You are on page 1of 20

Colegio de San Pascual Baylon

JP Rizal St., Pag-asa, Obando 3021 Bulacan

Misa sa Espiritu Santo


ika-16 ng Setyembre 2022 • 9:00 nu
Colegio de San Pascual Baylon
San Lorenzo Ruiz Gymnasium
Pag-asa, Obando 3021 Bulacan

1
MISA SA ESPIRITU SANTO

Ang hanay ng pagpasok ng mga maglilingkod sa Misa: Pitong Kinatawan ng Pitong Kaloob ng Espiritu Santo, mga
Guro at Pamunuan ng Paaralan, Seryales, Insensaryo (lalagyan ng insenso, kandila at krusipiho), iba pang
maglilingkod, Lektor para sa Panalangin ng Bayan, Salmista at Lektor na tangan ang Ebanghelaryo at Pari.

PAMBUNGAD NA BAHAGI

Tagapagpaliwanag: Magandang umaga po sa lahat. Ngayon po ay ika-16


ng Setyembre, Miyerkules. Sa araw na ito, gaganapin natin
ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Karangalan ng
Espiritu Santo bilang paghahanda sa Akademikong Taon
dalawang libo dalawampu’t dalawa – dalawang libo
dalawampu’t tatlo (2022-2023) sa Colegio de San Pascual
Baylon. Ang mamumuno po sa ating Banal na
Pagdiriwang ay ang Rektor ng ating paaralan, Reberendo
Padre Domingo M. Salonga, kasama si Reberendo Padre
John Michael G. dela Cruz, Director of Administrative
Affairs at Finance Officer. Bago magsimula ang ating banal
na pagtitipon, masasaksihan natin ang pagsisindi ng mga
kandila na sumisimbolo sa Pitong Kaloob ng Espiritu
Santo, kasabay ang panalangin na pamumunuan ni Sr.
Elisa D. Fausto, OP, punong guro Basic Education
Department. Ang lahat po ay magsitayo.

(Saliw-awit: “Liwanag ng Aming Puso”- Instrumental)

2
PANALANGIN PARA SA PITONG KALOOB NG ESPIRITU SANTO

Namumuno: Ama naming mapagmahal,


Ikaw ay aming pinasasalamatan
sa paghirang Mo sa amin bilang Iyong sambayanan.
Sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Jesus,
kami ay Iyong tinawag na mamuhay bilang tunay na Kristiyano
at sa gayon ay maging liwanag ng sandaigdigan.
Isinasamo namin na Iyong ipagkaloob sa amin
ang Espiritu ng Karunungan,
upang aming mapahalagahan ang mga bagay na makalangit;
ang Espiritu ng Pang-unawa,
upang ang aming isipan ay bigyang-liwanag ng Iyong Katotohanan;
ang Espiritu ng Kahatulan,
upang mabatid namin ang mga bagay na makapagbibigay-lugod sa Ama
at makapaglalapit sa amin sa Kaharian ng Langit;
ang Espiritu ng Kalakasan,
upang buong lakas naming mapaglabanan
ang anumang humahadlang sa aming kaligtasan
at mapasan ang aming krus nang buong sigla;
ang Espiritu ng Kaalaman,
upang sa aming malalim na pagkakakilala sa sarili,
lumalim din ang pagkakakilala namin sa Diyos;
ang Espiritu ng Kabanalan,
upang mapaglingkuran Ka namin nang buong katuwaan at lugod;
at ang Espiritu ng Banal na Pagkatakot
upang mahalin Ka namin nang may pitagan
at maiwasang gawin ang anumang makasasakit sa Iyo.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Jesukristong aming Panginoon,
naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang hanggan.
Amen.

Pambungad na Awit: Umawit at Magpuri

3
PAGBATI

Pari: Sa ngalan ng Ama, + at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Jesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama at
ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo, nawa’y sumainyong lahat.

Bayan: At sumaiyo rin.

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Pari: Sa pasimula ng ating pag-aaral sa taong ito, malugod namin kayong tinatanggap.
Nawa’y tulungan tayo at gabayan ng Espiritu Santo sa lahat ng ating mga gawa
at balakin, lalo na ang mga namamahala sa ating paaralan, mga guro at mga
mag-aaral.

Mapasaatin nawa ang kapayapaan at pagkakaunawaan, at ang Diyos, sa


Kanyang kabutihan, ay lagi tayong lukuban ng Kanyang pagkalinga at
pagmamahal.

Upang maging marapat tayo sa ating pagdiriwang, pagsisihan natin ang ating
mga kasalanan.

(sandaling katahimikan)

PAGSISISI SA KASALANAN

Pari: Panginoong Jesus, ipinakilala Mo sa amin ang Ama at ang Banal na Espiritu,
Panginoon, kaawaan Mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan Mo kami.

Pari: Jesukristo, nakaluklok Ka sa kanan ng Ama at namagitan para sa amin: Kristo,


kaawaan Mo kami.

Bayan: Kristo, kaawaan Mo kami.

4
Pari: Panginoong Jesus, binigyan Mo kami ng buhay sa Espiritu: Panginoon, kaawaan
Mo kami.

Bayan: Panginoon, kaawaan Mo kami.

Pari: Kaawaan tayo ng Makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga


kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen.

(Aawitin ang Papuri sa Diyos)

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 865)

Pari: Ama naming makapangyarihan,


sa Iyong Espiritu, kami ay Iyong pinaghaharian
at sa Iyong pagkupkop kami ay pinangangalagaan.
Paratingin Mo sa amin ang iyong awa at pagmamahal
at paunlakan Mo ang aming mga kahilingan upang sa Iyong tulong,
ang mga nananalig ay laging mapatnubayan
sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
Tagapamuno: Maupo ang lahat.

5
LITURHIYA NG SALITA

UNANG PAGBASA
Ang Salita ng Diyos mula sa Gawa ng mga Apostol Mga Gawa 2, 1-11

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At
biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na hangin,
at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wari’y mga dilang
apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at
nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. May mga
Judiong buhat sa iba’t ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong
palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao.
Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang
pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating
katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayo’y mga taga-Partia, mga taga-Media,
mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadociaa sa Ponto, at
sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na
sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit
sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa atin-
ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34

Tugon: Espiritu Mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri Ka Poong Diyos nitong aking kaluluwa.


O Panginoong Diyos, kay dakila Mong talaga!
Sa daigdig Ikaw roon, kay raming Iyong likha
Sa daming nilikha Mo’y nalaganapan ang lupa. (Tugon)

Natatakot mangamatay kung kitlin Mo ang hininga;


Mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.

6
Taglay Mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik
Bagumbuhay ay dulot Mo sa nilikha sa daigdig. (Tugon)

Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,


Sa lahat ng Iyong likha ang madama’y kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
Habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal. (Tugon)

IKALAWANG PAGBASA

Ang Salita ng Diyos mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
1 Corinto 12, 3b-7, 12-13

Mga kapatid, hindi masasabi ninuman, “Panginoon si Hesus,” kung hindi siya
pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.
Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong
pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat
at ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isa’y binigyan ng kaloob na naghahayag
na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.
Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat
binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego,
alipin man o Malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan.
Tayong lahat ay pinaiinom sa isang Espiritu.
Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.


Tagapamuno: Magsitayo ang lahat.

ALELUYA
Aleluya, aleluya
Espiritung aming tanglaw, kami’y Iyong liwanagan
Sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya, aleluya

7
MABUTING BALITA Juan 20, 19-23

Pari: Sumainyo ang Panginoon

Bayan: At sumaiyo rin.


Pari: + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoon

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga
pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at
tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan,” sabi Niya. Pagkasabi nito, ipinakita Niya ang
Kanyang kamay at ang Kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang Makita ang
Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako
ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan Niya at sinabi,
“Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay
pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.


Tagapamuno: Maupo ang lahat.

HOMILYA

Tagapamuno: Ngayon po ay gaganapin ang pagtatalaga sa tungkulin


ng mga bagong halal na opisyales ng iba’t ibang
konseho at organisasyon ng ating paaralan. Tinatawag
po ang ating Academic Directress at College, Dr.
Marilou L. Galman para sa pagpapakilala sa mga
bagong halal na opisyales:
PAGTATALAGA SA TUNGKULIN

College Dean: Akin pong inilalahad sa inyong harapan ang mga bagong halal na
opisyales ng iba’t ibang konseho at organisasyon ng Colegio de San Pascual
Baylon.

(Ang mga bagong halal na opisyales ay tatayo bilang pagkilala, hawak ang kopya ng Pangako ng Katapatan)

Pari: Kayo ba ay nangangako na gagawin ang inyong sinumpaang tungkulin at gampanin sa


iba’t ibang organisasyon ng inyong paaralan?

8
Mga Opisyales: Opo, ipinapangako po namin.

Pari: Sa pamamagitan ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng Simbahan, ngayon ay


akin nang ipinahahayag na kayo ay ganap na mga tagapamuno ng iba’t ibang
organisasyon ng inyong paaralan.

(Isa sa mga bagong halal ang tutungo sa mikropono upang pangunahan ang pagbabasa ng Pangako ng Katapatan. Matapos mangako, ang Pari
ay wiwisikan ng banal na tubig ang mga bagong halal na opisyales at saka haharap sa sambayanan.)

Pari: Ipinababatid ko ang aking pagbati sa mga bagong opsiyales. Atin silang palakpakan.

Tagapamuno: Magsitayo po ang lahat.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Pari: Ipahayag natin ang pananampalataya:

Pari at Bayan: Sumasampalataya ako


sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluklok sa kanan ng Diyos
Amang Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom
sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,

9
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Manalangin tayo sa ating Diyos Amang nagbigay sa atin ng Kanyang Espiritu sa
pamamagitan ni Hesus na Kanyang Anak.

1. Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari, relihiyoso, at mga guro: Nawa magpagabay
sila sa Espiritu sa kanilang gawain. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!


2. Para sa ating pamayanang Kristiyano: Nawa maalis natin ang lahat ng humahadlang sa
pagtulong sa atin ng Espiritu. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!


3. Para sa bawat isa sa atin: Nawa makatulong tayo sa ikabubuti ng ating pamayanang
Kristiyano sa pagpapanatili at pagpapalago ng buhay sa Espiritu sa atin. Manalangin

tayo: Panginoon, dinggin ang aming panalangin!


4. Para sa mga nalulungkot o nag-aalala, para sa mga pinagkaitan ng kasiyahan, at para sa
mga Kristiyanong pinanghihinaan ng loob. Nawa pagkalooban sila ng Espiritu Santo ng
ginhawa, liwanag, at lakas na kailangan nila. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!


5. Para sa lahat ng tao: Nawa makatagpo sila ng mga tapat na Kristiyanong gagabay sa
kanila tungo sa pagsisisi, pananampalataya kay Kristo, at pagkakamit ng buhay sa
Espiritu. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin ang aming panalangin!

Pari: Amang nasa langit, salamat sa pagpapadala ng Iyong Anak upang idulot sa amin ang Espiritu Santo.
Pasiglahin Mo kami sa aming pamayanang Kristiyano upang ang Iyong Espiritu ay makapangyari
sa puso ng lahat. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

10
Bayan: Amen.
Tagapamuno: Magsiupo ang lahat.
Maaari nang humanay ang mga mag-aalay

LITURHIYA NG EUKARISTIYA

Paghahanda ng mga Alay

Awit sa Paghahanda ng mga Alay: Paggugunita

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan Niya at karangalan,
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan Niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p 866)

Pari: Ama naming Lumikha,


ang mga alay na sa harap Mo’y nakahanda
ay pakabanalin nawa ng ningas ng Espiritung Dakila
na nagpaalab sa loobin ng mga apostol ng Iyong Anak
sa pamamagitan Niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PANALANGING EUKARISTIKO
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p 864)

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

11
Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Bayan: Marapat na Siya’y pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan,


tunay ngang marapat
na Ikaw ay aming pasalamatan.
Ikaw ang nagtaguyod sa tanan
at sa maraming paraa’y Iyong pinapatnubayan
ang Iyong tinipong sambayanan.
Ang Iyong Espiritu Santo ay laging kapiling
ng sambayanang kinabibilangan namin
upang Ikaw ay sundin namin at mahalin.
Siya ang dumadalangin sa Iyo
upang ang dasal nami’y dinggin Mo
sa paghiling namin sa Iyong saklolo.
Siya rin ang naglalahad nang lubos
sa pasasalamat namin at utang na loob
sa ligaya naming nakamit sa Iyong tulong
sa pamamagitan ni Jesukristo na aming Panginoon.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa Iyo
nang walang humpay sa kalangitan
kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:

(Aawitin ang Santo, Santo, Santo…)

12
IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 485)

Tagapamuno: Magsiluhod po ang lahat.

Pari: Ama naming banal,


dapat kang purihin ng tanang kinapal
sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak
na aming Panginoong Jesukristo
at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang lahat ay binibigyan Mo ng buhay ay kabanalan.
Walang sawa Mong tinitipon ang Iyong sambayanan
upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
maihandog namin ang malinis na alay
para sambahin ang Iyong ngalan.

Ama,
isinasamo naming pakabanalin Mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa Iyo.

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo +


ng Iyong Anak at aming Panginoon Jesukristo
na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

Noong gabing ipinagkanulo Siya,


hinawakan Niya ang tinapay,
pinasalamatan Ka Niya,
paghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad
at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA INIHAHANDOG PARA SA INYO.

13
Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,
hinawakan Niya ang kalis,
muli Ka Niyang pinasalamatan,
iniabot Niya ang kalis sa Kanyang mga alagad
at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AY INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-AALAALA SA AKIN.

Tagapamuno: (Matapos mag genuflect ng pari) Tumayo po ang lahat.

Pari: Ipagbunyi natin ang Misteryo ng Pananampalataya.

Bayan: (Aawitin) Aming ipinahahayag…

Pari: Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng Iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay pinananabikan, kaya bilang pasasalamat
ngayo’y aming iniaalay sa Iyo
ang buhay ay banal na paghahaing ito.

Tunghayan Mo ang mga handog na ito


ng Iyong Sambayanan.
Masdan Mo ang Iyong Anak
na nag-alay ng Kanyang buhay
upang kami ay ipakipagkasundo sa Iyo.
Loobin Mong kaming magsasalu-salo

14
sa Kanyang Katawan at Dugo
ay mapuspos ng Espiritu Santo
at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

Kami nawa ay gawin Niyang handog


na habang panahong nakatalaga sa Iyo.
Tulungan nawa Niya kaming magkamit
ng Iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos,
ang Mahal na Birheng Maria,
ni San Jose, na kabiyak ng kanyang puso
kaisa ng lahat ng mga Apostol,
mga martir, ni San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiiusap
para sa aming kapakanan.

Ama,
ang handog na ito ng aming pakikipagkasundo sa Iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan
at kaligtasan para sa buong daigdig.
Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng Iyong lingkod na si Papa Francisco,
ang aming Obispo Dennis,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng Iyong piniling sambayanan.
Dinggin Mo ang mga kahilingan ng Iyong angkan
na ngayo’y tinipon Mo sa Iyong harapan.

Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin
ang lahat ng Iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.

+ Kaawaan Mo at patuluyin sa Iyong kaharian


ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo.

15
Kami ay umaasang makararating sa Iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng Iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan. +

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya


ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: (Aawitin) Amen.

ANG PAKIKINABANG

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Jesus na Panginoon natin at Diyos
awitin natin ng lakas-loob:

(Aawitin ang Ama Namin)

Pari: Hinihiling naming


kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo
sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Jesukristo.

(Aawitin ang Sapagkat…)

Pari: Panginoong Jesukristo,


sinabi Mo sa Iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”

16
Tunghayan Mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa
ayon sa Iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGBATI NG KAPAYAPAAN

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

(Aawitin ang Kordero ng Diyos)

PAANYAYA SA KOMUNYON

Pari: Mga kapatid, narito si Kristo,


ang Kordero ng Diyos
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapapalad tayong inaanyayahan
sa Banal na Piging.

Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat


na magpatulóy sa Iyo
ngunit sa isang salita Mo lamang
ay gagaling na ako.

Awit sa Komunyon: Banal na Espiritu, Pag-ibig ng Diyos / Umasa Ka sa Diyos

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 866)

Pari: Manalangin tayo.

(sandaling katahimikan)

17
Ama naming mapagmahal,
sa tinanggap naming banal na pakikinabang
kami nawa’y maging maalab sa Espiritu ng Kabanalan
gaya ng Iyong ibinigay sa mga apostol na hirang
sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGBABASBAS SA MGA TAGAPAMUNO, MGA GURO, AT MGA MAG-AARAL

Priest: May the God of wisdom, knowledge and grace be with you always.

All: And with your spirit.

Priest: We gather here today to ask God’s blessings on these students, their teachers and
administrators as they begin the new academic year. Studies are hard, yet their
reward is great. They lead to knowledge of the world and of God. May God
enlighten our hearts and minds as we listen to the Word of God.

Lord our God,


in Your wisdom and love
You surround us with the mysteries of the universe.
In times long past, You sent us your prophets
to teach Your laws and to bear witness
to Your undying love.
You sent Your Son
to teach us by word and example
that true wisdom comes from You alone.
Send Your Spirit upon these students, teachers and administrators
and fill them with Your wisdom and blessings.
Grant that during this academic year
they may devote themselves to their studies
and share what they have learned from others.

Grant this through Christ, our Lord.

All: Amen.

18
Priest: May God teach you His ways and lead you to the joys of His Kingdom, now and
forever.

All: Amen.

PANGWAKAS NA BAHAGI

Pari: Magsiyuko kayo habang ginagawad ang maringal na pagbabasbas.

Ang Diyos Ama ng kaliwanagan ay nagkaloob ngayon


ng tanglaw sa kalooban ng mga alagad
na pinuspos Niya ng Espiritu Santo.
Pagpalain nawa kayo ng mga kaloob ng Espiritu Santo
ngayon at magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Dilang apoy, na lumapag sa tanang mga alagad,


nawa’y tumupok sa lahat ng masamang paghahangad
kapag lubos na sumikat ang liwanag
na magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Ang Diyos na nagbigay-kakayanan sa mga tao


upang ipahayag nang sabay-sabay sa iba’t ibang wika
ang isang pananampalataya
ang siya nawang magpanatiling kayo’y nananampalataya
at magdulot ng katuparan
sa pananabik na makaharap Siya
sa buhay na walang hanggan.

Bayan: Amen.

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama at Anak + at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

19
Pari: Humayo kayo sa kapayapaan at ihatid sa kapwa
ang pag-ibig na dulot ng Panginoon.

Bayan: Salamat sa Diyos.

Pangwakas na Awit: Tanda ng Kaharian ng Diyos

20

You might also like