Professional Documents
Culture Documents
Misa Sa Espiritu Santo (Presider's Copy1)
Misa Sa Espiritu Santo (Presider's Copy1)
1
MISA SA ESPIRITU SANTO
Ang hanay ng pagpasok ng mga maglilingkod sa Misa: Pitong Kinatawan ng Pitong Kaloob ng Espiritu Santo, mga
Guro at Pamunuan ng Paaralan, Seryales, Insensaryo (lalagyan ng insenso, kandila at krusipiho), iba pang
maglilingkod, Lektor para sa Panalangin ng Bayan, Salmista at Lektor na tangan ang Ebanghelaryo at Pari.
PAMBUNGAD NA BAHAGI
2
at makapaglalapit sa amin sa Kaharian ng Langit;
ang Espiritu ng Kalakasan,
upang buong lakas naming mapaglabanan
ang anumang humahadlang sa aming kaligtasan
at mapasan ang aming krus nang buong sigla;
ang Espiritu ng Kaalaman,
upang sa aming malalim na pagkakakilala sa sarili,
lumalim din ang pagkakakilala namin sa Diyos;
ang Espiritu ng Kabanalan,
upang mapaglingkuran Ka namin nang buong katuwaan at lugod;
at ang Espiritu ng Banal na Pagkatakot
upang mahalin Ka namin nang may pitagan
at maiwasang gawin ang anumang makasasakit sa Iyo.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Jesukristong aming Panginoon,
naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang hanggan.
Amen.
PAGBATI
Bayan: Amen.
PAMBUNGAD NA PANANALITA
3
Pari: Sa pasimula ng ating pag-aaral sa taong ito, malugod
namin kayong tinatanggap. Nawa’y tulungan tayo at
gabayan ng Espiritu Santo sa lahat ng ating mga gawa at
balakin, lalo na ang mga namamahala sa ating paaralan,
mga guro at mga mag-aaral.
(sandaling katahimikan)
PAGSISISI SA KASALANAN
4
Pari: Kaawaan tayo ng Makapangyarihang Diyos, patawarin
tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa
buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 865)
Bayan: Amen.
LITURHIYA NG SALITA
UNANG PAGBASA
Ang Salita ng Diyos mula sa Gawa ng mga Apostol Mga Gawa 2, 1-11
Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At
biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na hangin,
at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wari’y mga dilang
apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at
nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. May mga
5
Judiong buhat sa iba’t ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem, mga taong
palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang maraming tao.
Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila. Sa kanilang
pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba Galileo silang lahat? Bakit ang atin-ating
katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayo’y mga taga-Partia, mga taga-Media,
mga taga-Elam; mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at sa Capadociaa sa Ponto, at
sa Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na
sakop ng Cirene, at mga nakikipanirahan mula sa Roma, maging mga Judio at mga naakit
sa Judaismo. May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila nakapagsasalita sa atin-
ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34
6
IKALAWANG PAGBASA
Ang Salita ng Diyos mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto
1 Corinto 12, 3b-7, 12-13
Mga kapatid, hindi masasabi ninuman, “Panginoon si Hesus,” kung hindi siya
pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
Iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.
Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong
pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat
at ng taong gumagawa ng mga iyon. Ang bawat isa’y binigyan ng kaloob na naghahayag
na sumasakanya ang Espiritu, para sa ikabubuti ng lahat.
Sapagkat si Kristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi; bagamat
binubuo ng iba’t ibang bahagi, iisa pa ring katawan. Tayong lahat, maging Judio o Griego,
alipin man o Malaya, ay bininyagan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan.
Tayong lahat ay pinaiinom sa isang Espiritu.
Ang Salita ng Diyos.
Bayan: Salamat sa Diyos.
ALELUYA
Aleluya, aleluya
Espiritung aming tanglaw, kami’y Iyong liwanagan
Sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya, aleluya
7
Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay
nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang
pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at
tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan,” sabi Niya.
Pagkasabi nito, ipinakita Niya ang Kanyang kamay at ang Kanyang
tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang Makita ang Panginoon.
Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung
paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.”
Pagkatapos, sila’y hiningahan Niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang
Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay
pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga
pinatawad.”
HOMILYA
PAGTATALAGA SA TUNGKULIN
College Dean: Akin pong ipinakikila sa inyong harapan ang mga bagong halal na
opisyales ng iba’t ibang konseho at organisasyon ng Colegio de San Pascual
Baylon.
(Ang mga bagong halal na opisyales ay tutungo sa kanilang pwesto, matapos bahagyang iyuko ang ulo bilang paggalang sa altar.)
8
Pari: Sa pamamagitan ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng
Simbahan, ngayon ay akin nang ipinahahayag na kayo ay
ganap na mga tagapamuno ng iba’t ibang organisasyon ng
inyong paaralan.
(Isa sa mga bagong halal ang tutungo sa mikropono upang pangunahan ang pagbabasa ng Pangako ng Katapatan. Matapos mangako, ang Pari
ay wiwisikan ng banal na tubig ang mga bagong halal na opisyales at saka haharap sa sambayanan.)
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
9
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN
1. Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari, relihiyoso, at mga guro: Nawa magpagabay
sila sa Espiritu sa kanilang gawain. Manalangin tayo:
Panginoon, dinggin ang aming panalangin!
2. Para sa ating pamayanang Kristiyano: Nawa maalis natin ang lahat ng humahadlang sa
pagtulong sa atin ng Espiritu. Manalangin tayo:
Panginoon, dinggin ang aming panalangin!
3. Para sa bawat isa sa atin: Nawa makatulong tayo sa ikabubuti ng ating pamayanang
Kristiyano sa pagpapanatili at pagpapalago ng buhay sa Espiritu sa atin. Manalangin
tayo: Panginoon, dinggin ang aming panalangin!
4. Para sa mga nalulungkot o nag-aalala, para sa mga pinagkaitan ng kasiyahan, at para sa
mga Kristiyanong pinanghihinaan ng loob. Nawa pagkalooban sila ng Espiritu Santo ng
ginhawa, liwanag, at lakas na kailangan nila. Manalangin tayo:
Panginoon, dinggin ang aming panalangin!
5. Para sa lahat ng tao: Nawa makatagpo sila ng mga tapat na Kristiyanong gagabay sa
kanila tungo sa pagsisisi, pananampalataya kay Kristo, at pagkakamit ng buhay sa
Espiritu. Manalangin tayo:
Panginoon, dinggin ang aming panalangin!
10
Bayan: Amen.
Tagapamuno: Magsiupo ang lahat.
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
Bayan: Amen.
PANALANGING EUKARISTIKO
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p 864)
11
Bayan: At sumaiyo rin.
12
nang walang humpay sa kalangitan
kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:
Ama,
isinasamo naming pakabanalin Mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
ang mga kaloob na ito
na aming inilalaan sa Iyo.
13
Noong gabing ipinagkanulo Siya,
hinawakan Niya ang tinapay,
pinasalamatan Ka Niya,
paghati-hati Niya iyon,
iniabot sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
Bayan: (Aawitin)
Aming ipinahahayag
14
na namatay ang ‘Yong Anak
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat!
Pari: Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng Iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik
ay pinananabikan, kaya bilang pasasalamat
ngayo’y aming iniaalay sa Iyo
ang buhay ay banal na paghahaing ito.
15
Tulungan nawa Niya kaming magkamit
ng Iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos,
ang Mahal na Birheng Maria,
ni San Jose, na kabiyak ng kanyang puso
kaisa ng lahat ng mga Apostol,
mga martir, ni San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiiusap
para sa aming kapakanan.
Ama,
ang handog na ito ng aming pakikipagkasundo sa Iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan
at kaligtasan para sa buong daigdig.
Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng Iyong lingkod na si Papa Francisco,
ang aming Obispo Dennis,
ng tanang mga Obispo at buong kaparian
at ng Iyong piniling sambayanan.
Dinggin Mo ang mga kahilingan ng Iyong angkan
na ngayo’y tinipon Mo sa Iyong harapan.
Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin
ang lahat ng Iyong mga anak
sa bawat panig at sulok ng daigdig.
16
+ Kaawaan Mo at patuluyin sa Iyong kaharian
ang mga kapatid naming yumao
at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito
na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo.
Kami ay umaasang makararating sa Iyong piling
at sama-samang magtatamasa
ng Iyong kaningningang walang maliw
sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na siyang pinagdaraanan
ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan. +
ANG PAKIKINABANG
17
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo
sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Jesukristo.
Bayan: Amen.
PAGBATI NG KAPAYAPAAN
18
PAANYAYA SA KOMUNYON
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma, p. 866)
(sandaling katahimikan)
Bayan: Amen.
19
PAGBABASBAS SA MGA TAGAPAMUNO, MGA GURO, AT MGA MAG-AARAL
20
they may devote themselves to their studies
and share what they have learned from others.
All: Amen.
Priest: May God teach you His ways and lead you to the joys of
His Kingdom, now and forever.
All: Amen.
PANGWAKAS NA BAHAGI
Bayan: Amen.
Bayan: Amen.
21
Pari: Ang Diyos na nagbigay-kakayanan sa mga tao
upang ipahayag nang sabay-sabay sa iba’t ibang wika
ang isang pananampalataya
ang siya nawang magpanatiling kayo’y nananampalataya
at magdulot ng katuparan
sa pananabik na makaharap Siya
sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.
Bayan: Amen.
22