Professional Documents
Culture Documents
Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng “The Community Empowerment Collective”, isang samahang tumutulong sa mga
non government organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo
o ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang
komunidad o samahan.
o Panukalang proyekto – isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap
sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing,
o Panukalang Proyekto – isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.
Ayon kay Bartle, kailangang nitong (panukalang proyekto) magbigay ng impormasyon at makahikayat ng
positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito.
Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad,
samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong project proposal.
Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang proyekto ay upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago.
Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o kompanya.
Maaaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan na nais mong gawan ng panukalang
proyekto?
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap ka ng mga ideyang
magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto. Ilang halimbawa nito ay ang sumusunod:
Sa Barangay Pagkakaisa, ang dalawang suliraning nararanasan ng mga mamamayan ay ang sumusunod:
1. Paglaganap ng sakit na dengue
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay Pagkakaisa upang malutas
ang kanilang mga suliranin.
1. Paglaganap ng sakit na dengue
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng kapaligiran upang
maiwasan ang paglaganap ng dengue
b. Pagsasagawa ng fumigation apat na beses sa isang taon
2. Kakulangan sa suplay ng tubig
a. Pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay
Panimula ng panukalang proyekto - ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan, kompanya,
o organisasyong pag-uukulan nito at kung paanong makatutulong sa kanilang pangangailangan ang
panukalang proyektong iyong isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng
Suliranin .
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay
nananatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing
panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang
mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa
ilog sa nanggagaling sa bundok.
Dahil dito,nangangaialangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng
tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo, tiyak na di na kakailangin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na
lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang
proyektong ito sa medaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
1. LAYUNIN – sa bahaging layunin makikita ang mga bagay na gustong makamit o pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa kung paano makakamit ang mga
resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
2. PLANO NG DAPAT GAWIN – mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng
pagsasagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat din itong
maging makatotohanan o realistic.
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog
ng Barangay Bacao
3. BADYET - Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na
paglalatag ng kakailanganing badyet para dito. Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.
a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan o
institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo
Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaprubahankung malinaw na nakasaad ditto kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila.
Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng
layunin.
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa
Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang
mga pabrika sa lugar nito.
II. Layunin
Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakararami.
IV. Badyet
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o
pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.