You are on page 1of 19

FILIPINO 6

Unang Markahan – Unang Linggo

I. MGA PAUNA

Kompetensi • Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang,


nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon
at usapan (F6PN-la-g-3.1F6PB-lc-e-3.1.2)
• Nasasagot ang tanong na bakit at paano (F6PB-lf-3.2.1)
• Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa
tulong ng nakalarawang balangkas at pamatnubay na
tanong (F6PB-lb-5.4 F6RC-lle-5.2)

Layunin 1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/


binasang pabula at kuwento, tekstong impormasyon at
nakasusulat ng mga tanong na bakit at paano.
2. Nakasusulat at napagsunod-sunod ang kuwento sa
tulong ng nakalarawang balangkas.
3. Napapahalagahan ang mga aral na napupulot sa
kuwentong nabasa / napakinggan sa pamamagitan sa
pagbabahagi ng sariling karanasan
Paksa/Aralin Aralin 1Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang,
nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at
usapan
1. Pagsagot sa mga tanong na Bakit at Paano
2. Pagsunod-sunod sa mga pangyayari

Mga Libro, Papel, Lapis , Pictures , Paste, Internet , MELC


Kagamitan
Copyright : Deped Talisay City
Kabuuang 40
Puntos
Petsa Setyembrer 13-17 . 2021

1
II. MAPA NG NILALAMAN

Nabasa / Napakinggang Kuwento,


Pabula, Tekstong Pang-
impormasyon at Usapan

Pagsunod-sunod sa
Pagsagot sa tanong
mga pangyayari sa
na bakit at paano
tulong ng balangkas

II. MGA NILALAMAN

Aralin 1 : Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang


Pabula , Maikling kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at
Pagsagot sa tanong ng Bakit at Paano.

Bakit at Paano
• Ang malaman kung paano gumawa ng pagtatanong at pagsagot sa bawat
katanungan ay malaking tulong sa pagkatuto.
• Sa pagtatanong gamit ang “Bakit at Paano” nagagamit mo ang kasanayang
pagpapaliwanag.
• Sa pagpapaliwanag nagagamit mo ang wasto at malalim na pagkukuro- kuro
batay sa iyong naunawaan sa paksang tinalakay.
• Karaniwang nagsisimula sa dahil, kasi at mangyari ang mga kasagutan sa
tanong na nagsisimula sa “Bakit”.
• Karaniwang nagsisimula sa “sa pamamagitan” ang kasagutan ng tanong na
nagsisimula sa “Paano”.

2
A. Mga halimbawa sa BAKIT na katanungan:

1. Bakit naging magkaaway sina Pagong at Matsing?


Sagot:Naging magkaaway sina Pagong at Matsing dahil sa saging na kanilang
pinag-aagawan.
2.Bakit kaya malaki ang galit ni Matsing kay Pagong?
Sagot:Malaki ang galit ni Matsing kay Pagong dahil natalo siya nito.
3. Sa anong salita nagsisimula ang mga tanong sa itaas?
Sagot:Bakit
4. Ano ang nabatid ninyo sa mga kasagutan sa bawat katanungan?
Sagot:Pawang nagsasaad ito ng mga kadahilanan/rason.

Tandaan: Ang mga sagot sa tanong na nagsisimula sa bakit ay nagsasaad ng


Kadahilanan / rason.

B. Mga halimbawa sa “PAANO” na katanungan


1. Paano hinuli ni Matsing si Pagong sa puno ng mga sili?
Sagot:Sinunggaban ni Matsing si Pagong upang mahuli ito.
2. Paano nagtapos ang buhay ni Matsing?
Sagot:Nagtapos ang buhay ni Matsing nang lumundag siya sa kawang may
kumukulong tubig.
3. Sa anong salita nagsisimula ang mga katanungan sa itaas?
Sagot:Paano
4. Ano ang nabatid ninyo sa mga kasagutan sa bawat katanugan?
Sagot:Ang mga kasagutan ay nagsasaad ng mga kilos o paraan.
Tandaan: Ang sagot na nagsisimula sa paano ay nagsasaad ng mga paraan kung
paano ginawa ang kilos.

Basahin ang maikling kuwento. Alamin ang mga katanungan kung kailan ginamit
ang BAKIT at PAANO sa mga sumusunod na pagtatanong nasa ibaba.

Ang Nawawalang Prinsesa


https://pinoycollection.com/ang-nawawalang-prinsesa/

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan
tumitigil ang anak tugfhwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung
binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang
magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

3
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang
matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay
nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hatinggabi.
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang
matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang
napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.

Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. “Maganda pong
talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.” Binigyan
siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga balikat niya
ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at pinagbilinang
magpakaingat bago siya nagpaalam. Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng
silid ng prinsesa at handang magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa
kanyang paningin ang napakagandang binibini. May iniabot sa kanyang isang basong
inumin na noong makatalikod ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng
halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang


maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang
balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas sa
palasyo. Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay
kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito.

Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan


huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong
nagkakaipon doon at nagsasaya. Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang
kanyang balabal at naglagay ng maskara. Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y
nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod ang dalaga at halos
mabutas ang mga suwelas ng sapatos.

Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y bumalik
sa palasyo. “Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?”
tanong ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.

“Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi.


Ito po ang katunayan. Itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang
pinagtapunan matapos na makasayaw siya.” Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi
naman ito makatanggi sa amang nagpakita ng katunayan.

Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang
ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang

4
gabi. Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng
prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang nawawala gabi-gabi? Prinsesa
2. Ano ang pabuya na naghihintay sa sino mang makapagtuturo kung saan
naglalagi ang prinsesa tuwing gabi? Bibigyan ng kalahati ng kaharian at kung,
binata ay ipapakasal sa prinsesa.
3. Paano nalaman ng binata kung saan naglalagi ang prinsesa tuwing gabi? Dahil
sumama siya sa karwahe na sakay ang prinsesa.
4. Bakit nga ba lumalabas ang prinsesa tuwing gabi? Gusto nitong magsaya at
magsayaw
5. Tama ba ang ginawa ng prinsesa? Bakit? Tama , dahil sa palasyo ay wala
siyang kasama at kausap.

Tesktong Pang-impormasyon

Ano ang tekstong pang-impormasyon?

Ang tekstong pang-impormasyon ay isang uri ng teksto na nagbibigay kaalaman


sa mga mahahalagang pangyayari. Ito ay may laman na tiyak na impormasyon sa
isang pangalan. Ito ay walang halong opinyon ng manunulat.

Mga halimbawa:
▪ Pahayagan (news paper)
▪ Encyclopedia ▪ Posters
▪ Talambuhay at sariling talambuhay
▪ Libro at aklat-aralin
▪ Mga tala (notes)
▪ Listahan (directory)
▪ Diksyunaryo
▪ Ulat
▪ Mga legal na dokumento
▪ Manwal panturo (instructional manual)

Basahin ang halimbawa ng tekstong pang-impormasyon na talambuhay ni


Dr. Jose P. Rizal.

Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio Alonso Mercado Y


Realonda Rizal. Anak siya ng mag-asawang Teodora Alonso at Francisco Mercado.

5
Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya
noong ika30 ng Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami
siyang tinapos na kurso kabilang na ang medisina.

Isa rin siyang pintor at iskulptor. Ngayong Disyembre 30, 2019 ang ika
isangdaan at dalawampu’t tatlong taong anibersaryo ng kanyang pagkamatay.

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang ating pambansang bayani at kailan siya ipinanganak?
Si Dr. Jose Rizal at ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861.
2. Bukod sa pagiging manggagamot, ano pa ang iba niyang pinagkakaabalahan?
Siya ay pintor at iskulptor
3. Paano siya namatay? Sa Firing Squad

Aralin 2 : PAGGAMIT NG BALANGKAS


Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang
balangkas at patnubay na mga tanong.

Ang balangkas ay isang maayos at sunud-sunod na banghay o buod na naglalahad


ng mahahalagang paksa, kaisipan, pangyayari, o detalye ng isang kuwento o
seleksyon.

Ang balangkas ay gumagamit ng bilang na nasa anyong Romano (I, II, III, IV,
…). Ang ikalawang antas ng paksa ay malaking titik (A, B, C, D). Ang ikatlong antas
ay ginagamitan ng bilang (1, 2, 3, 4).

Balangkas ng Maikling Kuwento


I. Pamagat
➢ dito nakasaad ang pinakapaksa ng kuwento
II. Tauhan
➢ dito sa bahaging ito iniisa-isa ang mga nagsiganap sa kuwento

III. Tagpuan
➢ pinapakita kung saan ang pinangyarihan ng mga kaganapan sa kuwento
IV. Galaw ng Pangyayari
➢ dito ibinibigay ang sunod-sunod na pangyayari sa kuwento

A. Paunang Pangyayari
▪ simula ng kuwento
6
B. Pinasidhi o Papataas na Pangyayari
▪ dito makikita ang suliraning lulutasin ng pangunahing tauhan sa
akda
C. Kasukdulan
▪ ang pinakamataas, pinakamaaksiyon o pinakamakapigil hiningang
pangyayari sa kuwento.
D. Kakalasan o Pababang Pangyayari
▪ bahaging bago magwakas ang kuwento
▪ binibigyang solusyon ang problema sa kuwento
E. Wakas
▪ bahaging nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isipan ng
mambabasa

V. Aral
➢ mahalagang kaalaman, kaisipan, o mensaheng taglay ng akdang magagamit
bilang gabay sa pang-araw-araw na buhay.

Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa ibaba. Unawain at sagutin ang


mga tanong pagkatapos.

Isang Aral para kay Armando


https://pinoycollection.com/isang-aral-para-kay-armando/

Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa


kanya. Madalas niyang marinig ang “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong gawin
iyan.” Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal
ng ina – ang maligo sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya
kang ianod nito,” laging paalala ng ina.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy
dahil tinuruan ng Tito Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si Nanay,” sabi niya sa
sarili. “Ang sarap siguro talagang lumangoy sa ilog. Mukhang kay la’mig ng tubig.”
Kaya nga, isang araw, kasama ng apat na kalarong bata, nagpunta sila sa ilog.
Masaya silang naghubad ng kamiseta at tumalon sa tubig. Ang sarap maglaro sa
tubig. Wiling-wili ang mga bata. Maya-maya, naisip ni Armando na lumangoy sa
banda-bandang unahan. Unti-unti siyang umusad.
Bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay na palayo,
patungo sa malalim na parte ng ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi
niya makaya ang malakas na agos ng tubig.
“Ben!” sigaw niya. “Saklolo!”

7
Ngunit hindi rin magaling lumangoy ang mga kasama niya. Napamulagat na
lang sila sa di-masaklolohang kababata. Mabuti na lang at may biglang tumalong lalaki
mula sa mga kahuyan. Naroon pala ang isang kanayon nila na may paiinuming baka.
Nasagip si Armando ng lalaki ngunit may ilang sandali bago siya nahulasan.
“Salamat po, Mang Tacio. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako at kayo ay
dumating. Dapat nga pala akong sumunod sa sinasabi ni Nanay.”
Tama si Armando. Batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya
dapat silang sundin. Ang isa pang natutuhan ni Armando ay kapag nasa panganib,
tumawag agad sa Diyos at ang tulong ay darating.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento? Isang aral para kay Armando


2. Sino - sino ang tauhan sa kuwento? Armando , Inay , Tito Manuel , Mga bata ,
Mang Tacio
3. Saan naganap ang kuwento? Sa Ilog
4. Ano ang gustong gawin ni Armando na pinagbawal ng kanyang ina? Maligo
sa Ilog.
5. Ano ang nangyari kay Armando nang siya ay lumangoy sa bandang unahan
ng ilog? Siya ay tinangay palayo, patungo sa malalim na parte ng Ilog.
6. Paano nagtapos ang kuwento? Nasagip si Armando ni Mang Tasyo at
napahalagahan niya ang sinabi ng kanyang Ina.
7. Anong aral ang makukuha natin sa kuwento? Sumunod sa payo ng magulang
at tumawag sa Diyos.

Sa tulong ng pamatnubay na tanong napagsunod-sunod natin ang mga pangyayari sa


maikling kuwento.

Alam mo ba na sa tulong din ng balangkas maaari rin nating mapagsunod-sunod ang


mga pangyayari sa kuwento?

Ano ang balangkas? Ano-ano ang bahagi ng balangkas ng maikling kuwento?

Ngayon lubos pa nating alamin ang balangkas at ang mga bahagi nito.

Balangkas ng Maikling Kuwento

I. Pamagat:_____Isang Aral para kay Armando____


II. Tauhan:
A. ______Armando_____________________
B. ______ina _________________________
C. ______apat na kalarong bata___________
D. ______Mang Tacio __________________
8
III. Tagpuan: ______sa ilog ________________________

IV. Galaw ng Pangyayari:


A. Paunang pangyayari
__Laging naiisip ni Armando na napakarami namang
ipinagbabawal ang ina sa kanya.
B. Pinasidhi o Papataas ng Pangyayari:
__Gustong-gusto ni Armando na maligo sa ilog pero
ipinagbabawalan siya ng kanyang ina dahil napakabilis
ng agos ng tubig ng ilog.
C. Kasukdulan:
__Si Armando, kasama ang kalarong bata ay naligo sa ilog.
naisipan ni Armando na lumangoy sa bandang-bandang unahan
pero bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay
na palayo at sumigaw ng “saklolo”.
D. Kakalasan o Pababang Pangyayari:
May isang lalaking biglang tumalon at sinagip si Armando.
E. Wakas:
Nagpasalamat si Armando kay Mang Tacio, at natandaan na dapat
pala sumusunod sa payo at paalala ng ina.
V. Aral:
Laging makikinig sa payo at pangaral ng magulang dahil alam
nila kung ano ang makakabuti para sa mga anak.

IV . MGA GAWAIN

Gawain 1 Paggamit ng Bakit at Paano.

Si Pagong at Matsing
https://pinoycollection.com/si-pagong-at-si-matsing/

Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi siyang muling magkita sila ni matsing.
Nang inaakala niyang matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang umahon sa ilog at
maglakad-lakad naman sa dalampasigan.
Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili. Marahang-marahan naglalakad si Pagong sa
paligid ng taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno ng sili na hitik na hitik sa
bungang pulang-pula dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulang sili at hindi
niya namalayan ang paglapit ni matsing.
"Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa akin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa
nagulat na pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na. Hinding hindi na," nanggigigil na
sigaw ni Matsing.
9
"Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa pinagsasasabi ninyo," ani Pagong.
"Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong na inihagis ko sa ilog?"
sabi ni Matsing.
"Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala kung sino mang pagong iyong
inihagis nyo sa ilog," tugon ni Pagong.
"Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong ni Matsing na pinakasipat-sipat ang
hawak na pagong.
"Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang gawain ko po ay magbantay ng mga
mapupulang bungang ito," dugtong pa ni Pagong.
"Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang tanong ni Matsing.
"A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa mata kapag kumakati.
Pero hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.
"Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at namitas agad ng
maraming pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa
kanyang mga mata.
"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata nya sa
hapdi at kirot. Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na
ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na matsing.
Pero hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.
"Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at namitas agad ng
maraming pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa
kanyang mga mata.
"Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata nya sa
hapdi at kirot. Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na
ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na matsing.
"Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita paliligtasin ngayon," ang sabi ni
Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita."
"Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong.
"E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon
pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing.
"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang
iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi ni Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa
kawa.
"Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni Matsing.
"Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula
ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni Pagong.
"Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing.
"Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan," sabi ni Pagong.
"A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at tumakbong mabilis at
lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig.
At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.

10
1 . Bakit matagal-tagal ding hindi nagpakita si Pagong?
A . takot siya kay Matsing
B. sapagkat ayaw niyang maarawan
C. upang manalo siya laban kay Matsing
D. naghahanda siya para sa labanan nila ni Matsing
2. Paano nalusutan ni Pagong si Matsing sa pagkikita nila sa may silihan ?
A . kinaibigan si Matsing C.nagsinungaling kay Matsing
B. nagtago sa mga puno ng sili D. tumakbo papalayo kay Matsing
3 . Bakit galit na galit na naman si Matsing kay Pagong sa kanilang muling pagkikita
sa may handaan ?
A . kasi hindi siya inimbita nito C. sa kadahilanang hindi siya pinakin nito
B. sapagkat tinadyakan siya nito D. dahil muli siyang niloko at hindi nakakakita
4. Paano nagtapos ang buhay ni Matsing ?
A . Tumalon siya sa ilog
B. Tinapon siya ni Pagong sa ilog
C. lumundag siya sa kawang may kumukulong tubig
D. inilagay niya ang sili sa kanyang mata at nabulag siya
5. Bakit mahalaga ang pagpapatawad ?
A . nakapagpapabago ng mundo
B . nakapagpaparami ng kaaway
C. nakapagdudulot ito ng kapahamakan
D . nakapagbibigay ng kapayapaan sa isipan

GAWAIN 2 Paggawa ng Balanagkas


Panuto: Basahing mabuti ang maikling kuwento.

Ang Batang Maikli ang Isang Paa


https://pinoycollection.com/ang-batang-maikli-ang-isang-paa/
Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at
nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga
doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si
Mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng
panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya.
Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang

11
malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa
loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang
instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.
Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano.
At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming
mga guro sa musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista. Nakarating
na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya
sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi na
pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang
kakayahan sa pagtugtog.

Panuto : Gamit ang sagutang papel sa pahina 17 .Gawan ng Balangkas ang


kuwentong. “ Ang batang maikli ang isang paa” .

I. Pamagat:
_______________________________________________________
II. Tauhan:
A ________________________________________________________
B.________________________________________________________
C.________________________________________________________
III. Tagpuan: _______________________________________________________
IV. Galaw ng Pangyayari:
A. Paunang pangyayari
______________________________________________________
B. Pinasidhi o Papataas ng Pangyayari:
______________________________________________________
C. Kasukdulan:
______________________________________________________
D. Kakalasan o Pababang Pangyayari:
_______________________________________________________
E. Wakas:
______________________________________________________
V. Aral: _________________________________________________________
_________________________________________________________

12
V. PAGTATAYA
A. Pumili ng tatlong kasagutan sa bawat katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
A. upang hindi siya mapahamak
B. para hindi siya maisahan
C. naging tuso si pagong
D. pinahamak ni Pagong si Matsing
E. dahil galit na galit si Matsing sa kanya
F. niloko ni Pagong si Matsing

1. 4.

Paano
nalampasan ni
Bakit
Pagong ang
kailangang 2. 5.
mga
iwasan ni
masasamang
Pagong si
6. balak ni
Matsing? 3.
Matsing sa
kanya?

B. 2 dayuhang dumating sa bansa sa kabila ng travel ban, hinarang sa NAIA


https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/744748/2-dayuhang-dumating-sabansa-sa-
kabila-ng-travel-ban-hinarang-sa-naia/story/

Dalawang dayuhang dumating sa bansa sa kabila ng ipinaiiral na travel ban


ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, kapwa galing Europe ang dalawa.
Ang isa na taga-France, gusto lang daw makita ang anak na nasa Bukidnon.
Aniya, may 10 taon na siyang pabalik-balik sa Pilipinas at marunong nang mag-
Bisaya. Sa kabila nito, wala naman siyang maipakitang iba pang dokumento nang
hingan siya ng mga otoridad.
Hinarang din ang isang Swiss na may kasintahan daw na isang Pinay at ilang
taon na rin daw pabalik-balik sa Pilipinas.
Kasabay ang dalawang banyaga ng mga OFW na dumating galing Abu Dhabi.
— KBK, GMA News

7 . Ano ang pakay ng isang taga-France sa pagpunta rito sa ating bansa?


A. makita ang anak C. mamasyal sa Pilpinas
B. hanapin ang kaibigan D. makasama ang kasintahan
8 . Bakit hinarang siya ng mga otoridad?
A. sobra ang bagahe C. walang dokumento
B. may dalang illegal D. dahil nakipag-away
9. Bakit marunong nang mag-Bisaya ang isa sa mga dayuhan?
13
A. nag-aral sa bansa C. nagpaturo sa kasama
B. nagtanong sa katabi D. pabalik-balik na sa Pilipinas
10 . Ano kaya ang mangyayari sa dalawang dayuhan na hinarang sa NAIA ?
A. Hahanapan sila ng mga papeles
B. Papauwiin sila sa kanilang bansa
C. Dadakpin at ikulong sa presento ng Pulis
D. Kakausapin sila sa mga kinauukulang tao sa NAIA at ipapairal and
diplomasia sa sitwasyon.

VI . PAGPAPAYAMAN

Panuto: Gamit ang internet maghanap ng mga larawan o gumupit ng larawan


na maaaring maiuugnay sa problema ng ating bansa. Bumuo ng
tigdadalawang katanungan gamit ang Bakit at Paano. Ang gagawin na
katanungan ay susukatin ayon sa pamantayan sa ibaba.

Bakit
1. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
Paano:
1.____________________________________________________________
____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
____________________________________________________________

Rubrik sa Paggawa ng
Katanungan (Bakit at Paano)
Mga 5 4 3 2 Puntos
Krayterya
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi gaanong Walang
nagpamalas ng malikhain sa naging ipinamalas
pagkamalik paghahanda malikhain sa na
hain sa paghahanda pagkamali
paghahanda k hain sa
paghahanda

14
15
Gawain 2
I. Ang Batang Maikli ang Isang Paa
II. mutya
magulang
ilang bata
III. paaralan
IV.
A. Sinilang si Mutya na maliit na ang isang paa nito.
Malambot iyon at nakabaluktot. Habangbuhay na raw magiging
lumpo si Mutya.
B. Lumaki si Mutya n lagging tinutukso ng mga kalaro at kaklase.
C. Sa kabila ng lahat, hindi siya napipikon at umiiyak sa panunukso
sa kanya. Habang nagdadalaga ay nakakatugtog siya ng iba’t
ibang instrument at maraming humanga sa taglay niyang
galling.
D. Pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano.
Maraming mga guro sa musika ang humanga sa kanya.
E. Pagkaraan ng ilang taon, si Mutya ay nagging kilalang piyanista.
Hindi na siya pinagtatawanan, sa halip siya ay hinahangaan.
IV. 1. Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at
tumawag sa Panginoon.
2. Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo.
Huwag mo na lang pansinin ang pangit na sinasabi nila, sa halip ay
ipagpatuloy na linangin ang iyong kakayahan upang makamit ang iyong
pangarap.
3. Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung
pagsusumikapan ay maaring maging mahusay ka sa larangang ito.
5. D
4. C
Karagdagang Gawain 3. D
2. C
Iba’t-iba ang pwedeng 1. A
isagot Gawain 1
VII. SUSI NG PAGWAWASTO
paksa
larawan sa paksa
salita at larawan sa paksa sa paksa
ang mga mga salita at larawan sa salita at larawan
angkop angkop ang mga salita at angkop ang mga Paksa
Hindi Hindi gaanong Angkop ang Angkop na Kaangkupan sa
intensyon
ang
di-malinaw intensyon
detalye at malinaw ang intensyon napakalinaw
, kulang ang hindi gaanong malinaw na detalye at
o detalye at na detalye at kompleto ang
pagkakabu kulang sa may sapat konsistent,
ganap ang may kaisahan, kaisahan, at kaisipan,
Hindi Konsistent, May Buo ang Organisasyon
VIII. SANGGUNIAN
Pagbasa para sa Elementarya. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Philippine News. 2020. Mga Halimbawa Ng Tekstong Impormatibo. February 25.
Accessed July 1, 2020. https://philnews.ph/2020/02/25/halimbawa-ng-tektstong-
impormatibomga-halimbawa-ntio/. Pinoy Collection. nd. Ang Nawawalang Prinsesa.
nd nd. Accessed July 1 2020, 2020. https://pinoycollection.com/ang-nawawalang-
prinsesa/. —. nd. July 1, 2020. https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pabula/. You
Tube. 2018..
Rubrik Sa Pagguhit Ng Larawan. June 25. Accessed July 5, 2020.
https://www.scribd.com/document/414479856/Rubrik-Sa-Pagguhit-Ng-Larawan.
alamin paano maiwasan ang nutrisyon sa bata. June 10. Accessed July 11,
202ATINGKWENTO. 2010. kwento nina Matsing at Pagong. October 12. Accessed
July 11, 2020. http://atingkwento.blogspot.com/2010/10/ang-kwento-nina-matsing-at-
pagong.html.

Kentdiego, Alyssa. 2014. Balangkas ng Maikling Kuwento. November 30. Accessed


July 11, 2020. https://www.slideshare.net/alyssa_kentdiego/balangkas-ng-maikling-
kwento-1.
Marasigan, Emily V., Louie C. Tesalona. 2016. Pinagyamang Pluma 6 Wika at
Pagbasa para sa Elementarya. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Pinoy Collection. nd. Ang Batang Maikli ang Isang Paa. Accessed July 18, 2020.
https://pinoycollection.com/ang-batang-maikli-ang-isang-paa/.
—. nd. Isang Aral Kay Armando. nd nd. Accessed 2020 11, 2020.
https://pinoycollection.com/isang-aral-para-kay-armando/.
quizizz.com. nd. balangkas. nd nd. Accessed July 11, 2020.
https://quizizz.com/admin/quiz/5bb87a81ff6b79001b3cc80e/balangkas.
Mga may akda

MGA MAY AKDA :


1. NOVELYN T. LANAS – TANKE ELEMENTARY SCHOOL
2. ANNA LYN A. ANTONE – BIASONG ELEMENTARY SCHOOL
3. GRACE E. CABANILLA – BORROMEO BROTHERS ELEM. SCHOOL
EDITOR:
DR. BETH C. CABANO – JACLUPAN ELEMENTARY SCHOOL

16
FILIPINO 6
Unang Markahan- Unang Linggo

SAGUTANG PAPEL
Pangalan : _________________________________________
Baitang at Seksyon : ___________________ Contact no. _________________
Guro : ___________________________

PAGTATAYA
GAWAIN 1 1.
1. 2.
2. 3.
3. 4.
4. 5.
5. 6.
7.
8.
9.
10

PAGPAPAYAMAN

Bakit
1. ___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
___________________________________________________________

Paano:
1.____________________________________________________________
____________________________________________________________
2.____________________________________________________________

____________________________________________________________

17
GAWAIN2 - BALANGKAS
I. Pamagat:
_______________________________________________________

II. Tauhan:

A ________________________________________________________

B.________________________________________________________

C.________________________________________________________

III. Tagpuan:
_______________________________________________________

IV. Galaw ng Pangyayari:

A. Paunang pangyayari
__________________________________________________
__________________________________________________
B. Pinasidhi o Papataas ng Pangyayari:
__________________________________________________
__________________________________________________
C. Kasukdulan:
__________________________________________________
__________________________________________________
D. Kakalasan o Pababang Pangyayari:
_____________________________________________________
_____________________________________________________
E. Wakas:
___________________________________________________
___________________________________________________
V. Aral:
_________________________________________________________
_________________________________________________________

18
FILIPINO 6
Unang Markahan- Unang Linggo

Pangalan : _________________________________________
Baitang at Seksyon : ___________________ Contact no. _________________
Guro : ___________________________

MGA PUNA AT PIDBAK

MAG-AARAL :
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

MAGULANG :
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

19

You might also like