You are on page 1of 14

K

Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Kindergarten
Unang Markahan- Ika-Pitong Linggo-Modyul 1
Pagtukoy sa Gamit ng Pangunahing Bahagi ng Katawan

Manunulat: Lani G. Favorito


Tagaguhit: Mary Jann S. Leal

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay makatutulong upang matukoy ang gamit ng pangunahing


bahagi ng ating katawan.

Ito ay tatalakayin sa ika-7 Linggo ng Unang Markahan.

Layunin ng modyul na ito na ang:


1. maituro ang pangunahing bahagi ng katawan;

2. masabi ang gamit ng bawat bahagi ng katawan at kung paano ito


mapapangalagaan;

3. masabi ang mga paraan ng pangangalaga sa pangunahing bahagi ng katawan.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Aralin Pagtukoy sa Gamit ng Pangunahing
Bahagi ng Katawan

Subukin
Kaya mo bang tukuyin ang mga pangunahing bahagi ng iyong katawan at
ang mga gamit nito? Subukan mong ituro ang iyong mata. Subukan mong ituro
ang iyong tenga, leeg, siko, kamay at paa? Nagawa mo ba?

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Tuklasin
Pag-aaralan natin ang gamit ng pangunahing bahagi ng ating katawan.
Babasahin ng iyong magulang o gardiyan ang tula na nasa kahon.
Gamit ng Aking Katawan
Ako ay may mata, para ako ay makakita.
Itong ilong ko sa pag-amoy at paghinga
Ang bibig naman kung kakain at may sasabihin.
Mga tenga kong ito sa pagdinig siya ang bahala.
Kamay sa pagkaway, paghawak sa mga bagay-
bagay.
Paa ko’y tumatalon, lumalakad at tumatakbo
Ang aking katawan, aking iingatan,
Pagkat ito’y bigay ng Maykapal.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Suriin
Ang ating katawan ay may pangunahing bahagi at may kaniya-kaniyang gamit.
Babasahin ng iyong magulang o gardiyan ang usapan ng dalawang bata at sagutin mo
ang mga tanong pagkatapos.

Ito ang aking


Ito ang aking
ilong.
mata.
Nakahihinga ako
Nakakakita ako
at nakakaamoy
dahil sa aking
dahil sa aking
mata.
ilong.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Ito ang aking
Ito ang aking
bibig. Ginagamit
tainga.
ko ito para
Nakaririnig ako
makakain at
ng mga tunog at
makapagsalita.
sinasabi ng tao
dahil dito.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Ito ang aking mga
kamay. Ito ang
panghawak ko sa mga
bagay na malambot,
magaspang at
matigas.

Ito ang aking paa.


Dahil dito, nakakalakad
ako, nakakatakbo,
nakakatalon, at
nakararating sa aking
pupuntahan.

Pagyamanin

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bilugan ang letra ng tamang sagot sa gabay ng iyong magulang o gardiyan.
1. Ano ang gamit ng ating mata?
a. pandinig b. paningin c. pagsalita
2. Ano ang gamit ng ating paa?
a. panglakad b. pang-amoy c. panghawak
3. Anong bahagi ng ating katawan ang nakakarinig?
a. mata b. ilong c. tainga
4. Anong bahagi ng ating katawan ang nakahahawak ng mga bagay?
a. kamay b. paa c. bibig
5. Ano ang gamit ng ating ilong?
a. nakakakita b. nakaririnig c. nakaamoy

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Pagyamanin
Upang mas lalo mo pang maintindihan ang ating aralin, sa tulong ng iyong magulang
o gardiyan, ay sabihin mo kung anong bahagi ng katawan ang nasa larawan at kung
anong gamit nito.

mata ilong bibig

tainga kamay paa

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isaisip
Ngayon ay ating alamin kung kaya mo nang ituro ang bahagi ng iyong katawan
at sabihin ang gamit nito. Sabihin mo ang tula sa tulong ng iyong magulang o
gardiyan at sabihin mo ang bahagi ng katawan na tinutukoy sa tula.

Ang Aking Katawan


Ako ay may _____________, para ako ay makakita.
Itong _____________ ko sa paghinga at pag-amoy tumutulong
Ang ____________ naman kung kakain at may sasabihin.
Mga ____________ kong ito sa pagdinig siya ang bahala.
______________ sa pagkaway, paghawak sa mga bagay bagay.
______ _________ ko’y tumatalon, lumalakad, tumatakbo.
Ang aking katawan, aking iingatan,
Pagkat ito’y bigay ng Poong Maykapal.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isagawa

Gamit ang mga larawan sa ibaba, sabihin mo sa harap ng iyong magulang o


gardiyan kung paano maiingatan ang mga bahagi ng ating katawan.

1. 2. 3.

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
4. 5.

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Sanggunian
https://commons.deped.gov.ph/MELCS-Guidelines.pdf

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lani G. Favorito, (BES)
Editor:
Natalia B. Carale, (PES)
Elvira S. Brutas, (CIS-EL)
Hazel Hope Margaret F. Bamba (SSSVES)
Tagasuri:
Ma. Aloha E. Veto, School Head, (BES)
For inquiries or feedback, please write
Amabelle H. Santiago, School Head, (SMES) or call:
Leah A. De Leon, Education Program Supervisor
Schools Division Office- Marikina City
Melissa T. Bartolome, PNU Professor
Tagaguhit/ Tagalapat: Mary Jann S. Leal, SNES 191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City,
Tagapamahala: 1800, Philippines
Sheryll T. Gayola Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala
Email Address:
sdo.marikina@deped.gov.ph
Elisa O. Cerveza
Hepe - CID
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leah A. De Leon
Superbisor sa Kindergarten

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE

You might also like