You are on page 1of 5

PAGSUSURI SA KWENTONG: Sa Bagong Paraiso

A. Panimula

Ang pagsusuring ito ay patungkol sa pagsusuring pangnilalaman sa


kwentong pinamagatang "Sa Bagong Paraiso". Isa itong kwento tungkol sa
magkaibigang ito ay napapanahon at sumasalamin sa pangkaraniwan ng
problema ng mga kabataan sa ngayon. Masasabing ito nga ay makatotohanan
sapagkat naging paksa ng akdang ito ang madalas na pagkaligaw sa landas ng
mga kabataan sa kasalukuyan. Tumutukoy din ito sa pagkawalang malay at sa
kakulangan ng pag-intindi sa mga maaaring rin ang mapait na paghinuha na
nasa huli nga ang pagsisisi lalo na sa suliranin ng maagang pagdadalantao.

B. Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito ay nag-udyok sa kanyang isulat ang akda


dahil sa pagnanais niyang tumatak sa isipan ng bawat mambabasa ang aral na
nais nitong ipahiwatig sa kwento. Nais niyang ilahad at hikayatin ang mga
kabataan na kailangan parin nilang sundin ang payo ng kanilang mga magulang
at ng mga nakakatanda.

C. Teoryang Pampanitikan

A. Teoryang Romantisismo
-na kung saan ang mga tauhan ay tumatakas sa katotohanan. Ang akdang ito ay
nagpapatungkol sa magkababata na sina Ariel at Cleofe. Noong bata pa sila ay malaya
silang gawin ang lahat ng gusto nila samantala ng sila'y lumaki ay hindi na sila malaya
gawin ang gusto nila at madalas na silang pinagbabawalan. SA bandang huli ng akda
ay nagtago ang dalawa dahil hindi sila pinapayagang magkita .
B. Teoryang Moralistiko
- May moral na aral na makikita sa kwento at maaring
magamit ng may-akda ang teoryang ito sapagkat ang kwentong kanyang ginawa ay
may aral
na napupuna.
C. Teoryang Realismo
-ang kwentong ito ay mahahalintulan sa totoong nangyayari
sa tunay na buhay. Ito ay nagpaakita sa realidad na nangyayari sa ating lipunan

D. Pagsusuri
Mga Uri ng Tekstong Sipi Mula sa Teksto Kahulugan
Deskriptibo

Paglalarawan sa Tauhan“Sa simula’y mga bata Sa bahaging ito inilarawan


silang may walong taong ng awtor na sila ay walong
gulang – isang lalaki at taong gulang na mga bata
isang babae. At ang na isang batang lalaki at
kanilang daigdig ay isang isang batang babae na
malawak na loobang may malawak na isipan.
kinatitirikan ng dalawang
tabla’t yerong bahay, na
ang isa’y nasa silangan at
ang isa’y nasa kanuran”
Paglalarawan sa “Tukso! Tukso! Parang Maramdaman sa pahayag
Damdamin o Emosyon matalim na kutsilyong na ito ang takot na
isinaksak sa kanyang utak” naramdaman ni Ariel dahil
ayaw na makipagkita sa
kanya si Cleofe

Paglalarawan sa Tagpuan “Ang malawak na looban Sa bahaging namang ito


ay mapuno, mahalaman, inilarawan na ang tagpuan
maibon at makulisap at ay sa malawak na
may landas doon na damuhan na kung ilarawan
humahawi sa dawaganat sa awtor ito ay mapuno,
tumutugpa sa mahalaman, maibon at
dalampasigang malamig makulisap
ang buhangin kung
umaga, nguni't
nakapapaso sa
tanghalian."
Paglalarawan sa “Ipinaabot ditto ng mga Sa bahanging ito inilahad
Mahalagang Bagay magulang ni Cleofe ang ang pinakakinaktak utan
ginawa ninyo. Hiyang-hiya ng pangunahing tauhan.
kami ng iyong ama.” Sapagkat sinuway niya
ang kanyang magulang
Sanggunian Rivera, R (2012) ILAW
Pagsanib na Wika at
Panitikan Baitang 9pg.
4.12. Innovative
Educationall Materials Inc.
Talahanayan 1: Pagsusuri sa kwentong "Sa Bagong Paraiso"

Sa Bagong Paraiso

Sa akdang ito, matutunghayan natin ang pagkakaroon ng lamat ng


kainosentehan ng dalawang batang simula pa nung una'y magkaibigan na at labis na
naguguluhan sa mga pangyayari habang lumilipas ang panahon.

Sa panimula ng kwentong, Ang kwento ay tungkol sa dalawang batang walong


taong gulang na sina Cleofe at Ariel,madalas silang maglaro sa bakuran, sa ilalim ng
puno at sa dalampasigan. Sila ay nagkaklase atkung walang pasok, sila'y
naghahabulan, umaakyat ng puno, gumagawa ng kastilyong buhanginat marami pang
iba. Madalas nilang pinapanood ang paglubog ng araw, dahil palagi silangmagkasama,
madalas sabihin ng iba na siguro pagtanda nila ay sila ang magkakatuluyan. Isang araw
may tumudyo sa kanila habang sila’y pauwi “kapit tuko” paulit -ulit nitong sabi at
umiyakang batang babae habang ang batang lalake naman ay nakipagsuntukan .
Dumating ang guro atinawat sila at pinabalik sa eskuwelahan kung saan sila
pinarusahan ng tigtatlong malalakas na palosa puwit. Habang nakahiga sa damuhan sa
ilalim ng puno, napansin nila ang bunga ng sineguelasat ito'y kanilang tinikman ngunit
maasim pa. Ayun sa kanilang lola madaling mahinog ang pruraskapag naulanan.
Hinintay nila ang ulan at noong ito'y dumating na, sila’y naligo. Pagkaraan ngilang araw
nahinog na ang sineguelas, ito’y kanilang kinain kasama ng iba pang prutas.
Sa gitanang bahagi ng kwento, Sila’y nagtapos ng elementarya at sumating
ang araw ng pasukan ng hayskul. Doon na sila sa bayanmistulang nagiging binatilyo't
dalagita na ang kanilang pananamit magkaibigan parin sila ngunit hindi na katulad ng
dati kung sila’y magsama. Isang araw nakita ng batang lalake ang kanyang bagong
tuling kaklase at natuklasang kailangan niya rin itong pagdaanan. Siya'y nabigla at
tinanong ang ama tungkol dito. Sinagot ng ama na balang araw siya’y matutuli rin at di
nagtagal nagkatotoo na nga ito. Simula nung natuli sya, hindi na siya ganoon
kakomportable tuwingnakikipaglaro at nakikitabi ito sa babae. Isang araw napansin ng
lalake na umiiyak ang babae kaya't ito'y kanyang kiniliti at naghabulan sila sa
buhanginan. Naramdaman ng binata na siya’y imiibigna sa babae. Habang nakahiga
anh kalaro, ito’y umiiyak. Hindi na raw sila puwedeng maglaro dahil nagiging binata't
dalaga na sila sabi ng ina nito. Naging madalang ang kanilang pagkikita't pag-uusap at
kahit saan may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sumunod
aymatuklasan ng dalaga ang pag-reregla. Natapos sila ng hayskul.kinagabihan ay ang
JS prom kungs aan sila’y sumayaw.

Sa huling bahagi ng kwentong, Pinagbawalan si Cleofe ng kanyang magulang


na makipagkita sa binata at pinayuhan din si Ariel ng kanyang ama, ang babae daw ay
tukso. Sila'y naging tutok sa kanilang pag-aaral at di maiwasang mamiss ang isa't isa.
Isang araw nagkasalubong sila sa pamimili nggamit pang eskuwela. Binati ng binata at
inanyayahan itong kumain, sa oras na iyon parang bumalik sa dati ang lahat. Nagtuloy
tuloy ang kanilang pagkikita at sila’y lumigaya. Nalaman ito ng magulang ni Cleofe
ngunit palihim parin silang nagkikita hanggang sa sila’y natukso at nagtalik. Habang
umuulan ay napaduwal si Cleofesa bintana at napagtantong buntis na siya.

E. Konklusiyon
Ang mga nagpatanto sa kwento ng "Bagong Paraiso" ay ang pag-ibig, pag-asa,
kalayaan, pag-unawa, at pag-asa sa kapalaran. Ang pag-ibig ay isang mahalagang
tema sa kwento dahil nagtuturo ito sa mga tao na magmahal at magpatawad sa isa't
isa. Ang pag-asa ay mahalaga rin dahil nagpapatibay ito sa mga tao na manatiling
positibo sa buhay at magbahagi ng pag-asa sa ibang tao. Ang kalayaan ay isang
tema rin dahil tinuturuan ito ang mga tao na magkaroon ng karapatan, kalayaan, at
pagpapasya. Ang pag-unawa ay mahalaga rin dahil nagpapatibay ito sa mga tao na
maunawaan ang bawat isa at ang kanilang sitwasyon. Ang pag-asa sa kapalaran ay
mahalaga rin dahil ito ang nagpapatibay sa mga tao na maniwala sa kanilang sarili
at sa buhay, at magkaroon ng pag-asa para sa isang magandang kinabukasan .

You might also like