You are on page 1of 1

Alamat ng Pitong Isla

Nang kakaunti pa ang mga taong naninirahan sa Isla ng Panay, may isang
mangingisdang nakatira sa Iloilo. Siya'y may pitong anak na dalaga. Sabihin pa,
pagkatmagaganda kaya maraming binatang nanliligaw. Dumating sa Panay ang mga
mangangalakal na galing sa Borneo.Nagustuhan ng mga ito ang mga dalaga kaya
sila'y hinandugan ng regalo. Tinanggapnaman ang mga alaala bagamat hindi tiyak ng
mga dalaga kung ang mga ito ay tunayngang kanilang iniibig. Tumutol ang ama
pagkat batid niyang ang kanyang mga anak ay isasama sa Borneo pag-uwi ng mga
negosyante. Sa gayon siya'y mapapag-isa. Subalit walang nagawa ang kanyang
pagtutol.

Isang hapon ang ama ay nagpunta sa dagat upang mamingwit. Nang siya'y
makaalis ang pitong anak na dalaga ay sumama sa mga mangangalakal. Dinala nila
ang kanilang mga kasangkapan at sumakay sa batel1. Nang sila'y nasa Straight ng
Guimaras, nakita ng ama ang tatlong sasakyang kanilang kinalululanan. Ang ama'y
humabol subalit hindi inabutan ng kanyang maliit at mabagal na bangka ang
mabibilis na praw2 ng mga taga-Borneo.
Ang kaawa-awang matanda ay pagod na pagod sa kagagaod. Siya'y
nagmakaawa,"Mga anak ko, magbalik kayo. Huwag ninyo akong iwan!" Siya'y
nanambitan at lumuha ng masaganang luhang sing-alat ng dagat. Malamig na simoy
ng habagat ang kanyang nadama, bilang katugunan sa kanyang daing, ang alapaap
ay nagdilim. Ang langit ay nagsungit... Kumidlat at umugong ang kulog. Pumatak ang
mabigat na ulan. Nawala samalas niya ang mga praw.
Umuwi ang matanda. Siya'y umiyak nang umiyak. Ang kanyang masaganang
luha ay nakikipagtimpalak sa patak ng ulan. Hindi siya nakatulog nang gabing iyon.
Ang mga anak ang kanyang naalaala. Kinaumagahan, kinuha ang kanyang bangka at
pumalaot sa gitna ng dagat sapagbabaka-sakaling makita ang mga anak na lulan ng
mga praw. Baka raw naantala ng
bagyo ang kanilang sasakyan.
Sa kanyang pagtataka ang kanyang nakita sa malayong tanaw ay maliliit na
isla na wala roon nang nakaraang araw. Siya ay gumaod nang gumaod. Kanyang
nakita ang mga pira-pirasong labi ng praw ng mga taga-Borneo na lumulutang
malapit sa mga isla. Kanyang binilang ang mga isla sa kanyang mga daliri. Pito! Sila
angmga anak na dalagang nangalunod.
Ang mga praw na kanilang sinasakyan ay winasak ng malakas na bagyo. Ang
mga sasakya'y nilansag ng hangin at malakas na ulan. Ang mga ito'y napadpad sa
coral reef at mga bato. Ang mga walang turing na anak na dalaga ay naging mga isla.
Tinawag na Mga Isla ng Pitong Makasalanan (Isla de los Siete Pecados.)
--------------------------------------------
1 Saksakyang pantubig at kahawig ng lantsa na pinatatakbo sa pamamagitan ng layag.
2 Isang uri ng sasakyang pandagat. Tinatawag ding prowa.

You might also like