You are on page 1of 6

ANG PAGPAPATULOY NG MGA

PAGSUBOK
(Mga saknong 1061-1285)
MGA TAUHAN
Don Juan
- Bunso sa tatlong magkakapatid
- Anak ni Haring Fernando
Donya Maria
- Babaeng anak ni Haring Salermo
Haring Salermo

- Tatay ni Donya Maria


- Siya ang nagbibigay ng mga imposibleng
Pagsubok kay Don Juan
Buod
Si Don Juan ay tinawag ni haring Salermo na gumawa ng isang pagsubok na napakahirap na hindi niya ito
kayang gawin ng mag-isa. Ang pagsubok na nabanggit ay kailangan hulihin ni Don Juan ang 12 na negrito na
pinakawalan ni Haring Salermo sa laot ng dagat, kailangan ni Don Juan hanapin at ibalik ang mga negrito sa
prasko, Kahit isa man lang ang magkulang na negrito ay buhay ang kapalit. Nagawa ito ni Don Juan sa isang
araw gamit ang mahika ni Donya Maria, At binalik ang prasko kay Haring Salermo. Ang pangalawang pagsubok
ay kailangan naman igalaw ang mga bundok sa harap ng palasyo , Pinalakad nila ang bundok at tumapat sa
bintana, ang hangin ay doon nagmula at sa palasyo tumama. Ang hari ay hindi mapanatag kaya ito’y
bumalangkas ng utos na pagkabigat na siya ma’y nasisindak. Ang utos na ito ay itaboy ang bundok sa gitna
niyang maugong sa dagat na madaluyong, doon ay magiging kastilyo, gumawa din ng lansangan na malalakaran
mula sa palasyo real hanggang sa muog, Ang mga kasangkapan nito’y bareta, piko, palataw, kutsara, maso’t
kalaykay. Sa tulong ni donya maria ang bundok ay nasa dagat na isang muog na maganda.Ang hari ay nagising,
niyaya niyang mag-aliw si don Juan habang papunta sila sa muog. Biglang naudlot sapagkat may nakaharang
na tanod sa pagpasok.Nung ikalima ng hapon si Don Juan ay sinundo at sa hari ay may pulong.Inutos ng hari na
ang kastilyo at maalis at ang bundok na nasa dagat isauli ditto bukas, sapagkat kailangan ng hari lumanghap ng
hanging isang lunas. Nagawa nya ito sa tulong ni Donya Maria. Inutusan muli nang Hari si Don Juan na hanapin
ang kanyang singsing.Tinulugan umuli ni Donya Maria si Don Juan, Bumaba sila sa dagat sa batya’y lumulan
agad at sa gitna sila lumuntad. Inutos ni Donya Maria kay Don Juan na tadtadin sya ng pinong-pino ngunit
ingatang totoo may matapong kapiraso.Kung tadtad na ay ihulog sa tubig sapagkat ang katawan niya magiging
isda sisisid sa pusod. Binalaan ni Donya Maria na huwag makatulog si Don Juan pero siya’y nakatulog. Ang
singsing na iniaabot ngunit walang umaabot na kamay. Pinagalitan ni Donya Maria si Don Juan sapagkat sa
pagkabigo nawala ang isa sa mga daliri nya. Sapagkat napagtagumpayan nila ang pagsubok na ito, May isa pa
muling binigay ang Hari, na mapa-amo nya ang mabangis na kabayo ng hari. Tinuruan ni Donya Maria si Don
Juan kung paano ito pagurin, tadyakan ng espuwelas at siguraduhin ang renda’y mahigpit at matibay.
Napagtagumpayan muli ni Don Juan ang pagsubok na ibinigay ng hari
Talasalitaan
Prasko – uri ng bote, kalimitang ginagamit bilang sisidlan ng pabango o
inumin
Mapugto - maputol
Hagap – akala, hindi tiyak na opinion
Kikip – paraan ng pagdadala sa pamamagitan ng pag-ipit sa kili-kili
Mabunyag – Malaman ang lihim

You might also like