You are on page 1of 1

Bilang isang kabataan, ano ang kaya mong ialay sa bayan at bakit?

Bilang kabataan, iniaalay ko ang aking buong sarili para sa ating bayan, dahil ito ang nararapat,
at bawat isa sa atin bilang mamamayan ay anak ng ating bayan, siya ang ating ina at tayo ay kunukupkop
niya. Kaya naman, tulad ni Gat. Jose Rizal, at nang ibang pa nating mga kabataang bayani, dapat lamang
na huwag tayong mag-alinlangan na ialay ang aking buong sarili para sa ating inang bayan. Dahil dito,
tulad ng pangarap ng ating bayaning si Dr. Rizal, bilang mag-aaral inaalay ko ang aking pag-aaral para sa
kinabukasan ng ating bayan. Bilang mulat naman na kabataan inaalay ko ang aking pagpapalawig ng
kaalaman at pakikisangkot sangkot sa mga usaping sosyo-politikal at ekonomikal sa ating bansa. Ngunit,
dahil banta ng impluwensya ng ilang nasa kapangyarihan, alam ko ring may kaakibat na peligro ang aking
pakikisangkot na ito para sa aking sariling buhay at bokasyon. Ngunit, tulad rin ng ating mga kabataang
bayani, hindi dapat tayo matakot sa banta ng ano mang hadlang sa ating layunin, kung ang ito ay para sa
bayan. Ang pag-aalay ng buong sarili para sa bayan ay pag-aalay rin ng buhay para sa pagsulong ng ating
kasaysayan.

You might also like