You are on page 1of 3

Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino

Ponolohiya (Palatunugan)

Ang wika ay binubuo ng mga tunog ngunit hindi lahat ng tunog na naririnig natin ay
maituturing na wika.Ang makaagham na pag-aaral ng mga tunog ay tinatawag na
ponolohiya.Dito natin pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na
ponema.Ang ponema ay ponemang segmental ay tumutukoy sa makabuluhang tunog na
nangangahulugang ang bawat ponema ay maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang
salita.May mga ponema rin na maaaring mapalitan,na kapag ginagamit sa salita ay hindi
mababago ang kahulugan,gaya ng ponemang e at i sa mga salitang babae at babai,lalake at
lalaki at ponemang o at u sa salitang noon at nuon.Tinatawag itong ponemang malayang
nagpapalitan.

May dalawang uri ng ponema na tinatawag na ponemang katinig at patinig.Ang


pagbigkas ng mga ponemang patinig ay makikita sa posisyon ng dila na may tatlong bahagi;
harap,sentral at likod.Pag-aralan ang tsart ng ponemang patinig.Ang ponemang katinig ay
binubuo lamang ng 16 na ponema at ang tinutukoy ng ika-16 ay may simbolong tandang
pananong na walang tuldok na kumakatawan sa impit na tunog o glottal.Mailalarawan ang
pagbigkas ng mga ponemang ito sa pamamagitan ng punto at paraan ng artikulasyon na
makikita sa tsart ng mga ponema ng katinig.

Ang ponemang /ŋ/ ay katumbas ng ng sa ating alfabeto na binibigyan lamang ng


isang simbolo na sumasagisag sa isang makahulugang tunog samantalang ang glottal o impit
na tunog ay sinasagisag naman ng tandang pananong na walang tuldok.

Ang mga ponemang katinig ng Filipino na nasa talahanayan ay ginagamit sa mga


karaniwang salita na matatagpuan sa wikang Filipino.Sa kasalukuyan,may mga letrang
idinagdag sa makabagong alfabeto at apat sa mga ito ay may tiyak na ponemikong
kalagayan sa palatunugang Ingles.Ang mga letrang ito ay F,J,V at Z na may iisang
kinakatawang tunog at ang mga letrang ito ang gagamitin kapag binaybay ang sa Filipino ang
mga salitang hiram.

Ang pagdaragdag na ito ay bunga ng mga pagbabagong nagaganap sa ating wika.Isa


itong paraan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Ipinaliwanag nina Santiago at Tiangco (2003) ang punto at paraan ng artikulasyon ng


mga ponemang katinig gaya ng mga sumusunod:

1. Panlabi-ay ibabang labi ay dumidikit sa labing itaas ./p,b,m/


2. Pangngipin- ang ibabaw ng dulo ng dila ay ay dumidikit sa loob ng mga ngiping
itaas./t,d,n/
3. Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa punong
gilagid,/s,l,r/
4. Pangngala-ngala(Velar)- ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa velum o
malambot na bahahgi ng ngalangala./k,g,ŋ/
5. Glottal- ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at hinharang ang
presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog
./?,h/
Sa paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung paanong gumagana ang
ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas
sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig.Ang paraan ng
artikulasyon sa Filipino ay mapapangkat sa anim,gaya ng mga sumusunod (Santiago
at Tiangco ,2003):

1.Pasara- ang daanan ng hangin ay harang na harang /p,t,k,?,b,d,g/

2. Pailong-ang hangin ay sa ilong lumalabas at hindi sa bibig dahil ito’y nahaharang


dahil sa pagtikom ng mga labi ,pagtukod mg dulong dila sa itaas ng mga ngipin ,o kaya’y
dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngalangala,/m,n,ŋ/

3.Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng


ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig /s,h/

4. Pagilid-ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay
nakadikit sa puno ng gilagaid /l/.

5. Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumalabas sa


pamamahitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila/r/.

6.Malapatinig- kaiba sa mga katinig ,dito’y nagkakaroon ng ng galaw mula sa isang


posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon ,/w,y/.Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd
o pagkambyo mula sa puntong panlabi –papasok ;samantala,ang /y/ ay ang kabaligtaran
nito ---palabas.Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng
punto ng artikulasyon ng mga katinig.

Ang mga ponemang suprasegmental ay binubuo ng tono ,haba,diin,at tigil o pghinto.

Tono-tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig.Nakapagpapabago rin ito ng


kahulugan.Nakukuha natin ang mensahe ng ating kausap sa pamamagitan ng kanyang
boses kung siya ay nangangaral ,naiinis nang-iinsulto nagtatanong ,nakikiusap o nag-
uutos.Hindi lamang dito nakikita ang kahalagahan ng tono kundi sa wastong pagbigkas
ng salita.Tumataas ang tinig sa bahagi ng pantig ng salita na kailangang bigyang-diin.

Haba- tumutukoy ito sa haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig

Diin o stress-tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang-diin

Hinto/Pagtigil- Tumutkoy ito sa saglit na paghinto sa pagsasalita na maaaring


panandalian na matatagpuan sa gitna ng pangungusap o sa gitna ng isang taludtod ng
tula o kaya naman ay sa hulihan o katapusan ng pangungusap Ang mga karaniwang
palatandaan na ginagamit sa saglit na paghinto sa pagbasa ng isang akda ay kuwit
,tuldok,semi-kolon,at kolon.Sa iba namang pagkakataon lalo na sa mga panliteraturang
akda,makikita natin ang paggamit ng isang bar(/) sa saglit na paghinto at dobleng bar (//)
sa katapusan ng pahayag.
Tulad din ng diin,ang hinto ay nakapagpapabago ng kahulugan ng pahayag.

Halimbawa:

Doktor,ang kapatid ko ,(Doktor/ang kapatid ko//)

Doktor ang kapatid ko.(Doktor ang kapatid ko//)

Ang unang pangungusap ay nangangahulugan na humuhingi ng tulong sa doctor ang


nagpapahayag ,isang sandal ng kagipitan o dagliang pangangailangan .Sa ikalawang
pangungusap naman ay nagmamalaki ang nagpapahayag na doctor ang kapatid niya.

You might also like