You are on page 1of 4

Reviewer sa FILIPINO IV

PANGALAN: BAITANGA at SEKSYON: ISKOR:

GURO: DIVINA CASTRODESDEJARISCO PETSA:

I-Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Basahin ang isang maikling kwento na ibigay ng guro,
pagkatapos ay lagyan ng bilang bilog ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

1. Nakikita siya ng puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga.

2. Lumundag ang lobo at lumundag ng lumundag ngunit wala siyang nakuha.

3. Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.

4. Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.

5. Nasabi ng lobo sa sarili na maswerte siya sa nakitang puno ng ubas.

II- KATOTOHANAN O OPINYON: Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan. Isulat ang O kung ito ay isang opinyon.

1. Ang Sahara ay isang malaking disyerto sa Aprika.


Hindi mabubuhay ang mga tao sa isang disyerto tulad ng Sahara.

2. Mas mabilis ang biyahe sa eroplano kaysa sa barko.


Mas nakatatakot ang sumakay sa eroplano kaysa sa barko.

3. Masaya ang magkaroon ng alagang hayop sa bahay.


Ang mga pusa at aso ay maaaring maging mga alagang hayop.

4. Lahat ng imbensiyon ay nakabubuti sa buhay ng tao.


Napakaraming imbensiyon ang nagpadali ng buhay ng tao.

5. Ang elepante ay ang pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa.


Nakatatawa ang hitsura ng ilong ng elepante.
TEST III
IV- PANG-ANGKOP: Iugnay ang dalawang salita sa pamamagitan ng paggamit ng tamang pang-angkop.
Isulat ang dalawang salita at ang pang- angkop sa patlang. Unahin ang unang salitang ibinigay.

Halimbawa: mahaba, buhok mahabang buhok

1. matalim, kutsilyo

2. berde, kamiseta

3. karaniwan, sakit

4. sugatan, sundalo

5. kultura, Pilipino

6. bilog, mukha

7. malamig, tubig

8. maawain, diyos

9. mabalahibo, aso

10. sari-sari, kuwento

11. kaibigan, Amerikano

12. mahirap, suliranin

13. maganda, gabi

14. dayuhan, nagbisita

15. susunod, palabas

V- PANGATNIG: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Naghahabulan sa bakuran ang aso at pusa ni Hannah.

2. Maraming kaibigan si Dianne dahil lagi mong maaasahan ang tulong niya.

3. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom ngunit hindi pa luto ang paborito kong ulam.

4. Kakain ka pa ba ng tsampurado o busog ka na?

5. Gusto ko nang umuwi pero hindi pa dumarating ang sundo ko.

6. Maganda ang bestidang suot mo subalit hindi bagay ang sapatos na


iyan sa bestida.

7. Gigising ako nang maaga bukas para maumpisahan ko na ang labada.

8. Dinala namin si Tricia sa klinika at pinatingin namin siya sa doktor.

9. Nagluluto ng adobong baboy si Ate Rowena habang nagsasaing si Nanay.

10. Mas mainam na tumawag ka ulit mamayang alas-otso kung nais mo siyang makausap.
11. Hindi matutuloy ang lakbay-aral natin sa Biyernes sapagka’t may parating na malakas na bagyo sa
ating lalawigan.

12. Ano ang gustong inumin ni Lolo Pedro, mainit na kape o tsaa?

13. Nais kong sumama sa inyo sa mall subalit kailangan kong tapusin ang proyekto ko.

14. Mataas ang lagnat ni Maria kaya tinawagan ni Bb. Garcia ang kanyang
mga magulang.

15. Si Gemma ay nag-aaral nang mabuti upang siya ang maging unang miyembro sa kanyang pamilya na
makatapos ng kolehiyo.

VI- SIMUNO at PANAGURI: Isulat sa patlang ang salitang SIMUNO kung ang may salungguhit ay tumutukoy sa
simuno o paksa ng pangungusap. Isulat ang salitang PANAGURI kung ito ay tumutukoy sa panaguri ng
pangungusap.

__________________ 1. Ang suliranin na ito ay tutugunan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

__________________ 2. Ang nanay nila ay nagpatahi ng mga bagong uniporme sa kaibigan


niyang modista.
__________________ 3. Ang kakulangan sa sild-aralan ay problema ng maraming lalawigan sa
Pilipinas.
__________________ 4. Sina Carmela, Eric, at Cecile ay bibili ng mga bagong kagamitan para sa
eskuwela.
__________________ 5. Ipinatupad ng DepEd ang programang K to 12 noong pasukan ng taong
2012.

Best of Luck !
May God Guide You and Bless You!!

You might also like