You are on page 1of 1

TALUMPATI

“Pag-asa Sa Gitna ng Kawalan”

Magandang araw sa ating lahat.te na naririto ngayon upang magsalaysay ng


aking mga saloobin tungkol sa paksang walang trabaho. Ang talumpating ito ay
pinamagatang ‘Pag asa Sa Gitna ng Kawalan’. Ilan sa mga Pilipino hanggang ngayon
ay nananatiling walang trabaho. Mga hindi nabigyan ng oportunidad at kakulangan sa
edukasyon. Labis itong hindi nabibigyang pansin dahil sa iba pang magkakasunod na
isyu at problema ng ating bansa. Ngunit hindi ito nararapat na isawalang bahala ng mga
nakatataas dahil ito ang rason kung paano tayo nakararaos sa ating pang araw araw na
pamumuhay. Kung ito ay patuloy na magiging problema, napakaraming hindi
magandang sanhi ang maaaring dulot nito. Paano na lamang tayo makakaraos sa ating
pang-araw araw na pamumuhay kung ito ay tuluyang hindi pagtutuonan ng pansin?
Paano na ang kagingawahan at kasaganahan ng ating buhay. Maging inspirasyon sana
ang bawat isa sa atin upang patuloy na kumayod at huwag mawalan ng pag-asa.
Tanging sipag at tiyaga lamang ang susi upang kahit papaano ay makaraos sa buhay.
Pagsusumikap at pagtutulungan ng bawat isa ay labis na kinakailangan sa oras ng
kagipitan. Lahat tayo ay may kanya kanyang diskarte at kakayahan para
makapaghanap-buhay. Lahat ay may tungkulin bilang isang mamamayan, ang
makapagsustento sa kani-kaniyang pamilya. Kaya kung hindi masolusyonan ay tayo
mismo ang gumawa ng paraan. Halina’t bumangon, patuloy na kumayod para sa ating
kinabukasan. Para sa mga may katungkulan, sana ay mamulat na ang inyong mga
mata sa suliraning ito upang magkaroon ng pagbabago sa ating ekonomiya. Yun
lamang, maraming salamat at muli, Magandang Araw sa ating lahat.

You might also like