You are on page 1of 5

I.

Objectives
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ng AP 4 ay inaasahang makamtan ang
80% ng pagkatuto sa mga sumusunod:
a. Natatalakay ang konsepto ng bansa AP4AAB-Ia-1
b. Nakapagbubuo ng kahulugan ng bansa AP4AAB-Ib-2
c. Maipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa AP4AAB-Ib-3

II. Subject Matter


1. Topic: Pagkilala sa bansa
2. References: Curriculum Guide, https://philnews.ph/2020/10/08/konsepto-ng-isang-bansa-ano-
ang-konsepto-ng-bansa-sagot/,
3. Materials: Visual Aids

III. Procedure
Teacher’s Activity Student’s Activity
A. Preparatory Activity
1. Routinely Activity

Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga din po aming Guro!

Tayo ay manalangin, sino ang maaaring Ako sir! (Pupunta sa harapan ng klase)
pamunuan ang ating panalangin? Tayo ay manalangin!
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng ispirito, Santo,
Amen. Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong pagkakataon upang
kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas
na isip upang maipasok namin ang mga itinuturo
sa amin at maunawaan ang mga aralin na
makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay
na ito. Amen.

Manatiling nakatayo para sa ating Opo Sir!


ehersisyo.
(Mag peplay ang guro ng pang (Ang mga Istudyante ay sasabay sa tugtog at guro
ehersisyong tugtog) sa pag eehersisyo)
https://youtu.be/AwyWxM5HyX4

Okay class, tayo ay maupo! (Uupo ang mga istudyante)


Meron bang lumiban sa ating klase? (Titingnan ang mga katabi) wala po sir!
Mahusay kung ganoon! Ipalakpak ang (Ang mga bata ay ipapalakpak ang mga kamay ng
mga kamay ng limang beses! limang beses)
Okay class, kahapon tayo ay Sir! Ang mga Kwento ng Aking Rehiyon po.
nagkakilakilala na, ngayon tatanungin Sir! Pagpapahalaga sa mga sagisag ng
ko kayo kung ano ang mga naalala nyo kinabibilangang Lalawigan at Rehiyon po.
sa napagaralan nyo nuong kayo ay nasa Sir! Ang Kultura ng Aking Lalawigan at
baitang tatlo? Kinabibilangang Rehiyon po.
Sir! Ang Ekonomiya ng mga Lalawigan sa
Rehiyon po.
Sir! Ang pamamahala sa mga Lalawigan ng
Kinabibilangang po sir.
Ayus! At marami pa kayong naaalala sa
napagaralan nyo nuong kayo ay nasa
(Ang mga bata ay mag papalakpakan)
baitang tatlo. Ipalakpak natin ang ating
mga kamay dahil kayo ay mahuhusay!
(Maglalabas ng Visual Aids)
Okay mga bata, Iayos natin mga ginulong
mga salita.

Una! Sir ako po! BANSA!


SANAB

Mahusay! Ang susunod ay SPILAINPI Sir, PILIPINAS po!

Okay magaling! Susunod Sir PAMAHALAAN po.


AMPALANAHA

Mahusay! Susunod ay AOT Sir, TAO po.

Magaling! Ang Huling salita ay KALAYAAN po sir!


NAAKYALA
(Ipinapalakpak ang mga kamay)
Mahusay mga bata! Ipalakpak natin ang
ating mga kamay!
Sir ako po sir!
Ngayon! Ano sa palagay ninyo ang ating
pag aaralan? Magtaas ng kamay ang
gustong sumagot.
Lebron James po sir!
Okay, ano ang iyong pangalan? Sir tungkol po sa ating bansang Pilipinas.
Okay ano sa palagay mo ang pagaaralan
natin ngayon lebron? (papalakpak ang mga bata)
Okay Very Good! Palakpakan natin si
Lebron! Ako po sir!
Meron pa bang nakakaalam kung ano ang
ating pagaaralan? Arianna Grande po Sir!
Okay ano ang iyong pangalan? Sa palagay ko po sir ang pag aaralan po natin ay
Sige Ariana ano s palagay mo ang ating kung ano ang bumubuo upang tawagin na bansa
pag aaralan? ang isang bansa!

Okay Very Good! Tama ang inyong mga (Ang mga bata ay magpapalakpakan)
isinagot, palakpakan natin si Ariana!

(Maglalabas ng Visual Aids)

Okay mga bata, ang pagaaralan natin


ngayon ay ang Konsepto Ng Bansa!
Opo sirrrr!
Okay class munting paalala lamang, kapag
nagdidiscuss si Teacher ay Manatiling
tahimik, at nakikinig upang may
matutunan, okay ba mga bata?

Very Good!

A. Lesson Proper Ang mga bata ay nakikinig sa talakayan ng guro.


Ano nga ba ang Bansa?
Ang Bansa ay lugar o teretoryo na may
naninirahang mga grupo ng mga tao na
may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung saan makikita ang
iisa o pare-parehong wika, pamana,
relihiyon at lahi.
Ang isang bansa ay maituturing na bansa
kung ito ay binubuo ng apat na elemento
ng pagkabansa, una ay ang Tao, sumunod
Pamahalaan, Teritoryo at ganap na
kalayaan o soberanya.

Apat na Elemento ng Pagkabansa


1. Tao
Tumutukoy sa grupo ng taong
naninirahan sa loob ng teritoryo na Ang mga bata ay nananatiling tahimik at nakikinig
bumubuo sa populasyon ng isang sa tinatalakay ng guro.
bansa.
2. Teritoryo
Ito ay naglalarawan sa lupain at
katubigan, at himpapawid, na sakop ng
isang teritoryo. Tumitira rin dito ang
mga tao at pinamumunuan ng
pamahalaan.
3. Pamahalaan
Isang samahan at organisasyong
politikal na naglalayong itaguyod ang
kaayusan, mapaganda ang buhay ng
tao, at mapanatili ang sibilisadong
lipunan.
4. Kalayaan o soberanya
Ito ang naglalarawan sa kalayaan ng
isang teritoryo na mamahala sa
kanyang sinasakupan na walang halong
pagbabantay o pagsakop ng ibang
bansa.
Dalawang anyo ng soberanya
1. Panloob - Ang pangangalaga sa
panloob na kalayaan.
2. Panlabas - Ang pagkilala ng ibang
bansa sa kalayaang ito.

Hindi maituturing na bansa ang isang bansa Ang mga bata ay nananatiling tahimik at nakikinig
kung may isa o higit pang kulang sa sa tinatalakay ng guro.
alinman sa apat na katangian o elemento.

Sa kasalukuyan, may higit 200 bansa ang


nagtataglay ng apat na elemento ng
pagiging ganap na bansa. Kabilang ang
Pilipinas sa mga bansang ito.

Basahin natin ang isang tula na


nagpapakita na ang bansang Pilipinas ay
isang bansang malaya.

Pilipinas, Bansang Malaya


ni Kister Quin E. Escanilla
Isang bansa, Pilipinas ang halimbawa, Tao ay
malaya at may namamahala, Ganap na soberanya,
siya ay may taglay Tunay na bansa, ang siyang
magpapatunay.
Isang bansa, teritoryo’y tinatamasa Mamamayan
nya’y mahusay makipagkapwaIyan ang Pilipinas,
bansang tunayAng kalayaan, ipaglalaban nang
matiwasay
B. Post-Activity
May naintindihan ba kayo sa aking Opo sir!
tinalakay mga bata?

Very good!

Patungkol saan ang ating pinag-aralan? Konsepto ng Bansa sir

Okay, very good class, eh paano natin Ako po sir!


masasabing bansa ang isang bansa
magtaas ng kamay kung gustong
sumagot.
Lucas Graham sir!
Okay, ano ang iyong pangalan?
Masasabi po nating bansa ang isang bansa kung
Okay, Lucas ano ang iyong sagot?
meron itong apat na elemento.
Okay, Very good Lucas, palakpakan natin (Ang mga bata ay magpapalakpakan)
si Lucas.
Sir ako po.
Eh anu-ano ang mga elementong ito?
Dwayne Wade po sir.
Okay, ano ang iyong pangalan?
Sir Tao, Teritoryo, Pamahalaan ata kalayaan o
Okay, dwayne ano ang iyong sagot?
soberanya.
Very good Dwayne, palakpakan natin si
(magpapalakpakan ang mga bata)
Dwayne.
Mga istudyante: Opo Sir!!!
Okay, mga bata, ang Pilipinas ba ay
masasabi nating isang bansa?
Ang mga bata ay magpapalakpakan!
Okay, magagaling! palakpakan natin ang
ating mga sarili!

Oo. Ang Pilipinas naman ay masasabing


isang bansa dahil ang apat na elemento ng
isang bansa ay makikita na sa Pilipinas.
Sa ngayon, may mahigit 100 million na
tao ang naninirahan sa bansa.

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo


kung saan matatagpuan ang mahigit
7,100 na mga isla. Bukod rito, may
pamahalaan rin tayong tumutugon sa
pangangailangan ng mga taong
naninirahan sa mga islang ito. At higit sa
lahat, nagkaroon na ng soberanya ang
Pilipinas matapos itong ipinaglaban ng
ating mga bayani. Yes po sir.

Okay ba mga bata? Okay po sir.

Okay class, maglabas ng malinis na papel


para sa ating pagsasanay.
IV. Evaluation
Pagsasanay
Panuto: isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag at MALI kung hindi wasto ang
nakasaad.
_____1. Ang bansa ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang tao.
_____2. Ang bansa ay matatawag na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento.
_____3. Ang bansa ang kinakailangan ng isang pamahalaan.
_____4. Ng teritoryo ay tumutukoy sa lawak n nasasakop ng isang lugar.
_____5. Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa.
_____6. Ang bansa ay hindi kinakailangan ng mga mamamayan upang ito ay maging
isang bansa.
_____7. Soberanya ang tawag sa kapangyarihan ng namamahala sa kanyang
nasasakupan.
_____8. Ang mga tao o grupo ng mga tao ay may kani-kaniyang kultura, wika at
paniniwala.
_____9. Hindi mahalaga kung ang teritoryo ng isang bansa ay malaki o maliit.
_____10. May dalawang anyo ng soberanya, panloob at panglabas

Checking:
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA
Okay class, sino nakakuha ng perfect score? Mga istudyante: Ako po sir!

Very good! Sino naman nakakuha ng 9? Ako po sir!

Isa, Dalawa, Tatlo, okay very good!

Okay, sino naman nakakuha ng 8 pababa? Wala po sir!

Magaling mga bata! Palakpakan natin ng ating mga Ang mga bata ay magpapalakpakan.
sarili!

V. Assignment
Panuto: Punan ang patlang ng mga salita mula s kahon upang mabuo ang kahulugan ng isang bansa.
Ang(1)_________ ay lugar o teritoryo na maynaninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa. Ang
mga elementong ito ay (2)________,teritoryo,(3)__________at (4)______________.Ang Pilipinas ay
isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may sariling (5)__________,may pamahalaan, at
may ganap na kalayaan

DLP-AP4
PREPARED BY: CATALINO V. PINGUE
BEED-3rd year- B2

You might also like