You are on page 1of 2

Richard F.

Balte BSCE 2B
Narrative Report in GEC 8

GLOBALISASYON
Ang bansang Pilipinas ay patuloy na sumasabay sa agos ng pagbabago na dala

ng Globalisasyon. Bilang isang Pilipino, maraming pagkatataon na ako mismo ang

nakaranas at nakasaksi sa mga pagbabagong ito mapa-positibo o negatibo man. Sa

aking pananaw, ang depinisyon ng Globalisasyon ay maaaring kong ilarawan bilang

isang gawing lokal o pambansa na kung saan ito’y inaangkop ng nakararami maging sa

labas ng bansa dahilan upang ito’y maging pang global o pangbuong mundo.

Isa sa aking mga karanasan tungkol dito ay ang pagkahumaling ko sa mga

nauusong laro sa selpon na kung tawagin ay “online games”. Sa kadahilanang binubuo

ang mga sikat na online games ng mga manlalaro galing sa iba’t-ibang bansa, madalas

akong may makasalamuha na ibang lahi partikular na ang mga Malaysian. Naging

dahilan ito ng aking pagkatuto ng kanilang lenggwahe gaya nalamang ng salitang

“tolong” na nangangahulugang “please” sa ingles, “cantik” na ibig sabihin ay “beautiful”,

at marami pang iba. Gayon pa man, hindi lahat ng itinuturo na salita ng aking mga

nakakasalamuha ay kanais-nais kung kaya’t hindi ako basta basta nagtitiwala at

gumagaya sa kanilang mga itunuturo sa akin. Ang iba rito ay pawang mga troll, base sa

aking karanasan, tinuruan nila ako ng iba’t-ibang bulgar na salita na malayong malayo

sa literal na kahulugan ng pagsalin ng salita. Bukod dito, isa rin sa aking napansing

magandang halimbawa ng globalisasyon ngayon ay ang popularidad ng mga Korean

Nobela at K-Pop hindi lang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo. Kahit na ako

mismo ay aminadong isa sa mga taga-hanga ng mga Korean Nobela dahil sa mga
bagong kwento na kanilang hatid at mga nakamamanghang CGI effects na kasing

husay ng mga Hollywood Movies. Sa kabilang banda, masasabi ko na mayroon pa rin

hindi kaaya-ayang epekto ang globalisasyon gaya na lamang ng pagkawala ng sariling

identidad ng isang bansa. Dahil sa labis na pagtangkilik nating mga Pilipino sa mga

gawang dayuhan, nakakalimutan na natin ang sarili nating mga likha at obrang pinoy.

Batay sa aking opinyon, walang masama sa pagtangkilik ng gawa ng iba ngunit

mayroon dapat itong limitasyon. Ika nga nila “Lahat ng sobra ay masama”.

Sa bandang huli, nasa atin pa rin ang desisyon kung tayo ay magpapadala sa mga

pagbabagong dulot ng globalisasyon. Nawa’y sa pagkalat ng iba’t-ibang kultura at

tradisyon sa buong mundo ay makatulong ito sa atin na paunlarin ang ating mga sarili at

matuto sa isa’t-isa na lawakan at respetuhin ang pagkakaiba-iba ng ating mga kultura’t

tradisyon.

You might also like