You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

KASAYSAYAN NG DAIGDIG
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Pagbibigay kahulugan sa limang tema ng heograpiya.
2. Nasusuri ang and limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pagunawa sa
daigdig.
3. Ang mag-aaral ay inaasahang napapahalagahan ang likas na yaman bunsod sa
napapanahong pagaabuso ng sang katauhan sa kalikasan.

II. PAKSANG ARALIN


 Paksa: Katuturan at limang tema ng Heograpiya
 Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation
 Sanggunian: Modyul 1: Kasaysayan ng Daigdig p.12-14

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Pagdasal
 Pagkuha ng attendance
B. Pagganyak
o Ang klase ay hahatiin sa limang grupo kong saan ay naatasang magbigay ng isang
bansa kong saan natutukoy ang sumosunod:
 Lokasyon (tumutukoy sa kinaroroonan ng mga luagar sa daigdig)
 Lugar (tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook “klima,wika, relihiyon)
 Rehiyon (Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod na magkatulad na katangiang pisika o
kultural)
 At uri ng interaksyon ng tao sa kapaligiran. (ang kaugnayan ng tao sa pisikal na
katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan)
 Paggalaw: ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar tungo sa ibang lugar.)

 Ang sumusunod ay walang tamang sagot kung saan sinusuri lamang kung
gaano kalawak ang kalaman ng magaaral sa aralin.

C. Paglalahad
 Mula sa sagutang inilahad, magbibigay opinyon ang iilang magaral sa
bawat grupo kung ano ang kahulugan ng bawat salitang inilahad
(lokasyon,lugar, rehiyon, at uri ng interaksiyon ng tao sa kapaligiran, at
paggalaw).
 Ipaalam sa mga mag-aaral na ang aralin ngayon ay may kinalaman sa
katuturan at limang tema ng heograpiya
D. Pagtalakay sa paksa
 Gamit ang inihandang PowerPoint Presentation, talakayin ang mga bumubuo sa
Katuturan at limang tema ng Heograpiya
 Lokasyon
 Lugar
 Rehiyon
 Interaksyon ng tao at kapaligiran
 Paggalaw

1
E. Paglalahat
 Mga bumubuo sa katanging pisikal ng daigdig.
 Lokasyon
 Lugar
 Rehiyon
 Interaksyon ng tao at kapaligiran
 Paggalaw

F. Paglalapat
 Hayaang sagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na tranong.

1. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-


aaral ng katangiang pisikal ng bansa?
2. Paano nakakatulong ang mga temang ito sa iyong pagunawa sa
heograpiya ng bansa

IV. PAGTATAYA
 Ipaliwanag sa iyong sariling pananalita ang mga sumusunod. Isulat sa isang
kalahating piraso ng papel ang ang iyong mga sagot (5 puntos bawat isa):

 Lokasyon
 Lugar
 Rehiyon
 Interaksyon ng tao at kapaligiran
 Paggalaw

V. TAKDANG ARALIN
 Matulog ng mahimbing at tanggalin ang ano mang masamang elemento sa
isipan at maghanda lakas para sa kinabukasang aralin.

Inihanda ni:

Jovenal B. Sarmiento Jr.

You might also like