You are on page 1of 5

Panalangin sa Karangalan ng Kaarawan ng

Mahal na Birheng Maria

Pambungad na Awit: Stella Maris – Bukas Palad


https://www.youtube.com/watch?v=E7dkHwUfg7k

PANIMULANG PANALANGIN
Makapangyarihang Diyos at mapagmahal naming Ama, lubhang kahanga-
hanga ang iyong mga gawa at mahiwaga ang iyong mga gawa at
mahiwaga ang iyong mga panukala. Gayon na lamang ang pag-ibig mo sa
tao kaya't inihanda mo si Birheng Maria upang maging kalinis-linisang Ina
ng iyong pinakamamahal na Anak na si Hesus. Ang paggunita namin sa
kaarawan ni Birheng Maria ay magmulat nawa sa aming puso upang
maunawaan namin ang kaugnayan ng pagsilang ni Birheng Maria sa plano
mong pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buhay ni Birheng Maria ay
magpagunita nawa sa amin ng Iyong patuloy na pagpapahalaga sa aming
buhay upang ito'y huwag humantong sa kasalanan na nagdudulot ng
kamatayan kundi makakilala sa Iyo at kay Jesus na iyong Anak na
nagdudulot ng buhay na walang hanggan. Liwanagan mo po ang aming
isipan upang mapagtanto namin na sa tuwing kami'y nagkakasala at
nagkukulang ay hindi namin napahahalagahan ang biyaya ng buhay na
ipinagkatiwala mo sa amin. Pagsisihan nawa namin ang anumang
kasalanan na aming nagawa sa pamamagitan ng pagsisikap na
magbagong buhay at hikayatin ang aming kapwa na pahalagahan din ang
buhay na kaloob mo sa kanila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

MGA KAHILINGAN SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


Namumuno: Mahal naming Ina, kami'y nakikiusap sa iyo na ihandog mo
sa paanan ni Hesukristong Panginoon itong aming mga kahilingan...

Bayan: Sapagkat nanalig kami sa iyong maka-Inang pagkakandili at alam


naming ang lahat ng iyong ilapit sa iyong pinakamamahal na Anak na si
Jesus ay tiyak Niyang pagbibigyan lalo't higit ang mga biyayang higit
naming kailangan.

Namumuno: Birheng aming Ina,sa iyo'y ipinakikiusap naming ipanalangin


mo ang Simbahang itinatag ng iyong Anak na ngayon ay patuloy na
sumasalungat sa mga alon ng mundong abala sa mga bagay na sumisira
sa tunay na kagandahan ng buhay.

Bayan: Tulungan mo ang lahat ng Tinatakan ng Banal na Espiritu ng


maging Lingkod ng Simbahan upang sila'y maglingkod at ipahayag ang
Mabuting Balita tungo sa pagpapahalaga at pagpapaunlad sa buhay ng
bawat tao.

Namumuno: Inang Maria, ilapit mo kay Jesus na naparito hindi upang


paglingkuran kundi upang maglingkod at mag-alay ng sarili, ang mga
nanunungkulan sa pamahalaan.

Bayan: Ipakiusap mo sa Kanya na liwanagan ng kanyang Espiritu ang


lahat ng nasa Pamahalaan upang makita nila at maipatupad ang mga
programang magtataguyod sa buhay ng mga mamamayan at nang
umunlad ang aming sambayanan at mabuhay kami bilang isang
nagkakaisa at pinagpapalang Bayan ng Diyos.

Namumuno: Inang malapit na malapit sa aming puso, ipakiusap mo sa


iyong sinisintang Anak ang aming pamilya at ang lahat ng mga pamilya.

Bayan: Upang ang bawat mag-asawa ay mapuspos ng biyaya ng tunay na


pag-iibigan at katapatan at magsikap sila na itaguyod ang kanilang mga
anak ayon sa pananampalatayang pinanghahawakan ng Simbahan.
Namumuno: Masintahing Ina, tiklop-tuhod kaming nakikiusap na idulog mo
kay Jesus na iyong Anak ang aming personal na kahilingan at ang
kahilingan ng lahat ng mga nagmamahal sa iyo.

Bayan: Wala na kaming ibang malalapitan kundi ikaw, aming Ina upang
samahan kami na maki-usap sa iyong Anak na ipagkaloob sa amin ang
biyayang ito (SAGLIT NA KATAHIMIKAN HABANG INILALAHAD ANG
KAHILINGAN).

Umaasa kaming diringin niya ang aming kahilingan at ipagkaloob ang mga
biyayang higit naming kailangan upang magamit namin ang buhay na ito
ayon sa misyon na itinalaga niya para sa amin.

Lahat: Ang pagdulog naming ito sa iyo, pinakamamahal naming Ina, ay


tanda ng aming pagtitiwala at pagkikilala sa iyong maka-Inang pagkakandili
sa amin. Patuloy mo kaming ilapit sa iyong pinakamamahal na Anak na si
Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

PANALANGIN SA MAHAL BIRHENG MARIA


Pinakamamahal naming Ina, O Birheng Maria, di pa man kami isinisilang
sa mundong ito'y ibinilang mo na kami sa iyong mga pinahalagahan nang
hangarin mong mailigtas ang lahat ng tao sa pamamagitan ng iyong
isinilang na Anak - si Hesus na aming Tagapagligtas. Nagpapasalamat po
kami sa iyong dalisay na puso na walang ibang hinahangad kundi ang
mailigtas ang lahat ng tao sa kasalananan at mapalapit sa Diyos. Walang
ibang itinitibok magmahal at maglingkod. Hinahangaan namin ang iyong
natatanging pagka-Ina ng lahat ng sangnilikha. Sa iyo kami nakatatagpo ng
pag-asa at lakas sa panahong humaharap kami sa mga hamon ng buhay.
Sa iyo namin nakikita ang kaligayahan ng isang naglilingkod at laging
tumatalima sa Diyos. Sa iyong buhay masasalamin ang tunay na
kahulugan ng buhay - ang ganda ng pinagmulan nito at ang halaga ng
layunin nito. Tunay na sa iyo naganap ang layunin nang pagparito ng Anak
ng Diyos - isang buhay na ganap at kasiya-siya (Jn 10:10).
Ina ng aming Tagapagligtas na si Hesus, kami'y napaampon sa iyo,
yamang kami'y ipinagkatiwala din ni Jesus sa iyong pagkakandili. Tulungan
mo kaming makita ang ganda ng buhay na kaloob sa amin ng Diyos at
magamit namin ito sa pagsasabuhay ng aming misyon dito sa daigdig para
sa lalong ikadarakila ng Diyos at bilang pagkilala at pagpapahalaga sa
buhay na inihandog ng iyong Anak sa Krus para sa aming kaligtasan
upang makapiling mo kami sa buhay na walang hanggan. Amen.

(AMA NAMIN)

PANGWAKAS NA PANALANGIN
O Birhen malinis, ikaw na sa pamamagitan ng isang tanging pribilehiyo ng
biyaya na napanatili mula sa orihinal na kasalanan, tumingin sa awa sa
aming mga magkakahiwalay na kapatid, na gayon pa man ang iyong mga
anak, at tawagin sila pabalik sa sentro ng pagkakaisa. Hindi kakaunti sa
kanila, bagama't hiwalay sa Simbahan, ay nagpanatili ng isang pagsamba
sa iyo; at gumawa ka, bukas-palad na katulad mo, gantimpalaan sila para
dito, sa pamamagitan ng pagkuha para sa kanila ng biyaya ng pagbabalik-
loob.
Ikaw ay manlulupig sa impiyernong ahas mula sa unang sandali ng iyong
pag-iral; mag-renew ng kahit na ngayon, sapagkat ito ay mas kailangan pa
kaysa sa dati, ang iyong mga sinaunang pagtatagumpay; luwalhatiin mo
ang iyong banal na Anak, ibalik sa Kanya ang mga tupa na naligaw mula
sa isang kulungan at ilagay sila minsan pa sa ilalim ng patnubay ng
pangkalahatang Pastol na nagtataglay ng lugar ng iyong Anak sa lupa;
maging ang iyong kaluwalhatian, O Birhen na sinira ang lahat ng heresies,
upang ibalik ang pagkakaisa at kapayapaan minsan pa sa lahat ng mga
taong Kristiyano.

AMEN.
Pangwakas na Awit: Salve Regina https://www.youtube.com/watch?
v=Tu7LIZJqA5M

You might also like