You are on page 1of 5

EKONOMIKS

Ekonomiks - ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-
yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomiya, ang oikos na nangangahulugang
bahay at nomos na pamamahala.
Sambahayan - gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang
mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan.
Pamayanan - kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang
gagawin, paano gagawin, para kanino at gaano karami ang gagawin
Kakapusan - ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao kagaya ng nickel, chromite, natural gas at iba pang non-
renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito.

PAGGAWA NG MATALINONG DESISYON


trade-off - isang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ang iba pang bagay. Mahalaga
ang trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo
ng pinakamainam na pasya
opportunity cost - tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
sa paggawa ng desisyon.
Incentives - pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming
pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto at serbisyo.
Marginal thinking - sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay
gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon

MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


sistemang pang-ekonomiya - ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang
maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at
pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan
*Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng
kakapusan at kung episyenteng magagamit ang mga pinag-kukunang-yaman ng bansa*
Alokasyon - isang paraan o mekanismo upang maayos na maipamahagi at magamit ng tama ang
lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa
Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Tradisyonal na Ekonomiya - Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiya ay
nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

- bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang
mga tao sa paraan nito.
Market Economy - ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay
ginagampanan ng mekanismo ng malayang pamilihan
- ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling
interes na makakuha ng malaking pakinabang
- ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga gawain
Command Economy - nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan

- alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya sa pingangasiwaan mismo


ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
- Ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay
ng pamahalaan lamang
Mixed Economy - ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng mixed economy at
command economy

- Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaring manghimasok o


makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan,
katarungang panlipunan at pagmamay-ari ng estado.

MGA SALIK NG PRODUKSYON


Produksiyon - proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga salik upang makabuo ng output.
Lupa bilang Salik ng Produksiyon - ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati
ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa
ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang.
Paggawa bilang Salik ng Produksiyon - Nangangahulugan ito na kailangan ang mga
manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o
serbisyo
lakas-paggawa - tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
Kapital bilang Salik ng Produksiyon - tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang
produkto

- maari ding iugnay sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na mga
sasakyan

Entrepreneurship bilang Salik ng Produksiyon - tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng


isang tao na magsimula ng isang negosyo.
Entrepreneur - tagapag-ugnay ng naunang mg salik ng produksiyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo

- Siya rin nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay


na makaaapekto sa produksiyon
- Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at
handa sa pagbabago.

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO


Pagkonsumo - gawaing indespensable o kailanman ay hindi maaring hindi gawin ng isang tao
habang nabubuhay.

- tumutukoy sa pamamaraan ng pagtangkilik,pagbili at paggamit ng mga pinagkukunang-


yaman, produkto at serbisyo ng mga indibidwal upang tugunan ang pangkasalukuyang mga
pangangailangan at kagustuhan
- maituturing na pangunahing dahilan kung bakit mahalaga ang gawaing produksiyon ng mga
produkto at serbisyo sa ekonomiya ng isang bansa.

1.Tuwirang Pagkonsumo(direct consumption). Ito ang uri ng pagkonsumo na madalas gawin


ng mga tao kung saan direkta ang ginagawang pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan.
2. Produktibong Pagkonsumo(productive consumption). Sa uri ng pagkonsumo na ito, ang
konsyumer ay isa ring prodyuser kung saan ang ginagawang pagkonsumo ay nagbubunga ng
paglikha ng iba pang produkto o serbisyo.
3. Maaksayang Pagkonsumo(wasteful consumption). Sa ganitong pagkonsumo, ang paggamit
ng produkto o serbisyo ay hindi nagdudulot ng kapakinabangan sa konsyumer.
4. Makatawag-pansing pagkonsumo (conspicuous consumption).Tumutukoy sa pagkonsumo
ng mga produkto o serbisyo na naglalayong ipakita ang karangyaan sa buhay o katayuan sa
lipunan. Sa ganitong uri, natatamo ng isang konsyumer ang kasiyahan sa pagkonsumo ng isang
produkto mula sa reaksiyon o atensyon ng ibang tao.
5. Mapanganib na Pagkonsumo(dangerous consumption). Ito ang uri ng pagkonsumo ng
produkto o serbisyo na maaring magdulot ng kapahamakan o di kaya banta sa kalusugan ng tao
maging sa hayop at kapaligiran.

MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG ISANG MAMIMILI


MGA PAMANTAYAN SA MATALINONG PAMIMILI
1. Sumusunod sa badyet. Kung lalagpas sa iyong badyet ang presyo ng iyong
bibilhin,ipagpaliban na lamang ang pagbili nito lalo na kung di naman kailangan.
2. Mapanuri. Tinitingnan ang sangkap,presyo,timbang,pagkakagawa at inihahambing ang mga
produkto sa isa’t isa upang tama ang gagawing pagpili.
3. May Alternatibo o Pamalit. Marunong humanap ng kapalit o panghalili na makatutugon din
sa pangangailangang kailangang tugunan ng produktong dating binibili.
4.Hindi nagpapadaya. Laging handa,alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa
pagsusukli at paggamit ng timbangan.
5.Makatwiran. Inuuna ang mga bagay na mahalaga kumpara sa mga luho lamang.
6.Hindi nagpapanic-buying. Hindi bumibili ng isang produkto na sobra-sobra at kadalasan ay
nauuwi sa pagkasayang dahil hindi naman nagagamit lahat.
7.Hindi nagpapadala sa anunsiyo. Para sa matalinong mamimili balewala ang pag-eendorso ng
kahit na sino pang sikat na artista dahil ang mas tinitingnan niya ay kalidad ng produkto pa rin.

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI


1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan – Tungkulin ng pamahalaan na tiyaking
may sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangailangang pangkalusugan, edukasyon at
kalinisan upang mabuhay.
2. Karapatan sa kaligtasan – May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapapangalagaan
laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
3. Karapatan sa patalastasan – May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang,
madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na
gawain.
4. Karapatang pumili – May karapatang pumili ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod sa
halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kumpanya, dapat magkaroon ng
katiyakan ang mamimili sa kasiya-siyang uri at halaga n produkto.
5. Karapatang dinggin – May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay
lubusang isasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
6. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan – Karapatan ng isang
mamimili na bayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na
ibibigay o ipinagbili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat
magkaroon ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa
paghahabol.
7. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili – May karapatan sa
consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.
8. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran – May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-
pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at
maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang
iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasa ng ating saling lahi.

LIMANG TUNGKULIN NG MGA MAMIMILI

1. Mapanuring kamalayan – Tungkulin ng isang mamimili na maging listo at mausisa tungkol


sa kung ano ang gamit, halaga at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
2. Pagkilos – Ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong
pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.
3. Pagmamalasakit na panlipunan – Kabilang dito ang pagtangkilik sa sariling produkto upang
maging bahagi tayo sa pagpapaunlad ng lokal na industriya at ekonomiya ng ating bansa.
4. Kamalayan sa kapaligiran – Kabilang dito ang pangangalaga sa kapaligiran at pag-alam
kung ano ang maaring idulot sa kapaligiran at kalikasan kung hindi wasto ang ating
pagkonsumo.
5. Pagkakaisa – Ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan

You might also like