You are on page 1of 14
@ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. FILIPINO ‘WIKA KAHULUGAN NG WIKA Dalawang Linggwistang nagbigay kahulugan ng wika: 1. Ayon kay Archibald A. Hi — ang wika raw ay ang pangunahin at ang pinaka claboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. - Sining ng Pakikipagtalastasan 2. Ayon kay Henry Gleason = ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitaang tunog na pinili at isinaayos sa parang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang o kasapi sa isang kultura o lipunan, MGA TEORYA SA PINAGMULAN WIKA 1. TEORYANG BOW-WOW - Ayon sa teoryang ito, maaaring ang/wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog. ng kalikasan, 2, TEORYANG POOH-POOH = Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin‘ tulad) ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pai Pansinin nga naman ang isang Pilipinong: napapabullalas sa sakit. 3. TEORYANG YOHEHO. - Pinaniniwalaan ng linggwistang si AS. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita Bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. ‘TEORYANG TARARA-BOOM-DE-AY - Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga tunog na nalilikha ng-ating mga ninuno sa mga ritwal na kalauna'y nagpapabago- bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. 5. TEORYANG TATA - Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas 0 galaw ng kamay ng tao na_kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. TEORYANG DINGDONG - Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa_paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa_mga bagay na likha ng tao. 7. TEORYANG LALA - Nakabatay sa mga puwersang may kinalaman_ sa ROMANSA. Ang. salik na nagtutulak saltao upang magsalita, 8. TEORYANG MAMA = Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika mula sa pinakamadaling —pantig. ng. pinakamahahalagang bagay ‘TEORYANG SING SONG >), Iminungkahi ng linggWistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang niga) bulalas-emosyunal, Iminungkahi_ pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga ‘unang salita ay/Satlyang mahahaba at musikal, at hindi maiiktling bulalas na pinaniniwalaan ing marami, 10. TEORYANG HEY YOU! ~ Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga tunog na nagpapakilala ng pagkakakilanlan at pagkakabilang. 11. TEORYANG COO CoO - _Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa wika ng sanggol. Ang mga tunog ay ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa paligid. 12. TEORYANG YUM YUM ~ _ Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang, tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon, Ang pagtugong ito ay —isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng. dila 13. TEORYANG BABBLE LUCKY - Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao, @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. SP et ta iter oer eon rer, 09 Ory 14. TEORYANG HOCUS POCUS Ayon sa teoryang ito, ang wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. 15. TEORYANG EUREKA, Sadyang inimbento ang wika Ayon sa teoryang ito, maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya sa pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. 16. Biblikal na pinagmulan ng wika Lungsod ni Babel. (Genesis 11:1-9) ANTAS NG WIKA ‘Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang A.Pormal + Ito ay ang mga salitang istandard dahil ki ilala, tinatanggap at ginagamit ng higit nalhakararami Jalo na ng mga nakapag-aral ngiwika, = gumagamit ng bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan 1. Pambansa 2. Pamp: © Ito ang “hga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat nngimga paaralan. alto rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan. ikan/Panretorika © Ito naman ang mgaysalitang gamitin ng mga manunulat sa kahilang mga akdang pampanitikan. © Ito ang mga salitang Karaniwang 1. Lalawiganin © Ito ang mga pandayalekto. ‘© Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. © Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, 0 ang tinatawag ng marami na punto. bokabularyong PAMBANSA LALAWIGANIN Mainit Mabanas ito ire dito dine Kalamansi| Kalamundinj Magligpit ‘Mag-imis Asikasuhin Abiarin 2.) Kolokyal ‘© Ito'y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. ‘©. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito. PAMBANSA KOLOKYAL nasaan, nasa'n paano pa'no saakin sa'kin sa iyo sa'yo kailan kelan, ‘mayroon meron . Balbal ‘© Ang mga salitang ito'y tinatawag sa Ingles na slang © Pinakadinamikong antas ng wika ‘© Mababang antas ng wika © Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ito ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak. matatayog, —malalalim, —-makulay, talinghaga at masining. PAMBANSA PAMPANITIKAN Ama Haligi ng tahanan Ina Taw ng tahanan Walang Silbi Patay na Tuod Nanliligaw Naniningalang pugad Kuripot Lawit ang pusod B.Impormal + _ mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang- araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan PAMBANSA BALBAL Kainan ‘Tsibugan Sayawan Yugyugan’ Baril Boga Security guard Sikyo Pulis Lispu Pakipot Makiyeme Kotse Tsikot @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. Nanay Ermat Tatay Erpat Sigarilyo Yosi BARAYTING WIKA . Dayalek/ Dayalekto imensyong heyograpiko wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan 0 pook - pagkakaiba-iba 0 baryasyon sa loob ng isang partikular na wika. Halimbawa: © Pakiurong nga po ang plato (Bulacan - hugasan) © Pakiurong nga po ang plato (Maynila - iusog) 2, Sosyolek = dimensyong sosyal = baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunant ng nagsasalita o sa pangkat na kanyéng kinabibilangan Halimbawa: ‘+ Wiz ko feel ang hombre ditech, day! ‘+ Wow pare, ang tindi ng tama ko! Haven! ‘+ Kosa, pupuga na tayo mamaya, * Girl, bukas nalang tatto mag-lib (library), mag-malling munatayo, 3. Jargon + ang mga tangifig bokabularyo ng isang partikular na pangkatihg gawain Halimbawai © isiplinang Accountancy: © account © debit at credit © revenue © balance! © netincome ‘© disiplinang Medisina at Nursing © diagnosis © check up © therapy © symptom © ward 4. Idyolek = Indibidwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika. + Kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika Halimbawa: ‘© Mike Enriquez ‘+ Kris Aquino Ruffa Mae Quinto Boy Abunda Anabelle Rama KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA 1897 - Saligang Batas ng Biak na Bato - Dito nakasaad na ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng pamahalaang. rebulusyonaryo 1935, + NakasaadijiSa Aftikulo 14 Seksiyon 3 ng Konstitusyon na “Ang)Kongreso ay gagawa ng. mga hakbang tungo ) sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral_na katutubong Mga katutubong wika: Bisaya Waray-Waray Tagalog Hlokano Pangasinense Tiruray Thanag Kapampangan Chavacano Bikolano —_Watan Maranao Hiligaynon ‘Tausug Sambal 1936 = Itinatig.ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Batas Komonwelt blg. 184 upang mamuno sa pag aaral at pagpili sa wikang pambansa. 1937 - Nabuo ang Kautusang Tagapagganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang ‘gagamitin sa pagbubuo ng Wikang Pambansa 1940 = Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang ‘Tagapagpaganap Big. 263 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog- Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang, Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong, bansa. 1954 = Proklamasyon big. 12 © Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas. 1955, - Proklamasyon blg. 186 ©. Inilipat ang pets ang Lingo ng wika mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ng Pangulong Manuel L. Quezon @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. 1959 + Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa 1986 - Proklamasyon Blg 19 kinilala ni Pres. Corazon Aquino ang mahalagang papel na ginampanan ng wikang — pambansa_ na nagbunsod sa bagong pamahalaan 1987 - _Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 ng/Saligang Batas ng 1987, “Ang Wikang Pambansa ng: Pilipinas ay Filipino. Samantalangjnililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa Salig Sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. + Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117) © Ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa/Pilipinas (LWP) - Batas Republika 7104 © Sabisa ng batas na ito, noong ika-14 ng Agosto 1991, itinatag nito ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). 1996 - CHED Memo Blg 59 © nagtadhana ng 9 ma yunits na pangangailangan sa) pangkalahatang edukasyon + Proklamasyon Blg 1041 © ginawang BUWAN ng WIKA ang buwan ng Agosto EBOLUSYON NG ALPABETONG PILIPINO. 1. BAYBAYIN (ALIBATA) = Binubuo ng 17 titik, 3 patinig at 14 na katinig + Nilalagyan ng tuldok sa ibabaw ang isang katinig para ito ay mabigkas nang may kasamang tunog na /e/o fi. + Tuldok sa ilalim naman kung ito ay may kasamang tunog /o/ 0 /u/ ABECEDARIO + Binubuo ng 30 titik na binibigkas nang pa-Kastila 3. ABAKADA = Binubuo ng 20 titik, 5 patinig at 15 katinig 4, MAKABAGONG ALPABETO + Binubuo ng 28 letra, 5 patinig at 23 katinig. + Binibigkas nang pa-Ingles maliban sa f KALIKASAN AT ESTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO. 1. Ponolohiya> makaagham na pag-aaral ng ponema. Ponema Ito ay ang makahulugang tunog ng isang wika. 1. PONEMANG SEGMENTAL - Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas a letra upang mabasa at mabigkas. + Katinig ‘©. Paraan ng artikulasyon © Punto ng Artikulayon ‘*ypPatinig ‘+ Diptonggo ‘+ Ponemangmalayang nagpapalitan + Paresminimal + Kambal-Katinig (Klaster) A. Katinig Paraan ng Artikulasyon = Inilalarawan kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig 0 sa ilong sa pagbigkas. (pailong, pasara, pasutsot, pagilid, pakatal) Punto ng Artikulasyon - Ipinapakita kung sang bahagi ng bibig nangyayari ang pagbigkas. (panlabi, pangngipin, panggilagid, palatal, velar, panlabi-pangipin) B. Patinig BAHAGI NG DILA: Mataas - /i, u/ Gitna - /e, 0/ Mababa - /a/ POSISYON NG DILA: Harap- /i, e/ Sentral - /a/ Likod - /u, o/ €.Diptonggo * Ito ay tawag sa alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ at /y/ sa loob ng isang pantig. SP et ta iter oer eon rer, 09 Ory @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. Mga Halimbawa: Bachay Tu-loy Bey-wang, Ha-nay Ka-suy Giliw Si-siw Ka-lan-say D. Ponemang Malayang Nagpapalitan © Mga salitang katutubong = may nagkakapalitang ponema (/e/ at /i/; /o/ at /u/) ‘Mga Halimbawa: Jalake - lalaki marami - madami noon - nuon E, Pares Minimal + Ang pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon. Mga Halimbawa: Upo - Opo Gulong - Bulong Patay-Palay Lanta - Kanta Misa - Mesa Bahay - Buhay Kulang-Gulang Pusa- Kusa F, Kambal-katinig o Klaster ‘+ Ito ay ang dalawang magkaibang Katinig na magkasunod sa isang pantig, Mga Posisyo1 Posisyong Inisyal pla-no knti-sis - Posisyong Midyal somsbte=ro - Posisyong Pinal is-port in-tri-ga 2, PONEMANG SUPRASEGMENTAL - Walang ponemikong simbolong katawanin - pantulong sa poftemiang segmental na siyang dahilan kung bakit higit na nagiging mabisa ang paggamit ng ponemang. segmental sa ating pakikipagtalastasan Haba o Dii + Ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga man ay magkapareho ng baybay. HALIMBAWA: © /HApon/ (afternoon) bigkas malumanay at may diin sa unang pantig + /ha.PON) (Japanese) bigkas mabilis at may diin sa_ikalawang pantig Tono o Intonasyon ‘+ Ito ay ang pagbaba at pagtaas sa bigkas 0 intonasyon ng pantig HALIMBAWA: * Pupunta ka sa silid-aralan. © Pupunta ka sa silid-aralan? © Pupunta ka sa silid-aralan! C.Hinto o Antala + tumutukoy sa saglit na pagtigil ng Pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. + May hinto rinlSaloob ng pangungusap kung, ‘may kailangang ihiwalay na mga ideya upang hhigit na maunawaan ang nais nitong ipahayag + Sinisimbolo ng / 0 # HALIMBAWA: ‘Hindi siya sijose. + Hindi/siya si Jose» =) Hindi siya, siJose. IL, Morpolohiya- makaagham na pag-aaral ng ‘morpema Morpema- pinakamaliitma yunit ng salita ‘MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO ‘Ang Pagbabagong Morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponema. 1. ASIMILASYON - anumang _pagbabagong nagaganap sa /y/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. PANLAPI bp dshnt pang pam pan mang mam man sing sim sin sang sam san labing labim Tabin kasing kkasim kasin Uri ng Asimilasyo A. Di Ganap na Asimilasyon * ang ponemang /n/ ay nagiging /n/ 0 /m/ 0 nananatiling /9 dahil sa kasunod na tunog, Kapag ikinakabit’ sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ 0 /b/, ang /n/ ay nagiging /m/. pang- + paaralai pang- + baya D) Semana nn en ec @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. pang: + politika _pampolitika Nagiging /n/ naman ang huling ponemang /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, sJ,r,t/. pang: + dikdik pandikdik pang: + taksi pantaksi pang: + loob panloob pang: +luto panluto B. Ganap na Asimilasyon + bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala na rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil ito ay inaasimila 0 napapaloob na sa sinusundang ponema, HALIMBAWA: pang: + palo > pampalo> pamalo pang: + tali > pantali > panali May mga salitang maaaring gamitan ng alinmah sa dalawang uring asimilasyon, ngunit mgaySalitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong i ganap. HALIMBAWA: pang- + kuha > pangktha/panguha pang; + tabas > pangtabas/panabas 2. PAGPAPALIT NG PONEMA A. (dr) ‘© Ang ponémang /d/ sa posisyong inisyal ng salitatg nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/\kapag patinig ang huling ponema ng unlapi. HALIMBAWA: ma- + dapat= marapat ma- + dunong = marunong, ‘+ May mga halimbawa namang afigy/d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng an 0 -in, ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/ HALIMBAWA: lapad + -an = laparan tawid +-an = tawiran B.(h>n) ‘+ Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsulat ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/. HALIMBAWA: tawah + -an> tawahan> tawanan €.(0>u) * ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat_na hinuhulapian 0 salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng salita. HALIMBAWA: dugo + an duguan mabang6 > mabangung-mabango 3. METATESIS- Kapag ‘ang salitang-ugat na nagsisimula sa /1/ 0 /y/ ay nilalagyan ng gitlaping - in-, ang fi/ at Jn/ ay nagkakapalitan ng posisyon. HALIMBAWA: in- + lipad = nilipad (linipad) niyaya (yinaya) -in- + amon = nilamon -in- + yakap = niyakap in-+ lindol. = nilindot ‘May mga salitang Ragkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng posisyon ng dalawang morpema. HALIMBAWA: tanim +-an = taniman > tamnan 4. PAGKAKALTAS NG PONEMA- Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito. HALIMBAWA: takip + -an = takipan > takpan kitil +-in = kitilin > kithin 5. PAGLILIPAT-DIIN- May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian, Maaaring malipat ng isa 0 dalawang pantig ang diin patungong huling pantig 0 maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita, HALIMBAWA: bAsa + -hin > basAhin ka- + sAma + han > kasamahAn lar + -an > laruAn 6. REDUPLIKASYON- Pag-uulit ito ng pantig ng salita, Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami. HALIMBAWA: aalis, _ matataas, masasaya, @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. magtataho, _ pupunta, ‘TANDAAN: Maaaring may dalawa o higit pang pagbabagong morpoponemiko ang magaganap sa isang salita. HALIMBAWA: mang- + dagit > mandagit (asimilasyong di ganap)> mandadagit | (reduplikasyon)> —— mandaragit (pagpapalit ng ponemang /d/ > /r/)= PAGPAPALIT NG PONEMA ‘BAHAGING PANANALITA I MGA SALITANG PANGNILALAMAN ‘A.Mga Nominal + Pangngalan + Panghalip B. Pandiwa C. Mga Panuring © Pang-uri + Pang-abay ‘A.NOMINAL 1. PANGNGALAN- salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari. Dalawang Klasipikasyon.ng PANGNGALAN: a. Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat. + Pangngalan )Pantangi, - tumutukoy sa tanging ngalaneng tao))bagay, lugar (0 pangyayari Pia Catriona Mongol Davao City Ms. Universe + Pangngalan Pambalana - karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari babae aso lapis lungsod paligsahan b. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa ng bagay na tahas o hindi tahas. + Tahas- kung tumutukoy sa bagay na materyal. tao hayop pagkain + Basal- tinutukoy ay diwa o kaisipan at hindi ang materyal na bagay ganda uti pag-asa bait 2, PANGHALIP- ay bahagi ng pananalita na inihahali © ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi ‘magandang pakinggan. Uri at Halimbawa: 1. Panao ~akopsiya, sila 2. Paati = akin, kaniya, kanila, amin 3,Pananong- sino, ano, kailan 4, Pamatlig - dito, doon 5. Pamilang - ian, marami 6. Panaklaw - madia, pangkat Panauhan ng Panghalip ‘a,Unang Panauhan (nagsisilbing tagapagsalita) ako ko kami tayo , Ikalawang Panauhan (taong kausap) ikaw ka kayo: ¢ Ikatlong Panauhan (ang tinutukoy) siya sila keanila kanya B, PANDIWA- salitang tumutukoy sa kilos o galaw ng salita o mga salitasa loob ng pangungusap Tinig ng Pandiwa a. Tukuyan (active voice)- kung ang paksa ay siyang tagaganap ng pandiwa. Halimbawa: ‘Ako ay kumuha ng bilao kina Aling Cora. b. Balintiyak (passive voice)- kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na paksa at ang nasabing tagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa. Halimbawa: ‘Ang bilao ay kinuha ko kina Aling Cora. Pokus ng Pandiwa + tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa at paksa ng pangungusap. a. Pokus sa Tagaganap- ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa. ‘mag-, um-, mang-, maka-, at makapag- D) Semana nn en ec @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. Halimbawa: Kumain ng suman at manggang hinog ang bata. b. Pokus sa Tagatanggap- ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang paksa sa pangungusap. i, ipang,at ipag- Halimbawa: Tbinili ni Wally ng ilaw na kapis ang pinsan ko. Ipinagluto ni Jeanie ng sinigang si Merlie, ¢. Pokus sa Layon- nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang layon ang paksa/binibigyang-diin sa pangungusap (tumatanggap ng kilos ay isang bagay) i, -an, ipa-,at-in- Halimbawa: Kinain ng bata ang suman at mangga. d. Pokus sa Kagamitan/Instumento- nagsasdad na ang kasangkapan o bagay na_ginagarit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang paksa ng pangungusap. ipina-, ipang-, maipang- Halimbaw: Tpinampunas ko ‘ng mga kasangkapan ang basahang malinis. e. Pokus Direksyon- ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng’ kilos ng pandiwa, (may eksaktong lugar) -in, -an,¢han Halimbawa: Pinagpasyalan ng aking mga panauhing. kabilang sa Peace Corpsang People's Park. f, Pokus sa Ganapan- ang paksa ay lugar o ganapang kilos. (walang eksaktong lugar) -an, -han, pag-an, pinag-an, pang-an Halimbawa: Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang, bakuran. & Pokus Sanhi- ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan 0 sanhi ng kilos. i, tka-, ikapang- Halimbawa: Ipinagkasakit niya ang labis na pagtatrabaho. Aspekto ng Pandiwa a. Perpektibo- ang kilos ay natapos na b. Perpektibong Katatapos- katatapos lamang ng kilos (inuulapian ng panlaping ka- at inuulit ang unang pantig ng salitang ugat) ¢. Imperpektibo- ang kilos ay nasimulan na ngunit kasalukuyan pang ginagawa 4. Kontemplatibo- ang kilos ay hindi pa nasisimulan Perpektibo | Perpektibong | Imperpeltibo | Kontemplatibo Katatapos umakyat_ | kaaakyat_[umaakyat aakyat naginis | _kalilinis. | naglilinis — | _magliinis niregaluhandjgkareregalo} | nireregaluhan | reregalukan binasa_|kababasa | dbinabasa |" babasahin C. PANURING 1. PANG-URE ayy mga salitang naglalarawan 0 Hagbibigay ng katangian.at bilang sa pangngalan at panghalip. Halimbawa: '* Mataniisjang inihaing mangga ni Aling Ising. '* Napakaganda nga ng bistidang iyan! © Siya ay higit na fhatalino kaysa sa kanyang kuya. "Ang sasakyan ay Kulay pula. Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon. 2. PANG- ABAY- ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, 0 kapwa pang-abay. Halimbaw: * Dahan-dahang umalis ang mga bata. * Mabilis na hinuli ng bata ang palaka. + Talagang maganda si Mamita. © Minsan lang kitang iibigin. II MGA SALITANG PANGKAYARIAN ‘A. Mga pang-ugnay + Pangatnig + Pang-angkop + Pang-ukol B. Mga Pananda + Pantukoy © Pangawing n: “ay” A. MGA PANG-UGNAY 1. PANGATNIG- ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa 8 D) Semana nn en ec @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. parirala, 0 ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap. Halimbawa: at kapag kasi samakatuwid © upang ngunit samantala na kaya habang sapagkat + Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay. © Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain. 2. PANG-ANGKOP- ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas 0 magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito. Uri ng Pang-angkop a. Pang-angkop nana naunang salita ay nagtatapos sa mga/Katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay Sa, mga salitang pinag-uugnay.-Ito ay mag-uugnay ) ng dalawang salita na kung saanng Halimbawa: ‘Ang malinis na hangin ayating kailangan, b. Pang-angkop na -ng Ito ay isinusulat karigtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, €)i,0 u). Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ngimga puno ang baha. . Pang-angkop na-g -ginagamit kung ang salitang durugthngan ay nagtatapos sa titik nan Halimbawa: Masayang binuksan ni Romina ang kahong natanggap. 3. PANG-UKOL- nag-uugnay sa _pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa pangungusap. Para sa/kay ‘yon sa/kay Hinggila sa/kay Alinsunod sa/kay Tungkols sa/kay Ukol sa/ kay Laban sa/kay Iba pang halimbawa + Ng- ugnayan sa pagitan ng isang bahagi at ng isang kabuuan (anak ng bayan, mata ng tao) + Sa- inuukol ang isang bagay ay nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay. (kamay sa Aibdib, ipinalabas sa telebisyon) B. MGA PANANDA. 1, PANTUKOY- ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan 0 pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri a. Pantukoy na Pambalana- tumutukoy sa mga pangngalang pambalana ana\isahan) Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tlong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. ‘mga (maraimihan) Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang ‘mga tagasunod. b, Pantukoy na Pantangi- tumutukoy sa pantanging ngalan ng tao si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro. sina (maramihan) Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng barangay sina G. at Gng. dela Cruz. ni (isahan) Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras. nina (maramihan) Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at Luis. kay (isahan) Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam. D) Semana nn en ec @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. kina (maramihan) Halimbawa: Nakipagkasundo na si Blai kina Juan at Pedro. 2, PANGAWING- ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap. Ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos pangungusap. Ang una ang panag- uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos Halimbawa: ‘+ Ako ay galing sa banyo. © Ang mga mag-aaral ay nagsisipagtungo sa aklatan, KAYARIAN NG MGA SALITA 4. PAYAK -Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal naisalita. Halimbawa: Alay Kahoy Bango Araw Dasal_ Dahon Lakad Gabi Halimbawa: gunamgunam alaala guniguni gamugamo paroparo sarisari 2, MAYLAPL -Ito ay mga salitang binubuo ng Salitang-ugat na may kasamang isa o higit pang panlapi. Halimbawa: matubig ‘pagsumikapan tatapangan sumpaan Paglalapi Tumutukoy sa pagbuo ng salita sa papapagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat. Halimbawa: Panlapi + s.u. > salitang maylapi + um-+ikot = umikot + -hin+sabi = sabihin © -um-+sama_=sumama Mga Paraan ng Paglalapi © Pag-uunlapi Um-+alis =umalis Ipa-+hakot — =ipahakot © Paggigitlapi -um- + talikod =tumalikod -in-+ Dati =binati © Paghuhulapi ~in+walis =walisin -hin+ samba =sambahin © Pag-uunlapi at paggigitlapi Mag: + -um-+sikap — =magsumikap Nag-+-um-+samo — =nagsumamo © Pag-wunlapi at paghuhulapi (KABILAAN) Pag-+tibay+-an =pagtibayan In- + awit +-an © Paggigitlapi at paghuhulapi -in- + taasi+=an -ine+ wika + -an © Pag-unlapi, pageigitla (LAGUBAN) at paghuhulapi Pag + -um- + sikap + -an =pagsumikapan 3yINUULIT -Ang)buong salita ay inuulit\ojkaya naman, ang isa, 0 higit pang patinig ay inuulit. Salitang Ugat Pag-uulit © gabi > gabi- gabi * araw > araw-araw = Tukso >) lulukso * penta > bebenta 4. TAMBALAN ~Tawag sa pagsasama ng dalawang salita. Halimbawa: Bahag+hari =bahaghari Patay + gutom =patay-gutom Bahay +kubo = bahay-kubo Bantay+salakay = bantay-salakay Hatid+sundo = hatid-sundo BAHAGI NG PANGUNGUSAP PANGUNGUSAP- lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. * Paksa/simuno- —pina-uusapan sa pangungusap. © Panaguri- nagsasabi simuno tungkol sa paksa AYOS NG PANGUNGUSAP ‘A. Karaniwang ayos- nauuna ang panaguri kaysa simuno/paksa. (walang “ay” sa pangungusap) Halimbawa: Watak-watak kami, Matalino si Ben. 10 D) Semana nn en ec @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. B. Di-karaniwang ayos- nauuna ang paksa at ginagamit ng panandang “ay”. Halimbawa: Lahat ng tao ay may natatagong talento. Ito ay paalala sa ating lahat. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA 4. NANG at NG A. NANG a. Karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga kaugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay. Halimbawa: ‘+ Mag-impok ka NANG may magamit ka sa oras ng pangangailangan. ‘+ Matutong magbanat ng buto NANG hindi naghthikahos sa buhay. b. Nagmula sa ‘na’ at inangkupan ng ‘ng’ at inilalagay sa pagitan ng PANDIWA at ng PANURING fit. iisip NANG mabuti si Edward bago mabuo ang kanyang desisyon. ‘+ Nagpasa si Paulingng proyekto NANG maga. . Ginagamit sa gitnasfig dalawang salitang inuulit Halimbawa: + suklay nang suklay ‘+ magripon nang mag-ipon ‘+ nagdasal nang nagdasal B.NG a. Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. Halimbawa: © Nagkamit siya NG karangalan dahil sa pagsisikap niya sa pag-aaral. © Ang magtanim NG buti ay buti rin ang aanihin b. Ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Halimbawa: + Tinulungan NG guro na makatapos ng pag- aaral ang kanyang mag-aaral ‘+ Niligawan NG binata ang mabait na dalaga. c. Ginagamit kapag nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay o katangian. Halimbawa: © Ang ani NG magsasaka ay naipagbili sa malaking halaga. © Ang kinabukasan NG anak ang laging iniisip ni Aling Marya. MAY at MAYROON A.MAY a. Ginagamit kapag sinusundan ng PANGNGALAN. Halimbawa: MAY pera sa basura. © Kung MAY lungkot MAY ligaya. b, Ginagamit kapag sinusundan ng PANDIWA. Halimbawa: © MAY dadaluhaimkaming handaan sa linggo. + MAY natanggap akong mabuting balita MAY c. Ginagamit kapag sinusundan ng PANG-URI. Halimbawa: * MAY Kahali-halinang mukha)Jang artistang ‘yan, © MAY magarang Kotse si Camille. . Ginagamit Kapag sinusundan ng PANGHALIP PANAO SA KAUKULANG PAARI, Halimbawa: © MAY kanya-kanyang bahay na ang anim na anak ni Mang Danilo. © Ang mga anak, Aling Anna ay may kani- kanila nang kabuhayan B. MAYROON a. Ginagamit Kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito. Halimbawa: + MAYROON pa bang kape at asukal? + MAYROON po sana akong gustong sabihin, b, Ginagamit sa panagot ng tanong. Halimbawa: * May pera ka ba? MAYROON. * May naipasa ka bang takdang-aralin? MAYROON. 3. SUBUKIN at SUBUKAN A. SUBUKIN ~ Ang ‘subukin’ ay nangangahulugan ng pagsusuri pagsisiyasat sa uri, lakas, o kakayahan ng isang tao 0 bagay. Halimbawa: © SUBUKIN. mong pangaralan siya at baka makinig sa ‘yo. * SUBUKIN. mo ang katapatan ng kanyang niloloob sa iyo. B. SUBUKAN = Ang ‘subukan’ ay nangangahulugan ng pagmamanman upang malaman ang ginagawa ng tao o mga tao. uu @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. Halimbawa: © SUBUKAN natin kung saan talaga siya nakat + SUBUKAN mo nga ang anak mo kung saan siya nagpupunta pagkatapos ng klase. 4, PAHIRIN at PAHIRAN A. PAHIRIN - Ang ‘pahirin’ ay nangangahulugan ng pag-alis 0 Pagpawi ng isang bagay. Halimbaw. ‘+ PAHIRIN mo ang sobrang lipstik sa iyong labi. ‘+ PAHIRIN mo ang pawis sa iyong likod. PAHIRAN + Ang ‘pahiran’ ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay. Halimbawa: + PAHIRAN mo ng manzanilla ang tiyan ng sanggol. + PAHIRAN mo nga ng mantekilya ang baon! niyang tinapay. 5. OPERAHIN at OPERAHAN ‘A. OPERAHIN -Tinutukoy ng ‘operahin’ ang tiyak na bahaging titistisin Halimbawa: ‘+ Nakatakdang OPERAHIN ang mga))mata ni Mang Julio sa Martes. ‘+ Ipinasya ng doktor na OPERAHIN na lang bukol sa tiyan ng pasyente. B. OPERAHAN -Tinutuk6y ng ‘operahan’ angitao hindi ang bahaging katawan, Halimbaw. ‘+ Habang INOOPERAHAN si Rhodora ay panay ang dasal ng kanyang anak nasi Lisabeth. © Ooperahan nang doktor ang naghihirap na bulag. 6. PUNASIN at PUNASAN ‘A. PUNASIN -ang ‘punasin’ ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man. Halimbaw: ‘© Punasin mo ang alikabok sa mesa. ‘+ Punasin mo ang uling sa iyong pisngi B. PUNASAN + ang ‘punasan’ ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man. Halimbawa: ‘© Punasan mo ang mesa. ‘+ Punasan mo ang iyong pisngi. PINTUAN at PINTO A. PINTUAN intuan’ ay ang kinalalagyan ng pinto (doorway). Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto. Halimbawa: + Nakaharang sa PINTUAN ang bagong biling refrigerator. B. PINTO = Ang ‘pinto’ (door) ay bahagi ng daanan na isinasara o ibinubukas. Halimbawa: + Tiyaking nakakandado nang mabuti ang PINTO bago matulog sa gabi. 8. IWAN at IWANAN A.IWAN -Ang ‘iwan’ [to leave something) ay frangangahulugang huwag isama/ dalhin, Halimbawa: WAN mona siya at mahuhuli ka sa lakad mo. B.IWANAN - Ang ‘iwanan’ (to\leave something to somebody) ay jhangangahulugang bigyan ng kung ano ang isang tao, Halimbawa: ‘© IWANAN mo ako ng pambili ng gamot ng anak mo. 9. TUNGTONG, TUNTONG AT TUNTON (A.TUNGTONG- ay panakip sa palayok o kawali Halimbaw: ‘+ Hindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina B. TUNTONG- ay pagyapak sa ano mang bagay Halimbaw. ‘© Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya, €. TUNTON- ay pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay Halimbawa: ‘* Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta, 10. DIN at DAW, RIN at RAW A. DIN AT DAW + ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa wat y. Halimbawa: ‘© Masakit DAW ang ulo ni Malou kaya hin siya nakapasok sa klase. 2 @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. © Magtatanghal DIN ng dula ang Kagawaran ng Filipino. © Nakapagsulat DIN ng aklat si Kim, B. RIN AT RAW- ginagamit kung ang sinusundang, salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w aty. Halimbawa: ‘* Si Darwin ay katulad mo RING masipag mag- aral. + Tkaw RAW ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan. ‘+ May bahay RIN sa Malabon sina Mr. Lingkod. 11. WALISIN at WALISAN ‘A. WALISIN = tumutukoy sa bagay (precede the object to be swept) Halimbawa: © Walisin natin ang basura sa dan. ‘* Winalis niya angmga tuyong nalaglag sa lupa. dahong B. WALISAN - tumutukoy sa lugar (precede the name of the place to be swept) Halimbawa: ‘* Walisan natin ang tabing‘ilog. + Nakalimutan niyang ¢walisan ang likod- bahay. 12. HAGDAN at HAGDANAN A. HAGDAN -mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay 0 gusali Halimbawa: + Mabilis niyang, inakyat)ang hagdan upang marating ang Klinik. B. HAGDANAN bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan Halimbawa: ‘+ Matibay ang hagdanan ng Kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol. 13. SUNDIN at SUNDAN ‘A. SUNDI -sumunod sa payo o pangaral. Halimbawa: ‘+ Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas. B. SUNDAN -gayahin ang ginagawang iba o pumunta sa pinuntahan ng iba. Halimbawa: * Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matutong magluto. * Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo. PANITIKAN DALAWANG ANYO NG PANITIKAN 1, Prosa- anyo ng panitikan na patalata 0 ang karaniwang takbo ng pangungusap at gumagamit ng payak at direktangipaglalahad ng kaisipan 2. Patula*ang anyo ng panitikan na pataludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan at gumagamit ng masining at matalinghagang salita, AKDANG TULUYAN. Pabula Parabula Alamat Maikling Kuwento Anekdota ‘Talumpati . Sanaysay 8. Dula 9, Balita 10)Kasaysayan 11. Talambuhay 12, Nobela 13, Mitolohiya 14, Ulat Nowaenr AKDANG PATULA A. TULANG PASALAYSAY - ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, halimbawa'y ang kabiguan sa pag-ibig ang mga suliranin at’ panganib sa pakikidigma o kagitingan ng mga bayani. Halimabawa: © EPIKO © AWITATKORIDO © BALAD B, TULANG LIRIKO- tulang naglalahad ng mga masidhing damdamin, imahinasyon at karanasan ng tao at kadalasang inaawit. Halimbawa: AWITING BAYAN PASTORAL SONETO ELIHIYA DALIT 3 @ FALCULAN TWINS’ REVIEW CENTER. + ODA C. TULANG PADULAAN- tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado. Halimbawa: ‘TRAHEDYA KOMEDYA MELODRAMA PARSA SAYNETE ZARZUELA MORO-MORO SENAKULO + TIBAG * PANUNULUYAN D. TULANG PATNIGAN- tula ng _pagtatalo, pangangatwiran at tagisan ng talino. Halimbawa: KARAGATAN DUPLO BALAGTASAN Mga Awiting Bayan 1. Oyayi /hele- pagpapatulog ng bata) 2. Kundiman at Balitaw- pag-ibig 3. Diona- panliligaw 0 kasal 4. Dung-aw-/pagdadalamhati o pagluluksa sa patay 5. Soliranin- pagsasagwan 6. Salagintok- pakikipagkaibigan 7. Sambotani- tagumpay 8. Umbay- paglilibing MGA BANTOG NA MANUNULAT NG PANITIKANG PILIPINO. 1, Jose Rizal (Laong-laan/Dimasalang) > Noli Me Tangere at El Filibusterismo > Filipinas Dentro de Cien Affos (Ang Pilipinas Pagkalipas ng 100 Taon) > Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino) ~ > Sa Mga Kababayang Dalaga sa Malolos (liham)- > MiUltimo Adios 2, Marcelo H. del Pilar (Dolores Manapat; Pupdoh; Piping Dilat; Plaridel) > Kalingat Kayo > Dasalan at Tocsohian > Ang Cadaquilaan ng Diyos > Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas 3. Graciano Lopez-Jaena > Pray Botod > Laliija del Praile Jose Maria Panganiban (Jomapa) Mariano Ponce (Naning; Tikbalang; Kalipulako) 6. Isabelo de los Reyes- nagtatag ng Iglesia Filipna Independencia 7. Pedro Paterno- Nina» kauna-unahang “nobelang panlipunan” sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino, 8. Pascual Poblete -Ama ng Pahayagang Tagalog 9. Apolinario Mabini “Utak ng Himagsikan” 10. Andres Bonifacio - Maylakda ng *Pag-ibig sa tinubvang lupa’, Kinilalabilang "Ama ang Himagsikan” 11. Lope K. Santos - nobelista at mambabalarila (grammarian); Amaing Balarilang Tagalog 12. Jose Corazon de Jesus - “Huseng Batute’ *Makata)ng Puso/Pag-ibig’. May Akda ng “Ang Punong Kahoy" 13. Amado V. Hernandez - Manggagawa” “Makata ng mga 14. Severino Reyes - “Ama ng Dulang Tagalog’ Mga Kuwento ni Lola Basyang 15. Aurelio Tolentino - “Ama ng Dulang Kapampangan” 16. Juan Crisostomo Sotto - “Ama ng Panitikang Kapampangan” 17. Zoilo Galang ~ nagsulat ng unang nobela sa Ingles na pinamagatang “A child of Sorrow.” 18. Alejandro G. Abadilla - kinikilalang “Ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog. Sikat siya sa kanyang akdang “Ako ang Daigdig” 14

You might also like