You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang Akademik

Ikalawang Markahan
Gawain sa Pagganap Blg. 1
Panukalang Proyekto
Panuto: Nakasusulat ng isang panukalang proyekto para sa pamayanan bilang kahingian ng asignatura.
Pormat: Courier New, 12, Printed (kumonsulta muna kay Bb. Iza Mari T. Dela Rosa bago i-print)

Panukala para sa Pagtatanim ng Punong Mangga

Mula sa ika-1 ng pangkat A


G11 ABM 6-Masunurin
Senior High School
Emilio Aguinaldo College
Ika-1111 ng Nobyembre, 2022

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang lungsod ng Dasmariñas ay maunlad na lungsod sa lalawigan ng
Cavite. Ayon sa senso ng 2020, ang lungsod ng Dasmariñas ang may
pinakamaraming populasyon sa lungsod ng Cavite.
Isa sa mga suliranin ng lungsod ng Dasmariñas ay ang pagbaha sa
ilang barangay tuwing panahon ng tag-ulan. Nagdudulot ito ng
problema dahil naaantala ang pagpasok ng mga mag-aaral at ang mga
nagtatrabaho. At dahil sa malaking populasyon ng lungsod, isa
ring suliranin dito ay ang marumi at hindi sariwang hangin na may
masamang dulot sa kalusugan ng mga mamamayan. Ang suliraning ito
ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga
puno. Dahil ang mga puno ay may kakayahang sumipsip ng tubig sa
lupa na makakatulong upang maiwasan ang pagbaha at nagbibigay rin
ito ng sariwang hangin na ating kailangan.

II. Layunin
Makapag Tanim ng benteng puno na makakatulong upang
mapigilan ang pagbaha nang sa gayon ay matiyak ang
kaligtasan ng mga mamamayan. Ang proyektong ito ay
makakatulong rin upang maging sariwa ang hangin. At dahil
ang punong itatanim ay puno ng prutas, ang mga mamamayan ay
maaaring pumitas sa tuwing ito ay namumunga.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpupulong ng boluntaryo at mga opisyal ng barangay
para sa kanilang pahintulot sa isasagawang tree
planting project at upang malaman kung saan pwedeng
isagawa ang proyekto. (1 araw)
Filipino sa Piling Larang Akademik
Ikalawang Markahan
Gawain sa Pagganap Blg. 1
Panukalang Proyekto
Panuto: Nakasusulat ng isang panukalang proyekto para sa pamayanan bilang kahingian ng asignatura.
Pormat: Courier New, 12, Printed (kumonsulta muna kay Bb. Iza Mari T. Dela Rosa bago i-print)

2. Pagpapasa, pag-apruba, at paglabas ng badyet (1 araw)


3. Pagpupulong ng namumuno sa tree planting project at
ang mga boluntaryo. (1 araw)
4. Paghahanda ng mga kagamitan at mga binhi. (7 araw)
● Sa linggo ring ito ay maaari nang simulan ang
pagbubungkal ng lupa, pagtatanim, at pagdidilig.

IV. Badyet
Napagkasunduan ng grupo na ang mga kagamitan na gagamitin sa
pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ay kanya-kanya na ang
pagdadala o hihiramin na lamang sa mga kakilala.
Samakatuwid, ang tanging gastusin na lamang ay ang binhi.
Mga Gastusin Halaga

20 pirasong binhi ng mangga PHP 50 kada piraso

Kabuuang halaga PHP 1,000

V. Benepisyo ng Proyekto at mga makikinabang nito


Ang pagtatanim ng mga puno ay magiging kapaki-pakinabang sa
mga mamamayan ng lungsod ng Dasmariñas. Maiiwasan ang
pagbaha tuwing tag-ulan, makakapag bigay din ng sariwang
hangin na ating kailangan upang maiwasan ang mga sakit. At
higit sa lahat, malaki rin ang maitutulong nito sa kalikasan
dahil ang pagtatanim ng mga puno ay makakatulong upang
mabawasan ang carbon emission na nilalabas ng mga tao sa
kapaligiran sa paggamit ng carbon fuels ayon sa mga
mananaliksik.

Isinumite ni:
Filipino sa Piling Larang Akademik
Ikalawang Markahan
Gawain sa Pagganap Blg. 1
Panukalang Proyekto
Panuto: Nakasusulat ng isang panukalang proyekto para sa pamayanan bilang kahingian ng asignatura.
Pormat: Courier New, 12, Printed (kumonsulta muna kay Bb. Iza Mari T. Dela Rosa bago i-print)

Dustin Kim E. Bernardino

Isinumite kay:

Bb. Iza Mari T. Dela Rosa


Guro sa Filipino

You might also like