You are on page 1of 4

I.

Pamagat: PRAYBEYT BENJAMIN


II. Mga Tauhan:
Vice Ganda Eddie Garcia
Derek Ramsay Jimmy Santos
Vandolph DJ Durano
Kean Cipriano Dennis Padilla
Nikki Valdez Carlos Agassi
Bodie Cruz Malou De Guzman
III. Tagpuan: Mactan
IV. Tunggalian:
Sumabak sa pagsasanay bilang sundalo si
Benjamin upang mapatunayan at maligtas ang kanyang
mahal sa buhay.
V. Kasukdulan:
Ang pelikulang Praybeyt Benjamin ay
tungkol kay Benjamin Santos VIII. Nanggaling siya sa
isang mahabang linya ng mga mandirigma at
sundalo. Dumating na ang panahon niya upang
maging isang bayani sa pamamagitan ng pagkikilaban sa digmaan sibil para patunayan niya
ang kanyang sarili sa lahat at higit sa lahat, ang kanyang lolo.

VI. Buod:
Ito ay kwento ng baklang si Benjie na mula sa isang pamilyang militar. Siya ay kinakahiya ng
kanyang lolo sapagkat ang kanyang kasarian ay hindi nababagay sa kanilang pamilya na kilala sa
pagiging matatapang ng mga lalaking sundalo. Ngunit ng magkagulo ang bansa dahil sa mga terorista,
maraming mga heneral ang mga dinukot at isa dito ay ang lolo ni Benjie. Dahil dito, ang militar ng
Pilipinas ay tumipon ng isang lalaki bawat pamilya upang maging sundalo at ipaglaban ang bansa. Dahil
sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama, si Benjie ang sumali upang ito ay hindi mapahamak. Ngunit
habang nasa kampo, si Benjie at ang kanyang mga kasamahan ay pinagtatawanan sa kanilang mahinang
kakayahan. Subalit dahil dito si Benjie at ang kanyang grupo ay nagpursigi at hindi nagatagal, naligtas
nila ang mga na dukot na mga heneral at ang bansa mula sa mga terorista.
VII. Wakas:
Habang malayo sa kampo, hindi nila sinadyang matagpuan ang kuta ng terorista. Bumalik sila
upang ipagbigay-alam sa kanilang mga nakakataas, ngunit hindi sila pinaniniwalaan at nabalewala ito.
Gamit ang mga imbensiyon ng ama ni Bengie, ang magkakaibigan ang sumugod sa kampo ng mga
terorista at nagtagumpay.
VIII. Tema:
Ang tema ng Praybeyt Benjamin ay sa halip sa pagtitingin na tao muna ang mga bakla. Hindi
isang sakit ang pagbabakla. Ipinapakita ang Praybet Benjamin pagkakapantay-pantay ng mga bakla.
Magaling ang pelikula dahil sa katatawanan at alam ang pelikula ito.

IX. Producer: Charo Santos-Concio


Malou N. Santos
Vic R. del Rosario Jr.

X. Uri ng Pelikula: Filipino Action, Comedy


I. Pamagat: SEVEN SUNDAYS
II. Mga Tauhan:
Ronaldo Valdez – Manuel Bonifacio
Aga Muhlach – Allan Bonifacio
Dingdong Dantes – Bryan Bonifacio
Enrique Gil – Dexter Bonifacio
Christine Reyes – Cha Bonifacio
Donita Rose – Bechay Bonifacio
Ketchup Eusebio – Jun
Kean Cipriano – Jerry
Kakai Bautista – Baby
April Matienzo – Camille
Jeffrey Tam – Mr.Kim
Kyle Echarri - Marc Bonifacio
Iza Calzado – Juliana Smith
Ryan Bang – Mr.Kim
Edward Barber – Gian Smith
III. Tagpuan:

 Bahay ni Manuel Bonifacio- sa tahanan ng


pamilya Bonifacio kung saan nagsilaki ang
magkakapatid na Allan,Bryan,Cha, at Dex. sa
bahay din na iyon sila nagkikita kita ng pitong
Linggo upang dalawin ang kanilang amang si Manuel na nagpanggap ng may sakit na kanser.

 Bakuran- kung saan ang pamilyang Bonifacio ay sama samang nagsasaya. At kung saan
nagkaroon ng di pagkakaunawaan at pagtatalo.

 ABC- ang tindahang ipinundar ng pamilya Bonifacio, na pinamamahalaan ng panganay na anak


na si Allan.

 Beach- kung saan ang pamilyang Bonifacio ay sama samang nagsaya ng araw na iyon.

 Sementeryo- kung saan nakalibing ang ang asawa ni Manuel Bonifacio.

 Simbahan- kung saan nagsisimba si Manuel Bonifacio.

IV. Tunggalian:
Sumiklab ang sigalot pagtapos ibinunyag ng kanilang ama na si Manuel na siya ay may sakit at
aalis na lamang sa susunod na pitong Linggo,na naiwan ang apat na magkakapatid na walang
pagpipilian kung hindi ang puwersahang i-alay ang kanilang mga Linggo sa kanilang may sakit
na ama. Ngunit ang muling pagsasama ay tila hindi gumana tulad ng naplano nang muling
lumitaw ang mga lumang tunggalian, isyu, at hindi pagkakaunawaan ng magkapatid, na
nagpapakita kung gaano hindi gumagana ang kanilang pamilya.
V. Kasukdulan:
Nagsimulang tumaas ang tensyon noong nalaman ni Bryan na kinasuhanang kapatid niyang
si Dex ng panloloko at pag promote ng isang “scam” nakaganapan. Sinabihan ni
Bryan ng masasakit na salita tungkol sa pagigingiresponsable si Dex. Ngunit tila
kumawala sa loob ni Dex ang pighati na matagal naniyang kinikimkim noong nabanggit ng kuya
niya ang pangalan ni Aira- na siyangnaging kasama/pamilya ni Dex noong panahon na
nangungulila siya sa kaniyangpamilya. Natuloy ang kanilang pagsasagutan hangga’t umabot
na sa punto na isiniwalat ni Dex ang sikreto ng kaniyang Ate Cha na nakita niyang
nangangaliwaang asawa nito. Agad itong nilinaw ni Allan, hindi naman ito itinanggi ni
Cha.Noong susugurin na ni Allan ang asawa ni Cha, sinabi ni Cha na nagawa niyalamang
magsinungaling sa kadahilanang may sakit ang kanilang “tatay” na siManuel. Muling
nagsalita si Dex at sinabing narinig niya na hindi totoong maykanser ang kanilang tatay.
Sinubukang klaruhin ni Allan ang rebelasyon ngunitsumabay naman dito ang pagkulo ng dugo
ni Bryan. Napunta ang isyu tungkol sapag tulong ni Bryan sa tindahan na hirap na itaguyod ni
Allan. Muli, naglabas ngmasasamang salita si Bryan at sa pagkakataong ito, hindi na nakapag
pigil si Allannang sabihan niya si Bryan na ang hanap lamang ng ibang tao sa kanya ay
pera.Sumakit ang damdamin ni Bryan sa nasabi ni Allan sapagkat sa buong buhay niya,ang
tanging hangad niya lang ay maging isang mabuting kuya, kapatid, at anak.Bago siya tuluyang
umalis, taimtim niyang ibinahagi sa kanila na wala na siyangibang tinuring na pamilya kung
hindi sila.
VI. Buod:
Nagsimula ang kwento na ipinapakita ang kalagayan sa pang-araw-araw napamumuhay ni Mr.
Manuel Bonifacio, isang tatay na nananabik makasama muliang kanyang apat na anak at
yumaong asawa. Nang tumawag ang kanyang doktorat sinabing siya ay may pitong linggo na
lamang para mabuhay dahil sa isangkondisyon, agad niyang tinawagan ang kanyang mga anak
upang makasama angmga ito kahit tuwing Linggo lamang. Kahit na mayroon silang mga
iba’t-ibangpersonal na isyu, nagpasya silang gawin ito para sa kanilang ama. Iba’t-ibang
alaalaang kanilang mga natatandaan ukol sa pagkabata nila tuwing silang lahat
aynagsasama. Unti-unting umaayos ang kanilang sitwasyon sa bawat
Linggonglumipas. Isang araw, tumawag muli ang doktor kay Mr. Manuel Bonifacio
atsinabing mali ang naging dayagnosis nito kaya’t mas mahaba pa ang magigingbuhay niya.
Hindi ito sinabi ni Mr. Bonifacio sa kanyang mga anak ngunit nalamandin ito ng kanyang
panganay na si Allan. Kinumbinsi ni Allan ang kanyang tatay nasabihin ang katotohanan sa
susunod nilang pagtitipon. Sa sumunod na kanilangpagtitipon, unti-unti nilang nalaman lahat
ang mga sikreto at problemangkinakaharap ng bawat isa. Si Cha ay nahihirapan
dahil sa asawa niyangnambababae, si Bryan ay may anak, si Dex naman ay may kinakaharap
na kasolaban sa kanya. Dahil sa sunod-sunod na pagsisiwalat, naibunyag din ang
totoongkalagayan ng kanilang tatay. Dahil dito, masasakit na palitan ng salita
angnamahala sa pagitan ng mga magkakapatid tungkol sa mga isyung dati pa nilanghindi
nalulutas. Matapos ang ilang araw, humingi ng tawad si Allan kay Bryan.Nakipag-ayos din
silang dalawa kay Dex. Tatlo silang pumunta sa bahay ni Chaupang makita ang kanyang
kalagayan. Ang apat na magkakapatid ay bumisita rinsa puntod ng kanilang ina at nakipag-ayos
sa kanilang ama. Sa huli, naisagawanilang lutasin ang mga problema na kanilang kinaharap.
VII. Wakas:

Sa huli ang kanilang ama naman ang kanilang pinuntahan. Nagkaroon ng pagkakasundo sundo
ang bawat isa. Kaya’t ang sulirinanin kanilang kinahaharap ay nalutas na. Nagtulungan ang
bawat isa sa paglutas nito. Nagkaroon man ng di pag kakaunawaan sa pamilya ito kanilang
inayos upang sila ay magkasundo sundo.Pagmamahal,pagkakaunawaan at pagkaka-isa ng bawat
miyembro, ang siyang sulusyon upang ang mabigat na suliranin ay malagpasan.
VIII. Tema:
Ang pelikulang ito ang magpapaalala sa atin na sa kahit anong mangyari sa ating buhay, masama
man o mabuti, may mga taong laging nandyan para sa atin para sumuporta at akayin tayo
pabalik. Minsan kailangan lang natin lumingon at hanapin pabalik ang ating puso -- ang ating
pamilya.

IX. Producer: Elma Madua, Charo Santos-Concio, Malou N. Santos

X. Uri ng Pelikula:Drama; Ang pelikulang SEVEN SUNDAYS ay isa sa pelikulang Pilipinong


nagpapakita ng kasalukuyang kalagayan ng pamilya sa lipunan. Pinupukaw nito ang isipan ng
manonood at nag-iiwan ng makadamdaming kaalaman at aral sa buhay na magagamit sa praktikal na
aplikasyon bilang solusyon sa mga problema.

Major Filipino 5
Modyul 4

PELIKULA

Ipinasa ni: Bb. Jelie Mae D. Castroverde


Ipapasa kay: Dr. Ruthelia Labaco

You might also like