You are on page 1of 19

Yunit 2.

ANG PINAGMULAN NG KULTURANG POPULAR

Buksan natin ang kaalaman ng Yunit 2

Aralin 1. Ang Identidad at Ang Kulturang Popular

Ang kulturang popular ay may kakayahang magpakilala ng ating

identidad sa pamamagitan ng pag-uunawa kung bakit nabuo ang isang
bahagi ng kultura, at kung ano ang pagkakaugnay nito sa kasaysayan. Sa
akademikong pananaw, sinusuri ng kulturang popular at binigyang-
pakahulugan ang sinasabi ng bawat panahon.

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, tinitingnan ang mga sulat

at gawa ni Dr. Jose Rizal bilang bahagi ng panitikang Filipino at kung paano
ito naging parte ng kulturang popular sa kasalukuyan. Maaari nating pag-
aralan ang kabuluhan at kaugnayan ng mga panulat ni Rizal sa kanyang
buhay at ang mga pangyayari sa panahon sa buhay ng mga Filipino sa ilalim
ng pananakop ng mga Espanyol. Ipinapakita sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo kung paano inapi at pinahirapan ng mga Espanyol ang mga
Filipino.

Sa panahon ng kolonisasyon ng mga Amerikano, pwedeng pag-aaralan

ang aktor na si “weng-weng” na nagiging bida sa mga produksyong base sa
mga James Bond films, makikita rin natin and pagbubuo ng isang elemento
sa komedya natin na ginagamit hangang ngayon, and pagtitingin ng mga
midget bilang komikal na karakter.

Ang ikalawang yunit ay binubuo ng tatlong aralin.

Ang unang aralin ay ang pagsusuri sa identidad/pagkakilanlan ng mga

Filipino na tinukoy ni Bob Ong sa kanyang blog.

Ang ikalawang aralin ay pagsusuri ng “Pinoy ka kung …” ni Bob Ong

At ang panghuli, ang ikatlong aralin ay tungkol ang kulturang mall.

Matutuhan mo

Sa pangkalahatan, inaasahang matutuhan mong:

1. natukoy ang mga kakanyahan ng pag-uugaling Pinoy,

2. nasalamin ang kaugnayan ng mga katangiang Filipino sa sosyo-ekonomik,
kultural, espiritwal, sikolohikal, at iba pa na aspekto,
3. nabahagi ang iba pang naoobserbahang identidad o pagkakakilanlan ng
mga Pilipino at ang ikinaiiba nito sa ibang lahi,

33
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
4. nakalikha ng sariling polyeto tungkol sa Lungsod ng Iloilo/ blog tungkol sa
kulturang mall ng mga Ilonggo at
5. nabasa ang mga akda/artikulo hinggil sa pagtatanghal ng mga identidad ni
Tolentino at ilan pang sikat na blogger sa internet.

Aralin 2. Pagsusuri ng “Pinoy ka kung …” ni Bob Ong

Ang araling 1 ay natutungkol sa blog ni Bob Ong na

pinamagatang ‘Top 50 Pinoy ka kung” …. na naglalaman ng mga
nakagawian na ng mga Filipino. Inaasahang matugunan mo ang
sumusunod na layunin:

1. nasuri mo ang mga katangian ng Pinoy,

2. naugnay sa aspektong sosyo- ekonomik, kultural, sikolohikal
at espiritwal ng mga Filipino at
3. nabahagi ang iba pang identidad ng mga Pinoy mula sa
sariling mong pagmamasid, naranasan, nabasa at narinig.

Paliparin

Bago mo basahin ang teksto, basahin ang nakasulat na pahayag

o nakaguhit na mga larawan sa loob ng kahon. Lagyan ng tsek(/) kung ito’y
iyong ginagawa. Magsulat ng maikling paliwanag sa mga patlang na
nakalaan. Ilimita sa isang pangungusap lamang.

Tumblr.(2010,January 9).Bakit ang pinoy hindi tamang sumagot miski maayos ang tanong?.Niretrib sa:
https://gyourbestfriend.tumblr.com/post/323653384/bakit-ang-pinoy-hindi-tamang-sumagot-miski-maayos

Paliwanag:_____________________________________________________
______________________________________________________________

___________________________________________________________.
34
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Saan mo nakita?

Mondragon, A. (2020). Native child. Niretrib sa:

https://www.pinterest.ph/pin/251638697915965363/

Paliwanag:_____________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagbili ng tingi-tingi

Batalier, P.(2020, July). Filipino store. Niretrib sa:

https://www.pinterest.ph/pin/421016265136453319/

Paliwanag:
___________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

35
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Galugarin

Sino nga ba ang hindi makakakilala kay Bob Ong sa kasalukuyang

panahon? Siya ay isang manunulat na biling-bili ng mga Filipino ang mga
akda sapagkat ito ay karaniwang nagpapatawa. Karamihan sa kanyang mga
libro ay replika ng kultura at gawing Filipino. Ang kanyang mga naunang
nailathalang libro ay maituturing na totoong Pinoy classics gayundin ang
sumunod niyang mga libro. Kilala siya sa sagisag panulat na “Bob Ong” na
nabuo noong mga panahon na ang manunulat ay nagtatrabaho bilang isang
web developer at guro. Nilikha niya ang Bobong Pinoy website na kanyang
inaatupag sa mga libre niyang oras. Nabuo ang kanyang sagisag panulat
nang may isang taong nakipag-ugnayan sa kanya sa
pag-aakalang siya ay totoong taong
nagngangalang Bob Ong. Sa katunayan ang site
ay nakatanggap ng People's Choice Philippine
Web Award for Weird or Humor noong 1998,
ngunit ito ay isinara noong pinatalsik sa pwesto
ang dating Pangulong Joseph "Erap"Estrada
matapos ang Second People Power Revolution.

Kilala rin sya sa kanyang mga akda tulad ng

ABNKKBSNPLAKo, Bakit Baliktad Magbasa ang
mga Filipino?, Alamat ng Gubat, STAINLESS
LONGGANISA, Kung Di Rin Lang Ikaw at iba pa
Carousell.(2019).Bob ong’s
books. Niretrib sa: na naging bestseller, marami na ring mga iskolar
https://www.carousell.ph/p/bob-
ong-boo ks-package-203174419/ na ginawang tesis ang kanyang mga akda. Kilala
din sya sa kanyang mga famous quotes tulad ng
mga sumusunod: “Ang pag-ibig parang imburnal,
nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it’s
either by accident or talagang tang aka.”, Mas
madaling manahimik. Mas ligtas magtago ang
opinion. Mas komportableng hindi magsalita. Pero
may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga
mas na yan.” Nailathala rin ang kanyang mga akda
sa ilang mga sikat na programa tulad ng KMJS ni
Jessica Soho at naging paksa ng mga blog.
Tumukoy rin sya ng 50 kakanyahan ng mga
Piilipino sa Pinoy ka kung… Siya na marahil ang
pinakasikat na kontemporaryong manunulat
ngayon dahil mabentang mabenta ang kanyang mga Bob Ong. (2020). Bob Ong quotes.Niretrib sa:
https://www.goodreads.com/author/quotes/67
4207.Bob_Ong?page=3
akda sapagkat nagpapatawa subalit
kakikitaan ng mga totoong pangyayari sa buhay ng mga Filipino.

Kakaiba nga raw ang lahing Pinoy kumpara sa ibang mga lahi sa buong
mundo. Ito ay sapagkat meron tayong mga ugali, kultura, mga katangian,
mga ginagawa at sinasabi na sa atin lang nakikita. Kaya naman kapag nasa
ibang bansa ang mga Pinoy talaga namang masasabi mong 100% Pinoy siya
makita mo lang ang isa sa mga maraming katangiang ito.
36
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Narito ang ‘Top 50 Pinoy ka kung”
… Pinoy ka kung…

1. Lumilingon ka kapag may sumisitsit.

2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan
ng iyong nguso.
Blog Ong. (2010) .PINOY KA 3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
KUNG [DUGTUNGAN]…
Niretrib 4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi
sa:https://tatakblogong.wordpr
ess. com/2010/02/21/mga- mo kailangan.
bagay-n a-sa-pinoy-mo-lang-
makikita/ 5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan
ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo.
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit
sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit
sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis tingting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit
na panlinis ng carpet kahit May vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok),
isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes,
martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka
sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin
ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng
asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
37
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa
mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton,
at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Nag-uuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para
ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

38
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:_______________

Talakayin

Pagkatapos na mabasa ang teksto tungkol kay Bob Ong at sa

kanyang blog na Katangian ng Pinoy, tukuyin kung may kaugnayan sa sosyo-
ekonomik, kultural, sikolohikal at espiritwal na aspekto ang bawat katangiang
Pinoy na tinukoy ni Bob Ong sa kanyang blog. Ilimita ang paliwanag sa isang
pangungusap lamang. (6 pts.)
Bilang Katangian Sosyo- Kultural Sikolohikal Espiritwal
ekonomik
1 Kumakain ka ng
inihaw na dugo ng
manok, adidas (paa
ng manok), isaw ng
manok,
balun-balunan, at
ulo ng manok.
Paliwanag:

2 Nagpapabalot ka
ng pagkain sa
birthday party para
iuwi.
Paliwanag:

3 Ayaw mong
tanggalin ang
plastic cover ng
bagong bili mong
sofa o sala set.
Paliwanag:

4 Nagkakamot ka ng
ulo at ngumingiti
pag hindi mo alam
ang sagot.
Paliwanag:

39
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
5 Ginagamit mo ang
iyong mga daliri sa
pagsukat ng tubig
sa ricecooker.
Paliwanag:

6 Kinakalong ang
mga bata sa jeep
at bus para hindi
singilin ng
pamasahe.
Paliwanag:

Palawakin

Maliban sa mga katangiang Pinoy na tinukoy ni Bob Ong,

magbanggit pa ng mga katangiang iyong naobserbahan, naranasan, nabasa
o narinig. Magbigay lamang ng lima. (5pts.)
1
2
3
4
5

40
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:_______________

Subukin

Guhitan mo ng masayang emoji ang bilang kung ito’y

nakatutuwa at nakalulungkot na emoji kung ito’y nakakainis na
katangian ng mga Pinoy para sa iyo. Isulat ang iyong paliwanag sa mga
patlang na nakalaan sa ilalim ng bawat larawan. Ilimita sa isang
pangungusap ang iyong sagot. (6 pts.)

1. 2.

The budgetera shopper. (2017, August 22).Thrift Shopping in PH : Sukito , S. (2013,February 5).Food trivia: “SAWSAW”… BREAD
Ukay-Ukay Adventure. Niretrib sa: DIPPED IN COFFEE. Niretrib sa:
https://thebudgeterashopperph.wordpress.com/2017/08/22/thrift-shop https://sukitospoon.wordpress.com/tag/kape-at-pandesal/
ping-in-ph-ukay-ukay-adventure-%E2%99%A5/

_____________________________ _____________________________

_____________________ _____________________.

41
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
3) 4)

ScorpioAnnYT.(2017, March 23). ASMR Eating Intestines and INSADCO Photography.(2015).A man picking his nose. Niretrib sa:
Liver Filipino Barbecue Isaw Watermelon drink ScorpioAnnYT. https://www.alamy.com/stock-photo/man-picking-his-nose.html
Niretrib sa: https://www.youtube.com/watch?v=YpbTH25ymbk

_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

5) 6)

Miranda, R. (2018, October 20).This Is How You Cook Rice Without A Barto,G.(2016). Pag-troubleshoot ng Refrigerator Smells.
Rice Cooker. Niretrib
Niretrib sa: https://www.yummy.ph/lessons/cooking/how-to- sa:https://tl.softwaresolus.com/46889-refrigerator-with-burnin
cook-rice-without-a-rice-cooker-a00249-20181020

_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
______ ______

42
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Maglaro Tayo! Panuto: Gamit ang ating Group
Chat sa messenger, ilagay ang
iyong konsepto tungkol sa
identidad ng kolehiyong iyong
kinabibilangan. Magbigay lamang
ng isa, hindi pwedeng ulitin ang
naibigay na ng iyong kaklase.
Halimbawa:

Guro: CAS ka kung ….

Mag-aaral1: Maarte ka at
magaling sa mga kursong agham.

Mag-aaral2: Mahusay sa
Cthoma. (2018,May 2). Cartoon Woman Student Talking. Niretrib sa:
Computer.
https://www.canstockphoto.com/cartoon-woman-student-talking-
576316 78.html

Aralin 3. Pagtatanghal ng Identidad at Ang Kabataang

Subkultura sa Mall

Ang aralin 3 ay tungkol sa Pagtatanghal ng Identidad at

Ang Kabataang Subkultura sa Mall.

l. Sa araling ito, matututuhan mo ang mga bagay bagay

na napapaloob sa mall na itinuturing na pinagmulan ng kulturang popular.

Sa katapusan ng aralin, inaasahang matugunan ang sumusunod

na layunin:

1. natutukoy mo ang mga pinagmulan ng kulturang popular sa mga mall

sa lungsod,

2. nasusuri mo ang positibo at negatibong epekto ng kulturang mall at

3. nababasa mo ang artikulo tungkol sa pagtatanghal ng identidad

at Kabataang Subkultura sa malalaking mall sa lungsod.

43
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Paliparin

Bago ang pandemya, madalas ka bang pumasok ng mall? Ano-anong mall na

ba ang iyong napuntahan? Maaari mo bang iguhit sa mga kahon ang mga
bagay bagay na iyong nakita? Lagyan ng
kulay kung maaari upang maging kaakit- akit tingnan.

44
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Galugarin

Ang Kulturang Mall sa Lungsood ng Iloilo

Ang Lungsod ng Iloilo ay

itinuturing na First Class
Highly Urbanized City sa
Kanlurang Visayas. Maraming
parangal na itong natanggap
tulad ng INTERNATIONAL
AWARDS for Cities for Clean
Air Awards (2018) by Clean
Air Asia at kamakailan lang
ang Asean Clean City for
Tourist (Enero 2020), na
iginagawad para sa mga
Iloilo property Hub. (2020). SMDC. Niretrib sa: lungsod na may
http://www.findglocal.com/PH/Iloilo-City/1187012764657302/Iloilo-Property-Hub

mataas na kalidad ng pamumuhay at

isang magandang lugar para sa lokal at
dayuhang turista. Naging atraksyon din sa
mga turista ang pinagandang Iloilo River
Esplanade na masarap puntahan sa
umaga at hapon upang magrelax, at
ehersisyo. May mga restawrant ding
naghahain ng masasarap na pagkain
malapit dito. Napakakulay tingnan ng
malalapad na highway tuwing gabi
sapagkat maliwanag ang mga ilaw mula
sa mga poste. Nakakatayo din sa lungsod
ang mga bagong tayong
imprastraktura tulad ng mga
magagandang hotel (FigTree, Seda, Slone, F. (2020).Iloilo City. Niretrib sa:
https://www.pinterest.ph/pin/144255994297700471/

Courtyard by Marriot, Zuri, Richmond,

Injap Tower, Park Inn by Radisson, atbp) at mga naglalakihang mall: ang SM
City, Robinson’s Place na may sangay sa Molo, Jaro at Pavia, Vista Mall, The
Atria, Festive Mall, GT Mall, ang Gaisano City Capital, mga Citi Mall na nasa
Tagbac at Parola at ang ipatatayong Megamall sa Balabago, Jaro.

Ang mga mall sa Lungsod ng Iloilo

ay madalas na dinadayo ng mga
Ilonggong galing sa iba’t ibang bayan ng
probinsya at mga karatig probinsya sa
Panay at Rehiyon upang mamili,
mamasyal,magwindow shop, kumain,
makipagtipan, magpalipas oras o
maglibang. Maraming serbisyo ang
inihahain ng mall, mayroong itong Mabaquiao, K. (2015).MOLO DISTRICT.Niretrib sa:
departmet at grocery store, cyber zone, https://kimmabaquiao.wordpress.com/molo-district/

45
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
foodcourt, amusement center (palaruan at sinehan), event area, saloon at
spa, billing station, bangko at parking area para sa mga pribadong sasakyan,
may bahaging ginagawang museo sapagkat nakadisplay rito ang mga eksibit
at hindi lng ‘yon para maging kumpleto at nag-aalay na rin ng misa para sa
mga katolikong nais magsimba tuwing araw ng Linggo.

Sari-sari ang pumapasok dito, nag-iisa, may kapareha, pulu-pulutong,

buong mag-anak, mga lolo’t lola na kasama ang apo o mga apo,
magkumpare’t kumare, magkakaibigan, magkaklase, atbp.

Malaki ang kaugnayan ng mall sa kultura natin, sapagkat ito ang

pinagmulan ng kulturang popular. Matatagpuan dito ang mga bagay na
nauuso o popular, mula sa mga damit, aksesorya, sapatos, gadget tulad ng
cell phones at computer, appliances, pagkain na inihahain ng mga
pangunahing fastfood na restawrant, mga sinehan na
nagpapalabas ng mga pelikula, mga
nakaaaliw na rides at larong
pambata,may larong bingo na naging
libangan ng matatanda na
nagpapalipas oras o tumatakas sa
napakainit na temperatura sa tuwing
tanghali. Lalabas na lamang ng mall
kung d na masyadong mainit ang
temperatura, may bangko rin sa loob
ng mall at mga atm machines na
handang magluwal ng pera sa nais
na magwithdraw ng cash, at
ang billing sections sa nais Samson,P. (2015, November 30). S&R Membership Shopping
Opens in Nuvali!.Niretrib sa:
magbayad ng credit cards, https://www.pepesamson.com/2015/11/snr-shopping-opens-in-
kuryente, tubig, telepono, tuition, nuvali.html

bahay at lupa, atbp.

Sa kabila ng kagandahan hatid ng mall, maraming kritiko ang nagsasabi

na ito ay para lamang sa maykaya. Ayon kay Tolentino, ang mall ay
representasyon ng gitnang-uri. Yaong may trabaho lang o may kita ang
kayang makabibili o magtamasa ng mga inihahaing serbisyo ng mall. Isang
katotohanan na ang mga parokyano rito ay napabibilang sa gitnang uri.
Marahil, tama nga si Tolentino, ilang beses akong nakisakay sa kaibigan
papuntang mall, nahirapan siyang magpark sa kabila nang napakalapad na
parking area ng SM City sapagkat punong-puno ito ng pribadong mga
sasakyan, ganoon din ang ilang palapag na parking area ng Robinsons Place
at Festive Mall at ng iba pang mall sa lungsod. Iisipin mo tuloy ang yayaman
ng mga Ilonggo. Makapagsasabi ka tuloy, may punto nga si Tolentino sa
kanyang pagsusuri na ang kulturang mall ay para lamang sa mga gitnang-uri,
yaong may buwanang sweldo o may regular na kita. Subalit ilang porsyento
lamang sila ng kabuuang populasyon.

Dagdag pa, inihahambing ni Tolentino ang mall sa isang light house

sapagkat nagsisilbi itong giya sa mapa ng pangkalahatang kapitalismo at

46
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
individualisadong konsumerismo. Ang napakalapad na espasyo ng mall ay
isang lupang pangako ng gitnang-uring fantasya-ang materialidad ng gitnang
uring posibilidad. Posibilidad dahil kahit ito ay mahalagang salik para sa
temptasyon at adiksyon sa mall at gitnang uring panuntunan ng buhay. Isa
itong mnemonic device-tagapagpaalaala ng gitnang uring fantasya, na
nandito lamang ito, abot-tanaw, abot-kamay para sa lahat.

Marahil sa ating mga Ilonggo,

ang pagdami ng mall ay simbolo
ng magandang debelopment ng
lungsod sapagkat ang ispasyo at
ang imprastraktura ay binabasa
nang nakararami na bahagi ng
debelopment ng isang lugar,
subalit nanatili pa rin itong isang
pantasya sa mga mahihirap na
nabibilang sa ‘the marginalized’
na kasapi ng ating lipunan .

Garcia, A. (2018, July 3).New Robinsons mall in Iloilo to have a water playground.
Niretrib sa:https://news.abs-cbn.com/life/07/03/18/
new-robinsons-mall-in-iloilo-to-have-a-water-playground

47
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________

Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Pagkatapos na mabasa mo ang sanaysay tungkol sa kulturang mall.

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Batay sa tekstong nabasa, ilarawan mo ang Lungsod ng Iloilo. Gamitin

ang graphic organizer sa ibaba.

2. Bakit sinasabi na ang mall ang pinagmulan ng kulturang popular.

Ipaliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________.
48
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
3. Sumasang-ayon ka ba kay Tolentino na ang mall ay representasyon o
simbolo ng gitnang-uri? Oo/Hindi? Bakit? (1-2 pangungusap)
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________.

Palawakin

Sa panahon ng pandemya, isa ang mall sa naapektuhan ng

krisis sapagkat ipinagbabawal sa mga mamamayan ang pagpasok dito,
maliban sa supermarket o grocery store na bukas para sa mamimili. Kung
ikaw, isa sa mga may-ari ng shop o paninda sa mall, ano ano ang una mong
gagawin upang makabawi sa iyong paninda? Ilimita ang sagot sa isang talata.

___________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________

49
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:_______________

Subukin

Alam kong nauunawaan mo nang lubusan ang tekstong

tungkol sa kulturang mall, maghanda para sa isang maikling pagsubok.

A. Tama o Mali: Unawain nang mabuti ang bawat pangungusap, isulat ang
titik T kung ang ipinahahayag nito ay tama at tiitk M kung mali. Salungguhitan
ang maling salita/parirala at isulat ang pagwawasto sa patlang na nasa dulo
ng pangungusap.

____ 1. Ang Lungsod ng Iloilo ay itinuturing na First Class Highly Urbanized

City ay isang yunit ng lokal na pamahalaan na may awtonomiya mula sa
probinsya at may minimum na populasyon na 200,000 at may taunang kita na
₱ 50 milyong mahigit. ____________________________

_____2. Ang naglalakihang imprastraktura tulad ng mga hotel at mall ay

nagpapatunay na progresibo o may debelopment ang isang bayan at lungsod.
_____________________________

_____3. Anumang bago at uso ay naging bahagi ng kulturang popular.

______________________________

_____ 4. Ayon kay Tolentino, Ang mall ay gabay na mapa ng konsyumerismo,

ang mga negosyante pa rin ang makikinabang sa kita.

______ 5. Nanatiling isang pantasya ang mall para mga naghihikahos na

Filipino ayon kay Tolentino. __________________________

50
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
B. Gamit ang graphic organizer, isulat mo ang positibong epekto at
negatibong epekto ng kulturang mall.

Positibo Negatib

Binabati kita! Sa wakas ay natapos mo na ang mga gawaing inihanda ko

para sa Ikalawang Yunit. Nawa’y napalawak ang iyong pag-unawa sa mga
topikong inihanda ko para sayo. Sa palagay ko, kaya mo pang ipagpagpatuloy
ang pagsunod para sa Ikatlong Yunit upang mas lalo mong maintindihan ang
kursong ito.

51
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.

You might also like