You are on page 1of 2

Bago ko muna sisimulan ang aking talumpati ako ay lubos na

nagpapasalamat sa mga taong naririto, mga magulang, mga kaibigan, at higit sa


lahat sa mga magsisipagtapos, isang pinapalang umaga sa ating lahat. Naririto
tayong lahat at nagtipon-tipon upang ipagdiwang ang isang malaking pangyayari
sa ating pinakahihintay, ang katuparan ng ating pangarap sa buhay.

Parang kalian lang, tayo ngayon ay makakatapos na sa ating kahirapan


sa pag-aaral at naghihintay na mapatibay natin ang ating pagtatapos, siyempre
masaya diba dahil sa wakas, natapos na natin ang isang yugto ng ating pagsisikap
at paghihirap at may maipagmamalaki na ang ating magulang dahil nairaos na nila
tayo sa kanilang paghihirap para panggastos natin sa pang araw-araw na gastusin
sa pag-aaral. Pero gaya ng lahat ng pagtatapos, may mga lungkot na maaaring
makapaghiwalay sa mga magkakaibigan at lalong lalo na mamimiss ang isa’t isa at
mga masasayang sandal kasama ang mga mahal nating guro. Hindi talaga ako
naniniwala sa forever. Hindi ako naniniwala dahil kung mayroon nito, bakit
mayroong araw ng pagtatapos o graduation? Bakit kailangang magkahiwa-hiwalay
pa kayo ng mga itinuring mong kaibigan at kasangga. Wala talagang forever. Pero
sa isang mas positibong konteksto, ang pagtatapos sa eskwela ay isang indikasyon
din na lahat ng bagay ay hindi permanente, tulad ng paghihirap. Masayang
magpatuloy tayo sa ating pag-aaral dahil ito ay isang karunungan at may mga
bagong kaalaman na maari nating tuklasin, at maari nitong baguhin ang ating
buhay, at ihatid tayo sa ating mga pangarap. Siyempre diba kapag may
pagbabago,normal na tayo’y manibago at nais kung gamitin ang pagkakataong ito
para makapagbahagi na rin ng ilang aral sa buhay na natutunan ko. Sa oras kasi na
suot mo na ang iyong toga at hawak mo na ang iyong diploma, hudyat ito na
nagbunga na ang lahat ng sakripisyo at tiyaga. Hindi madali ang mga pinagdaanan
sa paaralan. Mula sa mahihirap na aralin, sa mga komplikadong requirements,
maging ang aspektong pinansyal na kailangang bunuin ng isang magulang, ay
talaga naming dapat paghirap at buhusan ng isang katutak ng pagtitiyaga.
Gayunman, kapag mas nanaig s aiyo ang kagustuhang matapos ang lahat ng ito,
tiyak na hindi panghabambuhay ang paghihirap na matatamasa mo at ng iyong
pamilya. Kapag narrating na ang sinasabing finish line sa landasin sa eskwela, oras
na para tahakin ang mas malawak na mundo. Mas malawak na mundo ng
oportunidad. Mas malawak na mundo ng tunggalian ng mga mayroon ding
pangarap. Tunggalian na kaya mong ipanalo kasi hindi mo ginusto ang forever na
paghihirap. Walang forever.Walang forever na paghihirap sa taong may pangarap.

Isang mainit na pagbati para sa mga magtatapos, nawa’y mag tagumpay


ang bawat isa sa atin sa ating buhay, at higit sa lahat mata sa Diyos, at dito lang
nagtatapos ang aking talumpati Maraming salamat sa pakikinig at magandang
umaga sa inyong lahat.

You might also like