ko sa
katawan. “Why did you come here? Aren’t you afraid of me? Do
you really trust me that much?”

Nakagat ko ang aking ibabang labi.

“Do you really think I am a genuinely nice guy? Or is it because


you just don’t really see me as a man?”

I tried to push Light, but even with only one of his arms around
my waist, I still couldn't get away from him. He was very strong.

Tuluyan niya na akong niyapos na nagpatigagal sa akin. “Macey,


do you really think that I won’t do anything to you? Hmn?”

“L-Light, lasing ka. Bukas na tayo mag-usap, ha? Magpahinga ka


na lang.” Pinilit ko pa ring magpumiglas kahit parang bakal ang
braso niya na nakayakap sa akin. “Bitiwan mo na ako, please. Aalis
na ako—”

“Do you remember when you asked me why I kissed you? I


didn't answer you, did I? Do you want me to answer your question
now?”

Umiling ako. I had an idea what he would say, but I didn't want
to hear it.

“Macey, I’ll tell you a secret…”

Itinaas niya ang aking mukha para magtama ang aming


paningin. Pinipilit kong umiwas pero malakas siya kaya naiharap
niya ako sa kanya. Nakita ko ang malamlam niyang mga mata na
nakatunghay sa akin.

“I don’t want Panther around you… I am jealous of him… And I


think you know why… You know why, but you’re afraid to admit to
yourself that you know the truth.”

“P-please, Light, no…”

Malungkot siyang ngumiti sa akin. “I’m sorry, but you need to


hear it.” He continued talking,”Macey Ela Sandoval, I love you…”
LEVEL 46

MACEY ELA SANDOVAL, I LOVE YOU…

Light had said it. Nanghina ako sa loob ng mga bisig niya.

When he felt that I was no longer resisting, he gently released


me. Nasa mga mata niya ang gulat at pagsisisi sa sariling nagawa at
mga nasabi. Ang isa niyang kamay ay napahawak sa kanyang bibig.
“Macey, I’m sorry.”

Nabitiwan niya na ako pero hindi pa rin ako makagalaw. Kahit


gusto ko nang umalis ay hindi ko magawa.

Yumuko siya. “Forcing myself into you is not really my thing.”

Tumango ako. Nang sa wakas ay pakiramdam ko’y kaya ko nang


maglakad ay marahan akong tumalikod sa kanya. Walang imik na
lumabas na ako ng kanyang pinto at iniwan ko na siyang mag-isa.

Pagpasok ko sa aking kuwarto ay naupo ako sa edge ng kama.


Hindi mabura sa mga mata ko ang sakit sa mga mata ni Light nang
makita niya ang aking reaksyon. Nasaktan siya dahil siguro nabasa
niya sa akin na hindi pa ako handa. Hindi ko pa siya handang
tanggapin at ito ang aking kinatatakutan.

Light was right that I was afraid to admit to myself that I already
knew how he really felt. Natatakot ako na masira kung ano ang
meron kami ngayon. Light was a good friend. A good person.
Mapagkakatiwalaan siya kaya nga pumasok sa isip ko ang tungkol
sa pag-alok sa kanya ng kasal. I just didn’t expect him to accept it
right away.

Aware siya sa kalalabasan ng kasal pero ayos lang sa kanya.


Nang mapagnilayan ang mga bagay-bagay ay nakonsensiya ako.
Ayaw kong sayangin ang buhay niya kung basta ko siya itatali sa
kasal na ang pagsasama ay walang kasiguraduhan, kaya ang plano
ko ay pag-aralan siyang mahalin. Kapag mahal ko na rin siya ay
baka sakaling makaya ko nang marinig ang nararamdaman niya—
pero ngayon pa lang ay narinig ko na.

Ngayon natatakot ako na tuloy ako dahil paano kung hindi ko


siya matutunan na mahalin? Oo, mabuti siyang tao pero lalaki pa
rin siya. Meron siyang pangangailangan na baka hindi ko maibigay
dahil hindi ako handa. Gaano man kahaba ang pasensiya niya, alam
kong darating ang araw na maiinip siya.

Darating ang araw na itatanong niya ako kung bakit hindi ko siya
magawang mahalin, darating ang araw na pagsisisihan niya ang
pagkasayang ng buhay niya sa akin…

At ang mas ikinakatakot ko ay ang pagdating ng araw na


isusumbat niya sa akin kung bakit sa kabila ng lahat, bakit si
Panther pa rin…

~~~~~~~~

APAT NA ARAW. Apat na araw na ang lumipas na hindi pa rin


bumabalik si Panther. Mukhang na-miss niya ang mga asawa niya.
Baka pinigilan na rin siya ni Debi na umalis at nagpapigil naman
siya. Knowing him, hindi niya matitiis ang paborito niyang asawa.

Dapat masaya ako dahil iyon naman ang gusto ko. Puwede na
ulit akong magsimula na kalimutan ang lalaking iyon, pero heto at
bumabalik ang galit at sakit sa dibdib ko. I was not happy at all!

Meron din pala siyang balak na lumayas, bakit pa siya nagpunta


rito in the first place? Bakit nagparamdaman pa siya? Nagsisikap na
akong makaahon, bakit ginulo niya pa ako?

Bakit nangako pa siya na hindi siya aalis at susuko, tarantado


siya?! Gustong-gusto niya talaga na pinapaasa at sinasaktan ako,
hindi na siya naawa na buntis ako. Bakit noon nang akala niya na
buntis si Debi ay takot na takot siyang makagawa ng kahit anong
ikasasama ng loob ng babae? Bakit ‘pag sa akin, okay lang?!

Napahilamos ako sa aking mukha. I was acting pathetic again.

“Anak, ayos ka lang?” untag sa akin ni Mom. “Kanina mo pa


sinasaksak ng tinidor yang sausage sa pinggan mo.”

Nasa hapag kami at nagtatanghalian. Kung hindi ako tahimik ay


palaging mainit ang aking ulo at napapansin na iyon ng mga tao sa
paligid ko.

“I’m sorry, Mom. I think I lost my appetite.”

“Wala ka na naman ganang kumain? Paano ang baby mo?”


Napahawak ako sa aking tiyan. “Babawi ako ng kain mamaya.
Inaantok na kasi ako.”

“Oh siya, sige. Matulog ka na muna sa kuwarto mo.”

“Mom, where’s Light?” tanong ko sa kanya bago ako tumayo.


Mula nang mag-usap kami ni Light noong gabi na lasing siya ay
hindi na ulit kami nagkausap ulit. Pagising niya siguro kinabukasan
ay hindi niya na yata matandaan ang pagtatapat niya sa akin. Pabor
iyon sa akin kaya umakto na lang din ako na hindi iyon nangyari.

Talaga nga kayang wala siyang natatandaan? O nagpapanggap


lang siya dahil nahihiyasiya sa akin? Ano man ang totoo ay mabuti
na ang hindi muna namin pag-usapan ang tungkol doon. Magulo pa
ang isip ko.

“Ah, si Light?” Naging animated ang mga mata ni Mommy dahil


sa pagtatanong ko.

“Yes, Mom. Nasaan siya? Parang ang aga niya palaging umaalis
ngayon, ah?”

Ngumisi siya. “Nandoon sa mga amiga ko. Siya muna leader ng


zumba roon.”

Nabitiwan ko ang kutsara’t tinidor. “What? Marunong ba


sumayaw iyon?!”

“Marunong naman siya, e. Ang galing niya nga magmasahe.”


“Akala ko zumba? Bakit kailangang niyang magmasahe?!”

“Extra service kumbaga.”

“Mom!” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Bring him back here!


He’s my bodyguard and not a masseur!”

“Sige, hija, sasabihan ko siya. Pero simula kasi nang maging


leader namin siya sa zumba, natuto ng mag-tumbling ang mga
amiga ko.”

“Stop it, Mom. Just bring him back here!”

“Pero ang galing kasi magmasahe ni Light, anak. Iyong mga


amiga kong banlag, naduling sa sarap.”

Natapik ko ang aking noo. “Oh, crap!”

Iniwan ko na si Mommy sa dining table. May lakad din kasi siya,


pupuntahan na naman niya ang kapatid ko sa condo nito. Umakyat
na ako ng hagdan papunta sa aking kuwarto. Pero bago ang
kuwarto ko ay madadaanan muna ang guestroom na kuwarto ni
Panther. Tila may sariling isip at pagpapasya ang mga paa ko na
kusang huminto pagtapat doon.

Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit


ba parang hinahanap-hanap ko ang lalaking iyon?

Paalis na ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto. Napasinghap


ako nang lumabas mula roon ang isang matangkad na lalaki. Naka-
side view siya sa akin nang lumabas sa pinto kaya ang una kong
napansin ay ang mahaba niyang pilik-mata at ang mataas na bridge
ng matangos niyang ilong.

Panther?!

Mulagat ako at napakurap-kurap dahil baka imahinasyon lang


siya. Pero siya talaga ito. Nandito talaga siya sa harapan ko!

“Akala ko ba umalis ka?” Hindi ko napigilan ang aking bibig.


“Nandiyan ka lang pala sa kuwarto mo!”

Kumiling ang ulo niya. “Ma’am?”

“Ha?” Muli akong kumurap at sa pagkakataong ito ay tila magic


na nagbago ang istura ng lalaki. Naging maliit ito, maiitim, at
nagkaedad. Nakilala ko ito agad—driver ni Dad!

“A-anong ginagawa mo riyan?” nauutal dahil sa hiya na tanong


ko rito.

Napakamot ito ng tainga. “Inutusan po ako ni Sir Macoy na


kunin ang susi sa rooftop, hiniram po kasi ni Sir Panther noong
nakaraan.”

Bumagsak ang balikat ko. Nasa rooftop ng mansiyon namin ang


helipad kung saan naroon ang chopper ni Panther. Nang umalis na
ang driver ni Dad ay tumunog ang phone ko.
Nang makita ko sa screen ang pangalan ni Panther sa screen ay
nanlaki ang mga mata ko. Kulang na lang ay mabitiwan ko ang
gadget dahil bigla na lang nanginig ang mga kamay ko. Sasagutin ko
ba siya? Pinaghintay ko muna siya ng ilang segundo bago ko
sinagot.

“Hello?” Sinikap kong gawing malamig ang tinig.

[ So, how are you, pregnant brat? ]

Pregnant brat?! Tiningnan ko ulit ang screen ng aking cellphone.


It was my younger brother Phoenix. Hindi pala pangalan ni Panther
ang nabasa ko! Namalik-mata lang ako.

[ Hey, sis! Buhay ka pa? Pakausap sa pamangkin ko. Itapat mo


iyong phone sa tiyan mo! ]

Kumibot ang sentido ko. “Mamaya ka na tumawag, wala ako sa


mood.” Pagkuwan ay pinatayan ko na siya ng linya. Mukhang bored
ang talipandas kaya naisipang mambuwiset.

Pumasok ako sa aking kuwarto at naupo sa edge ng kama.


Napatingin ako sa pinto ko na nakalimutan kong isara. Naalala ko
ang mga umaga na napagbubuksan ko roon si Panther. Doon siya
palagi nakatayo sa labas ng pinto habang bitbit ang tray na may
lamang pagkain.

Hind siya nagsasawang gawin iyon araw-araw kahit lahat naman


ng dinadala niya ay tinatanggihan kong kainin. Wala siyang absent
na dalhan ako ng pagkain kahit alam niyang mabibigo lang siya.
Ngayon na wala siya ay wala nang naghahatid sa akin ng
pagkain. Minsan kasi ay busy si Light dahil madalas na itong kasama
ni Daddy kapag pupunta ang lalaki sa airport. O kaya naman ay
kasama siya ni Mommy sa mga zumba session.

Napasabunot ako sa aking buhok. What the hell was wrong with
me?! Ano ngayon kung wala si Panther? Nami-miss ko ba siya?

No. I shouldn’t miss him. Nasa piling siya ngayon ng mga asawa
niya, napakatanga ko na para umasa pa sa kanya. Kahit bali-
baliktarin ang mundo, kahit ano pa man ang nararamdaman ko
para sa kanya ay wala nang patutunguhan ito.

Bumangon ako at naghanap ng damit sa closet. Bago pa ako


mabaliw rito sa bahay kakaisip ay aalis na lang muna ako.
Maglilibang ako at magpapatay ng oras. Bahala na kung saan man
ako dalhin ng aking mga paa.

~~~~~~~~

“MACEY?!”

Katatapos ko lang mag-window shopping sa mall at ngayon ay


nasa isa akong Italian restaurant. Mag-isa akong kumakain sa mesa
ng aking in-order na Rigatoni alla Carbonara at gelato nang lapitan
ako ng isang babae.
Napahinto ako sa akmang pagsubo at napatingala rito. Ang
maamong mukha ng babae ang kumuha ng atensyon ko. Nang
mahinhin siyang ngumiti ay doon na ako napatili. “Giana?!”

“Yes, Macey!” Lumawak ang ngiti niya at halos lundagin niya


ako ng yakap. “I missed you so much, Macey! Kumusta ka na?!”

Nang maupo siya sa kaharap kong upuan ay kukurap-kurap pa


rin ako. “What are you doing here?” Hindi ako makapaniwala na
kaharap ko siya ngayon. Bakit siya naririto? Bakit wala siya sa Red
Mansion?

Kumiling ang ulo niya. “You don’t know?”

“A-ang ano?”

“Oh, bago ko sabihin, ime-message ko muna si Morga na nakita


kita. Kasama ko siya ngayon, e. I’m sure matutuwa siya na makita
ka.” Nagtipa siya sa kanyang phone.

Takang-taka naman ako. Kasama niya si Morga? Kung ganoon ay


pareho silang wala ngayon sa Red Mansion? Pero bakit? Paano sila
nakaalis doon?!

Ilang sandali lang ay papasok na sa entrance ng resto ang isang


sopistikada at petite na babae. Hapit na kulay pulang tube dress
ang suot nito. Blonde na ang buhok pero nakilala ko pa rin—Si
Morga!

“Are you kidding me?!” bulalas ko nang nakalapit na ito sa amin.


Ibineso ako ni Morga. Amoyalak ang babae. Mukhang ginawa na
talagang hobby ang pag-iinom.

Humila naman ng upuan si Giana at naupo sa tabi ko. Sumenyas


siya sa waiter para um-order ng para sa kanila ni Morga. Hindi nila
alam na buntis ako. Sa ngayon ay wala pa akong balak na ipagtapat
sa kanila ang tungkol dito. Nahihiya ako sa kanila dahil mga asawa
pa rin sila ni Panther. Buti na lang ay hindi halata sa tiyan ko na
buntis ako. Mukha lang akong busog. Isa pa, maluluwag na damit
lagi ang suot ko.

Si Morga ay dumi-quatro sa pagkakaupo. “You know, Macey,


mahigit isang buwan na kaming wala sa Red Mansion. Actually,
may plano na kami ni Giana na hanapin ka. May inayos lang kami sa
kanya-kanyang buhay namin kaya medyo natagalan kami. Pero ito,
destiny pala na makita ka namin ngayon dito.”

“Kakatanggap pa lang namin ng lead sa inupahan namin ni


Morga na investigator para hanapin ka. We just found out today
where you live, Macey. Pati ang company ng daddy mo ay ngayon
lang namin nalaman, mayaman ka pala talaga.” Malumanay ang
tinig ni Giana bagama’t kababakasan ng saya. “Pupuntahan ka na
sana namin ni Morga, pero ito nga at nakita ka na namin.”

“Ano ba talagang nangyayari?” Confused pa rin ako. “Bakit nga


kayo nandito? Bakit kayo wala sa Red Mansion? Paano kayo
nakalabas ng Red Island?!”

Nagkatinginan ang dalawa.


“She really have no idea.” Napailing si Morga.

“Uhm…” Kiming ngumiti sa akin si Giana. “Panther released us


after filing a divorce in the court of Red Marshal. In short,
hiniwalayan niya na kami.”

Bumagsak ang panga ko sa gulat. Nag-file ng divorce si Panther


at hiniwalayan na sila? But why?! What happened?! Hindi ako
makapaniwala.

“I am so happy, Macey.” Hinawakan ni Giana ang kamay ko at


pinisil. “Malaya na ako ngayon. Malaya nang mamuhay nang
normal at pumili ng lalaking aking mamahalin.” Pagkasabi’y
sumulyap siya sa entrance ng resto, at doon ay saka ko lang
napansin na nakatayo ang isang guwapong lalaki. Nang makilala ko
ito ay nanlaki ang mga mata ko—ang protector niya na si Yvo!

“B-but…”

“Kung ang iniisip mo ay financial problem ng family ko, solved


na iyon. Naibangon na ng parents ko ang papalugi naming
kompanya at nabayaran na ang mga pinagkakautangan namin.
Malaking pera kasi ang nakuha kong alimony mula kay Panther.”

“That’s true,” ani Morga. “Lahat kami ay nakakuha ng malaking


halaga at mga ari-arian mula kay Panther. According to the Red
Book, kapag nagpasya si Panther na i-divorce ang sino man sa mga
wives niya na wala namang nilalabag na rules o hindi naman nag-
voluntary exit, kalahati ng kanyang assets ay mapupunta sa
asawang iyon na hiniwalayan niya.”

Tumango si Giana. “At dahil hindi naman kami lumabag sa ano


mang rules at hindi rin naman kami nag-voluntary exit ay
mapupunta sa aming lahat ang kalahati ng mga ari-arian ni
Panther. Mahahati iyon sa aming mga hiniwalayan niya.”

This was probably one of the reasons why Panther didn't want
to give up his six wives. Half of his assets would be lost if he
divorced them. Pero ngayon ay ginawa niya na. Hiniwalayan niya
na ang iba niyang asawa at ginawa niya iyon mismo nang araw na
umalis ako sa isla!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. He did it for me. He chose me.
Pero bakit hindi niya man lang nabanggit sa akin? Bakit tiniis niya
lang ang lahat ng masasakit na sinabi ko?

Nag-init ang aking mga mata. Kaya ba siya umalis, kaya ba hindi
pa siya bumabalik ay dahil inaayos niya pa ang mga bagay-bagay,
dahil siguro ang gusto niya ay kapag hinarap niya ako ay maayos na
ang lahat.

Bigla akong tumayo na sanhi para mapatanga sa akin sina Giana


at Morga. Pumigil sa akin ang huli. “Where are you going, Macey?
Ngayon na lang ulit tayo nagkita-kita, mag-bonding muna tayo.”

“Some other time, girls.” Hindi ko na kayang magtagal dahil


hindi na ako mapakali. Gusto ko nang umalis. Hindi ko alam kung
paano hahanapin si Panther pero hahanapin ko siya. O kaya ay
hihintayin ko siya sa bahay. Gusto ko siyang makita. Gusto ko
siyang makausap.

Bahala na pero sumisigaw ngayon ang puso ko, payag na ako sa


second chance na hinihingi niya. Pinili niya ako kaya pipiliin ko rin
siya. Handa na akong sumugal ulit sa kanya.

Paalis na ako nang magsalita ulit si Morga. “By the way, Macey,
nakalimutan kong sabihin na lima lang kami na hiniwalayan ni
Panther. Meron siyang isang asawa na itinira.”

“W-what?” Naestatwa ako. “A-and who’s this woman?” tanong


ko na halos hindi ko maisatinig dahil bigla akong nanghina.

Si Giana ang sumagot, “It’s Debi. Panther did not divorce her
and that made that woman now his one and only legal wife.”

Sa isang iglap, gumuho ang kaninang nabuo kong pag-asa.


LEVEL 47

PANTHER divorced all his wives except Debi. He retained that


woman and made her his one and only legal wife.

Wow!

Daig ko pa ang nakatikim ng lason dahil sa narinig. Sa umpisa pa


lang talaga ay alam kong si Debi ang kahati ko sa puso ni Panther.
Pero ngayon ay napakalinaw sa akin na mas lamang ang babaeng
iyon kaysa sa akin. Buntis man ako o hindi, si Debi pa rin ang
mahalaga.

Nakakatawa lang dahil bibigyan ko na sana si Panther ng isa


pang pagkakataon. Babalik na sana ako sa kanya. Susugal na sana
ako. Buti na lang at nalaman ko agad na nagpapakagaga na naman
pala ako.

Kunwari pa siyang hindi niya kayang talikuran ang matagal niya


nang pangarap. Kunwari pa siya na hindi niya kayang isuko ang
kalahati ng mga assets niya kaya hindi niya magawang iwan ang
kanyang mga asawa. Iyon pala ay si Debi lang talaga ang hindi niya
kayang iwanan at pabayaan. Hayan nga at isinuko na niya ang 50%
ng assets niya para lang maiwan si Debi na legal wife niya.

May kutob ako na pinapili rin siya ni Debi tulad ng ginawa ko.
Ang kaibahan lang ay si Debi ang pinili niya. He gave up everything
for that woman. Tangina niya!
Hindi ko mapigilan ang aking mga luha habang nakahiga ako sa
aking kama. Sobrang sakit. Akala ko hindi na ako masasaktan pero
ito at halos ikamatay ko ang sakit. Ni hindi ko alam kung paano ako
nakauwi sa amin, bigla ko na lang iniwanan sa resto sina Morga at
Giana.

Pagkauwi ay nagkulong agad ako sa kuwarto. Nagdahilan ako


para walang umistorbo sa akin. Sinarili ko na lang ang sakit dahil
ayaw kong pag-alalahanin pa ang mga taong nagmamahal sa akin.
Sinolo ko na lang ang pagkadurog ng puso ko.

Nayakap ko ang aking tiyan. I’m sorry, baby… I’m sorry that your
mom is hurting… That your mom is anxious… Alam ko makakasama
ito sa `yo, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko… I’m so sorry…

Alas-onse ng gabi, magang-maga ang mga mata ko. Pakiramdam


ko ay wala nang tubig ang aking katawan sa dami ng nailuha ko.
Nakabaluktok ako sa kama nang makarinig ng mga katok sa pinto.

“Macey?” tinig ni Mommy. “Anak, nandito na si Panther.”

“I’m sleepy, Mom,” sagot ko kay Mommy na pinilit ituwid ang


tinig. Ayaw ko na malaman niya na galing ako sa pag-iyak dahil
tiyak na mag-aalala siya.

Nang wala na si Mommy ay sumubsob na ulit ako sa aking unan.


Mayamaya lang ay may kumatok na naman.

“Mom, please! Matutulog na ako!”


“It’s me.” Baritonong tinig sa likod ng pinto.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa unan. “Go away! Matutulog


na ako!” sigaw ko sa kanya.

“Hindi ka pa naghahapunan.”

How did he know? Nagtanong ba siya pagkarating niya?


Padabog akong tumayo at nagsuot ng shades sa mata. Paharabas
kong binuksan ang pinto at hinarap siya. “Can you just get lost?!”

Nakatayo siya sa harapan ko. Itim na T-shirt at itim na jeans ang


suot niya. Ang abuhin niyang mga mata ay nanunuot sa akin. “You
must eat dinner, Macey,” maaligasgas ang tining na aniya.

“You don’t have to remind me. Hindi kita kailangan dahil


marami namang nag-aalala sa akin dito. Nandiyan si Light para
asikasuhin ako.”

“Really?” Sumimangot ang guwapo niyang mukha. “But I just


saw him in the subdivision’s clubhouse. Leader na siya ng zumba.”

Ugh! Kasalanan ‘to ni Mommy!

Akma ko nang pagsasarhan siya ng pinto nang iharang niya ang


kanyang paa. “Wait!”

“Ano?!”

“Why are you wearing shades?”


“Nasisilaw ako sa liwanag. Alis na!”

Naagapan niya muli ang pinto bago ko maisara.

“Ano bang kailangan mo?!” asik ko sa kanya.

“Hindi mo ba ako na-miss?”

“Gago!” Pagkatapos ay pinagbagsakan ko siya ng pinto.

Napatigil ako. Muli kong binuksan ang pinto. Ayaw kong


mangapa sa dilim kaya mas mabuti kung sa kanya ko mismo
liliwanagin. Gusto kong marinig mula sa kanya kung totoo ba ang
nalaman ko kanina. Napahinto si Panther nang makitang
pinagbuksan ko ulit siya ng pinto.

Napalunok pa muna ako bago siya tinanong. “N-nakipag-divorce


ka raw sa mga asawa mo?”

Matagal bago siya nakasagot. “Yes.”

“Pero itinira mo si Debi?”

Napabuga siya ng hangin at napayuko.

Napakuyom ako ng kamao. Malinaw na malinaw na. “So, why


the heck are you still here?”

“B-because I want us to get back together...”


“Not gonna happen. ‘Pag nakapanganak na ako, itutuloy ko na
ang plano na pagpapakasal kay Light. Siya ang kikilalaning ama ng
anak ko at hindi ikaw.” Nang una ay ayos sa akin na makilala siya ng
bata pero ngayon, tingin ko ay hindi niya deserve ang kahit
simpleng pagkilala. Ayaw kong kalakihan ng anak ko na baliw ang
ama niya.

Gumuhit ang kirot sa mga mata ni Panther. “I will not give up on


you...”

“Ikaw ang bahala pero sinasabi ko sa ‘yo ngayon pa lang, kahit


ikamatay ko pa, hinding-hindi na kita babalikan.”

Hindi na siya kumibo. Natahimik na lang siya.

“F-from now on, just do whatever you want to do. Hahayaan na


lang kita sa gusto mo.” Pumiyok ako. “Gusto mo pang mag-stay
rito? Fine, manatili ka rito. Gusto mo akong pagsilbihan, gawin mo.
Hindi kita pipigilan, susungitan, o papansinin man lang. Wala na,
Panther. Wala na akong balak mag-aksaya sa ‘yo kahit na kaunting
lakas. Bahala ka na sa buhay mo.” Pagkasabi ay pinagsarhan ko na
siya ng pinto.

Muli na akong sumubsob sa aking higaan at saka humagulhol.


Ngayong malinaw na malinaw na sa akin ang lahat ay titigil na ako.
Kahit ang kaunting pag-asa sa puso ko ay papatayin ko na.
I would do my best to totally erase Panther Foresteir from my
system. Kahit manatili pa siya rito, para sa akin hindi na siya nag-e-
exist. Ito na rin ang huling beses na iiyakan ko siya…

~~~~~~~~

LUMIPAS ANG MGA BUWAN…

At sa ilang buwang nagdaan na nandito sa Panther sa amin ay


hindi ko siya pinapansin. Kahit anong subok niya, maski tingnan siya
ay hindi ko pinag-aabalahang gawin. I treated him as if he was not
existing in my world.

Gayunpaman, nanatiling matatag ang lalaki. Hindi niya ako


sinukuan. Tuwing umaga ay kinakatok niya ako sa aking kuwarto
para dalhan ng breakfast. Ganoon din tuwing lunch at dinner. Kahit
pa hindi ko siya kinakausap ay sumasama pa rin siya sa mga
checkup ko sa OB. Kahit umaakto ako na hindi siya naririnig ay
kinakausap at kinukuwentuhan niya pa rin ako ng kung anu-ano.

Sa totoo lang ay nakakaawa na Panther dahil mukha na siyang


tanga. Kaya lang manhid na yata talaga ako. Hindi ko na rin alam
kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya o wala na. Basta ang
alam ko lang ay wala na akong pakialam sa kanya.

Dumating ang araw ng panganganak ko. Wala siya, nataon daw


na meron siyang importanteng aasikasuhin, or maybe he was with
Debi again. Nagulat na lang ako nang malamang bigla siyang
dumating habang nag-la-labor ako. Sakay siya ng chopper niya na
siya mismo ang nagpalipad mula sa kung saang lupalop man siya
galing.

Nalaman ko na lang kina Mommy na grabe ang iyak ni Panther


nang dumating siya. Lumuhod daw siya sa sahig habang umiiyak.
Masaya siya na nanganak na ako. Ni hindi ako naantig kahit kaunti.

Nang sa wakas ay makita at makarga ko na ang baby ko, doon


na lang ulit ako umiyak. Ngayon ay nasigurado ko sa sarili ko na
wala nang mas mahalaga sa akin kundi siya, my son Malachi Blade
Sandoval. Siya na lang at sa kanya na lang iikot ang mundo ko.

Ang cute-cute ng baby ko. Halos ayaw ko na itong lubayan ng


tingin. Iyon nga lang ay hindi ko magawang matagal na tumitig sa
mga mata nito na kulay abo.

Ang lahat ay nagdiwang sa pagdating ng munting anghel sa


buhay namin. Sunod-sunod na naman ang pa-party ni Daddy. Alam
na rin ng buong bansa ang tungkol sa panganganak ko. Ilang media
ang sumubok na umusisa pero lahat sila ay hindi makapaporma
dahil protektado ako ni Daddy at ng koneksyon nito.

Si Panther naman ay proud at hindi nagtangka na itanggi na siya


ang ama. Halos hindi na rin siya umalis sa amin dahil gusto na lang
niya na palaging tumambay sa nursery ni Baby Blade. Kulang na
lang ay mag-camping na siya roon. Siguro ay napipikon na sa kanya
si Debi. Ayaw niya kasing mawalay sa paningin niya ang sanggol.

Kapag nasa nursery ako ay napapayuko siya pero hindi pa rin


umaalis. Tinatanggap niya ang pag-iignora ko sa kanya. Sa tuwing
gabi na kulang ako sa tulog ay siya ang nag-aalaga sa sanggol.
Nakikipag-unahan siya kay Mommy at sa babysitter.

Kahit wala siyang experience sa pag-aalaga ay talagang nag-aral


siya. Nakita ko siya na may mga binabasang libro tungkol sa mga
tips sa pagbi-babysit ng sanggol. Nahuli ko rin siya minsan na
nagpa-practice ng paglalagay ng diaper sa teddy bear.

Isang gabi na nagpapahinga ako dahil sa maghapong kapaguran


sa pag-aalaga ay biglang kumatok si Panther sa pinto. Hindi ko sana
siya pagbubuksan kung hindi ko pa narinig ang pag-iyak ni Baby
Blade.

“He’s just crying,” nagpa-panic na sabi ni Panther. Pawisan siya.

Hindi ko siya inimik. Kinuha ko sa kanya sa kanya si Baby Blade


at inihele ito sa aking braso. Tila ba na-miss lang ako ng sanggol
dahil agad na rin itong tumahan. Napangiti ako nang makita na
nakapikit na ito.

Napalis lang ang aking ngiti nang maalala na kaharap ko nga


pala si Panther. Nang magtaas ako ng paningin sa kanya ay
malamlam ang abuhin niyang mga mata na nakatunghay sa akin.

“How long are you gonna be like this, Macey?” Mararamdaman


ang lungkot sa tinig niya.

Hindi ako kumibo. Naglakad ako papunta sa aking kama at doon


maingat na inihiga si Baby Blade. Alam ko na hindi pa rin umaalis si
Panther, alam ko na nakatingin at nakasunod pa rin siya sa akin.
“Macey, please…”

Nang lumingon ako ay nakatayo siya sa ‘di kalayuan sa akin.


Blangko ang aking mga mata na at tila walang nakita na naupo na
ako sa edge ng kama.

“M-Macey…” Pumiyok na siya. “P-please talk to me.” Bakas sa


tinig niya na nahihirapan na siya. “Say something. Kahit masakit na
salita, kahit murahin mo ako, basta kausapin mo lang ako…”

Ang kaso, tulad pa rin nitong nakalipas na mga buwan, hindi pa


rin ako nagsalita. Humakbang siya palapit at lumuhod sa harapan
ko. Matagal. Hanggang sa tumayo na lang ulit siya na hindi pa rin
ako nagsasalita.

Malungkot siyang ngumiti at yumuko. Bago siya umalis ay


hinagkan niya ako sa ulo. “Macey… I miss you…”

~~~~~~~~

NAKAKAIDLIP NA AKO. Bumukas ang pinto at may pumasok na


marahang mga yabag. Kilala ko na agad kung sino ang may-ari
niyon, si Light. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko. Hinawi
niya ang aking buhok na nakaharang sa mukha ko at kinumutan
ako.
Hindi ko sigurado kung alam niya ba na gising ako o hindi.
Narinig ko siyang mahinang nagsalita. “Macey, I’m worried about
you…”

Maayos ang samahan namin ni Light kahit hindi na kami


gaanong nag-uusap. Maalaga pa rin siya sa akin at maaalalahanin.
Sa pag-aalaga kay Baby Blade ay kahit gusto niya na makipag-
unahan sa pag-aalaga ay nahihiya siya. Alam niya na kasi na wala
siyang karapatan. Hindi na tuloy ang kasal namin.

Kami lang na dalawa ang may alam na hindi na namin itutuloy


ang pagpapakasal. Hindi niya ako sinumbatan dahil malinaw naman
ang usapan namin noon pa man, alam niya ang magiging papel niya
sa buhay ko. Gayunpaman ay alam ko na hanggang ngayon ay
nasasaktan siya.

“You no longer smile…”

Ang isa sa mahahaba niyang daliri ay dumama sa gilid ng aking


mga labi.

“Wala nang saya ang ang boses mo kahit kaunti. Kumikislap na


lang ang mga mata mo kapag si Baby Blade ang kaharap mo.
What’s happening to you? Is Panther still the reason?”

Dumilat ako at sinalubong ang malungkot na mga titig niya.

Kinuha niya ang kamay ko at marahang dinala sa labi. “You can


be honest with me, Macey. I will not judge you. Even if you still
have feelings for him, I won’t mind. In fact, I am here to help you. If
you want to fall out of love with him, you can use me.”

Marahan akong umiling. Bumangon ako at inabot ang kanyang


pisngi para masuyong haplusin.

Napapikit siya para damahin ang paghaplos ko sa kanyang balat.


“You can laugh at me for being shameless, but I love you. I still
do…”

Ang palaging kalmado at seryoso niyang mukha ay ngayon ay


puno ng kalungkutan.

“Even if you use me, I will not complain. Use me, Macey…
Please, use me… “

“No, Light. Walang mangyayaring ganoon.” Iyong tungkol lang


sa planong kasal noon ay pinagsisisihan ko na, at ayaw ko nang
gumawa pa ng maling hakbang. Kahit pa willing siya na isinusubo sa
akin ang sarili, hindi ako walang puso para samantalahin ang
kahinaan niya.

“Then please, just let me stay beside you. Don’t push me


away…” Nagmulat siya at napasinghap ako nang may luhang
pumatak sa mga mata niya.

“L-Light…”

“Macey, I’m begging you, just let me stay beside you. I promise,
I will not ask for more. Being by your side is enough. Even if I have
to live the rest of my life as your protector, I'll do it. I will even be
the protector of your children in the future.”

“Thank you…” Napaiyak na ako. “Thank you for everything…”

He pulled me near and gently kissed my forehead. “I love you,


Macey. I will do anything for your happiness.”

LEVEL 48

“MOM, WHERE’S MY BABY?”

Nakapikit pa ang aking isang mata nang tanungin ko si Mommy.


Napuyat kasi ako kagabi dahil sa kakaisip. Nagising din si Baby
Blade nang bandang alas-tresng madaling-araw kaya anong oras na
ako nakabalik sa tulog.

“Nasa guestroom, dinala ni Panther sa kuwarto niya,” sagot ni


Mommy sa akin. Nasa tabi ko siya at inaayos ang mga nakatambak
na kahon-kahong laruan ng sanggol.
Ang daming laruan na kung hindi binili ni Light, regalo naman ni
Panther, o kaya padala ng kapatid kong si Phoenix. Pwera pa ang
mga laruan na bigay ng mga kaibigan ko at kaibigan ng kapatid ko.
Idagdag pa ang mga bigay ng ibang kamag-anak at mga kasosyo ni
Daddy sa negosyo. Pati mga dating fans ni Daddy nang
kapanahunan niya ay mga nagpadala rin ng regalo.

“Sige na, anak. Sunduin mo na si baby. Kanina ka pa nila


hinihintay.”

Tumayo na ako. Naghilamos at nagmumog ako sa aking banyo


bago lumabas. Ang buhok ko ay basta ko lang sinuklay ng aking
mga daliri. Malapit lang ang guestroom sa aking kuwarto kaya
nakarating agad ako roon. Nakabukas ang pinto kaya sumilip muna
ako.

Nadatnan ko si Panther na nilalaro si Baby Blade. Hinahalikan


niya sa dibdib ang sanggol. Humahagikhik naman ito na tila
nakikiliti sa mga halik ng ama.

“Son, I love you. I love your mom too… So very much...”

Lalapitan ko na sana sila nang mapahinto ako sa sinabi ni


Panther.

“I miss her...” Napakalungkot ng tinig niya.

Napasandal ako sa gilid ng pinto habang nakikinig.


“I wish you grow up faster. I wish I could talk to you. I wish you
can understand what I’m saying so you can answer me. Maybe you
can give me an advice…”

Napapikit ako. Nalamukos ko ang laylayan ng aking damit.

“I’m trying my best to not give up on her. Pero lahat ay may


hangganan.” Humina ang tinig niya. “I-ikaw na lang ang dahilan
kaya ayokong sumuko…”

Nagtatakang kinapa ko ang aking pisngi na basa na pala ng luha.


Bakit umiiyak ako?

“I-I don’t want to give up. Please give Daddy strength to be


strong. I don’t want to lose you both. P-pero nanghihina na si
Daddy… napapagod na si Daddy…”

Mayamaya ay umiyak na si Baby Blade. Nang silipin ko sila ay


buhat-buhat na ni Panther ang sanggol at idinuduyan na sa
kanyang mga braso. Nakatalikod siya sa akin.

“D-don’t cry, baby… sorry na,” ani Panther. “H-hindi na iiyak si


Daddy, ha?”

Natahan ang sanggol sa sinabi niya.

“M-mahal na mahal kita, baby.” Malat ang tinig niya. “And if


someday you’ll grow up without me… I hope you remember that I
told you this…”
Iniwan ko na sila dahil hindi ko na kaya ang paninikip ng aking
dibdib.

Nagpunta muna ako sa veranda para lumanghap ng hangin.


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung
ano ang iisipin ko. I heard everything he said, but I felt nothing.

Lumuha ang mga mata ko at nanikip ang aking dibdib pero


hanggang doon lang. Wala akong naramdamang pangungulila o
kahit kaunting pagmamahal sa puso ko. Wala na…

Binalikan ko sila at naabutan kong mukhang malapit nang


makatulog si Baby Blade sa braso niya. Lumapit ako sa kanya at
kinuha na ang sanggol. Inilapag naman niya agad ito sa aking braso.

“Macey,” tawag sa akin ni Panther.

Tinalikuran ko siya at hindi pinansin. Lumabas na ako ng


guestroom para bumalik sa aking kuwarto. Hindi ko namalayan na
nakasunod pala siya sa akin.

“Macey, please… talk to me,” pagmamakaawa niya.

Maingat kong inilapag si Baby Blade sa kama. Nang


maalimpungatan ang sanggol ay mahina ko itong tinapik-tapik sa
hita para makatulog muli.

“Please… just one word.”

Hindi ko siya kinibo na para bang wala siya sa kuwarto.


“Kahit masabi mo lang sa akin kung ano ang dapat kong gawin.
Gagawin ko kahit ano...”

Hindi ako nagsalita.

“A-ayaw mo na ba talaga?” Nabasag ang tinig niya.

Namayani sa amin ang katahimikan. Matagal na hindi na rin siya


nagsalita.

Napabuntong-hininga si Panther mayamaya. “All right. I’ll try


again some other time.” Pagkatapos ay malungkot siyang umalis ng
aking kuwarto.

Hindi ko siya nilingon hanggang sa mawala na siya. Tumabi na


ako kay Baby Blade ng higa at niyakap ko ito. Naramdaman kong
tumulo na naman ang mga luha ko. Hinayaan ko lang maglandas
ang mga ito hanggang sa makatulog ako…

~~~~~~~~

HAPON NANG PUMASOK SI LIGHT sa kuwarto ko. Nasa kama si


Baby Blade at kumakawag-kawag. Naglalaro mag-isa ang sanggol.
Nginangatngat nito ang sariling mga paa. Nilapitan ito ni Light at
buong pagsuyo na pinagmasdan.
“He’s so perfect, Macey…”

Tinabihan ko siya sa edge ng kama. “He is.”

Ang pagsuyo sa mga mata ni Light ay napalitan ng lumbay. “I


want to take care of him the way I want to take care of you…”

“Why are you telling me this now?” Pinaningkitan ko siya ng


mga mata dahil may naramdaman ako sa kanya na kakaiba.

Tumingin siya sa akin. Tinitigan niya ako na para bang ito na ang
huli naming pagkikita.

Kinabahan ako. “A-and why are you staring at me like that?”

“I’m just enjoying the view.”

“L-Light, w-what the heck are you—”

“I received a call from my younger sister.”

“S-sister? You have a sister?”

Tumango siya. “Nagkahiwalay kami noong mga bata pa. Kaya


utang na loob ko sa ‘yo na nagkalakas-loob ako na magpursige sa
buhay. Dahil sa ‘yo, may narating ako. Dahil sa ‘yo, nahanap ko ang
kapatid ko.”

Mulagat ako sa nalaman.


“I’m sorry, itinago ko sa ‘yo ang tungkol sa kanya…” Nagtagis
ang mga ngipin ni Light. “Isa siya sa dahilan kaya pumasok ako
bilang protector sa Red Island. Dahil hinahanap ko ang kapatid ko.
Dahil nalaman ko na naging isa siya sa mga asawa ni Panther
Foresteir. Isa sa mga asawa na ipinatapon niya matapos mag-failed
ang batch nito.”

Kung ganoon ay may mas malalim ngang dahilan ang galit niya
kay Panther. Hindi lang dahil sa akin, kundi dahil din sa nawawala
niyang kapatid naging bahagi ng 1st batch.

“Pumasok ako bilang protector para magmanman at kumuha ng


lead kung saan niyang isla ipinatapon ang kapatid ko. Hindi ko lang
inakala na sa pagpasok ko bilang protector ay magkukrus ang
landas natin. Hindi ko rin inaasahan na mamahalin kita… I’m sorry
kung pakiramdam mo’y niloko kita… But believe me, I really do love
you…”

“W-where is your younger sister now?” pag-iiba ko. Gusto kong


malaman kung ano ang nangyari sa kapatid niya.

“Maayos siya. Nagkita na kami kailan lang. Her name is


Cassandra and she’s happily married now…” Yumuko si Light.
“Pupunta na sila ng asawa niya sa ibang bansa… at sasama na ako
sa kanila…”

“Y-you’re leaving me.” Gumaralgal ang tinig ko.

“I’m sorry, Macey… I can’t keep my promise… but you will


understand me, right?”
Napahikbi ako nang makitang pinangingiliran siya ng luha.
Naiintindihan ko na, hindi niya kinakaya ang sakit na makasama pa
ako.

Tanggap niya na rin na wala na talaga siyang aasahan sa akin.

“Please take care of yourself.” Kinuha niya ang palad ko at


hinagkan ito. “Being with you was like a long dream. And it was
over now…”

Namalisbis ang mga luha ko.

“Just be happy, Macey. Iyon lang ang hiling ko sa ‘yo. And don't
worry about me. Your happiness is my happiness.”

Hinagkan niya ako sa noo. Hinalikan niya rin ang maliit na kamay
ni Baby Blade at pagkuwa’y tumayo na siya at walang lingon-likod
na nilisan ang aking kuwarto.

Nang wala na si Light ay luhaang nakatitig ako sa nilabasan


niyang pinto. Nanginginig ang mga labi ko na mahinang nagsalita.
“T-thank you for everything…”
LEVEL 49

“BABY.” Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Daddy habang


nakatanghod ako sa pasimango ng veranda. He was holding two
bottles of beer in his hand. Akala ko para sa akin ang isa pero hindi
niya ibinigay.

“Kapapanganak mo pa lang.”

Napanguso ako. Tinakam niya lang pala ako sa beer.

Tahimik lang kami ni Daddy na magkatabi. I knew Light talked to


him before he left. Nakita ko silang nag-usap sa study room bago
ang gabi na kinausap ako ng lalaki. Alam ko rin na may tiwala siya
rito pero kahit hindi aminin ni Daddy, iba talaga ang boto niya kay
Panther kaysa kay Light.

“Tell me, Dad.” Nilingon ko si Daddy. “Bakit nagalit sa ‘yo si


Panther?” Naalala ko noong una akong tumungtong ako sa Red
Island, alam ko na galit si Panther sa kanya dahil nadamay pa nga
ako sa galit na iyon.
Nilagok ni Dadd ang hawak niyang bote ng beer. “Dahil nasaktan
ko siya.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “W-what? Paanong


nasaktan mo siya?”

“His mother, Pearl Foresteir, was my ex in college.” Naglamlam


ang mga mata ni Daddy. “Hindi lang si Pearl. Actually, marami
akong ex. I was an asshole back then. Niloko ko ang mommy mo.
Niloko ko rin si Pearl. Hanggang sa lumipas ang ilang taon at
bumalik si Pearl para sabihing nagkaanak kami.”

Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya. “A-and that child is...”

“Panther.” Napabuga siya ng hangin.

Ngayon may ideya na ako kung bakit napunta noon sa poder


namin si Panther.

“I agreed to marry Pearl for the sake of Panther. The kid just
wanted a complete family. At ako na lang ang kulang sa kanila para
makumpleto sila. I did not want to disappoint him.” Bakas sa
mukha ni Daddy ang lungkot habang nagkukuwento. “Kaya kahit
alam ko nang hindi ako ang tunay na ama niya, gusto ko pa rin sana
siyang manatili sa akin. But Pearl took him away.”

Ilang ulit na nagpakawala ng paghinga si Daddy bago


nagpatuloy. Napalagok siya muli sa hawak niyang bote.
“And after four years, I heard the news that Pearl commited
suicide.” Napaigting ang kanyang panga. “Alam ko na may ambag
ako sa nangyari. Basta ko iniwan si Pearl. Pinabayaan ko rin si
Panther.”

“N-no, Dad.” Hinawakan ko ang kamay niya. “W-wala kang


kasalanan.” Kasabay nito ang pagluha ko.

“A-ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan.” Si Panther


ang tinutukoy niya. “Pero ikaw ang nagbayad, ikaw iyong
nasaktan… I-I’m sorry…”

Yumakap ako sa kanya. “I-it’s not your fault. Ako ang pumili ng
tadhana ko, At kung ano si Panther ngayon ay dahil choice niya rin
na magkaganoon. May mga sariling isip kami at walang namilit sa
amin na magkaganito...”

Naiintindihan ko na kung bakit nauwi kaming lahat sa ganito.


Pinagdadaanan namin ito dahil sa mga maling desisyon.
Gayunpaman, gaano man kamali ang isang desisyon, hindi man ito
mababago, puwede namang magsimula ulit.

Ngayon ay maluwag na ang dibdib ko. Wala na akong galit at


pait na nararamdaman para kay Panther. Nasaktan man ako ay
ayaw ko na siyang sisihin pa. Ayaw ko ring pagsisihan dahil kung
hindi naman dahil sa kanya, wala sana sa mundong ito ang anak
namin. Wala sana si Baby Blade sa tabi ko.
Hindi na ako iyong dating Macey mula nang magkaanak ako.
Ang anak ko na lang ang mahalaga sa akin. Sa anak ko na lang iikot
ang mundo ko.

I think I could face Panther now. Kaya ko nang kausapin siya at


sabihin sa kanya na napatawad ko na siya. Hindi ko alam kung
kailan pa, pero wala na talaga maski kaunting galit sa dibdib ko.
Puwede na naming isara ang pahinang ito ng buhay naming
dalawa.

~~~~~~~~

I TOLD MY MOM about my decision. Kaharap si Daddy na sinabi ko


lahat ang gusto kong sabihin. Gusto kong maging mabuting
magulang sa anak ko, gusto kong maging mabuting halimbawa sa
kanya, gusto kong bumalik ang malakas at matapang na Macey
para sa kanya.

Ngayon ay nagsisimula na akong mag-aral para sa pagpasok sa


kompanya namin. Kahit ang nakababatang kapatid ko na si Phoenix
na ang magiging successor ni Daddy, tutulong pa rin ako.
Magsisimula ako sa pinakamababang posisyon. Ibabalanse ko ang
oras ko para hindi pa rin ako mawawalan ng oras at panahon sa
anak ko.

Kakayanin ko ang lahat dahil ito naman ako, a fighter.


Naniniwala ako na makakaya ko ang lahat basta ibubuhos ko lang
buong puso ko.
My parents respected my decision. Kahit hindi maitago ni
Mommy ang lungkot, alam ko na naiintindihan niya ako. Ganoon
din si Daddy na niyakap ako matapos kong magsalita. Katulad nang
simula, magtitiwala ulit sila sa akin.

Matapos kausapin sina Mommy at Daddy ay pinuntahan ko sa


nursery room si Baby Blade. Naroon si Panther at karga-karga niya
ang sanggol. Nakatitig siya sa natutulog na mukha ng anak namin at
kung ano ang iniisip niya, siya lang ang nakakaalam.

Lumapit ako sa kanya at kinuha si Baby Blade. Ang abuhin na


mga mata ni Panther ay nakasunod sa akin ng tingin nang ilapag ko
na sa crib ang anak namin.

“Macey,” sambit ni Panther sa pangalan ko.

Napapikit ako nang marinig ko ang kanyang tinig.

“Can we talk now?”

“Okay.”

Napakurap siya na tila hindi makapaniwala na sinagot ko na siya


sa pagkakataong ito.

“Did I really hear your voice? Am I not just hallucinating?”

Humarap ako sa kanya. Ngayon ko mas napagmasdan ang itsura


niya. Simpleng plain white shirt ang suot niya, jogging pants naman
sa ibaba, at tsinelas na pambahay. Magulo ang kanyang buhok,
nanlalalim ang ilalim ng kanyang abuhing mga mata dahil sa puyat
at pagod. Ngayon ko lang din napansin na bahagya siyang namayat.

Hirap siguro siya na pagsabayin ang trabaho niya, ang pag-


aalaga kay Baby Blade, at ang pagbyahe pabalik-balik dito at kay
Debi.

“I almost think of ways to get revenge on you,” simula ko sa


mababa at walang emosyong tono.

Bumadha ang lungkot sa kanyang mukha. “Macey...”

“I wanted to hurt you so bad.”

Malungkot na nakatitig lang siya sa akin. Inaabangan ang bawat


salitang lalabas sa aking bibig gaano man iyon kasakit.

“I wanted you to cry as much as I cried.”

Humakbang ako palapit sa kanya.

“But you know what? Nang manganak na ako at makita ko ang


baby ko... Nawala na ang lahat ng masasakit na pakiramdam… Kahit
ang galit ko sa ‘yo… Na-realized ko, hindi naman pala talaga ako
talo.”

Nang tingalain ko siya ay nangingilid na ang mga luha ko.

“Ngayon, Panther, ang gusto ko na lang ay magpasalamat sa


‘yo.”
“W-what are you talking about?” naguguluhan at may kaba sa
kanyang ekspresyon. Nakukuha niya na siguro ang ideya.

“Thank you... Because of you, I got to know myself better.


Because of you, I became stronger than ever.” Yumakap ako sa
kanya.

Nanigas ang katawan niya nang yakapin ko siya.

Idinikit ko ang aking pisngi sa kanyang dibdib at naramdaman ko


kung gaano siya kakabado, kung gaano kalakas ang kabog ng puso
niya.

“Thank you, Panther. I experienced new feelings that I thought I


would never experience before.”

Tumingala muli ako sa kanya. Nangingilid na rin ang luha niya.

“Can you forgive me?” tanong ko sa kanya.

Umawang ang mapula niyang mga labi.

“I forgive you... Sana patawarin mo rin ako at sana patawarin


mo na rin ang sarili mo...”

Pumatak na ang mga luha niya. Ang mapulang mga labi niya ay
nangatal. “I-I really don’t understand. W-what are you saying?”
Bumitiw ako at umatras na palayo sa kanya. “I no longer resent
you now... nor I still have feelings for you.”

“Macey…” Nanlaki ang abuhin niyang mga mata. Napuno iyon


ng takot.

“To tell you the truth, I don't feel anything towards you now.”

Sinubukan niya akong abutin pero umatras ako. “No...”

“You're nothing to me now.”

“Y-you're just lying.” Hinablot niya ang aking braso. “Please,


take back what you said! Okay na ako kahit magalit ka! Please,
magalit ka! Palagi kang magalit! Sigawan mo ako, sumbatan mo
ako! Wag mo akong patawarin! Magalit ka, Macey!”

Nakatingin lang ako sa kanya. Blangko ang aking mga mata.

Napaluhod siya sa harapan ko habang hawak ang aking binti.


“Macey, I'd rather you hate me for the rest of your life... Than you
totally losing your feelings to me...”

Walang kahit anong emosyon sa aking mukha kahit pa halos


humagulhol na si Panther sa paahan ko.

“Macey, I’m begging you… Not like this, please...” Nanginginig


ang mga balikat niya at kulang na lang ay yakapin niya ang mga
binti ko.
Lumuhod din ako para magpantay kami. Itinaas ko ang luhaan
niyang mukha.

Pilit na umiiwas ang abuhin niyang mga mata sa akin. “Macey, I


don't want to look at you. Please don't do this to me...”

“Panther,” malumanay ang tinig na tawag ko sa kanya.

“No...” Pilit pa rin siyang umiiwas sa mga tingin ko. “Don't


forgive me... Just hate me... Curse me... I'd rather look at the
hatred in your eyes than to never see any emotion in them.”

Niyakap ko siya sa huling pagkakataon. “I'm sorry, please forgive


me too...”

Napalugmok siya sa sahig. Tumayo na ako.

“Panther Foresteir, I don't love you anymore.”

Tinalikuran ko na siya at kinuha si Baby Blade sa crib. Iniwan


namin siya sa nursery room mag-isa at nalulunod sa sariling
kalungkutan at luha. Katulad ko rin noon nang saktan niya ako.
Pero hindi ko ito ginagawa para gumanti. Ayaw ko nang magalit,
malungkot, at kahit ang maging masaya dahil sa kanya.

Loving a complicated man like him was an exhausting journey. I


just wanted it all to end...
LEVEL 50

PAGPASOK ko ng coffee shop ay hinanap agad ng aking paningin si


Debi. Nakita ko siya sa sulok na puwesto. Mag-isa siya sa mesa.
Nilapitan ko agad siya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawag sa akin. Hindi ko alam


kung kanino niya nakuha ang aking number. She said we should
meet up and I agreed. Paglapit ko sa table niya ay naupo agad ako
sa katapat niyang upuan. She was in black dress and wearing
shades. Maputla ang labi niya dahil wala siyang lipsticks. Wala rin
siyang makeup sa mukha.

Bakit nga ba siya nandito? Dapat ay nasa Red Island siya. Dapat
nasa Red Mansiyon siya dahil siya na lang ang natitirang asawa ni
Panther. Siya na ang reyna.

“How are you, Debi–”

“There is one rule that I’d like you to follow.” Hindi na niya ako
pinatapos.

“H-ha?”

Nagsalin siya ng tubig sa isang baso at inilagay sa harapan ko.


“Ako lang ang magsasalita. If you speak even one word, I’ll pour
this on your head.”

Napamaang ako. What the heck was wrong with her?!


Sumandal si Debi sa sandalan ng kinauupuan habang nilalaro sa
kamay ang hawak na baso. “Once upon a time, there was an old
man who had a chronic illness. He had only a few months left and
he wanted to make the most of it. Gusto niyang paghandaan ang
pag-iwan niya sa nag-iisang anak niya…”

Nagtataka man ay hinayaan ko si Debi na magpatuloy sa


pagkukuwento.

“One night, while driving on a dark road, he saw three men who
seemed to be committing a crime. Natakot siya dahil baka
madamay siya, pero nang makitang ang mga lalaki ay may isina-
salvage—an unconcious teenager guy, hindi kinaya ng konsensiya
niya na basta umalis.”

Nanginig ang mga kamay ni Debi na nakahawak sa baso.

“Though it was dangerous, he risked his life to save the young


man. Fortunately, armed uniformed men came to their rescue.
That's when he learned that the young man he saved was a missing
young billionaire.”

Umawang ang mga labi ko.

“Pinaghahanap na pala ang binatilyong bilyonaryo na ito. But


still, kung hindi niya isinugal ang buhay niya para iligtas ito ay
magiging huli na sana ang lahat. Pero hindi sanay na may utang na
loob ang kanyang iniligtas. So, the young billionaire asked him what
he wanted in return for helping him.”
Nang mag-angat ng mukha si Debi ay nagtama ang aming mga
mata.

“He told the young billionaire about his sickness and that he
was dying. Instead of paying him, he asked the young billionaire to
just grant him his dying wish, and that was for the young billionaire
to marry his daughter once he died.”

Mapait na ngumiti si Debi sa akin.

“And that daughter is me, Macey. I got married to the young


billionaire Panther Foresteir because that was my father’s dying
wish.”

It took a couple of minutes before Debi’s story finally sank into


me. I was shocked to learn that she already had a spot even before
the actual audition for 'The Search for 7 Wives' took place. Panther
already married her because that was what her father asked of
him. She was his first legal wife and yeah, it was freaking unfair.

“I was incredibly nervous to meet Panther in person. Naririnig


ko lang siya sa kuwento ng daddy ko, na meron isang tao na malaki
ang utang na loob sa kanya na mag-aalaga sa akin kapag wala na
siya. Na iyong tao raw na iyon ang magiging asawa ko at
makakasama habambuhay. Wala akong ideya kung sino ang taong
ito kaya takot na takot ako nang una…”

Ang mga mata niya ay nangislap.


“But I was shocked when I finally met Panther Foresteir. His
beauty was ethereal. He was dashing in his all red suit, like an
elegant prince who just stepped out from a fairytale book. And I
instantly fell for him...”

Lalong nangislap ang mga mata ni Debi at bahagya pang naluha.

“Panther Foresteir was perfect. I had never seen such perfect


man in my life.”

I felt a chill in my body as I watched Debi’s intense expression.


Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Para siyang teenager na
unang beses humanga sa opposite sex. A young woman
experiencing intense infatuation — or obsession.

“Hindi lang iyon, Macey. He was aloof and cold to others, yet he
was being kind to me. He always worried about me and it made me
feel special. Everything was like a beautiful dream until he suddenly
revealed his plan. I was in deep shock when I learned that I was not
the only one he would marry, that he would be building a harem on
his private island. But in spite of the fact that I would not be his
only wife, I still didn't want to back down.”

Bigla na lang nagdilim ang mukha ni Debi.

“I love Panther so bad that I agreed to his ‘harem bullshit’, but I


did everything to eliminate his other wives. I just didn't expect that
after the first batch, there would be another second batch of wives.”
Napahumindig ako. She was the reason why the batch 1 failed?

“I studied the situation in order for me to perfectly manipulate


his ex-wives. Ayos na sana ang lahat dahil wala namang feelings si
Panther sa ibang asawa niya, kaya kahit magka-second batch pa,
magagawa ko pa ring mapaalis ang mga ito.” Biglang nagsalubong
ang halos mabura na niyang kilay. “Pero bigla kang sumulpot. You
ruined everything.”

Napatango ako. Ngayon alam ko na ang totoo, hindi si Olly,


Maricel, o Nikita ang tunay na lason. It was Debi all along. She was
the real villain of this story. What a freaking plot twist.

“Never kitang nagustuhan, Macey. I actually hate you since the


beginning. Masyado kang mabait, mapagtiwala, at masyadong
optimistic na tao, at iyon ang mga pinakaayaw ko. Magkaibang-
magkaiba tayo.”

But, why did she befriend me? Was it part of her plan?

“Nakuha mo lang ang atensyon ko dahil naramdaman ko agad


na kakaiba ka sa lahat ng mga babae sa audition. Naramdaman ko
agad na isa kang threat sa akin. Ang balak ko ay manipulahin ka
hanggang sa ikaw mismo ang sumuko. Pero kahit sumuko ka na…
Hinabol ka pa rin niya…”

Ang tapang sa mukha ni Debi ay napalitan ng paghikbi. Tumayo


siya at hindi inalintana na nakatingin sa amin ang mga tao rito sa
café.
“I hate you…” Napahagulhol na siya. Para siyang bata na
umatungal sa harapan ko. Ang pait sa mga mata niya ay naging mas
malalim. “I hate you, Macey. I hate so much!”

Kinuha ko ang baso na may lamang tubig at ako na ang


nagbuhos sa aking ulo. “Can I speak now?”

Natigil sa pag-iyak si Debi. Nagulat siya sa ginawa ko.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Hate me all you want, Debi,


but I don’t hate you. Instead, I pity you. Magising ka na sana sa
katotohanan na wala ka sa isang fairytale na libro.” Pagkuwan ay
sinikmuraan ko siya.

Napayuko siya sa sakit. “Ahg!” usal niya.

“Your father was a good man and he loved you so much. Gusto
niyang mapabuti ang kalagayan mo, pero sa tingin ko ay hindi siya
magiging proud sa mga kalokohang nagawa mo.” Pagkatapos ay
tinalikuran ko na siya. Tinungo ko ang kinaroroonan ng pinto ng
café para umalis.

Hindi pa ako nakakalayo nang marinig siyang magsalita. “Did


you… ever consider me as your friend while we were in Red
Island?”

Matagal bago ako nakasagot. “Yes.”

Mapait siyang tumawa. “Then, you should know about this…”


Nilingon ko siya at nakita ko na puno na ng luha ang kanyang
mga mata.

“The day you left the Red Mansion… Panther filed a divorce
against me.”

What? Pero hindi ba siya lang ang bukod tangi na itinira ni


Panther sa lahat ng asawa na hiniwalayan nito? Anong sinasabi ni
Debi ngayon?

“Ako… Ako ang una sana niyang hihiwalayan nang umalis ka…”
Humina ang tinig niya. “B-but I refused signing the divorce papers…
I begged him not to leave me…”

Naguguluhan ako kaya gusto kong marinig ang lahat.


Humakbang ako palapit sa kanya at hinintay ang iba pang mga
salita na bibitiwan niya.

“I reminded him of his promise to my father... That he would


not leave me… That he would take care of me… But he said he
couldn't keep his words anymore. Siya naman ang nagmakaawa na
pirmahan ko ang divorce papers. Na ibibigay niya sa akin kahit
magkano ang hilingin ko, kahit pa nga raw hingiin ko na lahat-lahat,
b-basta pumayag lang ako na pakawalan na siya…”

Kumuyom ang mga kamao ko.

Napayuko si Debi. “Nagmatigas pa rin ako kasi mahal ko siya…


Umaasa pa rin ako na baka may nararamdaman din siya sa akin…
Pero awa lang at utang na loob sa father ko ang meron sa puso niya
para sa akin…” Pag-angat niya ng mukha ay sargo na ang kanyang
luha. Pulang-pula na ang kanyang ilong at pisngi. “Ginawa ko nang
lahat para itali siya sa akin, pinagbantaan ko na siya na
magpapakamatay ako…”

Napanganga ako. Kaya pala ganoon na lang ang pag-aalala ni


Panther sa kanya.

“Ulila na ako, Macey... Wala akong kamaganak... Alam ni


Panther ang pakiramdam ng mag-isa, at iyon ang ginamit ko para
konsensiyahin siya...”

Bumalik sa akin ang mga pagkakataon na balisa si Panther


matapos niyang may makausap sa phone. Iyon ang mga
pagkakataon na aalis siya at makakaramdam ako ng galit dahil alam
ko na si Debi ang pupuntahan niya.

“Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko kaya na wala siya... N-na


mabuti pa na mamatay na lang ako kung hihiwalayan niya rin ako...
Pinaaalala ko rin palagi ang binitiwan niyang pangako sa father ko...
Awa at pagkakatali sa pangako niya ang dahilan kaya hindi niya ako
magawang tuluyang bitiwan...”

Dahil din sa mahalaga kay Panther ang binitiwang salita, hindi


masabi ng lalaki ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya
magawang bitiwan si Debi.
“P-pero nang manganak ka na… Tuluyan nang nawala si Panther
sa akin. Kahit pa tinatakot ko siya na magpapakamatay ako, hindi
na siya ulit dumating…”

Napaupo si Debi sa upuan at doon nakayukong humagulhol.

“Macey, hindi talaga ako ang mahal niya… Ngayon ay tanggap


ko na… Hinding-hindi niya ako kayang mahalin katulad ng
pagmamahal ko sa kanya…”

Wala akong masabi. Tumutulo ang luha ko habang nakatingin


lang ako sa kamiserablehan ni Debi. Wala akong maramdaman sa
kanya na kahit katiting na awa. Gayunpaman, kahit ano ang
nagawa niyang kagagahan dahil sa pagmamahal, naiintindihan ko
siya. Kahit tangina, isa siya sa dahilan kaya halos umiyak ako ng
dugo noon, pinapatawad ko na siya.

“M-Macey…” tangis niya. “I’m sorry… I’m so sorry…”

Bumuga ako ng hangin. “Bahala ka na sa buhay mo, Debi. Wag


na sana tayong magkita ulit.”

Tuluyan na akong umalis at iniwan ko na siya.

~~~~~~~~
PAPASOK AKO SA PINTO ng nursery room ni Baby Blade nang
marinig ang nakakagigil sa puso na munting halakhak ng sanggol.
Nang pumasok ako ay nakita ko si Panther sa harapan ng crib
habang nakatingin siya sa anak namin.

“I love you, buddy,” narinig ko na sabi niya kay Baby Blade sa


basag na tinig.

Napahagikhik naman ang sanggol na akala mo’y nakakaintindi


na. Kumawag-kawag ang munti nitong mga braso at binti mula sa
kinahihigaang crib.

Yumuko siya sa crib at ginawaran nang magaan ng halik sa noo


ang sanggol. “I love you. I love you so much…”

May kung anong kaba na bumangon sa dibdib ko nang


mapansin ang duffle bag sa paanan ni Panther. Matapos halikan
ang anak namin ay dinampot niya ang duffle bag. Napatingin siya sa
akin nang maramdaman niya ang presensiya ko sa pinto.

Malungkot ang mukha ni Panther pero maliit siyang ngumiti


nang maglakad palapit sa akin. “Don’t worry, Macey. I just came
here to say goodbye.”

Natutuliro man ay tinanguan ko lang siya. Kung aalis na siya,


kung tunay na aalis na siya ay baka nga iyon na talaga ang
nararapat na mangyari.

“Macey.”
“Hmn?” Kaswal ko na sinalubong ang malamlam niyang abuhing
mga mata.

“C-can I… hug our baby for one last time?” Nabasag ang tinig
niya.

Tumango lang akong muli.

Napangiti siya. Ang tuwa at lungkot sa mga mata niya ay


nagsama. Ibinaba niya ulit ang duffle bag saka inilang hakbang ang
crib ni Baby Blade. Maingat na binuhat niya ang sanggol at idinikit
sa kanyang dibdib.

May pait na pumaloob sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila.


Maybe this was the last time I would see this scene. Baka ito na rin
ang huling beses na makita ko si Panther.

Masuyo niyang hinagkan sa noo ang namin. “I-I’m sorry, my


baby. Daddy is sorry because I have to leave you. Hindi mo ako
makakasama sa paglaki mo… Hindi kita maaalagaan… And even on
your birthdays, I don’t think I would be able to visit you …”

Ngumiti lang si Baby Blade habang inaabot ng munting kamay


nito ang matangos niyang ilong.

“Daddy is sorry because I won’t be there for you when you need
me…” Namalisbis ang mga luha sa abuhing mga mata ni Panther
habang nakatingin siya nang buong pagmamahal sa anak namin.
“B-but you need to know… that I love you… I love you so much, my
son…”
Napaiyak na rin ako pero agad kong pinunasan ang luhang
pumatak mula sa aking mga mata.

“D-daddy will miss you so much, buddy. Always remember that,


daddy loves you so much…” Napahagulhol siya habang yakap ang
kanyang anak.

The high and mighty psycho billionaire, Panther Foresteir was


crying his heart out.

“My son, I will always think of you… I pray that the world will be
less cruel to you so that you will not experience the hardships I had
gone through… I pray that you grow up strong and a good person
like your mom… And I pray that you will always be happy and
safe...”

Tila pinipiga na ang puso ko.

“G-goodbye, son…” pagkasabi ay muli niyang niyakap ang


sanggol.

Ilang minuto na yakap niya ito bago maingat na ibinalik sa crib.


Nagkakawag na tila humahabol pa sa kanya ang sanggol pero
tinalikuran na niya ito.

Lumapit siya sa akin. “I only have one wish, Macey. Please give
this to our son when he grows up...” Inabutan niya ako ng isang
envelope na red.
Tinanggap ko iyon. It was a letter for Baby Blade.

“G-goodbye, Macey.”

Marahan ko siyang tinanguan. Tumalikod na siya sa akin para


lumabas ng kuwarto. Nang mawala siya sa aking paningin ay sunud-
sunod nang nalaglag ang mga luha ko.

Lumapit ako sa crib at binuhat si Baby Blade na bigla na lamang


umiyak. Pilit kong pinapatahan ang anak namin pero ayaw huminto
sa pag-iyak. Mukhang naramdaman ng sanggol na umalis na ang
kanyang ama. Tila nararamdaman din niya ang nararamdaman ko,
isang uri ng pakiramdam na akala ko ay hindi ko na mararamdaman
pa.

Yakap si Baby Blade na tahimik akong umiyak. Magiging matatag


ako para sa anak ko. Kahit kami na lang dalawa, kakayanin namin
ito. Magiging masaya kami na magkasama kahit wala na ang ama
niya.

~~~~~~~~

FOUR MONTHS HAD PASSED

Galing ako sa kompanya ni Daddy. Nagsisimula na ako na


magtrabaho roon matapos ang aking dalawang buwan na pag-aaral
ng pasikot-sikot sa posisyon na ibinigay sa akin. Masaya naman ako
na palagi akong busy. Napagsasabay ko rin nang maayos ang
pagiging single mommy at pagiging new employee ng Sandoval’s
company.
Unti-unti na rin na bumabalik ang dating Macey. Ngumingiti na
ulit ako kahit pa sa loob ko ay may nararamdaman akong kulang.

Nang mga dumaang araw ay habang nakakalimot ako sa


nakaraan ay tila may mga nagbabalik naman na pakiramdam. Akala
ko naubos na ang emosyon ko, pero heto at tila nga bumabalik isa-
isa ang mga ito.

“Where are you, Dr. Fetus?” sigaw ko pagpasok sa nursery room


ni Baby Blade.

Pagbaba ko sa aking kotse ay sinalubong ako ni Mommy. Nang


sabihin sa akin nito na may bisita raw akong matandang duwende
sa nursery room ay nanakbo agad ako patungo rito. I knew it was
Dr. Fetus.

“I’m just here.” Isang lalaki ang nagsalita sa likuran ko pagpasok


ko sa nursery room.

Kung hindi niya pa ako kinalabit sa binti ay hindi ko pa siya


makikita. Naka all black tux siya, hindi na red na katulad nang dati.
Naka-gel din naman pataas ang kanyang buhok.

“Kumusta na?!” Sa sobrang tuwa ay wala sa sariling nabuhat ko


siya para yakapin. I missed this little guy!

Umirap siya sa akin. “Makabuhat ka naman. Minamaliit mo ba


ako?”
Dinala ko siya sa crib at itinabi sa baby ko.

“Oh, hello there, Young Master!” bati niya kay Baby Blade na
naglalaro sa loob ng crib. “Sooner or later, magkasinglaki na tayo.”
Sarcastic siyang napangisi.

Habang nakatingin ako sa kanila ay nakangiti ako, ang kaso ay


tila may nakita si Dr. Fetus na kung ano sa mga mata ko.

“You can’t hide it, Macey.” Bigla sumeryoso ang matanda. “You
are lonely.”

Umiling ako. “No, I’m not,” tanggi ko. Ilang buwan ko na iyong
itinatanggi at pinapaniwala ang aking sarili.

“Panther is in Italy,” bigla niyang sabi.

Tamad akong ngumisi. “Really? Is he… with Debi?”

Nangunot ang kulubot na noo ni Dr. Fetus. “`The hell are you
talking about?”

Nagkibit ako ng balikat. Nang umalis noon si Panther ay sumagi


sa isip ko na baka nga binalikan na lang niya si Debi. Naghihintay pa
rin naman sa kanya ang babae kaya malamang na tatanggapin siya
nito kung babalik siya.

“Master Panther just kept Debi as his wife because of her


father’s dying wish. Pero iniwan niya na rin ito. Sa mga oras na ito
ay divorced na talaga siya sa lahat. Wala nang balak magtira pa ng
kahit sino sa mga asawa niya ang master ko.”

Hindi ako umimik.

“Oo, Macey, importante si Debi kay Master Panther, pero sa


ibang aspeto. Ang tingin niya sa babae isa lamang responsibilidad,
isang nakababatang kapatid. You know, he lost his little sister. Kaya
siguro itinuon na lang niya ang pagmamahal niya kay Debi bilang
nakababatang kapatid.”

“Let’s not talk about them, p-please…” Tapos na kasi, e. Tapos


na lahat kaya bakit kailangan pang ungkatin?

Pasaway nga lang talaga si Dr. Fetus. “No. You need to hear this,
Macey. Para wala ng misunderstanding sa pagitan niyo. Hiwalay
man kayo, at least, wala kayong hindi pagkakaunawaan.”

Napayuko ako.

“Nasaktan si Master Panther dahil pinagkatiwalaan at itinuring


niyang kapamilya si Debi, pero nalaman niyang trinaydor siya nito.
Nadiskubre na niya na si Debi ang may gawa kung bakit nag-failed
ang Batch 1 at alam na rin niya ang pagmamanipula nito. Pero
nakabangon naman na si Panther, nakapagpatawad na rin siya
ngayon. Buo na siya dahil nakita niya na ang nawawala niyang
kapatid.”

Panther already found her missing younger sister?!


“Her younger sister, Jane Adoni Foresteir is alive. Hindi siya
nagsisi sa hindi pagsuko sa paghahanap dito. Sa katunayan, ilang
taon niya nang alam na buhay ito, pero naduduwag lang siya na
lapitan ang kapatid niya. Lately lang sila tuluyang nagkaayos.”

Napangiti ako at may kung anong mainit na humaplos sa aking


diddib. Masaya ako para kay Panther.

“Macey,” untag sa akin Dr. Fetus. “The reason why I came here
is because of Master Panther’s order. May mga dala akong
dokumento kung saan nakasulat na lahat ng pera at ari-arian na
natira sa kanya ay mapupunta sa anak niyong dalawa.”

Napailing ako. “You know my baby doesn’t need that.” Sandoval


ang angkan ko, kung pera lang at ari-arian ang usapan ay hindi
magkukulang ang anak ko.

Bumangon sa crib si Dr. Fetus. “Of course, alam din ni Master


Panther na kaya mo namang buhayin ang anak niyo, pero dahil siya
ang ama, hindi siya syempre papayag na wala siyang ambag
maliban sa sperm niya. Wala siyang ibang binubuhay. Mukha ring
wala na siyang balak mag-asawa at mag-anak pa ng iba, kaya sana
hayaan mo na lang siya na maging ama sa anak niyo kahit sa
pamamagitan lang ng pagsuporta rito.”

“But…”

“Shhh!” sinaway niya ako. “I’ll process the papers and there’s
nothing you can do. Babarilin kita.” May hinugot siyang tranquilizer
gun sa kanyang likod.
Napabuntong-hininga na lang ako. “All right.”

“Good.” Ngumiti na siya. “Ninong ako ha?”

“Oo naman.”

Ang lahat din ng ex wives ni Panther ay mga ninang, maliban kay


Debi. Ewan ko lang kina Maricel at Olly. Iyong dalawa kasi na iyon
ay hindi ko naman inimbita pero kusang dumating sa party.

Ang poker-faced na si Nikita Ongpauco na kahit hindi ko close ay


nakakagulat na nagpadala ng regalo. Hindi um-attend pero sinabi ni
Maricel sa akin na ninang din daw ito. Nagdesisyon sila ng sarili
nila.

I heard about Nikita’s life. Isang half-Chinese na ulila ang babae.


Ang umapon sa kanya ay mga tunay na Chinese. Malaki ang utang
na loob niya sa mga bagong magulang kaya nang utusan siya ng
mga ito na sumali sa ‘The Search for 7 Wives’ ni Panther ay sumali
siya, kahit pa labag sa loob niya.

May ibang lalaki na pala na mahal si Nikita noon pa man. At


ngayon ko lang nalaman kung sino ito, isang lalaki na nakasama
niya noon nang nasa ampunan pa siya. Ang lalaking iyon ay walang
iba kundi si Light Dreux Erudian.

And Nikita was now in Singapore. She was pursuing Light. Wala
pang kasiguraduhan ang magiging ending nila, pero ngayon pa lang,
ipinagdadasal ko na ang kanilang kaligayahan. Light deserved to be
loved and treasured. Sana nga ay si Nikita na ang magpapasaya sa
kanya.

Lahat sila, deserved nilang sumaya.

Katulad ni Morga na naka-moved on na rin sa ex nito na si Van


Ross Batalier, si Giana na ngayon ay boyfriend na ang ex-protector
nito na si Yvo Lawrence, si Olly na nahanap na ang ‘calling’ at
papasok na raw sa kumbento para magmadre, at si Maricel na
ikakasal na sa childhood friend nito, na narinig ko lang na ang
pangalan ay Hubert, a businessman and good samaritan from
Quiapo, Manila.

“Macey…” untag ni Dr. Fetus sa paglalakbay ng isip ko.

Tumingin ako sa kanya at nakitang malabo na siya sa aking


paningin. Kaya pala, may luha sa aking mga mata.

“Panther loves you so much.”

Umiling ako. No, okay na ako. Ilang buwan na ang nagdaan.


Ayaw ko nang may marinig na tungkol kay Panther. Ayaw ko na
dahil nararamdaman ko na naman ulit iyong mga pakiramdam na
akala ko ay nakalimutan ko na.

Tumikhim si Dr. Fetus. “I know that I’m not in a position to tell


you this pero matagal ko na siyang kakilala. Little big brother na
nga ang tingin niya sa akin. Noon, kahit napakabata niya pa para
maulila at mawalan ng mga kapatid, nanatili pa rin siyang malamig
at matatag. Hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko
siyang tuluyang mabasag.”

Bumalatay ang lungkot sa mukha ng matanda.

“Before Master Panther left for Italy, he broke down in front of


me. That was the first time I saw him like that. He was sobbing like
crazy as he repeatedly uttered how much he loves you. Tinuruan
mo siya kung paano magkaroon ng puso… At ang puso na iyon ay
natitiyak ko na basag pa rin hanggang sa mga oras na ito.”

“P-please, I don’t wanna hear more…” Gumaralgal na ang tinig


ko.

Umiling siya. “I know that you also went through a lot when you
fell in love with him. Pero pareho lang naman kayong unang beses
pa lamang nagmahal. Pareho kayong nangangapa sa mga
damdamin niyo. Pareho kayong padalos-dalos at matigas ang ulo.”

Naglandas na ang aking mga luha. Sumabog na ang naipon na


emosyon sa dibdib ko.

“Pero sana Macey, hindi mo makalimutan, na si Panther ang


mas may matinding pinagdaanan. May trauma siya mula pagkabata
at hindi niya naranasan ang normal na buhay kahit kailan, but he
still managed to fall in love with you. He tried his best to make it up
to you, to win you back… And he was selfless for giving up on you
because he loves you more than he loves himself.”
Tinalikuran ko na si Dr. Fetus. “Pakibantayan muna ang anak
ko.”

Napakapit siya sa hawakan ng crib. “Where are you going?”

“M-may titingnan lang ako sa taas.” Pagkasabi ay nanakbo na


ako patungo sa aking kuwarto.

Hinanap ko sa drawer ang red envelope kung saan nasa loob


ang letter ni Panther para sa anak namin. Matagal na ito rito at
ngayon ko lang binuksan. Binasa ko ang nilalaman.

Dear Son,

I hope you’re a big boy now while reading this letter. I know
you’re wondering where the hell is your father? And why are you
growing up without me? I can only say sorry. I’m sorry I am such a
bad dad for leaving you. You have a lot to learn, but I am not there
to guide you. You will make a lot of mistakes in your life, but I won’t
be there to correct you.

Napaupo ako sa kama at nagpatuloy sa pagbabasa habang


luhaan ang aking mga mata.

I understand if you’ll hate me, but please don’t hate me too


much. I just had no choice but to leave, but I love you. God knows
how much I love you, my first and only son. You are and will always
be the most precious blessing I have received in life.
Mapait akong napangiti. Tama ang sinabi ni Dr. Fetus, wala na
ngang balak mag-asawa at mag-anak pa ng iba si Panther.

It saddened me because I only have your baby pictures with me,


so I have no idea what you look like now. But my memories of my
sweet little buddy are forever in my heart.

Naglandas ang aking mga luha.

PS. Can you do this bad dad a favor? I know it’s too much to ask
you, but can you please take care of your mom? Please be patient
with her at times that she’s not in the mood. If she’s feeling lonely,
do something to make her happy. If she cries, make her laugh. If
she’s having a hard time, do everything to make her feel better.

Always love her and protect her for me...

One day you’re going to have your special someone and you will
fall in love with her, but please if that happened, do not leave your
lovely mom behind. Do not forget about her since she’s the first
woman who ever loved you. And I know that she will always love
you until the end of time...

Kahit nanlalabo na ang aking mga mata sa luha ay nagpatuloy


ako.

I love you two so much. I am always grateful to God because I


had been with you even for a short time. You both taught me pure
love. You two are my everything.

a)
Kayo lang. Kayo lang ang pamilya ko habang
nabubuhay ako.

Your dad who loves you forever,


Panther Foresteir

Napahagulhol na ako. Niyakap ko nang mahigpit ang letter niya


at saka ako napahiga sa kama. “Damn you, Panther Foresteir, why
are you making this hard for me…”

FINISH LINE

“ELOW, PANPAN!”
Isang batang babae na bungi ang palapit sa akin. Her hair was
short and she was dressed in boys’ clothes, but she was cute
despite her boyish looks.

“Elow, Macky!” I greeted her back.

Iyon ang pangalan niya, panlalaki rin. Ewan ko kung bakit.

Mula nang iwan ako ni Mommy sa daddy ko na si Macario


‘Macoy’ Karangalan Sandoval ay naging kalaro ko na ang batang ito.
Matapang siya at malakas manuntok kahit maliit siya, kaya crush ko
siya. Gusto ko siyang maging asawa paglaki ko.

Girlfriend ko na pala siya ngayon.

“Macky, I love you!”

Bumungisngis siya at muli kong nakita ang mga ngipin niyang


bungi. “I love you, Panpan! Nasaan na chocolate ko?!”

Kagaya ng mga ibang nagdaang araw, kumain kami ng chocolate


maghapon hanggang sa manakit ang mga ngipin namin...

~~~~~~~~

IT WAS LIKE A RED NOTE.

May maliit na balat si Macey sa batok. It was like a red note.


Natutuwa ako dahil paborito ko ang kulay na pula. Paglaki namin,
magpapa-tattoo rin ako ng ganoon sa batok ko...
Tapos iyong mga magiging friends ko, gusto ko may ganoon din
sila na tattoo. Ipapakilala ko sa kanila si Macey at lahat sila ay dapat
na pupunta kapag ikinasal na kami. Marami na akong naiisip gawin
paglaki namin, pero hindi ko alam na hindi na pala iyon
mangyayari...

~~~~~~~~

ISANG GABI ay nilapitan ako ni Daddy—ni Macario ‘Macoy’


Karangalan Sandoval. He told me something that broke my heart
and changed my life. He was not my biological father and he had
known it all along.

Akala ko siya talaga ang daddy ko. Akala ko talaga siya. Akala ko
magkakaroon na ako ng buong pamilya...

Akala ko rin mahal niya ako. Pero naaawa lang pala siya...

Nagalit si Mommy kay Macoy nang hiwalayan siya nito at


binalikan nito ang ex nito na mommy pala ni Macky. Si Macky pala
ang anak nito. Si Macky pala ang tunay na may daddy.

Ni hindi ako hinabol ni Macoy nang bawiin ako ni Mommy. My


mom took me away and brought me back to Italy...

~~~~~~~~
APPARENTLY, my mom had been in despair since she and Macoy
split up. When she got pregnant with another man and gave birth,
she fell into depression. She eventually succumbed to it.

Isang gabi na tinabihan ako ni Mommy ay akala ko magiging


okay na ang lahat, akala ko ay magiging mabuting ina na siya, at
akala ko ay mahal niya na ulit ako, pero nagkamali ako.

Nagising ako kinabukasan na wala na akong ina. Nagpakamatay


siya habang natutulog ako. Nagpakamatay siya mismo sa tabi ko...

And the trauma broke me. Ang tingin ko sa paligid ay kulay pula.
Pulang-pula na tila dugo at wala na akong ibang makita pa... I
thought I was going insane…

~~~~~~~~

AT MY YOUNG AGE, my life was already a mess – I was estranged


from my younger brother while our youngest sister was missing. I
had no family to run to and there was no one I could trust. I was
being eaten by misery.

I was the youngest billionaire, but all those money did me no


good but put my life in danger. People wanted me dead to get to
my money.

~~~~~~~~

I LONGED FOR A FAMILY OF MY OWN.


Gusto ko na magkaroon ng sariling pamilya sa hinaharap. Gusto
ko ng isang malaking pamilya. Maraming anak. Maraming
tagapagmana.

I wanted a family who would hold me in high regard, a family


who would make me feel important. I wanted each of them to
marvel at me, vie for my attention, and strive for my acceptance. I
wanted to be the center of their lives, the very core of their
existence.

I wouldn’t even care about their motives, even if they were just
after my fortune. I wanted them chained unto me and dread losing
me...

These desires led me to develop the concept of a reality game


to be held on one of my private islands. I would build my own little
world where my family would settle and live for the rest of our
lives. All our escapades and adventures were held within, secluded
from everyone else.

This had been my life goal. This was what I was dreaming of...

Never had I imagined that a woman from my past would be


involved in this little game of mine. She even had the guts to call
me out, going so far as to call my greatest dream a madness...

~~~~~~~~

[ H-HELLO? ]
It was really Macky—Macey Ela Sandoval’s voice.

“Macey…” I couldn’t believe she was auditioning to be one of


my 7 wives.

[ Oh, bakit? Ano ba iyon? Tawag naman kasi nang tawag! ]

Bold, gutsy, and very straightforward – she really was the


Macey or Macky from my childhood. But I didn’t want her here. I
didn’t want her near me.

“Fail your audition.”

[ Ha? ]

“Do you hear me loud and clear? Fail your audition.” Bahagya
akong napalunok. “I don’t want you to be my wife.”

Matagal bago siya nakasagot ulit.[ Excuse me! For your


information, naligaw lang ako dito sa audition mo— ]

“I don’t wanna hear your excuses. Please, just go home.”

[ E, ‘di ba, sa ‘yo ang audition na ‘to? Bakit hindi mo na lang


ako ibagsak para makauwi na ako?! ]

“ I can’t do that. There are rules for having seven wives that I
should abide. I can't just kick you out. So the only way… is to do
your best to fail. I don’t want you here.”
[ No, ] mariing sabi niya na ikinagulat ko.

“What?”

[ Panther Foresteir, listen to me very carefully… I. Am. Gonna.


Be. Your. Wife. ]

Gulat na gulat ako na hindi ako agad nakapagsalita.

[ Just you wait! I am going to be your wife to teach you a


lesson! ]Pagkasabi ay pinagbagsakan niya ako ng telepono.

Tulala na napatitig na lang ako sa kawalan, kasabay ng pagbilis


ng kabog ng dibdib ko… What the hell?

At nangyari nga ang sinabi niya, naging isa si Macey Ela Sandoval
sa pitong asawa ko.

~~~~~~~~

MACEY was an honest, cheerful, carefree person. She grew up


loved and appreciated, surrounded by people who truly care for
her. Someone who carried such light was out of place in the void
that was my life.

Dahil ang mundo ko ay kung hindi pula ay tanging kadiliman


lamang ang makikita.

It was really a big mistake to let her join my harem. I shouldn’t


have let her back into my life again.
We were living on two opposite ends of a spectrum, and we just
didn’t belong together...

~~~~~~~~

SI MACEY ang bukod tanging tumitingin sa akin pailalim, ang bukod


tangi na malakas ang loob pagtawanan ako, at ang bukod tanging
deretsang sinasabi sa akin na ang tinatahak kong buhay ay hindi
ako kayang tunay na pasayahin.

Sa maiksing panahon, marami siyang nabago sa akin—o siguro


mga pakiramdam na noon pa ay meron na ako pero hindi ko lang
alam.

Maraming realization sa buhay ko ang dinala ni Macey. Nakita


ko ang buhay sa ibang aspeto. Binuksan niya ang mga mata kong
matagal nang nabubulag sa isang superficial na mundo…

~~~~~~~~

MACEY AND I were laying on the bed as she moved carefully


towards me. I held her gently and embraced her tenderly before
kissing her forehead. It was at this moment I realized that I had
truly fallen for her…

...and I was frightened.

~~~~~~~~
I WAS JEALOUS OF HER PROTECTOR, LIGHT DREUX ERUDIAN.

May karapatan ako na magselos dahil asawa ko si Macey. Sa


akin siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko gusto kung paano siya
titigan ng protector niya, hindi ko gusto na nakakasama niya ito sa
chamber niya, na naguusap sila, at ngumingiti siya rito… ngiti na
dapat ako lang ang may-ari.

Ngiti niya na dapat ako lang ang nakakakita.

Lumalakad si Macey patungo sa akin. Nasa mga mata niya ang


naghahalong hiya, pagkailang, at pananabik… Right, ako lang ang
taong nakakakita ng ganitong mga reaksyon niya.

Lamang pa rin ako kay Light.

Lamang pa rin ako sa iba.

All of Macey’s emotions – her being sheepish, her nervousness,


even her fears, and anger – she could only show to me. All of these
were mine, and it was enough to make me happy.

~~~~~~~~

BUSINESS TRIP. I needed to leave for a few days to attend a series


of meetings concerning businesses needing my attention. I was too
engrossed in being with Macey for the past few days and ended up
being swamped with too much work I could no longer ignore.

Hinalikan ko si Macey sa noo. Ayaw ko sana siyang iwan pero


kailangan. Ipinahanda ko ang pagkain niya at isusuot sa mga staff
bago ko siya iniwanan sa chamber ko. Hindi pa ako nakakaalis ay
nami-miss ko na siya agad.

I was about to leave when I received a phone call from Debi,


one of my 7 wives. She was anxious and panicky. I didn’t read too
much into it thinking that she might just have one of her
nightmares again. I went to her chamber to check on her, but it
took her a while to open the door. When I saw her, I was surprised
to see her eyes were red and puffed from crying.

I was taken aback when she hugged me and kissed me on my


lips. I pushed her away and gave her a disapproving look. She was
my wife but I didn’t like what she did.

I was dumbfounded as I left Debi, but that was nothing


compared to what I saw as I pass through the hallway.

I saw Macey… with my own eyes…

She was with her protector, Light Dreux Erudian… at magkalapat


ang mga labi nila…

~~~~~~~~

SHE DIDN’T WANT IT.


Ang tila mabigat na bagay sa dibdib ko ay biglang naglaho nang
marinig ko ang totoo mula kay Macey. Hindi niya ginusto ang halik
at sapat na sa akin iyon. Naniniwala ako sa kanya.

Nakatulog siya na nakayakap sa akin nang gabing iyon habang


maingat na hinahalikan ko ang mga labi niya. Sa akin lang ito, sa
akin lang ang mga labi niya, sa akin lang siya…

~~~~~~~~

SHE WAS MY SUN.

Macey was the light that my darkness had longed for. I loved
her. I loved her so much that I could die. To hell with the rules, to
hell with this fucked-up setup. I was willing to give up everything
just so I won’t lose her.

I would do anything just to make her stay…

But then, I got Debi pregnant…

~~~~~~~~

A FATHER.
Buntis si Debi at magkakaanak na kami. I should be celebrating. I
should be happy. It was supposed to be the happiest day of my life,
yet I felt despondent. I felt bad for my child as I really couldn’t
make myself excited.

Nakaisip si Olly, isa sa aking pitong asawa, na mag-celebrate sa


chamber ko. She took care of the preparations, and I just let her.
Napayuko na lang ako nang sabihin ni Olly na hindi raw gustong
um-attend ni Macey sa party.

I was indifferent all throughout the party. Tahimik lang ako na


sumusunod sa agos. Si Debi naman ay tahimik lang din na
nakikiramdam sa akin.

My other wives were partying hard and enjoying themselves


while I drowned myself in alcohol. I didn’t even attempt to follow
Debi when she walked out the glass door.

I was left with my other wives, Olly, Maricel, and Nikita. They
were beckoning me to join them, but I didn’t move an inch. I kept
on chugging until my head hit my bed’s headboard.

I saw Olly waltzing up towards me. Maricel followed, getting on


the bed. Nikita backed up though and kept her distance. Olly
started nuzzling and kissing my neck while Maricel tried removing
my belt.

I pushed them away with all the strength I could muster. I


drunkenly headed to the shower room and shut myself inside. I had
drunk too much and was too blasted. All I remembered was me
blacking out….

~~~~~~~~

MACEY was angry at me, furious at me. I couldn’t even blame her –
I deserved it.

But I was also angry at myself. I wanted her to understand me. I


wanted her to realize that I couldn’t turn my back on my child. I
didn’t want my child to grow up without a father like I did.

Sana mapatawad ako ni Macey, na kahit siya ang liwanag sa


buhay ko, hindi ko siya kayang piliin sa pagkakataong ito...

~~~~~~~~

I DIDN’T HAVE A CHILD WITH DEBI.

Nalaman ko ang resulta ng test, hindi pala siya totoong buntis. It


was just a false alarm.

I fell for her story, hook, line, and sinker –I swallowed it all.
Having children, was my biggest dream. Guess this was payback for
not being delighted with the news of an incoming baby. Karma
smacked me across the face, and I hit the floor hard.
Ang gago ko dahil kasalanan ko ang lahat ng ito. Nasasaktan din
si Debi ngayon dahil hindi siya totoong buntis pero hindi ko siya
magawang damayan.

I was disconcerted. I didn’t leave my chamber. I was in a daze


and spent my days drunk as shit.

~~~~~~~~

IT WAS MY MOTHER’S DEATH ANNIVERSARY.

Ang araw na ito ay parang katumbas din ng kamatayan ko. Wala


ako sa mood sa lahat ng bagay at halo-halo ang pait sa dibdib ko.

Then, Macey arrived. I was not expecting her. She just showed
up. I thought she was angry at me. She sure was livid the last time I
saw her.

I saw a glint of happiness in her eyes when she saw me. My


brows furrowed. Masaya ba siya na hindi kami tunay na
magkakaanak ni Debi?

I was not in the mood to talk to her, yet I waited for her to say
something, not knowing it would break me further.

“I-I’m going to file for a divorce on the 70th day.”

~~~~~~~~
MACEY TRULY LEFT ME.

She was gone. She really ditched me and left my territory.

Nawalan na ako ng gana sa lahat. Wala akong ginawa kundi


magpakalunod sa alak. I was inattentive to my remaining wives, not
even offering a tiny bit of companionship to them. I didn’t care
anymore. Even the Red Marshal gave up trying to castigate me.

I missed Macey so much that it hurt.

How was she?

What was she doing?

I thought I was getting mad yearning for her.

At that point, even if I thought it was impossible, I wished I


could forget her. I just wanted to go back to how I was before she
came back into my life…

~~~~~~~~

BUNTIS SI MACEY!

I really couldn’t get her out of my system. I was longing for her
so much that I went after her to the Philippines. Felt like an idiot
waiting for her.
Then, I saw the blood running down her thighs. I felt
overwhelmed, different emotions flooding me. Isa lang ang
malinaw sa akin, buntis siya. At alam ko na anak ko ang dinadala
niya. Akin iyon. Sa amin iyon.

~~~~~~~~

I GAVE UP EVERYTHING.

I divorced all my remaining wives. I should have done this


earlier; it may have saved us from all these heartaches. I wasn’t
sure if Macey would be happy with what I’d done, or if she was
dead set to totally disassociate herself from me.

She was fuming when I got back and her next words ripped my
heart.

“Panther, kahit ano pa ang gawin mo, hindi na ako babalik sa


`yo.”

~~~~~~~~

NO. I JUST COULDN'T LET MACEY GO.

I visited her almost every day and every night. She always
turned me away, yet I came back each time. I knew her parents
didn’t approve of me, but I sucked it up and push through.
I knelt in front of Macario Karangalan Sandoval, something I
never imagined I would ever do. Yet here I was, on my knees,
begging for forgiveness from the man I loathed all these years.

I apologized for what I did to her daughter. I swallowed my


pride and admitted that I truly loved Macey. That I had no bad
intentions and I wanted to be with her and our child for the rest of
my life.

Gusto kong maging ama sa magiging anak ko.

“Daddy,” makaawa ko sa kanya. “Please help me. Teach me how


to be a good father to my son...”

Macoy stared at me, his eyes boring through me. I could see
pity in his eyes. But that was not what I needed.

I grasped and held unto his legs. “Daddy, please, I beg of you. I
don’t even know how to be a father. You know what happened to
me. You know how I grew up… I’m… terrified… I’m not sure if I can
do it…”

Right then, Pamela Sandoval entered the room. Macey's mother


and Macoy’s wife. The one who replaced my mother in his life.

Macoy helped me stand. “Once you see your child, your


paternal instincts will kick in. Your love for your child will teach you
how to be a good father. Ang iisipin mo palagi ay ang ikabubuti niya
at matututo kang magsakripisyo alang-alang sa kapakanan niya.”
Pamela wiped the tears from my face. Kahit may hinanakit ay
sinikap niyang ngumiti sa akin. “Wag na wag kang titigil, Panther.
Wag na wag kang mapapagod...”

Napayuko ako habang walang tigil ang mga luha ko.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Macoy. “You’ll be a


great father, son.”

Natulala ako nang yakapin niya ako. “D-Dad...”

“You’ll do a good job being a father to my grandchild. I may


have failed you before, I may not have been a good father to you,
but please know that I am sorry. I wish you could forgive me.”

All the pains and hurt throughout the years were crushing me. I
finally let them all out and bawl my eyes out like a child. I cried my
heart out in front of the man who I thought was my father...

~~~~~~~~

I RUSHED GOING BACK TO THE PHILIPPINES.

Macey would be giving birth any time soon. She didn’t want me
to, but I wanted to be beside her once our baby was delivered.

Nalaman ko na napaaga ang panganganak niya. Tinimbrehan


lang ako ng tauhan ko na nagmamanman sa mansiyon ng mga
Sandoval. Nalaman ko na nasa ospital na si Macey. Nasa gitna ako
ng mahalagang business meeting kung saan bilyones ang
pinaguusapang pera, pero tinalikuran ko iyon. Umalis ako kahit
nagtataka ang mag ka-meeting ko.

I needed to be there during Macey’s labor. I was filled with fear


and excitement, it was nerve-wracking. I just couldn’t sit still. Just
to get the job done quickly, I flew the chopper myself.

But I was late – Macey had just given birth when I arrived. I fell
to my knees when the doctor emerged from the delivery room
announcing that it was a successful delivery.

Oh, good heavens... I am now a father.

May anak na ako.

May pamilya na ako!

~~~~~~~~

OUR BABY. Our son.

A feeling of warmth washed over me as I gaze upon my child. I


might not have been a good person, but I felt lucky to have this
little angel. I must have done something right to be blessed with
this joy.

Blade Malachi Sandoval-Foresteir was our son's name. Namana


ng sanggol ang abuhing kulay ng mga mata ko at ang hugis ng mga
labi ni Macey. He was too perfect. Too perfect...
Looking at my little angel, I knew nothing could take away the
happiness I was feeling at that moment. Or so I thought. Macey
stood beside me. Her eyes were devoid of any emotion.
Pinapatawad niya na ako, pinapalaya niya na rin ako…

Sa pagkakataong ito, alam ko na kahit lumuhod ako sa harapan


niya at halikan ang mga paa niya ay talagang tapos na ang lahat sa
amin. Wala na siyang nararamdaman maski galit sa akin.

Ayaw ko nang mahirapan pa si Macey at ang anak namin. Kahit


para akong mamamatay ay ako na ang aatras palayo para sa
kinabukasan nila. Hindi ko pa rin tanggap na wala na, na hindi ko na
sila maipaglalaban, pero mas mahalaga sa akin na maging payapa
ang buhay nila—kahit kapalit niyon ay ang pagkawala ko sa buhay
nila.

Siguro nga hanggang dito na lang talaga. Siguro ito talaga ang
kapalaran ko, ang mabuhay nang mag-isa hanggang sa huling
hininga ko…

~~~~~~~~

MILAN, ITALY.

It had been eight months, yet I felt like a decade had passed. I
had lost a lot of assets upon divorcing my wives. Aside from the
alimony, I let them take 50% of my properties.
I never found it hard to make money. I had the brains and skills.
I just needed to bury myself and work my ass off. In eight months, I
was able to earn the billions I had lost. I made millions every hour
with my investments.

Ako pa rin iyong kilala ng lahat sa bansag na baliw na


bilyonaryo. Walang liwanag ang buhay. Iyong may sariling mundo
at nabubuhay na lang para magparami sa bilyones at ginto.

Hatinggabi na palagi ako umuuwi mula sa opisina dahil gusto


kong palaging pagod sa trabaho para kapag uuwi ako sa penthouse
ng pag-aari kong building ay matutulog na lang ako. At paggising
kinabukasan ay magpapakamatay ulit ako sa pagtatrabaho.

I persevered knowing that someone would inherit all my assets


and properties when the time comes.

Lahat ng pera ko, mula sa sincong sentimo, at ginto mula sa


kaliit-liitang piraso na pag-arri ko ay nakalaan lahat para sa anak ko.
Sa nag-iisang anak ko.

Sa anak namin ni Macey... Kay Baby Blade…

Para sa anak namin ang lahat ng ito. Kahit hindi niya kailangan,
ibibigay at inilalaan ko pa rin ang lahat sa kanya. Katulad nang mga
nakaraang gabi, dahil sa puyat at pagod ay nakatulugan ko ang
pangungulila sa aking mag-ina...

Naalimpungatan ako na basa ang aking mukha. I jerked out of


my sleep as I felt that someone was sucking the tip of my nose. I
opened my eyes and saw a baby looking back at me with his gray
eyes.

Mabilog ang maputi, makinis, at mamula-mulang pisngi ng bata


na naglalaro ang edad sa pito hanggang walong buwan. Malalantik
ang pilik-mata, mapula ang naglalaway na mga labi. Nang
bumungisngis ito ay nawindang ang puso ko.

Baby Blade?!

What the… Napakurap-kurap ako.

“Hi, gusto mo nang kumain?” Isang malamyos na tinig ang aking


narinig.

Napatingin ako sa pinto nang mula roon ay sumilip si Macey.


Nakangiti siya sa akin. Muli akong napakurap, pero naroon pa rin
siya. At nasa kandungan ko pa rin ang anak ko. Oh, God…

Ang sumunod na sinipsip ni Baby Blade ay ang isang daliri ko.


Gilalas na gilalas ako. It felt so real!

This was indeed a wonderful dream, and I didn’t want this to


end.

Bumaba sa akin si Baby Blade at gumapang sa malaki kong


kama. Nagpagulong-gulong ito roon na tila isang bola. I felt tears
starting to form behind my eyes, my heart flooding with emotions I
knew would get the best of me.
Macey walked towards me, held my hand, and pulled me up.
Tinulungan niya ako na hubarin ang suot kong polo. “Bakit hindi ka
nagpapalit bago matulog? Kumain ka ba muna kagabi? Anong oras
ka na nakauwi?”

Tulala pa rin ako sa kanya nang kuhanan niya ako ng T-shirt


mula sa closet. Tinulungan niya rin ako na isuot iyon. Pagkatapos ay
kinarga niya si Baby Blade at inabot sa akin.

“Nagluto ako ng almusal. Sabay na tayong kumain, ha?”


Nakangiti pa rin siya.

I was dumbfounded staring at her as we walked to the kitchen.

Sa mesa ay naroon ang mga pagkain na niluto niya. Sunog na


itlog, sunog na bacon, sunog na hotdog, at mamantikang sinangag.
Pero sa mga oras na ito ay masasabi ko na iyon na ang
pinakamasasarap na pagkain sa mundo. Handa akong umubos ng
bilyon matikman lang ang mga ito.

Ipinaghanda ako ni Macey ng plato. Tila siya maybahay na


nagsisilbi sa kanyang asawa—at ang asawa ay ako.

Nakasunod ako sa bawat kilos niya, kahit ang pagiging clumsy


niya sa kusina ay humahaplos sa puso ko. Ang lahat-lahat sa kanya
ay nakakaaliw pagmasdan. Ang bawat reaksyon ng mukha niya,
paghakbang niya, at maging ang pagmumura niya nang mapaso sa
kawali ang kamay niya.

Ah, even though this was just a dream, she was still adorable…
Napatingin siya sa akin at namilog ang kanyang mga mata.
“Hala! Nakatulog na?!”

Napatingin din ako sa bata na karga-karga ko. Kaya pala hindi na


ito naglilikot dahil tulog na at nakasubsob na pala sa aking dibdib.
Naluluha na hinagkan ko ito sa noo.

“Ang galing, hindi ko mapatulog iyan kahit napagod sa biyahe,


pero sa `yo, nakatulog siya agad. Nakilala ka niya siguro.” Kinuha
niya sa akin si Baby Blade. “Akin na, ilalagay ko muna sa kama.”

Muntik ko pa siyang pigilan nang bumalik siya sa kuwarto.


Natakot ako na baka bigla siyang mawala. Baka matapos na ang
panaginip na ito. Nagpa-panic ako. Pero mabuti at lumabas na siya
agad. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag.

Ipinaghila niya ako ng upuan at siya ang nagsandok sa akin ng


kanin at ulam. Napakahaba ng panaginip na ito pero ayos lang,
sana nga mas humaba pa.

Sana nga wag nang matapos pa…

Ang pagkain ay balewala sa akin kahit may mga lasang sunog.


Mas nangingibabaw ang saya sa puso ko. I was happy. I was truly
happy.

Nang matapos magligpit ay nakasunod pa rin ako kay Macey ng


tingin. Ayaw kong kumurap. Nang lumingon siya sa akin ay
napailing at napangiti siya. Ang mga mata niya ay kumikislap sa
iba’t ibang emosyon. Mga emosyon na akala ko ay hindi ko na
muling makikita pa.

Bumagsak na ang mga luha ko. “Ito na ang pinakamagandang


panaginip sa buhay ko…”

Narinig ko ang mahina at nangangatal na tinig niya, “Do you


really want this to just be a dream?”

I stared at her, surprised at was she said.

Tuluyan nang nabasag ang tinig ko. “Macey, I’m sorry. I tried. I
thought I could forget you, but I just can’t… So I’m sorry, even if
you’re just a dream, I will not let you go…”

Ang luhaan niyang mukha ay sumimangot. “This isn’t really a


dream! Gusto mo ba kurutin ko itlog mo para malaman mo na hindi
nga ito panaginip at gising na gising ka ngayon?!”

Napaatras ako palayo habang hawak ang aking bibig. “Oh, God…
Oh, God…”

Parang si Macey talaga siya. Parang totoong Macey talaga.

Humalukipkip siya na parang nauubusan na ng pasensiya.

What was happening still didn't seem to be true, but I wanted


to believe it. I wanted to believe that she was real.
“Macey, if you are not just a dream, then…” Humakbang ang
mga paa ko para lumapit ulit sa kanya. “W-would you give me a
hug? A kind of hug that is so tight, like you never want to be away
from me anymore?”

Ang pagsimangot niya ay biglang nabura. Lumamlam ang mga


mata niya.

“C-can you also kiss my lips like there's no tomorrow?”

Ang maliit na pagitan namin ay tinakbo niya. Patalon siyang


yumapos sa akin na agad kong sinalubong ng aking nakabukas na
mga braso. Naglapat ang mga labi namin sa isang mainit, mapusok,
at tila wala nang bukas na halik. Tumagal iyon na kung ilang minuto
ay hindi na namin sigurado. Kapwa kami luhaan at habol ang
paghinga pagkatapos.

“You’re really here,” humihingal na sambit ko.

She nodded and placed her hands on my cheek, caressing my


face. “Eight months. Eight friggin' months, Panther, I thought I’d
finally get over you. But once you’re gone, all the bitterness faded,
and my love for you prevailed.”

Namungay ang luhaang mga mata ko na nakatunghay sa kanya.

“Panther, let’s not make our son go through what we’ve been
through. Let’s give him a complete, happy family…”
Garalgal ang tinig ko nang magsalita. “Tell me, Macey. Tell me
that you still love me.”

Luhaan na ngumiti siya. “I love you.”

“Tell it to me one thousand times...”

“I love you. I love you. I love you. I love you. I love you. I love
you. Letse, ilan na ba? Okay, I love you. I love you. I love—”

I couldn’t hold it much longer. I didn’t let her finish. I held her
closer and hugged her tight as I claimed her lips once more…

The light was now back into my life...

“Macey, you are my sun…”

“And you are my moon, Panther Foresteir…”

“I will be more obsessed with you in the future, can you handle
that?”

“Try me…” She was the one who kissed me this time.

Hanggang sa makarating kami sa kama.

Sabik na iniisa-isa naming hubarin ang suot ng isa’t isa. Basta


niya inihagis ang suot kong shirt habang kinakalas ko ang belt ng
aking pantalon, nakapaghubad na siya ng jacket at blouse, ang bra
naman niya ang sumunod kong hinubad at inihagis sa kung saan.
God, how I missed her...

Napuno ng saya ang puso ko nang muling matikman ang dibdib


niya, para lang bigla akong mapaupo. Oh, damn! May lumabas na
gatas!

Napaahon ako. Bigla ay may gumapang papunta kay Macey ay


nakisipsip sa isa niyang dibdib—it was Baby Blade! Gising na ang
anak namin at nandito nga pala ito sa kama kasama namin!

Ang pagkagulat sa mukha ni Macey ay napalitan ng pagtawa.


Ang lakas ng halakhak niya habang ako naman ay tulala na
namumula. “May kahati ka na!”

Kinarga niya ang bata habang dumedede ito sa kanya. Napangiti


na ako at lumapit sa kanila. Hinalikan ko siya sa noo matapos na
maingat siyang nilagyan ng balabal na kumot sa likuran.

“I’ve changed, Macey. For you. For both of you. I mended my


ways and started anew. You keep on saying you’re not coming
back, but I still hope you’ll do. I endured and worked hard, doing
my best to be the man you truly deserve. So, when you decided to
accept me, I’m already a better person.”

Sabay ko na hinawakan ang isang kamay niya at ang munting


kamay ng anak namin.
“If you’ll have me, I promise to you that I will never let you go
again. I will be the best husband that I can be. I will be the best
dad, too, for our baby…”

Namasa ang mga mata ni Macey. “T-that’s so good to hear from


the world’s famous Psycho Billionaire…”

“Your Psycho Billionaire…” Marahan ko siyang hinalikan sa labi.


“Macey Ela Sandoval-Foresteir, until I enter my own grave, I love
you…”

THE END.

You might also like