You are on page 1of 1

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa

isang pares na sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang


mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos.
Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari
na ang mga sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling
naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa
dalawang pares.
Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising
niya sa umaga nakita uli na yari na ang dalawang pares na sapatos.
Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli
ng mga gamit para sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa
para magawa sa umaga.
Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa
paggawa ng mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang
mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng sapatero.
“Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,” tanong niya sa asawa.
“Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at
tingnan natin kung sino nga siya?” alok ng babae.
Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa
likod ng makapal na kurtina para makita kung ano nga ang
nangyayari sa gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang pumasok
sa bintana ang dalawang kalbong duwende.
Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho.
Pakanta-kanta pa at pasayaw-sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila
sa paggawa. Madali nilang natapos ang mga sapatos at mabilis din
silang tumalon sa bintana.

You might also like