You are on page 1of 5

Department of Education

Region VII CENTRAL VISAYAS


Schools Division of BAYAWAN
District 1
H. BIDO JORDAN MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
IKATLONG MARKAHAN PAGSUSULIT
Araling panlipunan 4

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang Pilipinas ay may pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng _________ ng
bansa
a. Pangulo
b. Senador
c. Punong mahistrado
d. Pangalawang pangulo
2. Pinuno ng Kataastaasng Hukuman
a. Pangulo
b. Congressman
c. Senador
d. Punong Mahistrado
3. Ang pambansang pamahalaan ay binubuo ng ______ sangay.
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
4. Ang mga mga sumusunod ay ang bumubuo ng sangay ng pambansang pamahalaan
MALIBAN sa __________.
a. Sangay na tagapagpaganap
b. Sangay na tagapagbatas
c. Sangay na tagahukom
d. Mababang kapulungan
5. Ang sangay na tagapagpaganap ang ____________.
a. Nagpapatupad ng batas
b. Gumagawa ng mga batas
c. nagbibigay - kahulugan sa mga batas
d. Wala sa nabanggit
6. Ang sangay na tagapaghukom ang _____________
a. Nagpapatupad ng batas
b. Gumagawa ng mga batas
c. nagbibigay - kahulugan sa mga batas
d. Wala sa nabanggit
7. Ang ___________ ang may kapangyarihang alisin sa tungkulin ang sinuman sa
kanyang hinirang.
a. Ispiker c. Pangulo
b. Pangalawang pangulo d. Punong Mahistrado
8. Ang sangay na ito ang may hawak ng kaso ng kinasasangkutan ng mga
embahador, konsul at iba pang opisyal.
a. Korte Suprema c. Mambabatas
b. Pangulo d. Senado
9. Siya ang may kapangyarihan ng veto power na tanggihan ang isang buong batas
o bahagi ng batas. Sino siya?
a. Senado c. Pangulo
b. Mambabatas d. Ispeker
10. Ang may kapangyarihang lumitis ng mga kasong impeachment ay ang _______.
a. Pangulo c. Senado
b. Pangalawang Pangulo d. Ispeker
11. Ang mga sumusunod ay kapangyarihan ng mga mambabatas maliban sa _____.
a. Paggawa ng batas
b. Pagpapatibay ng budget ng pamahalaan
c. Pagsisisyasat para makatulong sa pagggawa ng batas
d. Veto power
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kuwalipikasyon ng isang punong
mahistrado?
a. Isang abogado sa Pilipinas sa loob ng labinlimang taon.
b. Nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng dalawang taon.
c. Apatnapung taong gulangg.
d. May malinis na budhi at may integridad.
13. Siya ang punong kumander ng Sandatahang Lakas.
a. Hukuman c. Pangulo
b. Kongreso d. Senado
14. Ang isa sa mga sumusunod ay serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan na
naglalayong malabanan ang sakit na polio, diarrhea, tigdas at trangkaso. Alin
ito?
A. Libreng pagpapa-ospital C. Pagbabakuna
B. Pagbabakuna D. Free Dental Check-up
15. Alin ang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa serbisyong
pangkalusugan ng mamamayan?
A. Department of Health C. Department of Education
B. Department of Justice D. Department of Finanace
16. Ito’y tumutukoy sa programa ng pamahalaan sa kalusugan na sinisiguro nito na
ang lahat ng mamamayan na mapagkalooban ng kalidad na pasilidad at
serbisyong pangkalusugan.
A. PhilHealth
B. Programa sa mga Ina at kababaihan
C. Complete Treatment Pack
D. Pagbabakuna
17. Kung ikaw ay nakatira sa isang barangay, saan ka pupunta upang magpagamot?
A. Albularyo C. City Health Centers
B. Barangay Health Centers D. Ospital
18. Ito’y tumutukoy sa mga programa ng pamahalaan sa kalusugan na marating nito
ang mga mahihirap na mabigyan ng kumpletong gamot.
A. Compelte Treatment Pack
B. Programa sa mga Ina at Kababaihan
C. philHealth
D. pagbabakuna
19. Ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.
A. Compelte Treatment Pack
B. Programa sa mga Ina at Kababaihan
C. Kagawaran ng Kalusugan
D. Pagbabakuna
20. Alin sa sumusunod na sakit na sa kasalukuyan ay madali nang malunasan sa
tulong ng pamahalaan dahil walang bayad ang pagpapatingin at may libreng
gamot ang ibinibigay sa mga health Centers?
A. AIDS C. Cancer
B. Tuberkulosis D. Hypertension
21. Alin dito ang napakamahalang bahagi ng lipunan
A. Pamahalaan C.Sandatahang-lakas
B. Lakas-tao D. Mga Rebelde
22. Anong programang pang-edukasyon na makikita sa maraming barangay na
nangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto?
A. Day Care Center Program
B. Programang Pang-edukasyon para sa Indegenous People
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. Kinder to Grade 12 Program
23. Ito ang programa sa edukasyon para sa mga katutubo nating mamamayan.
A. Day Care Center Program
B. Programang Pang-edukasyon para sa Indegenous People
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. Kinder to Grade 12 Program
24. Sinong Presidente ang dapat itanghal na Ama ng Libreng Edukasyon dahil sa
pangunguna niya sa libreng tuition sa kolehiyo?
A. Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
B. Rodrigo Roa Duterte
C. Joseph Ejercito Estrada
D. Gloria Macapagal Arroyo
25. ang __________ ay nararanasan sa isang komunidad kung ang mga kasapi nito
ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ng mithiin.
A. Edukasyon C. Kalusugan
B. Kapayapaan D. Komunikasyon
26. Ito ang pinakabagong programa; ang para sa libreng edukasyon sa Kolehiyo na
pinagtibay sa Kongreso na naisabatas.
A. Day Care Center Program
B. Programang Pang-edukasyon para sa Indegenous People
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. RA No. 10931(Universal Access to Quality Tertiary Education)
27. Ito ay programa para sa mga kabataan na nahinto sa pag-aaral at
pinangangalagaan ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Programang
Abot-Alam.
A. Out of School Youth Program (OSY)
B. Programang Pang-edukasyon para sa Indegenous People
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. RA No. 10931(Universal Access to Quality Tertiary Education)
28. Layon ng programang ito na magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag-
eempleyo.
A. Out of School Youth Program (OSY)
B. Kinder to Grade 12 Program
C. Programang Pang-edukasyon para sa Out of School Youth
D. RA No. 10931(Universal Access to Quality Tertiary Education)
29. Alin sa sumusunod ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad
ng kaayusan at katahimikan sa mga bayan at lungsod?
A. Bureau of Jail Management and Penology
B. Philippine Army
C. Philippine National Police
D. Philippine Navy
30. ito ay ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga naaabusong mga
kababaihan at mga kabataan.
A. DRRM B. MMDA C. DSWD D. PAGASA
31. Ang ahensiya na nagtatayo at nagkukumpuni ng mga paaralan.
A. DSWD B. DPWH C. DepEd D. DOH
32. Ang pamahalaan ng Negros Oriental ay pinamumunuan ng pinaslang na
gobernadora na si_______.
A. Gobernador Roel Ragay Degamo C. Arnulfo Teves Jr.
B. Henry Pryde Teves D. John T. Raymond Jr.

I. Kilalanin ang sumusunod na mga opisyal:


33. Pangulo ng Pilipinas __________________________________________
34. Pangalawang Pangulo ________________________________________
35. Pangulo ng Senado __________________________________________
36. Kinatawan o Congressman_____________________________________
37. Gobernador ________________________________________________
38. Mayor ng Lungsod ____________________________________________
39. Vice Mayor __________________________________________________
40. Kapitan ng Barangay___________________________________________

You might also like