You are on page 1of 61

Renaissance

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa


huling bahagi ng ika-14 na siglo, may
mga bagong kaisipan at kaganapang
umiral na nagdala ng pagbabago sa
pamumuhay at paraan ng pag-iisip ng
mga Europeo. Tinawag ang panahong
ito na Renaissance.
RENAISSANCE
 mula sa salitang Pranses na
nangangahulugang “rebirth” o
muling pagsilang
RENAISSANCE
 Panahon ito ng transisyon mula sa
Middle Ages tungo sa Modern
Period
 Sa panahong ito, sinikap ng mga tao
na maibalik at tularan ang
karunungan, saloobin at
pagpapahalaga ng mga sinaunang
Griyego at Romano
RENAISSANCE
 Naghudyat ito sa pagbibigay ng
atensyon sa tao at sa kanyang
potensyal bilang isang nilalang.
(Taliwas ito sa kaisipan noong
Middle Ages kung saan ang sentro
ng interes ng lipunan ay ang Diyos,
ang Simbahan at ang kaligtasan ng
kaluluwa)
Samakatuwid, ang
Renaissance ay ang pagbibigay-
sigla o muling pagbuhay sa
kulturang klasikal ng Greece at
Rome sa pamamagitan ng pag-
aaral sa panitikan, sining at
kultura ng mga nasabing
sibilisasyon na nagbigay-diin sa
kahalagahan at kakayahan ng tao.
Sa pangkalahatan, mailalarawan
ang ang panahon ng Renaissance
sa tatlong (3) pamamaraan:
1. Sinikap ng mga tao na maibalik at
matularan ang mga naipamalas ng
mga sinaunang Griyego at
Romano;
2. Pinag-aralan ng mga tao ang
kulturang klasikal ng mga Griyego
at Romano; at
3. Binigyang-atensyon ang
kahalagahan at kakayahan ng tao.
PAG-USBONG NG RENAISSANCE

Saan? Kailan?

Paano?

(Mga Salik o Dahilan)


SAAN?
Nagsimula sa Italy at
pagkatapos ay lumaganap sa
iba pang mga bansa sa Europe
KAILAN?
Huling bahagi ng ika-14 na
siglo hanggang ika-16 na
siglo
PAANO?
(Mga Salik o Dahilan)
Naging tagpuan ang Italy ng
iba’t ibang kaisipan
Ang Italy ang pinagmulan ng
kadakilaan ng sinaunang Rome
Itinaguyod ng mga maharlikang
pamilya ang mga taong mahusay
sa sining at pag-aaral
Dahil sa mga unibersidad dito
PAMILYANG MEDICI

 sinasabing gumabay sa
kapalaran ng Florence,
Italy sa pangunguna ni
Lorenzo de’ Medici
 pamilya ng mga
mangangalakal at banker
at isa sa maituturing na
pinakamayaman sa Italy
 sa kanilang angkan
nagmula ang tatlong Papa
(Leo X, Clement VII, Leo
XI) at dalawang reyna ng
France (Catherine de’
Medici at Marie de’ Medici)
at ilang kardinal ng
Simbahang Katoliko
PAPEL
NG
PAMILYANG MEDICI
SA PAG-USBONG
NG RENAISSANCE
SA ITALY
1.
Nagpatayo ng pampublikong
aklatan sa sentro ng pag-aaral
2. 2.
Sumuporta sa mga pintor at
iskultor
3. 3.
4. Nag-imbita ng mga pilosopo
sa palasyo at nagpadala ng
mga intelektwal sa Greece
upang humanap ng mga
sinaunang manuskritong
maidaragdag sa kanilang
aklatan
MGA AMBAG
NG
RENAISSANCE
SA
IBA’T IBANG
LARANGAN
A. HUMANISMO
Humanista (Humanist) ang
tawag sa mga iskolar o taong
nanguna sa pag-aaral sa klasikal
na kabihasnan ng Greece at
Rome.
Pinag-aaralan sa humanities
ang wikang Latin at Greek;
komposisyon; retorika; kasaysayan
at pilosopiya; at sining at musika.
Ginamit ng mga humanista ang
mga kaalamang nakuha nila upang
magsilbing gabay sa paglinang sa
sariling kakayahan, kung paano
sumulat at magsalita nang
mahusay at kung paano mabuhay
ng matiwasay.
1. RUDOLF AGRICOLA
 Kauna-unahang nagpalaganap ng Humanismo
sa labas ng Italy
2. THOMAS MORE
 Nagpakilala sa pag-aaral ng sangkatauhan sa
mga unibersidad ng England; sumulat ng
Euthopia
3. FRANCESCO PETRARCH
 Tinawag syang “Ama ng Humanismo”
 Pinakamahalaga niyang isinulat sa Italyano

ang Song Book, isang koleksiyon ng mga


sonata ng pag-ibig na patungkol sa kanyang
4. GIOVANNI BOCCACIO
 Matalik na kaibigan ni Petrarch; may-akda ng
Decameron, isang tanyag na koleksyon na
nagtataglay ng 100 nakatatawang salaysay
5. NICCOLO MACHIAVELLI
 Isang diplomatikong manunulat na taga-
Florence, Italy; may-akda ng The Prince kung
saan napapaloob sa aklat na ito ang dalawang
prinsipyo:
 Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa
pamamaraan (The end justifies the mean)
 Wasto ang nilikha ng lakas
6. DESIDERIUS ERASMUS
 Tinaguriang “Prinsipe ng
Humanista”
 May-akda ng “In Praise of

Folly” kung saan tinuligsa niya


ang hindi mabuting gawi ng
mga pari at mga karaniwang tao
B. EDUKASYON
1. BALDASSARE CASTIGLIONE
 May-akda ng “The Courtier” na naglalarawan
ng isang tunay na ginoo na mandirigma at
mahusay sa larangan ng tula at musika at
nagtataglay ng mga katangian ng isang paham
2. JOHANNES GUTENBERG
 Nakaimbento ng movable press na nagpadali
sa paglilimbag ng mga aklat
C. SINING
1. LEONARDO DA VINCI

Mona Lisa The Last Supper


 Ang Mona Lisa ang itinuturing na
pinakatanyag na painting sa buong
mundo
2. MICHELANGELO
BUONARROTI

 Sya ang pinakasikat na iskultor


ng Renaissance
 Ang una niyang obra maestra
ay ang estatwa ni David
 Sa paanyaya ni Papa Julius II,
ipininta niya sa kisame ng Sistine
Chapel ng Cathedral ng Vatican ang
kwento sa Banal na Kasulatan
tungkol sa pinagmulan ng
sandaigidgan hanggang sa
pagbaha
 Pinakamaganda at pinakabantog
niyang likha ang “La Pieta,” isang
estatwa ni Kristo pagkatapos ng
kanyang Krusipiksiyon
 Nililok niya ang eskultura ni David
 Sya din ang nagdisenyo ng
simboryo o dome ng St. Peter’s
Basilica noong 1547
La Pieta
*In 1546, Michelangelo
was appointed architect
of St. Peter's Basilica,
Rome
3. RAPHAEL SANTI

 Tinaguriang “Ganap na Pintor” at


“Perpektong Pintor”
 Pinakamahusay na pintor ng Renaissance

 Kilala sa pagkakatugma at balanse o


proporsiyon ng kanyang mga likha
 Ilan sa kanyang tanyag na gawa ang obra
maestrang “Sistine Madonna”, Madonna
and the Child” at “Alba Madonna”
4. TITIAN
 Pintor mula sa Venice na tanyag sa

kanyang “The Crowning of


Thorns” at “Tribute Money”
 Dalubhasa sa paggamit ng kulay,
lalo na ang pula-dilaw na tinatawag
ngayong titian
D. PANITIKAN
1. MIGUEL DE CERVANTES
 Pinakatanyag na manunulat na

Espanyol sa panahong ito


 Isinulat niya ang nobelang “Don

Quixote de la Mancha” na
kumukutya sa kabayanihan ng
mga kabalyero noong Middle
Ages
2. WILLIAM SHAKESPEARE
 Tinaguriang “Makata ng mga

Makata”
 Naging tanyag na manunulat sa
Ginintuang panahon ng England sa
pamumuno ni Reyna Elizabeth I
 Ilan sa mga tanyag na sinulat niya

ang: Julius Caesar; Romeo and


Juliet; Hamlet; Antony and
Cleopatra; at Scarlet
E. AGHAM
1. NICOLAUS COPERNICUS
 Ipinahayag niya na ang araw ang

sentro ng sansinukob at umiikot


dito ang lahat ng planeta pati na
ang daigdig; pinasinungalingan
niya ang tradisyunal na pag-iisip na
ang mundo ang sentro ng
sansinukob, na matagal ding
tinagkilik ng Simbahan
2. JOHANNES KEPLER
 Nakatuklas ng mga alituntuning

pangmatematika na tumutukoy
sa landas na tinatahak ng mga
planeta habang umiinog sa
araw ang mga ito
3. GALILEO GALILEI
 Nakaimbento ng telescope na

nakatulong upang
mapatotohanan ang pahayag ni
Copernicus
3. ISAAC NEWTON
 Natuklasan niya ang “Law of
Universal Gravitation” kung saan
ayon dito, ang bawat planeta ay
may kani-kaniyang lakas ng
grabitasyon at syang dahilan kung
bakit nasa wastong lugar ang
kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya
na ang grabitasyong ito ang dahilan
kung bakit bumabalik sa lupa ang
isang bagay na inihagis paitaas.
G. MEDISINA
1. ANDREAS VESALIUS
 Nagpasimula ng anatomiya sa

kanyang “Seven Structures of


the Human Body”
2. WILLIAM HARVEY

 Nakatuklas sa sirkulasyon ng
dugo
MGA
BUNGA
NG
RENAISSANCE
1. Pinagyaman nito ang
kabihasnan ng daigdig

2. Nagbigay-daan sa
Rebolusyong Intelektwal

3. Nag-ambag sa malawak na
kaalaman tungkol sa daigdig
4. Nakatulong ng malaki sa
pagsulong at pagkakabuklod ng
ilang mga bansa sa Europe

5. Nagbigay-daan sa Repormasyon
Ipinagmamalaki ng mga tao
sa panahon ng Renaissance
ang kanilang mga nagawa, ang
kakayahang lumikha at
tumuklas ng katotohanan.
Pinahahalagahan nila ang
indibidwalismo at kakayahan ng
tao.
Ang isang indibidwal, upang
maituring na tunay na kabilang sa
panahong Renaissance ay dapat na
may malawak na kaalaman. Sanay
syang makihalubilo sa mayayaman.
May hilig sya sa sining tulad ng
pagpipinta at paglililok. Marunong
din syang umawit, gumawa ng tula
at makipagtalakayan tungkol sa
anumang paksa.

You might also like