You are on page 1of 5

 KAKAYAHANG DISKORSAL

ANO ANG KAKAYAHANG DISKORSAL?

 Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugang pagsama-sama at pag-


uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang pahayag.

 UP Diksiyonaryong Filipino (2010)

Ang diskurso ay nangangahulugang pag-uusap at palitan ng kuro. Mula rito, mahihinuha


na ang Kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpapahayag sa isang
tiyak na wika.

 DALAWANG uri ng kakayahang diskorsal

 KAKAYAHANG TEKSTUWAL

 Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto


gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsyon at iba pang pagsulat
komunikasyon.

 KAKAYAHANG RETORIKAL

 Tumutukoy sa kahusayan ng isang indibiduwal na makibahagi sa kumbersasyon.

 DALAWANG BAGAY NA ISINAALANG-ALANG UPANG MALINANG ANG KAKAYAHANG DISKORSAL


(mahalagang sangkap sa paglikha ng mga pahayag)

 PAGKAKA-UGNAY-UGNAY/COHERENCE

 Tumutukoy sa kung paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa


paraang pasalit o pasulat.

 pagkakaisa/kaisahan o cohesion

 Tumutukoy sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa lingguwistikong paraan.

 Dalawang panuntunan sa pakikipagtalastasan

 1. PAGKILALA SA PAGPAPALITAN NG PAHAYAG

 2. PAKIKIISA na kinapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon at


paraan ng kumbersasyon.

 PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP

 1.SA PAMAMAGITAN NG KATAGA


 Napapahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng mga katagang gaya ng: pa, ba, naman, nga,
pala at iba pa.

 Halimbawa:

 May ulam

 May ulam ba?

 May ulam pa.

 May ulam pa ba?

 May ulam pa nga pala.

 May ulam naman pala.

 May ulam naman pala di ba?

 2. Sa pamamagitan ng panuring

 Napahahaba ang pangungusap sa tulong ng mga panuring na na at ng.

 Halimbawa:

 Siya ay anak.

 Siya ay anak na babae.

 Siya ay anak na bunsong babae.

 3.Sa pamamagitan ng komplemento

 Napahaba ang pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o bahagi ng panaguri na


nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng komplemeto ng pandiwa ay
tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon at kagamitan.

 a. Komplementong tagaganap

 Isinasaad ang gumagawa ng kilos. Pinangungunahan ng panandang ng, ni at panghalip.

 Halimbawa:

 Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.

 Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.

 Ibinalot ng kanyang kaibigan ang mga tirang pagkain.


 b. Komplementong tagatanggap

 Isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos. Pinangungunahan ng mga pang-ukol na para sa,
para kay at para kina.

 Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.

 Bumili ng laruan si Bryan para kay Jane.

 Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene at Elyrah.

 C. KOMPLEMENTONG GANAPAN

 Isinasaad ang pinangyarihan ng kilos. Pinangungunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.

 Halimbawa:

 Namalagi sila sa evacuation area.

 Namalagi sila rito.

 Namalagi sila roon

 D. KOMPLEMENTONG SANHI

 Isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos. Pinangungunahan ng panandang dahil sa o kay at


mga panghalili nito.

 Halimbawa:

 Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.

 E. KOMPLEMENTONG LAYON

 Isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa. Pinangunahan ng panandang ng.

 Halimbawa:

 Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.

 Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.

 F. KOMPLEMENTONG KAGAMITAN

 Isinasaad ang instrumentong ginamit upang maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng


pariralang sa pamamagitan ng at mga panghalili nito.

 Halimbawa:
 Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng impormasyon.

 4. Sa pamamagitan ng pagtatambal

 Napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at,


ngunit, datapwat,subalit, saka at iba pa.

 Halimbawa:

 Nagtatrabaho ang kanyang ama sa pabrika at nagtitinda ang kanyang nanay.

6 na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo

(ayon kina Canary at Cody,2000)

 1.Pakikibagay (adaptability)

 May kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan. Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:

 A. Pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal.

 B. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba.

 C.kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika.

 D. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba.

 2. PAGLAHOK SA UUSAP (CONVERSATIONAL INVOLVEMENT)

 May kakayahan ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba. Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor ang sumusunod:

 A. Kakayahang tumugon.

 B. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao.

 C. Kakayahang makinig at magpokus sa kausap.

 3.PAMAMAHALA SA PAG-UUSAP
( conversational management)

 Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang
daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

 4.pagkapukaw-damdamin
(empathy)
 Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip
ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.

 5. Bisa ( effectiveness)

 Tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahalagang pamantayan upang matay ang kakayahang
pangkomunikatibo-ang pagtiyak kung epektibo ang pangungusap.

 6. Kaangkupan ( appropriateness)

 Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang wika sa
sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap o sa taong kausap.

You might also like