You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan:____________________________________ Baitang at Pangkat______________________


Guro:_______________________________________ Iskor:___________________

Panuto: Basahin ng maayos ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa suliraning pangkabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang
digmaang pandaigdig?
A. Kawalan ng mga pook pasyalan.
B. Pagkasira ng mga paaralan at simbahan.
C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga mamamayan.
D. Pagbaba ng pagpapahalagang moral at espiritwal.

2. Naging mahirap ang pamumuhay ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil
nasira ang kanilang mga tahanan at nawalan sila ng hanapbuhay. Paano tinugunan ng pamahalaan ang
suliraning ito?
I. Nagpatayo ng panibagong mga gusali .
II. Pinagawa at pinaayos ang mga nasirang tirahan .
III. Inayos ang mga nasirang mga sakahan at taniman.
IV. Iniangat ang pagpapahalagang moral at espiritwal ng mga tao.
i.
A. I at II B. II at III C. III at IV D. II at IV

3. Ano ang ibig sabihin ng parity rights ?


A. Malayang kakalan ng bansang Pilipinas at Amerika.
B. Pagbabawal ng pakikipagkalakalan ng dalawang bansa.
C. Tanging mga mamamayang Pilipino lamang ang may karapatang gamitin ang likas na yaman ng
bansa.
D. Pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano sa paggamit ng lahat na likas na yaman ng bansa.

4. Nilagdaan ni Pangulong Manuel A. Roxas ang Kasunduang Militar noong Marso 14, 1947 na isa sa mga
naging daan ng ugnayang Pilipino-Amerikano. Paano naging hindi makatwiran ang kasunduang ito para sa
mga Pilipino?
I. Tumibay ang ugnayang Pilipino-Amerikano.
II. Naging mas matatag ang Pamahalaang Pilipino.
III. Nagbigay ito ng higit na kapangyarihan sa mga Amerikano.
IV. Nagpahintulot ito na manatili sa Pilipinas ang 23 base-militar ng Amerika.

A. I at II B. II at III C. III at IV D. I at IV
5. Ano ang maaaring mangyari sa ating bansa kung hindi inalis ang Patakarang Parity Rights? A.
Uunlad ang bansang Pilipinas.
B. Magkakaunawaan ang mga Amerikano at Pilipino.
C. Kikita ng malaki ang Pilipinas at makakamit nito ang kalayaan.
D. Maghihirap ang mga Pilipino sa kanilang ikinabubuhay at dadami ang produktong Amerikano.
6. Hindi nagustuhan ng maraming Pilipino ang Patakarang Partity Rights dahil ________________________.
A. naging maunlad ang ekonomiya ng bansa
B. umunlad ang itinayong industriya ng mga Pilipino
C. naging mas matatag ang ugnayang Pilipino-Amerikano
D. humina ang kita ng mga lokal na namumuhunan sa bansa
7. Sa pananatili ng mga Amerikano sa ating bansa ay lalong tumindi ang colonial mentality ng mga Pilipino.
Mas ginusto nilang tangkilikin ang mga gawaing imported o stateside kaysa gawang Pilipino. Paano ito
nakaapekto sa ating bansa?
A. Umunlad ang ekonomiya ng bansa.
B. Naging matatag ang kulturang Pilipino.
C. Guminhawa ang pamumuhay ng mga Pilipino.
D. Humina ang kita ng mga lokal na namumuhunan.
8. Nawiwiling bumili ng mga imported na damit si Linda sa paniniwalang magmumukha siyang mayaman at
suot kapag suot niya ang mga ito. Tama ba ang ginawa ni Linda? Bakit?
A. Oo, dahil ang mga damit na binili niya ay bagay sa kanya.
B. Hindi, dahil hindi ito nakakatulong sa pag-unlad nga ekonomiya ng ating bansa.
C. Oo, dahil nagkakaroon siya ng maraming kaibigan, dahil palaging imported ang kanyang damit.
D. Hindi, dahil ang mga damit na kanyang binibili ay hindi angkop sa kanya.
9. Ang sumusunod ay mga naging epekto ng Base Militar sa ating bansa, MALIBAN sa
isa. A. Nagkaroon ng maraming base-militar sa Pilipinas.
B. Nagbigyan ng karapatang mamuno ang mga Amerikano.
C. Naging mas matiwasay ang pamumuhay ng mga Pilipino.
D. Lumakas ang kapangyarihang militar ng mga Amerikano.

10. Sa ilalim ng Philippine Trade Act, malayang nadadala ng Estados Unidos ang kanilang kalakal sa bansa
samantalang may kota ang pangunahing kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ano ang
ipinapahiwatig ng pahayag?

I. Mas nakinabang sa kasunduan ang mga Pilipino kaysa Amerikano.


II. Naging pantay ang karapatan ng Pilipino at Amerikano sa pangangalakal.
III. Higit na nakinabang sa kasunduan ang mga Amerikano kaysa sa mga Pilipino.
IV. Hindi naging pantay ang karapatan ng Pilipino at Amerikano sa ilalim ng kasunduan.

A. I at II B. II at III C. III at IV D. II at IV

11. Isang lokal na mamumuhunan si G. Gomez sa kanilang lungsod. Naging maganda ang takbo ng kanyong
negosyo sa mga naunang taon ngunit nang ipinagkaloob ng pamahalaan ang parity rights sa mga Amerikano
ay hindi na naging maganda ang takbo nito. Kung ikaw si G. Gomez, ano ang iyong magiging reaksiyon o
gagawin?
A. Sumali sa pag-aalsa laban sa pamahalaan.
B. Maging masaya na lamang at kontento sa kinikita.
C. Hayaan lamang ang pagkaloob ng parity rights sa mga Amerikano.
D. Ipaabot sa pamahaan ang hinaing na hindi makatwiran ang parity rights dahil lalong naghirap ang
mga Pilipino.

12. Ito ay nagsasaad na ang kapangyarihan ng estado ay ganap at walang sinumang bansa o tao ang may
kapangyarihan dito. Anong katangian ito ng soberanya?
A. di nasasalin B. lubos C. malawak D. palagian o permanente

13. Ang sumusunod ay mga katangian ng soberanya, MALIBAN sa isa.


A. lubos B. malawak C. maaaring ilipat D. palagian o permanente

Ang Pilipinas, ay isang bansang demokratiko. May sarili itong pamahalaan na pinamumunuan ng
mga hinalal na mga opisyales. Pantay ang mga karapatan na tinatamasa ng mga tao. Lahat ng mga
programa at patakarang nais ipatupad ng pamahalaan ay malaya nitong naipapabot sa mga tao na hindi
pinapakialaman
ng ibang
bansa.
14. Batay sa pahayag, masasabi mo ba na ang bansang Pilipinas ba ay may soberanya?
Bakit? A. Oo, dahil ang Pilipinas ay isang demokratiko at malayan bansa .
B. Hindi, dahil ang mga opisyales ng pamhalaan ay kailangang ihalal.
C. Oo, dahil malaya ang mga taong gawin anuman ang kanilang naisin.
D. Hindi, dahil limitado lamang ang naipapaabot na tulong sa mga tao.
15. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng soberanya upang maging matiwasay at maunlad ang isang bansa? Bakit?
A. Oo, dahil sa pamamagitan nito ay maisasakatuparan ang pagtaguyod ng kabutihan at kapakanan ng
mamamayan.
B. Oo, dahil ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa estado na gagawin ang lahat na naisin nito para man
sa kabutihan o pansariling interes.
C. Hindi, dahil ito lamang ay naaabuso ng may kapangyarihan at ginagamit lamang para sa kanilang
kapakanan.
D. Hindi, dahil ito ay nagdudulot lamang ng hindi pantay na karapatan ng mga mamamayan.
16. Mahalaga ba ang soberanyang panloob upang maisakatuparan ang pagtataguyud ng kabutihan at
kapakinabangan ng mga mamamayan? Bakit?
A. Oo, dahil ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan upang pamunuan ng mga mamamayan,
ari-arian at teritoryo nito.
B. Oo, dahil ito ay nagbibigay ng mas malaking kapangyarihan sa mga namamahala sa ating bansa kaysa
mga mamamayan.
C. Hindi, dahil magiging matiwasay at maunlad ang isang bansa kahit wala ito
D. Hindi, dahil mga mayayaman lamang ang maaaring magmamay-ari ng mga lupain.

Tuwing eleksiyon ay hindi pinapalampas ni G. Santos ang pagboto upang pumili ng mga karapat dapat na
mga mamumuno at magiging lider sa kanilang lugar.
17. Batay sa pahayag, masasabi mo bang pinapahalagahan ni G. Santos ang soberanyang panloob ng bansa?
Bakit?
A. Oo, dahil kanyang pinapahalagan ang karapatan niyang bumoto.
B. Oo, dahil tumatanggap siya ng pera kapalit ng kanyang boto tuwing eleksiyon.
C. Hindi, dahil ang karapatang bumoto ay nabibilang sa panlabas na soberanya ng bansa. D. Hindi,
dahil ang kanyang ginawa ay hindi makakatulong upang pahalagahan ang kanyang karapatan.

Nakikipag-ugnayan at nakikipagkalakalan ang Pilipinas sa ibang bansa tulad ng Indonesia,


Singapore, China, United States at iba pang bansa subalit ang mga bansang ito ay walang
kapangyarihang ipilit sa Pilipinas ang kanilang patakaran.
18. Base sa pahayag, mahalaga ba ang soberanyang panlabas para lalong mapaunlad ang ating bansa? A. Oo,
dahil nagbibigay ito ng kalayaan sa ating bansa na makipag-ugnayan sa ibang bansa upang mas lalong
mapaunlad ang ating ekonomiya.
B. Hindi, dahil ang ibang bansa lamang ang nakikinabang sa ating pakikipag-unayan.
C. Oo, dahil nabibigyang tayo ng pagkakataon na mamasyal sa ibang bansa.
D. Hindi, dahil nagiging daan lamang ito para magkaroon ng hidwaan ang mga bansa.
19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga karapatang tinatamasa ng isang bansang
malaya?
A. Ayaw sumunod ng mga dayuhan sa ating umiiral na mga batas.
B. Hindi maaring panghimasukan o pakialaman ng mga dayuhan ang batas natin.
C. Nakapagpapayaman sa paglinang ng mga pinagkukunang yaman ng bansa ang mga dayuhan. D.
Maaaring diktahan ng mga bansang banyaga ang mga namumuno ng bansa tungkol sa suliranin sa
Mindanao.

20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang ating bansa ay malaya?
I. Karapatang makapagsarili III. Karapatang ipagtanggol ang kalayaan II. Karapatan sa pantay na
pagkilala IV. Karapatang manghimasok sa gawain ng ibang bansa
III.
A. I at II B. II, III at IV C. I, II at IV D. I, II, III at IV

21. Ano ang maaaring mangyari kapag ang mga mamamayan ng isang bansa ay walang tinatamasang karapatan
at kalayaang tinatamasa?
A. Lalo pang lalago ang mga negosyo.
B. Magiging mas maunlad pa ang bansa.
C. Magkakaroon ito ng mga kaalyadong bansa.
D. Magiging magulo at matumal ang pag-unlad ng bansa.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi naging madali ang pamumuhay ng


pamilya ni Maria dahil nasira ang kanilang bahay at nawalan ng trabaho ang kanyang ama.
22. Ano ang pinakamabisang hakbang ang dapat gawin ng pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito?
A. Isaayos ang mga nasirang taniman at sakahan.
B. Iangat ang pagpapahalagang moral at espiritwal ng pamilya.
C. Magpatayo ng mga panibagong mga gusali at imprastraktura.
D. Bigyan ng sapat na puhunan ang pamilya upang makapagsimulang muli.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi naging madali ang pamumuhay ng pamilya
ni Maria dahil nasira ang kanilang bahay at nawalan ng trabaho ang kanyang ama.
23. Ano ang pinakamabisang hakbang ang dapat gawin ng pamahalaan upang matugunan ang suliraning ito?
A. Isaayos ang mga nasirang taniman at sakahan.
B. Iangat ang pagpapahalagang moral at espiritwal ng pamilya.
C. Magpatayo ng mga panibagong mga gusali at imprastraktura.
D. Bigyan ng sapat na puhunan ang pamilya upang makapagsimulang muli.
24. Bakit mahalagang ipagtanggol ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa? Ito ay upang
___________________.
A. mapangalaagan ang kapakanan ng mga dayuhan.
B. sa kalaunan ay masakop ang Pilipinas ng ibang bansa
C. may mga mamamayan na tatangkilik sa produkto ng ibang bansa.
D. mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan nito.

24. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagsasaad ng pagtatanggol ng mga mamamayan sa kalayaan at
hangganan ng teritoryo ng bansa?
A. May mga batas na nagtatakda ng lawak ng hangganan ng teritoryo ng Pipilinas
B. Walang karapatan ang mga Pilipino na galugarin at gamitin ang yamang dagat ng bansang Pilipinas.
C. Hindi na kailangang ipagtanggol ng mamamayan o estado ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng
bansa.
D. Saklaw ng DepEd ang pagtugon sa pangangailangan upang ipagtanggol ang kalayaan at hangganan
ng teritoryo ng bansa.

25. Paano pinapangalagaan ng Hukbong Panghimpapawid ang teritoryo ng Pilipinas? Gumagamit sila ng
___________________.
A. mga submarino.
B. makakapal na pader bilang pangharang.
C. teleskopyo upang makita ang papalapit na kalaban.
D. radar at mga kagamitang nagbibigay ng babala sa mga papasok sa teritoryo ng bansa

26. Nadestino ang tropa ni Sgt. Cruz na kasapi ng Philippine Navy o Hukbong Pandagat ng Pilipinas sa Isla ng
Palawan. Paano gagampanan Hukbong Pandagat ang kanilang tungkulin o serbisyo sa bansa? A. Magpapatrolya
sila sa karagatan upang tiyaking walang dayuhang makakapasok.
B. Magbabantay sa mga beach resorts ang tropa ni Sgt. Cruz upang tiyakin ang kaligtasan ng mga
turista. C. Magtatalaga ng mga tauhan si Sgt. Cruz na siyang magbabantay sa mga prominenteng tao na
dadayo sa lugar.
D. Maglilibot sila sa mga isla ng Palawan at maghahanap ng lugar pa gagawing dagdag atraksiyon sa
mga turista.

27. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pagbabagong nangyari sa bansa sa unang termino ni Pangulong Marcos,
MALIBAN sa isa.
A. Pagpapatibay ng Agricultural Land Reform
B. Pagbaba ng bilang ng kriminalidad
C. Paglulunsad ng Green Revolution
D. Paglaki ng produksiyon ng bigas at mais

28. Ang mga sumusunod ay mga patakaran sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Diosdado Macapagal
MALIBAN sa isa.
A. Pagpapatibay ng Agricultural Land Reform Act C. Pagbabago ng Araw ng Kalayaan B.
Pagtatatag ng MAPHILINDO D. Pagpapaunlad sa NAMARCO Act

29. Paano nilutas ni Pangulong Quirino ang problema ng mga HUKBALAHAP?


A. Pabibigay ng pabahay sa mga dati nitong miyembro.
B. Pagbibigay ng trabaho sa mga dati nitong miyembro.
C. Pagbibigay ng perang pangnegosyo sa mga dati nitong miyembro.
D. Pagbibigay ng amnestiya at lupang sakahan sa mga dati nitong miyembro.

A
30. Alin sa mga sumusunod ang naging magandang epekto ng Philippine Rehabilitation Act sa larangan ng
imprastraktura?
A. Maraming gusali ang hindi naisaayos.
B. Nagkaroon ng trabaho ang maraming Pilipino.
C. Gumanda ang hanapbuhay ng mga mamamayan.
D. Naisaayos ang mga nasirang tulay, kalsada at gusali.

31. Alin sa mga sumusunod na patakaran ang nagsasaad na “Dapat bigyan muna ng lahat ng pagkakataon ang
mga Pilipinong mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago ang mga dayuhan”?
A. Filipino Retailers Fund Act C. Batas Tydings-McDuffie B. Land Tenure Reform
Law D. Patakarang Pilipino Muna

32. Maraming nawasak na imprastruktura at bagsak ang ekonomiya ng bansa sa panunungkulan ni Pangulong
Manuel A. Roxas dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod ang unang binigyang
pansin ng administrasyon ni Roxas?
A. Pagtitipid ng mamamayan
B. Reporma sa lupa para sa mga magsasaka
C. Katarungang panlipunan para sa nakararaming Pilipino
D. Rekonstruksyon at rehabilitasyon ng Pilipinas para umunlad ito
33. Bakit masasabi nating hindi patas ang Philippine Trade Act of 1946 0 Bell Trade Act?
A. Walang produktong Pilipino ang makakapasok sa Estados Unidos
B. Walang produktong galing sa Estados Unidos ang makakapasok sa ating bansa.
C. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong Pilipino na makapasok sa Estados Unidos. D. Pagkakaroon
ng quota ng mga produktong galing sa Estados Unidos na papasok sa Pilipinas. 34. Paano nakakatulong ang
pagkakatatag ng Presidential Complaint and Action Commission (PCAC) ni Pangulong Magsaysay sa mga
mamamayan?
A. Nabigyan ng pagkakaton ang mga karaniwang tao na mabigyan ng trabaho
B. Naipaabot ng mga karaniwang tao ang kanilang hinaing at suliranin sa pangulo.
C. Natululungan ang mga karaniwang tao sa problemang may kinalaman sa pananalapi.
D. Wala sa nabanggit.

35. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot sa bansa ng patakarang Pilipino Muna ni Pangulong P.
Garcia?
A. Tinangkilik nito ang mga produktong dayuhan.
B. Itinaguyod nito ang pagtutulungan sa pamayanan.
C. Pinalaganap nito ang nasyonalismo sa mga mamamayan.
D. Pumasok ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan dahil dito.

36. Isa sa mga programa ni Pangulong Marcos sa kanyang administrasyon ang paglulunsad ng Green
Revolution. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng kabutihang dulot ng programa?
A. Namasukan bilang tagapag-alaga ng malawak na sakahan ni Don Juan si Mang Daniel. B. Nakatanggap
ng malaking halaga ang pamilyang Bartolome bilang kabayaran sa kanilang bukirin. C. Nag-aplay bilang
isang sundalo ang panganay na anak ni Mang Danny upang makatulong sa pamilya. D. Nabigyan ng
similyang tilapia ang pamilya ni Mang Kanor upang makatulong sa pagtataguyod ng kanyang pamilya.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging isa sa mga trahedya sa Pilipinas. Maraming mga tulay,
daungan, lansangan at mga daanan na pwedeng ruta ng mga produkto galing probinsya ang nasira
37. Batay sa binasang teksto, ano ang labis na naapektuhan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ? A. karangalan ng Pilipinas C. magandang tanawin ng Pilipinas B. kabuhayan ng Pilipinas D.
mga opisyales ng Pilipinas
38. Ang mga sumusunod ay mga suliranin na balakid sa ugnayan ng Pilipinas at United States sa panahon ng
pamamahala ni Carlos P. Garcia MALIBAN sa isa.
A. Pag-uutos sa mga Pilipino ng kung ano-ano.
B. Di-makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano.
C. Pagbibintang na magnanakaw ang mga Pilipino sa mga base.
D. Di-pantay na paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikano.
Basahin ang balita sa ibaba.
Makalipas ang limang buwang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga terorista, idineklarang
malaya na ang Marawi City. Napatay ang dalawang mataas na lider ng Maute-ISIS: Wasak at halos
wala nang nakatayong gusali sa loob ng main battle area. Ayon sa mga militar, kinailangang gawin
ito para mapuksa ang mga kalaban.
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook

39. Tungkol saan ang balita?


A. Terorismo B. Kahirapan C. Kapaligiran D. Teritoryo
40. Isa sa mga programa ni Pangulong Garcia sa kanyang administrasyon ay ang pagpapatupad ng Patakarang
Pilipino Muna. Sa iyong palagay, tama ba ang pagpapatupad ng patakarang ito?
A. Oo, dahil mas dumami ang mga dayuhang mangangalakal sa ating bansa.
B. Hindi, dahil mga dayuhang mangangalakal lamang ang nakinabang dito.
C. Oo, dahil naprotektahan nito ang mga lokal na negosyante laban sa mga
dayuhan . D. Hindi, dahil maraming Pilipinong mangangalakal ang nawalan ng
trabaho.

You might also like