You are on page 1of 82

i

DIVINE WORD COLLEGE OF


BANGUED
MGA SULIRANING PANG-AKADEMIYA SA GITNA NG PANDEMIYA

Isang Papel Pananaliksik na Iniharap


sa Guro ng Filipino sa Departamento ng Sekondarya
ng Divine WordCollege of Bangued, Abra

Bilang Bahagi ng Katuparan


sa mga Pangangailangan para sa Asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
ii
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Mae Albert C. Bonete
Jaenna Fritz B. Santua
McMillan F. Selong
(Sa pangalan dapat lang na Alphabetically ganito ang ayos)

Mayo 2023 (Buwan at Taon kung kailang natapos)


PAGPAPATIBAY

Ang Papel Pananaliksik na pinamagatang “Mga Suliraning Pang-Akademiya

sa Gitna ng Pandemiya,” na inihanda nina Mae Albert C. Bonete, Jaenna Fritz B.

Santua at McMillan F. Selong bilang bahagi ng katuparan sa mga kakailanganin sa

Asignaturang Filipino sa Larangan ng Edukasyon 17 (Introduksiyon sa

Pananaliksik – Wika at Panitikan) ay siniyasat at pinagtibay.

FLORA A. VELASCO, Ed. D.


Tagapayo
iii
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga sumusunod na

naging bahagi ng pananaliksik na ito, sa kanilang walang sawang suporta, hindi

pagdadalawang isip na magbahagi ng kaalaman at lalo na ang maglaan ng oras upang

pmaisakatuparan ang pag-aaral na ito:

Poong Maykapal, sa kaniyang walang hanggang patnubay, biyaya, pagmamahal

at pagbibigay ng sapat na lakas at determinasyon ng mga mananaliksik upang matapos

ang pananaliksik na ito;


iv
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Padre Gil T. Manalo, SVD, Presidente ng Divine Word College of Bangued sa

kaniyang tulong espiritwal at walang sawang pagbibigay ng pahintulot na

maisakatuparan ang pananaliksik na ito kahit sa gitna ng pandemiya;

Dr. Flora A. Velasco, Propesor ng mga mananaliksik, sa kaniyang walang

sawang paggabay at pagbibigay ng mga kaparaanan upang mapabuti ang resulta at

matapos ang pananaliksik na ito;

Gng. Sarah Jane I. Valencia at G. Edwin L. Del Rosario, mga tagasuri, sa

kanilang walang sawang suporta at pagbibigay ng mga karagdagang kaalaman upang

mapalawig pa ang kaalaman ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral;

Bb. Reyna Roxette M. Quemado at Bb. Honeylet B. Borreta, mga

tagapangasiwa ng silid-aklatan, sa kanilang pagbibigay pahintulot at paglalaan ng

kanilang oras para sa mga karagdagang impormasyon na kailangan sa pananaliksik na

ito.

Mga tagatugon, sa kanilang mula sa pusong sagot sa mga ipinamudmod na

talatanungan;

At sa lahat nang hindi nagdalawang-isip na tumulong at nagbigay ng kabutihan

upang maging makabuluhan at mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.


v
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
M. A. C. B.

J. F. B. S.

M. M. F. S.

(INITIALS DAPAT NG MGA MANANALIKSIK ANG ILAGAY)

PAGHAHANDOG

Para sa mga nililiyag na:

Poong Maykapal;

Mga Magulang ng mga Mananaliksik:


vi
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
G. at Gng. Alberto at May Bonete

G. at Gng. Felipe at Janet Santua

G. at Gng. Reynante at Hilda Selong

Mga Kapatid ng mga Mananaliksik;

Mae Albert

Jaenna Fritz

Mc Millan

(FIRST NAME LAMANG)

ABSTRAK

Pamagat: MGA SULIRANING PANG-AKADEMIYA SA GITNA

NG PANDEMIYA

Bilang ng Pahina: 78

Awtor: MAE ALBERT C. BONETE

JAENNA FRITZ B. SANTUA


vii
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
MCMILLAN F. SELONG

Uri ng Dokumento: TESIS

Kurso: BSED AT BEED

Taon: IKATLONG TAON SA KOLEHIYO

Institusyon: DIVINE WORD COLLEGE OF BANGUED

Makabuluhang-Salita: Gamit sa pag-aaral, Mag-aaral ng Edukasyong Pangguro,

Pandemiya, Problemang nauugnay sa mag-aaral,

Problemang patungkol sa pamilya, Profayl, at

Suliraning Pang-akademiya

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Mga Suliraning Pang-akademiya sa

Gitna ng Pandemiya” ay naglalayong matukoy ang mga suliraning pang-akademiko na

kinakaharap ng mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro (Teacher Education) ng Divine

Word College of Bangued (DWCB), Bangued Abra. May pitumpung (70) mga

tagatugong mag-aaral mula sa dalawang kurso ng Bachelor of Elementary Education

(BEED) at Bachelor of Secondary Education (BSED) ng Divine Word College of

Bangued, Bangued Abra.

Ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptibong pananaliksik na kung saan

inilahad nang pasalarawan ang datos at gumamit ng talatanungan sa pagkalap ng datos,


viii
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
sinuri at tinaya ang mga nakolektang datos sa pag-aaral gamit ang frequency count at

percentage.

Malaki ang naging epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa

kasalukuyan lalo na sa larangan ng edukasyon sa buong mundo at ang anyo ng bagong

normal na edukasyon ay malayong-malayo sa dating nakasanayang ‘normal.’ Flexible

learning ang tawag sa ipinatupad na paraan ng pag-aaral sa kasalukuyang taong-

panuruan para hindi mahinto ang pag-aaral ng milyon-milyong kabataan sa gitna ng

pandemiya.

Lumabas sa pangkalahatang resulta ng pag-aaral ng mga mananaliksik na ang

tinatayang pinakasuliranin ng mga tagatugon batay sa problema tungkol sa pamilya ay

ang suliraning pampinansyal kung saan ay hindi sapat ang kinikita ng mga magulang

dahil pa rin sa pandemiya. Gayon din ang suliranin sa mga kailangang gamit sa pag-

aaral kung saan lumabas batay sa nakalap na datos ang pinakasuliranin ng mga

tagatugon ay mahina ang signal ng internet connection ng mga tagatugon dahil lahat ay

gumagamit kaya bumabagal ang signal nito. Habang ang panghuling suliranin na

nauugnay sa mga mag-aaral, naitalang ang pinakasuliranin ng mga tagatugon mula sa

BSED ay ang walang quarantine pass sapagkat isa lang sa bawat pamilya ang mayroon

nito samantala ang suliranin ng mga tagatugon mula sa BEED ay ang depresyon o
ix
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
anxiety dahil sa paglaganap ng pandemiyang ito kayat sapilitang sila ay kailangang

manatili nalang sa bahay para sa kanilang kaligtasan.

TALAAN NG NILALAMAN
x
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Preliminaries Pahina
Pamagat …………………………………………………………… …………… i
Pagpapatibay……………………………………………………………….......... ii
Pagsang-ayon………………………………………...……………….................. iii
Pasasalamat………………………………...…………………………………..... iv
Paghahandog………………………………………………………………….…. vi
Abstrak……………………………………….………………… ……………..... vii
Talaan ng Nilalaman……………………………………………...………..…..... x
Talaan ng Talahanayan……………………...………………………………….. xii
Talaan ng Apendiks…………..…………………………..….……..……….…… xiii

Kabanata

1. ANG SULIRANIN

Panimula…………………………………………….....…….……. 1

Balangkas Konseptuwal ng Pananaliksik……………...…………. .17

Paradim ng Pag-aaral……………….…………….......……...……..18

Paglalahad ng Suliranin……………………….…..……...………...19

Saklaw at Delimitasyon.……....…………........…..…… ………….19

Kahalagaan ng Pag-aaral…..………………………………………20

Katuturan ng mga Salita...…………..………………….………….22

2. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik……………………...…….......................24

Pook at mga Taong Kasangkot sa Pananaliksik……......................24


xi
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik……………..…................25

Paraang Ginamit sa Paglikom ng mga Datos…........……................26

Pagsusuring Istatistikal ng mga Datos….……..……….…………...26

3. PRESENTASYON, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

NG MGA DATOS……………………………………………...……...…..27

4. NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON…........45

TALASANGGUNIAN…………………………..…………………...……49

APENDIKS………………………………………….....……………....…. 51

BALANGKAS PANSARILI……………………...….……...….……….. 59
xii
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

TALAAN NG TALAHAYAN

Talahanayan Pahina

1.a. Profayl ng mga Tagatugon Batay sa Kurso at Taon……………….………...27

1.b. Profayl ng mga Tagatugon Batay sa Kasarian………………...……………..31

1.c. Profayl ng mga Tagatugon Batay sa Edad……………..……...…….….........33

2.a. Mga Problema Tungkol sa Pamilya………..……………….….……...……..36

2.b. Mga Kailangang Gamit sa Pag-aaral……………………………..….……....39

2.c. Mga Problemang Nauugnay sa mga Mag-aaral…………………….………..41


xiii
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

TALAAN NG APENDIKS

Apendiks Pahina

1. Sulat Pahintulot sa Punong Pamprograma…..….…………….……………52

2. Sulat Pahintulot para sa mga Tagatugon…………………….……………..53

3. Sulat para sa mga Tagasuri………………………………………………...54

4. Talatanungan…………………………………………..…………………...56
1
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Nararanasan ng buong mundo ang pagsasara ng mga paaralan dahil sa Corona

Virus Disease 2019 (COVID-19). Malawak ang naidulot nitong pinsala hindi lang sa

mga mag-aaral kundi sa buong mundo at isa sa naaapektuhan ay ang larangan ng

edukasyon. Para sa milyun-milyong mga mag-aaral, ang pansamantalang pagsasara ng

mga paaralan ay hindi nakagagambala, ngunit ang tuluyang pagsasara nito ang

nakaabala. Sa ngayon ang edukasyon ay ang dapat na inuuna ng gobyerno na magawan

ng paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization

(UNESCO), higit sa 90% lahat ng mga mag-aaral ang apektado sa pagsasara ng paaralan

dulot COVID-19. Sinabi ng ulat na ang mga sistema ng edukasyon sa buong mundo ay

iba-iba sa kanilang mga tugon sa krisis. Ang ilan ay nagsagawa ng home schooling

programs at remote learning, na nag-aalok ng mga libreng mapagkukunang online at

ang iba ay naghahatid ng mga takdang-aralin na batay sa papel sa mga tahanan ng mga

mag-aaral o gumagamit ng mga pampublikong television at broadcasting channel ng

radyo.
2
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Inihayag din ng United Nations Educational, Scientific and Cultural

Organization (UNESCO) ang isa sa unang nag-aalala sa kakulangan ng impormasyon

para paghambingin kung paano maghatid at tumugon sa edukasyon ang iba’t ibang

paaralan sa kasalukuyang krisis sa iba’t ibang paraalan sa buong mundo. Kaya

nagsagawa sila ng pagsisiyasat upang malaman kung paano ipagpatuloy ang pag-aaral

ng mga mag-aaral na kasama ang nasa gobyerno, punong guro, guro, at mag-aaral sa

kung paano sila handa para sa distansiyang pagkatuto (distance learning) sa mga oras ng

pagsasara ng paaralan, pati na rin sa kasunod na muling pagbubukas nito, at kung anong

mga hakbang ang ipapatupad upang maibigay sa lahat ng mga mag-aaral ang

pagkakataong maipagtuloy ang pag-aaral.

Target ng pag-aaral ang lahat ng magkakaibang antas ng pang-edukasyon at

ituon ang mga paksang nasa paligid ng kahandaan para sa pag-aaral sa malayo.

Magagamit ang mga mapagkukunang bagay bagay na may kaugnayan sa Information

Technology (IT) na pang-edukasyon, pananaw sa tagumpay ng mga diskarte, pakikipag-

ugnayan ng mag-aaral, pati na rin sa mga hindi pagkakapantay-pantay sa mga

oportunidad sa pag-aaral ng edukasyon sa panahon ng pandemiya. Bilang karagdagan,

ang mga isyu na may kinalaman sa kabutihan ng mga mag-aaral at guro ay susuriin.

"Bagaman ang mga sistema ng edukasyon sa pangkalahatan ay mabagal ang pagbabago

at ang mga reporma ay madalas na tumagal. Sa kabilang dako ang pandemiyang


3
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
COVID-19 ay lumikha ng isang napakalaking presyon upang mapalawak nang mabilis

ang digital na pag-aaral," sinabi ng Executive Director ng International Association for

the Evaluation of Educational Achievement (IEA), Dr Dirk Hastedt.


Sa bansang London, ang kanilang pamahalaan ay dapat kumilos nang mabilis

upang maibalik ang pinsala na naidulot sa edukasyon ng mga bata sa kalagayan ng

walang ulirang pagkagambala mula sa pandemiyang COVID-19, sinabi ng Human

Rights Watch sa isang ulat. Sinamahan ng Human Rights Watch ang ulat nito na may

isang tampok na interactive na paggalugad ng mga karaniwang hadlang sa edukasyon na

pinalala noong panahon ng pandemiya.

Dagdag pa nito, “tumaas ang hindi pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga

bata sa edukasyon dahil sa pandemiya.” Ang mabigat na problema sa pag-aaral sa online

ay nagpalala na mayroong hindi pantay na pamamahagi ng suporta para sa edukasyon

ayon sa Human Rights Watch. Maraming mga pamahalaan ang walang mga patakaran,

mapagkukunan, o imprastraktura upang ilunsad ang online na pag-aaral sa isang paraan

na tinitiyak na ang lahat ng mga bata ay maaaring lumahok sa isang pantay na batayan.

“With millions of children deprived of education during the pandemic, now is the time

to strengthen protection of the right to education by rebuilding better and more

equitable and robust education systems,” sabi ni Elin Martinez, Senior Researcher sa

edukasyon sa Human Rights Watch (2020) at dagdag pa niya “The aim shouldn’t be just
4
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
to return to how things were before the pandemic, but to fix the flaws in systems that

have long prevented schools from being open and welcoming to all children.”

Nakapanayam ng Human Rights Watch ang higit na 470 na mga mag-aaral,

magulang, at guro sa 60 mga bansa sa pagitan ng Abril 2020 at Abril 2021. Kuwento ng

isang ina, “Their teacher called me to tell me to buy a big phone [smartphone] for

online teaching.” Ang naturang ina ay may pitong anak sa Lagos, Nigeria at nawalan

siya ng kita noon bilang tagalinis sa isang unibersidad dahil tumigil siya sanhi ng

pandemiya, “I don’t have money to feed my family and I am struggling to make ends

meet. How can I afford a phone and internet?” dagdag pa nito.

Noong Mayo 2021, ang mga paaralan sa 26 na bansa ay sarado sa buong bansa,

at ang mga paaralan ay bahagyang nakabukas lamang alinman sa ilang mga lokasyon o

para lamang sa ilang antas sa 55 mga bansa. Tinatayang 90 porsyento sa mga bata na

nasa paaralan ang nagtapos sa kanilang edukasyon sa kalagitnaan ng pandemiya, ayon sa

United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Ang mga

bata ay nagsimulang magtrabaho, mag-asawa, maging mga magulang, hindi nasisiyahan

sa edukasyon, napagpasyahan na hindi sila makakahabol o matanda sa malaya o

sapilitang edukasyon na garantisado sa ilalim ng mga batas ng kanilang bansa.


5
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
“Governments have years of solid evidence showing them exactly which

groups of children are most likely to suffer in education during school closures, but

these children are facing some of the greatest barriers to the continuation of their

education,” sinabi pa ni Martinez (2020), “Simply reopening schools will not eliminate

the damage, nor will it ensure that all children return to school.” Ang muling

pagbubukas ng mga paaralan sa gitna ng pandemiya ay hindi handa sa paghahatid ng

malayuang edukasyon para sa mga mag-aaral, ayon sa Human Rights Watch. Dahilan

nito ang bigong pagtugon ng gobyerno sa pagtugon at pagbibigay ng sapat na

kagamitang magagamit sa distance learning.

Ang mga bata mula sa mga pamilya na may mababang kita ay mas malamang

na maibukod mula sa online na pag-aaral dahil hindi nila kayang bayaran ang sapat na

internet o mga gadget. May mga paaralan na ang kanilang mga mag-aaral ay nakaharap

sa mas malaking mga hadlang sa pag-aaral tulad ng kanilang kagamitang internet at

gadgets. Ang mga sistema ng edukasyon ay madalas na bigo para magbigay ng

pagsasanay sa digital literacy para sa mga mag-aaral at guro upang matiyak na

magagamit nila ang mga teknolohiyang ito nang ligtas at tiwala. Ang edukasyon ay

dapat isa sa prayoridad ng gobyerno na maaksyunan kung ano ang impak ng pandemiya

sa edukasyon ng mga mag-aaral.


6
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Ayon pa sa Human Rights Watch, kailangan tuparin ng gobyerno ang pangako

na ginawa noong 2015 sa pamamagitan ng United Nations Sustainable Development

Goals upang maging garantiya ng mga bata at makatanggap ng isang de-kalidad at

inklusibong edukasyong pang-elementarya at pansekondarya sa 2030. Dapat silang

gumawa ng masinsinang pagpapaabot upang matiyak na ang mga bata ay malayo sa

panganib na makabalik sa paaralan.

Sa kabilang banda, sa bansang Pilipinas isang malaking isyu sa gitna ng

pandemiya ang mga problemang umusbong sa larangan ng edukasyon.  Iba’t iba ang

paraan ng mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mga

eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba namang tinapos ang

taong-panuruan. 

Sa Podcast na naganap, tinalakay ng tagapag-ulat sa edukasyon na si Bonz

Magsambol at mananaliksik-manunulat na si Jodesz Gavilan ang mga lumabas na

problema nitong mga nakaraang buwan pagdating sa edukasyon at kung ano ang mga

hakbang na gagawin ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher

Education (CHED). 

Ang desisyon ng DepEd ukol sa mga tuntunin sa paparating na pasukan ay base

sa isang survey. Ngunit sinabi ni Magsambol: "Ang concern ko sa survey na ito, sino ba
7
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
ang makaka-access ng surveys na ito na ginawa nila online? Sa mga may internet

access din. Paano natin mabibigyan ng boses ang mga walang access sa internet?

Paano sila makakapag-participate doon di ba?" Isang tinitingnang paraan ay ang

paghalo ng online classes at pisikal na diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit

habang ang banta ng corona virus ay malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel ng

internet sa unang buwan ng panibagong taong-panuruan. 

Ayon naman kay Gavilan, isang mananaliksik-manunulat, dapat alalahanin ng

gobyerno ang iba't ibang pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante: "Dito

talaga makikita ang inequality sa mga bata kasi kahit na sabihin na lto ay same lessons

din per grade level, iyong access nila sa resources hindi pare-pareho. May mga bata na

available agad ang computer, habang ang iba ay inaalala pa ng magulang kung saan

kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer para sa online

classes."

“Handa kaming magbukas (klase) ngayong Agosto. No ifs, no buts. Dapat

magpatuloy ang pag-aaral. Natututo tayo bilang isa, handa na kami” sabi ni CHED

Chairman, Prospero de Vera, III. Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang

pagkakaroon ng lockdown kaya naman gumawa ang Commission on Higher Education

(CHED) ng advisory na manghikayat ng iba’t ibang paaralan na maaaring gamitin sa


8
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
distance learning ang e-learning at ibang alternatibong modes of delivery (Modules).

Hulyo 2020 noong idineklara ng CHED Chairman ang pagkakaroon ng klase sa Agosto

kahit na kinakaharap ang kinatatakutang banta ng Coronavirus o COVID-19 pandemic.

Flexible learning ang ipinatupad at hindi ito bago sa paraan ng pag-aaral. Ang

flexible learning para sa Higher Education ay nasasangkot ang digital at non-digital

learning. Ang ilan sa mga paaralan sa bansa ay gumagamit ng online, modular at

blended. Nagkaroon ng iba’t ibang apila ang mga mag-aaral at magulang dahil sa

panukalang ito ang online class at magkaroon muna ng academic break. Umaapila sa

social media ang karamihang estudyante na nagpakitang umaakyat sila sa puno at

bundok para makahanap ng magandang internet para sa klase nila. Sa kalaunan, gumawa

din ang mga opisyal sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Pilipinas ng paraan upang

matugunan ang problemang kinakaharap ng mga estudyante ukol sa distance learning

kayat nagbigay sila ng cellphone, computer at wi-fi.

Sa kabilang banda, ang face-to-face learning ay isang paraan ng pagtuturo kung

saan ang nilalaman ng kurso at materyal sa pag-aaral ay itinuturo nang personal sa isang

pangkat ng mga mag-aaral. Pinapayagan nito, ang isang berbal na pakikipag-ugnayan sa

pagitan ng isang mag-aaral at guro. Ito ang pinakatradisyunal na uri ng pag-aaral. Ang

mga mag-aaral ay nakikinabang mula sa isang mataas na antas ng pakikipag-ugnayan sa


9
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
kanilang kapwa mag-aaral. Ang face-to-face na pag-aaral ay tinitiyak ang mas mahusay

na pag-unawa at pag-alala ng nilalaman ng aralin at bininigyan ng pagkakataon ng mga

miyembro ng klase na mag-usap sa isa’t isa. Ang pag-aaral ng harapan ay mahalagang

paraan ng edukasyon na nakasentro sa mag-aaral, at may kaugaliang mag-iba sa mga

kultura. Maraming mga modernong kaparaanan o sistema ng edukasyon ang higit na

lumipat sa tradisyonal na porma ng edukasyon na pabor sa mga pangangailangan ng

indibidwal na mag-aaral.

Malaki ang epekto ng COVID-19 sa larangan ng edukasyon sa buong mundo lalo

na sa bagong paraan ng edukasyon kumpara sa dating programa nito. Sa ayaw man o sa

gusto ng mga titser, magulang, estudyante at mga opisyales ng Kagawaran ng

Edukasyon, CHED at TESDA, mas dadalas at magiging pangunahing pamamaraan sa

paghahatid ng karunungan ang “online learning” na dati’y madaling gamitin.

Ang pag-aaral sa online ay hindi lamang uri ng distance learning. Ang

pandemiyang COVID-19 ay nagdulot sa mga institusyong pang-edukasyon ng

pinaghalong online at distance learning kung saan inilipat ang mga klase online.

Marami ang nakakalimutan na mayroong iba pang mga mode para sa distance learning.

Halimbawa ang Department of Education (DepEd) ay gumawa ng mga pamamaraan sa

pagtuturo na nakabatay sa TV/radio upang magamit ang mga mayroon nang mga
10
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
teknolohiya na umaabot sa mga kanayunan (rural areas). Gayunpaman, ang

pinakatanyag na mode ng distance learning na isinasaalang-alang ay modular na pag-

aaral.

Ang modyular na distansyang pagkatuto ay gumagamit ng mga modyul sa pag-

aaral, nang mag-isa na kung tawagin ay Self Learning Module (SLM) na batay sa

pinakamahalagang kakayahan sa pagkatuto o Most Essential Learning Competencies

(MELCS) na ibinigay ng DepED. Ang mga modyul ay may kasamang mga seksyon sa

pagganyak at pagtatasa na nagsisilbing isang kompletong gabay sa kapwa guro at mga

mag-aaral. Susubaybayan ng mga guro ang pag-usad ng mga mag-aaral sa pamamagitan

ng mga pagbisita sa bahay (pagsunod sa mga social distancing protocol) at mga

mekanismong feedback, at gagabay sa mga nangangailangan ng pansin. Batay sa

nakalap na datos sa pamamagitan ng DepEd’s National Learner Enrollment and Survey

Forms (LESFs), 8.8 milyon mula sa 22.2 milyong mga nagpatala (39.6% ng kabuuang

mga respondente) ang ginusto ang modular distance learning para sa paparating na taong

panuruan. Samantala, 3.9 milyong mga nagpatala (17.6%) ay bahagya sa pinaghalong

pag-aaral (na gumagamit ng isang kumbinasyon ng iba’t ibang mga modalidad), 3.8

milyon (17.1%) na gisutong online na pag-aaral, at 1.4 milyon at 900,000 na nagpatala

ginustong TV-based at batay sa radyo, ayon sa pagkakabanggit. Parents’ roles as “More


11
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Knowledgeable Others” (MKOs). Ang modular na diskarte ay inilalagay ang mga

estudyanteng Pilipino upang matuto sa ginhawa ng kanilang tahanan. Ang limitadong

pakikipag-ugnay sa mga guro ay maglalagay sa mga magulang o tagapag-alaga bilang

modelo ng mga nag-aaral o “More Knowledgeable Others” (MKOs). Hindi na uubra

ang dating normal na tanging sa silid paaralan lang maghaharap ang guro at mga

estudyante upang maganap ang edukasyon. Ang online learning ay gumagamit ng

teknolohiya na mag-uugnay at maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng karunungan at

kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kuro-kuro. 

Sinabi ni Cathy Li ng World Economic Forum (2020), na mas epektibo ang

online learning kaysa sa pag-aaral sa loob ng silid paaralan. Mas natatandaan ng

estudyante ang 25-60% ng kanilang natutuhan online kumpara sa 8-10% lang kung sa

silid-paaralan ito itinuro. Habang 40-60% ang nababawas na oras para matutuhan ng

bata ang isang aralin sa online learning. Ito raw ay dahil kayang balik-balikan ng bata

ang aralin, puwedeng lumaktaw at umabante sa ibang konsepto batay sa sariling

kakayanan ng bata. Hindi nababagot ang bata sa pagtuturo ng guro sa silid-aralan dahil

nga mabuti ang ugnayan nang bawat isa at mas nauunawaan nila ang kanilang aralin

dahil sa mayroon ang guro na magpaliwanag o kaya gumagabay sa kanila.


12
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
May distance o remote learning kung saan mananatili sa bahay ang mga

estudyante upang aralin ang mga learning modules na ipapadala sa kanila ng titser gamit

ang teknolohiya tulad ng email, viber, messenger, at FB. Maaari ring bahay-bahayin ng

titser ang paghahatid ng mga modyul na ito.  Maaari ring gumamit ng TV at Radio

learning broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata. Sa Inglatera, mga sikat na

atleta at artista ang kanilang isinama rito para mahikayat ang estudyante na manood at

makinig sa mga learning broadcasts. Pagkaraan nito, maaaring mag-video conference o

virtual meeting o di kaya bibisita ang titser sa bahay ng estudyante para magkaroon ng

“one on one” sa estudyante.

May “blended learning” o pinaghalong online at distance learning. Mayroon din

“flipped classroom”, isang uri ng blended learning kung saan manonood ang mga

estudyante sa online lecture, magbabasa ng mga itinakdang aralin, may video chat ang

mga magkaklase upang talakayin ang aralin o magtulong-tulong sa pagsasaliksik sa

internet ng mga materyales na kailangan upang lalong luminaw, lumawak at lumalim

ang kanilang pagkaunawa sa mga konsepto na tinatalakay ng guro. Sa isang video sa

epekto ng online learning sa Wuhan, China sa panahon ng pandemiya, isang 10 taon

gulang na bata ay nag-online sa takdang oras, tumayo sa harap ng monitor at sumaludo

habang kinakanta ang kanilang pambansang awit. Mayroon ding ilang minuto ng
13
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
calisthenics at sumusunod ang bata sa mga kilos ng titser sa monitor. May ilang saglit

na pahinga bago mag umpisa sa aralin sa araw na iyon at sumagot sa mga tanong sa

learning modules na hawak niya. Ang bata ay nagsabing malungkot mag-aral mag-isa

dahil wala siyang makausap. Mas gusto pa niyang pumasok sa paaralan para makita ang

mga kaklase at makapaglaro pagkatapos ng klase. Ang nanay naman ng bata ay

nangangamba sa kalusugan ng tumatabang anak na isang swimmer dahil kulang ito sa

ehersisyo. Mayroong dalawang puna ang mga nangangamba na hindi magtatagumpay

ang online learning sa Pilipinas naman:  una, mabagal ang internet sa Pilipinas, at

pangalawa, maiiwanan ang mga batang mahihirap sa bagong normal sa edukasyon.

Nakahihiya ang makupad na mobile internet download speed ng Pilipinas sa

15.06 megabits per second (Mbps) para sa taong 2019. Ang global average speed ay

26.12 Mbps. Daig pa ang Pilipinas ng Zimbabwe (15.2 Mbps) at Syria (19.48 mbps).

Pang 103rd sa 139 bansa ang ranggo nito. Ang Department of Education (DepEd),

Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills

Development Authority (TESDA), at Department of Information Communication

Technology (DICT) ay kailangan magsanib puwersa para pigain ang mga Telecom

carriers na palakasin ang internet connectivity infrastructure ng Pilipinas. Free WiFi at

libo-libo pang mga cloud servers ang kailangan upang ang mahihirap na estudyante ay
14
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
hindi na kailangan pang magpaload ng kanilang mobile device para makapag-online

at magkasya ang napakalaking bulto ng datos na kailangan i-download at upload. 

Kailangang maglaan ng pondo ang pamahalaan, nasyonal at lokal, sa pagbili ng mga

desktop, laptop, at mobile devices para sa mga estudyante at mga guro. Dagdag pa rito

ang paglalaan ng pondo para sa pagsasanay ng guro sa pagsasalin ng kanilang ituturo sa

digital format at kung paano gumamit ng mga device para mag-upload ng mga araling

ginawa nila. Ang paksa na pang isang oras sa silid-aralan ay kailangang linisin upang

magkasya sa loob ng 15- 30 minuto lamang sapagkat ito ang pinaka-epektibong online

session, ayon sa University of Peking ng Beijing, China.

Ayon kay Antonio Contreras (2020), Propesor ng De La Salle University

(Manila Times, Mayo 7, 2020) noong 2017, 80% ng mga Pilipino na ang edad ay 18-24

ay nakakapag-online.  Sinabi ni Antonia Contreras, Propesor ng De La Salle University,

Manila na malaking hamon kung paano mabubuksan ang isipan ng age group na ito na

ang internet ay tagapaghatid din ng edukasyon at hindi lamang ito kasangkapan ng

libangan, aliwan at pakikipag ugnayan sa mga FB friends at mga followers nila.

Iminungkahi niya na pagsamahin ang edukasyon at libangan sa pagdisenyo ng mga

programa sa online at offline learning sapagkat “learning should be fun.”


15
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Sabi ni Alfred Mercier (2011) isang manunulat at physician, “learning should be

a fun experience so that the student does not forget what he has learned.” Kung

susundin ng DepEd, CHED at TESDA ang mungkahi ni Contreras

(2020), hindi mababagot ang mga batang mag-online para mag-aral.  Ang bagong

normal na edukasyon ay dapat maging isang masayang karanasan ng bata at guro. Ang

tiyak at kompletong suplay ng online class para sa mga mag-aaral. Sa mga naunang taon

ng pag-aaral, marahil ay binigyan ng isang listahan ng mga supply na bibilhin para sa

bagong taong akademiya. Kapag nagsimula ang mag-aaral sa kolehiyo, ang

pagpapasyang ito ay nasa kaniya lamang. Nakasalalay sa isang indibidwal ang mga

pangangailangan, iminumungkahing ang sumusunod na tumutukoy sa listahan ng online

na supply ng paaralan sa online kaya handa na ang mag-aaral na simulan ang semester

nang tama.

Kakailanganin ang isang maaasahang kompyuter na gumagana ng mabuti na

makakaya sa iba't ibang mga programa. Hindi ito nangangahulugang kailangang mag-

splurge sa pinakabago at pinakamahal na modelo. Ang internet ay dapat ding maging

makatwirang mabilis, maaasahan at hindi masamang ideya na magkaroon ng ilang mga

pagpipilian sa pag-backup para sa pag-online kung ang pangunahing koneksyon ay

nagkakaroon ng mga isyu. Hindi tulad ng isang tradisyunal na setting ng kolehiyo kung
16
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
saan ang mga mag-aaral ay may posibilidad na lumipat mula sa isang silid-aralan

patungo sa isa pa, maaaring makita ang sarili na nakaupo sa isang lugar nang ilang

sandali habang nakikipag-usap ka sa online na pag-aaral. Sa pag-iisip na ito, dapat na

magkaroon ng komportableng upuan na maaaring ayusin sa tamang antas upang

madaling makita ang kompyuter. Mag-ukit ng isang hiwalay na lugar ng paaralan na

may isang mesa at silid para sa mga binder, aklat-aralin at iba pang mga aytem.

Tutulungan ang mag-aaral na mag-focus upang gumana nang mas madali kaysa sa

nagtatrabaho sa sopa o kama.

Ang software na kakailanganin para sa online na pag-aaral ay malamang

saklaw ng Microsoft Office 365. Hinahayaan ng University Texas at El Paso (UTEP)

ang mga mag-aaral na mai-install ang pinakabagong bersyon ng Office 365 hanggang sa

limang mga personal na kompyuter at mobile device, na magbibigay ng pag-access sa

mga programa tulad ng Word, Excel, PowerPoint, Outlook at OneNote.

Kapag nakikinig sa isang lektura, ang mga tao sa paligid ay malamang hindi

nais na marinig ito, nasa bahay man, sa isang silid-aklatan o sa isang coffee shop.

Makatutulong ang pagkuha ng isang hanay ng mga earphone o earbuds na matiyak na

hindi mo maaabala ang mga nasa paligid, at maaari ring umalis at pumunta sa loob ng

bahay upang mabawasan ang mga nakaaabala.


17
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Kahit na maraming mga takdang-aralin ang maaaring isumite online maaaring

mag-print ng mga aytem para sa iyong mga tala o mag-access sa offline. Ang pag-print

ng isang syllabus para sa bawat kurso at panatilihin itong madaling maabot ay

tumutulong din sa samahan. Karamihan sa trabaho ay magagawa sa kompyuter, ngunit

gugustuhin mo pa rin ang mga aytem tulad ng panulat, lapis, highlighter, binders at

notebook paper sa kamay. Nakasalalay sa mga kursong kinukuha, maaaring kailangan

ring bumili ng mga aklat at pandagdag na teksto. Ang pagsubaybay sa mga pang-araw-

araw na takdang-aralin at patuloy na mga deadline sa buong semestre ay mahalaga sa

tagumpay sa pag-aaral sa online. Makakatulong ang isang kalendaryo sa online o old-

school paper na tiyaking walang madulas sa mga bitak.

Nang lumipat ang mga paaralan sa isang virtual na kapaligiran sa pag-aaral

noong Marso 2020, karamihan sa lahat ay kailangang mabilis na umangkop sa isang

ganap na naiibang paraan ng pag-aaral. Ang Learning Management System (LMS) ay

isang digital na kapaligiran sa pag-aaral upang pamahalaan ang lahat ng mga aspeto at

proseso ng pag-aaral. Ang isang Learning Management System (LMS) ay apektado ng

dalawang pangunahing kabilang: ang instruktor o guro at mag-aaral. Sa isang pang-

edukasyong virtual na kapaligiran, madalas na mayroong pangatlo ang mga magulang.


18
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Sa pangkalahatan, sa mga nararanasang problema sa gitna ng pandemiya ay

napapansin ng mga mananaliksik na parami ng parami ang mga nababagot o tinatamad

dahil bihirang makalabas para makihalubilo sa kanilang mga kaibigan at kamag-aral

tulad ng dating face-to-face classes. Bukod pa rito, maaaring may iba pang suliraning

pang-akademiya na nararasan ng mga mag-aaral. Batay na rin sa karanasan ng mga

mananaliksik at sa obserbasyon nila sa mga kaibigang kapwa estudyante, may mga

hinaing sila gaya ng suliranin sa pamilya, kagamitan para maipagpatuloy ang online

learning o modular learning.

Ang mga obserbasyong ito ang nagudyok sa mga mananaliksik upang malaman

ang tunay na dahilan ng mga suliranin. Nawa’y sa pagsusuri ng mga datos ay

makapagmumungkahi ang mga mananaliksik ng mga paraan upang maibsan ang mga

suliranin ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemiya.

Balangkas Konseptuwal ng Pag-aaral


19
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa konseptong nais matukoy ang mga

suliraning pang-akademiya sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral sa Kagawaran ng

Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued, Bangued Abra.

Kabilang sa Input: una, ang profayl ng mga mag-aaral tulad ng mga sumusunod:

(a) kurso at taon; (b) kasarian; at (c) edad. Sumunod, ang mga suliraning kinakaharap

batay sa mga sumusunod na salik: (a) mga problemang patungkol sa pamilya; (b) mga

kailangang gamit sa pag-aaral at (c) mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral. At sa

panghuling bahagi ng input ay ang magmungkahi ng mga paraan para maibsan ang mga

suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemiya.

Samantalang sa proseso ay ang pangangalap at pagpapamudmod ng survey

questionnaire sa profayl ng mga mag-aaral at ang mga suliraning pang-akademiya sa

gitna ng pandemiya.

Ang mga inaasahang bunga ay ang magkakaroon ng data base tungkol sa profayl

ng mga mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of

Bangued, Bangued Abra at makapagmumungkahi ng mga paraan para maibsan ang mga

suliraning kinahaharap ng mga mag-araal sa gitna ng pandemiya. Sa pamamagitan ng


20
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
pananaliksik na ito ay inaasahang makapagmungkahi ang mga mananaliksik ng mga

kaparaanan upang maibsan ang problema ng mga mag-aaral ng DWCB.

INPUT PROSESO AWTPUT

1. Profayl ng mga 1. Survey sa 1. Magkakaroon ng


mag-aaral ayon sa Profayl ng mga data base tungkol sa
mga sumusunod: mag-aaral. profayl ng mga mag-
a. kurso at taon, aaral sa Kagawarang
Edukasyong
b. kasarian, at Pangguro ng Divine
c. edad Word College of
Bangued, Bangued
Abra.
2. Mga sanhi ng
pang-akademiyang 2. Pagsusuri at
suliraning hinaharap pag-aanalisa ng 2. Makapagmungkahi
ng mga mag-aaral sa mga suliraning ng mga paraan para
Kagawarang maibsan ang mga
pang-akademiyang
Edukasyong suliraning
Pangguro ayon sa kinahaharap ng
kinahaharap ng mga
mga sumusunod na mga mag-aaral sa
mag-araal sa gitna ng
salik: gitna ng
pandemiya.
pandemiya.
a. Mga problema
tungkol sa pamilya,
b. Mga kailangang
gamit sa pag-aaral, at
c. Mga problemang
nauugnay sa mga
mag-aaral
21
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

Pigura 1. Paradim ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa

mga suliraning pang-akademiya na hinaharap sa gitna ng pandemiya ng mga mag-

aaral sa Kagawarang Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued,

Bangued Abra.

Inaasahang masasagot nito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga tagatugon ayon sa mga sumusunod sa salik:

a. kurso at taon;

b. kasarian;

c. edad?

2. Ano ang mga suliraning kinakaharap batay sa mga sumusunod na salik:

a. mga problema patungkol sa pamilya;


22
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
b. mga kailangang gamit sa pag-aaral;

c. mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral?

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga suliraning pang-akademiya sa gitna ng

pandemiya ng mga mag-aaral sa Kagawarang Edukasyong Pangguro ng Divine Word

College of Bangued, Bangued Abra. Kaya naman inaasahan ang pagkakaroon ng

pangangalap at pagpapamudmud sa mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ng Kolehiyo sa

Kagawarang Edukasyong Pangguro sa Divine Word College of Bangued na may 52

(limampu’t dalawa) mula sa Bachelor of Secondary Education (BSED) at 18 (labing-

walo) naman mula sa Bachelor of Elementary Education (BEED) na may kabuuang

bilang na 70 (pitumpu) na tagatugon upang maisagawa ang pananaliksik na ito. Ang

mga nasabing tagatugon ay sumasakop sa Taong Panuruang 2020-2021.

Bagamat tinatayang walumpu’t isa (81) ang kabuuang bilang ng mag-aaral na

nag-enrol ng Edukasyong Pangguro ay may ibang hindi tumugon dahil wala silang

kagamitan o gadget o hindi sila nakita sa paaralan.


23
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Kahalagahan ng Pag-aaral

Tinatayang hindi matatawaran ang mga benepisyo at kapakinabangan ng pag-

aaral na ito sa iba’t ibang indibidwal na kasangkot sa pananaliksik kaya naman sa isang

masusing paningin ay inaasahang mailahad ang mga suliraning pang-akademiya sa gitna

ng pandemiya ng mga mag-aaral sa Kagawarang Edukasyong Pangguro ng Divine Word

College of Bangued, Bangued Abra. Partikular itong magiging kapaki-pakinabang sa

mga sumusunod:

Sa mga Guro. Tinatayang sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay

makapagbabalangkas ang mga guro ng mahusay at mabisang sistematikong

pampagtuturong paraan kahit sa gitna ng pandemiya.

Sa mga Mag-aaral. Gamit ang pananaliksik na ito ay inaasahang maging daan

upang maipamulat at mapalawig sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon kahit

sa gitna ng pandemiya.

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing batayan ng mga

magulang upang kanilang malaman kung paano nila magagabayan at mapapatnubayan

ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.


24
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Sa mga Mananaliksik. Mahalagang nakakalap ng mga karagdagang

impormasyon ukol sa mga suliraning pang-akademiya sa gitna ng pandemiya ng mga

mag-aaral upang mas mapalawig ang kanilang kaalaman at magbigay daan upang

pahalagahan ang edukasyon kahit sa blended learning.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing

batayan o sanggunian ng mga susunod pang mananaliksik na magiging interesado sa

paksang katulad nito.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang panananaliksik na ito ay gumagamit ng mga terminolohiyang nagbibigay

larawan at nagpapaliwanag sa layunin nitong maitala ang mga suliraning pang-

akademiya sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral sa Kagawarang Edukasyong

Pangguro ng Divine Word College of Bangued, Bangued Abra. Ito ay ang mga

sumusunod:
25
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Gamit sa pag-aaral. Ito ay ang mga kagamitang pang-akademiya na

nagbibigay tulong sa mga mag aaral tulad ng smartphone, laptop, tablet at internet

connection.

Mag-aaral ng Edukasyong Pangguro. Sa pananaliksik na ito, ang ibig

sabihin nito ay ang mga mag-aaral na naka-enrol sa mga kursong Bachelor of

Elementary Education (BEED) at Bachelor of Secondary Education (BSED).

Pandemiya. Ito ay ang malubhang sakit na lumalaganap at nararanasan ng

buong mundo sa kasalukuyan.

Problemang nauugnay sa mag-aaral. Ito ay mga suliraning kinakaharap ng

mga mag-aaral sa gitna ng pandemiya tulad ng walang motibasyon, tinatamad,

depresyon o anxiety, at marami pang iba.

Problemang patungkol sa pamilya. Sa pananaliksik na ito, ang ibig sabihin

nito ay mga suliraning nauukol sa pamilya kagaya ng hindi palagiang pagbibigay-pansin

ng mga magulang sa pag-aaral ng anak, hindi suportado ang mga interes ng anak, at

problemang pampinansyal.

Profayl. Sa pananaliksik na ito, ang ibig sabihin ay tumutukoy sa edad,

kasarian, at kung ano ang kurso at taon ng mga tagatugon.


26
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Suliraning Pang-akademiya. Sa pananaliksik na ito, ang ibig sabihin nito ay

ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemiya.

Kabanata 2

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
27
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Inilalahad sa bahaging ito ng pag-aaral ang mga pamamaraang kinakailangan

upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Sa bahaging ito nakasaad ang mga

paraan ng pananaliksik, disenyo ng pananaliksik, ang pook at mga taong kasangkot sa

pananaliksik, paraan ng pangangalap ng mga datos, at pagsasaayos ng istatistikal ng mga

datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mailarawan, mailahad at

matuklasan ang suliraning pang-akademiya sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral ng

Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued, Abra. Ito ay naisakatuparan

sa pamamagitan ng pamamaraang deskriptibong pananaliksik. Inilalarawan ang

suliraning kinakaharap na pang-akademiko.

Pook at mga Taong Kasangkot sa Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa paaralan ng Divine Word College of

Bangued na matatagpuan sa Rizal St., Zone 6 Bangued, Abra sa taong panuruan 2020-

2021.
28
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Karagdagan nito, kasangkot sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa iba’t ibang

antas ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa Divine Word College of Bangued na

may 52 (limampu’t dalawa) o 74. 28% mula sa Bachelor of Secondary Education

(BSED) at 18 (labing-walo) o 25. 72% naman mula sa Bachelor of Elementary

Education (BEED) na may kabuuang bilang na 70 (pitumpu) na tagatugon upang

maisagawa ang pananaliksik na ito. Ang mga nasabing tagatugon ay sumasakop sa

Taong Panuruan ng 2020-2021. Walumpu’t isa (81) ang kabuuan ng mag-aaral na nag-

enrol ng Edukasyong Pangguro ngunit may iba na hindi tumugon dahil wala silang

kagamitan o gadget at hindi sila nakita sa paaralan.

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungang binubuo ng dalawang bahagi

upang malaman ang mga surliraning pang-akademiya na hinaharap sa gitna ng

pandemiya ng mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of

Bangued, Bangued Abra.

Ang unang bahagi ay nauugnay sa profayl ng tagatugon kagaya ng kurso, taon,

kasarian at edad. Ang panghuling bahagi naman ay ang mga suliraning kinakaharap
29
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
batay sa mga sumusunod na salik: mga problema tungkol sa pamilya, mga kailangang

gamit sa pag-aaral at mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral.

Paraang Ginamit sa Paglikom ng Datos

Upang mabigyang katuparan ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay sumailalim

ang mga mananaliksik sa mga tiyak na gawaing may kaugnayan sa paglikom ng datos

tulad ng paghingi ng pahintulot mula sa Punong Pamprograma ng Departamento ng

Sining, Agham at Edukasyon. Kasunod nito ay pagbibigay ng Letter of Consent sa mga

tagatugon ng mga posibleng dulot ng pananaliksik na ito at ang iba naman ay sa

pamamagitan ng Google Form Online at ang kasiguraduhang manatiling lihim ang

kanilang pagkatao upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan at maging ang

kanilang mga kasagutan.

Pagsusuring Istatistikal ng mga Datos

Sinuri at tinaya ang mga nakolektang datos sa pag-aaral na ito gamit ang

Frequency Count and Percentage upang ilarawan ang mga suliraning pang-akademiko
30
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word

College of Bangued, Abra.

Percentage (%) = f x 100/n


Kung saan:
% = Percentage
f = Bilang ng mga Tagatugon
n = kabuuang bilang ng mga Tagatugon
Kabanata 3
PRESENTASYON, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN
NG MGA DATOS

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga naging resulta ng pag-aaral at binigyang

pagpapakahulugan ang mga nakalap na impormasyon nang sa gayon ay makabuo ng

isang angkop na konklusyon na siyang nagiging batayan upang suportahan, pagtibayin o

di kaya ay pasubalian ang mga nakalipas na pag-aaral.

Suliranin 1. Ano ang profayl batay sa kurso at taon, kasarian, at edad ng mga mag-

aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued, Abra?


31
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Makikita sa talahayan 1.a na binubuo ng dalawang kurso ang Edukasyong

Pangguro ang Bachelor of Elementary Education (BEED) at Bachelor of Secondary

Education (BSED).

Talahanayan 1.a. Profayl ng mga Tagatugon batay sa Kurso at Taon

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secndary


Education (BEED) Education (BSED)
Taon f % F %
1. Unang Taon sa Kolehiyo 10 14.28% 24 34.29%
2. Ikalawang Taon sa Kolehiyo 7 10% 11 15.71%
3. Pangatlong Taon sa Kolehiyo 1 1.43% 17 24.29%

Kabuuan 18 25.71% 52 74.29%


Makikita sa talahanayan 1.a ang kabuuang resulta ng profayl ng mga tagatugon

batay sa kanilang kurso at taon. Lumabas na pinakamataas na naitalang tagatugon ay

mula sa kursong BSED na kung saan ito ay nakapagtala ng limampu’t dalawa (52) o

74.29% na mas mataas kumpara sa kursong BEED na nakapagtala ng labing-walo (18) o

25.71%. Datapwat hindi ito nakapagtataka dahil lumabas sa ginawang pag-aaral ng mga

mananaliksik ay natuklasan nilang mas maraming mga mag-aaral sa kursong BSED

kumpara sa BEED.

Sa resultang nakalap ng mga mananaliksik, mas marami ang mag-aaral sa unang

taon ng BEED na may bilang na sampu (10) o 14.28% at unang taon ng BSED na may
32
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
bilang na dalawampu’t apat (24) o 34.29%. Ang dahilan na nakikita kung bakit mas

marami ang nag-enrol sa unang taon kaysa sa nakaraang taon dahil sa pandemiya na

dahilan ng maraming mga magulang ang nabahala para sa kaligtasan ng mga anak kung

kaya minabuti na lang na di sila pag-aralin sa malayo. Sa may mataas na mag-aaral ng

BEED ay ang ikalawang taon na may bilang na pito (7) o 1.43% at sa BSED ay ang

pangatlong taon na may bilang na labing-pito (17) o 24.29%. Ang panghuli na may

pinakababa na bilang ng mag-aaral sa BEED ay ang pangatlong taon na may bilang na

isa (1) o 1.43% at sa BSED naman ay sa ikalawang taon ng may bilang na labing-isa

(11) o 15.71%.

Karagdagan nito, natuklasan din ng mga mananaliksik na mas marami ang mga

mag-aaral ng parehong kurso na BSED at BEED ang nasa unang taon kaysa sa mga nasa

mas mataas na taon. Isa sa nakikitang dahilan ay ang konsepto o mindset na ang

pagiging guro ay may kaakibat na malaking gampanin. Ayon kay Prof. Edwin L. Del

Rosario na magtatatlong dekada nang nagtuturo, kung sino mang maghangad na pasukin

ang propesyon ng pagtuturo ay kailangang tupdin ang tatlong bagay: “Akyatin ang

bundok ng mga gawaing-papel,” “languyin ang dagat ng mga kabataan” at “tahakin ang

landas ng mga responsibilidad at komitment.”


33
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Isa sa dahilan ay ang epekto nang patuloy pa ring paglaganap ng COVID-19 na

kung saan labis na nababahala ang mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak

sa malayong paaralan o labas ng probinsya para na rin sa kanilang kaligtasan at gayon

din na hindi magawi sa maling daan ang kanilang mga anak lalo na at hindi pa rin

pinapayagan ang face-to-face classes. Kung ikukumpara sa kasalukuyang taon ang mga

mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ay nasa bilang na walumpu’t isa (81) mas mababa

ito kumpara sa nakaraang taon na higit isangdaan.

Mas madami din naman ang mga mag-aaral ng BSED sa ikatlong taon kumpara

sa ikalawang taon habang ang mga mag-aaral naman ng BEED ay mas madami ang mga

nasa ikalawang taon kaysa sa ikatlong taon. Isa sa dahilan na natuklasan ng mga

mananaliksik sa kanilang sinagawang pag-aaral ay ang patuloy na kahirapan na mas

pinahirap pa lalo dulot ng pandemiya.

Napag-alaman din ng mga mananaliksik na hindi halos lahat ng mga magulang

ay kayang tustusan ang pag-aaral ng kanilang anak kung kaya’t napilitan silang patigilin

pansamantala at humanap ng ibang pagkakakitaan nang sa gayon ay makapag-ipon ng

pang-matrikula o di naman kaya may iba na mas nagustuhan na nilang magkapera sa

pamamagitan ng maagang pagtatrabaho, kung saan mas priyoridad nila ang magkapera

at maghanap-buhay kaysa makapagtapos ng pag-aaral. May iba naman na napilitang


34
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
lumipat na lang sa pampublikong paaralan dahil mas kaunti ang kanilang matrikula at

nang sa gayon ay maipagpatuloy pa rin nila ang kanilang pag-aaral kahit paano.

Isa pang dahilan na natuklasan ng mga mananaliksik kung bakit patuloy na

bumabagsak ang bilang ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay ang maagang pagkakaroon ng

pamilya. May ibang kabataan na namulat sa maagang edad sa pagkakaroon ng anak kaya

naman ay napilitan silang tumigil sa pag-aaral.

Habang ang iba ay nalulong sa bisyo, napabarkada o online games. Hindi sila

palaging pumapasok sa paaralan kung kaya’t may mga magulang na kahit gustong

pagtapusin ang kanilang mga anak ay ang anak mismo ang ayaw nang mag -aral at mas

gusto na lang tumigil sa pag-aaral.

Ayon nga kay Dr. Jose Rizal, ang mga kabataan ang pag-aasa ng bayan ngunit

dahil sa hindi pa rin masolusyonan ang mga tinaguriang sakit sa lipunan tulad ng

kahirapan ay nagiging hadlang ito para sa pagkamit ng mga kabataan sa kanilang mga

pangarap at magandang kinabukasan. Datapwat sa kabila nito, ay patuloy pa rin na

naniniwala ang mga guro na siyang susi sa paghubog ng pagkatao at kinabukasan ng

bawat kabataan na hindi hadlang ang kahirapan at lalo na ang pandemiya sa kasalukuyan

para makapagtapos sa pag-aaral.


35
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Talahanayan 1.b. Profayl ng mga Tagatugon batay sa Kasarian
Lumabas sa talahanayan 1.b ang malaking agwat ng kabuuang resulta sa profayl

ng mga tagatugon batay sa kanilang kasarian. Napag-alaman ng mga mananaliksik na

mas mataas ang bilang ng mga babae kumpara sa mga lalaking mag-aaral sa kursong

Edukasyong Pangguro.

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secondary


Education (BEED) Education (BSED)
KASARIAN f % f %
1. Lalaki 2 2.86% 14 20%
2. Babae 16 22.86% 38 54.28%
Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%

Sa natuklasang resulta ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay napatunayan na

dominante ang kababaihan na kumukuha ng kursong Edukasyong Pangguro dahil sa

likas na pagkapusong mamon ng mga kababaihan na kung saan ay mas mahaba ang

kanilang pasensya na umintindi at mag-alaga ng mga bata na sumasalamin sa katangian

ng isang ilaw ng tahanan na babae ang humuhulma sa tahanan. Subalit kung susumahin,

hindi naman papahuli ang mga kalalakihan ngunit hindi halos lahat ay sumasang-ayon

na pangbabae lamang ang kursong guro datapwat ito ay nakabatay pa rin sa hilig o gusto

ng mga mag-aaral dahil kung tutuusin ang guro bilang isang propesyon ay layunin na
36
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
humubog, mag-alaga at turuan ang mga mag-aaral sa kahit anumang aspeto na siyang

magagamit nila sa buhay.

Ayon kay Stearman (2004), tinatawag na patriyarkal ang isang lipunan o grupo

na pinananigan ng mga kalalakihan at matriyarkal naman kung dominante ang hanay ng

mga kababaihan. Ang resulta sa nakalap na datos ng mga mananaliksik batay sa kasarian

ng mga tagatugon ay mas mataas ang bilang ng mga babae sa kursong BEED na bilang

na labing-anim (16) o 22.86% kumpara sa mga lalaki na may pinakamababang bilang na

dalawa (2) o 2.86. Sa kursong BSED naman ay babae din ang pinakamataas na may

bilang na nakapagtala ng tatlumpu’t walo (38) o 54.28% at sa lalaki ang pinakamababa

na may bilang na labing-apat (14) o 20%.

Bahagi na ng kultura at kasaysayan ang paghamhambing sa mga babae at lalaki

sa kanilang kakayahan bilang isang guro datapwat hindi naman masusukat ito sa

pagiging isang mabuti at mahusay na guro. Gayon man ay makikitang mayroon talagang

pagkakaiba-iba ang babae sa lalaki, parehas silang may tinataglay na kalakasan at

kahinaan.

Hindi naman mapagkakaila sa kabilang banda na kakaunti lang ang kumukuha

ng kursong Edukasyong Pangguro sa mga lalaki dahil na rin sa tingin nilang ito ay para
37
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
lang sa mga babae at gustong panatilihin ang kanilang pagkalalaki. Sa madaling salita,

mas maunawain, maalagain at mapagpasensya ang mga babae na kung saan ito ang

pinakakailangang katangian ng isang guro para sa kaniyang mga mag-aaral.

Talahanayan 1.c. Profayl ng mga Tagatugon batay sa Edad


Makikita sa talahanayan 1.c ang naitalang kabuuan ng profayl ng mga

tagatugon batay sa kanilang edad. Humalata ang pagkakaiba-iba ng edad ng mga mag-

aaral sa kursong Edukasyong Pangguro batay sa nakalap na datos ng mga mananaliksik

para sa pag-aaral na ito.

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secondary


Education (BEED) Education (BSED)
Edad f % f %
1. 17-18 Taong Gulang 5 7.14% 9 12.85%
2. 19-20 Taong Gulang 10 14.29% 25 35.71%
3. 21-22 Taong Gulang 3 4.29% 16 22.86%
4. 22-23 Taong Gulang 0 0% 2 2.86%
5. 23 at Pataas Taong Gulang 0 0% 0 0%

Kabuuan 18 25.72% 54 74.28%

Lumabas sa nakalap na datos na karamihan sa mga tagatugon ay nasa edad 19-20

taong gulang sa parehong kurso, para sa BEED may bilang na sampu (10) o 14.29%

para at sa BSED ay may bilang na dalawampu’t lima (25) o 35.71%, na siya namang
38
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
karaniwang edad sa mga inaasahang mag-aaral ng kolehiyo lalo na at nadagdagan ng

panibagong dalawang taon ang antas ng sekondarya na tinatawag na K-12.

Ang K-12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng

mandatory o required na kindergarten at karagdagang (2) taon sa dating 10-Year Basic

Education Cycle. Kung, noon pagkatapos ng anim (6) na taon sa elementarya at apat (4)

na taon naman sa sekondarya ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga mag-aaral

subalit sa kabilang banda, sa ilalim ng K-12 Program ay kailangang dumaan sa

karagdagang dalawang (2) taon pagkatapos ng apat (4) na taong sekondarya. Sa bagong

sistema tinatawag na Senior High School ang karagdagang taon habang ang apat (4) na

taon sa sekondarya sa lumang sistema ay tinatawag na Junior High School. Sa kabuuan,

ang Kindergarten hanggang Grade 12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic

Education sa ilalim ng K-12 Program.

Sa kabilang dako, lumabas sa kabuuang resulta ng pag-aaral ng mga

mananaliksik na may mga mag-aaral na nasa edad 17-18 taong gulang na may bilang na

lima (5) o 7.14% sa kursosng BEED na kung saan pumapangalawa sa pinakaraming

naitala para sa edad ng mga mag-aaral mula sa Edukasyong Pangguro na pawang mga

nasa unang taon pa lamang ng kolehiyo. Habang pumangatlo naman sa mga nakalap na

datos ang nasa edad 21-22 taong gulang na may bilang na labing anim (16) o 22.86% sa
39
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
kursong BSED na angkop para sa mga tagatugon mula sa nasa ikatlong taon ng kolehiyo

at panghuli, ang mga nasa edad 22-23 taong gulang na may bilang na dalawa (2) o 2.8%

na kung saan napag-alaman ng mga mananaliksik na may tagatugon na nasa una at

pangatlong taon sa kolehiyo ang ngayon ay nag-aaral kapwa tumigil noon sa pag-aaral

para makapaghanap-buhay nang sa gayon ay makapag-ipon ng pangmatrikula dahil sa

hirap sa buhay lalo na at hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang ang kanilang

pag-aaral.

Gayon pa man, ay hindi magkakalayo ang agwat ng edad ng mga tagatugon. Ito

ay pinapatunayan sa pag-aaral ni Machtinger (2007) na nagsasabi na ang edad at aspeto

ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnayan.

Ang edad ng mga mag-aaral ay maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit

anumang larangan. Bagamat may mangilan-ngilang mag-aaral na lumalagpas sa

karaniwang inaasahang edad, ito ay normal lamang sapagkat ang edukasyon ay walang

pinipiling edad.

Suliranin 2. Ano ang mga suliraning kinakaharap batay sa mga sumusunod na

salik:

a. Mga problema patungkol sa pamilya


40
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
b. Mga kailangang gamit sa pag-aaral

c. Mga problemang nauugay sa mga mag-aaral

Makikita sa talahanayan 2.a ang naging resulta sa nais malaman ng mga

mananaliksik tungkol sa suliraning kinakaharap tungkol sa problema sa pamilya sa gitna

ng pandemiya ng mga mag-aaral mula sa Edukasyong Pangguro ng Divine Word

College of Bangued, Bangued Abra.

Talahanayan 2.a. Mga Problema Tungkol sa Pamilya

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secondary


Education (BEED) Education (BSED)
Mga Problema Tungkol Sa Pamilya f % f %
1. Hindi palagiang binibigyang-pansin 2 2.86% 8 11.43%
ng mga magulang ang pag-aaral ng
anak
2. Hindi suportado ng magulang ang 3 4.29% 10 14.28%
interes ng anak
3. Problemang pampinansyal, hindi 3 4.29% 19 27.14%
sapat ang kinikita ng mga magulang
4. Wala o kulang ang pamasahe 10 14.28% 15 21.43%
papunta sa eskwela dahil tumaas ang
pamasahe
Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%
41
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Nakasaad sa itaas Talahayan 2.a ang resulta ng unang salik ng mga suliraning

hinaharap sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral sa Kagawarang Edukasyong

Pangguro at ang mga sumusunod na problema tungkol sa pamilya.

Batay sa talahanayan 2.a napag-alaman ng mga mananaliksik ang

pinakasuliranin na kinakaharap ngayon ng mga tagatugon mula sa kursong BSED ay ang

“problemang pampinansyal” na may bilang na labing siyam (19) o 27.14% na kung saan

ay hindi sapat ang kinikita ng mga magulang samantala ang mga tagatugon mula sa

kursong BEED ang pinakasuliranin nila ay ang “wala o kulang ang pamasahe papunta sa

eskwela dahil tumaas ang pamasahe” na may bilang na sampu (10) o 14.28%. Ang mga

suliraning ito ay ilan lamang sa mga kinakaharap ngayon ng mga mag-aaral dahil pa rin

sa pandemiya.

Malaking pagbabago ang idunulot ng COVID-19 sa buong mundo, ang lahat ay

apektado nito at walang pinipili kung kaya’t marami ang naantala o di naman kaya ay

nawalan ng hanapbuhay at trabaho. Kaya naman maraming mga magulang ang

pinagkakasya ngayon ang kakaunting kita lalo na at nag-aaral halos lahat ng kanilang

mga anak. Ang kahirapan na nararanasan noon ay mas mahirap pa lalo ngayon dahil sa

kasalukuyang pandemiya. Ang pag-aaral sa gitna ng pandemiya ay napakahirap hindi

lang dahil sa bagong sistema ng edukasyon ngayon na tinatawag na New Normal


42
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Learning na kung saan ito ay paraan ng pag-aaral sa pamamagitan ng modular at online

classes idadagdag na rin ang panibagong pagsubok dahil hindi sapat ang kinikita ng mga

magulang lalo na at halos tumaas lahat ng bilihin, pamasahe at marami pang ibang

pangangailangan.

Pumangawala naman sa mga nakalap na datos sa BSED ang suliraning “wala o

kulang ang pamasahe papunta sa eskwela dahil tumaas ang pamasahe” habang ang mula

sa BEED ay ang “hindi suportado ng mga magulang ang interes ng anak” at

“problemang pampinansyal” dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang.

Sumunod batay sa nakalap na datos mula sa BSED ay ang “hindi suportado ng

mga magulang ang interes ng anak” habang panghuli, pareho na pumang-apat sa

dalawang kurso ng Edukasyong Pangguro ang suliraning “hindi palagiang binibigyang-

pansin ng mga magulang ang pag-aaral ng anak.”

Isa sa napag-alaman ng mga mananaliksik sa pag-aaral na kanilang isinagawa na

may mga magulang na hindi suportado ang mga interes ng kanilang anak sapagkat lahat

naman ay magkakaiba ng gusto o interes sa buhay minsan nga lang kaya hindi suportado

ng mga magulang ay hindi ito nakabubuti para sa kanilang mga anak, walang magulang
43
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
na gustong ipahamak ang kanilang anak kung kaya’t hindi mapagkakaila na minsan ay

hindi sinusuportahan ng mga magulang ang gusto ng anak.

Gayon din, ang suliraning hindi palagiang binibigyang-pansin ng mga magulang

ang pag-aaral ng anak. Sa panahon ngayon, kung saan ang lahat ay isang pindot lang

dahil sa tulong ng teknolohiya lahat ay madali datapwat sa kabila nito ay napapabayaan

ng mga magulang ang pag-aaral ng anak dahil na rin sa impluwensya ng teknolohiya at

hindi sapat na patnubay ng mga magulang.

Suliranin 2.b. Mga Suliraning Kinahaharap Batay sa mga Kailangang Gamit sa

Pag-aaral

Makikita sa talahanayan 2.b ang naging resulta sa nais malaman ng mga

mananaliksik tungkol sa suliraning kinakaharap tungkol sa mga kailangang gamit sa

pag-aaral sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral mula sa Edukasyong Pangguro ng

Divine Word College of Bangued, Bangued Abra.

Talahanayan 2.b. Mga Kailangang Gamit sa Pag-aaral

N= 70

Bachelor of Bachelor of
Elementary Education Secondary Education
Mga Kailangang Gamit sa Pag-aaral f % f %
44
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
1. Walang internet connection 0 0% 8 11.43%
2. Mahina ang signal ng internet 14 20% 36 51.43%
connection
3. Kulang sa kagamitan para sa online 4 5.71% 8 11.43%
class tulad ng smartphone, laptop, tablet

Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%

Lumabas sa Talahayan 2.b ang resulta ng ikalawang salik ng mga suliraning

hinaharap sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral sa Edukasyong Pangguro ito ang

mga kailangang gamit sa pag-aaral.

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral nay

parehong nakapagtala ng pinakamataas ang dalawang kurso sa Edukasyong Pangguro sa

suliraning “mahina ang signal ng internet connection” na kung saan may bilang na

labing-apat (14) o 20% sa BEED habang tatlupu’t anim (36) o 51.43% sa BSED.

Ayon kay Cu (2020), “worst” ang Pilipinas sa South East Asian pagdating sa

pagtatayo ng mga sell site, na mayroon lamang ng nasa 20,000 cell sites. Patuloy pa ring

lumulubo ang bilang ng mga gumagamit nito kung kaya’t nararapat lang ang

pagdaragdag subalit hindi madali dahil mismong ang pamahalaan ang problema. Sa

pagtaas ng mga gumagamit, at ang pagtaas ng data na kailangan sa kanilang paggamit ay

ang dahilan kung kaya tila mabagal pa rin ang internet connection.
45
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Napag-alaman din ng mga mananaliksik na pumapangalawa sa suliraning

kinakaharap ngayon ng mga tagatugon sa kanilang pag-aaral sa gitna ng pandemiya ang

“walang internet connection” para sa mga mag-aaral mula sa BSED na may walo (8) o

11.43% habang kapareho din nito ang sumunod na suliranin na “kulang sa kagamitan

para sa online classes tulad ng smartphone, laptop, tablet” sa nakalap na datos ng mga

mananaliksik.

Samantala ang BEED sa kabilang dako, pumangalawa ang suliranin na “kulang

sa kagamitan” na may apat (4) o 5.71% para sa “online classes tulad ng smartphone,

laptop, tablet.”

Isang malaking tulong ang internet lalo na sa kasalukuyan para sa mga mag-aaral

sa gitna ng pandemiya. Nakakatulong ito hindi lang sa paghahanap ng mga karagdagang

impormasyon kundi maging sa pakiki-ugnayan ng mga guro at kanilang mag-aaral sa

pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang educational platforms. Subalit kung ano ang

iginanda at tulong nito ay ang kasalungat naman tuwing marami ang gumagamit dahil

kapag maraming gumagamit humihina o bumabagal ito na siyang nagiging rason na

hindi nakakapagklase ang ilan tuwing may online classes.


46
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Samantala, sa pag-uumpisa ng panibagong taong panuruan sa kasagsagan ng

umiiral pa ring pandemiya, ang online classes ay naging susi para kahit papaano ay

maipagpatuloy pa rin ang klase datapwat ito ay nangangailangan ng internet na kung

saan ay may mga lugar na mahina ang signal. Ang mahinang signal ng internet

connection ay hindi na bago pero mas pinahina pa lalo ngayon ng pandemiya at nasa

loob ng bahay lang ang mga mag-aaral at lahat ay gumagamit nito.

Talahanayan 2.c. Mga Problemang Nauugnay sa mga Mag-aaral

Makikita sa talahanayan 2.c ang naging resulta sa nais malaman ng mga

mananaliksik tungkol sa suliraning nauugnay sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemiya

mula sa mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued,

Abra.

N= 70

Bachelor of Bachelor of
Elementary Education Secondary
(BEED) Education (BSED)
Mga Problemang Nauugnay sa mga Mag- F % f %
aaral
1. Walang quarantine pass 2 2.86% 12 17.14%
2. Pagsunod sa bagong Health Protcols 1 1.43% 9 12.86%
tulad ng pagsusuot ng face mask at face
shiled at pati social distancing
2 2.86% 6 8.57%
3. Tinatamad 0 0% 8 11.43%
4. Walang Motibasyon 5 7.14% 7 10%
47
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
5. Maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay 2 2.86% 6 8.57%
7. Nababagot sa paggawa ng modyul 6 8.57% 4 5.71%
8. Depresyon o Anxiety
Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%

Nakasaad sa talahanayan 2.c ang suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral batay

sa mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral, ang pinakamataas na bilang ay ang

“walang quarantine pass” sa mag-aaral ng BSED na may labing-dalawa (12) o 17.14%.

Nagiging problema sa paglabas ng bahay ang quarantine pass, ito ang isa sa mga

kinakailangan upang mapayagang lumabas ngayong pandemiya. Isang quarantine pass

lamang ang mayroon para sa isang bahay o pamilya. Kailangan ang quarantine pass

upang maiwasan ang kumpul-kumpol na tao dahil kung wala ang quarantine pass hindi

maiiwasan ang paglabas ng maraming tao na magdudulot ng agarang pagkalat ng sakit

na COVID-19.

Sa mag-aaral ng BEED naman ang pinakamataas ay ang suliraning “anxiety o

depression” na may bilang na anim (6) o 8.57%. Ayon sa Centers for Disease Control

and Prevention (2020), 9.1% ng mga tao ang naiulat na mayroong major o minor na

depresyon. Isa sa mga nakikita nilang dahilan ay ang kasalukuyang pandemiya na siyang

nagpabago sa dating nakasanayan ng lahat. Karagdagan nito, ayon naman sa Word

Health Organization (WHO, 2020) may mahigit na 100 milyong tao ang may depresyon
48
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
sa buong mundo, ngnit mas mababa sa 25% sa kanila ang kailanman ay humingi ng

paggamot. Tinataya na sa taong 2020, magiging pangalawang kalagayan sa kalusugan

ang depresyon kasunod ng sakit sa puso sa mundo. Sa kabila nito, ang depresyon ay

isang malawak na sakit na hindi matukoy. Nakakaapekto ang banayad na depresyon sa

pang-araw-araw na gawain ng isang tao habang maaaring humantong ang malubhang

depresyon sa mga pagtatangkang magpakamatay. Gayunman, maaaring magamot ang

karamihang kaso ng depresyon at ang mas maagang pagsisimula ng paggamot, mas

mabisa ito.

Ang walang pagbabago sa kanilang gawain sa araw-araw buhat ng

magkapandemiya ay ang pagbabawal na hindi masyadong paglalalabas-labas at ang

pagkahinto ng face-to-face classes dahil dito nag-aaral silang mag-isa at walang inter-

aksyon sa kanilang mga kaklase at guro tulad ng nakasanayang face-to-face.

Karagdagan nito, isa rin sa mga dahilan ay ang labis na pag-aalala at nerbyos, sa

nangyayari ngayon hindi maiiwasan ang pag-aalala at mangamba sa kalusugan na

mahawaan ng sakit na virus, pag-aalala sa pamilya at pag-aalala sa pag-aaral. Sa pag-

aalala at pag-iisip na magkasakit ay nagdudulot ng anxiety dahil mahirap ang

magkasakit ngayon na maaaring maihiwalay sa pamilya. Dagdag pa nito, isa sa

nagdudulot ng anxiety ay ang pag-aalala sa pamilya dahil ilan sa mga mag-aaral ay


49
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
malayo sa kanilang mga pamilya. Panghuli, ang pag-aalala sa pag-aaral, may mga mag-

aaral na hindi masyadong nakakapagpasa at nakakakuha ng modyul dahil sa mahigpit na

pagpapatupad ng mga health protocol.

Sumunod ang mga ilan ding mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral

ngayong pandemiya. Sa mga resulta ng datos na nakalap ng mga mananaliksik,

maraming mga mag-aaral ng BEED ang “tinatamad” na may dalawa (2) o 2.86%,

“maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay” na may lima (5) o 7.14% at “nabuburyo sa

paggawa ng modyul” na may dalawa (2) o 2.86%. Ang mag-aaral naman ng BSED,

anim (6) o 8.57% ang “tinatamad at nabuburyo sa paggawa ng modyul”, walo (8) o

11.43% ang “walang motibasyon”, at pito (7) o 10% “ang may maraming sagabal sa

pag-aaral sa bahay.”

Ayon sa nagawang pananaliksik, ang dahilan ng pagkatamad, pagkabagot sa

paggawa ng modyul, maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay, at pagkawala ng

motibasyon ng mga mag-aaral ngayong pandemiya ay dahil sa labis na paggamit ng mga

gadget, paglalaro ng online games, paggamit ng mga social media, maraming sagabal sa

bahay tulad ng mga gawaing bahay na hindi maiiwasan lalo na at stay at home halos

lahat, ang hindi pagkikita-kita madalas ng mga kapamilya o kaibigan ay isa ring rason

kung bakit nawawalan ng motibasyon ang mag-aaral.


50
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Dahil sa sobrang paggamit ng mga gadget at social media napapabayaan ang

mga gawaing pang-akademiya at nagdudulot ng pagkatambak ng mga ito.

Kabanata 4

TUKLAS, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng tuklas, kongklusyon at rekomendasyon ng

pananaliksik.

Pangkalahatang tuklas

Ang sumusunod ay ang pangkalahatang tuklas ng mga mananaliksik batay sa

kanilang nakalap na mga datos:

a. Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang profayl ng mga

tagatugon ayon sa kurso at taon ay mas mataas ang bilang ng tagatugon mula sa unang

taon sa parehong kurso ng BEED at BSED. Pangalawa ang ikatlong ng BSED ang may

mataas na bilang ng tagatugon at BEED ay sa ikalawang taon. Samantala, ayon sa

kasarian ng mga tagatugon, mas mataas ang bilang ng mga babae kumpara sa mga
51
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
lalaki. Ang panghuling edad ng mga tagatugon na kung saan ang pinakamataas ay ang

mga na sa edad 19-20 taong gulang, pumangalawa sa BSED ang 21-22 taong gulang

habang sa BEED ang 17-18 taong gulang na kung saan pangatlo naman ito sa BSED

habang sa BEED ay ang nasa 21-22 taong gulang at panghuli sa BSED ay ang nasa 22-

23 taong gulang.

b. Ang unang salik ng suliranin batay sa problema tungkol sa pamilya ay

pinakamataas sa BSED ang problemang pampinansyal na may bilang na labing siyam

(19) o 27.14% habang sa BEED ay ang wala o kulang ang pamasahe papunta sa eskwela

na may bilang na sampu (10) o 14.28% dahil tumaas ang pamasahe habang ang

pinakamababang naitala sa parehong kurso ay ang hindi palagiang binibigyang-pansin

ng mga magulang ang pag-aaral ng anak. Sa ikalawang salik ng suliranin batay sa mga

kailangan gamit sa pag-aaral ang pinakamataas sa parehong kurso ay ang mahina ang

signal ng internet connection na may bilang na labing apat (14) o 20% para sa BEED at

tatlumpu’t anim (36) o 51.43% naman sa BSED at ang pinakamababa ay ang walang

internet connection at kulang sa kagamitan para sa online class na may bilang apat (4) o

5.71% para sa BEED at walo (8) o 11.43% sa BSED. Panghuling salik ang mga

problemang nauugnay sa mga mag-aaral na ang pinakamataas na suliranin sa BSED ay

ang walang quarantine pass na may bilang na labing dalawa (12) o 17.14% habang sa
52
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
BEED ay ang suliranin sa depresyon o anxiety na may bilang na anim (6) o 8.57% na

kung saan ito ang pinakamababa sa BSED na may bilang na apat (4) o 5.71% samantala

ang pinakamababa sa BEED ay ang walang motibasyon na walang naitala.

Kongklusyon

Batay sa mga datos na nailahad, ang mga sumusunod ay ang pangkalahatang

kaalaman na nauugnay sa mga suliraning pang-akademiya sa gitna ng pandemiya:

Ayon sa natuklasan sa pag-aaral, mas marami ang BSED kaysa sa BEED,

gayundin na mas marami ang babae kaysa sa mga lalaki, at masmarami ang nasa edad na

19-20.

Ang pinakamabigat na suliranin ng mga tagatugon patungkol sa problemang

pampamilya ay ang problemang pampinansyal at wala o kulang ang pamasahe. Sa

suliranin tungkol sa gamit sap ag-aaral, ang mahina ay ang signal ng internet connection

naman ang nangunguna at panghuli ang depresyon at walang quarantine pass para sa

mga suliraning nauugnay sa mga mag-aaral.


53
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:

Para sa mga Mag-aaral:

1. Maaaring mag-tutor para kahit papaano ay makatulong sa pangangailang

pampinansyal para sa pag-aaral.

2. Pagtatanim ng mga halaman para maibenta at pagkain na rin ng pamilya.

3. Maaari ring gamitin ang angking galing sa pagpipinta, pagguhit at marami

pang iba para kumita.

4. Makatutulong din kung magkakaroon ng talaan para sa mga gagawin sa araw-

araw at limitahan ang paggamit ng gadgets kung hindi kinakailangan sa pag-

aaral.

5. Makatutulong din ang palagiang kausap o tawagan ang mga mahal sa buhay

ng sa gayon kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan o anuman na

pinagdadaanan sa kasalukuyan.

Para sa mga Guro at Kawani ng Paaralan:

1. Ang paaralan ay inaasahang ipagpatuloy o mas paunlarin ang pagbibigay ng

Modyul.
54
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
2. Kung kinakailangan, ang mga guro ay dapat magkakaroon ng limited face-to-

face para sa mga isasangguni ng mga mag-aaral na problema sa kanilang aralin.

Para sa mga Magulang:

1. Palaging subaybayan ang pag-aaral ng mga anak.

2. Maglaan ng oras para kausapin sila kahit na maraming ginagawa nang sa

gayon ay magabayan sila at maging bukas ang isipan sa mga gusto o interes ng

anak.

TALASANGGUNIAN

CHED Chairman Prospero de Vera III, https://www.edukasyon.com

Machtinger (2007), https://www.researchgate.net/publication/281783362_Machtinger

Alfred Mercier (American Writer and Physician), https://www.goodreads.com

https://headspace.org.au/young-people/face-to-face-vs-online-leaning/
55
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
https://tophat.com/glossary/f/face-to-face-learning/

https://www.bls.gov/n\\\ews.release/famee.nr0.htm

https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-congress-

proceedings/2017/paper-49.pdfStearman (2004)

https://www.fairview.org/patient-education/115955TA

https://www.hrw.org/news/2021/05/17/pandemics-dire-global-impact-education

https://www.neda.gov.ph/ph-records-lowest-unemployment-rate-since-covid-19-peak-

econ-managers/

https://www.psychguides.com/depression/s

https://www.rappler.com/nation/students-mental-health-concerns-distance-learning-due-

interplay-factors

https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-problems-burden-

students-coronavirus-pandemic-philippines

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2666915320300731
56
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global-covid19-

online-digital-learning/Cathy Li (World Economic Forum)

https://www21.ha.org.hk/smartpatient/EM/MediaLibraries/EM/EMMedia/

Depression_Tagalog.pdf?ext=.pdf Depression / Tagalog Copyright © 2018 Hospital

Authority.

www.K-12ProgramBasicEducation.com
57
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

APENDIKS
58
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Apendiks 1

NATIVIDAD T. JORNACION, MA. Lit.


Punong Pamprograma
Departamento ng Sining, Agham at Edukasyon

Madam:

Maalab na pagbati sa inyo!


Bilang bahagi sa katuparan ng aming pangangailangan sa asignaturang Introduksiyon sa
Pananaliksik – Wika at Panitikan (FLED 17) ay kasalukuyan kaming gumagawa ng Papel
Pananaliksik na may pamagat na: “Mga Suliraning Pang-Akademiya sa Gitna ng
Pandemiya.” Kaugnay nito, kami ay kumakatok sa inyo para pahintulutan kaming
magpamudmod ng mga talatanungan sa mga mag-aaral sa Edukasyong Pangguro. Umasa
kayong anumang kasagutan ay ituturing na konpidensyal at lubos na pananatilihin ang
pagsunod sa health protocols sa pamumudmod ng mga talatanungan.

Lubos po kaming magagalak kung ang nasabing aktibidad ay inyong aaprubahan. Maraming
salamat at pagpalain kayo ng Diyos at ang inyong administrasyon!

Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE JAENNA FRITZ B. SANTUA


59
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
MCMILLAN F. SELONG

Sinang-ayunan ni: Inaprubahan ni:

FLORA A. VELASCO, Ed. D. NATIVIDAD T. JORNACION, MA. Lit.


Tagapayo Punong Pamprograma

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Apendiks 2

Mahal naming mga Tagatugon,

Maalab na pagbati sa inyo!

Bilang bahagi sa katuparan ng aming pangangailangan sa asignaturang Introduksiyon


sa Pananaliksik – Wika at Panitikan (FLED 17) ay kasalukuyan kaming gumagawa
ng Papel Pananaliksik na may pamagat na: “Mga Suliraning Pang-Akademiya sa
Gitna ng Pandemiya.” Kaugnay nito, kami ay kumakatok sa inyo para sagutan ang
surbey ukol sa aming paksa. Umasa kayong anumang kasagutan ay ituturing na
konpidensyal.

Walang hanggang Pasasalamat sa inyong oras at atensyon.


60
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE

JAENNA FRITZ B. SANTUA

MCMILLAN F. SELONG

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Apendiks 3

Hulyo 12, 2021

SARAH JANE I. VALENCIA, MAT-Fil.


Propesor sa Filipino

Madam:

Maalab na pagbati sa inyo!

Bilang huling bahagi ng aming asignaturang Introduksiyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan


(FLED 17) ay ang magsagawa ng isang Pinal na Pagdedepensa (Final Defense) sa aming Papel
Pananaliksik na may pamagat na “Mga Suliraning Pang-akademiya sa Gitna ng Pandemiya.”

Kaugnay nito, nais hingin ng mga nakalagda ang inyong positibong tugon na maging isa sa mga
miyembro ng Tagasuri (Panel) sa darating na alas dos ng hapon (2 PM) sa araw ng Miyerkules,
ika-labing-apat ng Hulyo sa taong kasalukuyan.
61
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Ang inyong pagsang-ayon ay lubos na ikalulugod ng mga mananaliksik.

Sa muli, isang maaliwalas na araw at taos-pusong pasasalamat!

Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE JAENNA FRITZ B. SANTUA

MC MILLAN F. SELONG
Mga Mananaliksik

Sinang-ayunan ni:

FLORA A. VELASCO, Ed. D.


Tagapayo

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Hulyo 12, 2021

EDWIN L. DEL ROSARIO, MAT-Fil.


Propesor sa Filipino

Sir:

Maalab na pagbati sa inyo!

Bilang huling bahagi ng aming asignaturang Introduksiyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan


(FLED 17) ay ang magsagawa ng isang Pinal na Pagdedepensa (Final Defense) sa aming Papel
Pananaliksik na may pamagat na “Mga Suliraning Pang-akademiya sa Gitna ng Pandemiya.”
62
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Kaugnay nito, nais hingin ng mga nakalagda ang inyong positibong tugon na maging isa sa mga
miyembro ng Tagasuri (Panel) sa darating na alas dos ng hapon (2 PM) sa araw ng Miyerkules,
ika-labing-apat ng Hulyo sa taong kasalukuyan.

Ang inyong pagsang-ayon ay lubos na ikalulugod ng mga mananaliksik.

Sa muli, isang maaliwalas na araw at taos-pusong pasasalamat!

Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE JAENNA FRITZ B. SANTUA

MC MILLAN F. SELONG
Mga Mananaliksik

Sinang-ayunan ni:

FLORA A. VELASCO, Ed. D.


Tagapayo

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG Kolehiyo

Apendiks 4

Pangalan (opsyunal): __________________________________

Panuto: Mangyaring lagyang ng tsek (/) ang kahon ng inyong matapat na


kasagutan. Maaaring pumili ng higit sa isang sagot.

1. Ano ang iyong profayl batay sa mga sumusunod na salik:


a. Kurso
 Bachelor of Elementary Education (BEED)
63
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
 Bachelor of Secondary Education (BSED)
b. Taon
 Unang Taon sa Kolehiyo
 Pangalawang Taon sa Kolehiyo
 Pangatlong Taon sa Kolehiyo
c. Kasarian
 Lalaki
 Babae
d. Edad
 17-18 taong gulang
 19-20 taong gulang
 21-22 taong gulang
 22-23 taong gulang
 23 at pataas na taong gulang

2. Ano ang mga suliraning kinakaharap mo batay sa mga sumusunod na


salik:

a. Mga problema tungkol sa pamilya

 Hindi palaging binibigyang-pansin ng mga magulang ang pag-

aaral ng anak

 Hindi suportado ng magulang ang mga interes ng anak

 Problemang pampinansyal, hindi sapat ang kinikita ng mga

magulang
64
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
 Wala o kulang ang pamasahe papunta sa eskwela dahil sa tumaas

ang pamasahe

Iba pa: ______________________________________________

b. Mga kailangang gamit sa pag-aaral

 Walang internet connection

 Mahina ang signal ng internet connection

 Kulang sa kagamitan para sa online classes tulad ng smartphone,

laptop, tablet

 Iba pa: _______________________________________________

c. Mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral

 Walang quarantine pass

 Pagsunod sa bagong health protocols tulad ng pagsusuot ng face

mask at face shield at pati na ang social distancing.

 Tinatamad

 Walang motibasyon

 Maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay

 Nabuburyo (bored) sa paggawa ng modyul


65
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
 Depresyon o Anxiety

 Iba pa: _____________________________________________


66
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

BALANGKAS NG TALAMBUHAY

NA PANSARILI
67
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

Personal Profayl
2 x 2 picture here
Pangalan:
(DAPAT FORMAL
Petsa ng Kapanganakan:
PICTURE NAKASUOT
Pook ng Sinilangan: NG SVD UNIFORM)

Tirahan:

Relihiyon:

Katayuan sa Buhay:

Pangalan ng mga Magulang:

Ama:

Ina:

Pangalan ng mga Kapatid:

Edukasyong Natamo:

Kolehiyo:

Divine Word College of Bangued

Zone 6 Bangued, Abra

2018- Kasalukuyan
68
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED
Senior High School:
Divine Word College of Bangued
Zone 6 Bangued, Abra

2016-2018

Junior High School:


Abra High School
Zone 3 Bangued, Abra
2012-2016
Elementarya:
Bangued West Central School
Zone 3 Bangued, Abra
2006-2012
69
DIVINE WORD COLLEGE OF
BANGUED

You might also like