You are on page 1of 2

Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa

ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at
kapakipakinabang.

Sa ibaba ng kubyerta makikita naman ang mga pasahero na kabilang sa mababang uri tulad ng Indios
at Tsino. Hindi tulad sa mahangin na itaas na kubyerta, ang mga kondisyon sa ilalim ng kubyerta ay
malayo sa komportable dahil sa init at ang nakakadulas na baho ng iba't ibang mga amoy. Sa aking
palagay, ito ang ginamit ni Rizal upang ipakita sa kanyang mambabasa ang kalagayan ng mga tao sa
ibaba, mga mahihirap, nagtitiis, may sakit, puno ng problema sa buhay, at mga Pilipinong nagnanais
na makaranas ng kaginhawaan sa buhay subalit sila ay nakakulong sa masalimuot na pamumuhay
gaya ng kalagayan ng mga tao sa ilalim ng kubyerta. Mainit, siksikan, ingay, nagkahalong mga
masangsang na amoy ng mga tao, at iba’t ibang gawain gaya ng pagsusugal, pagkukwentuhan, at
tawanan. Ito ang buhay ng mga Pilipino na kanilang binabaka sa pang-araw-araw. May iba’t-ibang
simbolo rin mahahanap sa kabanata na ito. Una, ang pagiging negatibo ni Kapitan Basilio ukol sa
Akademy ay pinapakita lamang nito na isa sa mga sakit sa lipunang tinutuligsa ni Rizal sa ating mga
namamahala sa gobyerno ay ang kawalang suporta sa mga programa, gawain at mga patakarang may
kinalaman sa kabutihan ng mga mamamayan. Ito rin ay sumisimbolo sa mga taong tumutuligsa sa
mga pangyayari, sitwasyon, mga usapin ng bansa sa halip na ito ay tulungan at suportahan ay
tuwirang sumasalungat kayat walang nangyayari sa bayan dahil sa pagkakaroon ng dibisyon. Habang
naman ang dalawang mag-aaral na sina Basilio at Isagani ay nagsisimbolo sa mga kabataang gustong
matuto at magkaroon ng kinabukasan sa pamamgitan ng pag-aaral.

Ang pagkakaroon ng mataas na pangarap at adhikain para sa bansa ay isang mahalagang hakbang
upang makamit ang pagbabago at kaunlaran.

Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang
maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.

Ang aral na makukuha dito ay huwag uminom ng serbesa lalo na ang mga kabataan matutong
tumanggi sa mga alok lalo na kung alam mong ito ay makakasa sa iyo, tularan ang ginawang
pagtanggi nina Basilio at Isagani ng alukin sila ni Simoun ng serbesa ayon sa dalawa ay hindi sila
umiinom noon, kapuri puri ang dalawa dahil marunong silang tumanggi at alam nila kung ano ang
ikasasama nila.
Ang pangalawang aral na makukuha sa kabanatang ito ay ipaglaban ang mga layunin lalo, ganun ang
ginagawa ng dalawang mag aaral na gustong magtayo ng akademya kahit pa nga sabihan silang
malabong mangyari ang kanilang mga gusto ay pilit parin nilang ipinaglalaban ang kanilang nais
sapagkat alam nilang iyon ay makatutulong sa maraming kabataan upang lumawak ang kaalaman.
Ang ikatlong aral na makukuha dito ay suportahan ang nais ng iba lalo na at alam mong marami ang
makikinabang dito, huwag tularan si Kapitan Basilio nan a sinasansala ang mga kabataang nais
magtayo ng akademya, sinabi pa niyang tiyak dawn a hindi matutuloy ang balaking iyon ng mga
kabataan at tiyak na marami ang kokontra iniingganyo niya ang mga kabataan na manghina ang loob
upang di na ituloy ang balak na pagpapatayo ng akademya imbis na sana ay suportahan niya.sapagkat
alam naman niyang Malaki ang maitutulong nito sa kabataan.
Ang pang apat na aral na makukuha dito ay huwag nating panghimasukan ang kagustohan ng ating
mga anak  bilang mga magulang ay nandito tayo upang gumabay sa kanila sa kanilang mga naisin,
huwag nating gayahin ang ina ni padre Florentino pinilit siyang mag pari nito kahit labag sa kalooban
ng isa wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa ina, kaya naman nagpakasal sa iba ang
kanyang kasintahan, at ng mamatay narin ang ina ni padre Florentino kahit naiwanan siya ng
maraming kayamanan ay hindi siya naging masaya.  

Ang tinutukoy na kanser ng Lipunan sa kabanata 2 ng El Filibusterismo ay ang Ang pag-inom ng


alak ng serbesa o alak ng silang nakakasira ng mga tao, pagtanggi ng pamahalaan na bigyan ng sapat
na Edukasyon ang kabataan,lalo na sa wikang kastila

1.       Bakit nangiti si Simoun nang matigas na tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang
kanyang mga kababayan ay dahil di nila ito kailangan?
·         Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di too. Mahiligin
sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni
Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap – lalaking matapang at
nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan.
2.       Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?
·         Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila, mayaman. Kung nagsisimula
pa lamang ang isang paroko, di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag umunlad na ito,
pinapasok na ng mga prayleng Kastila.
3.       Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? Sa mumunti at watak-watak na
ilog?
·         Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino;
pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming
Pilipino na may matinding gawi ng pagtatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking
himagsikan lamang sa Pilipinas, na mula pa kay Lapu-lapo hanggang sa kina Diego Silang ay walang
tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa’t nagkasabay-
sabay sa iisang pamumuno, matagal na sanang ginunaw ng dagat ng tubig na ito ang Moog ng Kastila
sa Pilipinas.
4.       Ano ang diwa ng tula ni Isagani na binigkas ni Basilio?
·         Pagtulungan ng tubig at apoy sa isang makina (steam engine). O pagtutulungan ng Pilipino at
Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala.
·         Katulad ng tubig ang mga Pilipino dahil mahinahon kung hindi man tamad at mabagal kumilos.
Apoy naman ang mga Espanyol dahil maunlad at agresibo.
5.       Bakit pangarap lang daw ito ayon kay Simoun?
·         Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin ay may apoy nga at may tubig ngunit walang
makina. Walang makitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila.

You might also like