Professional Documents
Culture Documents
Wikang Pambansa Sa Pamamagitan NG Pagtatalakay
Wikang Pambansa Sa Pamamagitan NG Pagtatalakay
Wikang Pambansa
Sa Pamamagitan Ng Pagtatalakay
> Katangian ng Wika
> Kahalagahan ng Wika
○ Midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon
○ Upang maipahayag nang malinaw at epektibo ang damdamin at kaisipan ng tao
○ Sumasalamin sa kultura at panahong kinabibilangan
○ Nagsisilbing instrumento sa pagbubuklod ng mga bansa
○ Mabuting kasangkapan sa pagpapalawak ng kaalaman
> Antas ng Wika
Ang kaantasan ng wika ay nakabatay sa pagbabago o pagkakaiba ng mga salita at paraan
ng pagpapahayag ng mga taong nagsasalita, depende sa sitwasyon ng pag-uusap, oras at
lugar ng pag-uusap, kalagayan, katangian at kultura ng kausap at paksa ng pinag-uusapan.
Ang kaalaman sa mga antas ng wika ay makakatulong sa mabisang pagpapahayag.
sa isang bansa. Ginagamit ito sa mga paaralan, at sa mga aklat pangwika. Kasama
dito ng mga salitang hiniram sa Ingles, Kastila at iba pang wika.
❖ Lalawiganin - Mga salitang kilala at higit na ginagamit ng mga tao sa isang
> Wikang Filipino
○ Pambansang Lingua Franca
Filipino ang wikang ginagamit ng dalawa o higit pang tao na magkaiba ang
katutubong wika at kabilang sa pagkaibang etnolinggwistikong grupo.
○ Wikang Pambansa
Nakapaloob sa Konstitusyong 1987 ng Republika ng Pilipinas ang Filipino bilang
wikang pambansa. Filipino ang ating wikang pambansa dahil sa wikang ito
tinatalakay ang mga bagay-bagay ukol sa bansa na naiintindihan ng bawat
mamamayang Pilipino. Ito ang ginagamit at gamitin sa pakikipag-ugnayan ng
mga Pilipino.
○ Opisyal na Wikang Panturo
Kinikilala ang Filipino bilang mabisang wika ng pagtuturo at pagkatuto. Bilang
opisyal na wikang panturo, ginagamit na ang Filipino sa pagtuturo at pag-aaral sa
iba’t ibang disiplina ng kaalaman at sa lahat ng antas ng edukasyon.
HALIMBAWA
TUNGKULIN KATANGIAN
PASALITA PASULAT
BARAYTI NG WIKA
> Wika
○ Kilala rin bilang lengguwahe. Ito ay mas malawak ayon sa istruktura nito at mas
ginagamit batay sa mas naiintindihan ng nakararami.
○ Ang wika ay mayaman sa salita dahil ito ay may diksyonaryo, gramatika at gamit
sa mataas na antas ng pagtuturo ng wika.
○ Ito ang gamit sa pagtuturo sa sekundarya, tersyarya at graduado na antas ng
edukasyon at tinanggap bilang opisyal na wika, gamit sa pamahalaan, midya at
edukasyon.
> Dialekto
○ Tinatawag din itong wikain, lalawiganin o dayalek. Varyant lamang ito ng isang
malaking wika.
○ Mas maliit at limitado ang saklaw nito gayundin ay kaunti ang gumagamit
kumpara sa wika.
○ Madalas na nakabatay ito sa heograpiya/maliit na lugar. May Mutual Intelligibility
ito. Nangangahulugang kapag may dalawang taong nag-uusap, kahit magkaiba sila
ng lugar na kinalakihan subalit nagkakaintindihan, diyalekto ang gamit nila bilang
midyum ng usapan
○ Magkaiba ang kanilang sinasalita subalit nagkakaintindihan pa rin. Diyalekto ang
midyum na nag-uugnay sa kanila.
○ May mga pagkakahawig din ang ispeling at tunog ng mga salita sa isang diyalekto.
○ Madalas na pag simulan din ito ng Stereotyping o pagkakahon sa isang tao batay
sa lugar na pinanggalingan.
○ Sinasabi rin na halata ang punto ng isang taong nasanay ang dila sa diyalektong
kanyang gamit sa pang araw-araw na buhay. Kung gayon, diyalekto ang Bicol-
Naga, Bicol-Nabua, Bicol-Daet, Bicol-sorsogon, Bicol-Masbate. Pero sa
pangkalahatan, wika ang Bikol.
> Uri ng Dialekto
○ Rehiyonal/Heograpiko - uri ng diyalekto kung saan nanggaling ang nagsasalita o
gumagamit.
○ Sosyal - uri ng dialekto kung saan may pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika o
diyalekto.
■ Sosyolek - ito ay isang baryant sa paggamit ng wika na naiiba-iba
depende sa katayuan sa lipunan.
Halimbawa:
Paghanga: Woah! Napakagaling!
Pagkagulat: Ayy! Ganun pala!
Takot: Hwah!
Pag-asa: Sana! Man .gyari sana!
Inis/ Galit: Hayst! Kakainis!
> Panghihikayat (Conative) .
○ Ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o magpakilos ng taong
kinakausap.
Halimbawa:
Bilisan niyo lumigo paalis na tayo!
Halimbawa:
Malinaw na sinabi sa batas na bawal ngumuya ng "chewing gum"
sa Singapore.
> Patalinghaga (Poetic) .
○ Ginagamitang wika sa masining paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa,
sanaysay at iba pa.
A N G U N A N G W I K A, P A N G A L A W A N G W I K A, A T I B A P A
> Unang Wika .
○ Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
○ Katutubong wika,sinusong wika, mother tongue,arterial na wika at kinatawan ng
L1.
○ Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na nagpapahayag ng tao ang
kanyang ideya, kaisipan at damdamin.
> Ikalawang Wika .
○ Wikang natutunan at ginagamit ng isang tao labas pa sa kanyang unang wika.
○ Wikang hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang wikang
ginagamit din sa lokalidad ng isang taong nagsasalita.
○ Bunga ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid.
○ Pangalawang wika o L2.
> Ikatlong WIka .
○ Nagagamit ang wikang ito sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong
ginagalawan ng isang indibidwal.
○ Wikang natutunan at ginagamit na isang tao sa labas ng kanyang una at
ikalawang wika.
○ Ikatlong wika o L3.
> Sa Radyo at Diyaryo .
○ Katulad sa telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. Ang halos
lahat ng mga istasyon ng radyo sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino at
iba’t ibang barayti nito.
○ Ang SMS (short messaging system) na mas kilala sa tawag na text ay naging
tanyag sa ating bansa. Tinatayang nasa apat na bilyong test ang ipinadala at
natatanggap sa ating bansa araw-araw. Dahil sa text mas napadali ang
pakikipagkomunikasyon natin sa ating mga kakilala at mga mahal sa buhay. Dito
natuto tayong gumamit ng pinaghalong mga numero at simbolo upang paikliin
ang sulat dahil limitado lang ang karakter na pwedeng ipadala sa kada text.
Nandyan ang “Nandito na ako. Where are you na?” na naging “d2 na me. Wr u
na?” at ang paggamit ng mga daglat bilang shortcut sa mga parirala lalo na sa
Ingles gaya ng LOL na ang kahulugan ay Laughing Out Loud, GBU na ang
kahulugan ay God Bless You, OMG na ang kahulugan ay Oh my gosh o Oh my God
at iba pa.
○ Gayunpaman, nananatiling Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga
pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga pamilihan, mga
palengke, at maging sa direct selling. Ito rin ang wikang ginagamit sa mga
komersyal sa telebisyon at radyo. Mas malawak at mas maraming mamimili kasi
ang naabot ng mga impormasyong ito ang wikang nauunawaan ng nakararami
ang gagamitin.
> Sa Pamahalaan .
○ Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat
ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentality ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at
korespondensya,” naging mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas
at sangay ng pamahalaan. Palatandaan na ang dating Pangulong Benigno Aquino
III ay nagbibigay ng kanyang SONA gamit ang wikang Filipino. Dulot nito higit na
nakararami ng mga mamamayan ang nauwaan ang mga paksang tinalakay sa
SONA ng pangulo. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang
Filipino rin ang ginagamit subalit hindi rin maiiwasan ang code switching lalo na
sa mga salitang teknikal na wala pang katumbas sa wikang Filipino.
> Sa Edukasyon .
○ Sa mababang paaralan (K hanggang Baitang 3) ay unang wika ang gamit bilang
wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang wikang FIlipino
at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. Sa
mataas na antas ay nananatiling bilinggwal kung saan ginagamit ang wikang
Ingles bilang mga wikang panturo.
> Sa Wikang Global .
○ Ang kalagayang pang-ekonomiya sa bansa ang nagtutulak sa mga Pilipinong
magtrabaho sa ibang bansa at maging Overseas Filipino Workers (OFW). Sa
ganitong kalagayan, hindi maiiwasan ang paglaganap ng wika at kulturang Pilipino
sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon sa Index of Survey on Overseas Filipinos
noong 2014, tinatayang 2.3 milyong OFW ang nasa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon sa American Community Survey (2013), pangatlo ang Filipino sa mga
wikang may pinakamaraming nagsasalita sa Estados Unidos bukod sa Ingles.