You are on page 1of 2

S

I
A
R
G
A
O
Ang Siargao ay isang pulo na hugis-patak sa
Dagat Pilipinas na matatagpuan 196 kilometro
timog-silangan ng Tacloban. Ang area ng lupa nito
ay humigit-kumulang 437 square kilometro. Ang
baybayin nito sa silangan ay medyo tuwid na may
isang malalim na ilug-ilugan, Daungang Pilar. Ang
baybay-dagat ay minamarkahan ng
magkakasunod na bahura, malilit na tangway at
mapuputing buhanginan. Ang mga kalapit na isla
ay may magkakatulad na anyong lupa. Kilala ang
Siargao bilang kabisera ng pagsusurp sa Pilipinas,
at binoto bilang Best Island in Asia
(Pinakamagandang Isla sa Asya) sa 2021 Conde
Nast Travelers Readers awards.
Ang pulo na ito ay pinamumuhayan ng 94,273 ka
tao mula sa datos ng gobyerno noong 2015. Ang
mga lingguwaheng ginagamit ng mga mamayan
ng pulong ito ay Siargaonan na pamilyang-wika ng
mga wikang Bisaya tulad ng Cebuano, Boholano
at iba pa. Ang pulong ito ay tinatawag ring “Surfing
capital of the Philippines” dahil sa mga
nagtataasang alon na maganda kapag ika ay nag-
susurfing. Mula noong Enero hanggang
Septiyembre ng 2022 ang Siargao ay
nakatanggap ng humigit-kumulang 75,000 na
turista at 94% dito ay nagmula sa ibang bansa.
Ang pulong ito ay may maraming mga puno ng
buko dahil sa mataba ang lupa at maari itong
pagkakitaan sa pamamagitan ng pagbenta ng
mga fresh buko juice, halo-halo at iba pa. dulot sa
init ng panahon maraming m,ga turista ang
gusting uminom ng malamig na mga inumin.

You might also like