You are on page 1of 3

naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng

“entrepreneurship”
natatalakay ang mga katangian ng isang
entrepreneur
natutukoy ang mga naging matagumpay na
entrepreneur sa pamayanan, bansa, at sa ibang
bansa
natatalakay ang iba’t-ibang uri ng negosyo
naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit
ng computer, Internet, at email
natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga
di-kanais-nais na mga software (virus at
malware), mga nilalaman, at mga pag-asal sa
Internet
nagagamit ang computer, Internet, at email sa
ligtas at responsableng pamamaraan
naipaliliwanag ang kaalaman sa paggamit ng
computer at Internet bilang mapagkukunan ng
iba’t ibang uri ng impormasyon
nagagamit ang computer file system
nagagamit ang web browser at ang basic features
ng isang search engine sa pangangalap ng
impormasyon
nagagamit ang mga website sa pangangalap ng
impormasyon
nakokopya o nada-download sa computer ang
nakalap na impormasyon mula sa Internet
nakagagawa ng table at tsart gamit ang word
processing
nakagagawa ng table at tsart gamit ang electronic
spreadsheet tool
Gonosan Elementary School
First Periodic Examination
EPP IV

Pangalan:_______________________________________________ Iskor:_______________
1. Ito ay ang kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang mga kalakal at serbisyo na kailangan.
A. Entrepreneur C. Negosyo
B. Mamimili D. Entrepreneurship
2. Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang
negosyo. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng magandang katangian ng isang entrepreneur?
A. Ang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang mga mamimili.
B. Lahat ng mamimili ay dapat komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
C. Kailangang serbisyong mabilis at nasa tamang oras.
D. Ang serbisyong matapat ay hindi kailangan sa negosyo.
3. Vulcanizing Shop: Pag:aayos ng gulong; Home Carpentry:_________________
A. Pag-ayos ng bahay
B. Pag-ayos ng sirang gamit sa bahay
C. Pananahi ng damit
D. Pagsundo at paghatid ng mga bata sa eskuwelahan
4. Ang sumusunod ay nagsasaad ng panuntunan sa paggamit ng computer, internet at email maliban sa isa.
A. Makipag usap sa taong di mo kilala.
B. Gamitin lamang ang mga ligtas na sites.
C. Sundin ang panuto ng guro sa paggamit ng computer.
D. Huwag ipamigay ang password ng email at huwag din itong kakalimutan.
5. Nasa ibang bansa ang iyong magulang at nais nitong makita ang iyong report card. Anong hakbang ang
gagawin mo para maipakita mo ang iyong report card?
A. Mag-sign up sa gmail o yahoo.mail.
B. Sigurihung na turn-off o nai-log out ang email bago umalis sa computer shop
C. Ipadala ang report card gamit ang email.
D. Sundin ang panuto na ibinigay ng guro.
6. Kung ang mouse ay komokontrol sa galaw ng “on-screen pointer”. Anong bahagi naman ng kompyuter
na ginagamit para mag-type ng mga titik, numero at mga simbolo?
A. Printer B. CPU C. Monitor D. Keyboard
7. I-click ang organize button at piliin and delete command. Tukuyin kung ano ang panuto na isinasaad.
A. Paggawa ng folder C. Pag copy at paste ng file
B. Paggawa ng subfolder D. Pag delete ng file
8. Ang computer file system ay ang pagsasaayos ng files at datos sa kompyuter. Ano ang dalawang uri ng
files?
A. Soft copy and Hard Copy C. Hard disk at flashdrive
B. CD-ROM/DVD-ROM D. Wala sa nabanggit
9-10. Ang Web browser ay isang computer software na ginagamit upang maghanap at makapunta sa iba’t ibang
websites. Subukan mong tukuyin ang mga larawan ng kilalang web browser.
A. Mozilla Firefox C. Internet Explorer
B. Google Chrome D. Yahoo

A. Google Chrome C. Yahoo


B. Mozilla Firefox D. Internet Explorer
11. Kung ang New Tab ay ang pagkaroon ng panibagong tab kung saan maaaring magbukas ng bagong website.
Anong bahagi ng web browser na mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website.
A. Tab Name C. Search box
B. Address bar D. New Tab
12. Ang mga sumusunod ay mga files na maaaring ma-download sa ating computer maliban sa isa
A. Document Files C. file system
B. Multimedia Files D. Program Files
13. Ito ang koleksyon ng magkakaugnay na tekstuwal na nakaayos ng rows at column.
A. Table B. Tsart C. Word processor D. sorting
14. Ito ay ang biswal na modelo ng mga numerical na impormasyon.
A. Word processor B. sorting C. Table D. Tsart
15. Ito ay linyang nakahilera pahalang
A. Rows B. Column C. Table D. Tsart
16. Ito ang linyang pahaba
A. Rows B. Column C. Table D. Tsart
17. Ang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento
A. Word space B. WordArt C. word processor D. MS powerpoint
18. Anong proseso ng pagsasaayos ng listahan ng mga impormasyon?
A. Sorting B. Filtering C. electronic spreadsheet D. Tsart
19. Isinasaayos nito ang listahan ng mga tekstuwal na impormasyon sa alpabetikong pagkasunod-sunod mula A
hanggang Z.
A. sort descending C. Filtering
B. sort ascending D. Sorting
20. Pagsasala ng impormasyon upang Mapili lamang ang kinakailangang datos.
A. Sorting B. Filtering C. electronic spreadsheet D. Tsart

You might also like