You are on page 1of 67

i

MGA IBA’T IBANG PARAAN NG PAGTUTURO NG MGA GURO


AT ANG EPEKTO NITO SA PANG-AKADEMIKONG PAGGANAP
NG MGA MAG-AARAL

Isang Papel Pananaliksik na Iniharap


sa Guro ng Filipino sa Departamento ng Sekondarya
ng Divine WordCollege of Bangued, Abra

Bilang Bahagi ng Katuparan


sa mga Pangangailangan para sa Asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nadine J. Anquillano
Keirsten Nikka D. Atmosfera
Meaane Joyce U. Bejarin
Christian B. Benas
Dherica D. Bersamin
Shantal Marie B. Dizon
Althea Bridget B. Eduarte
Resdale Faith L. Eduarte
Marc Daniel Dashale B. Ganado
Remalyn Rose S. Hernandez
Grayshiel A. Labuguen
Cehr Lemuel C. Lupang
Ysha Mae B. Marcaida
Renz Kevin B. Martinez
Angel Anne C. Molina
Majha Angelique L. Piano
Angelica Joy A. Quelnat

Mayo 2023
ii

PAGPAPATIBAY

Ang Papel Pananaliksik na pinamagatang “Mga Iba’t ibang Paraan ng Pagtuturo ng


mga guro at ang Epekto nito sa Pang-akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral,”
na inihanda nina Nadine J. Anquillano, Keirsten Nikka D. Atmosfera, Meaane Joyce
U. Bejarin, Christian B. Benas, Dherica D. Bersamin, Shantal Marie B. Dizon,
Althea Bridget B. Eduarte, Resdale Faith L. Eduarte, Marc Daniel Dashale B.
Ganado, Remalyn Rose S. Hernandez, Grayshiel A. Labuguen,Cehr Lemuel C.
Lupang, Ysha Mae B. Marcaida,Renz Kevin B. Martinez, Angel Anne C.
Molina,Majha Angelique L. Piano, at Angelica Joy A. Quelnat bilang bahagi ng
katuparan sa mga kakailanganin sa Asignaturang Filipino sa Larangan ng Edukasyon
17 (Introduksiyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan) ay siniyasat at pinagtibay.

BB. MAE ALBERT C. BONETE


Tagapayo
iii

PASASALAMAT  

Ang mga sumusunod na indibidwal na naging bahagi sa pananaliksik na ito ay

lubos na pinahahalagahan ng mga mananaliksik para sa kanilang walang humpay na

tulong, pagpayag na ibahagi ang kanilang kaalaman, at, mahalaga, sa paglalaan ng

kinakailangang oras sa gawaing ito: 

Poong Maykapal, sa kanyang pagbibigay sa mga mananaliksik ng sapat na lakas

at determinasyon upang tapusin ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng kanyang

walang-humpay na kabaitan, pagmamahal, at patnubay; 

Padre Gil T. Manalo, SVD, Presidente ng Divine Word College of Bangued sa

kaniyang tulong espiritwal at walang sawang pagbibigay ng pahintulot na

maisakatuparan ang pananaliksik na ito kahit sa gitna ng pandemiya;  

Bb. Mae Albert C. Bonete, aming guro sa asignaturang Pananaliksik, sa

kaniyang walang sawang paggabay at pagbibigay ng mga kaparaanan at kaalaman upang

mapabuti ang resulta at matapos ang pananaliksik na ito;  

Bb. Rhodelyn Marquez Tayhon, tagapangasiwa ng silid-aklatan, sa kaniyang

pagbibigay pahintulot at paglalaan ng kanilang oras para sa mga karagdagang

impormasyon na kailangan sa pananaliksik na ito.  

Mga tagatugon, sa kanilang mula sa pusong sagot sa mga ipinamudmod na

talatanungan;  
iv

At sa lahat nang hindi nagdalawang-isip na tumulong at nagbigay ng kabutihan upang

maging makabuluhan at mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito.  

N. J. A. 

K. N. D. A. 

M. J. U. B. 

D. D. B. 

S. M. B. D. 

A. B. B. E 

R. F. L. E. 

R. R. S. H. 

M. D. D. B. G. 

G. A. L. 

L. C. L. 

Y. M. B. M. 

R. K. B. M. 

A. A. C. M. 

M. A. L. P. 

A. J. A. Q.
v

PAGHAHANDOG

Para sa mga nililiyag na:

Poong Maykapal;

Mga Magulang ng mga Mananaliksik:

G. at Gng. Norman At Candida Anquillano

G. at Gng. Randy At Gigi Atmosfera

G. at Gng. Christopher At Jineth Beñas

G. at Gng. Carmelo At Mary Anne Bejarin

G. at Gng. Uldarico At Gundalina Bersamin

G. at Gng. Darius At Myra Eduarte

G. at Gng. Resty At Glenda Eduarte

G. at Gng. Romeo At Jean Hernandez

G. at Gng. Den At Sheryl Labuguen

G. at Gng. Benjon At Mariefe Marcaida

G. at Gng. Melchizedek At Maria Martinez

G. at Gng. Geoff At Jenesa Molina

G. at Gng. Robert At Mary Kathleen Piano

G. at Gng. Freddie At Joy Quelnat

G. at Gng. Gaby At Nelanie Tollas


vi

Mga kapatid ng mga Mananaliksik;

Nadine

Nikka

Christian

Meeane

Dherica

Althea

Resdale

Remalyn

Grayshiel

Ysha

Renz

Angel

Majha

Angelica

Lemuel

ABSTRAK

Pamagat: MGA SULIRANING PANG-AKADEMIYA SA GITNA


vii

NG PANDEMIYA

Bilang ng Pahina: 78

Awtor: MAE ALBERT C. BONETE

JAENNA FRITZ B. SANTUA

MCMILLAN F. SELONG

Uri ng Dokumento: TESIS

Kurso: BSED AT BEED

Taon: IKATLONG TAON SA KOLEHIYO

Institusyon: DIVINE WORD COLLEGE OF BANGUED

Makabuluhang-Salita: Gamit sa pag-aaral, Mag-aaral ng Edukasyong Pangguro,

Pandemiya, Problemang nauugnay sa mag-aaral,

Problemang patungkol sa pamilya, Profayl, at

Suliraning Pang-akademiya

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Mga Suliraning Pang-akademiya sa

Gitna ng Pandemiya” ay naglalayong matukoy ang mga suliraning pang-akademiko na

kinakaharap ng mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro (Teacher Education) ng Divine

Word College of Bangued (DWCB), Bangued Abra. May pitumpung (70) mga

tagatugong mag-aaral mula sa dalawang kurso ng Bachelor of Elementary Education

(BEED) at Bachelor of Secondary Education (BSED) ng Divine Word College of

Bangued, Bangued Abra.


viii

Ito ay isinagawa sa pamamaraang deskriptibong pananaliksik na kung saan

inilahad nang pasalarawan ang datos at gumamit ng talatanungan sa pagkalap ng datos,

sinuri at tinaya ang mga nakolektang datos sa pag-aaral gamit ang frequency count at

percentage.

Malaki ang naging epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa

kasalukuyan lalo na sa larangan ng edukasyon sa buong mundo at ang anyo ng bagong

normal na edukasyon ay malayong-malayo sa dating nakasanayang ‘normal.’ Flexible

learning ang tawag sa ipinatupad na paraan ng pag-aaral sa kasalukuyang taong-

panuruan para hindi mahinto ang pag-aaral ng milyon-milyong kabataan sa gitna ng

pandemiya.

Lumabas sa pangkalahatang resulta ng pag-aaral ng mga mananaliksik na ang

tinatayang pinakasuliranin ng mga tagatugon batay sa problema tungkol sa pamilya ay

ang suliraning pampinansyal kung saan ay hindi sapat ang kinikita ng mga magulang

dahil pa rin sa pandemiya. Gayon din ang suliranin sa mga kailangang gamit sa pag-

aaral kung saan lumabas batay sa nakalap na datos ang pinakasuliranin ng mga

tagatugon ay mahina ang signal ng internet connection ng mga tagatugon dahil lahat ay

gumagamit kaya bumabagal ang signal nito. Habang ang panghuling suliranin na

nauugnay sa mga mag-aaral, naitalang ang pinakasuliranin ng mga tagatugon mula sa

BSED ay ang walang quarantine pass sapagkat isa lang sa bawat pamilya ang mayroon

nito samantala ang suliranin ng mga tagatugon mula sa BEED ay ang depresyon o
ix

anxiety dahil sa paglaganap ng pandemiyang ito kayat sapilitang sila ay kailangang

manatili nalang sa bahay para sa kanilang kaligtasan.

TALAAN NG NILALAMAN

Preliminaries Pahina
Pamagat …………………………………………………………… …………… i
Pagpapatibay……………………………………………………………….......... ii
x

Pagsang-ayon………………………………………...……………….................. iii
Pasasalamat………………………………...…………………………………..... iv
Paghahandog………………………………………………………………….…. vi
Abstrak……………………………………….………………… ……………..... vii
Talaan ng Nilalaman……………………………………………...………..…..... x
Talaan ng Talahanayan……………………...………………………………….. xii
Talaan ng Apendiks…………..…………………………..….……..……….…… xiii

Kabanata

1. ANG SULIRANIN

Panimula…………………………………………….....…….……. 1

Balangkas Konseptuwal ng Pananaliksik……………...…………. .17

Paradim ng Pag-aaral……………….…………….......……...……..18

Paglalahad ng Suliranin……………………….…..……...………...19

Saklaw at Delimitasyon.……....…………........…..…… ………….19

Kahalagaan ng Pag-aaral…..………………………………………20

Katuturan ng mga Salita...…………..………………….………….22

2. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik……………………...…….......................24

Pook at mga Taong Kasangkot sa Pananaliksik……......................24

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik……………..…................25

Paraang Ginamit sa Paglikom ng mga Datos…........……................26

Pagsusuring Istatistikal ng mga Datos….……..……….…………...26

3. PRESENTASYON, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN


xi

NG MGA DATOS……………………………………………...……...…..27

4. NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON…........45

TALASANGGUNIAN…………………………..…………………...……49

APENDIKS………………………………………….....……………....…. 51

BALANGKAS PANSARILI……………………...….……...….……….. 59

TALAAN NG TALAHAYAN

Talahanayan Pahina

1.a. Profayl ng mga Tagatugon Batay sa Kurso at Taon……………….………...27


xii

1.b. Profayl ng mga Tagatugon Batay sa Kasarian………………...……………..31

1.c. Profayl ng mga Tagatugon Batay sa Edad……………..……...…….….........33

2.a. Mga Problema Tungkol sa Pamilya………..……………….….……...……..36

2.b. Mga Kailangang Gamit sa Pag-aaral……………………………..….……....39

2.c. Mga Problemang Nauugnay sa mga Mag-aaral…………………….………..41

TALAAN NG APENDIKS

Apendiks Pahina

1. Sulat Pahintulot sa Punong Pamprograma…..….…………….……………52


xiii

2. Sulat Pahintulot para sa mga Tagatugon…………………….……………..53

3. Sulat para sa mga Tagasuri………………………………………………...54

4. Talatanungan…………………………………………..…………………...56
1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang mga mag-aaral ay may sariling pamamaraan ng pagkatuto pagdating sa pag-

aaral. Ang mga pamamaraan ng pagtuturo ay maaring epektibo sa mga pang

akademikong pagganap ng mga mag-aaral, maaari ring hindi. Kaya naman mahalagang

alamin kung paano nakakatulong ang mga paraan na ito sa iba’t ibang aspeto ng

kakayahan ng mga mag-aaral.

Ang edukasyon ay isang mahalagang aspeto ng pag-unlad ng bawat bansa. Sa

bawat paaralan, ang mga guro ang nangunguna sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mag-

aaral. Ngunit hindi lahat ng guro ay magkakatulad sa kanilang paraan ng pagtuturo. Ang

pagtuturo ay isa sa mga pinakamahalagang salik sa epektibong pag-aaral ng mga

estudyante. Ayon sa pag-aaral, ang pagtuturo ay may iba’t ibang uri at ito ay naayon sa

spesipikong sitwasyon ng tinuturuan ; a.) baitang b.) kakayahan c.) abilidad ng mga

estudyante.

Ayon kay Erdman & Ng, (2010), ang paaralan ay isang partikular na kritikal na

mapagkukunan ng panlipunang kapital para sa mga mag-aaral nito. Nagbibigay ito ng

pisikal at panlipunang balangkas para sa mga guro, mag-aaral, at mga


2

magulang/tagapag-alaga upang magtulungan tungo sa kabutihang panlahat, o palawigin

ang proseso ng akulturasyon ng mga bata o kabataan.

Karagdagan dito, hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang paggamit ng

mabubuting pamamaraan ng pagtuturo. Nakasaalay sa mabuting pamaraan ng pagtuturo

ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro.

Walang isang paraan lamang na masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng uri

ng paksang aralin o isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon.

Kaya ang guro ang nagbabalak at nagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na

angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan ng mag-aaral, angkop sa

sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at

asignaturang kanyang itinuturo.

Dagdag pa dito, ayon kay Senthamarai (2018) , hinihikayat ang mga guro na gamitin ang

kanilang propesyonal na paghatol upang suriin ang mga iminungkahing estratehiya at

magpasya ang pinakaangkop para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga

mag-aaral at ihatid ang mahahalagang nilalaman sa isang katatagan at kagalingan.


3

Sa kabilang banda, ang dalawang pilosopo na sina John Locke (Some Thoughts

Concerning Education) at Jean-Jacques Rousseau (On Education), ay bumuo ng iba't

ibang teorya kung paano magtuturo na humahantong na magkaroon ng ideya ng iba't

ibang istilo ng pagtuturo ngayon. Natuklasan rin ni Locke ang kahalagahan ng

pagpapaunlad ng pisikal na gawi ng isang bata sa anumang bagay at ito ay mahalaga sa

pag-unlad ng isang bata. Naniniwala naman si Rousseau na ang edukasyon ay dapat na

mas nakasentro sa mga pakikipag-ugnayan ng isang bata sa mundo at ang istilo ng

pagtuturo ay dapat na hindi gaanong tumutok sa mga libro.

Ayon naman kay Grasha (1996), isa sa pinakakaraniwang pinag-aaralang aspeto ng

pagtuturo ay ang istilo ng pagtuturo na ginagamit ng mga guro. Ang isang istilo ng

pagtuturo ay tinukoy bilang ang pangkalahatang diskarte na ginagamit ng isang guro

upang mapadali ang pag-aaral, at kabilang dito ang mga salik tulad ng mga layunin ng

pagtuturo ng guro, ang antas ng istruktura sa kanilang mga aralin, at ang antas ng

pakikipag-ugnayan nila sa kanilang mga mag-aaral. Ipinakita ng pananaliksik na ang

iba't ibang istilo ng pagtuturo ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral

Ang pamamahala sa silid-aralan ay isa pang mahalagang salik na maaaring makaapekto

sa pagganap ng mag-aaral. Ang epektibong pamamahala sa silid-aralan ay nagsasangkot


4

ng paglikha ng isang positibong kapaligiran sa pag-aaral, pagtatatag ng malinaw na mga

inaasahan para sa pag-uugali, at paggamit ng naaangkop na mga hakbang sa

pagdidisiplina kung kinakailangan. Ipinakita ng pananaliksik na ang mga mag-aaral na

tinuturuan ng mga guro na may malakas na mga kasanayan sa pamamahala ng silid-

aralan ay may posibilidad na mas mahusay ang pagganap sa akademiko kaysa sa mga

hindi (Emmer & Stough, 2001).

Ang pagbibigay ng napapanahon at nakabubuo na feedback sa mga mag-aaral ay isang

mahalagang aspeto ng pagtuturo, at maaari itong magkaroon ng malaking epekto sa

pagganap ng mag-aaral. Ipinakita ng pananaliksik na kapag ang mga guro ay nagbibigay

ng tiyak na feedback sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang pagganap, makakatulong ito

upang mapabuti ang kanilang akademikong tagumpay (Hattie & Timperley, 2007).

Ang differentiated na pagtuturo ay isang diskarte sa pagtuturo na nagsasangkot ng

pagsasaayos ng pagtuturo upang matugunan ang mga indibidwal na pangangailangan ng

bawat mag-aaral. Maaaring kabilang dito ang pagbibigay ng iba't ibang antas ng hamon,

paggamit ng iba't ibang paraan ng pagtuturo, o pag-angkop ng mga materyales upang

matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na may iba't ibang istilo ng

pag-aaral. Ipinakita ng pananaliksik na kapag gumagamit ang mga guro ng


5

magkakaibang pagtuturo, maaari itong humantong sa pagpapabuti ng pagganap sa

akademiko sa mga mag-aaral (Tomlinson, 2014).

Sa dumaraming paggamit ng teknolohiya sa edukasyon, ginalugad din ng pananaliksik

kung paano makakaapekto ang pagsasama ng teknolohiya sa pagganap ng akademiko.

Ipinakita ng mga pag-aaral na kapag epektibong ginagamit ng mga guro ang teknolohiya

sa silid-aralan, mapapahusay nito ang pag-aaral ng mga mag-aaral at mapapabuti ang

pagganap sa akademiko (Zheng et al., 2016).

Sa pamamagitan ng personal na pagkilala sa iyong mga mag-aaral, tinutulungan mo

silang magkaroon ng mga karanasan sa mga bagay na hindi nila alam. Ipakita mo sa mga

mag-aaral kung paano gamitin ang lahat ng mga mapagkukunan ng paaralan- mga

tagapayo, coach, sponsor ng mga ekstrakurikular o aktibidad ng club, direktor ng

musika, tagapayo sa pahayagan ng paaralan. Ang mga pamamaraang ito ng pagsuporta

sa mga estudyante sa lipunan ay lahat ng aspeto ng pagtugon sa ating propesyonal na

obligasyon. Sama-sama, ang mga panlipunang elemento ng pagtuturo ay tumutulong sa

mga proseso ng akulturasyon ng paghahanda ng mga mag-aaral na maging matagumpay

sa ating lipunan.(Orlich, Harder & Callahan, 2012)


6

Ayon kay Mihai, et al. (2020), ang aktibong pagtuturo ay isang uri ng pagtuturo

na kung saan ang guro ay gumagamit ng mga aktibidad na nagpapakita ng pakikilahok at

pakikibahagi ng mga mag-aaral. Ito ay nagpapataas ng interes at kawilihan ng mga mag-

aaral sa pag-aaral dahil sa aktibong partisipasyon nila. Ang paggamit ng aktibong

pagtuturo ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kakayahang kritikal mag-isip ng mga

mag-aaral.

Nakakatulong din ang collaborative learning sa pang-akademikong pagganap ng

mga mag-aaral. Ayon kay Kirschner, et al. (2018), ang collaborative learning ay isang

paraan ng pagtuturo na kung saan ang mga mag-aaral ay nagtutulungan upang maabot

ang mga layunin sa pag-aaral. Sa ganitong paraan, ang mga mag-aaral ay nakakatugon

sa iba't ibang tanong at nagkakaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa mga konsepto

dahil sa pakikinig sa iba't ibang opinyon. Ang collaborative learning ay nagpapababa ng

antas ng anxiety sa mga mag-aaral at nakapagpapataas ng antas ng retention ng

impormasyon sa kanila.

Bukod sa aktibong pagtuturo at collaborative learning, ang paggamit ng

technology ay isang paraan rin upang mapataas ang pang-akademikong pagganap ng

mga mag-aaral. Ayon kay Hsu, et al. (2018), ang paggamit ng mobile application ay

nakatutulong sa pagpapadali sa mga mag-aaral upang matuto. Sa paggamit ng mobile


7

application, nagiging mas aktibo at mas epektibo ang pag-aaral dahil sa instant feedback

na kanilang nakukuha.

Ayon sa pahayag nina Diaz &; Cartnal, (1999), ang istilo ng pag-aaral ay

isang“unique”na natatanging kagustuhan sa pag-aaral at ito ay nakakatulong sa mga

guro upang mas makapagplano ng panuto nang mas maayos. Madaming maaring

nauugnay sa istilo ng pag-aaral at isang halimba nito ay ang apekto sa akademikong

pagganap at gender.

Ang mga paaralan ng Amerika ay ang nag-iisang pinakamalaking institusyong

serbisyong panlipunan. Ang mga inaasahang 2014 na gastusin para sa lahat ng K-12 na

pag-aaral ay higit sa $700 bilyon. Idinagdag doon ang tinatayang $300 bilyon para sa

mas mataas na edukasyon, at ang laki ng kanilang negosyo ay nagkakaloob ng malinis

na 7.6 porsiyento ng kabuuang produktong domestic ng bansa. Kinikilala ang mga guro

na bilang mga miyembro ng "industriya ng serbisyo," na nagsisilbi sa halos isa sa bawat

apat na tao, na kung kaya't dapat silang magkaroon ng malawak na pang-unawa sa

pagtuturo. Alam ng mga guro na kailangan nilang suriin kung paano sila nagtuturo sa

mga tuntunin ng kanilang itinuturo at kung kanino nila ito itinuturo. (Jean Anyon, 2014)
8

Darling-Hammond (2017) ay nagtalakay sa pangkalahatang pagtuturo sa buong mundo,

kung saan ipinakita niya ang mga magagandang halimbawa ng pagtuturo mula sa iba't

ibang bansa at kung paano ito maaring magamit sa pagpapabuti ng sistema ng

edukasyon. Ayon kay Hattie (2012), ang mga guro ay may mahalagang papel sa

pagpapabuti ng pagganap ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga estratehiya sa

pagtuturo na nagpapataas ng epekto ng pagtuturo. Sa kanyang pag-aaral, nagpakita siya

ng mga estratehiyang nakapagpapataas ng epekto ng pagtuturo tulad ng feedback,

pagtuturo ng istratehiya sa metakognisyon, at pakikisangkot ng mga magulang.

Marzano (2007) ay nagbigay ng isang komprehensibong balangkas para sa epektibong

pagtuturo, kung saan idinidiin niya ang pagkakaroon ng mataas na mga inaasahang uri

ng kasanayan at mga plano sa pagtuturo na nakatuon sa pagpapabuti ng kasanayan ng

mga mag-aaral. Ayon sa McREL International (2009), ang pag-evaluate sa mga guro ay

isang mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng kanilang pagtuturo, kung saan maaari

itong magbigay ng mga feedback at suporta para sa pagpapabuti ng kanilang mga

kasanayan sa pagtuturo.

Popham (2011) ay nagbigay ng kahalagahan ng pagsusuri sa pagkatuto ng mga mag-

aaral sa pamamagitan ng mga iba't ibang uri ng pagsusulit at pagsusuri sa kanilang mga

natutuhan. Si Rosenshine (2012) naman ay nagpakita ng mga prinsipyong


9

nakapagpapataas ng epekto ng pagtuturo tulad ng pagtuturo ng mga bagong kasanayan

sa maliliit na hakbang, pagsusuri sa mga dati, at pagpapakita ng mga halimbawa.

Nakapagbigay din ng mahahalagang kontribusyon si Tomlinson (2014) sa pagpapabuti

ng pagtuturo sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga pangangailangan ng bawat mag-aaral

at paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo na nakabatay sa kanilang mga

pangangailangan.

BALANGKAS KONSEPTWAL NG PAG AARAL  

Ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa konseptong nais matukoy ang mga iba’t

iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng mga guro at paano ito nakakaapekto sa pang

akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Kabilang sa Input: 1. Profayl ng mga mag-aaral tulad ng mga sumusunod: (a)

baitang at taon ng pinagtuturuan ; (b) taon ng pagtuturo; at (c) edad. Sumunod, ang

pagsukat kung gaano ka-epektibo ang uri ng pagtuturo ng mga guro: (a) kasanayan sa

mas epektibong komunikasyon; (b) malikhaing kasanayan; (c) pagsentro sa personal na

paglago ng mag-aaral; at (d) iba pang mga interaktibong pamamaraan. 

Samantalang sa proseso ay ang pangangalap at pagpapamudmod ng survey

questionnaire, pagsusuri at interpretasyon sa mga mag-aaral bilang mga tagatugon.  

Sa proseso naman ay ang pagkakaroon ng data base tungkol sa profayl ng mga

mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued at


10

makapagmumungkahi ang mga epekto at maaaring paraan upang maibsan ang mga suliranin

ng mga iba’t ibang uri ng pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral. 

INPUT PROSESO AWTPUT

1. Profayl ng mga guro 1. Survey sa 1. Pagkakaroon ng


ayon sa mga sumusunod: Profayl ng data base tungkol sa
mga mag- profayl ng mga mag-
a. baitang at taon ng
aaral. aaral ng Kagawaran
pinagtuturuan,
ng Edukasyong
b. taon ng pagtuturo Pangguro ng Divine
Word College of
c. edad 2. Pagsusuri at
Bangued, Bangued
pag-aanalisa ng
Abra.
mga ri ng
2. Implementasyon ng pagtuturo ng 2. Makapagmungkahi
iba’t ibang uri ng mga guro. ang mga epekto at
pagtuturo ng mga guro sa maaaring paraan
mga mag-aaral: upang maibsan ang
a. kasanayan sa mas mga suliranin ng mga
epektibong iba’t ibang uri ng
komunikasyon, pagtuturo ng mga
guro sa mga mag-
b. pagkamalikhaing aaral. 
kasanayan,
c. pagsentro sa personal .
na paglago ng mag-aaral;
at

d. iba pang mga


interaktibong
pamamaraan.
11

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtukoy sa

mga Iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng mga guro at ang mga epekto nito sa pang-

akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Divine Word College of Bangued,

Bangued Abra.

Inaasahang masasagot nito ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang profayl ng mga tagatugon ayon sa mga sumusunod sa salik:

a. baitang at taon ng pinagtuturuan;

b. taon ng pagtuturo;

c. edad

2. Ano ang mga iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng mga guro?

3. Ano-anong mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo?

4. Ano-ano ang mga epekto ng pagkakaroon ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo

sa mga mag-aaral?
12

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng

mga guro at ang epekto nito sa pang-akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang

mga guro na nagtuturo sa7 ika-11 at ika-7 baitang ang magsisilbing respondents na taga

tugon ng talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Tinatayang hindi matatawaran ang mga benepisyo at kapakinabangan ng pag-

aaral na ito sa iba’t ibang indibidwal na kasangkot sa pananaliksik kaya naman sa isang

masusing paningin ay inaasahang mailahad ang mga Iba’t ibang paraan ng pagtuturo .

Partikular itong magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Guro. Tinatayang sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay

makapagbabalangkas ang mga guro ng mahusay at mabisang paraan ng pagtuturo sa

mga mag-aaral.

Sa mga Mag-aaral. Gamit ang pananaliksik na ito ay inaasahang maging daan

upang maipamulat at mapalawig sa mga mag-aaral ang Iba’t ibang paraan ng pagtuturo

ng mga guro at ang mga epekto nito sa kanilang mga pang-akademikong pagganap.
13

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing batayan ng mga

magulang upang kanilang malaman kung paano nakakaapekto ang iba’t-ibang paraan ng

pagututro at paano ito nakakapekto sa kanilang mga anak.

Sa mga Mananaliksik. Mahalagang nakakalap ng mga karagdagang

impormasyon ukol sa mga Iba’t ibang paraan ng pagtuturo ng mga guro

masmaunawaan nang mabuti kung paano ito nakakaapekto sa pang-akademikong

pagganap ng mga mag-aaral.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing

batayan o sanggunian ng mga susunod pang mananaliksik na magiging interesado sa

paksang katulad nito.


14

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Ang panananaliksik na ito ay gumagamit ng mga terminolohiyang nagbibigay

larawan at nagpapaliwanag sa layunin nitong maitala ang mga mga iba’t ibang paraan ng

pagtuturo ng mga guro at ang epekto nito sa pang-akademikong pagganap ng mga mag-

aaral. Ito ay ang mga sumusunod:

Paraan ng Pagtuturo - Binubuo ng isang paraan ng pagtuturo ang mga prinsipyo at

pamamaraan na ginagamit ng mga guro upang paganahin ang pagkatuto ng mag-aaral,

pag-unawa at kanilang aplikasyon ng iba't ibang kaalaman, konsepto at proseso.

Pagtuturo - ang sama-samang pagbabahagi ng kaalaman at karanasan, na karaniwang

nakaayos sa loob ng isang disiplina at, sa pangkalahatan, ang pagbibigay ng pampasigla

sa sikolohikal at intelektwal na paglago ng isang mag-aaral.

Guro - Isang taong may kakayahang magpaliwanag at magpakita ng mga konsepto sa

iba't ibang paraan para sa iba't ibang mga mag-aaral at istilo ng pagkatuto. Tinutulungan

nito ang mga mag-aaral na magkaroon ng kaalaman, kakayahan, o kabutihan, sa

pamamagitan ng pagsasanay sa pagtuturo.

Mag-aaral - isang taong pormal na nakikibahagi sa mga araling itinuturo ng mga guro,

kung saansiya ay nakatala sa isang institusyong pang-edukasyon o ang tinatawag na

paaralan.
15

Silid- aralan - isang silid na pang-edukasyon kung saan isinasagawa ang mga aralin. Ito

ay isang lugar kung saan ang mga guro at mag-aaral ay pumapasok araw-araw upang

makipag-ugnayan, matuto, magturo at magbahagi ng mga kaalaman.

Edukasyon - isang may layuning aktibidad na isinagawa sa mga paaralan kung saan

nakakamit ng mag-aaral ang ilang partikular na layunin, tulad ng paghahatid ng

kaalaman o pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan at katangian.

Collaborative Learning - ang pang-edukasyon na paraan ng paggamit ng mga grupo

upang mapahusay ang pagkatuto sa pamamagitan ng pagtutulungan. Ang pamamaraang

ito ay aktibong hinihikayat ang mga mag-aaral na magproseso ng impormasyon at mga

konsepto, sa halip na gumamit ng paulit-ulit na pagsasaulo ng mga katotohanan at

numero.

Pang-akademikong Pagganap - ang pagsukat ng tagumpay ng mag-aaral sa iba't ibang

asignaturang akademiko. Karaniwang sinusukat ng mga guro at opisyal ng edukasyon

ang tagumpay gamit ang pagganap sa silid-aralan, mga nakasulat na gawa, at mga

resulta mula sa mga pagsusulit.


16

Kabanata 2

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa bahaging ito ng pag-aaral ang mga pamamaraang kinakailangan

upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Sa bahaging ito nakasaad ang mga

paraan ng pananaliksik, disenyo ng pananaliksik, ang pook at mga taong kasangkot sa

pananaliksik, paraan ng pangangalap ng mga datos, at pagsasaayos ng istatistikal ng mga

datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa paggamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik, ang pangunahing layunin

ng pag-aaral na ito ay matuklasan, mailarawan, matukoy at mailahad ang mga iba’t

ibang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro at paano ito nakakaapekto sa pang

akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word

College of Bangued, Abra.

Pook at mga Taong Kasangkot sa Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa paaralan ng Divine Word College of

Bangued na matatagpuan sa Rizal St., Zone 6 Bangued, Abra sa taong panuruan 2020-

2021.
17

Karagdagan nito, kasangkot sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa iba’t ibang

antas ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa Divine Word College of Bangued na

may 52 (limampu’t dalawa) o 74. 28% mula sa Bachelor of Secondary Education

(BSED) at 18 (labing-walo) o 25. 72% naman mula sa Bachelor of Elementary

Education (BEED) na may kabuuang bilang na 70 (pitumpu) na tagatugon upang

maisagawa ang pananaliksik na ito. Ang mga nasabing tagatugon ay sumasakop sa

Taong Panuruan ng 2020-2021. Walumpu’t isa (81) ang kabuuan ng mag-aaral na nag-

enrol ng Edukasyong Pangguro ngunit may iba na hindi tumugon dahil wala silang

kagamitan o gadget at hindi sila nakita sa paaralan.

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungang binubuo ng dalawang bahagi

upang malaman ang mga surliraning pang-akademiya na hinaharap sa gitna ng

pandemiya ng mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of

Bangued, Bangued Abra.

Ang unang bahagi ay nauugnay sa profayl ng tagatugon kagaya ng kurso, taon,

kasarian at edad. Ang panghuling bahagi naman ay ang mga suliraning kinakaharap

batay sa mga sumusunod na salik: mga problema tungkol sa pamilya, mga kailangang

gamit sa pag-aaral at mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral.


18

Paraang Ginamit sa Paglikom ng Datos

Upang mabigyang katuparan ang mga layunin ng pag-aaral na ito ay sumailalim

ang mga mananaliksik sa mga tiyak na gawaing may kaugnayan sa paglikom ng datos

tulad ng paghingi ng pahintulot mula sa Punong Pamprograma ng Departamento ng

Sining, Agham at Edukasyon. Kasunod nito ay pagbibigay ng Letter of Consent sa mga

tagatugon ng mga posibleng dulot ng pananaliksik na ito at ang iba naman ay sa

pamamagitan ng Google Form Online at ang kasiguraduhang manatiling lihim ang

kanilang pagkatao upang maprotektahan ang kanilang pagkakakilanlan at maging ang

kanilang mga kasagutan.

Pagsusuring Istatistikal ng mga Datos

Sinuri at tinaya ang mga nakolektang datos sa pag-aaral na ito gamit ang

Frequency Count and Percentage upang ilarawan ang mga suliraning pang-akademiko

sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word

College of Bangued, Abra.

Percentage (%) = f x 100/n


Kung saan:
% = Percentage
f = Bilang ng mga Tagatugon
n = kabuuang bilang ng mga Tagatugon
19

Kabanata 3
PRESENTASYON, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN
NG MGA DATOS

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga naging resulta ng pag-aaral at binigyang

pagpapakahulugan ang mga nakalap na impormasyon nang sa gayon ay makabuo ng

isang angkop na konklusyon na siyang nagiging batayan upang suportahan, pagtibayin o

di kaya ay pasubalian ang mga nakalipas na pag-aaral.

Suliranin 1. Ano ang profayl batay sa kurso at taon, kasarian, at edad ng mga mag-

aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued, Abra?

Makikita sa talahayan 1.a na binubuo ng dalawang kurso ang Edukasyong

Pangguro ang Bachelor of Elementary Education (BEED) at Bachelor of Secondary

Education (BSED).

Talahanayan 1.a. Profayl ng mga Tagatugon batay sa Kurso at Taon

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secndary


Education (BEED) Education (BSED)
Taon f % F %
1. Unang Taon sa Kolehiyo 10 14.28% 24 34.29%
2. Ikalawang Taon sa Kolehiyo 7 10% 11 15.71%
3. Pangatlong Taon sa Kolehiyo 1 1.43% 17 24.29%
20

Kabuuan 18 25.71% 52 74.29%


Makikita sa talahanayan 1.a ang kabuuang resulta ng profayl ng mga tagatugon

batay sa kanilang kurso at taon. Lumabas na pinakamataas na naitalang tagatugon ay

mula sa kursong BSED na kung saan ito ay nakapagtala ng limampu’t dalawa (52) o

74.29% na mas mataas kumpara sa kursong BEED na nakapagtala ng labing-walo (18) o

25.71%. Datapwat hindi ito nakapagtataka dahil lumabas sa ginawang pag-aaral ng mga

mananaliksik ay natuklasan nilang mas maraming mga mag-aaral sa kursong BSED

kumpara sa BEED.

Sa resultang nakalap ng mga mananaliksik, mas marami ang mag-aaral sa unang

taon ng BEED na may bilang na sampu (10) o 14.28% at unang taon ng BSED na may

bilang na dalawampu’t apat (24) o 34.29%. Ang dahilan na nakikita kung bakit mas

marami ang nag-enrol sa unang taon kaysa sa nakaraang taon dahil sa pandemiya na

dahilan ng maraming mga magulang ang nabahala para sa kaligtasan ng mga anak kung

kaya minabuti na lang na di sila pag-aralin sa malayo. Sa may mataas na mag-aaral ng

BEED ay ang ikalawang taon na may bilang na pito (7) o 1.43% at sa BSED ay ang

pangatlong taon na may bilang na labing-pito (17) o 24.29%. Ang panghuli na may

pinakababa na bilang ng mag-aaral sa BEED ay ang pangatlong taon na may bilang na

isa (1) o 1.43% at sa BSED naman ay sa ikalawang taon ng may bilang na labing-isa

(11) o 15.71%.
21

Karagdagan nito, natuklasan din ng mga mananaliksik na mas marami ang mga

mag-aaral ng parehong kurso na BSED at BEED ang nasa unang taon kaysa sa mga nasa

mas mataas na taon. Isa sa nakikitang dahilan ay ang konsepto o mindset na ang

pagiging guro ay may kaakibat na malaking gampanin. Ayon kay Prof. Edwin L. Del

Rosario na magtatatlong dekada nang nagtuturo, kung sino mang maghangad na pasukin

ang propesyon ng pagtuturo ay kailangang tupdin ang tatlong bagay: “Akyatin ang

bundok ng mga gawaing-papel,” “languyin ang dagat ng mga kabataan” at “tahakin ang

landas ng mga responsibilidad at komitment.”

Isa sa dahilan ay ang epekto nang patuloy pa ring paglaganap ng COVID-19 na

kung saan labis na nababahala ang mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak

sa malayong paaralan o labas ng probinsya para na rin sa kanilang kaligtasan at gayon

din na hindi magawi sa maling daan ang kanilang mga anak lalo na at hindi pa rin

pinapayagan ang face-to-face classes. Kung ikukumpara sa kasalukuyang taon ang mga

mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ay nasa bilang na walumpu’t isa (81) mas mababa

ito kumpara sa nakaraang taon na higit isangdaan.

Mas madami din naman ang mga mag-aaral ng BSED sa ikatlong taon kumpara

sa ikalawang taon habang ang mga mag-aaral naman ng BEED ay mas madami ang mga

nasa ikalawang taon kaysa sa ikatlong taon. Isa sa dahilan na natuklasan ng mga

mananaliksik sa kanilang sinagawang pag-aaral ay ang patuloy na kahirapan na mas

pinahirap pa lalo dulot ng pandemiya.


22

Napag-alaman din ng mga mananaliksik na hindi halos lahat ng mga magulang

ay kayang tustusan ang pag-aaral ng kanilang anak kung kaya’t napilitan silang patigilin

pansamantala at humanap ng ibang pagkakakitaan nang sa gayon ay makapag-ipon ng

pang-matrikula o di naman kaya may iba na mas nagustuhan na nilang magkapera sa

pamamagitan ng maagang pagtatrabaho, kung saan mas priyoridad nila ang magkapera

at maghanap-buhay kaysa makapagtapos ng pag-aaral. May iba naman na napilitang

lumipat na lang sa pampublikong paaralan dahil mas kaunti ang kanilang matrikula at

nang sa gayon ay maipagpatuloy pa rin nila ang kanilang pag-aaral kahit paano.

Isa pang dahilan na natuklasan ng mga mananaliksik kung bakit patuloy na

bumabagsak ang bilang ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay ang maagang pagkakaroon ng

pamilya. May ibang kabataan na namulat sa maagang edad sa pagkakaroon ng anak kaya

naman ay napilitan silang tumigil sa pag-aaral.

Habang ang iba ay nalulong sa bisyo, napabarkada o online games. Hindi sila

palaging pumapasok sa paaralan kung kaya’t may mga magulang na kahit gustong

pagtapusin ang kanilang mga anak ay ang anak mismo ang ayaw nang mag -aral at mas

gusto na lang tumigil sa pag-aaral.

Ayon nga kay Dr. Jose Rizal, ang mga kabataan ang pag-aasa ng bayan ngunit

dahil sa hindi pa rin masolusyonan ang mga tinaguriang sakit sa lipunan tulad ng

kahirapan ay nagiging hadlang ito para sa pagkamit ng mga kabataan sa kanilang mga
23

pangarap at magandang kinabukasan. Datapwat sa kabila nito, ay patuloy pa rin na

naniniwala ang mga guro na siyang susi sa paghubog ng pagkatao at kinabukasan ng

bawat kabataan na hindi hadlang ang kahirapan at lalo na ang pandemiya sa kasalukuyan

para makapagtapos sa pag-aaral.

Talahanayan 1.b. Profayl ng mga Tagatugon batay sa Kasarian


Lumabas sa talahanayan 1.b ang malaking agwat ng kabuuang resulta sa profayl

ng mga tagatugon batay sa kanilang kasarian. Napag-alaman ng mga mananaliksik na

mas mataas ang bilang ng mga babae kumpara sa mga lalaking mag-aaral sa kursong

Edukasyong Pangguro.

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secondary


Education (BEED) Education (BSED)
KASARIAN f % f %
1. Lalaki 2 2.86% 14 20%
2. Babae 16 22.86% 38 54.28%
Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%

Sa natuklasang resulta ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay napatunayan na

dominante ang kababaihan na kumukuha ng kursong Edukasyong Pangguro dahil sa

likas na pagkapusong mamon ng mga kababaihan na kung saan ay mas mahaba ang

kanilang pasensya na umintindi at mag-alaga ng mga bata na sumasalamin sa katangian

ng isang ilaw ng tahanan na babae ang humuhulma sa tahanan. Subalit kung susumahin,

hindi naman papahuli ang mga kalalakihan ngunit hindi halos lahat ay sumasang-ayon
24

na pangbabae lamang ang kursong guro datapwat ito ay nakabatay pa rin sa hilig o gusto

ng mga mag-aaral dahil kung tutuusin ang guro bilang isang propesyon ay layunin na

humubog, mag-alaga at turuan ang mga mag-aaral sa kahit anumang aspeto na siyang

magagamit nila sa buhay.

Ayon kay Stearman (2004), tinatawag na patriyarkal ang isang lipunan o grupo

na pinananigan ng mga kalalakihan at matriyarkal naman kung dominante ang hanay ng

mga kababaihan. Ang resulta sa nakalap na datos ng mga mananaliksik batay sa kasarian

ng mga tagatugon ay mas mataas ang bilang ng mga babae sa kursong BEED na bilang

na labing-anim (16) o 22.86% kumpara sa mga lalaki na may pinakamababang bilang na

dalawa (2) o 2.86. Sa kursong BSED naman ay babae din ang pinakamataas na may

bilang na nakapagtala ng tatlumpu’t walo (38) o 54.28% at sa lalaki ang pinakamababa

na may bilang na labing-apat (14) o 20%.

Bahagi na ng kultura at kasaysayan ang paghamhambing sa mga babae at lalaki

sa kanilang kakayahan bilang isang guro datapwat hindi naman masusukat ito sa

pagiging isang mabuti at mahusay na guro. Gayon man ay makikitang mayroon talagang

pagkakaiba-iba ang babae sa lalaki, parehas silang may tinataglay na kalakasan at

kahinaan.

Hindi naman mapagkakaila sa kabilang banda na kakaunti lang ang kumukuha

ng kursong Edukasyong Pangguro sa mga lalaki dahil na rin sa tingin nilang ito ay para
25

lang sa mga babae at gustong panatilihin ang kanilang pagkalalaki. Sa madaling salita,

mas maunawain, maalagain at mapagpasensya ang mga babae na kung saan ito ang

pinakakailangang katangian ng isang guro para sa kaniyang mga mag-aaral.

Talahanayan 1.c. Profayl ng mga Tagatugon batay sa Edad


Makikita sa talahanayan 1.c ang naitalang kabuuan ng profayl ng mga

tagatugon batay sa kanilang edad. Humalata ang pagkakaiba-iba ng edad ng mga mag-

aaral sa kursong Edukasyong Pangguro batay sa nakalap na datos ng mga mananaliksik

para sa pag-aaral na ito.

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secondary


Education (BEED) Education (BSED)
Edad f % f %
1. 17-18 Taong Gulang 5 7.14% 9 12.85%
2. 19-20 Taong Gulang 10 14.29% 25 35.71%
3. 21-22 Taong Gulang 3 4.29% 16 22.86%
4. 22-23 Taong Gulang 0 0% 2 2.86%
5. 23 at Pataas Taong Gulang 0 0% 0 0%

Kabuuan 18 25.72% 54 74.28%

Lumabas sa nakalap na datos na karamihan sa mga tagatugon ay nasa edad 19-20

taong gulang sa parehong kurso, para sa BEED may bilang na sampu (10) o 14.29%

para at sa BSED ay may bilang na dalawampu’t lima (25) o 35.71%, na siya namang

karaniwang edad sa mga inaasahang mag-aaral ng kolehiyo lalo na at nadagdagan ng

panibagong dalawang taon ang antas ng sekondarya na tinatawag na K-12.


26

Ang K-12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon ng

mandatory o required na kindergarten at karagdagang (2) taon sa dating 10-Year Basic

Education Cycle. Kung, noon pagkatapos ng anim (6) na taon sa elementarya at apat (4)

na taon naman sa sekondarya ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga mag-aaral

subalit sa kabilang banda, sa ilalim ng K-12 Program ay kailangang dumaan sa

karagdagang dalawang (2) taon pagkatapos ng apat (4) na taong sekondarya. Sa bagong

sistema tinatawag na Senior High School ang karagdagang taon habang ang apat (4) na

taon sa sekondarya sa lumang sistema ay tinatawag na Junior High School. Sa kabuuan,

ang Kindergarten hanggang Grade 12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic

Education sa ilalim ng K-12 Program.

Sa kabilang dako, lumabas sa kabuuang resulta ng pag-aaral ng mga

mananaliksik na may mga mag-aaral na nasa edad 17-18 taong gulang na may bilang na

lima (5) o 7.14% sa kursosng BEED na kung saan pumapangalawa sa pinakaraming

naitala para sa edad ng mga mag-aaral mula sa Edukasyong Pangguro na pawang mga

nasa unang taon pa lamang ng kolehiyo. Habang pumangatlo naman sa mga nakalap na

datos ang nasa edad 21-22 taong gulang na may bilang na labing anim (16) o 22.86% sa

kursong BSED na angkop para sa mga tagatugon mula sa nasa ikatlong taon ng kolehiyo

at panghuli, ang mga nasa edad 22-23 taong gulang na may bilang na dalawa (2) o 2.8%

na kung saan napag-alaman ng mga mananaliksik na may tagatugon na nasa una at

pangatlong taon sa kolehiyo ang ngayon ay nag-aaral kapwa tumigil noon sa pag-aaral
27

para makapaghanap-buhay nang sa gayon ay makapag-ipon ng pangmatrikula dahil sa

hirap sa buhay lalo na at hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang ang kanilang

pag-aaral.

Gayon pa man, ay hindi magkakalayo ang agwat ng edad ng mga tagatugon. Ito

ay pinapatunayan sa pag-aaral ni Machtinger (2007) na nagsasabi na ang edad at aspeto

ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnayan.

Ang edad ng mga mag-aaral ay maaaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit

anumang larangan. Bagamat may mangilan-ngilang mag-aaral na lumalagpas sa

karaniwang inaasahang edad, ito ay normal lamang sapagkat ang edukasyon ay walang

pinipiling edad.

Suliranin 2. Ano ang mga suliraning kinakaharap batay sa mga sumusunod na

salik:

a. Mga problema patungkol sa pamilya

b. Mga kailangang gamit sa pag-aaral

c. Mga problemang nauugay sa mga mag-aaral

Makikita sa talahanayan 2.a ang naging resulta sa nais malaman ng mga

mananaliksik tungkol sa suliraning kinakaharap tungkol sa problema sa pamilya sa gitna


28

ng pandemiya ng mga mag-aaral mula sa Edukasyong Pangguro ng Divine Word

College of Bangued, Bangued Abra.

Talahanayan 2.a. Mga Problema Tungkol sa Pamilya

N= 70

Bachelor of Elementary Bachelor of Secondary


Education (BEED) Education (BSED)
Mga Problema Tungkol Sa Pamilya f % f %
1. Hindi palagiang binibigyang-pansin 2 2.86% 8 11.43%
ng mga magulang ang pag-aaral ng
anak
2. Hindi suportado ng magulang ang 3 4.29% 10 14.28%
interes ng anak
3. Problemang pampinansyal, hindi 3 4.29% 19 27.14%
sapat ang kinikita ng mga magulang
4. Wala o kulang ang pamasahe 10 14.28% 15 21.43%
papunta sa eskwela dahil tumaas ang
pamasahe
Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%

Nakasaad sa itaas Talahayan 2.a ang resulta ng unang salik ng mga suliraning

hinaharap sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral sa Kagawarang Edukasyong

Pangguro at ang mga sumusunod na problema tungkol sa pamilya.

Batay sa talahanayan 2.a napag-alaman ng mga mananaliksik ang

pinakasuliranin na kinakaharap ngayon ng mga tagatugon mula sa kursong BSED ay ang

“problemang pampinansyal” na may bilang na labing siyam (19) o 27.14% na kung saan

ay hindi sapat ang kinikita ng mga magulang samantala ang mga tagatugon mula sa
29

kursong BEED ang pinakasuliranin nila ay ang “wala o kulang ang pamasahe papunta sa

eskwela dahil tumaas ang pamasahe” na may bilang na sampu (10) o 14.28%. Ang mga

suliraning ito ay ilan lamang sa mga kinakaharap ngayon ng mga mag-aaral dahil pa rin

sa pandemiya.

Malaking pagbabago ang idunulot ng COVID-19 sa buong mundo, ang lahat ay

apektado nito at walang pinipili kung kaya’t marami ang naantala o di naman kaya ay

nawalan ng hanapbuhay at trabaho. Kaya naman maraming mga magulang ang

pinagkakasya ngayon ang kakaunting kita lalo na at nag-aaral halos lahat ng kanilang

mga anak. Ang kahirapan na nararanasan noon ay mas mahirap pa lalo ngayon dahil sa

kasalukuyang pandemiya. Ang pag-aaral sa gitna ng pandemiya ay napakahirap hindi

lang dahil sa bagong sistema ng edukasyon ngayon na tinatawag na New Normal

Learning na kung saan ito ay paraan ng pag-aaral sa pamamagitan ng modular at online

classes idadagdag na rin ang panibagong pagsubok dahil hindi sapat ang kinikita ng mga

magulang lalo na at halos tumaas lahat ng bilihin, pamasahe at marami pang ibang

pangangailangan.

Pumangawala naman sa mga nakalap na datos sa BSED ang suliraning “wala o

kulang ang pamasahe papunta sa eskwela dahil tumaas ang pamasahe” habang ang mula

sa BEED ay ang “hindi suportado ng mga magulang ang interes ng anak” at

“problemang pampinansyal” dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang.


30

Sumunod batay sa nakalap na datos mula sa BSED ay ang “hindi suportado ng

mga magulang ang interes ng anak” habang panghuli, pareho na pumang-apat sa

dalawang kurso ng Edukasyong Pangguro ang suliraning “hindi palagiang binibigyang-

pansin ng mga magulang ang pag-aaral ng anak.”

Isa sa napag-alaman ng mga mananaliksik sa pag-aaral na kanilang isinagawa na

may mga magulang na hindi suportado ang mga interes ng kanilang anak sapagkat lahat

naman ay magkakaiba ng gusto o interes sa buhay minsan nga lang kaya hindi suportado

ng mga magulang ay hindi ito nakabubuti para sa kanilang mga anak, walang magulang

na gustong ipahamak ang kanilang anak kung kaya’t hindi mapagkakaila na minsan ay

hindi sinusuportahan ng mga magulang ang gusto ng anak.

Gayon din, ang suliraning hindi palagiang binibigyang-pansin ng mga magulang

ang pag-aaral ng anak. Sa panahon ngayon, kung saan ang lahat ay isang pindot lang

dahil sa tulong ng teknolohiya lahat ay madali datapwat sa kabila nito ay napapabayaan

ng mga magulang ang pag-aaral ng anak dahil na rin sa impluwensya ng teknolohiya at

hindi sapat na patnubay ng mga magulang.

Suliranin 2.b. Mga Suliraning Kinahaharap Batay sa mga Kailangang Gamit sa

Pag-aaral

Makikita sa talahanayan 2.b ang naging resulta sa nais malaman ng mga

mananaliksik tungkol sa suliraning kinakaharap tungkol sa mga kailangang gamit sa


31

pag-aaral sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral mula sa Edukasyong Pangguro ng

Divine Word College of Bangued, Bangued Abra.

Talahanayan 2.b. Mga Kailangang Gamit sa Pag-aaral

N= 70

Bachelor of Bachelor of
Elementary Education Secondary Education
Mga Kailangang Gamit sa Pag-aaral f % f %
1. Walang internet connection 0 0% 8 11.43%
2. Mahina ang signal ng internet 14 20% 36 51.43%
connection
3. Kulang sa kagamitan para sa online 4 5.71% 8 11.43%
class tulad ng smartphone, laptop, tablet

Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%

Lumabas sa Talahayan 2.b ang resulta ng ikalawang salik ng mga suliraning

hinaharap sa gitna ng pandemiya ng mga mag-aaral sa Edukasyong Pangguro ito ang

mga kailangang gamit sa pag-aaral.

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral nay

parehong nakapagtala ng pinakamataas ang dalawang kurso sa Edukasyong Pangguro sa

suliraning “mahina ang signal ng internet connection” na kung saan may bilang na

labing-apat (14) o 20% sa BEED habang tatlupu’t anim (36) o 51.43% sa BSED.

Ayon kay Cu (2020), “worst” ang Pilipinas sa South East Asian pagdating sa

pagtatayo ng mga sell site, na mayroon lamang ng nasa 20,000 cell sites. Patuloy pa ring
32

lumulubo ang bilang ng mga gumagamit nito kung kaya’t nararapat lang ang

pagdaragdag subalit hindi madali dahil mismong ang pamahalaan ang problema. Sa

pagtaas ng mga gumagamit, at ang pagtaas ng data na kailangan sa kanilang paggamit ay

ang dahilan kung kaya tila mabagal pa rin ang internet connection.

Napag-alaman din ng mga mananaliksik na pumapangalawa sa suliraning

kinakaharap ngayon ng mga tagatugon sa kanilang pag-aaral sa gitna ng pandemiya ang

“walang internet connection” para sa mga mag-aaral mula sa BSED na may walo (8) o

11.43% habang kapareho din nito ang sumunod na suliranin na “kulang sa kagamitan

para sa online classes tulad ng smartphone, laptop, tablet” sa nakalap na datos ng mga

mananaliksik.

Samantala ang BEED sa kabilang dako, pumangalawa ang suliranin na “kulang

sa kagamitan” na may apat (4) o 5.71% para sa “online classes tulad ng smartphone,

laptop, tablet.”

Isang malaking tulong ang internet lalo na sa kasalukuyan para sa mga mag-aaral

sa gitna ng pandemiya. Nakakatulong ito hindi lang sa paghahanap ng mga karagdagang

impormasyon kundi maging sa pakiki-ugnayan ng mga guro at kanilang mag-aaral sa

pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang educational platforms. Subalit kung ano ang

iginanda at tulong nito ay ang kasalungat naman tuwing marami ang gumagamit dahil
33

kapag maraming gumagamit humihina o bumabagal ito na siyang nagiging rason na

hindi nakakapagklase ang ilan tuwing may online classes.

Samantala, sa pag-uumpisa ng panibagong taong panuruan sa kasagsagan ng

umiiral pa ring pandemiya, ang online classes ay naging susi para kahit papaano ay

maipagpatuloy pa rin ang klase datapwat ito ay nangangailangan ng internet na kung

saan ay may mga lugar na mahina ang signal. Ang mahinang signal ng internet

connection ay hindi na bago pero mas pinahina pa lalo ngayon ng pandemiya at nasa

loob ng bahay lang ang mga mag-aaral at lahat ay gumagamit nito.

Talahanayan 2.c. Mga Problemang Nauugnay sa mga Mag-aaral

Makikita sa talahanayan 2.c ang naging resulta sa nais malaman ng mga

mananaliksik tungkol sa suliraning nauugnay sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemiya

mula sa mga mag-aaral ng Edukasyong Pangguro ng Divine Word College of Bangued,

Abra.

N= 70

Bachelor of Bachelor of
Elementary Education Secondary
(BEED) Education (BSED)
Mga Problemang Nauugnay sa mga Mag- F % f %
aaral
1. Walang quarantine pass 2 2.86% 12 17.14%
2. Pagsunod sa bagong Health Protcols 1 1.43% 9 12.86%
tulad ng pagsusuot ng face mask at face
shiled at pati social distancing
2 2.86% 6 8.57%
3. Tinatamad 0 0% 8 11.43%
34

4. Walang Motibasyon 5 7.14% 7 10%


5. Maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay 2 2.86% 6 8.57%
7. Nababagot sa paggawa ng modyul 6 8.57% 4 5.71%
8. Depresyon o Anxiety
Kabuuan 18 25.72% 52 74.28%

Nakasaad sa talahanayan 2.c ang suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral batay

sa mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral, ang pinakamataas na bilang ay ang

“walang quarantine pass” sa mag-aaral ng BSED na may labing-dalawa (12) o 17.14%.

Nagiging problema sa paglabas ng bahay ang quarantine pass, ito ang isa sa mga

kinakailangan upang mapayagang lumabas ngayong pandemiya. Isang quarantine pass

lamang ang mayroon para sa isang bahay o pamilya. Kailangan ang quarantine pass

upang maiwasan ang kumpul-kumpol na tao dahil kung wala ang quarantine pass hindi

maiiwasan ang paglabas ng maraming tao na magdudulot ng agarang pagkalat ng sakit

na COVID-19.

Sa mag-aaral ng BEED naman ang pinakamataas ay ang suliraning “anxiety o

depression” na may bilang na anim (6) o 8.57%. Ayon sa Centers for Disease Control

and Prevention (2020), 9.1% ng mga tao ang naiulat na mayroong major o minor na

depresyon. Isa sa mga nakikita nilang dahilan ay ang kasalukuyang pandemiya na siyang

nagpabago sa dating nakasanayan ng lahat. Karagdagan nito, ayon naman sa Word

Health Organization (WHO, 2020) may mahigit na 100 milyong tao ang may depresyon

sa buong mundo, ngnit mas mababa sa 25% sa kanila ang kailanman ay humingi ng

paggamot. Tinataya na sa taong 2020, magiging pangalawang kalagayan sa kalusugan


35

ang depresyon kasunod ng sakit sa puso sa mundo. Sa kabila nito, ang depresyon ay

isang malawak na sakit na hindi matukoy. Nakakaapekto ang banayad na depresyon sa

pang-araw-araw na gawain ng isang tao habang maaaring humantong ang malubhang

depresyon sa mga pagtatangkang magpakamatay. Gayunman, maaaring magamot ang

karamihang kaso ng depresyon at ang mas maagang pagsisimula ng paggamot, mas

mabisa ito.

Ang walang pagbabago sa kanilang gawain sa araw-araw buhat ng

magkapandemiya ay ang pagbabawal na hindi masyadong paglalalabas-labas at ang

pagkahinto ng face-to-face classes dahil dito nag-aaral silang mag-isa at walang inter-

aksyon sa kanilang mga kaklase at guro tulad ng nakasanayang face-to-face.

Karagdagan nito, isa rin sa mga dahilan ay ang labis na pag-aalala at nerbyos, sa

nangyayari ngayon hindi maiiwasan ang pag-aalala at mangamba sa kalusugan na

mahawaan ng sakit na virus, pag-aalala sa pamilya at pag-aalala sa pag-aaral. Sa pag-

aalala at pag-iisip na magkasakit ay nagdudulot ng anxiety dahil mahirap ang

magkasakit ngayon na maaaring maihiwalay sa pamilya. Dagdag pa nito, isa sa

nagdudulot ng anxiety ay ang pag-aalala sa pamilya dahil ilan sa mga mag-aaral ay

malayo sa kanilang mga pamilya. Panghuli, ang pag-aalala sa pag-aaral, may mga mag-

aaral na hindi masyadong nakakapagpasa at nakakakuha ng modyul dahil sa mahigpit na

pagpapatupad ng mga health protocol.


36

Sumunod ang mga ilan ding mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral

ngayong pandemiya. Sa mga resulta ng datos na nakalap ng mga mananaliksik,

maraming mga mag-aaral ng BEED ang “tinatamad” na may dalawa (2) o 2.86%,

“maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay” na may lima (5) o 7.14% at “nabuburyo sa

paggawa ng modyul” na may dalawa (2) o 2.86%. Ang mag-aaral naman ng BSED,

anim (6) o 8.57% ang “tinatamad at nabuburyo sa paggawa ng modyul”, walo (8) o

11.43% ang “walang motibasyon”, at pito (7) o 10% “ang may maraming sagabal sa

pag-aaral sa bahay.”

Ayon sa nagawang pananaliksik, ang dahilan ng pagkatamad, pagkabagot sa

paggawa ng modyul, maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay, at pagkawala ng

motibasyon ng mga mag-aaral ngayong pandemiya ay dahil sa labis na paggamit ng mga

gadget, paglalaro ng online games, paggamit ng mga social media, maraming sagabal sa

bahay tulad ng mga gawaing bahay na hindi maiiwasan lalo na at stay at home halos

lahat, ang hindi pagkikita-kita madalas ng mga kapamilya o kaibigan ay isa ring rason

kung bakit nawawalan ng motibasyon ang mag-aaral.

Dahil sa sobrang paggamit ng mga gadget at social media napapabayaan ang

mga gawaing pang-akademiya at nagdudulot ng pagkatambak ng mga ito.


37

Kabanata 4

TUKLAS, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng tuklas, kongklusyon at rekomendasyon ng

pananaliksik.

Pangkalahatang tuklas

Ang sumusunod ay ang pangkalahatang tuklas ng mga mananaliksik batay sa

kanilang nakalap na mga datos:

a. Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang profayl ng mga

tagatugon ayon sa kurso at taon ay mas mataas ang bilang ng tagatugon mula sa unang

taon sa parehong kurso ng BEED at BSED. Pangalawa ang ikatlong ng BSED ang may

mataas na bilang ng tagatugon at BEED ay sa ikalawang taon. Samantala, ayon sa

kasarian ng mga tagatugon, mas mataas ang bilang ng mga babae kumpara sa mga

lalaki. Ang panghuling edad ng mga tagatugon na kung saan ang pinakamataas ay ang

mga na sa edad 19-20 taong gulang, pumangalawa sa BSED ang 21-22 taong gulang

habang sa BEED ang 17-18 taong gulang na kung saan pangatlo naman ito sa BSED

habang sa BEED ay ang nasa 21-22 taong gulang at panghuli sa BSED ay ang nasa 22-

23 taong gulang.

b. Ang unang salik ng suliranin batay sa problema tungkol sa pamilya ay

pinakamataas sa BSED ang problemang pampinansyal na may bilang na labing siyam


38

(19) o 27.14% habang sa BEED ay ang wala o kulang ang pamasahe papunta sa eskwela

na may bilang na sampu (10) o 14.28% dahil tumaas ang pamasahe habang ang

pinakamababang naitala sa parehong kurso ay ang hindi palagiang binibigyang-pansin

ng mga magulang ang pag-aaral ng anak. Sa ikalawang salik ng suliranin batay sa mga

kailangan gamit sa pag-aaral ang pinakamataas sa parehong kurso ay ang mahina ang

signal ng internet connection na may bilang na labing apat (14) o 20% para sa BEED at

tatlumpu’t anim (36) o 51.43% naman sa BSED at ang pinakamababa ay ang walang

internet connection at kulang sa kagamitan para sa online class na may bilang apat (4) o

5.71% para sa BEED at walo (8) o 11.43% sa BSED. Panghuling salik ang mga

problemang nauugnay sa mga mag-aaral na ang pinakamataas na suliranin sa BSED ay

ang walang quarantine pass na may bilang na labing dalawa (12) o 17.14% habang sa

BEED ay ang suliranin sa depresyon o anxiety na may bilang na anim (6) o 8.57% na

kung saan ito ang pinakamababa sa BSED na may bilang na apat (4) o 5.71% samantala

ang pinakamababa sa BEED ay ang walang motibasyon na walang naitala.

Kongklusyon

Batay sa mga datos na nailahad, ang mga sumusunod ay ang pangkalahatang

kaalaman na nauugnay sa mga suliraning pang-akademiya sa gitna ng pandemiya:


39

Ayon sa natuklasan sa pag-aaral, mas marami ang BSED kaysa sa BEED,

gayundin na mas marami ang babae kaysa sa mga lalaki, at masmarami ang nasa edad na

19-20.

Ang pinakamabigat na suliranin ng mga tagatugon patungkol sa problemang

pampamilya ay ang problemang pampinansyal at wala o kulang ang pamasahe. Sa

suliranin tungkol sa gamit sap ag-aaral, ang mahina ay ang signal ng internet connection

naman ang nangunguna at panghuli ang depresyon at walang quarantine pass para sa

mga suliraning nauugnay sa mga mag-aaral.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:

Para sa mga Mag-aaral:

1. Maaaring mag-tutor para kahit papaano ay makatulong sa pangangailang

pampinansyal para sa pag-aaral.

2. Pagtatanim ng mga halaman para maibenta at pagkain na rin ng pamilya.

3. Maaari ring gamitin ang angking galing sa pagpipinta, pagguhit at marami

pang iba para kumita.


40

4. Makatutulong din kung magkakaroon ng talaan para sa mga gagawin sa araw-

araw at limitahan ang paggamit ng gadgets kung hindi kinakailangan sa pag-

aaral.

5. Makatutulong din ang palagiang kausap o tawagan ang mga mahal sa buhay

ng sa gayon kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan o anuman na

pinagdadaanan sa kasalukuyan.

Para sa mga Guro at Kawani ng Paaralan:

1. Ang paaralan ay inaasahang ipagpatuloy o mas paunlarin ang pagbibigay ng

Modyul.

2. Kung kinakailangan, ang mga guro ay dapat magkakaroon ng limited face-to-

face para sa mga isasangguni ng mga mag-aaral na problema sa kanilang aralin.

Para sa mga Magulang:

1. Palaging subaybayan ang pag-aaral ng mga anak.

2. Maglaan ng oras para kausapin sila kahit na maraming ginagawa nang sa

gayon ay magabayan sila at maging bukas ang isipan sa mga gusto o interes ng

anak.
41

TALASANGGUNIAN

CHED Chairman Prospero de Vera III, https://www.edukasyon.com

Machtinger (2007), https://www.researchgate.net/publication/281783362_Machtinger

Alfred Mercier (American Writer and Physician), https://www.goodreads.com

https://headspace.org.au/young-people/face-to-face-vs-online-leaning/

https://tophat.com/glossary/f/face-to-face-learning/

https://www.bls.gov/n\\\ews.release/famee.nr0.htm

https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-congress-

proceedings/2017/paper-49.pdfStearman (2004)

https://www.fairview.org/patient-education/115955TA

https://www.hrw.org/news/2021/05/17/pandemics-dire-global-impact-education

https://www.neda.gov.ph/ph-records-lowest-unemployment-rate-since-covid-19-peak-

econ-managers/

https://www.psychguides.com/depression/s

https://www.rappler.com/nation/students-mental-health-concerns-distance-learning-due-

interplay-factors
42

https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-problems-burden-

students-coronavirus-pandemic-philippines

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2666915320300731

https://www.weforum.org/agenda/2020/04/coronavirus-education-global-covid19-

online-digital-learning/Cathy Li (World Economic Forum)

https://www21.ha.org.hk/smartpatient/EM/MediaLibraries/EM/EMMedia/

Depression_Tagalog.pdf?ext=.pdf Depression / Tagalog Copyright © 2018 Hospital

Authority.

www.K-12ProgramBasicEducation.com
43

APENDIKS
44

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Apendiks 1

NATIVIDAD T. JORNACION, MA. Lit.


Punong Pamprograma
Departamento ng Sining, Agham at Edukasyon

Madam:

Maalab na pagbati sa inyo!


Bilang bahagi sa katuparan ng aming pangangailangan sa asignaturang Introduksiyon sa
Pananaliksik – Wika at Panitikan (FLED 17) ay kasalukuyan kaming gumagawa ng Papel
Pananaliksik na may pamagat na: “Mga Suliraning Pang-Akademiya sa Gitna ng
Pandemiya.” Kaugnay nito, kami ay kumakatok sa inyo para pahintulutan kaming
magpamudmod ng mga talatanungan sa mga mag-aaral sa Edukasyong Pangguro. Umasa
kayong anumang kasagutan ay ituturing na konpidensyal at lubos na pananatilihin ang
pagsunod sa health protocols sa pamumudmod ng mga talatanungan.

Lubos po kaming magagalak kung ang nasabing aktibidad ay inyong aaprubahan. Maraming
salamat at pagpalain kayo ng Diyos at ang inyong administrasyon!

Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE JAENNA FRITZ B. SANTUA

MCMILLAN F. SELONG

Sinang-ayunan ni: Inaprubahan ni:

FLORA A. VELASCO, Ed. D. NATIVIDAD T. JORNACION, MA. Lit.


Tagapayo Punong Pamprograma
45

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Apendiks 2

Mahal naming mga Tagatugon,

Maalab na pagbati sa inyo!

Bilang bahagi sa katuparan ng aming pangangailangan sa asignaturang Introduksiyon


sa Pananaliksik – Wika at Panitikan (FLED 17) ay kasalukuyan kaming gumagawa
ng Papel Pananaliksik na may pamagat na: “Mga Suliraning Pang-Akademiya sa
Gitna ng Pandemiya.” Kaugnay nito, kami ay kumakatok sa inyo para sagutan ang
surbey ukol sa aming paksa. Umasa kayong anumang kasagutan ay ituturing na
konpidensyal.

Walang hanggang Pasasalamat sa inyong oras at atensyon.

Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE

JAENNA FRITZ B. SANTUA

MCMILLAN F. SELONG
46

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Apendiks 3

Hulyo 12, 2021

SARAH JANE I. VALENCIA, MAT-Fil.


Propesor sa Filipino

Madam:

Maalab na pagbati sa inyo!

Bilang huling bahagi ng aming asignaturang Introduksiyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan


(FLED 17) ay ang magsagawa ng isang Pinal na Pagdedepensa (Final Defense) sa aming Papel
Pananaliksik na may pamagat na “Mga Suliraning Pang-akademiya sa Gitna ng Pandemiya.”

Kaugnay nito, nais hingin ng mga nakalagda ang inyong positibong tugon na maging isa sa mga
miyembro ng Tagasuri (Panel) sa darating na alas dos ng hapon (2 PM) sa araw ng Miyerkules,
ika-labing-apat ng Hulyo sa taong kasalukuyan.

Ang inyong pagsang-ayon ay lubos na ikalulugod ng mga mananaliksik.

Sa muli, isang maaliwalas na araw at taos-pusong pasasalamat!

Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE JAENNA FRITZ B. SANTUA

MC MILLAN F. SELONG
Mga Mananaliksik

Sinang-ayunan ni:
47

FLORA A. VELASCO, Ed. D.


Tagapayo

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO

Hulyo 12, 2021

EDWIN L. DEL ROSARIO, MAT-Fil.


Propesor sa Filipino

Sir:

Maalab na pagbati sa inyo!

Bilang huling bahagi ng aming asignaturang Introduksiyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan


(FLED 17) ay ang magsagawa ng isang Pinal na Pagdedepensa (Final Defense) sa aming Papel
Pananaliksik na may pamagat na “Mga Suliraning Pang-akademiya sa Gitna ng Pandemiya.”

Kaugnay nito, nais hingin ng mga nakalagda ang inyong positibong tugon na maging isa sa mga
miyembro ng Tagasuri (Panel) sa darating na alas dos ng hapon (2 PM) sa araw ng Miyerkules,
ika-labing-apat ng Hulyo sa taong kasalukuyan.

Ang inyong pagsang-ayon ay lubos na ikalulugod ng mga mananaliksik.

Sa muli, isang maaliwalas na araw at taos-pusong pasasalamat!

Lubos na sumasainyo,

MAE ALBERT C. BONETE JAENNA FRITZ B. SANTUA

MC MILLAN F. SELONG
Mga Mananaliksik

Sinang-ayunan ni:
48

FLORA A. VELASCO, Ed. D.


Tagapayo

Divine Word College of Bangued


Rizal St., Zone 6, Bangued, Abra
DEPARTAMENTO NG Kolehiyo

Apendiks 4

Pangalan (opsyunal): __________________________________

Panuto: Mangyaring lagyang ng tsek (/) ang kahon ng inyong matapat na


kasagutan. Maaaring pumili ng higit sa isang sagot.

1. Ano ang iyong profayl batay sa mga sumusunod na salik:


a. Kurso
 Bachelor of Elementary Education (BEED)
 Bachelor of Secondary Education (BSED)
b. Taon
 Unang Taon sa Kolehiyo
 Pangalawang Taon sa Kolehiyo
 Pangatlong Taon sa Kolehiyo
c. Kasarian
 Lalaki
 Babae
d. Edad
 17-18 taong gulang
 19-20 taong gulang
 21-22 taong gulang
 22-23 taong gulang
 23 at pataas na taong gulang

2. Ano ang mga suliraning kinakaharap mo batay sa mga sumusunod na


salik:
49

a. Mga problema tungkol sa pamilya

 Hindi palaging binibigyang-pansin ng mga magulang ang pag-

aaral ng anak

 Hindi suportado ng magulang ang mga interes ng anak

 Problemang pampinansyal, hindi sapat ang kinikita ng mga

magulang

 Wala o kulang ang pamasahe papunta sa eskwela dahil sa tumaas

ang pamasahe

Iba pa: ______________________________________________

b. Mga kailangang gamit sa pag-aaral

 Walang internet connection

 Mahina ang signal ng internet connection

 Kulang sa kagamitan para sa online classes tulad ng smartphone,

laptop, tablet

 Iba pa: _______________________________________________

c. Mga problemang nauugnay sa mga mag-aaral

 Walang quarantine pass

 Pagsunod sa bagong health protocols tulad ng pagsusuot ng face

mask at face shield at pati na ang social distancing.


50

 Tinatamad

 Walang motibasyon

 Maraming sagabal sa pag-aaral sa bahay

 Nabuburyo (bored) sa paggawa ng modyul

 Depresyon o Anxiety

 Iba pa: _____________________________________________


51

BALANGKAS NG TALAMBUHAY

NA PANSARILI
52

Personal Profayl
2 x 2 picture here
Pangalan:
(DAPAT FORMAL
Petsa ng Kapanganakan:
PICTURE NAKASUOT
Pook ng Sinilangan: NG SVD UNIFORM)

Tirahan:

Relihiyon:

Katayuan sa Buhay:

Pangalan ng mga Magulang:

Ama:

Ina:

Pangalan ng mga Kapatid:

Edukasyong Natamo:

Kolehiyo:

Divine Word College of Bangued

Zone 6 Bangued, Abra

2018- Kasalukuyan

Senior High School:


53

Divine Word College of Bangued


Zone 6 Bangued, Abra

2016-2018

Junior High School:


Abra High School
Zone 3 Bangued, Abra
2012-2016
Elementarya:
Bangued West Central School
Zone 3 Bangued, Abra
2006-2012
54

You might also like