You are on page 1of 6

Pangalan: JOHN LLOYD D MAÑOZO

Baitang at Pangkat: 7-magnificent Guro: Nellyn Manzano

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL

Magandang Buhay! Halika sabay sabay nating alamin at tuklasin ang buhay ng isang nagdadalaga at
nagbibinata sa pamamagitan ng mga sumusunod na kasanayan:

1. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata EsP7PS-Ia-1.2


2. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga sapagkat
ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa
sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin at paglilingkod sa pamayanan (EsP7PS-Id-2.3)
3. Nakasusuri ng mga sariling hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito (EsP7PS-Ie-3.2)

SIMULAN NATIN!

Teen-Venture

Maligayang pagdating sa TEEN-VENTURE, player 1!

Samahan natin sina Teena at Ado na gawin ang mga tasks sa bawat station na kailangang mapagtagumpayan.
Unawain ang kanilang pinagdadaanan. Katulad nila, nakararanas ka rin ba ng mga pagbabago? Normal itong
nararamdaman ng isang tinedyer na tulad mo. Subukan nating alamin ang mga pagbabagong nararanasan ng isang
nagdadalaga o nagbibinata. Isulat mo ito sa bawat kahon ng mga aspekto ng pagbabago.

STATION 1 Task 1: TUBIG NG PAGTANGGAP


Ikaw ay makatatanggap ng tubig kung sakaling magagawa mo ito. (6
puntos)

Ado, may napapansin Oo Teena, minsan ay


ka bang pagbabago sa naguguluhan ako sa mga
iyong sarili? bagay-bagay na nangyayari
sa akin.

MGA PAGBABAGO, TATANGGAPIN KO


Subukan mong ilagay sa mga kahon sa itaas ang mga pagbabagong nararanasan mo sa pagsisimula ng iyong
adolescence o yugto ng pagdadalaga at pagbibinata. Isulat sa PISIKAL ang mga pagbabago sa iyong katawan. Sa
DAMDAMIN naman ay itala ang mga napansing kaibahan sa emosyon o reaksyon sa mga pangyayari sa iyong
buhay. Sa PANLIPUNAN ay ilista ang paraan ng iyong pakikitungo sa iyong kapuwa, pamilya o kaibigan sa
kasalukuyan. Sa PAG-IISIP, ilarawan ang kakayahan ng utak na magsuri at magpasya sa mga bagay-bagay.

Maraming pagbabago ang napansin at napapansin mo sa iyong sarili, sa ganitong yugto ng buhay,
ikaw ay nakararanas na ng tinatawag na adolescent stage.

Adolescent Stage
Ito ay ang pagbabagong nagaganap sa panahon, edad at pisikal na kaanyuan mula sa batang gulang. Ito ay yugto sa
buhay na kailangan maranasan upang maging handa ng maging ganap na dalaga o binata ang isang bata. Ito ay
patuloy na proseso upang higit na makilala ang iyong sarili batay sa iyong nais, interes at hilig
Binabati kita! Tanggapin mo ang “tubig ng pagtanggap” dahil
sa mahusay na pagsagot sa Task 1. Maaari ka ng magtungo
sa Station 2.

STATION 2
Task 2: BAG NG TUNGKULIN
Ikaw ay makatatanggap ng “Bag” na may lamang pagkain kung sakaling
magagawa mo ito. (6 puntos)

Kasabay ng pagpapaunlad ng sarili sa aspekto ng pisikal na anyo at pakikitungo sa kapwa,


kailangan rin na mapaunlad at matamo ang tungkulin mo bilang nagdadalaga o nagbibinata.

Tungkulin
Ang tungkulin ay ang mga inaasahan bagay o kilos na kailangan maisakatuparan o mangyari. Ito rin ay isang
nakaatang na gawain o responsibilidad na makakatulong upang mapaunlad ang sarili o bagay.

O talagay lang ha
Ado… Promise? Alam Tutuparin ko ang
mob a ang mga tungkulin ng isang…
tungkulin mo?

“Ang Aking Tungkulin”

Tungkulin bilang Anak Tungkulin bilang Mag-aaral

Lagyan ng iyong larawan


Lagyan ng iyong larawan habang
habang pinapakita ang
pinapakita ang iyong tungkulin
iyong tungkulin bilang Mag-
bilang anak
aaral

Tungkulin bilang Konsyumer ng Midya Tungkulin bilang Mamamayan

Lagyan ng iyong larawan habang Lagyan ng iyong larawan habang


pinapakita ang iyong tungkulin bilang pinapakita ang iyong tungkulin bilang
konsyumer ng midya mamamayan.
Buoin ang mga salita sa loob ng kahon upang makabuo ng mga pahayag.

Tanggapin maging responsible at paunlarin sa bawat bagay

ang nakataas upang na tungkulin

Nabuong sagot:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Binabati kita! Tanggapin mo ang “bag” ng pagkain dahil


sa mahusay na pagsagot sa Task 2. Maaari ka ng
magtungo sa Station 3.

STATION 3
Task 3: COMPASS NG TALENTO
Ikaw ay makatatanggap ng “compass ng talento” kung sakaling magagawa mo ito.
(6 puntos)

Talento at Kakayahan

Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan. Ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual
power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay

Lagyan ng larawan ng simbolo Lagyan ng larawan ng


ng iyong talento iyong iniidolo
Binabati kita! Tanggapin mo ang “compass ng talento”
dahil sa mahusay na pagsagot sa Task 3. Maaari ka ng
magtungo sa Station 4.

STATION 4
Task 4: SUSI NG TAGUMPAY
Ikaw ay makatatanggap ng “susi ng tagumpay” na magagamit mo sa huling task. (6
puntos)

Oo naman Teena, ang


Ado, alam mo ba ang dami yata! Ikaw, di mo
mga hilig o interes mo? pa napapalitan ang
gusto mo?

Ano ang Panuto: Magsulat ng limang gawain na gusto mong


ginagawa mo sa gawin sa iyong libreng oras.
iyong libreng
oras? 1. ________________________________________
______________________________________
2. ________________________________________
______________________________________
3. ________________________________________
______________________________________
4. ________________________________________
______________________________________
5. ________________________________________
______________________________________

HILIG
 Preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain
 Gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa
 Nagsisilbing gabay sa pagpili ng mga gawain
 Nakatutulong kasama nang aptityud at potensyal at pangkalahatang karunungan (general intelligence) tungo
sa mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng mga kasanayan (skills)
 Batayan ng kasanayan, kakayahan at kahusayan (proficiencies)
 Palatandaan ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.

SAMPUNG LARANGAN NG HILIG (AREAS OF INTEREST)


1. OUTDOOR- nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
2. MECHANICAL- nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)
3. COMPUTATIONAL- nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
4. SCIENTIFIC- nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-imbento ng mga bagay o
produkto
5. PERSUASIVE- nahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag=ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan
6. ARTISTIC- nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
7. LITERARY- nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
8. MUSICAL- nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog ng instrumentong musical
9. SOCIAL SERVICE- nasisiyahang tumulong sa ibang tao
10. CLERICAL- nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang –opisina
Pagtatapat: Piliin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

_____ 1.
A. Mechanical

B. Musical
_____ 2.
C. Artistic

D. Clerical
_____ 3.

E. Literary

F. Outdoor
_____ 4.

_____ 5.

Binabati kita! Tanggapin mo ang “susi ng tagumpay”


dahil sa mahusay na pagsagot sa Task 4. Maaari ka ng
magtungo sa huling task.

Task 5: BAUL NG KARUNUNGAN


Buksan ang baul ng karunungan gamit ang susi ng tagumpay. Gawin ang huling
task upang makuha mo ang gintong medalya. (6 puntos)

Ihayag ang pinakamahalagang kaalamang natutuhan mo sa aralin at kung paano mo


isasabuhay ito. Punan ang speech balloons sa ibaba

Ang pinakamahalagang Ang mahalagang kaalamang


kaalamang natutuhan ko sa ito ay isasabuhay ko sa
araling ito ay… pamamagitan ng …
_________________________
________________________ _________________________
________________________ _________________________
________________________ _________________________
________________________ _________________________
________________________ _________________________
________________________ _________________________
________________________ _________________________
________________________ _________________________
________________________

Binabati kita! Tanggapin mo ang “medalya ng tagumpay”


dahil sa mahusay na pagsagot sa Task 5.
Nawa’y ang ipinakita mong katatagan at kahusayan sa bawat tasks ay magsilbing inspirasyon sa iyong
pagtahak sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata. Gamitin ang tubig ng pagtanggap, bag ng tungkulin,
compass ng talento, at susi ng tagumpay upang gabayan ka sa pagpapaunlad ng iyong sarili. Kaya mo yan!!!

You might also like