You are on page 1of 6

Learning Area Araling Panlipunan

Learning Delivery Modality Modular Distance Learning (Learners-Led Modality)

Paaralan SPRCNHS-Main Baitang Grade 10


LESSON Teacher Guro Cathline N. Calado Asignatura Araling Panlipunan
EXEMPLAR
Petsa May 23, 2022 Markahan Fourth Quarter
Oras Bilang ng Araw 1day

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


a. Naiisa-isa ang mga karapatang pantao at mga uri nito.
b. Nakabubuo ng diyagram tungkol sa iba’t ibang uri at anyo paglabag sa
karapatang pantao at hakbang na dapat Isagawa bilang mamamayan.
c. Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong at pangangalaga ng
karapatang pantao.

A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…


ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng
pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…


nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa


Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan
isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan Natatalakay ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang Declaration of Human Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
kasanayan.)
II. NILALAMAN
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro K to 12 MELC with CG code p. 58, TG p. 358 - 361
b. Mga Pahina sa Kagamitang LM p 382 - 384, ADM Modyul 2 p. 8-12
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo Power point presentation, Graphic organizer, Activity Sheets, Meta Card
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula A. Classroom Management

Paunang Paalaala:
1. Muling ipapaalaala sa mga mag-aaral ang mga panuntunan sa loob ng
silid aralan tulad ng:
2. Paggalang sa bawat isa
3. Makinig kung may nagsasalita
4. Itaas ang kamay kung gusto mag-salita
5. Umupo sa tamang upuan
6. Tumulong at makiisa sa mga gawain
7. Panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng silid-aralan

B. Ipaalaala sa mga mag-aaral ang covid safety protocols tulad ng


sumusunod.
C. Balitaan muna Tayo: Issue Share

Pagbabahagi ng mga mag-aaral ng napapanahong balita.

D. Balikan Natin: Tukuyin kung ang mga pahayag ay nasa konsepto ng


Ligal o Lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan

E. Mga Layunin ng Aralin:


1. Naiisa-isa ang mga karapatang pantao at mga uri nito.
2. Nakabubuo ng diyagram tungkol sa iba’t ibang uri at anyo paglabag sa
karapatang pantao at hakbang na dapat Isagawa bilang mamamayan.
3. Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong at pangangalaga ng
karapatang pantao.

F. Alamin Natin:
Panuto: Pagsusuri ng isang Awit: Ipakinig sa mga mag-aaral ang kanta
ng Asin na Batingaw at kumpletuhin ang mga nawawalang salita sa
kanta. Pagkatapos ipahanap ang kasingkahulugan nito sa mga salita sa
pisara at gamitin sa isang pangungusap.

BATINGAW
By Asin

Tawag ng batingaw
Hayo na't __________
Sa mundo ay ___________
Karapatang pantao ay igalang
Ano mang dahilan
______, kulay o isipan
Tao'y pahalagahan
Karapatang likas, panindigan

CHORUS
Ang karapatang pantao ay igalang
'Di lamang sa ________ kundi sa puso man
Siyang sandigan ng katarungan
Kapayapaan at Kalayaan

AD LIB
Tayo ay lilikha
Bayan na _____________
Bayan na may kalinga
Kinabukasang alay sa mga bata
INTERLUDE
Tawag ng batingaw
________ na't ipaalam
Sa mundo ay isigaw
Karapatang pantao ay ipaglaban
[Repeat CHORUS twice]

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang awitin,?


2. Anong mensahe ang nais nitong iparating?
3. Para sa iyo, ano ang karapatang pantao?

Annotation: Ang gawaing ito ay nagpapakita ng integrasiyon sa asignaturang Filipino at


MAPEH.

B. Pagpapaunlad A. Paunang Pagtataya. Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay isang dokumentong nagsasaad ng karapatang pantao na nararapat
kilalanin at pangalagaan ng lahat ng mga bansa.
A. Universal Declaration of Human Rights
B. UN Declaration on the Rights of a Child
C. International Peace Treaty
D. International Human Rights Law

2. Ito ang tawag sa karapatang tinataglay ng isang indibidwal mula sa batayan


ng kanyang pagiging tao anuman ang kanyang katayuan, kalagayan at
kinabibilangang sekto sa lipunan.
A. Karapatang Pantao
B. Karapatang Pampolitika
C. Karapatang Moral
D. Karapatang Pang-ekonomiko

3. Ang sumusunod ay mga uri karapatang pantao ng bawat mamamayan sa


isang demokratikong bansa maliban sa:
A. Statutory Rights C. Moral Rights
B. Natural Rights D. Constitutional Rights

4. Paano masasabi na legal at pormal na tumalima ang Pilipinas sa Universal


Declaration of Human Rights?
A. Aktibong nakikipag-ugnayan at nagsusumite ng ulat ang pamahalaan
ng Pilipinas sa United Nations.
B. Nakasaad sa Saligang Bats ng Pilipinas ang pagsusulong at
pangangalaga ng karapatang pantao.
C. Mabibigat ang kaparusahan ng Pilipinas sa mamamayan nitong
lumalabag sa batas.
D. Nakikibahagi ang Pilipinas sa mga pandaigdigang kumperensiya para
sa kaunlaran ng mamamayan.
5. Ang karapatang maging malaya, at magkaroon ng ari-arian ay halimbawa
ng anong uri ng karapatan?
A. Constitutional Rights C. Natural Rights
B. Human Rights D. Statutory Rights

B. Video Analysis: Ipapanood sa mga mag-aaral ang maikling video na


tumatalakay sa Karapatang Pantao ng Universal Declaration of Human
Rights.

Annotation: Naglagay ng caption ang guro sa video na panonoorin para sa mga


mag-aaral na may problema sa pandinig

Pamprosesong Tanong:
1. May kaugnayan ba ang World War II sa pagkakabuo ng UDHR?
Ipaliwanag.
2. Bakit sinasabing ang bawat Karapatan ay may kinalaman sa ibang
Karapatan?
3. Anu-anong mga suliranin ang kinakaharap sa pagsulong ng kaapatang
pantao?
C. Aking Karapatan:
Panuto: Itaas ang nakangiting mukha kung ang karapatang ito ay
natatamasa mo na at malungkot na mukha kung ang karapatang ito
ay ipinagkakait sa iyo o hindi mo pa natatamasa.

Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga karapatang ito ang lubos mong tinatamasa at lubos na
nagbibigay ng kasiyahan sa iyo? Ipaliwanag ang sagot.
2. Alin sa mga karapatang ito ang nais mo pang mapalawak upang
makapagbigay ito sa iyo ng kaularang pansarili? Ipaliwanag ang sagot.

D. Malayang Talakayan. Talakayin tatlong uri ng mga karapatan ng


bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa gamit ang isang
graphic organize.

Pamprosesong Tanong
1. Anu-ano ang uri ng Karapatan ng mamamayan sa isang demokratikong
bansa?
2. Ano ang pagkakaiba ng natural at constitutional rights?
3. Ibigay ang kahulugan ng statutory rights at halimbawa nito?
C.Pakikipagpalihan A. Pangkatang Gawain: Mga Scenario: Paglabag at Hakbang
Panuto: Kumuha ng larawan o artikulo sa pahayagan tungkol sa mga
situwasiyon sa bansa o ibang bahagi ng daigdig na may paglabag sa
karapatang pantao. Gawin sa diyagram ang pagsagot sa hinihinging mga
datos.

Pamprosesong Tanong

1. Bakit nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao ang iyong nakuhang


larawan o artikulo?
2. Paano ito nakaaapekto sa buhay ng taong biktima ng paglabag sa
karapatang pantao at sa lipunang kaniyang kinabibilangan?
3. Ano ang iyong maaaring imungkahi upang maiwasan
ang paglubha ng mga situwasiyong dulot ng paglabag sa mga karapatang
pantao?

D. Paglalapat A. . Pangkatang Gawain: Pagbuo ng Motto/Tagline


Panuto: Sa isang buong bondpaper, bumuo ng isang motto/tagline na
maaaring gamitin ng Commission of Human Rights (CHR) at ng buong
sambayanang Pilipino sa pagtugon sa usapin ng pagsusulong at pangangalaga
sa karapatang pantao. Ibatay ang output sa Pamantayan sa pagbibigay ng iskor.

Rubric sa pagmamarka:

Kategorya Deskripsiyon Puntos


Nilalaman Ang mensahe ay mabisang 10
naipakita
Kaangkupan May malaking kaugnayan sa paksa 10
ang motto/tagline
Pagkamalikhain Gumamit ng katutubong materyales 10
Kabuuan 30

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalagang isulong aT pangalagaan ang karapang pantao?
2. Ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayang mulat sa mga taglay niyang karapatan?

B. Sagutan ang Panghuling Pagsusulit.

1. Ang sumusunod ay mga uri karapatang pantao ng bawat


mamamayan sa isang demokratikong bansa maliban sa:
A. Statutory Rights C. Moral Rights
B. Natural Rights D. Constitutional Rights

2. Ito ang tawag sa karapatang tinataglay ng isang indibidwal mula sa


batayan ng kanyang pagiging tao anuman ang kanyang katayuan,
kalagayan at kinabibilangang sekto sa lipunan.
A. Karapatang Pantao
B. Karapatang Pampolitika
C. Karapatang Moral
D. Karapatang Pang-ekonomiko

3. Paano masasabi na legal at pormal na tumalima ang Pilipinas sa


Universal Declaration of Human Rights?
A. Aktibong nakikipag-ugnayan at nagsusumite ng ulat ang
pamahalaan ng Pilipinas sa United Nations.
B. Nakasaad sa Saligang Bats ng Pilipinas ang pagsusulong at
pangangalaga ng karapatang pantao.
C. Mabibigat ang kaparusahan ng Pilipinas sa mamamayan nitong
lumalabag sa batas.
D. Nakikibahagi ang Pilipinas sa mga pandaigdigang
kumperensiya para sa kaunlaran ng mamamayan.

4. Ang karapatang maging malaya, at magkaroon ng ari-arian ay


halimbawa ng anong uri ng karapatan?
A. Constitutional Rights C. Natural Rights
B. Human Rights D. Statutory Rights

5. Ito ay isang dokumentong nagsasaad ng karapatang pantao na


nararapat kilalanin at pangalagaan ng lahat ng mga bansa.
A. Universal Declaration of Human Rights
B. UN Declaration on the Rights of a Child
C. International Peace Treaty
D. International Human Rights Law

C. Takdang aralin:
Magsaliksik tungkol sa paksang Mamamayan at Mabuting Pamahalaan

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na .
Nabatid ko na

Prepared by:

CATHLINE N. CALADO
JHS-Teacher II

Checked and Observed by:

CHERRIE C. MANALOTO
Master Teacher II

WILMA T. TRAPAGO
Head Teacher VI – AP & EsP

You might also like