Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Pilipinas
Alamat NG Pilipinas
Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang
kamay nila sa kapatid. Pati sila ay nadala ng dambuhalang alon.
Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak sigaw at walang tigil na kawag.
Sa kasamaang palad ang tatlong dalagang higante ay hindi na
nakaahon.
“Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili.
“Saan kayo Lus, Minda, Bisaya!”
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng
ganang kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo. Isa-isang
hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At
sa pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog.
Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante.
Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata.
May nakita siyang wala doon dati. Tumayo bigla at tiningnan
mabuti.
“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong
ito?” Tanong sa sarili, lalong lungkot ang naramdaman ng amang
ulila.
“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi
niyang malakas.