Learn More Choose to invest in a sure, secure and safe Ayala property in Nuvali, Laguna Avida Land
MENU
Bugtong, Bugtong: 150+
Mga Halimbawa ng Bugtong na may Sagot
Ang mga bugtong o riddles sa wikang Ingles ay
mga pahulaan na pangungusap na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Ito ay isang maikling tula na kalimitan ay
patanong at patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.
Ang mga bugtong ay nagpapatalas sa kaisipan
ng mga taong naglalaro nito. Noong araw, isa ito sa mga pampalipas oras ng mga Pilipino.
Ito rin ay nakapagbibigay saya at sigla sa mga
bata at matatanda.
Narito ang mga halimbawa ng bugtong na aming
kinalap at pinagsama-sama na susubok sa talas ng inyong isipan.
Enjoy!
SEE ALSO: Pick Up Lines: 870+ Best English
Pick Up Lines (Ultimate Collection)
Halimbawa ng mga Bugtong na
may Sagot Mga Bugtong Tungkol sa Katawan Mga Bugtong Tungkol sa Prutas Mga Bugtong Tungkol sa Gulay Mga Bugtong Tungkol sa Bagay Mga Bugtong Tungkol sa Hayop Iba pang mga Bugtong
Mga Bugtong Tungkol sa
Katawan 1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik. Sagot: Mga paa
2. Dalawang batong itim, malayo ang
nararating. Sagot: Mga mata
3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin
makita. Sagot: Tenga
4. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay
kaligtasan. Sagot: Suso ng Ina
5. Batong marmol na buto, binalot ng
gramatiko. Sagot: Ngipin
6. May tubig na pinagpala, walang makakakuha
kundi bata. Sagot: Suso ng Ina
Mga Bugtong Tungkol sa Prutas
1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako. Sagot: Langka
2. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang
korona. Sagot: Bayabas
3. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
5. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
6. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman
milagroso. Sagot: Santol
7. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito
kanin. Sagot: Saging
8. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y
nakaharap pa. Sagot: Balimbing
9. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating
ang dagat. Sagot: Niyog
10. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang
bandera. Sagot: Dahon ng saging
11. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
12. Bahay ni Gomez, punung-puno ng
perdigones. Sagot: Papaya
13. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay
nabuhay. Sagot: Puno ng Siniguelas
14. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-
bitin. Sagot: Duhat
Mga Bugtong Tungkol sa Gulay
1. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis Sagot: Sili
2. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
3. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili
4. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay
latigo. Sagot: Sitaw
5. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y
gumagapang pa. Sagot: Kalabasa
6. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang
balat. Sagot: Ampalaya
7. Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili
8. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang
tiyan. Sagot: Dahon ng gabi
9. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may
bunga. Sagot: Puno ng Kamyas
10. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa
binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray. Sagot: Talong
Mga Bugtong Tungkol sa Bagay
1. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit. Sagot: Baril
2. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
3. May puno walang bunga, may dahon walang
sanga. Sagot: Sandok
4. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
5. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
7. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta Bugtong
9. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang
buhay. Sagot: Kandila
10. Walang sala ay ginapos, tinapakan
pagkatapos. Sagot: Sapatos
11. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
12. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
13. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga
ulo. Sagot: Walis
14. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
15. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing
16. Malambot na parang ulap, kasama ko sa
pangangarap. Sagot: Unan Bugtong
17. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-
taon. Sagot: Kalendaryo
18. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis
sa baywang ang ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan. Sagot: Walis
19. Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
Sagot: Batya
20. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
Sagot: Kalendaryo
21. Itapon mo kahit saan, babalik sa
pinanggalingan. Sagot: Yoyo
22. Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng
sumbrero. Sagot: Sabitan ng sumbrero
23. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Bote
24. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya Bugtong
25. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana o Batingaw
26. Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan
ng mga sundalo. Sagot: Watawat
27. Panakip sa nakabotelya, yari lata.
Sagot: Tansan
28. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan
mo. Sagot: Sinturon
29. Araw-araw nabubuhay, taon-taon
namamatay Sagot: Kalendaryo
30. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang
sinabi. Sagot: Bayong o Basket
31. Lumuluha walang mata, lumalakad walang
paa. Sagot: Pluma o Pen
32. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
Sagot: Sapatos Bugtong
33. Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y pagala-
gala. Sagot: Sandok
34. Bagama’t nakatakip ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
35. Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng
henyong kapangalan ko, pero mahal din ako ng tao, dahil kinakainan ako. Sagot: Plato
36. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay
salup-salop. Sagot: Batya
37. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
38. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos
39. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan
ay pataob. Sagot: Kulambo
40. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
Sagot: Payong Bugtong
41. Bahay ni Mang Kulas, nang magiba’y
tumaas. Sagot: Payong
42. Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot.
Sagot: Gulok/Itak
43. Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero
nakaparada. Sagot: Silyang tumba-tumba
44. Aling mabuting letrato ang kuhang-kuha sa
mukha mo? Sagot: Salamin (mirror)
45. Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay
namulaklak. Sagot: Posporo
46. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa
tayong ito. Sagot: Duyan
47. May bibig walang panga, may tiyan walang
bituka; may suso walang gatas, may puwit walang butas. Sagot: Bayong
48. Maliit na parang sibat, sandata ng mga
pantas. Sagot: Pluma o Pen Bugtong
49. Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng
santol, mangga at pakwan. Sagot: Tiklis
50. Dalawang patpat, sabay lumapat.
Sagot: Gunting
51. Butasi, butasi, butas din ang tinagpi.
Sagot: Lambat
52. Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi
itali. Sagot: Sapatos
53. Urong sulong, lumalamon.
Sagot: Lagari
54. Lumabas, pumasok, dala-dala ay
panggapos. Sagot: Karayom
55. Walang hininga ay may buhay, walang paa ay
may kamay, mabilog na parang buwan, ang mukha’y may bilang. Sagot: Orasan
56. Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
Sagot: Biyulin Bugtong
57. Sandata ng mga paham, papel lamang ang
hasaan. Sagot: Pluma o Pen
58. Aso ko sa Muralyon, lumukso ng pitong
balon. Sagot: Sungkaan
59. Isang malaking suman, sandalan at
himlayan. Sagot: Unan
60. Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung
dagdagan. Sagot: Tapayan
61. Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan.
Sagot: Singsing
62. Ipinalilok ko at ipinalubid, naghigpitan ang
kapit. Sagot: Sinturon
63. Utusan kong walang paa’t bibig, sa lihim ko’y
siyang naghahatid, pag-inutusa’y di na babalik. Sagot: Sobre
64. Instrumentong pangharana, hugis nito ay
katawan ng dalaga. Sagot: Gitara Bugtong
65. Banga ng pari, pauli-uli.
Sagot: Duyan
66. Walang paa, lumalakad, walang bibig,
nangungusap, walang hindi hinaharap na may dala-dalang sulat. Sagot: Sobre
67. Isang panyong parisukat, kung buksa’y
nakakausap. Sagot: Sulat
68. Dalawang magkaibigan, magkadikit ang
baywang; kapag silay’y nag papasyal, nahahawi ang daanan. Sagot: Gunting
69. Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong
anak. Sagot: Sungkaan
70. Halaman ng dunong, walang dilig
maghapon, araw-araw kung bilangin isang taon kung tapusin. Sagot: Kalendaryo
71. Aso ko sa muralyon, lumukso ng pitong
balon. Sagot: Sungkaan
72. Pinilit na mabili, saka ipinambigti.
Sagot: Kurbata Bugtong
73. Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan, di
lalamon. Sagot: Kudkuran
74. Ang alaga kong hugis bilog, barya-barya ang
laman-loob. Sagot: Alkansiya
Mga Bugtong Tungkol sa Hayop
1. Matanda na ang nuno di pa naliligo Sagot: Pusa
2. Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam
3. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: Palaka
4. Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay.
Sagot: Pusa
5. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: Kuliglig
6. Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y
walang dahon. Sagot: Sungay ng Usa
7. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-
sari. Sagot: Paruparo Bugtong 8. Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo? Sagot: Suso (snail)
9. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid
sa ningas. Sagot: Gamu-gamo
10. Mataas kung nakaupo mababa kung
nakatayo. Sagot: Aso
11. Bahay ng aluwagi, iisa ang haligi.
Sagot: Bahay ng Kalapati
12. Usbong ng usbong, hindi naman
nagdadahon. Sagot: Sungay ng Usa
13. Isang bahay na bato, ang takip ay bilao.
Sagot: Suso (snail)
14. Pagmunti’y may buntot, paglaki ay punggok.
Sagot: Palaka
Iba pang mga Bugtong
1. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. Sagot: Gumamela
2. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na
malamig. Sagot: Yelo
3. Hindi naman hari, hindi naman pare,
nagsusuot ng sarisari. Sagot: Sampayan
4. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating
kahit saan. Sagot: Kulog
5. May bintana nguni’t walang bubungan, may
pinto nguni’t walang hagdanan. Sagot: Kumpisalan
6. Pitak-pitak, silid-silid, pinto man ay di
masilip. Sagot: Kawayan
7. Sundalong Negro, nakatayo sa kanto.
Sagot: Poste
8. Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
walang kasindumi’t walang kasimbaho; bakit mahal nati’t ipinakatatago. Sagot: Salapi o Pera
9. Tatlong hukom, kung wala ang isa’y hindi
makakahatol. Sagot: Apog, ikmo at bunga
10. Tinuktok ko ang bangka, naglapitan ang mga
isda. Sagot: Kampana Bugtong
11. Bahay ni San Vicente, punung-puno ng
diyamante. Sagot: Granada
12. Rubing nanggaling sa brilyante, brilyanteng
nanggaling sa rubi. Sagot: Itlog
13. Likidong itim, pangkulay sa lutuin.
Sagot: Toyo
14. Pampalapot sa sarsa, almirol sa kamiseta.
Sagot: Gawgaw
15. Isang lupa-lupaan sa dulo ng kawayan.
Sagot: Sigarilyo
16. Buhok ng pari, hindi mahawi.
Sagot: Tubig
17. Lumalakad nang walang paa, maingay
paglapit niya. Sagot: Alon
18. Nang munti pa ay may tapis, nang lumaki ay
nabulislis. Sagot: Kawayan
19. Nang hinawakan ko ay namatay, nang iniwan
ko ay nabuhay. Sagot: Makahiya
20. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan
21. Kakalat-kalat, natisud-tisod, ngunit kapag
tinipon, matibay ang muog. Sagot: Bato
22. Patung-patong na sisidlan, may takip ay
walang laman. Sagot: Kawayan
23. Nagtanim ako ng isip sa gitna ng tubig,
dahon ay makitid, bunga ay matulis. Sagot: Palay
24. Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari
25. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino
26. Puno ay layu-layo, dulo’y tagpu-tagpo.
Sagot: Bahay
27. Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
Sagot: Hagdanan
28. Kung sa isda, ito ay dagat, kung sa ibon,
ito’y pugad, lungga naman kung ahas, kung sa tao, ano ang tawag? Sagot: Bahay
29. Tungkod ni apo hindi mahipo.
Sagot: Ningas ng kandila
30. Buto’t balat lumilipad.
Sagot: Saranggola Bugtong
31. Uka na ang tiyan, malakas pang sumigaw.
Sagot: Batingaw
32. Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi
na, ang bakod ay lagas na. Sagot: Matanda
33. Wala pa ang giyera, wagayway na ang
bandera. Sagot: Dahon ng Saging
34. Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
Sagot: Puno ng saging
35. Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t
madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo. Sagot: Pangalan
36. Maaari mong makita ako sa tubig, ngunit
hindi ako basa. Sagot: Panganganinag (reflection)
37. Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang
dumadaan. Sagot: Kalsada
38. Bahay ko sa Pandakan, malapad ang
harapan. Sagot: Pantalan
39. Alin sa mga santa ang apat ang paa?
Sagot: Sta. Mesa
Sana ay nagustuhan ninyo ang koleksyong ito ng
mga tagalog riddles. Meron ka bang alam na mga bugtong na wala sa pahinang ito?
Mag-iwan lamang ng komento sa ibaba para
maidagdag natin. Please don’t forget to share this post friends. Thank you!