You are on page 1of 2

l.

Layunin

 Nakapaglalahad ng impormasyong natutuhan sa napakinggang teksto


 Napapahalagahan ang mga biyaya ng Diyos mula sa kalikasan
 Maintindihan ang tekstong binasa ng guro

ll. Paksang Aralin

a) a, Paksa: Paglalahad ng impormasyon mula sa tekstong napakinggan


b) b. Sanggunian: Ang Bagong Batang Pinoy 2 (Filipino), pahina 486-489
c) c, Kagamitan: Larawan ng palay, bigas at mga nagugutom; aklat; visual aids

lll. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
B. Balik-Aral

Isulat sa patlang ang S kung Sanhi at B kung Bunga ang sinalungguhitang

bahagi ng pangungusap.

___1. Ayaw kunin ni Mark ang laruan dahil hindi iyon sa kanya

___2. Malakas ang ulan kasi may bagyo

___3. Nag-aaral ng mabuti si Renz. Kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.

C. Paglalahad

1. Pagganyak

Ipakita ang larawan ng palay, bigas,kanin at tao o batang nagugutom

ltanong: Ano ang napansin ninyo sa mga larawan? Magkakaugnay ba

ang mga ito sa isa't isa? Bakit?

Magpapakita ang guro ng larawan ng pagtatanim ng palay at pag-

aararo sa bahagi ng kapatagan.

Itanong:

Sino-sino ang nakikita ninyo sa larawan?

Sino sa inyo ang nakaalam ng ganitong gawain?

2. Pagtalakay

Basahin ang kuwento na makikita sa aklat; pahina 486-487


ltatanong:

 Ano ang gintong butil?


 Ano-ano ang pinagdaanan ni Mang Zacarias upang
 magkaroon ng magandang ani ng palay?
 Ano naman ang suliranin na kinahaharap ng isang tulad ni
 Mang Zacarias?

Ano ang epekto ng kasipagan ni Mang Zacarias?

3. Pagpapahalaga

Paano mo pahahalagahan ang mga biyaya ng Diyos mula sa kalikasan

na kanyang inilaan para sa tao at bayan?

4. Gawaing Pagpapayaman

Igrupo ang mga estudyante sa apat

Unang Grupo — Magiahad ng impormasyong napanood sa telebisyon,

nasaksihan o narinig tungkol sa mga magsasaka.

Ikalawang Grupo — Magkuwento tungkol sa nabasa o narinig na balita

sa mga palayang sinalanta ng bagyo o peste.

Ikatlong Grupo — Magtala ng mga paraan kung papaano

Pangangalagaan ang pananim ng mga magsasaka.

Ikaapat na Pangkat — Magtala ng mga paraan kung papaano

pahahalagahan ang kanin at iba pang pagkain na mula sa palay.

D. Paglalahat

Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng tamang impormasyon sa mga

binabasa o pinakikinggan?

lV. Paglalapat

Pakinggan ang babasahing teksto ng guro at isulat ang mga mahahalagang

impormasyon sa papel.

V. Takdang Aralin

Magsulat ng isang balita na napanood sa TV o narinig sa radyo. Ibahagi ito

sa klase.

You might also like