You are on page 1of 1

Basketball Fouls and Violations

FOULS
1. Charging – Ang Charging ay nangyayari kapag intentional na itinulak ng isang offensive
player ang kaniyang kalaban na defensive player.

2. Pushing – Ang Pushing ay gaya ng Charging na pagtulak sa isang manlalaro. Ngunit ‘di
gaya ng Charging, ang Pushing ay nacha-charge sa isang defensive player kung saan
itinulak niya ang kalaban na offensive player.

3. Blocking – Ang Blocking ay foul kung saan ang isang defensive player ay hinaharangan
ang kalaban na titira ng lay-up shot. Kapag nakatalon na ang kalaban at hinarangan niya
ito mid-air at nagkaroon ng direct contact, maaari iyong ma-charge na Blocking Foul.

4. Intentional Foul – Ang Intentional Foul ay foul na kino-commit ng isang player on purpose
upang mahinto ang momentum ng kaniyang kalaban.

5. Technical Foul – Sa Technical Foul, maaari itong ma-commit ng player at maging ng


coach. Ito ay tumutukoy sa foul na tungkol sa appropriate manners kapag naglalaro.
Nakabilang dito ang language o pagsasabi ng mga bad words, gestures gaya ng pagtaas ng
gitnang daliri, at maging ang pakikipag-away o hindi pagtanggap sa desisyon ng referee.
Ang coach o player na naka-commit nito ay maaring paalisin sa loob ng court o ma-ban sa
laro nang ilang araw.

VIOLATIONS
1. Traveling – Ang Traveling ay ang hindi pag-dribble ng bola habang tumatakbo o pag-apak
nang kahit isang hakbang lamang.

2. Palming – Ang Palming ay madalas na nangyayari sa mga bagong manlalaro ng basketball.


Pagka-dribble ng bola ay sinasalo nila ito at saka id-dribble ulit.

3. Double Dribble – Ang Double Dribble ay ang pag-dribble nang sabay gamit ang dalawang
kamay pagkatapos ay titigil at id-dribble ulit.

4. Kicking Violation – Ang Kicking Violation ay ang intentional na pagsipa ng isang


manlalaro sa bola o paghataw nito sa kahit anong parte ng kaniyang binti.

5. Five-second Violation – Nangyayari ang Five-second Violation kapag ang ball inbound ay
hindi nailabas sa sideline o baseline at hindi naipasok inside the court sa loob ng limang
segundo. Kapag hindi ito napasa o naipasok sa court ay automatic na magkakaroon ng lose
ball o ang bola ay mapupunta sa kabilang team.

You might also like