You are on page 1of 6

BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES

QUEZON COUNCIL
MAUBAN NORTH DISTRICT

KID AND KAB SCOUTS INVESTITURE CEREMONY


I. UNANG BAHAGI
A. Pagpasok ng pamunuan ng Langkay at Kawan, mga magulang, panauhin at
mga KID at KAB Scouts.
B. Pambungad na Palatuntunan
1. Panalangin
2. Pambansang Awit
3. Panunumpa sa Watawat
4. Pambungad na Pananalita
5. Mensahe

II. IKALAWANG BAHAGI


SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG LANGKAY AT KAWAN
INVESTING OFFICER/GUEST: HON. ALWEEN M. SARDEA

A. Charge to the Langkay and Kawan Committee by the Instructional


Representative
(District Langkay Leader, District Kawan Leader and Officers)
“Pinakikiusapan po ang Lupon ng Langkay at Kawan na magsitindig.”
Ang Lupon ng Langkay at Kawan ay siyang namamahala sa pagtatatag
ng bagong Langkay at Kawan. Sila ang nagpapayo sa mga Langkay at Kawan
Lider sa paglutas ng mga suliraning nakakasagabal sa pagsasakatuparan ng
tumpak na kahulugan ng Scouting, mga pangangailangan ng samahan, at sa
pagtupad sa mga tuntunin at patakaran ng Pambansang Kapulungan ng Boy
Scouts of the Philippines. Hinihimok ng Lupon ang mga Langkay at Kawan Lider
na tangkilikin ang palatuntunan ng mga KID at KAB Scouts. Ang Lupon ding ito
ang namamahala sa pamamalakad ng Langkay at Kawan upang mapanatili at
mapangalagaan ang pananalapi, katatagan at mga ari-arian ng Langkay at
Kawan.
“Tinatanggap ba ninyo ang mga pananagutang ito at kayo ba ay
nangangako na magiging masigasig sa pagtulong sa mga Langkay at
Kawan Lider sa pagtangkilik ng programa ng Langkay at Kawan?”

SAGOT: “OPO TINATANGGAP NAMIN”

B. Charge the Langkay and Kawan Leader and the Assistant Langkay and Kawan
Leaders by the Chairman of the Langkay and Kawan Committee.
(School Langkay Leaders & School Kawan Leaders)
“Mangyari po lamang na ang mga Langkay at Kawan Lider at ang mga
Assistants ay magsitindig.”

“Kayo ba bilang mga nakatatandang puno ng Langkay at Kawang ito ay


nangangakong tutulong ng tapat sa Samahan?
SAGOT: “OPO, KAMI AY TUTULONG”.

“Hihimukin ba ninyo ang bawat KID at KAB Scout o ang buong Langkay at
Kawan na sumunod sa programa ng Scouting?”
SAGOT: “OPO!”

C. Charge to the Parents by the Institutional Representatives


(magulang, ninong at ninang)
“Pinakikiusapan po lamang na ang mga magulang at ninong o ninang ng
mga KID AT KAB Scout ay magsitayo.”
“Narinig ninyo ang pangako ng mga puno ng Langkay at Kawan, gaya ng
kanilang mga pagsisikap na mapanatili ang Langkay at Kawang ito. Kayo ba,
bilang mga magulang, ninong at ninang ng mga batang KID at KAB Scout na
itatalaga ay nangangakong magsusumikap na mapanatili ang Langkay at
Kawang ito at taos-pusong makikiisa sa lahat ng oras at magbibigay ng
mabuting pagsubaybay sa kanila sa ikatutupad ng mga layunin ng KID at KAB
Scouting?”
SAGOT: “OPO, NANGANGAKO KAMI”.
III. IKATLONG BAHAGI
SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG MGA KID AT KAB SCOUTS

District Scout Commissioner (Ma’am Gandia): Mga Batang Scouts, mga


magulang, mga ninong/ninang at mga panauhin, isang malaking karangalan
para sa akin ang pangunahan ang seremonyang ito na siyang pasimula ng mga
kahanga-hangang karanasan sa scouting. Ang araw na ito ay dakila at marangal
sapagkat ito ang magbubuklod sa ating kilusan.

Ang mga kandila ay kumakatawan sa Ispiritu ng Scouting na sagisag ng


paglago ng ating samahan. Ang emblem ay sumasagisag sa magagandang
simulain, pagkakaisa at katungkulan ng bawat kasapi ng scouting.
Ngayon ay pasimulan natin ang pagpapahayag at pagtatalaga sa mga
batang Scouts.

District BSP In-charge (Ma’am Meollo): Mga kaibigan at mga kapwa Scout.
Ikinagagalak naming tanggapin ang mga bagong KID at KAB Scout sa Kilusang
Scouting. Sila ang mga kasapi ng mga bagong Langkay at Kawan na nais
magpatalaga at sumali sa kasaysayan ng mga KID at KAB Scout.

Scout Wood Badge (Ma’am Nanca): Naririto tayo ngayon upang isapi kayo sa
kilusang Scouting. May mahigit na 3 milyung Scout ang gumagawa ng kanilang
tungkulin sa Diyos, sa ating bansa at pamumuhay ayon sa batas ng KID at KAB
Scout. Ihahanda ninyo ang inyong mga sarili sa mga tungkulin sa kasalukuyan
at sa darating pang mga taon. Ngayon ay pinakikiusapan ko ang namumunong
Lupon ng Langkay at Kawan na ibigay sa amin ang tanglaw ng Scouting.

(Everybody sings: “Itong Ilaw ng KAB Scout”) while the Langkay and Kawan
Committee Chairman lights the biggest candle.
Langkay and Kawan Committee Chairperson (Sctr. Felmar) : Ang kandilang ito
ang sumasagisag sa diwa ng Scouting na dapat mag-alab sa bawat puso ng
isang tunay na Scout. Sa pamamagitan ng diwang ito, ang lahat ay maaring
maganap, at kung wala ito ang landas na tatahakin ay madilim, malayo, at
mahirap marating.

District Langkay Leader (Sctr. Lorna): (Sa mga KID Scouts) Bago kayo
italaga, hinihiling ko sa inyo na bigkasin ang Pangako at Batas ng KID Scout.

KID Scouts will recite: Pangako at Batas ng KID Scout.


Sct. Arwin Jiro P. Castro
“Ang aking pangako, mahalin ang Diyos at ang aking bayan; maging masunurin
at mabuting bata sa tahanan at saanman”.

District Langkay Leader (Sctr. Lorna): Inaasahan namin na lubos ninyong


nauunawaan ang diwa at kahulugan ng Pangako at Batas na iyan.

District Kawan Leader (Sctr. Karen): (Sa mga KAB Scouts) Bago kayo italaga,
hinihiling ko sa inyo na bigkasin ang Pangako ng KAB Scout

KAB Scouts will recite: Pangako ng KAB Scout.


Sct. Kurt Patrick Jeigh Lanuza
Ako’y nangangakong gagawin ang makakaya: Upang mahalin ang Diyos at ang
aking bayan, Gumawa ng mabuti araw-araw, at Sumunod sa Batas ng KAB
Scout.
District Kawan Leader (Sctr. Karen): Inaasahan namin na lubos ninyong
nauunawaan ang diwa at kahulugan ng Pangakong iyan.
PAGSISINDI NG MGA KANDILA AT PAGPAPALIWANAG NG 7 SCOUTS

UNANG KAB SCOUT: (Lights the red candle- MNES-I Scout)


Ako'y nangangakong gagawin ang aking makakaya upang mahalin ang
Diyos at ang aking bayang Pilipinas at gumawa ng mabuti araw-araw at
sumunod sa batas ng KAB Scout. Ang kandilang ito ang sumasagisag na tuwing
gagawa ng pangako, inaasahang makatutupad ang isang KAB Scout sapagkat
ibig niyang mapaniwala ang mga tao sa kanyang sinasabi.

IKALAWANG KAB SCOUT: (Lights the blue candle- MNES-I Scout)


Sumasagisag ang kandilang ito na “Gagawin ko ang aking makakaya.”
Gagawin ko ang aking makakaya sa anumang gawaing iniaatang sa akin.

IKATLONG KAB SCOUT: (Lights the white candle- Mabato ES Scout)


Ang kandilang ito ang sumasagisag na “Mahalin ang Diyos.” Ang
pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. Ipinakikita ang pagmamahal
sa Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang tao. Ako at ang aking
kapamilya ay tapat sa aking pananampalataya.

IKAAPAT NA KAB SCOUT: (Lights another red candle- Mabato ES Scout)


Sinasagisag ang kandilang ito ang “Aking Bayan.” Mahal ko ang aking
bayan sapagkat ako'y bahagi nito. Ipinakikita ko ang aking pagmamahal sa
aking bayan sa pamamgitan ng paggawa ng kabutihan sa bayan, paaralan, at
tahanang aking ginagalawan. Gumawa nang mabuti araw-araw.

IKALIMANG KAB SCOUT: (Lights another blue candle- MNES-I Scout)


Ang sinasagisag ng kandilang ito ay “Sundin ang Batas ng KAB SCOUT.”
Sa bawat laro ay may mga tuntuning dapat sundin. Ang Batas ng KAB Scout ay
may tatlong payak na tuntunin. Pagsusumikapan kong sundin ang mga
tuntuning ito at ang mga layunin upang maging isang mabuting KAB Scout.
IKAANIM NA KAB SCOUT: (Lights yellow candle- SWAES Scout)
“Sumusunod sa mga Nakatatanda.” Ang mga nakatatanda ay mabubuting
pinuno. Sila ay nakatatanda kaysa atin at higit na may kaalaman. Ang mga
taong nakatatanda sa atin ay ang ating mga magulang at mga guro na tutulong
upang matustusan ang ating pagiging KAB Scout.

IKAPITONG KAB SCOUT: (Lights green candle- SWAES Scout)


“Tumutulong sa Pagsulong ng Kawan.” Bilang isang KAB Scout, ako ay
kasapi ng Color Group sa Kawan. Ako'y dadalo sa takdang oras sa mga miting
at tutulong sa kapwa kong KAB Scout sa pagtatapos ng aming gawain.
(After the candles are lighted, each new KID and KAB Scout will
share the light while listening to a music “A Time to Change.”)

INVESTING OFFICER/GUEST (Hon. Alween M. Sardea): Iyan ang Batas ng


KAB Scouts. Dakila ito bagama’t mahirap gampanan kung kaya’t ito’y dapat
nating imulat sa mga bata sa pamamagitan ng mga magagandang halimbawa.

MC: Ngayong naipakita ng mga batang ito ang kanilang pagsang-ayon sa mga
simulain ng KID at KAB Scouting, pinakikiusapan ko ang mga ninong o ninang
na maghanda upang ilagay ang mga alampay sa kani-kanilang mga inaanak na
KID at KAB Scout. Ito ay bilang tanda ng kanilang pagiging kasapi sa Scouting.

(Lima-limang (5) KID/KAB Scouts ang aakyat sa entablado upang lagyan ng


alampay o neckerchief with slide/kalabaw ng kanilang ninong/ninang kasabay
ang pagtanggap ng mga Certificate of Investiture)

PAGBABASBAS (SWB Liza M. Diasanta): Sumaatin nawa ang pagpapala ng


dakilang lider ng lahat ng Scouts, sa iyo, sa akin, ngayon at bukas at hanggang sa
muling pagkukrus ng ating landas.
-THE END-

HAPPY SCOUTING!

You might also like