You are on page 1of 71

Learning Strand 1 – Filipino Communication Skills

Alternative Learning System 2.0


First Edition, 2021

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency
or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort
has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective
copyright owners. The publisher and writers do not represent nor claim ownership over them.

REGIONAL MANAGEMENT TEAM


Chairperson : Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons : Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Assistant Regional Director
: Ms. Mala Epra B. Magnaong
Chief Education Supervisor, CLMD
: Dr. Ray Butch D. Mahinay
Education Program Supervisor, ALS
LEARNING ACTIVITY SHEETS DEVELOPMENT TEAM
Writers : Earl May Emano, Division of Bukidnon
: Marissa Dela Torre, Division of Bukidnon
: Cerenita Genoso, Division of Bukidnon
: Jigger Tomarong, Division of El Salvador City
: Rosana Pagente, Division of Misamis Occidental
: Rhea Tezza Ramos, Division of Tangub City
: Jessah Jean Cabalida, Division of Iligan City
: Mildrey Morales, Division of Oroquieta City
: Florencio Idulsa, Division of Gingoog City
: Hazel Fiel, Division of Valencia City
: Juwilyn Balansag, Division of Ozamiz City
: Ruth Tutor, Division of Camiguin
: Rotsar Narisma, Division of Misamis Oriental
: Laynoray Tawantawan, Division of Lanao del Norte
Content Expert : Dr. Luzviminda Binolhay
Master Teacher (SHS), Division of Cagayan de Oro City
Reviewer : Mr. Elesio Maribao
Education Program Supervisor, Filipino
Editor : Ms. Pinky Marris Fabria
ALS Mobile Teacher, Division of Cagayan de Oro City
Coordinator : Dr. Michael John Daub
Senior Education Program Specialist, Division of Iligan City

Printed in the Philippines by

DEPARTMENT OF EDUCATION – REGIONAL OFFICE X


Office Address: Zone 1, Upper Balulang, Cagayan de Oro City, Philippines
Telefax: Office (088) 881-3137, LRMDS (088) 881-3136
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
Website: http://deped10.com
Learning Strand 1
Filipino Communication Skills
ALS K to 12 Basic Education Curriculum

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


implementers of the Alternative Learning System and teachers in the formal schools of
DepEd Region X, with the technical support from DepEd ALS Task Force and Smart
Communications.

We encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,


comments, and recommendations to region10@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Etimolohiya LAS No. 1 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Natutukoy ang pinagmulan ng salitang etimolohiya.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang etimolohiya (pinagmulan ng salita) ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita
at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.

HALIMBAWA:
psyche – grigong salita na ang ibig sabihin ay kaluluwa.
II. MGA GAWAIN
A. Panuto: Natutukoy ang pinagmulan ng mga sumusunod na salita.

Latin Greek Spanish English

1. galaxy ____________ 6. Bon apetite __________

2. cemetery ____________ 7. Adios _____________

3. democracy____________ 8. Me amore_____________

4. leche ____________ 9. Thank you ____________

5. bon voyage____________ 10. Congratulations_______


ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Pagbuo ng Puzzle LAS No. 2 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa paksa.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
May iba’t ibang uri ng bahagi ng pananalita gaya ng pangngalan, panghalip,
pandiwa,pangatnig,pang-ukol,pang-angkop,pang-uri,pang-abay, panao at panaklaw.
II. MGA GAWAIN
Panuto: Hanapin at bilugan sa loob ng puzzle ang mga salitang nasa ibaba.

B N P N S F Q T P U P Y S W P
A A A S H G R U A O A J P E P A
P A N A O H P A N G N G A L A N
A L G P K E A V G Q A K N H N D
H I - N M A N D H W K L G O G I
A T A G O T G W A E L K A P - W
G A B I Y Y - X L R A L T H A A
I P A N G - U R I T W M N N N Q
N A Y T R H K Y P Y A N I K G U
G N K A T D O Z M U S O G L K I
P G H N D T L K N I D G U M O C
A P L G W L S L O O H H V N P K

Pangngalan pang-abay
Panghalip panao
Pandiwa panaklaw
Pangatnig Pang-ukol
Pang-angkop Pang-uri
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Pagsulat ng mga Taludtud LAS No. 3 ISKOR

Kasanayang
Pampagkatuto
Nakasusulat ng mga taludtud.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang taludtud ay tumutukoy sa isang linya ng tula.Makikita ito sa bawat saknong ng
isang tula.Sa pagsulat ng taludtud dapat may sukat at tugma. Ang sukat ay tumutukoy sa
bilang ng pantig ng bawat taludtud. Ang tugma ay tawag sa parehong tunog ng huling
pantig sa bawat taludtud.

Halimbawa ng tula ng may sukat at tugma.


Ako ay Pilipino
Batang matalino
Marunong gumuhit
At lagging umaawit

II. MGA GAWAIN


Sumulat ng isang saknong na may apat na taludtod.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Mga Kaugalian at Kalagayang Panlipunan LAS No. 4 ISKOR

Kasanayang Nasasabi ang mga kaugalian ng mga Pilipino at naihahambing ang kalagayan ng lipunan noon at
Pampagkatuto ngayon.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang kaugalian ng mga Pilipino ay malapit sa pamilya,magalang at malugod tumanggap
ng bisita.Maraming katangian ang mga Pilipino na maipagmamalaki at dapat na
panatilihin.
May marami ng pagbabago sa lipunan noon kumpara sa ngayon.Kung tatanungin natin
ang mga matatanda ,mas gusto nilang bumalik sa panahon nila kaysa sa panahon ngayon.
II. MGA GAWAIN
Ano ang pagkakaiba sa kalagayan ng lipunan noon at ngayon?

?
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Pagsulat ng Tula LAS No. 5 ISKOR


Kasanayang Naisusulat ang isang orihinal na tulang may apat o higit pang saknong sa alinmang tinalakay gamit
Pampagkatuto ang pag-ibig sa kapwa , bayan o kalikasan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Tula ay akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, na hinango sa guniguni,
pinararating at ipinahahayag sa ating damdamin sa pananalitang may angking
kariktan o aliw-iw.
Mga Elemento ng Tula
Sukat ay ang bilang ng pantig sa taludtod ng saknong, kung saan karaniwang gamitin ay
ang labindalawa , labing-anim at ang labingwalong pantig.
HALIMBAWA: Ma/ri/kit /na/ mga/ ta/la/ sa/ ka/la/ngi/tan
Tugma ay ang pare-parehong tunog sa mga huling pantig sa mga taludtod.
HALIMBAWA: mata- sinta , ako- puso
Talinghaga ay ang paggamit ng mga di pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit
at mabisa ang pagpapahayag ng saloobin sa tula.
HALIMBAWA: Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
Saknong ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod sa tula. Pangkaraniwang ginagamit
ang saknong na may dalawa(couplet), tatlo( tercet) at apat (quatrain) na taludtod.
Larawang – Diwa( imagery)ay ang mga salitang binabanggit sa tulang nasiyang nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mga mambabasa.
HALIMBAWA: Pumula sa dugo ng kalabasang puksa,
Naglambong sa usok, bangis ay umamba
Simbolismo ay ang mga salitang ginagamit sa tula na may kahulugan sa mapanuring
isip ng mambabasa.
HALIMBAWA: tinik- pagsubok/hirap ; bituin- pangarap
Kariktan ay ang tamang pagpili ng mga salita, kataga , parirala, imahen o larawang
diwa, tayutay o talinghaga at mensaheng taglay ng tula.
II. MGA GAWAIN
Sumulat ng isang tulang tungkol sa iyong mga magulang na binubuo ng apat na saknong
o higit pa na mayroong parehong sukat bawat taludtod.

Mga Batayan sa
Pagbibigay ng Puntos

Bilang ng saknong- 2
Tugma- 2
Talinghaga- 2
Simbolismo- 2
Larawang diwa- 2
--------------------------------
-
Kabuuang Puntos 10
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Mga Kwentong Bayan LAS No. 6 ISKOR


Kasanayang Naipapaliwanag ang tema at iba pang elemento ng mito/alamat/kwentong bayan batay sa
Pampagkatuto napanood na mga halimbawa nito.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Kuwentong-bayan o Folklore ay ang salaysay tungkol sa mga likhang-isip ng mga
tauhan na nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga tao. Ito ay isang kwentong walang
akda.

MGA ELEMENTO KAHULUGAN


a. Tauhan Ang mga nagsisiganap sa kwento.
b. Tagpuan Ang pinangyarihan ng kwento.
c. Banghay Ang daloy ng kwento.
Bahagi ng Banghay
a. Panimulang Pangyayari
b. Papataas na Pangyayari
c. Kasukdulan
d. Pababang Pangyayari
e. Resolosyon
d. Tema Ang gusting iparating ng kwento.
e. Aral Ang natutunan matapos basahin ang
kwento.
II. MGA GAWAIN
Manood o magbasa ng isang halimbawa ng kwentong bayan at ipaliwanag ang mga
elemento nito.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Pagpapaliwanag sa Paksa LAS No. 7 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nasasabi / naipaliliwanag ang paksa o tema ng binasang paksa/sanaysay.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang paksa o tema ay ang pinakapuso, pinakapokus o ang pangunahing kaisipang
pinagmumulan ng magkakaugnay na pagtalakay ng pangungusap sa talata. Ito ay
maaaring makikita sa unahan, gitna o hulihan ng mga talata.

HALIMBAWA:
Mahalagang mapanatili ang balanse ng kapaligiran upang maiwasan ang mga
suliraning makakaapekto sa lahat ng nabubuhay. May mga sistema at prosesong
sinusunod ang kalikasan upang mapanatili ito. Ang bawat nilalang ,malaki man o maliit,
maganda man sa paningin o hindi ay may mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng
kaayusan at patuloy na pagdaloy ng buhay. Ang pagkakaiba-iba ng tungkuling
ginagampanan ng bawat uri ng nilalang ay nakatutulong sa pagkakaroon ng patuloy na
mapagkukunan ng pagkain at iba pang pangangailangan upang magpatuloy ang buhay
rito sa daigdig.
Paksa/Tema: Mahalagang mapanatili ang balanse ng kapaligiran upang maiwasan ang
mga suliraning makaaapekto sa lahat ng nabubuhay.

II. MGA GAWAIN


Basahin ang mga talata at isulat ang paksa o tema.

Ang isang kaibigan ay maaasahan sa Ang edukasyon ay isang bagay na nagbibigay-


oras ng kagipitan. Gaanuman katagal daan upang maabot ng isang tao ang mga
na ‘di sila’ magkita, mararamdaman pangarap kaya’t maraming mag-aaral ang
nilang nariyan pa rin sa iyong tabi. Siya nagsisikap makatapos gaanuman kahirap. Sa
ay sa isang iglap mong mahihingan ng malalayong probinsya, nakakaya ng maraming
tulong. Minsa’y sinasabing ang isang bata ang sumuong sa panganib makapasok
matalik na kaibigan ay mas matimbang lamang sa paaaralan. Inaakyat ang matatarik na
pa kaysa isang tunay na kapatid. bundok, dumaraan sa masusukal na kagubatan
Marahil ay may katotohanan ito sa at tumatawid sa rumaragasang agos ng ilog
dahilang ang tunay na kaibigan ay upang makapag-aral. Hindi nila hinahayaang
maaaring piliin subalit ang kapatid ay maging hadlang ang layo at hirap sa
hindi. Ang mas mainam, maaari paglalakbay o karukhaan maabot lamang ang
namang maging matalik na kaibigan mga pangarap. Nagsisikap ang mga mag-aaral
ang kapatid. Anong saya ng isang na matuto at makatapos ng pag-aaral. Dumating
magulang kung magiging matalik na sana ang panahon na maging maayos ang mga
magkaibigan ang magkapatid na daan at makapagpatayo ng mga karagdagang
magkakaasahan sa oras ng paaralan upang maging maginhawa ang
pangangailangan. kanilang pag-aaral.

A B
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paksang LAS
Paghinuha sa Napakinggan 8 ISKOR
Pamagat No.
Kasanayang
Nahihinuha ang maaaring mangyari sa mga tauhan batay sa napakinggang bahagi ng akda.
Pampagkatuto

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang paghinuha ay ang pag-intindi ng mga bagay mula sa pahiwatig nito. Kailangan
mong malaman ang konsepto ng tekstong iyong pinakinggan upang makapagbigay ng
malinaw na hinuha.

HALIMBAWA :
Si Botyok ay mabait na bata. Isang araw, namasyal siya sa Goryo Mall sa kanilang
lugar, sa kanyang paglalakad ay may nakita syang kalupi na may lamang pera.

Ano kaya ang gagawin ni botyok sa nakitang kalupi? Ibigay ang iyong hinuha sa
tekstong nabasa.
_______________________________________________________
II. MGA GAWAIN
Basahin ng may pang-unawa ang mga talatang nakasulat sa ibaba. Isulat ang inyong
sagot sa mga patlang na nakalaan sa bawat bilang.

1. Ako si Jenny, labing-walong taong gulang, sa murang edad ay kabisado ko na ang mga
gawaing bahay dahil ako ang panganay. Sa ngayon, ako ay nag-aaral sa sekondarya
sa Alternative Learning System sa aming lugar. Labinlima palang ako noong pumanaw
ang aking tatay kaya ako ang naging katuwang ni nanay sa lahat ng bagay. Mayroon
akong tatlong kapatid na nag-aaral din. Ngayon, matanda na si nanay at hindi na
makapagtrabaho dahil sa kanyang karamdaman.

a. Ano kaya ang mangyayari kay Jenny ngayong nagkasakit ang kanyang nanay?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
__

b. Ano ba sa tingin mo ang dapat niyang gawin?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

c. Kung ikaw ang may-akda, paano mo bibigyan ng magandang wakas ang kwento ni
Jenny?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA

PAARALAN/CLC DISTRITO

LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paksang LAS
Pagkukwento 9 ISKOR
Pamagat No.
Kasanayang Naikukwentong muli ang napakinggang kuwento na wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga
Pampagkatuto pangyayari.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang Pagkukwento ay isang pagsasalaysay na gamit ang imahinasyon ng
nagsasalaysay. Nagbibigay din ito ng aral sa mga tagapakinig. Isinasalaysay ang mga
pangyayari base sa karanasan.

May limang (5) Bahagi ang Kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod. Ito ay ang
sumusunod:

▪ Panimula – Dito kakikitaan ng simula ng pangyayari..


▪ Saglit na Kasiglahan – Panandaliang pagtatagpo ng tauhan.
▪ Kasukdulan – Ang pinaka klimaks ng kuwento o kakapanabik. .
▪ Kakalasan – Kumakalas na ang kapana-panabik na kuwento..
▪ Wakas – Katapusan ng kuwento..

II. MGA GAWAIN


Ikaw ba ay may dala-dalang kwento na hindi mo malilimutan habang buhay?
Kwento tungkol sa sarili o di kaya ay kwentong iyong narinig lamang mula sa ibang tao,
radyo o sa telebisyon? Halika at ating balikan.

Mag-isip ng isang kwentong iyong narinig na sadyang hindi mo malilimutan.


Alalahanin ito at isulat ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

1. Panimula 2. Saglit na Kasiglahan


___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
__________________________________. __________________________________.

3. Kasukdulan
___________________________________
___________________________________
___________________________________
__________________________________.

4. Kakalasan 5. Wakas
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
__________________________________. __________________________________.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA

PAARALAN/CLC DISTRITO

LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paksang
Mga Elemento ng Mito, Alamat at Kwentong Bayan LAS No. 10 ISKOR
Pamagat
Kasanayan Naipapaliwanag ang tema at iba pang elemento ng mito/ alamat/kwentong-bayan batay sa
Pampagkatuto nabasang mga halimbawa nito.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Mito - kwentong tungkol sa mga Diyos at Diyosa.
Alamat – isang panitikan na naisulat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
Kwentong-bayan - pasalin dila na tungkol sa kultura, pamumuhay, at karanasan ng
isang lugar o pangkat.
Tema – ito ay ang nilalaman ng kwento o kung saan tungkol o hango ang kwento.
II. MGA GAWAIN
Basahin at unawain ang Alamat ng Pinya na nasa kahon. Pagkatapos basahin ay suriin
ang mga elementong nakapaloob sa alamat.

Alamat ng Pinya
ni Jonathan Josol
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Si Aling
Rosa at si Pinang. Lumaki sa layaw si Pinang, dahil mahal na mahal niya ang kaniyang
anak pinababayaan na lang niya ito. Gustong turuan ni Aling Rosa si Pinang sa mga
gawaing bahay ngunit palagi niya itong sinasabi na alam na niya ito.
Isang araw nagakasakit si Aling Rosa hindi siya makabangon kaya inutusan niya na
magluto ng lugaw. Ng nagluluto na ng lugaw si Pinang ay pinabayaan niya ito dahil sa
kalalaro ang nangyari ay nasunog, pinagpasensiyahan na lang niya ito. Ang sakit ni Aling
Rosa ay nagtagal kaya napilitan si Pinang na gumawa ng gawaing bahay, lahat ng
kaniyang hinahanap ay tinatanong sa ina kaya nawika ng kaniyang ina na “sana’y
magkaroon siya ng maraming mata upang kung ano ang kaniyang hinahanap ay madali
niya Makita.”
Kinagabihan ay wala si Pinang kaya nabahala na si Aling Rosa. Pagkaraan ng ilang
araw ay wala pa rin si Pinang, nagtanong-tanong siya ngunit naglaho na parang bula.
Namangha si Aling Rosa na may halaman na tumubo na hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata. Naalala ng ina na tumalab ang kaniyang sinabi at siya’y
nagsisisi. Tinawag niyang Pinang at sa kalauna’y naging Pinya ang Pinang.

Ipaliwanag ang tema ng alamat.

Tema ng alamat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paksang Ang Paghambing ng mga Katangian ng Tula,
LAS No. 11 ISKOR
Pamagat Tugmang De Gulong at Palaisipan
Kasanayang
Napaghahambing ang mga katangian ng tulang panudyo,tugmang de gulong, at palaisipan.
Pampagkatuto

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Tulang panudyo – ito ay isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay may sukat at
tugma. Ang layunin nito ay mambuska o manudyo.
Halimbawa:
• Bata batuta! Isang perang muta!
• May dumi sa ulo, ikakasal sa Linggo. Inalis, inalis ikakasal sa Lunes.
Tugmang de gulong - ito ay mga simpleng paaalala sa mga pasahero na maaari nating
matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at traysikel.
Halimbawa:
• Ang di magbayad sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.
• Ms. na sexy kung gusto mo’y libre ssa drayber ka tumabi.
Palaisipan – ito ay isang suliranin, uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito.
• Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok
na dalawa sa buwaya, at kabayo at tatlo sa palaka? Sagot: A.
• Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at unahan ng globo. Sagot: Titik g.
II. MGA GAWAIN
A. Paghambingin ang mga katangian ng:
a. Tulang panudyo sa tugmang de gulong.

b. Tugmang de gulong sa palaisipan

B. Isulat sa patlang kung ito ay tulang panudyo,tugmang de gulong, o palaisipan. Isulat


ang iyong sagot sa patlang.

____________1. Ate mo, ate ko, ate ng lahat.


____________2.Pedro penduko matakaw ng tuyo. Nang ayaw maligo pinukpok ng tubo.
____________3. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi
tayo hihinto.
____________4.Tatay mong bulutong, pwede nang igatong. Nanay mong maganda,
pwede mong ibenta.
____________5.Hawakan mo at naririto, hanapin mo ay wala ito.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Pagsulat ng Salaysay LAS No. 12 ISKOR

Kasanayang
Pampagkatuto
Naisusulat ang isang orihinal na salaysay gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang isang salaysay -ay nagpapahayag ng magkakasunod at magkakaugnay na mga
pangyayaring pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan.
- Ito ay may simula, gitna at may wakas.
Narito ang ilang hakbang na maaaring pagbatayan sa pagsulat ng salaysay.
A. Linawin mo kung anong paksa ang iyong tatalakayin.
B. Gumawa ng isang balangkas. Ito ay isang iskeleton ng iyong gagawing pagtalakay sa
paksa.
C. Alamin mo rin kung paano mo ilalahad ang iyong salaysay. Nararapat na nakaayon ito sa
tamang istruktura:
1. Introduksyon – dito inilalahad ang paksang tatalakayin.
2. Eksplorasyon – dito iniisa-isa ang mga kaalamang may kinalaman sa paksa.
3. Kongklusyon – dito inilalahad ng sumusulat ang sariling opinyon tungkol sa paksa.
D. Alamin mo ang mga kaalamang teknikal tulad ng wastong baybay, bantas at pamimili ng
angkop na salita.
Sa pagsulat ng salaysay gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento kailangang
tandaan ang apat na elemento ng kuwento.
• Tagpuan
• Tauhan
• Problema o Pangunahing Problema
• Kakalasan
II. MGA GAWAIN
Panuto: Sumulat ng isang salaysay gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento.
sa pamagat na “ Ang Aking Karanasan”

“ Ang Aking Karanasan “

_______________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

_______________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

_______________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paggamit ng Suprasegmental at Di-berbal na
Paksang Pamagat LAS No. 13 ISKOR
Palatandaan
Kasanayang Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng Suprasegmental (tono,diin,antala) at mga di-
Pampagkatuto berbal na palatandaan (kumpas, galaw ng mata at iba pa sa tekstong napakinggan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa diin, haba, paghinto at intonasyon
na ginagamit sa paraan ng pagbigkas ng mga ponemang suprasegmental na tumutukoy
naman sa makabuluhang tunog. Sa tulong ng mga ponemang suprasegmental,
nagkakaroon ng buhay ang pagbabasa at nagiging mabisa ang pagpapahiwatig ng
damdamin sa ating kapwa.
⚫ Tono – ito ay makikilala sa pamamagitan sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng
nagsasalita. Malalaman din kung ang nagsasalita ay nagsasalaysay, nagdududa,nag-
aalinlangan o nagtatanong.
HALIMBAWA:
1. Sasama kaya siya? (nag-aalinlangan)
2. Kailan siya aalis? (nagtatanong)
3. Mga taong tumatakbo. (nagsasalaysay)
4. Siya ba? (nagdududa)
⚫ Haba at Diin – ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita
samantala ang diin ay tumutukoy naman sa lakas ng bigkas ng pantig sa salita. Maaring
magkakasama ang mga tono, haba o diin dahil marandaman na ang salita ay tumataas,
lumalakas ang tinig sa pagbigkas ng pantig.
HALIMBAWA ng Haba:
HALIMBAWA ng Diin:
1. manggaga.mot (doktor)
1. daing (pinatuyong isda) 2. mang.ga.ga.mot (nagpapagaling sa
2. galing (pinagmulan) pasyente)
3. mang.gagamot (titingnan pa lang ang
pasyente)

⚫ Antala – ang saglit na pagtigil sa isang pantig o salita sa pangungusap. Ginagamitan


ito ng kuwit,tuldok,tuldok-kuwit,tutuldok sa pagbibigay ng mensahe sa paraan ng
pagsulat gayundin ang bar(/) sa saglit na paghinto sa antala ng pangungusap na naiiba
ang kahulugan.
HALIMBAWA:
1. Ang tatay ko ay manggagamot//. (Sinasabi niya na ang tatay niya ay isang doctor)
2. Manggagamot / ang tatay ko//. (Gagamutin ang pasyente)

II. MGA GAWAIN


Panuto: Tapusin ang pahayag sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kahalagahan ng
paggamit ng suprasegmental at mga di-berbal na palatandaan.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng tono, haba, diin at antala sa ating
pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa sapagkat___________________________
___________________________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paghambing ng mga Katangian sa mga Tauhan ng
Paksang Pamagat LAS No. 14 ISKOR
Kwento
Kasanayang
Pampagkatuto
Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggan kuwento.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Sa paghahambing o paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaring
mahinuha sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang ikinikilos, paano ito nagsasalita
at kung paano nagpapakita ng kanyang naging reaksiyon sa mga sitwasyon sa kwento.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Babasahin ng guro ang kuwento. Paghambingin ang mga tauhan sa
napakinggan kwento.

Sa simula’y naging palaisipan si Celia sa kanyang guro.Mahiyain


siya, palaging kupas ang damit , walang baon, walang kaibigan at
palaging tahimik. Isang araw, pinagbintangan ito ni Ferdinand na
kumuha ng kanyang limampisong baon. Isinumbong ito ni Ferdinand sa
kanyang guro.
Malapit na sanang paniwalaan ng guro si Ferdinand dahil si
Ferdinand ay isang malinis na bata, palaging puti ang suot, bibung-
bibong bata at palaging mabango. Inisip ng guro na talagang may pera
si Ferdinand at si Celia ay wala. Maya- maya’y dumating ang bata na
nasa ika-limang baitang na siyang nakapulot sa pera ni Ferdinand. Buti
na lang ay hindi napagalitan ng guro si Celia.

Ihambing si Celia kay Ferdinand sa pamamagitan ng kanyang


1. damit ______________________________________________

2. ugali ______________________________________________
Ihambing naman si Ferdinand kay Celia sa pamamagitan ng kanyang
3. damit ______________________________________________

4. ugali ______________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Paglahad ng Sariling Pananaw LAS No. 15 ISKOR

Kasanayang Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan at di makatotohanan ng mga puntong
Pampagkatuto bibibigyan diin sa napakinggan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang makatotohanang pahayag ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari na may
dahilan o basehan. Ito din ay suportado ng mga ebidensya o katwiran. Habang ang di
makatotohanang pagpapahayag ay ang mga pahayag na walang basehan kung bakit
nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o katwiran.

II. MGA GAWAIN


PANUTO: Lagyan ng tsek ang hanay ng makatotohanan kung, ang pahayag ay
nangyayari sa tunay na buhay at kung hindi naman, i-tsek ang hanay ng di-
makatotohanan. Tapos, ipaliwanag ang inyong sagot.

1. Wala pang bakuna o gamot para sa coronavirus.

Makatotohanang Di-makatotohanang Paliwanag


Pahayag Pahayag

2. Ang dalawang linggong lockdown ay pipigil sa pagkalat ng coronavirus.

Makatotohanang Di-makatotohanang Paliwanag


Pahayag Pahayag

3. Ang pag-test ay hindi pipigil sa pagkalat ng coronavirus.


Makatotohanang Di-makatotohanang Paliwanag
Pahayag Pahayag
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Pagbigay Hinuha sa Kalabasan ng mga Pangyayari LAS No. 16 ISKOR
Kasanayang Nahuhulaan/nahihinuha ang maaaring mangyari/kahihinatnan ng mga pangyayari sa
Pampagkatuto teksto/kuwento.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang paghihinuha(inferring) ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na
nauunawaan niya ang kanyang binabasang artikulo o seleksyon. Sa bawat seleksyon,
nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat na hindi tuwirang sinasabi o ipinahahayag
sa halip ay ibinibigay na implikasyon. Nagbibigay ng pahiwatig ang manunulat sa teksto.
Ito ay di niya direktang ipinahahayag bagama’t may mga implayd na kahulugan sa pagitan
ng mga salita,pangungusap at talataan. Hindi ito dinidisklos ng manunulat at hinahayaang
ang mambabasa ang kusang makadiskubre hanggang sa tuluyang makapaghinuha o
makapanghula sa kalabasan ng pangyayari. Halimbawa ng paghihinuha ay baka, tila, wari,
marahil, siguro.
Halimbawa sa Pangungusap:
Pangyayari: Umiiyak ang bata. Nahihinuha: Baka nagutom ang bata o baka
nadapa.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Basahin ang mga pangyayari at magbigay ng hinuha tungkol dito. Isulat sa
kahon ang nahihinuhang sagot.
Pangyayari Nahihinuha
1. Si Juan ay lumiban sa klase kasi
siya ay nadatnan ng ulan kahapon.

2. Nagluto ng mga kakanin ang nanay.


Inimbitahan ang mga kapitbahay
at lahat ng kalaro at kababata ni Cris.

3. Nagising si Jun-Jun na umiiyak at takot


na takot.Humahangos siyang pumunta
sa kusina para uminom ng tubig.

4. Patuloy na pagtatapon ng basura sa ilog.

5. Ang langit ay dumidilim o makulimlim


ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Pagbuo ng Kwentong Katumbas sa Napakinggan LAS No. 17 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Sa pagbuo ng kuwentong katumbas sa napakinggang kuwento, kailangan ang isang
pamamaraang ginagamit sa pagsasalaysay muli ng napakinggan o nabasang kuwento sa
pamamagitan ng pagsasabi ng mga pangyayari nito nang may tamang pagkakasunod-sunod.

Iparinig ang kuwento. Maaari ding ipabasa sa ilang piling mag-aaral ang ilang bahagi at
ang iba naman ay makikinig.
Ang Apat na Baka at ang Leon

Bb. Rigor: Isang araw, habang naglalakad ang Leon,nakadama ito ng matinding gutom.
Maya-maya, may nakita itong apat na baka.
Leon: Mukhang mapalad ako ngayong araw na ito. May apat na baka. Malalaki at
matataba pa ito.

Dahan-dahang lumapit ang leon sa apat na baka. Ngunit napansin siya ng


mga ito. Kaagad-agad na nagsama sila. Nagtalikuran sila nang pabilog.
Pinagsama-sama pa nila ang kanilang buntot.
Tuwing lalapit ang leon ay lalong pinagdirikit ng mga baka ang kanilang
likuran. Kahit saan humanap ng magandang lugar ang leon, hindi niya makuhang
makalapit sa mga baka. Kaya umalis na lamang ito.

Mga baka: Akala siguro ng leon madali niya tayong makakain. Hindi niya alam na kapag
nagsama-sama at pinagdikit natin ang ating mga buntot,mas malakas tayo.

Isang araw,nagtalo-talo ang mga baka. At nagkahiwalay silang lahat. Nakita


sila ng leon at isa-isa silang sinugod nito at kinain.

Bino: Ganyan ang nangyayari kapag walang pagkakaisa.


Didi: Kaya dapat nagtutulungan at nagkakaisa ang lahat.
Bb.Rigor: Tama, mga bata. Iyan ang dapat nating tandaan.
II. MGA GAWAIN
Panuto: Buuin ang bawat pangyayari sa kuwento. Pagkatapos,ayusin ito nang sunod
sunod,isulat ang bilang 1-5 sa tamang kahon.

Pinagsama-sama ng mga ____________ ang kanilang ____________.


Kaya nang makita sila ____________ inisa-isa silang sinugod at ____________
nito.
Napansin ng mga ____________ na papalapit si ____________.
Minsan, nagtalo-talo ang mga ____________ at sila’y ____________.
Dahil walang nagawa si Leon siya’y ____________.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paghambing ng mga katangian ng Mito, Alamat at
Paksang Pamagat LAS No. 18 ISKOR
Kwentong Bayan
Kasanayang
Pampagkatuto
Napaghahambing ang mga katangian ng Mito, Alamat at Kwentong Bayan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Mito (mitolohiya) – ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento na kalimitang naghahayag
sa kabutihan o kasamaan ng isang diyos gaya ng diyos ng araw o diyosa ng kagandahan.
Narito ang ilan sa mga katangian ng mito/mitolohiya:
1. Ang kadalasang tema ay tungkol sa mga diyos at diyosa.
2. Ang paraan ng pagkukuwento ay matalinghaga.
3. May kapupulutang aral sa bawat kuwento.

Alamat – Ito ay kathang-isip o binuo ng imahinasyon lamang na may mga pangyayaring


hindi nagaganap sa tunay na buhay napunong-puno ng mga kapangyarihan,
pakikipagsapalaran at hiwaga sa Kasasalaminan ng kultura at kaugalian ng mga tao sa
lugar na pinagmulan nito, mayroong aral na mapupulot.
Halimbawa nito: alamat ng pinya, alamat ng saging at iba pa.

Ang kuwentong-bayan o poklor – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga


tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat
at mga mito. Sa madaling salita, ito ay mga kwentong napasalin-salin sa iba’t ibang tao na
napapatungkol sa kwento ng ating bayan. Galing pa ito sa mga nakakatanda hanggang
napasalin sa mga henerasyon. Ito ay isang anyo ng panitikan na pampalipas oras at
kadalasa’y ikinukwento sa mga bata upang kapulutan ng aral. At ang kadalasang paksa ay
mga bagay na nakapaninindig-balahibo tulad ng tungkol sa mga aswang,
maligno,kapre,mga sirena at nuno sa punso.
II. MGA GAWAIN
Tanong: Ihambing ang pagkakatulad ng katangian ng mito, alamat at kwentong
bayan.

Sagot:

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School

Paksang Pamagat Parabula LAS No. 19 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nabibigyang-kahulugan ang matalinghagang pahayag sa parabola.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
PARABULA- ay maikling kwento tulad din ng talinghaga na galing sa banal na
kasulatan na nagsasaad at nagtuturo ng mga magagandang asal na kung saan ay maging
gabay at maaaring gamitin ng tao sa pagdesisyon. Halimbawa ay Pinatigil ni Jesus ang
Bagyo sa Lawa ( Mateo 8: 23-27 ), Ang Alibughang Anak ( Lucas15:11-32) at iba pa.

Buod ng Alibughang Anak

Mayrooong isang matanda na may dalawang anak. May kaya ito kaya naibigay niya
ang gusto ng dalawang anak.

Napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin ang kaniyang mamanahin. Matapos na


matanggap ang pera at ari-arian ay umalis na kaagad. Nagpakasarap siya sa buhay,
ginastos nya ang pera at sinubukan ding magsugal. Naubos kaagad ang kaniyang pera,
nabaon sa utang at di na nakabangon pa.

Nagdesisyon na bumalik sa kaniyang ama dahil wala na siyang ibang matatakbuhan.


Mabuti ang puso ng kaniyang ama kaya tinanggap siya, binihisan at pinakain.

Nagtaka ang panganay kung bakit tinanggap pa ito kaya naisipan niyang kausapin
ang ama.

Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa anak ay tunay na diwa ng


pamilya. Lahat naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng pagpapatawad.
Ang mahalaga raw ay natutuhan natin ang ating leksiyon.
II. MGA GAWAIN
Panuto: Isulat sa sinag ang magagandang katangian ng ama.

Magagandang
Katangian ng Ama
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paksang Pamagat Paghinuha ng Florante at Laura LAS No. 20 ISKOR
Kasanayang Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura sa napakinggang mga pahiwatig sa
Pampagkatuto akda.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Mga nangungunang tauhan sa kwentong Florante at Laura:
FLORANTE LAURA ALADIN FLERIDA ADOLFO MENANDRO
-Makisig na -anak ni -gererong -matapang -anak ni -mabait
binata Haring Moro na babae Konde Sileno -matapat
-Anak ni Linceo -Prinsipe ng -isang Moro -tagaAlbanya -kaibigan ni
Duke - natatanging Presya -taga Presya -nag-aral sa Florante
Briseo at pag-ibig ni -anak ni -hinanap atenas -magkasama
Prinsesa FLORANTE Sultan Ali- niya ang -taksil ni Florante
Floresca -tapat ang adab(kaaway kanyang -may itim na sa digmaan
-Bayani puso sa pag- ng bayan at kasintahang lihim kay
-Mandirigma ibig kahit relihiyon ni Aladin sa Florante ng
-Heneral inagaw siya Florante) gubat nag kasama
-Tagapag – ni Adolfo -tagapaglig- - tagapaglig- pa sila sa
tanggol - maparaan tas ni tas ni Laura Atenas
-Namuno sa -nakatira sa Florante(ng sa kamay ni -karibalsapag
Albanya Albanya nasa Adolfo -aaral ni
kagubatan Florante
na nakatali -balakid nina
siya sa lubid Florante/Laura
at napaligiran -mang-aagaw
ng Leon) sa trono ni
Haring Linceo

Sa gitna ng pagsubok at kahirapang nararanasan nina Florante, Laura, Aladin at Flerida


ay nagtatagumpay sila sa puno’t dula ng kasamaan. Namumuno sina Florante at Laura sa
Albanya at sina Aladin at Flerida naman sa Presya.
II. MGA GAWAIN
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
____1. Ilan ang mga nangungunang tauhan sa Florante at Laura?
____2. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa Florante at Laura?
____3. Sino si Florante kay Laura?
____4. Sino si Flerida kay Aladin?
____5. Anong relihiyon sina Florante at Aladin?
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang Pamagat Mga Talumpati at Editoryal LAS No. 21 ISKOR
Kasanayang
Pampagkatuto
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang talumpati at editoryal.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang Talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga tao na naayon sa okasyon o tema.

Ang Editoryal naman ay ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng iisang pahayagan.


Kumakatawan ito ng publikasyon. Magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna,
magbigay puri, manlibang at magpapahalaga ang tanging layunin.

Sa ganun, ang Talumpati at Editoryal ay may iba’t ibang layunin ngunit kapareha ang
kanilang mga bahagi.
Mga Bahagi
Talumpati Editoryal

•Paglalahad ng • Napapaloob
Layunin ang balita, isyu
Panimula Panimula
/Istratehiya at reaksyon
•Hikayatin ang
madla •Paglalahad ng
Katawan mga totoong
•Tatalakayin ang Katawan detalye sa
Paksa balita o isyo

•Pagwawakas/ Simpleng Buod


Pinakabuod Pangwakas ng Akda
•Konklusiyon Pangwakas •Pinakamahala
ayon sa tema. gang Direksyon
•Konklusiyon

II. MGA GAWAIN


Panuto A: Isulat sa Patlang ang T Kung ang pahayag ay tama at M kung ang pahayag ay
mali.

_____________ 1. Ang Talumpati at Editoryal ay may tatlong bahagi.


______________ 2. Tatalakayin ang paksa sa pagsisimula ng talumpati.
______________ 3. Ang pagwawakas ng Talumpati at Editoryal ay pagbibigay konklusiyon.
______________ 4. Ang Talumpati ay opinyon.
______________ 5. Ang Editoryal ay isang kuru-kuro.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang Pamagat PAHAYAG NI PANGULONG DUTERTE LAS No. 22 ISKOR
Kasanayang
Pampagkatuto
Pagtatalakay ng mga kaisipan

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Basahin ang ipinapahayag sa ating pangulong Rodrigo Roa
Duterte sa kabila.
Ang pinapahayag ng ating pangulo ay pinapanigan naman
ng DepEd mula kay Sec. Leonora Magtolis Briones para sa
ikabubuti sa lahat ng mag-aaral at sa mamayan dahil patuloy pa
ang paglaganap sa bansa ang pandemya (COVID19).

II. MGA GAWAIN


Panuto: Basihin at sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang COVID19?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano ang panglunas na hinahanap ni pangulong Duterte para hindi suspendido ang
klase sa taong 2020?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Ano ang dahilan kung bakit naiisip ni pangulong Duterte na suspendido ang klase sa
taong 2020 hangga’t wala pa ang bakuna at sinasang-ayonan ni Secretary ng
Edukasyon Leonor Magtolis Briones ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Anu-ano kaya ang dapat nating gawin para makaiwas at mapaghandaan natin ang
COVID19?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Sa palagay mo, tama ba kaya ang iniisip ni Pangulong Duterte? Bakit?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang Pamagat Paglarawan ng mga Kondisyong Panlipunan LAS No. 23 ISKOR
Kasanayang Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang epekto
Pampagkatuto nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang kondisyong panlipunan ay nababatay ayon sa mga taong naninirahan nito. Dahil
ang lipunan ay lipon ng mga tao na kung saan ay may iba’t ibang kaugalian, paniniwala,
pananampalataya at prinsipyo na sinusunod o kinaugalian ng bawat mamayan sa lipunan.
Ngunit pinagtibay ng mga namumuno nang bawat lahi o grupo ang pag-uunawaan,
pagtutulungan at pag-uugnayan kahit ano mang hamon ang dadaanan para sa
ikatagumpay ng mamamayan sa lipunan.
Tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol, giyera at sa kasalukuyang hinarap natin ang
tinatawag na pandemya.
Ang pandemya Covid 19 ay kinatakutan at naging bangungot ang paglaganap sa
buong daigdig. Kung saan libu-libong tao ang naitalang nahawa sa corona virus. Libu-libong
tao ang namamatay at libu-libong tao rin ang nalulutas.
Dahil sa pagkakaisa, pagtutulungan, pagtitiwala at pananampalataya sa Poong
Maykapal ang lahat na nadadaanang hamon ay naiahon.
Kapit-kamay para sa ikatatagumpay ng lahat.
II. MGA GAWAIN
A. Panuto: Isulat ang T kung ito’y tama at M naman kung mali ang pahayag.

________1. Ang lipunan ay lipon ng mga tao na kung saan ay may iba’t ibang
kaugalian, paniniwala, pananampalataya at prinsipyo na sinusunod o
kinaugalian ng bawat mamamayan sa lipunan.
________2. Ang pandemya COVID 19 ay kinatatakutan at naging bangungot ang
paglaganap sa buong daigdig.
________3. Hindi ipinagtibay ng pamahalaan ang pagtutulungan ng bawat isa.
________4. Kapit-kamay para sa ikatagumpay ng lahat.
________5. Ang bagyo, baha, sunog, lindol at giyera ay halimbawa ng pandemya.

B. Punan ang kahon ng iyong sagot.

Mga Gawain upang


makaahon sa COVID 19
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Pagsuri ng Ugnayan ng Tradisyonal at Akdang
Paksang Pamagat LAS No. 24 ISKOR
Pampanitikan
Kasanayang Nasusuri ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan gamit ang graphic organizer batay sa
Pampagkatuto napanood na kuwentong-bayan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Basi sa diyagram sa ibaba, malalaman o mapag-aralan ninyo ang ugnayan ng
Tradisyonal at Akdang Pampanitikan.

Anyong Akdang
Tradisyonal Pampanitikan

Galing sa kauna-unahang Nagsasaad ng panitikan na


panauhin o sa ating mga ipinapahayag ang ugali, saloobin
ninunong tradisyon , , damdamin, hangarin, diwa at
kultura, kaugalian at pangyayaring naranasan ng mga
paniniwala , na bitbit at tao, ito man ay totoo o kathang-
ginamit pa natin ngayon isip lamang na isatitik o maayos,
hangganag sa maganda, makahulugan at
makabagong henerasyon. masining na pagkasulat upang
. maaliw ang mga mambabasa.

Masusuri natin ang Tradisyonal na anyo at ang Akdang pampanitikan ay nababatay


sa mga pangyayaring naranasan ng bawat tao ngunit ang Tradisyunal na anyo ay mga
pangyayari o kaganapan na galing sa ating mga lola at lolo na gamit pa natin hanggang
ngayon hindi man ito nakasulat subalit pinaniniwalaan natin na ito ay makakabuti hanggang
sa sususnod na henerasyon.
At ang Akdang pampanitikan ay mababasa natin dahil ito ay sinusulat sa manunulat
ang lahat pangyayari subalit hindi lahat ay totoo. Tinatawag natin ang iba na kathang isip
lamang.
Halimbawa: Mga Kwentong Bayan

II. MGA GAWAIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa bawat tanong.

A. Suriin ang anyong Tradisyonal at mag bigay ng tatlong (3) aspeto lamang.
1.__________ 2.___________ 3._____________

B. Magbigay ng limang (5) aspeto ng akdang pampanitikan.


4.________ 5._________ 6._________7.___________8.____________

C. May kaibahan ba ang Anyong Tradisyonal sa Akdang Pampanitikan? Bakit?


ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Paglahad ng Sariling Interpretasyon LAS No. 25 ISKOR


Kasanayang Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan at di makatotohanan ng mga puntong
Pampagkatuto binibigyang diin sa napakinggang alamat at maikling kwento.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang Interpretasyon ay nangangailangan ng mataas na antas ng pag-iisip. Ito ay ang
gawa ng pagpapaliwanag, muling paglikha o kung hindi man ay nagpapakita ng iyong sariling
pag-unawa sa isang bagay. Ang pagpapahayag ng isang tao ng konsepto ng isang gawa ng
sining,isang paksa at iba pa sa pamamagitan ng pag-arte,paglalaro, pagsusulat at pagpuna.
Ang talatang nasa ibaba ay isang halimbawa ng Alamat na makapagbibigay sa atin ng
malawak na pananaw tungkol sa paglalahad ng sariling interpretasyon.
Alamat ng Pinya
ni Jonathan Josol
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Si Aling
Rosa at si Pinang. Lumaki sa layaw si Pinang, dahil mahal na mahal niya ang kaniyang
anak pinababayaan na lang niya ito. Gustong turuan ni Aling Rosa si Pinang sa mga
gawaing bahay ngunit palagi niya itong sinasabi na alam na niya ito.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa hindi siya makabangon kaya inutusan niya na
magluto ng lugaw. Ng nagluluto na ng lugaw si Pinang ay pinabayaan niya ito dahil sa
kalalaro, ang nangyari ay nasunog, pinagpasensiyahan na lang niya ito. Ang sakit ni Aling
Rosa ay nagtagal kaya napilitan si Pinang na gumawa ng gawaing bahay, lahat ng
kaniyang hinahanap ay tinatanong sa ina kaya nawika ng kaniyang ina na “sana’y
magkaroon siya ng maraming mata upang kung ano ang kaniyang hinahanap ay madali
niyang makita.”
Kinagabihan ay wala si Pinang kaya nabahala na si Aling Rosa. Pagkaraan ng ilang
araw ay wala pa rin si Pinang, nagtanong-tanong siya ngunit naglaho na parang bula.
Namangha si Aling Rosa na may halaman na tumubo na hugis-ulo ng tao at napapalibutan
ng mata. Naalala ng ina na tumalab ang kaniyang sinabi at siya’y nagsisisi. Tinawag niyang
Pinang at sa kalauna’y naging Pinya ang Pinang.

Ano sa palagay mo ang magiging aral sa alamat na iyong nabasa?


• Nasa huli ang pagsisisi.

II. MGA GAWAIN


Ibigay ang iyong sariling pananaw o interpretasyon sa nabasang Alamat. (2 puntos sa
bawat daliri ng kamay)
2. 3. 4.

5.

1. “Ang Alamat ng
Pinya”
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Mga Itinuring na Bayani LAS No. 26 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Natutukoy ang mga itinuring na bayani noong unang panahon sa bansang Pilipanas.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Sa kasaysayan,sila ang mga nagbuwis ng buhay at lumaban sa mga mananakop
upang makamit ng ating bansa ang kalayaan. Karamihan sa mga kilalang bayani ay namatay
noong panahon ng mga kastila, amerikano at hapon. Sino nga ba ang mga bayani na
itinuturing nating tagapagligtas o nagligtas sa ating buhay?
JOSE RIZAL ay ang ANDRES BONIFACIO ay isang
Pambansang Bayani Pilipinong rebolusyonaryo at
ng Pilpinas na lumaban sa mga bayani na nagtatag ng Kataas-
Kastila sa pamamagitan ng taasan, Kagalang-galang na
Katipunan ng mga Anak ng
kaniyang mga nobelang Noli Me
Bayan (KKK) o Katipunan, isang
Tangere at el Filibusterismo
lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa
noong panahon ng pananakop ng Espanya sa
mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.
bansa.
Heneral Emilio Aguinaldo ay Ang Gomburza ay isang daglat o
ang unang pangulo ng Unang pinagsama-samang piniling mga
Rebolusyonaryong Republika bahagi ng pangalan para sa tatlong
ng Pilipinas. Sa kanyang martir na paring Pilipinong sina
tahanan unang itinaas ang Mariano Gomez, Jose Apolonio
bandila ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at Burgos, at Jacinto Zamora na
ang araw nang ipinahayag niya ang kalayaan binitay sa pamamagitan ng garote na wala man
ng Pilipinas mula sa España. lamang abugado.
Apolinario Mabini ay Graciano Lopez Jaena ay isang
napakatalino na kahit paralitiko Pilipinong manunulat, rebolusyo-
ay sumusulat siya hinggil sa naryo, at pambansang bayani mula
mga tungkulin ng mga mama- sa lalawigan ng Iloilo, na nakilala sa
mayan, sa Diyos,sa bayan,at sa kanyang pahayagang , “La
kanyang kapwa-tao. Siya ay tagapayo ni Solidaridad”.
Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Heneral Antonio Luna ay
Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag Itinuturing na isa sa pinakamata-
siyang Utak ng Himagsikan. Pang at pinakamagaling na heneral
sa panahon ng rebolusyonaryong
Pilipino. Isa sa pinakahinahangaang
II. MGA GAWAIN Bayani ng Pilipinas

Pagtatapat-tapatin. Piliin sa hanay B ang itinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____1. La Liga Filipina a. Jose P. Rizal
_____2. El Filibusterismo b. Graciano Lopez Jaena
_____3. Utak ng Himagsikan c. Andres Bonifacio
_____4. La Solidaridad d. Apolinario Mabini
_____5. KKK o Kataas-taasang,Kagalang-galang e. Heneral Antonio Luna
na Katipunan ng mga anak ng bayan
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Paraan ng Pagsamba o Ritwal LAS No. 27 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Natutukoy ang mga Pangunahing relihiyon sa Asya at Iba’t Ibang Paraan ng Pagsamba o Ritwal.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala,mga sistemang kultural
at pananaw sa daigdig na nauugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa
moralidad.
“Mga Pangunahing Relihiyon sa Asya at ang kanilang Iba’t ibang
paraan ng pagsamba o ritwal.”

1. Budismo 2. Kristiyanismo
- Ang tanging relihiyong - Sumusunod sa mga
umiiwas sa mga dogma turo at kwento tungkol
(paniniwala o pananalig kay Hesukristo.
na dinidikta ng may posisyon, na
tinatanggap bilang katotohanan).

Islam Hinduismo
3. 4. - Sumasamba rin sa
- Ang kanilang propeta
iisang Diyos ang mga
ay si Mohammed at ang
Hindu. Ang Diyos na
kanilang kinikilalang
ito, na tinatawag na
Diyos ay si Allah, salitang
Brahman, ay ang
Arabo na ang ibig sabihin
kalahatan at matatgpuan
ay “ang Nag-iisang Tunay
saan man.
na Diyos”

Judaismo

5. - Naniniwala ang mga Hudyo na ang Diyos ang


lumikha ng lahat ng nandito sa daigdig. Siya
lamang ang nag-iisa, walang katawan, at ang
dapat sambahin bilang Panginoon mg sansinukob.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Ibigay ang angkop na sagot sa ibaba tungkol sa paksang nabasa.

MGA PARAAN NG
PAGSAMBA O RITWAL
IDEYA: IDEYA:

IDEYA: IDEYA: IDEYA:


ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Epiko LAS No. 28 ISKOR


Kasanayang Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng pangunahing
Pampagkatuto tauhan sa epiko.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Epiko o Epic- isang tulang pasalaysay na tumatalakay ng kabayanihan ng pangunahing
tauhan na siyang paksa nito, ito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
II. MGA GAWAIN
Panuto:Sumulat ng iskrip na gagamitin sa presentasyon ng informance na nagpapakita ng
kakaibang katangian ng pangunahing tauhan sa epiko na aking ibibigay.
Informance

Information Performance
- Ito ay isang presentasyon na nagpapakita tungkol sa mga natutunan ng estudyante
sa paksa.

Pamantayan:
(5) Nilalaman- pagpapakita ng saloobin o damdamin sa tauhan ng epiko at kakaibang
katangian nito
(3) Paggamit ng Salita/wika- wasto o angkop na salitang ginamit sa pagbuo ng iskrip
(2) Organisasyon- pagsumite ng malinis at maayos

Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)

Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago siyá


ipanganak ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan
Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang
ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang batà si Lam-ang dahil káya na niyang magsalita at
may taglay siyáng kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama.
Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot,
nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang
ina. Nakita niya na nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siyá, nakita niya
ang ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga Igorot.

Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan
siyá. Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang libag.
Hinanap niya ang dalagang nagng angangalang Ines Kannoyan, anak ng pinakamayamang
tao sa Kalanutian. Pumunta siyá sa nasabing lugar, kasáma ang tandang at aso niya.
Nakarating siyá matapos ang pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni Sarindang.
Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng
mga hiling ng magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain
siyá ng berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang labí at sa
tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng nabuhay at namuhay nang matiwasay.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagbigay Interpretasyon sa Tulang Napakinggan LAS No. 29 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nabibigyang interpretasyon ang tulang napakinggan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Tula- isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Ito ay binubuo ng saknong at taludtod.

Ang pagbibigay interpretasyon sa isang tula ay masusing proseso. Walang tama o


mali ngunit umaayon pa rin ito sa gustong ipahiwatig ng may-akda. Kung pano mo
sinimulan ang pag-intindi ng tula, dumedepende dito ang makukuha mong interpretasyon
sa huli kaya mahalagang igihin ang pagbasa nito.

Sa Bukid

Ang hangin sa bukid


Ay sariwang tunay
Lalo’t kung umagang
Masarap mamasyal.

Dito ay sagana
Sa lahat ng bagay,
Matamis na prutas,
Berdeng-berdeng gulay.

II. MGA GAWAIN


Sumulat ng iyong interpretasyon sa tulang ibinigay. Maaaring iinterpret sa paraang
pasaknong o kaya’y sa kabuuan ng tula.

Pamantayan: (10puntos)

Nilalaman- naipahayag ang saloobin/damdamin at kaisipan ukol sa tula - 5%


Kaangkupan- naaangkop ba ang interpretasyon sa nilalaman ng tula - 3%
Paggamit ng wika- angkop ba ang salita na ginamit sa pag-iinterpret - 2%
10%
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Ang Mapanuring Pakikinig LAS No. 30 ISKOR


Kasanayang Nakikinig nang mapanuri upang maiugnay sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita,
Pampagkatuto komentaryo, talumpati at iba pa.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Pakikinig- isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig.
Mayroon itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinatanggap na tunog, nauunawaan,
natatandaan.

Mapanuring Pakikinig (Critical Listening)- ito ay ebalwaytiv o selektiv ang pakikinig.


Mahalaga rito ang konsentrasyon sa napakinggan. Bukod sa pag-unawa ng napakinggan,
ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng
valyu sa antas na ito.
- Dapat maging mapanuri ang pakikinig upang huwag madala ang isang tao ng mga
kumakalat na mapanghikayat na komersyal
- Kritikal na pakikinig, pagkuha ng mensahe at pagpapahalagang moral sa paksang
narinig

Layunin ng Mapanuring Pakikinig

1. Gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o


pagsusuri sa paksang narinig
2. Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
3. Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan.
II. MGA GAWAIN
Manood at makinig nang mapanuring balita ngayong gabi tungkol sa napapanahong isyu
ng ating bansa ngayon. Isulat kung ano ang iyong saloobin at damdamin sa narinig at
napanood na balita.

Pamantayan:
Kabuuan- nakabubuo ng konklusyon at ganap na pag-aanalisa sa balita – 5%
Kalinawan- nkapagbibigay ng linaw sa mgatagapakinig o mambabasa -- 5%
Kabuuan 10%
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagbigay Puna sa Social Media LAS No. 31 ISKOR


Kasanayang Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, Facebook,email at iba
Pampagkatuto pa).

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Sosyal midya - tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan


sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga
Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman
na binubuo ng gumagamit.

May dalawang kahalagahan ang Sosyal Midya. Una ay kakayahan na magbigay ng


pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao malapit man o malayo
sa iyo. Pangalawa ay magagawa mong ibahagi ang iyong opinyon sa mas maraming tao
kahit saan mang bahagi ng mundo.

Puna- komentaryo, opinyon, pananaw, palagay, payo, pasya

May tatlong epekto ang Sosyal Midya sa mga Kabataan. Una ay nagiging tamad ang
mga kabataan sa pag-aaral dahil sa mga sites nahahati ang kanilang atensyon. Pangalawa
ay nagiging aktibo ang mga estudyante sa latest na bagay at sa kung anong uso. Pangatlo,
maraming mga kabataan ang nalalayo sa tamang landas dahil naiimpluwensyahan sa mga
laro na napapanood nila. Halimbawa ng Sosyal Midya ay telebisyon, radio, pahayagan o
magazine at internet.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Isulat ang iyong puna tungkol sa larawan.

______________________________________

______________________________________

______________________________________

______________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Mga Positibo at Negatibong Pahayag LAS No. 32 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Positibong Pahayag- naghahayag ng magagandang saloobin o mabubuting
pahayag. Karaniwang nagbibigay ito ng mabuting epekto sa nakaririnig nito. Ang
halimbawa nito ay ang pagbibigay ng compliments o papuri sa isang tao.

HALIMBAWA:
• “ Napakaganda ng sinabi mo kanina sa ating pagpupulong.”
• “Ang ganda ng mga mata mo parang kumikislap.”
• “Nakakaaliw ang inyong pinakitang presentasyon.”

Ang ginamit na salitang panglarawan ay pawang mga positibo lamang.

Negatibong Pahayag- naglalahad ng hindi kaaya-ayang mga pahayag o hindi


mabubuting saloobin.

HALIMBAWA:
• “Nakakasira sa iyong mga mata ang palaging paglalaro ng Mobile Legends.”
• “Kawalan ng oras sa iyong pamilya ang dahilan kung bakit siya lumayo sa iyo.”
• “Dagdag gastusin lalo na sa kuryente ang pagbili ng maraming appliances.”
II. MGA GAWAIN
Panuto: Isulat ang NP kung negatibong pahayag at PP kung positibong pahayag.

________1. Ikaw ay maganda.


________2. Ang mama ko ay napakabuting ina.
________3. Ang paglalaro ng Mobile Legends ay nakakasira sa mata.
________4. Mag-aral ng mabuti upang maganda ag kinabukasan.
________5. Ang mga batang suwail ay sakit sa ulo ng magulang.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagsulat ng Iskrip ng Radyo broadcasting at Teleradyo LAS No. 33 ISKOR
Kasanayang
Pampagkatuto
Nakasusulat ng ilang bahagi ng Iskrip ng Radyo broadcasting at Teleradyo.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang radyo ay isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng
impormasyon , maghahatid ng napapanahong balita, maghahatid ng talakayan,
maghahatid ng musika at magbibigay ng opinyon o saloobin kaugnay ng isang paksa.
Upang maihatid ng maayos ang balita o talakayan kinakailangan ng tagapagsalaysay ang
iskrip. Ang iskrip sa radyo ay ang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga
dayalogong binabasa ng tagapagbalita.
TAGAPAGSALAYSAY: ISANG UMAGA HABANG KUMAKAIN NG ALMUSAL ANG MAG-INA….
HABANG ANG AMA NAMAN AY ABALANG-ABALA SA PAGTATRABAHO SA KANILANG
BUKIRIN.

ANAK: INAY, PWEDE PO BANG MAGTANONG? ANO PO ANG IBIG SABIHIN NG COVID 19?
(NAGKUNOT ANG NOO AT PARANG NAGUGULUHAN)
INAY: NAK, ITO YONG PANDEMIK NA SAKIT NA NAGLILIPANA NGAYON SA BUONG MUNDO
NA HALOS LAHAT NG TAO SA BUONG MUNDO AY APEKTADO NITO, ANG SABI NG
ILAN, ITO DAW AY NANGGAGALING SA BANSANG TSINA.(TINITINGNAN ANG ANAK NG
DIRITSAHAN)
ANAK: (NAG-ISIP MULI KUNG ANO PA ANG ITATANONG SA INA) NAKAKAHAWA DAW
PO YUN, NAY SABI NI ITAY.TOTOO PO BA?
INAY: OO ANAK SOBRANG NAKAKAHAWA TALAGA ANG SAKIT NA ITO NA HANGGANG
NGAYON AY HINAHANAPAN PA NG GAMOT.
ANAK: GANON PO BA NAY?( PARANG NATATAKOT AT TUMIGIL SA PAGSUBO NG PAGKAIN)
EH, PAANO PO BA TAYO MAHAHAWAAN?
INA: MAHAHAWAAN TAYO ANAK SA PAMAMAGITAN NG ATING MGA KAMAY DAHIL ITO ANG
NAGDADALA NG BAYRUS SA KATAWAN NG ISANG TAO KAYA NGA IWASAN ANG
PALAGIANG PAGHAWAK NG IYONG KAMAY SA IBA’T IBANG PARTE NG ATING KATAWAN
LALONG-LALO NA SA BIBIG, TAINGA, MATA AT ILONG.(DAGDAG PA NG INAY)
KINAKAILANGAN ANG PALAGING PAGHUGAS NG KAMAY AT IWASANG PUMUNTA SA
MATAONG LUGAR AT KUNG MAAARI AY PUMIRME MUNA SA BAHAY
ANAK: OPO NAY, TATANDAAN KO PO ANG BILIN ‘NYO. MARAMING SALAMAT PO SA
IYONG PAALALA.
TAGAPAGSALAYSAY: AT HANGGANG SA NATAPOS ANG KANILANG PAG-UUSAP NA MAG-
INA AT NAGHIHIWALAY NA RIN SILA PARA SA KANI-KANYANG MGA GAWAING BAHAY.

II. MGA GAWAIN


Gumawa ng ilang bahagi ng iskrip ng radyo broadcasting at Teleradyo tungkol sa
napapanahong balita tungkol sa tinatawag na “ New Normal “
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagsulat ng Iskrip ng Informance LAS No. 34 ISKOR

Kasanayang Naisusulat ang iskrip ng informance na nagpapakita ng kakaibang katangian ng pangunahing


Pampagkatuto tauhan sa epiko.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang informance ay ang pinaghalong salitang information at performance na ang ibig sabihin ay
isang presentasyon ng natutunan ng estudyante na nagpopokus sa paraan ng pag-aaral at kung paano
ang pagkatuto sa paaralan.Upang magawa ito, kinakailangan ng pananaliksik na may kinalaman sa bagay
na iyong papaksain at matapos makakuha ng sapat na impormasyon ay ipakita ito o ipeperform.
Maipapakita ito sa pamamagitan ng pagtatanghal o pagsasadula.
-Ito ay gumagamit ng pagtatanghal sa mga importanteng pangyayari sa isang uri ng
genre ( istilo o kategorya ng isang sining, musika o literatura). Ibinigay ng mga nagsisiganap
ang kanilang kasuotan sa personalidad ng mga tauhan.

Hindi na gumagamit ng mga kumplikadong kagamitan ng tanghalan bagkus simpleng


pag-aayos ng tanghalan ang ginagawa. Ang mga tauhang nagsisiganap sa tanghalan ay
pinag-uusapan ang mga importanteng pangyayari lamang.

Skrip
- Ito ang pinakakaluwa ng isang dulang itatanghal.
- Nagsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula.
- Ito’y gabay ng actor, director, at iba pa na nagsasagawa ng dula.
- Sa skrip matatagpuan ang galaw ng mga actor, ang mga tagpo, ang mga
eksena at diyalogo ng mga tauhan.

II. MGA GAWAIN


Gumawa ng maikling iskrip sa pagsasadula hinggil sa napapanahong isyu :
Paano Nakaaapekto ang Pandemik na “ Covid 19” sa Pag-aaral ng Estudyante?
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Natalakay ang mga Pista ng Iba’t ibang Rehiyon Gamit
Paksang Pamagat LAS No. 35 ISKOR
ang YouTube
Kasanayang
Pampagkatuto
Napapanood sa Youtube at natatalakay ang isang halimbawa ng pista sa iba’t ibang rehiyon.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang Pista ay isang tradisyong nakuha pa mula sa sistemang kolonyal. Ito ay isang
malawakang pagdiriwang ng isang lugar o bansa na kung saan hindi talaga mawawala ang
masasaganang pagkain, masasayang tugtugin, mga palaro o paligsahan dahil likas na sa mga
Pilipino ang pagiging masayahin o ang pagkahilig sa kasiyahan na kung kaya’t hindi
nakapagtataka kung bakit isa ang ating bansang Pilipinas sa may pinakamaraming
kapistahang idinaraos. Ang mga pagdiriwang na ito ay isa sa mga pinaka-inaabangang
selebrasyon sa bansa.
Idinaraos ang kapistahan sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa at ito’y dahil sa iba’t
ibang kadahilanan tulad ng pagbibigay pasasalamat sa masasaganang mga ani, paggunita sa
napakahalagang pangyayari o kasaysayan, o kaya’y pagbibigay parangal sa kapanganakan
o kamatayan ng kanilang mga santong patron.

Mga Halimbawa ng Pista Lugar


• Pista ng Itim na Nazareno Quiapo, Maynila
• Pista ng Ati-atihan Aklan
• Pista ng Sinulog Cebu City
• Pista ng Pagoda Bulacan
• Lanzones Festival Camiguin

II. MGA GAWAIN

Magbigay ng lima (5) na iba pang mga halimbawa ng pista sa iba’t ibang rehiyon sa
Pilipinas at magbigay ng kasaysayan o konting paliwanag tugkol sa mga ito. Isulat ang
sagot sa patlang

Pangalan ng Pista Lugar na Pinagdarausan Kasaysayan o kunting


paliwanag
1.
2.
3.
4.
5.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagbigay Puna sa Teaser o Trailer ng Pelikula LAS No. 36 ISKOR

Kasanayang Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang katulad ng
Pampagkatuto binasang akda.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang Teaser o Trailer ay isang sunod-sunod na eksena na nanggagaling sa isang
pelikula Ginagawa ito upang bigyan ng ideya ang mga manonood sa magiging takbo ng buong
pelikula. at ito ay kalimitang pinaikli upang bigyan ang mga manonood ng "preview" ng
panonooring pelikula.
Alamin ang mga elemento ng Pelikula upang tayo ay makapagbibigay puna ng isang
teaser o trailer ng pelikula: Una ay ang Direksiyon na kung saan ay ito’y kinapapalooban ng
“Medium shot” Ito ay kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang pataas.
Pangalawa ay ang Produksiyon na knapapalooban ng “Design Extreme-Close Up Shot”
Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up shot. Hal. ang pokus ng kamera
ay nasa mata lamang.props/kagamitan, kasuotan/make up, mga kailangan sa
shooting.Pa”Bird's Eye View Shot” -Maaari ring maging isang "aerial shot" na anggulo na
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang
bahagi.
“High Angle Shot” - ang kamera ay nasa itaas na bahagi, kaya ang anggulo ng pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.”Low Angle Shot” Ang kamera ay nasa
ibabang bahagi, kaya ang anggulo ay o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa
ilalim. “Close-Up Shot” - Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Hal. ay ang pagpokus sa ekspresyon ng mukha.
Narrative Structure/Script/Character kunin ang mahahalagang detalye (points) sa mga
madudulang eksena iwasang gumamit ng mga salitang mahirap unawain ng mga
manonoodmagkaroon ng pagsasanay ng mga eksena bago magshoot.Editing/Music
kailangang angkop ang musika na ilalapat sa eksena iwasang gumamit ng musika na madalas
nang naririnig sa editing, kailangang piliin at pagsunud-sunurin ang mga eksena o tagpong
isasama sa pag-eedit.Isa pang pagtuonan ng pansin ay ang Cinematography & Lighting
kailangan ang natural na ilaw

II. MGA GAWAIN


Panoorin ng isang pelikula at suriin o bigyang puna ang ang trailer o teaser nito. Pumili ng
napanood na pelikula. Sumulat lang ng tatlong pangungusap.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pag-unawa sa Pinanood na Maikling Pelikula LAS No. 37 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nasasabi ang paksa ng napanood na maikling pelikula.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang pelikula ay isang sining na may ilusyong optikal para sa mga manonood. Ito ay may
mahahalagang sangkap na dapat nating isaalang-alang, ang mga ito ay ang mga sumusunod:
larawan, aktor, kwento, tunog, musika, iskrip, sinematograpiya, disenyong pamproduksyon,
visual effects at direksyon.

1. Tema o Paksa

3. Tauhan 2. Sinematograpiya

Mga Gabay
para sa
Pagsusuri ng
isang Pelikula

5. Istorya o 4. Titulo o
Kwento Pamagat

6. Diyalogo

II. MGA GAWAIN

Panuto: Magbigay ng maikling buod ng pelikulang na napanood na. Isulat sa puwang sa


ibaba ang iyong buod.
_______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
1
Paksang Pamagat Pagsuri sa Maikling Pelikula LAS No. 38 ISKOR
Kasanayang
Pampagkatuto
Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan at mga pangyayari sa napanood na maikling pelikula.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang pelikula ay isang larangan o anyo ng sining na mas kilala sa tawag na sine o
pinilakang tabing.

Ito ang mga sangkap ng Pelikula:


1. Kwento
2. Tema
3. Pamagat
4. Diyalogo
5. Sinemtograpiya

Ang mga uri ng pelikula ay ang mga ito: pag-ibig, komedya, musical, drama, epiko,
pantasya, katatakutan at science fiction.

II. MGA GAWAIN


Suriin ang pelikulang napanood na batay sa ibinigay na pormat sa ibaba.
Pamagat ng Pelikula :_________________________________________________
Direktor :_________________________________________________
Prodyuser :_________________________________________________
Pangunahing Tauhan:_________________________________________________
Tema ng Pelikula :_________________________________________________
Pangkalahatang Impresyon ng Pelikula :__________________________________
Tunog : ________________________________________________
Sinematograpiya : ________________________________________________
Banghay ng Pangyayari: ______________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Dayalogo : ________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang Pamagat Pagbuo ng Sariling Wakas ng Pelikula LAS No. 39 ISKOR
Kasanayang Nakapagbibigay ng ibang wakas para sa pelikulang napanood at naibabahagi ito sa klase sa isang
Pampagkatuto kakaibang paraan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Isa sa mga libangan ng mga Pilipino ay ang panonood ng pelikula.Tinatawag nating
mass media ang pelikula at isa rin itong uri ng panitikan na hindi nalalayo sa kwento, dula, o
nobela. Sa panitikan, kinakailangan nating alamin kung ano ang mga sangkap nito:ito ay ang
banghay, tauhan, tagpuan, simbolo, tema . Gayundin, mahalagang may alam din tayo nang
kaunti sa mga sangkap ng pelikula upang makapagbigay din tayo ng karampatang pagsusuri
at matamo ang isang mas mataas na antas ng pagkawili sa pelikula.

Ang mga sumusunod ay mga pananaw sa pelikula:

1. Nagpapakita ng katotohanan sa buhay 5. Nalilinang at lumalawak ang kaalaman sa


sa masining na paraan. mga kultura.
2. Nagbibigay ng aral sa manonood. 6. Nakakakuha sila ng mga aral at mga
bagong kaalaman.
3. Nagdudulot ng positibo at negatibong 7. Mas mauunawaan ang mga paniniwala at
epekto nito sa mag-aaral. kultura para mas igalang at irespeto.
4. Natutuklasan ang kultura ng iba’t ibang 8. Mas naiintindihan ng marami ang
bansa. pamumuhay ng mga tao.
II. MGA GAWAIN
Base sa napanood na pelikula, gumawa ng sariling wakas tungkol dito.
___________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagbabalita LAS No. 40 ISKOR


Kasanayang Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: a. paksa b. paraan ng pagbabalita c. at iba pa.
Pampagkatuto

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang pagbabalita ay isang ulat na maaring pasulat o pasalita ng mga bagay na


kalagayan na nagaganap pa at magaganap pa lamang. Ito ay naglalarawan ng kalagayan
ng mga pangyayari sa paligid. Nagbibigay o naglalarawan ng pangyayaring hindi
karaniwan o mga impormasyon na nakapaglilibang para sa mga mambabasa, nakikinig at
nanonood.
Ang balita ay may dalawang uri, ito ay local na balita at balitang dayuhan.

MGA SANGKAP NG BALITA


1. Kapanahunan 6. Di-karaniwan
2. Kalapitan 7. Pamukaw
3. Katanyagan 8. Romansa at
Pakikipagsapalaran
4. Tunggalian 9. Drama
5. Kahulugan o 10. Mga numero
Kalabasan

Anyo ng Balita:
1. Tumirang Balita- isinulat ito mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na
kahalagahan ng balita.
2. Balitang Lathalain- Nababatay sa tunay na pangyayari ng katulad ng tuwirang balita.
3. Balitang Iisang Paksa- Iisang Pangyayari o paksa ang taglay nasa katawan ng balita
ipinaliwanag ang detalye.
4. Balitang maraming itinatampok- Maraming bagay o paksa ang itinatampok nakahimay
sa katawang balita ang pagkakaayos ng mga ito.

Katangian ng Balita:
o Kawastuhan- ang mga datos ay walang labis walang kulang.
o Katimbangan- walang kinkilingan sa alimnang panig.
o Makatotohanan- ang mga impormasyon ay tunay at aktwal.
o Kaiklian- diritsahan, hindi maligoy.

II. MGA GAWAIN


Pagdugtungin ang salita at kahulugan sa pamamagitan ng pagsulat ng linya.

katimbangan- mga bagay na imposible


Balita- Misteryo, pag- aalinlangan
Drama- isang ulat na pasulat o pasasalita naglalarawan ng mga pangyayari
Katangyagan- walang kinikilingan sa alin mang panig.
Di karaniwan- Tungkol sa mga kilalang tao o lugar.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang
Pamagat
Pag-uulat LAS NO. 41 ISKOR
Kasanayang
Pampagkatuto
Nailalarawan/ natutukoy ang mga paraan ng pagsulat.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang Pag-ulat ay isang pagapahayag na maaring pasalita o pasulat ng iba’t ibang


kaalaman. Ito ay nagbibigay ng impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at
nagbibigay-liwanag sa mga paksang inilalahad upang mapawi ng lubos ang pag-
aalinlangan. Ito ay nagtataglay ng mahalaga at tiyak na impormasyon tungkol sa mga tao,
bagay, pook at pangyayari. Kalimitan ito’y sumasagot sa tawag na ANO, SINO AT PAANO.

➢ Upang maging Epektibo ang pag-uulat kailangan ang mga:


1. Paghahanda- may nakahandang Outline Script upang maging giya o gabay.
Maayos at maganda ang pagtatala ng datos at impormasyon. Gumamit ng
INDEX CARD.
2. Pagsasalita- Tamang bilis at bagal sa ilang bahagi ng pagsasalita upang
makita ang pagdiriin sa masusing salita o ideya. Ang lakas at hina ng
boses gamit ang mirkropono ay kailangan ding insayuhin.
3. Personal na hitsura- Ang isang uniporme, o angkop na pag-aayos at
pananamit ay dapat para maging komportable.
4. Pag-uulat- isaalang- alang ang tatlong bahagi:
a) Kawili-wiling simula- gumising ng kawilihan
b) Katawan- maayos at malinaw, tiyak at di maligoy
c) Magandang wakas
II. MGA GAWAIN
Isulat ang T kung tama ang pangungusap, M naman kung mali.

_______1. Kailangan ng tamang bilis at bagal sa ilang bahagi ng pagsasalita kung nag-uulat.
_______2. Hindi na kailangang pumili ng kawili- wiling paksa para sa pag-uulat.
_______3. Ang pag-uulat ay isang paraan sa pagpapahayag upang magbigay ng
impormasyon.
_______4. Hindi na kailangan ang paghahanda ng outline script ang isang mag-uulat.
_______5. Ang personal na hitsura ay kailangan kapag mag-uulat.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Mitolohiya LAS No. 42 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nasasabi/naipapaliwanag ang salitang mitolohiya.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

MITOLOHIYA -ay isang uri o koleksyon ng alamat o kwento na kadalasan ay tumatalakay


sa kultura, sa mga diyos o bathala. Ito ay isang tradisyon na salaysay mula sa iba’t ibang
kultura ng tradisyong oral. Ang salitang mito o myth ay galing sa salitang LATIN na
MUTHOS, ibig sabihin ay kuwento.

KAHALAGAHAN NG MITOLOHIYA
-nagtuturo ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan ng mundo at mga natural
na pangyayari tungkol sa partikular na tao, kultura, relihiyon o anumang grupo na may
mga ibinabahaging paniniwala.
Mga Elemento ng Mitholohiya:
• TAUHAN – Mga DIYOS O DIYOSA ng may taglay na kakaibang kapangyarihan.
• TAGPUAN- May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinibibilangan, kadalasan mula
sa sinaunag panahon.
• BANGHAY- Mga pangyayaring tumalakay gaya ng aksyon at tunggalian, paglikha ng
mundo, mga suliranin at kalutasan, ugnayan ng mga tao sa DIYOS O DIYOSA at sa
pagbabago ng panahon.
• TEMA- Ito ay dapat nakatuon sa:
1. Magpapaliwanag sa Natural na pangyayari. 4. Paniniwalang panrelihiyon
2. Pinagmulan ng buhay sa daigdig. 5. Katangian at kahinaan ng tauhan.
3. Pag-uugali ng tao. 6. Mga aral sa buhay.
• SIMBOLISMO- Mga simbolong nangaguhulugan sa mga karakter, lugar, o pagyayari.
Mga katangian ng mitolohiya:
1. Walang pilosopiya ng anumang uri
2. Walang eksaktong oras o panahon ng mga kapanganakan ng DIYOS O DIYOSA.
3. Walang siyentipikong pagsusuri upag mailarawan ng anumang uri tungkol sa
paglikha at pagkawasak ng mundo.
4. Marami ang bilang ng mga DIYOS AT DIYOSA.

II. MGA GAWAIN


Lagyan ng T ang patlang kung ang pangungusap ay Tama, M naman kung mali:
_______1. Ang Mitolohiya ay mga kwentong walang pilopsopiya.
_______2. Isa sa mga elemento nito ay ang tagpuan.
_______3. Walang eksaktong oras ng kapangakan ang mga karakter.
_______4. Ito ay tumatalakay sa kultura ng isang lugar partikular sa mga DIYOS o
DIYOSA o mga Bathala.
_______5. Kabilang din dito ang kuwentong bayan, mga anito, mga epiko at mga pangkat
etniko.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang Pamagat Telenobela LAS No. 43 ISKOR
Kasanayang
Pampagkatuto
Naipapaliwanag/Naihahayag ang kahalagan ng Telenobela.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang Telenobela ay nagmula sa dalawang salita na “Tele”, na pinaikling salita sa


telebisyon at “Nobela” na ibig sabihin ay KATHAMBUHAY. Ito ay isang uri ng palabas na
mapapanood sa telebisyon na karaniwang makatutuhanan o bungang isip/kathang isip na
ipinapalabas karaniwang limang beses sa isang linggo, madalas itong ipinapalabas sa
gabi dahil wala ng masyadong ginagawa ang mga tao at isa rin ito sa naging inaabangan
para sa susunod na mga kabanata.
KAHALAGAHAN:
1. Nakapaglalahad ng pangyayari at pagpapalabas ng hangarin ng tauhan.
2. Nakapagsalaysay ng pangyayaring magkasunod at magkaugnay.
3. May mga sariling tungkulin na ginampanan para sa matibay at kawili-wiling
palabas.
4. Itinuturing na makulay, mayaman, at makabuluhang anyo ng panitikan.
5. Maaring makapagtuturo o makapagbabago ng pamumuhay sa lipunan at
makapagbigay aral.

KATANGIAN NG BAWAT TELENOBELA:


1. Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin
2. Pumupuna sa lahat ng larangan sa pagkatao, aspekto ng lipunan,
gobyerno at relihiyon.
3. Malikhain at maguni-guning paglalahad at nag-iiwan ng kakintalan.

II. MGA GAWAIN

Lagyan ng tsek(✓) kung naghahayag ng kahalagahan ng telenobela.

1. Nakapaglalahad ng pangyayari at pagpapalabas ng hangarin ng tauhan.

2. Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin

3. Nakapagsalaysay ng pangyayaring magkasunod at magkaugnay.

4. Pumupuna sa lahat ng larangan sa pagkatao, aspekto ng lipunan,


gobyerno at relihiyon

5. May mga sariling tungkulin na ginampanan para sa matibay at kawili-wiling


palabas
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang Pamagat Sarsuwela: Pagpahalaga sa Kulturang Pilipino LAS No. 44 ISKOR
Kasanayang Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa pinanood na sarsuwela sa
Pampagkatuto pamamagitan ng pagpili ng bahaging maliwanag na nagpapakita nito.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, nagpapakita ng mga


sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at sa
kontemporaryong isyu. Bagamat ito ay galing sa impluwensya ng mga kastila ang
sasuwela ay mas umusbong sa panahon ng mga amerikano dito sa pilipinas.
Katangian ng Sarsuwela:
1. Dulang may kantahan at sayawan na umaabot ng hanggang limang kabanata.
2. Realistikong dula na kinakanta o tinutula ang mga diyalogo.
3. Masaya at nakakaliw ang mga wakas nito. Ang tunggalian nito ay pahapyaw at
pahaplis lang.
4. Ito ay karaniwang naglalarawan sa pagmamahal sa bayan sa panahon ng
rebolusyon.

Ilan sa mga kinikilalang Sarsuwela ay ang mga sumusunod:


1. “Walang Sugat”
2. “Budhing nagpahamak”
3. “Paglipas ng Dilim”
4. “Bunganga ng Pating”
5. “Tanikalang Ginto”

II. MGA GAWAIN

Manood ng Sarsuwela at lagyan ang mga kahon ng sagot.

Ano ang pamagat? Tanghalan


Sino ang gumanap na aktor?

Anong klase ang Wakas? Sa anong paraan napapahalagahan ang


kulturang Pilipino?
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagsuri ng Dokumentaryo LAS No. 45 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nakakagawa ng pagsuri ng dokumentaryo.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Pagsusuri ng Dokumentaryo ay isang paraan o proseso ng paglilitis at ebalwasyon
ng paksa o mahalagang dokumento upang maging isang pruweba at ebidensya sa
isang impormasyon. Ginagamit din ito upang kumalap ng impormasyon na susuporta at
magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na pagbasa
sa nasusulat na komunikasyon.
Mga layunin ng pagsuri ng dokumentaryo:
➢ Makakita ng sagot sa mga suliranin na hindi pa nalutas.
➢ Makadiskubre ng bagong kaalaman.
➢ Makabuo ng mga epektibong resulta.
➢ Makatuklas ng mga bagong element (komposisyon o kabuuan ng isang
bagay).
➢ Makalikha ng batayan na maaring gamitin sa iba’t ibang larangan.
➢ Matugunan ang kuryosidad.
➢ Madagdagan, mapalawak, at mapatunay ang mga kasalukuyang kaalaman.
Mga dapat bigyang pansin sa pagsuri ng dokumentaryo:
1. Paksa
2. Teknikal na aspeto
3. Impormasyon na ipapaloob sa dokumentaryo.
Mga dapat tandaan sa pagsuri ng dokumentaryo:
➢ Kailangang tama ang mga kagamitang teknikal.
➢ Nakapanayam ng personal ang mga alagad ng sining.
➢ Ang kalidad ng dokumentaryo.
➢ Nakapukos sa paksang ibinigay.
➢ Tama ang nakalap na impormasyon.
Mga paraan sa pagsusuri:
I. Pangkasaysayan- tinutukoy ang katotohanan ng nakaraan.
II. Palarawan - tungkol sa kasalukuyan.
III. Eksperimental - tungkol sa maaring katotohanan sa hinaharap.
II. MGA GAWAIN
Lagyan ng T ang patlang kung ang pangungusap ay tama, M naman kung mali.
________a. Isa sa mga dapat bigyang pansin sa pagsusuri ay ang teknikal na aspeto.
________b. Kailangang hindi tama ang mga teknikal na kagamitan.
________c. Pamaraang eksperimental ay tungkol sa kasalukuyan.
________d. Ang pagsuri ng dokumentaryo ay paraan para hindi matugunan ang
kuryusidad.
________e. Ang pagsagawa ng pagsuri ng dokumentaryo ay para hindi makadiskubre
ng mga bagong kaalaman.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagbigay Solusyon sa Suliraning Nabasa LAS No. 46 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning nabasa sa isang teksto o napanood.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang mga problema o suliranin at solusyon sa teksto ay maaring lantad o ipinahihiwatig
lamang. Inihahayag dito ang kaisipang dapat malutas at sa dahan-dahang eskalasyon ng
mga pangyayari o sitwasyon ay makikita ang paraan upang ito’y matugunan o matumbasan
ng aksyon. Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kwento, matutukoy ang problema sa
dinaranas na suliranin ng pangunahing tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa
pagkakahawak ng manunulat sa atensyon ng kanyang mambabasa na maasahang hindi
titigil hangga’t hindi niya nakikita kung ano ang naging kalutasan ng suliranin.

PROBLEMA o SULIRANIN
➢ Ito ay ang tungkulin o suliranin sa isang kwento.
➢ Dito nagaganap ang mga pagsubok o tunggalian at hindi magandang pangyayari sa
tektong nabasa o napanood.

SOLUSYON
➢ Ito ang resolusyon o kakalasan kung saan binibigyan ng kalutasan ang naging
problema sa kwento.
➢ Dito nagaganap ang pag-aayos o paglutas ng mga suliranin.
• Mga Halimbawa:

Suliranin o Problema- Polusyon sa hangin


Suliranin o Problema- Basura sa
mula sa iba’t-ibang uri ng sasakyan.
paligid.

Solusyon- Siguraduhin na ang usok na


Solusyon- Disiplina sa sarili.
lumalabas sa ating sasakyan ay hindi
maiitim.
• Ang Suliranin at Solusyon ang nagbibigay buhay sa kwento kung saan nagkakaroon
ng interes ang mambabasa.
II. MGA GAWAIN
Basahin ang talata at ibigay ang tamang sagot sa dalawang kahon na angkop sa mga
tanong.

Dengue Fever Ano ang


Ano ang
Ang dengue fever ay isang Suliranin? mga
uri ng sakit na dala ng lamok solusyon?
na carrier ng arbovirus.
Naging alarming ang dengue,
hindi lamang dito sa Pilipinas
kundi maging sa ibang panig
ng mundo.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Paksang Pamagat Kahalagahan ng Midya LAS No. 47 ISKOR
Kasanayang
Pampagkatuto
Naibibigay ang kahalagahan ng media (Hal. Pang-impormasyon, pang-aliw, panghikayat ).

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang midya (media) ay anumang bagay na “nasa pagitan” o namamagitan sa
nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium (o media kung marami). Mga
pinagsamang mga pagpapalabas o kagamitan na ginagamit sa pagtala at paghatid ng
impormasyon o datos. Naiuugnay ito sa midyang pang-komunikasyon, o sa naka-
espesyalistang negosyong pang-komunikasyon katulad ng: midyang limbag at
pahayagan, potograpiya, advertising, sine, pamamahayag (radio at telebisyon at /o
paglilimbag. Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin,
tinatawag natin itong mass media.
HALIMBAWA:
Diyaryo pelikula
Radyo internet
Telebisyon

Layunin ng Midya
Ang magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan sa pagpapalutang ng
mahalagang impormasyon ay dapat mapanatili ang ikabubuti ng iba pang kasapi ng
lipunan.

Tungkulin ng Midya
Ang pagsasabi ng buong katotohanan at kagyat na pagtutuwid sakali mang may
naipahatid na maling batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos. Pinaglalagakan lamang
ang mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi. Hindi
ikabubuti ninuman ang kasinungalingang bunga ng pagdagdag-bawas sa katotohanan.
II. MGA GAWAIN
Punan ang mga kahon.

Mahalaga ang Mass


Media dahil….
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Mga Dula LAS No. 48 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Natutukoy ang mga uri ng mga dula.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang DULA ay isang uri ng PANITIKAN na naglalayong maitanghal sa entablado. Ang
pagpapahalaga nito ay natatamo sa pamamagitan ng panonood. Ang mga dula ay
maaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at maikhaing kaisipan ng
manunulat.
➢ May dalawang uri ang dula:
1. Dula ayon sa ANYO
• Komedya- kasiyahan o katatawanan.
• Melodrama – nagtataglay ng malungkot na tagpo, may dulang
pangmusika.
• Trahedya – May makabuluhang pagtatapos, ang pangunahing
tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan.
2. Dula ayon sa KAGANAPAN
• Panlansangan- karaniwang ipinalalabas sa lansangan.
• Pantahanan – isinasagawa sa tahanan.
• Pantanghalan – isinasagawa sa tanghalan.

II. MGA GAWAIN


Pag-ugnayin ang tamang kahulugan sa mga kolum. Iguhit ang linya.

Hanay A Hanay B
Melodrama • Isinasagawa sa tahanan
Komedya • Karaniwang pinalalabas sa lansangan
Pantahanan • Kasiyahan o katatawanan
Pantanghalan • Nagtataglay ng malungkot na tagpo, dulang
may pangmusika
Panlansangan • Isinasagawa sa tanghalan
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
Pag-ulat ng mga Pangyayari sa Barangay o
Paksang Pamagat LAS No. 49 ISKOR
Pamayanan
Kasanayang
Pampagkatuto
Naiuulat ang mga nasaksihang pangyayari sa barangay o pamayanan.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang pag-uulat ay isang pagpapahayag na maaaring pasalita o pasulat. Ito ay bunga
ng maingat na pananaliksik, pakikipag-usap sa mga taong may tanging kaalaman o
pagmamasid sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kapaligiran o pamayanan.
Ito ay sinisimulan sa pinakamahalagang impormasyon tungo sa di- gaanong
mahalagang detalye.
Ang pamatnubay o unang talataan ang sumasagot sa mga tanong na ano, sino,
kailan, saan, bakit at paano. Dito nakalahad ang pinakamahalagang impormasyon na dapat
malaman ng mambabasa.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Sumulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihang naganap sa
inyong barangay o pamayanan. Tandaan na dapat magsimula sa
pinakamahalagang pangyayari tungo sa di gaanong mahalaga.

Rubrik sa Pagmamarka
Nilalaman ng Ulat (5) - ________
Presentasyon (5) - ________
Kabuuan - ________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Paglahad sa Napanood na Napapanahong Isyu LAS No. 50 ISKOR


Kasanayang Nailalahad sa pamamagitan ng mga larawan mula sa dyaryo, magasin at iba ang gagawing
Pampagkatuto pagtalakay sa napanood na napapanahong isyu.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang
isang bagay upang lubos itong maunawaan.
II. MGA GAWAIN
Panuto: Gumawa ng Photo Essay na nagpapakita ng napanood na mga napapanahong
isyu. Maaring gumupit ng mga larawan sa magazine, dyaryo o kumuha sa internet
at ilagay ito sa kahon.

PHOTO ESSAY

Rubric sa pagmamarka ng Photo Essay

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman at Ang larawan at paliwanag ay tumutugma sa konsepto 5


Kawastuhan ng napapanahong isyu. Ang impormasyon ay
makatutuhanan.

Organisasyon Malinaw ang daloy ng photo essay at maayos ang 3


pagpapahayag ng konsepto

Pagkamalikhain Malikhain sa pagsasaayos ng photo essay. May sariling 2


istilo at disenyo upang maipresenta ng maayos.

Kabuuan 10
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Paghahambing ng Kultura LAS No. 51 ISKOR


Kasanayang Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng
Pampagkatuto teleserye o pelikula.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang paghahambing ay paglalarawan ng kaibahan at pagkakatulad ng dalawa o higit
pang mga bagay. Ito ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng
katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.
Magkatulad
-may patas na katangian. Pasahol- may mahigit na
HALIMBAWA: katangian ang
Magkamuka lamang ang pinaghahambing kaysa
DDalawang Uri ng kultura ng India at Singapore. inihahambing.
Paghahambing HALIMBAWA:
Di-Magkatulad Di gaanong maunlad ang
- Magkaiba ang antas ng bansang India kaysa sa
isang bagay o anuman. Singapore.

Palamang – may mahigit na


katangian ang inihahambing
kaysa pinaghahambingan.
HALIMBAWA:
Mas makabago ang mga tao
sa Singapore kaysa sa India.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Pumili ng dalawang bansa sa Silangang Asya at paghambingin ito sa iba’t ibang
aspeto. Gumamit ng paghahambing na magkatulad at di-magkatulad.
Mga Bansa sa Silangang Asya
China Hongkong Macau Japan
North Korea South Korea Mongolia Taiwan
Pagkakatulad
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4._____________________________
Bansang Pinili 5._____________________________
1. ___________
Di- pagkakatulad
2. ___________
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4._____________________________
5._____________________________
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagdebate LAS No. 52 ISKOR


Kasanayang
Pampagkatuto
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pagdedebate.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at
sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o indibidwal na may
magkasalungat na panig tungkol sa isang particular na paksa; ang dalawang panig ay: Ang
proposisyon o sumasang-ayon, at ang oposisyon o sumasalungat.

Uri ng Debate Kahulugan


• Pormal na Debate Ang paksa sa uring ito ay masining na pinag-
uusapan at masusing pinagtalunan.
• Impormal na Debate Ang tagapangulo ay magpapahayag ng paksang
pagtatalunan, pagkatapos na ipahayag ang
pagtatalo.
• Debateng Oregon-Oxford Madalas gamiting paraan ng pagtatalo. May mga
huradong susuri sa mga argument na may sapat
na kaalaman sa paksa.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Magbigay ng opinion o pananaw sa paksang nasa ibaba. (10 puntos)

Sang-ayon ka ba na isabatas ang death penalty sa Pilipinas?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Pagsusuri kung Opinyon o Katotohanan LAS No. 53 ISKOR

Kasanayang
Pampagkatuto
Nasusuri kung opinion o katotohanan ang isang pahayag.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang opinyon ay isang pananaw o paniniwala ng isang tao o pangkat na maaaring totoo
ngunit pwedeng pasubalian ng iba. Ito ay ang mga haka-haka lamang ng isa o ilang tao
na hindi pa napapatunayan.
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo. Hindi ito nagbabago dahil ang mga
pangyayaring ito ay umiiral o nangyari na may batayan at tiyak.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap kung alin ang nagsasaad ng opinyon
o katotohanan. Isulat ang O kung nagsasaad ng opinyon at K kung katotohanan.

__________1. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.


__________2. Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas.
__________3. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan
ang mga out-of-school youth.
__________4. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa mga magulang.
__________5. Ayon sa ulat ng DOH, ang paninigarilyo ay masama sa ating kalusugan.
__________6. Para sa akin ang Pilipinas ang pinakamaayos na lugar.
__________7. Ang mga mata ay ginagamit upang makakita ng mga bagay-bagay.
__________8. Si Pangulong Duterte ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas.
__________9. Mas nakakaaliw ang pagkanta kaysa pagsayaw.
__________10. Ang isang araw ay may 24 na oras.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyekto LAS No. 54 ISKOR

Kasanayang
Pampagkatuto
Natutukoy ang mga bahagi sa paggawa ng plano ng isang proyekto.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Sa pagbuo ng anumang proyekto, mahalagang malaman ang mga bahagi ng paggawa
ng plano ng proyekto dahil ito ay nakakatulong ng malaki upang makatipid sa panahon,
salapi at lakas sa paggawa ng anumang proyekto.

MGA BAHAGI NG PROYEKTO KAHULUGAN


1. Pangalan ng Proyekto Dito malalaman kung anong pangalan ng
iyong proyekto.
2. Layunin ng Proyekto Dito makikita ang mga dahilan kung bakit
ginagawa ang proyekto.
3. Talaan ng Materyales Ito ay mga listahan ng mga gagamitin sa
proyekto.
4. Kasangkapan sa Paggawa Mga kagamitan na gagamitin sa paggawa ng
proyekto.
5. Mga Hakbang sa Paggawa Mga proseso sa paggawa ng proyekto.
6. Krokis o Guhit sa Paggawa Ito ay naglalarawan sa kabuuang anyo ng
gawaing proyekto.

II. MGA GAWAIN


Panuto: Isulat sa ang T kung ito’y tama at M kung mali.

__________1. May anim na bahagi ang proyekto.


__________2. Sa pagbuo ng anumang proyekto, mahalagang malaman ang mga
bahagi ng paggawa.
__________3. Ang krosis o guhit sa paggawa ay mga proseso sa paggawa ng
proyekto.
__________4. Ang kasangkapan sa paggawa ay mga listahan ng mga gagamitin sa
paggawa ng proyekto.
__________5. Ang talaan ng mga materyales ay listahan ng mga gagamitin sa
proyekto.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School

Paksang Pamagat Mga Hakbang ng Pananaliksik LAS No. 55 ISKOR

Kasanayang Naiisa-isa ang mga hakbang na isinasagawa mula sa nabasang mga pahayag/ paliwanag ukol sa
Pampagkatuto pananaliksik.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,
konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. Ito ay
sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa
at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin.

C D
Pangangalap ng

B Paghahanda ng
C
Pansamantalang
C
Datos

A Pagbuo ng
C
Pahayag
Bibliograpiya

C
Pagpili ng Tesis
G
F
ng Paksa

E
Pinal ng Kopya
Gumawa ng C
ng Pananaliksik
Pagbuo ng
C
Konseptong
C
Dokumentasyon

Papel

II. MGA GAWAIN


Panuto: Alamin at isa-isahin kung anong hakbang ng pananliksik ang tinutukoy sa bawat
pahayag. Isulat ang tamang letra sa patlang.

__________1. Hakbang ng pananaliksik na kung saan dito ihahayag ang tanong na sasagutin
o papatunayan sa bubuuing pananaliksik.
__________2. Ito ang hakbang sa paghahanap ng mga impormasyon sa iba’t ibang
sanggunian.
__________3. Hakbang ng pananaliksik na pag-uukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga
pangungusap, batay, antas at wastong gamit ng salita.
__________4. Huling hakbang na isinasagawa ng mananaliksik at dito natitiyak ang
kaayusan, kalinisan at kawastuhan ng isinasagawang pag-aaral.
__________5. Ito ang unang hakbang sa pagbuo ng pananliksik at nararapat itong pag
isipang mabuti.
Learning Strand 1
Filipino Communication Skills
ALS K to 12 Basic Education Curriculum

KEY TO CORRECTION

Department of Education ● Republic of the Philippines


ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Etimolohiya LAS NO. 1

1. Greek 6. English
2. Greek 7. Spanish
3. Greek 8. Spanish
4. Spanish 9. Greek
5. English 10. English

LAS TITLE Pagbuo ng Isang Puzzle na may Kaugnayan sa Paksa LAS NO. 2

B N P N S F Q T P U P Y S W P
A A A S H G R U A O A J P E P A
P A N A O H P A N G N G A L A N
A L G P K E A V G Q A K N H N D
H I - N M A N D H W K L G O G I
A T A G O T G W A E L K A P - W
G A B I Y Y - X L R A L T H A A
I P A N G - U R I T W M N N N Q
N A Y T R H K Y P Y A N I K G U
G N K A T D O Z M U S O G L K I
P G H N D T L K N I D G U M O C
A P L G W L S L O O H H V N P K

LAS TITLE Pagsulat ng mga Taludtud LAS NO. 3

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Mga Kaugalian at Kalagayang Panlipunan LAS NO. 4

?
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Pagsulat ng Tula LAS NO. 5

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Mga Kuwentong Bayan LAS NO. 6

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagpapaliwanag sa Paksa LAS NO. 7

A. Ang kaibigan ay maasahan sa oras ng kagipitan.


B. Ang edukasyon ay isang bagay na nagbibigay-daan upang maabot ng isang tao ang
mga pangarap.

LAS TITLE Paghinuha sa Napakinggan LAS NO. 8

a. Siya ang tatayo bilang ina.


b. Tutulong para sa kaniyang mga kapatid.
c. Nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral at nakakuha ng trabaho.

LAS TITLE Pagkukuwento LAS NO. 9

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Mga Elemento ng Mito, Alamat at Kuwentong Bayan LAS NO. 10

Huwag umasa lagi sa ating mga magulang lalong-lalo na sa paghahanap ng mga bagay na madali
lang namang hanapin.

Ang Paghahambing ng mga Katangian ng Tula, Tugmang de Gulong


LAS TITLE
at Palaisipan
LAS NO. 11
A.
a. Ang tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan habang ang tugmang de
gulong ay simpleng paala-ala.
b. Ang tugmang de gulong ay simpleng paalaala habang ang isang suliranin, uri ng
bugtong na sinusubok ang katalinuhan.
B.
1. Palaisipan
2. Tulang panudyo
3. Tugmang de gulong
4. Tulang panudyo
5. Palaisipan
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Pagsulat ng Salaysay LAS NO. 12

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Paggamit ng Suprasegmental at Di-berbal na Palatandaan LAS NO. 13

nagkakaroon ng buhay ang pagbabasa at nagiging mabisa ang pagpapahiwatig ng damdamin sa


ating kapwa.

LAS TITLE Paghahambing ng Katangian sa mga Tauhan ng Kuwento LAS NO. 14

Ihambing si Celia kay Ferdinand sa pamamagitan ng kanyang


1. Si Celia ay nagsusuot ng kupas na damit habang si Ferdinand ay malinis.
2. Ang ugali ni Celia ay mahiyain.

Ihambing naman si Ferdinand kay Celia sa pamamagitan ng kanyang


1. Si Ferdinand ay nagsusuot ng palaging puti ang damit.
2. Ang ugali ni Ferdinand ay bibong-bibo at mabango.

LAS TITLE Paglahad ng Sariling Pananaw LAS NO. 15

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagbigay Hinuha sa Kalabasan ng mga Pangyayari LAS NO. 16

1. Baka nagkasakit.
2. Marahil birthday ni Cris.
3. Baka nanaginip ng masama.
4. Siguro walang disiplina ang mga tao.
5. Baka uulan.

LAS TITLE Pagbuo ng Kuwentong Katumbas sa Napakinggan LAS NO. 17


2 baka, buntot

5 ni Leon, kinain

1 baka, Leon

4 baka, nagkahiwalay

3 umalis na lamang
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Paghambing ng mga Katangian ng Mito, Alamat at Kwentong Bayan LAS NO. 18

Ang pagkakatulad ng mito, alamat at kwentong bayan ay nagsasalaysay ito ng mga kwento na gamit
ang mga imahinasyon.

LAS TITLE Parabula LAS NO. 19

mapagpatawad
Responsableng ama

LAS TITLE Paghinuha ng Florante at Laura LAS NO. 20

1. 6
2. Florante at Laura
3. kasintahan
4. kasintahan
5. Florante – Kristiyano Aladin – moro/Muslim

LAS TITLE Mga Talumpati at Editoryal LAS NO. 21

1. T
2. M
3. T
4. T
5. T
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Pagtatalakay ng mga Kaisipan LAS NO. 22

1. Ang Covid 19 ay isang bagong uri ng Corona virus na umaapekto sa iyong baga at
mga daanan ng hininga.
2. COVID VACCINE
3. Naisip ni Pangulong Duterte para sa kapakanan ng mag-aaral.
4. Maging alerto palagi.
5. Tama, dahil ang iniisip niya ay para sa kapakanan ng nakararami.

LAS TITLE Paglalarawan ng mga Kondisyong Panlipunan LAS NO. 23

A.
1. T
2. T
3. M
4. T
5. T
B.
1. Hugasan nang madalas ang iyong kamay.
2. Takpan ang iyong ubo at bahing.
3. Iwasan ang matatao na lugar at manatili sa bahay.
4. Kung ikaw ay may lagnat magpakunsulta kaagad ngunit tawagan muna ang health facility lalong-
lalo na kung nahihirapang huminga.

LAS TITLE Pagsusuri ng Ugnayan ng Tradisyonal at Akdang Pampanitikan LAS NO. 24

A. 1. galing sa mga ninunong tradisyon


2. galing sa mga lolo at lola
3. hindi nakasulat
B. 4. ipinapahayag ang ugali
5. saloobin
6. damdamin
7. hangarin
8. diwa at mga pangyayaring nararanasan ng mga tao.
C. Merong pagkakaiba, sa anyong tradisyunal ang iba ay hindi naisulat habang sa akdang
pampanitikan ay nakasulat ang mga ito.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Paglalahad ng Sariling Interpretasyon LAS NO. 25

1. Kailangang maging mabait.


2. Mahalin ang ina.
3. Masunuring bata.
4. Huwag maging suwail.
5. Pokus sa trabaho.

LAS TITLE Mga Itinuturing na Bayani LAS NO. 26

1. A
2. A
3. D
4. B
5. C

LAS TITLE Paraan ng Pagsamba o Ritwal LAS NO. 27

Budhismo – ang tanging relihiyong umiiwas sa dogma


Islam – ang kanilang Propeta ay si Mohammed
Kristiyanismo – Sumusunod sa mga aral ni Hesukristo
Hinduismo – ang Diyos ay tinatawag nilang Brahman
Judaismo – naniniwala na ang Diyos ay lumikha ng lahat

LAS TITLE Epiko LAS NO. 28

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagbibigay Interpretasyon sa Tulang Napakinggan LAS NO. 29

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Mapanuring Pakikinig LAS NO. 30

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagbibigay Puna sa Social Media LAS NO. 31

Hindi nakakatulong ang paglalaro ng mobile legends sa mga kabataan lalong-lalo na kung walang
disiplina ang mga ito.

LAS TITLE Mga Positibo at Negatibong Pahayag LAS NO. 32

1. PP
2. PP
3. NP
4. PP
5. NP

LAS TITLE Pagsulat ng Iskrip ng Radyo Broadcasting at Teleradyo LAS NO. 33

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagsulat ng Iskrip ng Informance LAS NO. 34

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Natatalakay ang Pista ng Iba’t ibang Rehiyon LAS NO. 35

Pangalan ng Pista Lugar na Pinagdarausan Kasaysayan o kunting paliwanag


1. Caracol Festival Lungsod ng Makati Ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero
2. Biniray Festival Taga- Romblon Ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng
Enero
3. Candelaria Festival Ilo – ilo Ito ay pasasalamat sa Birheng Maria
Candelaria
4. Pista ng Panagbenga Baguio Ipinagmamalaki ang kasaganaan ng bulaklak
5. Suman Festival Baler Ginaganap tuwing ika – 14 hanggang ika – 19
ng Pebrero
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Pagbibigay Puna sa Teaser o Trailer ng Pelikula LAS NO. 36

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pag-unawa sa Pinanood na Maikling Pelikula LAS NO. 37

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagsuri sa Maikling Peikula LAS NO. 38

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagbuo ng Sariling Wakas ng Pelikula LAS NO. 39

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagbabalita LAS NO. 40

katimbangan- mga bagay na imposible


Balita- Misteryo, pag- aalinlangan
Drama- isang ulat na pasulat o pasasalita naglalarawan ng mga pangyayari
Katangyagan- walang kinikilingan sa alin mang panig.
Di karaniwan- Tungkol sa mga kilalang tao o lugar.

LAS TITLE Pag-uulat LAS NO. 41

1. T
2. M
3. T
4. M
5. T

LAS TITLE Mitolohiya LAS NO. 42

1. M
2. T
3. T
4. T
5. T
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Telenobela LAS NO. 43

1. 
2. 
3. 
4. 
5. 

LAS TITLE Sarsuwela:Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino LAS NO. 44

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagsuri ng Dokumentaryo LAS NO. 45

1. T
2. M
3. M
4. M
5. M

LAS TITLE Pagbibigay Solusyon LAS NO. 46

Ano ang Ano ang mga


Suliranin? solusyon?

Dengue Paglilinis ng paligid

LAS TITLE Kahalagahan ng Midya LAS NO. 47

1. Nagkakaroon ng epekto sa paghubog ng kaisipan.


2. Kapag absent ka sa klase pwede kang magtanong sa Facebook.
3. Sa mass media nakakuha ka ng impormasyon.
4. Madaling makuha ang sagot.
5. May malaking maidulot sa pag – aaral.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Mga Dula LAS NO. 48

Melodrama • Isinasagawa sa tahanan

Komedya • Karaniwang pinalalabas sa lansangan


Pantahanan • Kasiyahan o katatawanan

Pantanghalan • Nagtataglay ng malungkot na tagpo, dulang may


pangmusika
Panlansangan • Isinasagawa sa tanghalan

LAS TITLE Pag-ulat ng mga Pangyayari sa Baranggay o Pamayanan LAS NO. 49

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Paglalahad sa Napanood na Napapanahong Isyu LAS NO. 50

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Paghahambing sa Kultura LAS NO. 51

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.

LAS TITLE Pagdebate LAS NO. 52

Ang anumang wastong sagot ay katanggap- tanggap, nasa guro ang pagpapasya.
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS


ANSWER KEY – JUNIOR HIGHSCHOOL LEVEL

LAS TITLE Pagsuri ng Opinyon o Katotohanan LAS NO. 53

1. K
2. O
3. O
4. O
5. K
6. O
7. K
8. K
9. O
10. K

LAS TITLE Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyekto LAS NO. 54

1. T
2. T
3. M
4. M
5. T

LAS TITLE Mga Hakbang sa Pananaliksik LAS NO. 55

1. B
2. D
3. E
4. G
5. A

You might also like