You are on page 1of 16

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Komunikatibong Gamit ng Wika
sa Lipunan

LU_Q1_KomPan_Module5 AIRs - LM
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Baitang 11 – Unang Semestre
Unang Markahan - Modyul 5: Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Emelaine M. Areola


Mga Tagasuri: Justine Carlos G. Villanueva, Ana Jane M. Morales
Gracia G. Garcia at Jonabelle R. Rimando
Editor: Alvin D. Mangaoang
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Angela Pauline C. Ganuelas

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_KomPan_Module5
Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Komunikatibong Gamit ng Wika
sa Lipunan
(Mga Konsepto, Gamit at Tungkulin
ng Wika sa Lipunan)

LU_Q1_KomPan_Module5
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_KomPan_Module5
Sapulin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Sabik ka na bang magpatuloy


sa iyong pag-aaral? Marahil ay oo kaya humanda ka na, sapagkat ang pag-aaralan
nating aralin ay susubok sa iyong malalim na pagpapakahulugan sa
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

Sa nakaraang modyul, iyong napag-aralan ang mga iba’t ibang mga terminong
pangwika. Nagkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa kung papaano nagagamit ang
mga mahahalagang mga konseptong pangwika na ito sa pang-araw-araw mong
pakikisalamuha at pagkilos sa lipunan na iyong kinagagalawan.

Sa Modyul 5 naman, mas palalalimin pa natin ang iyong pagpapahalaga sa


kahalagahan ng wika sa komunikasyon. Iyong matutuklasan ang mga konseptong
nakapaloob sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang gamit ng wika na
makatutulong sa atin sa mga sitwasyon na maaari mong kasangkupan.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):


1. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(F11PT-Ic-86); at
2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula. (F11PD-Id-87)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang katuturan ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan;
2. Natutukoy ang mga pahayag na nagpapakita ng gamit ng wika;
3. Nakasusulat ng halimbawa ng mga pangungusap sa bawat gamit ng wika;
at
4. Nakasululat ng sanaysay batay sa napanood na teleserye o pelikula sa
tulong ng gamit ng wika.

Handa ka na ba? Halika! Sabay nating palalimin pa ang ating mga kaalaman
sa ating wika!

LU_Q1_KomPan_Module5
Aralin
Gamit ng
5 Wika sa Lipunan

Simulan

Bago tayo magsimula sa ating talakayan tungkol sa gamit ng wika ay


sasagutin mo muna ang paunang gawain para masukat ang iyong inisyal na
kaalaman sa araling ating tatalakayin.

Gawain1: Paunang Gawain


A. Panuto: Basahin at unawain ang mensahe ng sumusunod na mga pahayag. Ano
ang masasabi mo sa mga paalalang ito? Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

MAGSUOT NG FACEMASK
TUWING LALABAS

BAWAL UMIHI RITO

MAY MULTA

LU_Q1_KomPan_Module5
B. Panuto: Kilalanin mo ang tinutukoy ng mga pahayag na nasa loob ng bituin. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pambansang Bae

Surfing Capital of the North

“Nakasisiguro gamot ay laging


bago”

Hari ng Padala

Queen of All Media

Gawain 2: Hugot Ko, Hula Mo


Panuto: Basahin mo ang pahayag sa bawat bilang at hulaan mo kung anong
pamagat ng pelikula o teleserye binanggit ang sumusunod. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. “Sana ako pa rin… ako na lang…ako na lang ulit...” -Bea Alonzo


2. “Gusto ko, gumanda ang buhay ko… gusto ko, maipagmalaki ako ng pamilya
ko.”-Kathryn Bernardo
3. “May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako?”-Liza Soberano
4. “Oo na, ako na! Ako na mag-isa!” -Jennylyn Mercado
5. “Walang maiinip sa taong tapat ang hangarin. Walang susuko sa taong totoo
ang tibok ng puso. Ang pag-ibig na hinihintay ang tamang panahon, ay pag-
ibig na magtatagal sa mahabang panahon.” -Lola Nidora

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain. Ngayon, pag-


aralan mo ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

LU_Q1_KomPan_Module5
Lakbayin

Sa bahaging ito aking mahal na mag-aaral, tayo ay maingat na maglalakbay


upang pag-aralan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunang ating
ginagalawan.

Alam mo bang…

Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon? Wika ang


instrumento sa paghahatid ng mensahe at palitan ng reaksiyon ng mga nag-uusap.
• May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita. Halimbawa, sa
mga plakard sa itaas, ang intensyon ng pahayag na “Magsuot ng Facemask
Tuwing Lalabas” ay magbigay ng paalala sa mga taong lalabas na ugaliin ang
pagsusuot ng facemask para huwag mahawa sa sakit.
• Sa “Bawal Umihi Rito, May Multa!” ay nagbibigay ng impormasyon na
ipinagbabawal ang umihi sa lugar na iyon at ang sinomang iihi ay
magmumulta.
• Sa mga salitang Pambansang Bae, Surfing Capital of the North, Hari ng
Padala at iba pa ay mga pagkakakilanlang ikinakabit sa tao o lugar.

Ngayon ay magsisimula ka na sa ating aralin. Pag-aaralan mo ang iba’t ibang


gamit ng wika. Unawaing mabuti ang iyong babasahin upang lubusang maintindihan
ang pagkakaiba-iba ng gamit ng wika.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

A. Conative
➢ Ito ang gamit ng wika sa paghimok at pag-impluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.
➢ Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng utos, o babala sa kausap o grupo ng mga
tao.
➢ Sa pamamagitan ng conative na gamit ng wika ay gusto nating humimok o
manghikayat, may gusto tayong mangyari o gusto nating pakilusin ang isang
tao.

Halimbawa:

“Huwag kang papatay”.

“Bawal tumawid. May namatay na rito”.

“Ano pang hahanapin mo? Dito ka na! Bili na!”

“Huwag po ninyong kalimutang isulat ang pangalan ko sa inyong balota!”

LU_Q1_KomPan_Module5
B. Informative
➢ Ito ang gamit ng wika sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa tao.
Nagbibigay tayo ng mga datos at kaalaman at nagbabahagi sa iba ng mga
impormasyong nakuha o narinig natin.

Halimbawa:

Narrative Report, Balita, Ulat –Panahon, Kaalaman, Sarbey, Interbyu

Bigyang pansin ang usapan ng guro at kaniyang mga mag-aaral.


Guro: Alam ba ninyo ang mga propesyon ni Dr. Jose Rizal? Magbigay ng
mga halimbawa.
Pedro: Doktor po!
Jose: Manunulat po!

Batay sa halimbawang sitwasyon na iyong binasa, nagbigay ng mga


datos at kaalaman ang mga mag-aaral sa tanong ng guro.

C. Labeling
➢ Ito ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa
isang tao, lugar o bagay.
➢ Madalas, nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag sa mga tao,
lugar o bagay batay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila.
➢ Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin. Ang kanilang ugali,
pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa.
➢ Ang pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay-daan para bansagan o bigyan
natin sila ng label o ng katawagan.
➢ May mga pagkakataon na batay sa trabaho ang pagbibigay ng bansag sa isang
tao. Halimbawa: “Tonyong magpuputo” kung ang trabaho ay paglalako ng
puto. Sa paaralan, may tinatawag ang mga estudyante na “Kuya Guard,”
“Manong Jani”, at iba pa. Nakabatay ang tawag na ito sa trabaho nila sa
paaralan bilang guwardiya, o tagapanatili ng kalinisan.
➢ Sa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumamit ng bansag o label
sa kanilang mga tauhan. Marahil ay naaalala mo pa si “Impeng Negro”
(Rogelio R. Sikat), si “Pilosopo Tasyo” (Jose Rizal), si “Sisang Baliw” (Jose
Rizal), at marami pang iba.
➢ Sa totoong buhay, marami rin tayong binibigyan ng bansag sa ating mga
kaibigan, kapamilya, guro, politiko, artista, mga nasa larangan ng media,
isports, military, at iba pa. Binibigyan natin sila ng bansag kung ano ang
pagkakilala natin sa kanila at kung paano natin sila sinusuri.

Halimbawa:

Ina ng Demokrasya Unkabogable Star Kapuso

Surfing Capital of the North bagong bayani fashionista

Tandaan: Maging magalang tayo sa gamit na Conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin
nating tama at totoo ang gamit natin ng Informative kung nagbibigay tayo ng mga
kaalaman at impormasyon. Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng
negatibong bansag o label sa ating kapwa na maaaring makasakit ng damdamin.

LU_Q1_KomPan_Module5
D. Phatic
➢ Nagtatanong o nagbubukas ng usapan ang isang pahayag. Karaniwang maikli
ang usapang phatic.
➢ Tinatawag itong Social Talk o Small Talk. Ginagamit natin ang ito bilang
panimula ng usapan.
➢ Sa isang pag-uusap, ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang
phatic.

Halimbawa:

“Magandang umaga”. “Magaling na ba siya?”


“Kumusta ka na?” “May problema ka ba?”
“Masama ba ang pakiramdam mo?”

E. Emotive
➢ Ito ang gamit ng wika na nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng
lungkot, awa, tuwa, takot, at iba pa sa pang-araw-araw nating pakikipag-
ugnayan.
➢ Ito rin ay nagpapahayag ng damdamin o pagpapalutang ng karakter ng
nagsasalita.
➢ May mga pagkakataong naibabahagi natin ang ating nararamdaman o
emosyon sa ating kausap.

Halimbawa:
“Nakatutuwang isipin na sa panahon ng pandemya ay lalong
nagbabayanihan ang mga tao”.
“Kinakabahan ako. Ako na ang susunod na magtatanghal”.
“Natatakot ako na baka lumala pa ang madapuhan ng COVID sa ating
bansa”.

F. Expressive
➢ Ang expressive na gamit ng wika naman ay nagpapakita ng sariling
saloobin o kabatiran, idea, at opinyon.
➢ Nakatutulong ito sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang
tao. Gayondin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa.

Halimbawa:
“Ayaw ko sa foreign artist”.
“Para sa akin, magagaling ang grupo ng BTS”
“Sa tingin ko matatalino na ang mga botante ngayon”.

Iyan ang mga iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Batid ko
aking mahal na mag-aaral na nauwaan mo ang malalim na pagtalakay sa ating aralin
kung kaya’t gawin mo ang sumusunod na mga gawain.

LU_Q1_KomPan_Module5
Galugarin

Gawain 3: Tukuyin Mo
Panuto: Sipiin ang mga pahayag sa talata na nagpapakita ng conative o informative
na gamit ng wika. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Tuwing Darating ang Eleksyon
Isa ang panahon ng eleksyon sa maituturing na mahalagang panahon sa
ating bansa. Mahalaga ito sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong
gusto nating maglingkod sa atin. Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan
ng ating bayan sa mga kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa atin.
Dapat na maging matalino tayo sa pagpili ng mga kandidatong iboboto natin.
Huwag tayong basta maniwala sa kanilang mga sinasabi at ipinapangako sa
atin. Lagi nating isaisip ang tatlo hanggang anim na taong pag-upo nila sa
puwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi natin sila kaagad
mapapalitan.
Kung dati nang nanalo ang kandidato at tumatakbong muli, balikan natin
ang kaniyang naging paglilingkod. Balikan natin ang kaniyang mga nagawa.
Alamin natin ang mga naitulong niya sa pagsulong ng bayan at saka tayo
magdesisyon kung muli ba natin siyang pagkakatiwalaan o hindi na. Kapag
bagong tumatakbo ang kandidato, alamin natin ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa kaniyang propesyon, pamilya, at pagkatao. Huwag
tayong magpadala sa tamis ng pananalita ng isang kandidato.
Tuwing darating ang eleksyon, gamitin natin at huwag balewalain ang
isang mahalagang pamana sa atin ng demokrasya – ang pagboto. Piliin natin
ang mga kandidatong maglilingkod sa atin. Nasa matalino nating pagpapasiya
nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan.

Gawain 4: Isulat Mo!


Panuto: Sumulat ng tatlong halimbawa ng pangungusap na nagpapakita ng gamit
ng wika na phatic, emotive, at expressive. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
Phatic:
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
Emotive:
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
Expressive:
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________

Magaling! Binabati kita sapagkat nasagot mo ang mga gawain nang buong
husay. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong kasanayang pampagkatuto sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito.

LU_Q1_KomPan_Module5
Palalimin

Gawain 5: Nood-Sanaysay
Panuto: Batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula, sumulat ng isang
sanaysay tungkol dito at gamitin ang iba’t ibang gamit ng wika. Salugguhitan ang
mga salita o pahayag na nagpapakita ng gamit ng wika at tukuyin kung anong gamit
nito. Isulat ang iyong nabuong sanaysay sa isang buong papel. Ibatay ang iyong
sagot sa rubrik.

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Nilalaman Mayaman sa mga nalikom na impormasyon. Puntos


Malinaw na naihahanay ang mga
impormasyon. 25
Naglalaman ng mga iba’t ibang gamit ng
wika.

Pagsulat Wasto ang pagbabaybay ng mga salita at


mga bantas na ginamit. 15
Malinaw at nauunawaan ang daloy ng
kaisipan ng sanaysay.

Dating Humahamon sa mapanuring pag-iisip ng 10


mambabasa.
Kabuoang 50
puntos

Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa bahaging ito ng modyul. Sigurado


akong marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon,
ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat mo sa iyong sagutang papel ang gamit ng wika sa bawat pahayag.
Isulat ang A kung conative, B kung informative, at C kung labeling.
Letra lamang ang isulat.

_____ 1. Star for all Seasons


_____ 2. PacMom
_____ 3. Mercury - “Nakasisiguro gamot ay laging bago.”
_____ 4. “Sakay na!”
_____ 5. Huwag magkopyahan ng sagot

LU_Q1_KomPan_Module5
_____ 6. Filipino ang wikang pambansa ko.
_____ 7. Nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong
Kamaynilaan.
_____ 8. Tulungan mo naman akong gumawa ng proyekto ko.
_____ 9. Lumayas ka ngayon din.
_____ 10. Malapit na ang SONA ni Pangulong Duterte.
_____ 11. Mr. Palengke
_____ 12. Tama na, sobra na, palitan na!
_____ 13. Siya ang prinsesa ng selfie
_____ 14. Magkakaroon ng fire drill sa Lunes ng umaga.
_____ 15. Jack of all Trades

B. Panuto: Tukuyin kung Phatic, Emotive o Expressive ang bawat pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. “Napakasaya ko ngayong araw na ito.”


_____ 2. “Magandang araw po!”
_____ 3. “Nakapapangamba ang nangyayari ngayon.”
_____ 4. “Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.”
_____ 5. “Natatakot ako.”
_____ 6. “Bes! Kumusta ka na?
_____ 7. “Paborito ko ang luto niyang pansit.”
_____ 8. “Gustong-gusto kong panoorin ang teleseryeng Legal Wives.”
_____ 9. “Awang-awa ako sa mga frontliners sa panahon ng COVID-19.
_____ 10. “May problema ka ba?”

Lubos na Mahusay! Binabati kita sa


matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa
mga aralin. Alam kong nakapapagod
maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong natutuhan ang mga
dapat mong malaman sa gamit ng wika sa
lipunan. Ihanda mo ang iyong sarili sa
kasunod na modyul – Modyul 6: Tungkulin ng
Wika sa Lipunan.

LU_Q1_KomPan_Module5
LU_Q1_KomPan_Module5
10
ARALIN 5 (Gamit ng Wika sa Lipunan)
SIMULAN
Gawain 1: Paunang Gawain
A. Iba-iba ang sagot
B. Pambansang Bae - Alden Richards
Surfing Capital of the North - San Juan, La Union
“Nakasisiguro gamot ay laging bago” - Mercury Drug Store
Hari ng Padala - LBC
Queen of All Media - Kris Aquino
Gawain 2: Hugot Ko, Hula Mo
1. One More Chance
2. Barcelona
3. My Ex and Whys
4. English Only, Please
5. Kalyeserye (Eat Bulaga)
GALUGARIN
Gawain 3: Tukuyin Mo
Ang eleksyon ay pagpili ng maglilingkod
Huwag nating ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bansa
Dapat maging matalino tayo
Huwag tayong basta maniwala
Alamin natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya Huwag tayong
magpapadala sa tamis ng pananalita ng kandidato Gamitin nating ang mahalagang
pamana sa atin ng demokrasya-ang pagboto
Piliin natin ang mga kandidatong maglilingkod sa atin
Gawain 4: Isulat Mo! Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 5: Nood-Sanaysay Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. C 11. C 1. Emotive
2. C 12. A 2. Phatic
3. C 13. C 3. Emotive
4. A 14. B 4. Expressive
5. A 15. C 5. Emotive
6. B 6. Phatic
7. A 7. Expressive
8. A 8. Expressive
9. A 9. Emotive
10. B 10. Phatic
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Taylan. D.R., et.al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Sampaloc Manila: REX Bookstore, Inc.

Bernales.R.A., et.al (2016). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City:


Mutya Publishing House, Inc.

Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 24, 2020 mula sa


https://www.slideshare.net.

Tungkulin ng Wika. Nahango noong Hulyo 26, 2020 mula sa


https://www.slideshare.net.

Gamit ng Wika. Nahango noong Hulyo 29 mula sa https://www.slideshare.net.

Gamit ng Wika. Nahango noong Agosto 1 mula sa https://www.slideshare.net.

11

LU_Q1_KomPan_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

12

LU_Q1_KomPan_Module5

You might also like