You are on page 1of 14

Pagsulat ng Balita

(News Writing)
Ivy S. Alcantara
Katangian ng Isang Mabisang Balita
(News)

• Napapanahon (Timely)
• Nagbibigay ng Impormasyon (Imformative)
• Hindi hinahaluan ng anumang opinyon
(not opinionated)
Pamatnubay (Lead)

Pinakaimportanteng Detalye

Katawan (Body)

Importanteng Detalye

Hindi gaanong mahalagang detalye


Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Balita

• Huwag maging paligoy-ligoy


• Huwag gumamit ng matatalinghangang salita
• Huwag na huwag maglalagay ng sariling
opinyon
• Isulat ang pawang katotohanan lamang
• Siguraduhing ang balitang isusulat ay walang
kinikilingan (no bias)
Pamatnubay (Lead)
Dito nakalahad lahat ng
mahahalagang impormasyon na dapat
malaman ng mambabasa.

Ito ang puso ng isang balita.


Uri ng Pamatnubay
(Lead)
Pangunahing Pamatnubay (Basic Lead)
ASSaKaBaPa
A – Ano
S – Sino
Sa – Saan
Ka – Kailan
Ba – Bakit
Pa - Paano
Quotation Lead
Nakalahad ang sipi o sinabi ng
taong ibinabalita.
“Lahat ng sumusupota sa aking
administrasyon ay inaanyayahan kong magsuot
ng yellow ribbon sa ika – 28 ng Hulyo,” Ito ang
panawagan ni Pangulong Ninoy Aquino sa
kabila ng isyung kanyang kinasangkutan sa
Dispercement Acceleration Program o DAP.
Question Lead
Nakalahad ang isang
katanungan (question)
Makakamit ba ng Pilipinas ang hamon ng
MDG 2015?

Ito ang katanungan ng mga kinatawan ng


United Nations (UN).
Descriptive Lead
Ang pamatnubay ay tiyakang
naglalarawan
Masikip, marumi at hindi matitirahan. Iyan
ang komento ng marami sa mga nasalanta ng
Bagyong Yolanda kaugnay sa mga Bunk Houses
na ibinigay ng gobyerno.
Narrative Lead
Ang pangunahing layunin ng
pamatnubay ay maglahad.
Saksi ang maraming Pilipino sa pagsuko ng
Diktaturang Marcos at pagpapalit ng
Administrasyong Aquino.
Exclamatory Lead
Ang pamatnubay ay may isa o higit
pang salita na naglalahad ng isang
matinding damdamin.
Hustisya!

Iyan ang panawagan ng mga


mamamayang Pilipino kaugnay sa isyung PDAF
Scam na kinasangkutan ni Janet Lim-Napoles at
tatlo pang senador.
Gawain
Tukuyin kung anong uri ng
pamatnubay ang inilalahad ng
dyaryo (newspaper) na hawak mo.
Gawain
Sumulat ng balita kaugnay
sa pananalasa ng Bagyong
Glenda.

You might also like