You are on page 1of 1

JENELLA MIKA A.

ESTRELLA
CPT-1

Modyul 7 – Sintesis

Pagsulat ng Sintesis
Magsulat ng sintesis tungkol sa paksa ng modyul na ito na naglalahad ng argumento, pananaw, at
paninindigan na nagmula sa iyong dating (iskema/scheme) at bagong kaalaman dulot ng nabasang
teksto, pananaliksik, pakikipagpalitan ng ideya o opinyon. Ibibigay ng guro ang paraan ng
pagsasagawa at paraan ng pagmamarka.

Sa tinalakay ng modyul na ito ay mayroon tayong tinatawag na pangkatang komunikasyon kung


saan ito ay binubuo ng tatlo o higit pang mga miyembro. Ito ay ang komunikayson na naglalayong
mabisa at mapabuti ang hangarin o ninanais ng isang pangkat. Mayroon din tayo sa antas ng
komunikasyon ng Intrapersonal ito ay ang pakikipagusap sa sarili. Ito ang may pinakamababang
antas ng komunikasyon. Tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili-sa kanyang
replektibong pag-iisip ,pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman
ang paggalaw ng sarili.

Ang Interpersonal naman ay ang antas ng komunikasyon kung saan ang pakikipagusap sa
ibang tao o pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal. Hindi mawawala ang pampubliko kung
saan naman ang pakikipagusap sa maraming tao. Ang halimbawa nito ay ang valedictory address,
marami pang iba.

Mayroon tayong tinatawag na pangmasa ito ay ang panglahatan halimbawa nito ay ang
SONA ng ating pangulo sa tuwing isang taon ng kanilang termino. Ang pang organisasyon para sa
mga grupo naman. Ang pangkultura pakikipagusap tungkol sa kultura na ating kinalakihan at iba
pa. Ang panghuli naman ay ang pangkaunlaran ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa
pagpapa-unlad ng bansa. Ito ay mabisang napaguusapan dahil dito nareresolba ang maliliit na
problema ng pagpigil sa kaunlaran. Ang antas ng komunikasyon na ating ginagamit ay masasabing
mabisa dahil ditto nalilinaw ang mga bagay na hindi nauunawaan ng karamihan. Sa pamamagitan
nito ay na papaliwanag ang mga bagay bagay na dapat nalalaman ng lahat. DIto natin makikita ang
pagkakaisa ng bawat isa at makikita ang lawak ng pagkakaunawaan.

You might also like