You are on page 1of 4

Panitikan hinggil sa sitwasyon ng mga pangkat

minorya

Ang panitikan sa Ingles ay literature. Ang panitikan ay ang


pagsulat ng tuluyan o tuwiran at patula na nag-uugnay sa mga
tao. Ang panitikan ay maaaring tula o espesyal na klase ng
pagsulat.

Ang pangkat ay ang sektor ng lipunan.

Ang minorya ay ang maliit na bahagi ng populasyon na


kadalasan ay nakararanas ng diskriminasyon o marginalisasyon.
Tila alingawngaw na bumasag sa katahimikan ng
mga katutubong Pilipino ang kaliwa’t kanang
suliraning nag-udyok sa kanila upang iparinig ang
kanilang tinig. Kahit sila pa ang kaunaunahang
humubog sa ating kasaysayan at kultura, mistulang
kulang pa rin iyon upang ang sitwasyon ng
mga ethnic minorities ay bigyang pansin ng
lipunan at pamahalaan.

Natatanging pagkakakilanlan

Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit


upang ilarawan ang mga pangkat etniko na
naninirahan sa isang rehiyon o lugar na samasama.
Sila ay may koneksyong pangkasaysayan, mga
bagay na nag-uugnay at nagbubuklod sa kanila na
ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay.
Matatagpuan sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas
at may tinatayang 14 hanggang 17
milyong Indigenous Peoples na kabilang sa 110
grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay
pangunahing nakatuon sa Mindanao (61%) at
Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region,
33%), kasama ang ilang mga grupo sa Visayas,
ayon sa datos ng United Nations Declaration on
the Rights of Indigenous Peoples, isang
organisasyong nagsusulong na itaguyod at
protektahan ang mga karapatan ng mga
katutubong mamamayan.
Tahimik na binabaka ng mga Lumad ang mga balakid sa
mapayapang pamumuhay sa kanilang yutang kabilin.
Ilan lamang sa mga ito ang malawakang pagmimina at
kawalang akses sa pampublikong mga serbisyo tulad ng
edukasyon at serbisyong pangkalusugan.
Pero nang lumabas ang balita ng pagpaslang kina
Emerito Samarca, executive directorng Alternative
Learning Center for Agricultural and Livelihood
Development (Alcadev), Dionel Campos at Juvello Sinzo,
noong Setyembre 1, 2015, saka pa lang lumitaw sa
publiko ang mga suliranin ng mga Lumad.
Salamin ang pagpaslang na ito ng grupong paramilitar na
Magahat-Bagani sa tumitinding panunupil sa mga Lumad
na lumalaban para sa lupaing ninuno. Itinataboy ang
mga Lumad sa Davao, Compostela Valley, North
Cotabato, Surigao, at iba pang lugar. Lumikas sila
patungong mga evacuation center, ngunit patuloy pa rin
ang paghaharas sa kanila roon. Samantala, matagal nang
tinatarget ng asasinasyon ang mga lider-Lumad na
lumalaban sa malalaking kompanya ng pagmimina.

Malakas ang pagkakaisa ng iba’t ibang grupo ng mga


Lumad para tutulan ang panghihimasok ng militar
at mining companies. Tatlong beses nang naglunsad ng
Manilakbayan ang mga Lumad para humingi ng hustisya
sa sentro ng gobyerno sa Maynila.
Sa ngayon, nakauwi na ang mga Lumad sa Davao City at
Surigao del Sur sa kanilang mga komunidad. Sa kagyat,
aayusin nila ang mga nasira ng mga militar at paramilitar
sa pagkampo ng mga ito sa kanilang lugar. Maaari, sa
kalaunan, aayusin na rin nila, sa kanilang sariling
pagpapasya, ang mga suliranin sa kanilang yutang kabilin.
Pero marami pa ring hindi nakakauwi mula sa
pagkakabakwit. Maraming komunidad ng Lumad ang
pinagbabantaan pa rin ng malawakang pagmimina, na
sinusuportahan ng mga operasyong militar

You might also like