You are on page 1of 2

FILIPINO 10

Ikatlong Markahan - TP. 2022-2023


SURING PANGTANGHALAN
 Layunin: Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (Dulang
pangtanghalan)
 Panuto: Gamit ang pormat sa ibaba ay gawin ang suring pangtanghalan batay sa pinanood na
dulang “ El Filibusterismo” na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Gawing malikhain ang paggawa sa
bond paper.
 Paalala: Kailangang patalata ang pagsagot sa mga ibinigay na katanungan.

PAGSUSURI
I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Dula:
 Ano ang pamagat ng dulang pinanood? Bakit iyon ang pamagat ng dula?
B. Direktor:
 Sino ang Direktor ng Dula? Naging mahusay ba siyang direktor? Patunayan.
C. Pag ganap
 Sino ang mga artistang nagsiganap? Ilarawan ang karakter na kanilang ginampanan.
 Nabigyang buhay ba ng artista ang karakter na kanilang ginampanan o naging pilit lamang ang
kanilang naging parte kung kaya’t hindi nabigyang katarungan ang istorya? Patunayan.
D. Tema ng Pelikula
 Ano ang paksang tinatalakay sa dula? Ipaliwanag .
II. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika:
 Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa dula? Nakatulong ba ang musika sa
paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?Ipaliwanag ang kasagutan.
B. Tanghalan at iba pang Kagamitan
 Naging mahusay ba ang pagpapalit ng mga tagpuan batay sa mga eksena sa dula? Naipakita ba
sa dula ang kahandaan at kasiningan ng kanilang mga ginamit na palamuti o props? Patunayan.
C. Iskrip
 Naging mabisa ba ang iskrip ng tauhan upang mailahad ng maayos ang kuwento ? Ipaliwanag.
D. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari
 Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo
ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?
III. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan
 Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa dula na nagpapakita ng mga teoryang pampanitikan.
B. Suliranin ng dula
 Makatotohanan ba ang suliraning ipinapakita sa dula? Naaangkop ba ito sa kasalukuyang
panahon? Paano?
C. Mensahe ng dula
 Ano ang naisip mong mensahe ng dula sa mga mambabasa o manonood? Bakit mo ito naisip?
Sumasang-ayon ka ba o hindi sa mensaheng ipinahihiwatig ng dula? Bakit?
 Ano ang mga naramdaman mo sa naging wakas ng dula? Bakit ito ang iyong naramdaman?
D. Kabuuang Pananaw
 Paano naiiba ang dulang ito sa mga dulang napanood mo na? Karapatdapat bang panoorin ang
dula? Bakit?
E. Rekomendasyon
 Ano-ano ang mga nagustuhan mo sa kabuuang palabas? Ano-ano ang hindi? Magbigay ng
rekomendasyon o mungkahi sa naging kahinaan ng dula.

Pamantayan sa Pagmamarka
Paalala: Narito ang mga pamantayan sa pagbuo ng suring pantanghalan. Maaaring kopyahin at ilagay sa
huling bahagi para sa pagmamarka ng guro.

PAMANTAYAN PUNTOS

Kalinawan at Kawastuhan
15
ng nilalaman

Pagkamalikhain 8

Pagpapasa sa itinakdang
2
oras

KABUUAN 25

You might also like